You are on page 1of 1

Prayer Before Rehearsal

Panginoon narito kaming muli upang magpasalamat sa Iyo para sa araw na ito, sa pagkakataong
makapag bigay papuri at maglingkod sa Iyo para sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Mo sa amin.

Maraming salamat Panginoon sa patuloy na pagtugon sa aming mga panalangin, sa mga panalangin ng
simbahang ito ng mga namumuno sa amin.

Nagpapasalamat din ako para sa bawat isang miyembro ng Ministry na ito na patuloy na nagbibigay ng
kanilang oras, panahon at talento para makapag silbi sa Iyo sa simbahang ito.

Panginoon patuloy po sanang gamitin Mo ang bawat isa sa amin tungo sa ikauunlad ng simbahang ito sa
Ministry na itinalaga Mo para sa amin at nawa’y kami ay maging daluyan ng Iyong pag-asa,
pananampalataya, kagalakan at pag-ibig.

Lahat ng ito ay dalangin namin sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like