Professional Documents
Culture Documents
Nobena Kay San Antonio de Padua
Nobena Kay San Antonio de Padua
PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako
sumasampalataya at nananalig na kailanma’y
hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa
lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking
mga kasalanan. Mamatay na muna bago
magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago
mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng
lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha
upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos
Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili
sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang
lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang
kabanalan at tularan ko ang aking
maluwalhating tagapag-ampon na si San
Antonio de Padua at dahil sa kanyang
pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong
pangangailangan sa katawan at kaluluwa at
lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung
lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng
kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong
Panginoon namin. Siya nawa.
PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA
ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio, lirio ng
kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano,
querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig
sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na
ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang
pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at
kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo
ng buong tiwala at pagpapakumbaba na
tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga
hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi
mailigtas ang kaluluwa namin.
Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa
pagsintang naranasan mo noong ang matamis
na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga
bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga
kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong
dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang
makalunas sa aming kailangan at makapuno ng
lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano
kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo
Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang
iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga
bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan
kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-
ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin,
aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa,
ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin,
mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas.
Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung
kaya't binabati ka namin, O maluwalhating
katoto ng Panginoon. Kami ay
nangangayupapang itinataas ang aming mga
pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At
naghihintay na sa pamamagitan mo ay
ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga
sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan.
(Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng
pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at
aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at
ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa
iyo. Siya nawa.