You are on page 1of 2

Diyona kay Mabini

PASAN
Pinasan ka ng madla
Na buhay ang tinaya
Sa talim ng yong dila.

MANHID
Mga paang pinaram
O budhi ng lipunan
Alin ang kakulangan?

YABAG
Wala nang mas bibigat
Sa yabag ng ulirat
At pag-ibig na tapat.

UBOD
Hindi lang sa katawan
Talos ang kabuuan
Sa damdamin sa bayan.

MABINI SA MAKABAGONG PANAHON


Sampung piso sa hapag
Pinambili ng pagpag
Ng misis na nilaspag

MABINI SA MAKABAGONG PANAHON


Pinagtatawanan man
ang batang kulang-kulang,
nakapagtapos naman.

DANGAL
Dangal ay nasusukat
Di sa layong nalakad
Kundi sa nadalumat.

MEDITASYON SA DEKALOGO #1

You might also like