You are on page 1of 5

NOBENA KAY SAN ANTONIO DE PADUA

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu


Santo. Amen.

PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako
sumasampalataya at nananalig na kailanma’y
hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa
lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking
mga kasalanan. Mamatay na muna bago
magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago
mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos
na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang
hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa
akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa
paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat
ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at
tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-
ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa
kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat
kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa
at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung
lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng
kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong
Panginoon namin. Siya nawa.
PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA
ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan,
hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin
ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos.
Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos
sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng
pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan,
ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at
pagpapakumbaba na tulungan mo kami.
Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang
aming takot na baka hindi mailigtas ang
kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa
iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong
ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa
iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang
aming mga kailangan. Isa lamang buntong
hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay
sapat na upang makalunas sa aming kailangan
at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo
kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong
niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa
Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang
mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at
pakinggan kami, alang alang sa iyong di
masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay
makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang
iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga
damdamin, mga alinlangan ukol sa aming
ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring
makita kung kaya't binabati ka namin, O
maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay
nangangayupapang itinataas ang aming mga
pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At
naghihintay na sa pamamagitan mo ay
ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga
sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan.
(Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng
pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming
ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi
si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA


BISIG NI SAN ANTONIO
O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng
namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng
buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at
alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at
biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na
ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin,
yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo
namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong
patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa
ang tamis ng Iyong pagdalaw.
MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO
1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi
at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa
iyo.
2. Pari: San Antonio ng Padua,
makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa
iyo.
3. Pari: San Antonio ng Padua, laging
mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa
iyo.
4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng
Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San
Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa
iyo.
5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig
na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa
iyo.
MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong
Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at
Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas
dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat
magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-
alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya
nawa.

SAN ANTONIO DE PADUA,


IPANALANGIN MO KAMI!

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu


Santo. Amen.

You might also like