You are on page 1of 2

Colendres, Angel Lou Joy B.

Grade 12 HUMSS-D

Katitikan ng munting pagpupulong ng mga magkakaibigan

Katititikan ng munting pagpupulong ng mga magkakaibigan na ginanap sa bahay ni Angel Lou


Joy Colendres sa Prk. Mars Singcang Airport Bacolod City noong ika-apat ng Desyembre, 2019

Dumalo:
Angel Lou Joy Colendres
Justine Mae Lañosa
Ruffa Solomon
Andrea Nicole Ortega
Cloe Berjamen
Xyra Mangubat
Joyce Tabino

Di Dumalo:
Angie May Amosco
Marifer Palasuelo
Alex Muligan

Ang pagpupulong ay itinayo ni Angel Lou Joy Colendres insaktong 5:30 ng hapon, at ito ay
sinimulan ng pagtanggap ng mga suwestyon kung saan sila mag bobonding sa darating na
Christmas break.
Ang unang lugar na isinihuwestiyon ay sa Patag, Silay City na nanggaling kay Justine Mae.
Sunod naman na nagbahagi ng kanyang ideya ay si Ruffa at ito naman ay sa Oisca Sunflower
Field, Bago City. Sinundan din nang suwestiyon ni Joyce Tabino sa Jomax Peak, Don Salvador
Benidicto.
Napagdesisyonan na nang lahat na tatlo lang ang pagpipilian na kanilang pupuntahan. Napili ni
Andrea Nicole Ortega ang lugar na ipinili ni Ruffa Solomon. Nasa panig naman ni Joyce Tabino
si Cloe Berjamen sa Jomax Peak at pinakamaraming boto naman ang suwestiyon ni Justin Mae
na Patag sa Silay City,
Colendres, Angel Lou Joy B. Grade 12 HUMSS-D

Pagkatapos ma desisyonan ang lokasyon na pupuntahan tumungo naman sila sa mga kanya
kanya nilang dadalhin. Unang nag boluntaryo si Joyce at Ruffa na mag dala ng kanilang tent at
first aid kit. Si Xyra naman ay nag sabi na kung pwede ay mag aambagan nlng sila para sa
lulutuin at ang lola niya na lang ang mag luluto na napag sang-ayunan nanman ng lahat. Si Cloe
at Angel naman ang mag tutulong kay Xyra sa pag handa ng mga lulutuin. Napagpasyahan din ni
Andrea at Justine na sila na ang bahala sa sasakyan na gagamitin nila.

Tinalakay na ni Angel ang mga dapat lang dalhin sa kanilang pag alis. Sinabi niya na wag mag
dala ng sobrang mga damit dahil hindi sila tatagal sa dalawang araw doon. Nabanggit niya din na
mag dala ng mga personal na gamit tulad ng toothbrush at mga sanitary napkins sa oras ng
pangangailangan. Pinakaimportanteng paalala niya an gang mag paalam ng mabuti sa kanilang
mga magulang.

Pinakahuling itinalakay nila ay ang oras ng kanilang pag alis. Napagkasunduan nang lahat na sila
ay aalis ng 4:00 ng umaga upang sila ay makaiwas sa matinding traffic.

Nagtapos ang maikling pagpupulong sa isang pag muling pagbabalik sa kanilang mga
napagsunduan upang lahat ay walang makalimutan at maisigurado na makamit ang mga bagay
na pinagpulungan.

Inihanda ni at isinumiti ni:


Angel Lou Joy Colendres

You might also like