You are on page 1of 1

DAPITHAPON

Kumakarag ang kart at dinampot mo ang huling kahon ng gatas. May kalansing ng lata sa
kabilang istante. Walang liver spread sabi ni kuya at bukas pa ng umaga magkaka-stock pero
bawal ka lumabas bukas. Dinampot mo ang kayang hawakan: asin, noodles, tinapay, mantikilya.
Mas mabilis sa express lane. Babalik ka na lang sa sabado kahit mas mahaba ang pila. May
maluluto pa naman sa bahay.

Noon, binudburan mo ng asin ang bulateng nagtatago sa ilalim ng timba hanggang mangisay ito
nang mangisay. Naisip mo, ilang bata pa kaya ang gumagawa niyon?

Naisip mo, bukas, malay mo maging normal ulit ang lahat.

Pag-uwi mo, kung bakit wari’y hindi mo maaninaw ang mukha ng iyong anak. Sinundan mo ng
tingin ang damit niyang may print ng paborito niyang superhero. Kung bakit wala na naman
siyang salawal. Kung bakit iisa ang suot na tsinelas.

Sa harap ng salamin, ikinuwento niyang nagtanim siya ng buto ng mangga sa paso. Hindi ka
sigurado kung paano sasabihing sigurado kang hindi iyon maaaring tumubo doon.

Hindi ka sigurado kung paano sasabihing hindi ka na sigurado sa kahit ano.

Luma ang palabas sa TV. Patapos na ang pelikula at malaki ang ngiti ni Dolphy at Vandolph.
Naalibadbaran ka nang biglang maghawak-hawak sila ng kamay at nag-umpisang magsayaw.

You might also like