You are on page 1of 1

Prayer Before Rehearsal

Panginoon nagpapasalamat kami sa Iyo ngayon sa Iyong pagtawag at pagtipon sa amin muli dito sa Iyong
simbahan.

Para sa Iyong patuloy na pagkilos sa buhay ng bawat isa sa amin dito sa Ministry na ito. Sa lahat ng
biyaya na ipinagkaloob Mo sa amin sa pag-awit, pag-tugtog, at sa pag-sayaw. Lalo at higit sa biyaya ng
pusong laging handang maglingkod sa Iyo.

Panalangin ko po Panginoon na patuloy na lumago at maging matatag ang aming pananampalataya,


pagtitiwala at paniniwala sa Iyo sa mga oras na ito.

Alay namin sa Iyo ang Panginoon ang aming buhay para sa Iyong kapurihan nang sa gayon kami ay
maging daluyan ng Iyong pagpapala, kagalingan at kalakasan sa mga taong dadalo sa misa ngayon na
nangangailangan ng Iyong presensiya.

Lahat ng ito ay dalangin namin sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like