You are on page 1of 2

PATALASTAS

Mayo 27-28 2023

Magsiupo muna po ang lahat para sa mga paalaala;

1. Ang Ritu ng Pagwawakas ng Flores de Maria ay sa Ika-tatlumpu’t-isa ng


Mayo. Ang Misa ay sa ganap na ika-anim ng gabi na susundan ng
Solemneng Prusisyon.
2. Sa ikalawa ng Hunyo, unang Biyernes ng buwan ay magkakaroon po tayo
ng Buklod Dalangin dito sa loob ng Simbahan sa ganap na ikapito ng gabi.
3. Ang Unang Sabado ng bawat buwan ay inilalaan sa pamimintuho
sa Mahal na Birhen ng Candelaria, tayo po ay inaanyayahan na dumalo
sa Dawn Procession sa ikatlo ng Hunyo sa ganap na ikalima ng umaga.
Magtangan po tayo ng kandila sa prusisyon.
4. Sa ikasampu hanggang ika-labing pito ng Hunyo, ang ating Dambana at
bibisitahin ng Pilgrim Image of Our Lady of Lourdes mula sa Pambansang
Dambana ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Quezon City, kaugnay nito,
ang Ritu ng Pagtanggap at Pagluklok ay sa ikasampu ng Hunyo sa ganap
na ika apat ng hapon. Ang Solemneng Misa para sa may mga karamdaman
ay sa ikalabing apat ng Hunyo sa ganap na ika-anim ng gabi na susundan
ng pagpaparangal sa Relikya ni Santa Bernardita Soubirous. Ang Ritu ng
Pamamaalam ay sa ika labing-pito ng Hunyo sa ganap na ika-apat ng
hapon. Ating salubungin at parangalan ang Birhen ng Lourdes sa kanyang
pagdating sa Bayan ng Tundo.

5. Ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng


Panginoon O Corpus Christi ay sa ika labing-isa ng Hunyo. Magkakaroon
po ng Solemneng Misa sa ika-sampu ng Hunyo sa ganap na ika-lima ng
hapon at susundan po ito ng Prusisyon ng Banal na Sakramento sa ganap
na ikaanim ng gabi. Sa mga kalsadang daraanan ng prusisyon, mainam na
magsindi ng kandila sa labas ng inyo mga tahanan at lumuhod sa pagdaan
ng Santissimo Sakramento.

6. Ang Paggunita kay San Antonio de Padua ay sa ikalabintatlo ng Hunyo.


Magkakaroon tayo ng Triduum mula ika-sampu hanggang ikalabindalawa
ng Hunyo sa ganap na ika-pito ng umaga. Sa araw ng paggunita ay
magkakaroon po ng pamamahagi ng tinapay sa bawat Misa. ang
Solemneng Misa ay sa ganap na ika-anim ng gabi na susundan po ito ng
Prusisyon.
7. Sa ikalabing-anim ng Hunyo ay ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-
mahalang Puso ni Hesus. Magkakaroon po tayo ng nobena mula ika-pito
hanggang ikalabinlima ng Hunyo sa ganap na ikalima at kalahati ng
hapon.

8. Ang ating Parokya ay magkakaroon po ng Kasalang Pamparokya sa buwan


ng Hulyo. Sa mga nagsasama at nais magpakasal sa Simbahan, makipag-
ugnayan lamang po kay Brother Richard Sacapaño at sa opisina ng
Parokya.

Maraming salamat po.

You might also like