You are on page 1of 4

PANDEMIKO SA TAONG ITO

C-O-V-I-D Limang letra, isang salita pero maraming tao ang nagdurusa,

Tila ba isang pagkain na nawawalan ng lasa,

May kulang sa rekados, na nasa labas sana,

Pangyayari ngayong taon na hindi ko inakala,

Ilang minute, oras, araw at buwan ang kailangan bunuin?

Dito ba ay taon ang kailangang gugulin?

Mga tao gutom, takot at pangamba ang pasanin,

Mahabaging may likha kami po nawa ay pagpalain.

Pag-mulat ng mata isang umaga,

Meron bang naantala, meron bang naabala,

May tao ba rito mayroon ba akong kasama,

Bakit ganito puro kwarto, sala at kusina.

Bigla kong naisipan buksan ang T.V,

Nang tumunog ang cp nag chat ang bibi,

Walang sasakyang marami, walang ingay sa kalye,

Si nanay miss na miss ang ka tsismisan na kumara.

Ang aming probinsya ay lockdown

Ang abs-cbn ay na shutdown,


Naloka ang sabayanan at social media nag ingay,

Andaming batikos, andaming pa tama, inay kop o aray.

Sa sobrang bagot naisipan kong pumatay ng ipis,

Sa insektong ito binaling ko ang lahat ng galit at inis,

Mga politikong akala mo’y pangalan ay malinis,

Puro salita maganda lang naman bihis,

Tumunog ang aking tiyan nag aalburuto’t gutom na naman,

Walang mahalughog sa kusina kahit kunti walang laman,

Hangang sa gutom ay tuluyan na nakaligtaan,

Sa panaginip nag salita “hello po kap, wala bang relief dyan.

Sa pamuni-muni bigla akong may narinig’

Mga lasingo puno ng alak ang bibig,

Sa batas nasaan ang pag-mamahal? nasaan ang pag-ibig?

Ban liquor hangang sa papel, at hangang sa titig.

May isa akong nakita frontliner na naka biseklita,

Siya ay may anak at meron na ding asawa,

Handing mag- sakripisyo para sa bansa hindi lamang sa pamilya,

Tumutulong sa lahat kahit kakarampot ang kinikita.

Dahil Pilipino ay mahilig mag reklamo,

Lahat ng problema ay isinisisi sa gobyerno,


Nagkaroon ng programa sa halagang 20 bilyong piso,

Tulong sa maralita na nagging dahilan ng gulo.

A ba ka da

Ah Nagkaroon ng lockdown sa mga lugar bayan ko,

Kahit sa simpleng pagbahing ay nakakahawa ito,

Marami ang nagsakripisyo at nagiging abala,

Mga maralita’t hikahos sa buhay tila nawawalan pag-asa.

Ba- bakit ganito nga ba ang mundo?

Sadya bang maksalanan ang bawat tao?

Kadalasan matatag at hindi basta susuko,

Sa laban hindi magkasalungat bagkos ay magkakasama tayo

Ka- kasanga ang mga frontliners sa wakas,

Ang bawat isa bilang haligi ng bukas,

Sa sulirann kahit sino ay walang takas,

COVID paano bakita mapapalayas?

Da-datapwat buhay ay may halaga’t pagmamahal

Kung minsay nasayang at nawalan pa ng dangal,

Ang sinuman ay tinatawag ng kamatayan na hangal,

Sa mundong ito ang kalusugan ay wag isusugal.

Abakada mga nasambit ko noong ako nagsisimula,


Mga kataga na inakalang mundo ay puro ligaya,

Mga letra na aakalain walang magbabadya,

Pandemikong di mawari kung gawa-gawa o di sinadya.

You might also like