You are on page 1of 1

Prayer Before Rehearsal

Panginoon nananalangin kami sa Iyo ngayon upang magpasalamat sa araw na ito na muli ay binigyan mo
kami ng lakas at kakayahan na makapag bigay papuri at maglingkod sa Iyo sa simbahang ito.

Nagpapasalamat din ako para sa aking mga kasama sa Ministry na ito na patuloy na nagbibigay ng
kanilang oras at panahon para makapag silbi sa Iyo.

Tulungan Mo po kaming panatilihin sa amin ang puso ng pagsamba at pagka-isahin ang aming mga
layunin upang sa bawat tugtugan, sa bawat awitin, at sa bawat pagsayaw ay maipa-abot namin sa Iyo
ang pinaka mataas na papuri ng may labis na galak.

Gabayan Mo kami Panginoon sa mga oras na ito nang maisagawa namin Ministry na ito na naaayon sa
Iyong kalooban at sa Iyong pamamaraan.

Lahat ng ito ay dalangin namin sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like