You are on page 1of 6

PANALANGIN KAY

SAN ANTONIO DE PADUA


(Tuwing Martes na debosyon sa Simbahan ng Tundo, Maynila)
PANALANGIN KAY
SAN ANTONIO DE PADUA

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

PAGSISISI (Nakaluhod)

Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na


kalianma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng
bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na
muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay
sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala,
mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin
ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay
sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at
tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San
Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang
lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na
ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at
ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon
namin. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN


(Nakaluhod)
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng
mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa
Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng
Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at
kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at
pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga
hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa
namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang
naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa
iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan.

1
Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay
sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod
sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong
niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong
pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito
at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig.
Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang
iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga
alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring
makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng
Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga
pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa
pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga
sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang
inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa
namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si
Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

LITANYA SA KARANGALAN NI SAN ANTONIO DE PADUA (Nakaluhod)

Panginoon, kaawaan mo kami


Kristo, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, pakinggan Mo kami
Kristo, paka-pakinggan Mo kami
Diyos Ama sa langit, kaawaan mo kami
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, kaawaan mo kami
Diyos Espiritu Santo, kaawaan mo kami
Santisima Trinidad, Tatlong Persona sa iisang Diyos, kaawaan mo kami
Santa Maria, Ipanalangin Mo kami*
Santa Maria Ina ng Diyos*
Santang Birhen ng mga Birhen*
San Antonio De Padua*
San Antonio, luwalhati ng mga Hermana Menor*
San Antonio, lirio ng kapurihan*

2
San Antonio, hiyas ng kahirapan*
San Antonio, halimbawa ng pagkamasunurin*
San Antonio, salamin ng pagpipigil*
San Antonio, sisidlan ng kalinisan*
San Antonio, tala ng kabanalan*
San Antonio, huwaran ng ugali*
San Antonio, isa sa mga kagandahan ng paraiso*
San Antonio, kaban ng tipan*
San Antonio, taga-ingat ng banal na kasulatan*
San Antonio, taga-aral ng biyaya*
San Antonio, guro ng katotohanan*
San Antonio, tagapag-paalis ng mga bisyo*
San Antonio, taga-tanim ng mga kabanalan*
San Antonio, tagapag-pasuko ng may maling pananampalataya*
San Antonio, kinatatakutan ng mga taksil*
San Antonio, taga-aliw ng mga nagdadalamhati*
San Antonio, kinatatakutan ng mga demonyo*
San Antonio, sindak ng impiyerno*
San Antonio, taga-gawa ng himala*
San Antonio, taga-sauli ng nawawala*
San Antonio, tulong ng nangangailangan*
San Antonio, taga-taas ng mahihirap na Diyos*

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Iligtas Mo kami Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Pakapakinggan Mo po kami Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Kaawaan Mo kami Panginoon.

IPANALANGIN MO KAMI MALUWALHATING SAN ANTONIO,


Nang kami’y maging dapat na magtamo ng mga pangako ni
Hesukristo

3
MANALANGIN TAYO
Panginoong Diyos, pinuspos Mo ang Iyong mahal na lingkod na si San
Antonio ng maligayang karangalan. Pinili Mo siya't hinirang at kami ay
nagpupuri't nagpapasalamat sa lyo ng walang hanggan sapagkat
pinuspos Mo siya ng husay at pagpapala. Ipinakiki-usap namin sa lyo
alang-alang kay San Antonio at sa kaniyang mga gawaing magaling na
ilayo Mo sa aming kaluluwa ang mga karumihan na nagpapadilim dito.
Kami nawa ay makasunod sa Inyong banal na kalooban at pagkalooban
ng biyaya kung ito ay para sa inyong higit na kaluwalhatian at
kaginhawahan ng aming kaluluwa. Amen.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO


(Nakaluhod)

O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating


kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong
mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya
na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y
Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa
Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa
Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO (Nakaluhod)

Namumuno: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at


manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
Namumuno: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika
at sa gawa

Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

Namumuno: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga


tumatawag sa iyo

Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

4
Namumuno: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at
karangalan ng Orden ni San Francisco

Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

Namumuno: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na


pinarangalan ng Niño Hesus

Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

MANALANGIN TAYO

Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon


ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas
dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng
ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming
Panginoon. Siya nawa.

San Antonio de Padua, matapat na alagad ng Sangol na si Hesus.


Ipanalangin mo kami..

Ama Namin..... Aba Ginoong Maria...... Luwalhati..

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

You might also like