You are on page 1of 1

Prayer Before Rehearsal

Panginoon nananalangin kami sa oras na ito upang magpasalamat na muli ay binigyan mo kami ng
pagkakataon na makapag-bigay papuri at magsamba sa Iyo.

Nagpapasalamat rin ako Panginoon sa Iyong pagkilos sa buhay ng bawat isa sa amin sa Ministry na ito sa
paggamit ng mga talento at biyayang ipinagkaloob Mo sa amin.

Nawa Panginoon sa aming pag-awit, pag-tugtog at pagsayaw ay maipa-abot namin sa Iyo ang papuring
karapat-dapat lamang sa Iyo.

Panalangin ko rin Panginoon na patuloy Niyong gabayan ang bawat isa sa amin sa aming mga personal
na buhay, sa tahanan, sa paaralan, at sa trabaho.

Lahat ng ito ay dalangin namin sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like