You are on page 1of 43

Filipino sa Piling Larang-Akademik – Grade 12

Alternative Delivery Mode


Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be
necessary to exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:


Development Team of the Module
Authors: Michelle M.
Aguinaldo Jamela R.
Authors: MICHELLE Amerol
M. AGUINALDO,
Myra Capili JAMELA R. AMEROL, MYRA
CAPILI CUENCA, WILMA J. GASAL,
Cuenca Wilma CHARITY
J. A. GONZALES, CRISTINE
S. MONTERNEL, Gasal Charity A.
GLENDA J. PARADILLO, MILENCristine
Gonzales JOYCES. N. TORRES, VANESSA FHER
M. TEMPORADA-BLASE Monternel Glenda J.
Paradillo Milen Joyce
Evaluator: JESUSA V. N. Torres
SULAYAO
Vanessa Fher M. Temporada-Blase
Evaluators: Jesusa V. Sulayao
Illustrator:
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan

Layout Artist:
Management Team:

Chairperson:
Management Team: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES,
Printed in the Philippines by CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Department of Education Regional ADM Coordinator
- Alternative Delivery Mode (DepEd-
Elesio M. Maribao
ADM) EPS, Filipino

Office Address: Masterson Avenue, Upper Balulang, Zone 1, Cagayan de


Oro City, Cagayan de Oro, Lalawigan ng Misamis
Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10
Office Address: Zone 1,Oriental
Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: _____________________________________________________
Telefax: (088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mail
E-mailAddress:
Address:region10@deped.gov.ph
________________________________________________
Modyul 4.1 Nakalarawang Sanaysay

Alamin

amagitan ng isang emoji? Naway  ang iyong tugon sa akin. Hindi pa natatapos ang iyong paglalakbay at sa mga oras na ito

Sa mga naunang aralin, nakilala mo na ang ibang akademikong sulatin pero,


bukod doon, kinakailangan mo pang kilalanin ang dalawang sanaysay na maaari
nating mauri bilang akademikong pagsulat; ang Nakalarawang Sanaysay at
Lakbay Sanaysay. Matatalakay din ang pagsulat ng Posisyong Papel kung saan
hihikayatin ang bawat isa sa inyo na sumulat ng hindi lamang malikhain, kundi
organisado at laging isinaalang-alang ang etika sa pagsulat ng akademikong sulatin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng tatlong aralin at ang mga ito ay:

Modyul 4.1: Nakalarawang Sanaysay


Modyul 4.2: Lakbay Sanaysay
Modyul 4.3: Posisyong Papel
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:

A. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan


(CS_FA12PU-0p-r-95)
B. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong
sulatin (CS_FA12EP-0p-r-40)
C. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika. (CS_FA12WG-0p-r-93)
D. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
(CS_FA12PU-0p-r-94)

1 105
Pangkalahatang Panuto:

Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa modyul.


2. Sundin ang mga direksyon o panuto habang binabasa ang materyales.
3. Sagutin ang mga tanong.
4. Maging mahinahon sa pagsagot at maging pasensyoso upang
matagumpay ang pagsagot.
5. Maging magiliw habang nag-aaral.

Subukin

Gawain 1.1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng


pagkasunod-sunod na pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o
magpahayag ng damdamin.
a. Lakbay-sanaysay c. Nakalarawang sanaysay
b. Tradisyunal na d. Posisyong Papel
sanaysay
2. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat
sapagkat ito ang magiging tema ng kanyang akda.
a. kita c. kariktan
b. pamilya d. paksa
3. Nakalarawang sanaysay: photo essay, Lakbay-sanaysay: .
a. travel brochure c. travel posts
b. travel essay d. travel kit
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ng
nakalarawang sanaysay?
a. Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli lamang.
b. Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang
larawan lamang.
c. Kinakailangan na magsaliksik ang manlilikha kung magiging
intereresado ba ang kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d. Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin
ang manlilikha; kung para saan ito at para kanino ito.
5. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat.
Maliban sa isa.
a.Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa
b.Dapat may kaisahan ang mga larawan
c. Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d. Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin
Balikan

Gawain 2:
Panuto: Sa mga aralin ng Ikatlong modyul, natalakay ang mga Panukalang
Proyekto, Talumpati, Katitikan ng Pulong at Replektibong Sanaysay.
Inaasahang nakilala na ninyo ang kanilang mga katangian bilang isang
sulating akademiko sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa. Ngayon,
nais kong ibahagi ninyo kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng lohikal at
organisadong pagkasulat ng bawat talata sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang islogan na may 7-10 salita lamang.

Tuklasin

Panuto: Tingnan ang dayalogo sa ibaba at tukuyin kung ano ang kaya
ang pinag-uusapan nila.

Ah… alin
doon?

Yung kukuha daw tayo ng isang makabuluhang larawan tapos dalhin natin ngayon?

Siyempre. Pero hindi ko alam anong gagawin dito.

Ginuhit n: Raul V.

4 108
Gawain 3:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan: Isulat ang kasagutan sa


isang boung papel.

1. Ano kaya ang gagawin ng mga mag-aaral sa mga makabuluhang


larawan na pinadala sa kanila ng kanilang guro?
2. Ano ba ang kahalagahan ng isang larawan sa paglalahad ng
isang kaisipan?
3. Kung ikaw ang pinakuha ng larawan ng iyong guro, ano ang
magiging paksa nito? Ibahagi ang sagot.

Suriin

Nakalarawang Sanaysay o Photo Essay

Lagi na nating naririnig ang kasabihang “ang isang larawan ay


katumbas ng sanlibong salita o higit pa”. Maaaring maipahayag ang mga hindi
simpleng ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Ang pag-aayos ng
mga larawan upang maglahad ng kaisipan o ideya ay tinatawag na
nakalarawang sanaysay o photo essay.

Ang nakalarawang sanaysay o photo essay ay koleksiyon ng mga


larawang maingat na inayos upang makapaglahad ng pagkasunod-sunod na
pangyayari, makapagpaliwanag ng isang konsepto, o makapagpahayag ng
damdamin. Ito ay katulad din ng ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
estratehiya o teknik sa pagsasalaysay. Ang kaibahan lang nito ay gumagamit
ito ng mga larawan sa paglalahad. Ang iba ay nilalagyan ng miikling teksto na
siyang sumusuporta sa larawan. Iwasan ang labis na pagsusulat, hayaang
mangusap ang mga larawan.

Hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na naglalahad ng kaisipan


at damdamin sa pamamagitan ng salita, ang mensahe ng nakalarawang
sanaysay o photo essay ay pangunahing makikita sa mga larawan. Ang mga
larawan ang siyang pangunahing nagkukuwento.

Narito ang mga bagay na isaalang-alang sa pagbuo ng photo essay:

1. Paksa
a. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa (malapit sa puso ng
manlilikha, napapanahong balita, kalagayang politikal ng
isang
bayan, at iba pa);
b. Pagnilayan kung magiging interesado ba ang mga
mambabasa nito;
c. Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano at pananaliksik
ang
pagpili nito.

2. Mambabasa

a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa (edad, kasarian, hilig,


atbp.)
b. Siguraduhing madaling maaccess ng mambabasa ang ginawang
materyal
3. Layunin

a. Dapat malinaw ang patutunguhan ng photo essay


b. Gamitin ang mga larawan upang matamo ang proyekto
c. Dapat may kaisahan ang mga larawan na ginamit
(Consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o
kulay)

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks


Pagyamanin

Gawain 4:
Panuto: Tingnan ang halimbawang nakalarawang sanaysay sa ibaba. Ano
kaya ang paksang pinahihiwatig nito?

Kuha ni: Devin Avery Kuha ni: Precilla Du Preez

Kuha ni: Stephanie ecate


Kuha ni: Bewakoof com

Sanggunian: https://unsplash.com

Isaisip
GAWAIN 5:

Panuto: Unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin.

1. Ano ang kaibabahan ng nakalarawang sanaysay o photo essay sa


tradisyunal na sanaysay?
2. Naniniwala ka ba na popular ang sanaysay sa kasalukuyan? Bakit?
3. Ano-ano ang layunin sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
4. Ano-ano ang konsiderasyon sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
5. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago isagawa ang pagkuha ng mga
larawan?

Isagawa

Gawain 6.
Panuto: Gamit ang iyong sariling camera, kumuha ng mga larawan at lumikha
ng sariling nakalarawang sanaysay o photo essay. May kalayaan kang pumili
ng paksa basta ito ay napapanahon. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa
ibaba)

PAMANT PINAKAMAHUSAY (8-10) KATAMTAMAN ANG KAILANGAN PANG Kabuua


AYAN HUSAY (5-7) PAGHUSAYAN (1-4) n
Barayti ng Ang manlilikha ay gumamit Ang manlilikha ay Ang manlilikha ay
mga ng 5-7 na uri ng larawan. gumamit ng 3-4 na uri gumamit ng 1-2 na
Larawan Ang bawat larawan ay may ng larawan. Ang bawat larawan lamang upang
iba’t ibang pamatnubay o larawan ay may iba’t maghatid ng mensahe
lead, may iba’t ibang anggulo ibang paksa, may iba’t sa mambabasa.
at mga detalye. ibang anggulo at mga
detalye.
Nilalaman Makabuluhan ang Madaling makuha ang Hindi masyadong
mensaheng nais ibahagi ng mensaheng nais malinaw ang
piyesa; kakikitaan ito ng iba’t ibahagi ng piyesa; mensaheng nais ihatid.
ibang kultura, isyung kakikitaan ito ng iba’t
panlipunan at ito ay ibang kultura, isyung
napapanahong balita o paksa panlipunan.
Paglalara Ang manlilikha ay naglalagay Ang manlilikha ay Hindi lahat ng larawan
wan o ng mga caption na naglalagay ng mga ay nilagyan ng caption.
Caption naglalarawan sa bawat caption na Hindi man maayos ang
larawan. Mahusay ang naglalarawan sa bawat gramatika ng mga
gramatika at malinaw ang larawan. Hindi man salitang sumusuporta
mensaheng nais ipabatid. maayos ang gramatika ngunit maiintindihan
ng mga salitang naman ito.
sumusuporta ngunit
maiintindihan
naman ito.

1111111111 Tayahin

Gawain 7
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
MALI.
Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng
tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang
mga salita lamang.
Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng
isang mananaliksik
Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay
hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na
argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang
mabisa itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-akit at
lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.
Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o
anumang obserbasyon sa isang lugar.

Karagdagang Gawain

Gawain 8:

Panuto: Gamit ang concept map, ilahad ang mga katangian ng isang
nakalarawang sanaysay o photo essay.

Nakalarawang
Sanaysay
Panapos na Pananalita

Ang nakalarawang sanaysay ay tulad daw ng isang pelikula. Hindi nga lang ito
gumagalaw ngunit ito ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang kaisipan, damdamin o
mensahe na maaari nating pagnilayan. Tandaang ang sinumang lilikha ng
nakalarawang sanaysay ay hindi lamang maituturing na potograpo kundi isang
storyteller. Laging tandaan na mas mainam na gumamit ka ng sariling mga larawan
ngunit kung hindi akma sa iyong layunin at paksa, maaari kang sumangguni sa mga
larawang may pahintulot ng may-ari na ilathala at huwag silang kalimutang isali sa
sanggunian ng iyong awtput.
Modyul 4.2 Lakbay Sanaysay

Alamin

Mula sa Nakalarawang sanaysay, talakayin naman natin


ang isapang sanaysay na tinatawag na “Lakbay-sanaysay”, na sa Ingles,
ay tinatawag na travel essay o travelogue. Isa itong anyo ng pagsulat na
maaaring maging gawing propesyon o hanapbuhay. Sa mundong
pinatatakbo ng paglalakbay at turismo, mahalaga ang mga anyo ng
lakbay sanaysay tulad ng mga travel guide at mga artikulo upang
ipakilala at itaguyod ang isang lugar para sa mga manlalakbay. Ito ay
kadalasang naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng may-akda sa
paglalakbay, pagsasaliksik, at pagtuklas ng isang lugar.

May mga dahilan sa pagsulat ng Sanaysay, ang ilan sa mga ito ay:

 Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat;


 Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
 Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng pag-unlad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o
kaya’y pagtuklas sa sarili; at
 Upang idokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya
ng lugar sa malikhaing pamamaraan

Sanggunian: Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing
House Inc.
Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin kung Tama o Mali.

_ 1. Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay


ng sapat
na kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay.
_ 2. Mahalaga na gamitin ng mananalaysay ang kanyang limang
pandama sa
pag-obserba sa paligid at sa mga tao.
_ 3. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista ng
local na
mamamayan na maaaring mapagtanungan ng karagdagang
impormasyon
sa lugar
_ 4. Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng
lugar pagkain, pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika,
wika at rehiyon ng isang lugar.
_ 5. Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita ang
mananalaysay
ngunit ailangang ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang
hindi masayang ang produkto ng matalas niyang obserbasyon.

Balikan

Gawain 2

Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng sumusunod na bagay na dapat isaalang-


alang sa pagbuo ng isang nakalarawang sanaysay batay sa:;
1. Paksa-
2. Mambabasa-
3. Layunin-

Tuklasin

Gawain 3

Panuto: Ilista ang limang lugar na nais mong puntahan at ipaliwanag kung bakit
nais mo itong mabisita. Pagkatapos ay ibahagi ito sa iyong mga kaklase.

Lugar Paliwanag

1. _

2. _

3. _

4. _

5. _

Suriin

Lakbay Sanaysay

Ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay ay nangaingailangan ng galing,


pamamaraan at kaalaman ng isang manlalakbay. Iba ang manlalakbay sa
turista sa kadahilanang ang manlalakbay ay may kaalaman talaga sa
paglalakbay bilang pagkilala sa mga lugar at pagtuklas ng bagong daigdig;
samantalang ang turista naman ay naglalakbay sa mga piling lugar lamang at
madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng araw. Ang
manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar, pagkain,
pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika at rehiyon ng isang
lugar. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista o
pananaw ng lokal na mamamayan upang hind maging gasgas at de-kahon
ang impormasyong binabahagi niya. Mainam na magtanong siya sa mga
taong pinanganak talaga sa isang partikular na lugar na kanyang pinuntahan.

Ang kagandahan ng sanaysay ay maaaring ang manlalakbay ay


ibahagi ang kanyang mga natutunan mula sa problema at pagkakamali.
Bilang mananalaysay, may tatak ang kasanayan. Kaya niyang umakyat ng
bundok, pumasok ng yungib, sumisid sa ilalim ng dagat, sumubok ng mga
bagong pagkain, tumuklas ng mga bagong paninda at higit sa lahat kaya
niyang makipagkapwa-tao. Taglay ng mananaysay ang katangian ng
historyador, nobelista, makata, mamamamhayag, kuwentista, at mananaliksik.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang sagutin ang mga


katanungang:

1. Paano naiba ang lugar na ito sa kinalakihan mong lugar?


2. Bakit ka naglakbay sa lugar na ito?
3. Umunlad ka ba bilang Pilipino sa isinagawang paglalakbay?
4. May natuklasan ka bang kahanga-hangang kaugalian ng mga
taong nakasalamuha mo sa paglalakabay?
5. Ano ang mga kultura o paraan ng pamumuhay ang natuklasan
mo?
6. Paano ba nabago ang buhay mo sa pamamagitan ng
paglalakbay?
7. Napapaibig ka ba na maglakbay ulit?

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks


Pagyamanin

Gawain 4:

Panuto:Sagutin ang mga katanungan matapos basahin ang dayalogo sa


ibaba at alamin kung tungkol saan ang pinag-usapan nila.

Oy! Pia, nakarating ka na pala?


Hi Marvin! Okey lang, ang lamig lamig doon.

Bukod sa napakalamig na klima ng Korea, ano pa ang nagustuhan mo doon?

Hmmm… teka lang, saan ba ako magsisimula? Ano ba ang gusto mong malaman?

Ginuhit ni: Raul V. Dunan

1. Katulad ni Marvin, nais mo rin bang ibahagi ang iyong kwento noong
ikaw ay pumunta sa isang lugar? Bakit? Dahil alam kong maraming katulad ni
Pia sa mundo na interesado mabasa o mapakinggan ang kwento mo!

2. Isulat ang iyong sariling karanasan.


Isaisip

Gawain 5:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Sanaysay Lakbay Sanaysay

Isagawa

Gawain 6

Panuto: Ibuod sa tatlong bahagi ang pamamaraan sa pagsulat ng isang


lakbay- sanaysay.

• Pangatlo

• Pangalawa

• Una
Pagkakatulad

Tayahin
121 17
Gawain 7.1

Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang lakbay sanaysay na nasaliksik sa


internet.
BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may
iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang
tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung
mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko
ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para
malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin
ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na
ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang
regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na
Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo
na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi
dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak
ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang
dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang
ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan
bagkus noong unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming
ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula
Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon
dahil doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong
kaarawan. At dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta doon kung
kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung
saan dito kamI gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang
isang Dancing Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang
mamangka at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay
angBotanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na
kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito
mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon
ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View, ngunit kahit
malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga
namang nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin
namin doon ay ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na
strawberry na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa
Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung
bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

18 122
REALISASYON:
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar n
Sanggunian: Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.
Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/ accessed on January 18, 2018.

Gawain 7.2
Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga impormasyong kailangang ilahok sa lakbay-sanaysay?


Ano ang
dapat isantabi?
2. Bakit kailangang maging mahusay na manlalakbay ang isang
mananalaysay ng
lakbay sanaysay?
3. Mahalaga ba na magkaroon ng paunang pananaliksik bago sumulat ng
isang lakbay sanaysay? Bakit?
4. Mula sa halimbawang lakbay-sanaysay, ano-ano ang mga mahahalagang
aral na
iyong nakuha hinggil sa pagbabahagi niya ng kanyang paglalakbay?
5. Suriin ang lakbay-sanaysay na iyong binasa, taglay ba nito ang katangian
ng isang mabisang lakbay-sanaysay? Magbigay ng tatlo at ipaliwanag.

123
Karagdagang Gawain

Gawain 8:
Panuto: Magbalik-tanaw sa mga lugar na napuntahan mo na. Sumulat ng
iyong sariling lakbay-sanaysay. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)
KATANGIAN PINAKAMAHUSAY KATAMTAMAN ANG KAILANGAN Kabuuan
(8-10) HUSAY PANG
(5-7) PAGHUSAYAN
(1-4)
POKUS AT May malinaw at tiyak na paksa na May malinaw at tiyak na May isang paksa.
DETALYE sinusuportahan ng mga detalyadong paksa, ngunit hindi Hindi gaanong
impormasyon o argumento. detalyado ang mga malinaw ang
suportang impormasyon mga suportang
o argumento. impormasyon.
ORGANISASY Kawili-wili ang mga introduksyon, May introduksiyon, May introduksyon,
ON naipapakilala nang mahusay ang mahusay na pagtalakay pagtalakay at
paksa. Mahalaga at nauukol sa at may karampatang pagtatapos o
paksa ang mga impormasyo na pagtatapos o konklusyon.
ibinahagi sa isang maayos nan a konklusyon.
paraan. Mahusay ang pagtatapos ng
konklusyon.
TINIG NG Malinaw ang intension na May intensyon at May kaunting
MANUNULAT manunulat. Kapansin-pansin ang layunin ang manunulat. kalinawan sa
kahusayan ng manunulat sa paksa. May kaalaman ang intension at layunin
manunulat sa paksa. ng manunulat.
Limitado ang
kaniyang
kaalaman.
PAGPILI NG Malinaw ang paggamit ng mga Malinaw ang paggamit Nasasabi ng
MGA ANGKOP salita. Angkop at natural at hindi pilit. ng mga salita bagaman manunulat ang
NA SALITA sa ilang pagkakataonay nais sabihin,
hindi angkop at natural. bagaman walang
baryasyon sa
paggamit ng mga
salita.
ESTRUKTURA Mahusay ang pagkakaayos ng mga Mainam ang Nakagagawa ng
, GRAMATIKA, salita at pangungusap. Walang pagkakaayos ng mga mga pangungusap
BANTAS, pagkakamali sa gramatika, bantas, salita at na may saysay.
PAGBABAYBA at baybay. pangungusap. Maraming mga
Y May kaunting pagkakamali sa
pagkakamali sa gramatika, bantas
gramatika, bantas at at baybay.
baybay.
Ayon kay O’Niel (2005), ang lakbay sanaysay naman ay hindi parang
diary. Hindi lamang basta isinusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig,
namoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay. Hindi ito rekord o simpleng
pagdugtong-dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito
ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang
naglalakbay.

Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay ng


sapat na kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay. Tumutukoy ito sa
pagkilala at pagpapakilala sa sarili at pagmumuni sa mga naranasan sa
proseso ng paglalakbay. Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita
ang mananalaysay. Kailangang ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang

20 124
hindi masayang ang produkto ng matalas niyang obserbasyon. Huwag
kalilimutan ang deskripsiyon ng limang pandama sa paglalarawan ng
paglalakbay dahil marka ito ng matalas na gunita.

Sanggunian: Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa

Piling Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.


SANGGUNIAN:
Aklat:

Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling

Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

Chua, C. 2018. Posisyong papel available at

https://www.slideshare.net/ Charlschua/posisyong-papel? from

action=save accessed on January 18, 2018.

Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

Division of City Schools Valenzuela, 2016 available at


http://depedvalenzuela.ph/
als-secondary-module-6/ accessed on January 18, 2018.

https://unsplash.com

Modyul 4.3: Posisyong Papel


Alamin

aroon ng paninindigan sa isang prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang desisyon batay sa

Subukin

Gawain 1

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.


1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.
2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging
obhetibo sa
pangangatuwiran.
3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito
ay pawang katotohanan.
4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating
damdamin na wala
sa awtoridad.
5. Maaaring gamitin ang isang opinion bilang isang matibay na
ebidensiya lalo
na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga
kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa


lakbay sanaysay.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang leksyon, ano ang lakbay
sanaysay?
_
_

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay?


_
_

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


_

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba, bigyan ito ng sariling opinyon.
Pumili ka lang kung sang-ayon o di ka sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Pagpapaliwanag:
Sang-ayon

Pagpapaliwanag:
Di Sang-ayon

Suriin

129 25
Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng


mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang
debate, naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang
pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa
opinyon manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na
ebidensya mula sa pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang
isyu kung walang pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay
maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis,
abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito
upang mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu.
Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang
matitibay na ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa
pangangatwiran ayon kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat
nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula
sa mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit
ng mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit
siguruduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos
ay hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago
depende sa mga bagong tukas na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling
pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa
sariling pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero
kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may
awtoridad o mga kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar,
propesyunal, politiko at siyentipiko

26 130
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Sa pagsulat ng posisyong papel mahalagang pagukulang pansin ang
ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa ng
panigan ang nasabing isyu.
Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel
mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat
ng posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos
ang paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi
ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula
ay maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang
mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya) –
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod sunod
ng mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga
argumentong tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng
pangangatwiran bigyan ito ng mga matitibay na mga batayan mula sa mga
pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan ang iyong
posiyong pinaglalaban. Mas higit na kapanipaniwala kapag may tatlo o
higit
pang matitibay na mga ebidensya na gagamitin para madepensahan ang
pinapanigang posisyon.

3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang
magiging implikasyon nito.

Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May


mga sang-ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat
indibidwal ay makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari
sa ating lipunan. Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo
at Unibersidad. Anong Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon
ka ba o di ka sang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay
inilalahad na nag malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa-
isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng
karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan
sa pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel ay
manghikayat.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto 1: Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP
hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.

lohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

NO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KA

orandum Order No. 20 Series of 2013

iya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino


(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at
mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP
Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino
ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at
Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng
mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang
Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP
ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito.
Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo
XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung
susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at
konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang
Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:
"General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the
community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity
and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As
life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature
and addressing social problems in the general education program
increasingly become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang
pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad?
Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at
inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at
kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang
Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa
daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-
pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university
in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-
aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang
mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang
Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon
sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang
Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng
Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng
pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na
at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming
unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino
gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka
University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at
University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika,
pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik
at pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't
ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago
pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and
Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa
Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang
manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng
kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa
kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang
Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy
ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli
naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang


pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang
mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at
Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang
Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging
Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay
ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa
suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na
kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang
nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino. Maghahain
ito ng mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng
iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis
na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak
ng CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum
ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang
ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa
pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan


ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino.
Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa
mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-
segui/posisyong- papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-
pagtatanggal- ng/727134210658842/

Gawain 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran
ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo
at Unibersidad at ibigay ang mga sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyong:

Argumento 1:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:

Argumento 2:

Ebidensya 1:
Ebidensya 2:

Aksyon kaugnay ng isyu:

Isa-isip

Gawain 5
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang
posiyong papel tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?

2. Ano ang pangunahing layunin nito?

3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa argumento? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

4. Naging kongkreto ba ang aksyon sa ginawang kongklusyon? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

5. Sang-ayon ka ba isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at


Unibersidad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa isyung Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat
sa talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng sampung
makakapanayam para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor
sa isyu at ano ang dahilan.

Mga Sagot
Isyu Pabor di-pabor Dahilan

1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin
Gawain 7

Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna


natin kung lubos mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
MALI.

1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng


tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit
ang mga salita lamang.
2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang
katangian ng isang mananaliksik.
3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang
sanaysay ay hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng
matibay na argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa
pagkamalikhain ng mag-aaral.
4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang
mabisa itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang
kaakit- akit at lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong
hatid nito.
5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o
anumang obserbasyon sa isang lugar.

6. Kailangang mapatunayang tama ang counterargument na nailahad.


7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong
sulatin.
8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa
kongklusyon.
9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita,
narinig, naamoy at nadama.
10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng
awtoridad (pulis, abogado, doctor, atbp.).
Karagdagang Gawain

Gawain 8.1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Sanaysay Lakbay Sanaysay


Gawain 8.2

Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel.

Dapat lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod

na argumento, mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang

kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel. 5
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang
sulatin na posisyong papel. 5
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika. 5
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya a.\ng
posisyong papel na nabuo. 5
KABUUAN 20
sinipi sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)

Sa wakas ay natapos mo rin ang aralin na ito. Napakahusay mo na!


Binabati kita sapagkat na dagdagan mo na naman ang iyong kaalaman.
Sana magamit mo ito bilang instrumento sa pag-abot ng iyong tagumpay.
n 14
n 1
Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling

Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

https://www.slideshare.net/

https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

http://depedvalenzuela.ph/

als-secondary-module-6/

https://unsplash.com

Aklat

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akademik). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing
House Inc.

Pamela, C.C. at G.S. Zafra (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik).


Manila Philippines: Rex Bookstore Publishing House Inc.

Internet

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/

38 142
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 1st Date:

Possible Levels of Difficulty (encode the item number)


Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode the Number of
Encode
NUMBER Items per
the
OF Competenc Encode ITEM Reme Under-
Encode the LEARNING COMPETENCIES NUMBE Appl- Analy- Evalu Creat- Total
CONTACT y (Note: NUMBER mberin stan-
R OF ying zing a-ting ing
DAYS/ Check the g ding
ITEMS
HOURS total no. of
items)
Nabibigyang-kahulugan ang 6 3 1
1 akademikong pagsulat 4 10 10 I.1-10 10
(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong 6 3 1
I.11,12,13,15,
sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
2 4 10 10 16,21,22,24, 10
Katangian (d)Anyo
25,27
(CS_FA11/12PN-Oa-c-90)
Nakapagsasagawa ng panimulang 6 3 1
39 pananaliksik kaugnay ng kahulugan, I. 14,17,18,19,
3 kalikasan, at katangian ng iba't ibang 4 10 10 20, 23,26,28, 10
anyo ng sulating akademiko 29,30,
(CS_FA12EP-Oa-c-39)
Naisasagawa nang mataman ang mga 6 3 1
hakbang sa pagsulat ng mga piniling
4 4 10 10 II.31-40 10
akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Nakasusunod sa istilo at teknikal na 6 3 1
5 pangangailangan ng akademikong 4 10 10 III.41-50 10
sulatin (CS_FA12PU-0d-f-93)
Total 20 50 50
Encode the Total Number of Contact 20 50
Hours /Days
Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number
of Items
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 2nd Date:

Possible Number of Items per Levels of Difficulty (encode the item number)
Encode the NUMBER OF CONTACT DAYS/ Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode
the
Competenc NUMBE Encode ITEM NUMBER
Encode the LEARNING COMPETENCIES RemeUnder- mberinstan-
y (Note: Check the Appl-Analy- Evalu Creat- Total
R OF ITEMS
yingzinga-tinging
HOURS total no. of g ding
items)
7
ng pinakinggang/binasang halimbawa (CS_FA/12PN-0g-i-91) Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling 3
sulatin(CS_FA/12PB-0m-o- 102) 1
ng mga binasang halimbawa(CS_FA/12PB-0m-o-102) 8 20 11 B.6-16 11
1
ramang pampaglalakbay(CS_FA/12PD-0m-o-89)
0p-r-94)
3 2 1

2 4 10 5 A.1-5 5

2 1
4
4 10 7 C.17-23 7

40
3

2 1
4
4 10 6 D.24-29 6
4

3 1
7
6 15 11 E. 30-40 11
5
3
6
6 15 10 II.41-50 10

32 50 50
Total
Encode the Total Number of Contact 32 1
Hours /Days

Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number
of Items

You might also like