You are on page 1of 43

Filipino sa Piling Larang-Akademik – Grade 12

Alternative Delivery Mode


Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary
to exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:


Development Team of the Module
Authors: Michelle M. Aguinaldo
Jamela R. Amerol
Authors: MICHELLE M.Myra
AGUINALDO, JAMELA R. AMEROL, MYRA CAPILI
Capili Cuenca
CUENCA, WILMA J. GASAL, CHARITY A. GONZALES, CRISTINE S.
Wilma J. Gasal
MONTERNEL, Charity A. Gonzales
GLENDA J. PARADILLO, MILEN
Cristine S.JOYCE N. TORRES, VANESSA FHER M.
Monternel
TEMPORADA-BLASE Glenda J. Paradillo
Milen Joyce N. Torres
Evaluator: JESUSA V. Vanessa
SULAYAO Fher M. Temporada-Blase
Evaluators: Jesusa V. Sulayao
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Illustrator:
Management Team:
Layout Artist:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional
Management Team: Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr.by
Printed in the Philippines Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator

Department of Education Elesio M. Maribao
- Alternative Delivery Mode (DepEd-
EPS, Filipino
ADM)

Office Address: Masterson Avenue, Upper Balulang, Zone 1, Cagayan de Oro


Printed in the Philippines by: Cagayan
City, Department
deofOro,
Education – Regional
Lalawigan Office Oriental
ng Misamis 10
Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax:
Telefax: _____________________________________________________
(088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mailAddress:
E-mail Address: ________________________________________________
region10@deped.gov.ph

2
Modyul 4.1 Nakalarawang Sanaysay

Alamin

Magandang araw mag-aaral! Kumusta ang araw mo ngayon? Gusto


mo bang pag-usapan natin? Maaari mo bang ilarawan ito sa pamamagitan ng
isang emoji? Naway  ang iyong tugon sa akin. Hindi pa natatapos ang iyong
paglalakbay at sa mga oras na ito ay makakatagpo na naman kayo ng mga
paksang maaari ninyong maging katuwang sa pang-araw-araw na buhay.
Handa na ba kayo?

Sa mga naunang aralin, nakilala mo na ang ibang akademikong sulatin pero,


bukod doon, kinakailangan mo pang kilalanin ang dalawang sanaysay na maaari
nating mauri bilang akademikong pagsulat; ang Nakalarawang Sanaysay at Lakbay
Sanaysay. Matatalakay din ang pagsulat ng Posisyong Papel kung saan hihikayatin
ang bawat isa sa inyo na sumulat ng hindi lamang malikhain, kundi organisado at
laging isinaalang-alang ang etika sa pagsulat ng akademikong sulatin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng tatlong aralin at ang mga ito ay:

Modyul 4.1: Nakalarawang Sanaysay


Modyul 4.2: Lakbay Sanaysay
Modyul 4.3: Posisyong Papel
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:

A. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan


(CS_FA12PU-0p-r-95)
B. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
(CS_FA12EP-0p-r-40)
C. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika. (CS_FA12WG-0p-r-93)
D. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
(CS_FA12PU-0p-r-94)

1 105
Pangkalahatang Panuto:

Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa modyul.


2. Sundin ang mga direksyon o panuto habang binabasa ang materyales.
3. Sagutin ang mga tanong.
4. Maging mahinahon sa pagsagot at maging pasensyoso upang matagumpay
ang pagsagot.
5. Maging magiliw habang nag-aaral.

Subukin

Gawain 1.1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng


pagkasunod-sunod na pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o
magpahayag ng damdamin.
a. Lakbay-sanaysay c. Nakalarawang sanaysay
b. Tradisyunal na sanaysay d. Posisyong Papel
2. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat sapagkat
ito ang magiging tema ng kanyang akda.
a. kita c. kariktan
b. pamilya d. paksa
3. Nakalarawang sanaysay: photo essay, Lakbay-sanaysay: ____________.
a. travel brochure c. travel posts
b. travel essay d. travel kit
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ng
nakalarawang sanaysay?
a. Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli lamang.
b. Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang
larawan lamang.

2 106
c. Kinakailangan na magsaliksik ang manlilikha kung magiging
intereresado ba ang kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d. Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin ang
manlilikha; kung para saan ito at para kanino ito.
______ 5. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat.
Maliban sa isa.
a.Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa
b.Dapat may kaisahan ang mga larawan
c. Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d. Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin

3 107
Balikan

Gawain 2:
Panuto: Sa mga aralin ng Ikatlong modyul, natalakay ang mga Panukalang
Proyekto, Talumpati, Katitikan ng Pulong at Replektibong Sanaysay.
Inaasahang nakilala na ninyo ang kanilang mga katangian bilang isang sulating
akademiko sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa. Ngayon, nais kong
ibahagi ninyo kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng lohikal at
organisadong pagkasulat ng bawat talata sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
islogan na may 7-10 salita lamang.

Tuklasin

Panuto: Tingnan ang dayalogo sa ibaba at tukuyin kung ano ang kaya ang
pinag-uusapan nila.

Ah… alin
doon?

Yung kukuha daw tayo ng


isang makabuluhang larawan
tapos dalhin natin ngayon?

Siyempre. Pero hindi ko


alam anong gagawin dito.
Ginuhit n: Raul V.
Dunan

4 108
Gawain 3:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan: Isulat ang kasagutan sa


isang boung papel.

1. Ano kaya ang gagawin ng mga mag-aaral sa mga makabuluhang


larawan na pinadala sa kanila ng kanilang guro?
2. Ano ba ang kahalagahan ng isang larawan sa paglalahad ng isang
kaisipan?
3. Kung ikaw ang pinakuha ng larawan ng iyong guro, ano ang magiging
paksa nito? Ibahagi ang sagot.

Suriin

Nakalarawang Sanaysay o Photo Essay

Lagi na nating naririnig ang kasabihang “ang isang larawan ay katumbas


ng sanlibong salita o higit pa”. Maaaring maipahayag ang mga hindi simpleng
ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Ang pag-aayos ng mga
larawan upang maglahad ng kaisipan o ideya ay tinatawag na nakalarawang
sanaysay o photo essay.

Ang nakalarawang sanaysay o photo essay ay koleksiyon ng mga


larawang maingat na inayos upang makapaglahad ng pagkasunod-sunod na
pangyayari, makapagpaliwanag ng isang konsepto, o makapagpahayag ng
damdamin. Ito ay katulad din ng ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
estratehiya o teknik sa pagsasalaysay. Ang kaibahan lang nito ay gumagamit
ito ng mga larawan sa paglalahad. Ang iba ay nilalagyan ng miikling teksto na
siyang sumusuporta sa larawan. Iwasan ang labis na pagsusulat, hayaang
mangusap ang mga larawan.

Hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na naglalahad ng kaisipan


at damdamin sa pamamagitan ng salita, ang mensahe ng nakalarawang
sanaysay o photo essay ay pangunahing makikita sa mga larawan. Ang mga
larawan ang siyang pangunahing nagkukuwento.

Narito ang mga bagay na isaalang-alang sa pagbuo ng photo essay:

1. Paksa

5 109
a. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa (malapit sa puso ng
manlilikha, napapanahong balita, kalagayang politikal ng
isang
bayan, at iba pa);
b. Pagnilayan kung magiging interesado ba ang mga mambabasa
nito;
c. Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano at pananaliksik
ang
pagpili nito.

2. Mambabasa

a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa (edad, kasarian, hilig,


atbp.)
b. Siguraduhing madaling maaccess ng mambabasa ang ginawang
materyal
3. Layunin

a. Dapat malinaw ang patutunguhan ng photo essay


b. Gamitin ang mga larawan upang matamo ang proyekto
c. Dapat may kaisahan ang mga larawan na ginamit
(Consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o
kulay)

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks

6 110
Pagyamanin

Gawain 4:
Panuto: Tingnan ang halimbawang nakalarawang sanaysay sa ibaba. Ano
kaya ang paksang pinahihiwatig nito?

Kuha ni: Devin Avery Kuha ni: Precilla Du Preez

Kuha ni: Bewakoof com Kuha ni: Stephanie ecate

Sanggunian: https://unsplash.com

Isaisip

GAWAIN 5:

Panuto: Unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin.

1. Ano ang kaibabahan ng nakalarawang sanaysay o photo essay sa


tradisyunal na sanaysay?
2. Naniniwala ka ba na popular ang sanaysay sa kasalukuyan? Bakit?

7 111
3. Ano-ano ang layunin sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
4. Ano-ano ang konsiderasyon sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
5. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago isagawa ang pagkuha ng mga
larawan?

Isagawa

Gawain 6.
Panuto: Gamit ang iyong sariling camera, kumuha ng mga larawan at lumikha
ng sariling nakalarawang sanaysay o photo essay. May kalayaan kang pumili
ng paksa basta ito ay napapanahon. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)

PAMANT PINAKAMAHUSAY (8-10) KATAMTAMAN ANG KAILANGAN PANG Kabuua


AYAN HUSAY (5-7) PAGHUSAYAN (1-4) n
Barayti ng Ang manlilikha ay gumamit ng Ang manlilikha ay Ang manlilikha ay
mga 5-7 na uri ng larawan. Ang gumamit ng 3-4 na uri gumamit ng 1-2 na
Larawan bawat larawan ay may iba’t ng larawan. Ang bawat larawan lamang upang
ibang pamatnubay o lead, larawan ay may iba’t maghatid ng mensahe
may iba’t ibang anggulo at ibang paksa, may iba’t sa mambabasa.
mga detalye. ibang anggulo at mga
detalye.
Nilalaman Makabuluhan ang Madaling makuha ang Hindi masyadong
mensaheng nais ibahagi ng mensaheng nais ibahagi malinaw ang
piyesa; kakikitaan ito ng iba’t ng piyesa; kakikitaan ito mensaheng nais ihatid.
ibang kultura, isyung ng iba’t ibang kultura,
panlipunan at ito ay isyung panlipunan.
napapanahong balita o paksa
Paglalara Ang manlilikha ay naglalagay Ang manlilikha ay Hindi lahat ng larawan
wan o ng mga caption na naglalagay ng mga ay nilagyan ng caption.
Caption naglalarawan sa bawat caption na naglalarawan Hindi man maayos ang
larawan. Mahusay ang sa bawat larawan. Hindi gramatika ng mga
gramatika at malinaw ang man maayos ang salitang sumusuporta
mensaheng nais ipabatid. gramatika ng mga ngunit maiintindihan
salitang sumusuporta naman ito.
ngunit maiintindihan
naman ito.

1111111111Tayahin

Gawain 7
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
MALI.

8 112
Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng
tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga
salita lamang.
Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng
isang mananaliksik
Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay
hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na
argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa
itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-akit at lohikal
ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.
Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang
obserbasyon sa isang lugar.

Karagdagang Gawain

Gawain 8:

Panuto: Gamit ang concept map, ilahad ang mga katangian ng isang
nakalarawang sanaysay o photo essay.

___

Nakalarawang
___ Sanaysay ___

___

9 113
Panapos na Pananalita

Ang nakalarawang sanaysay ay tulad daw ng isang pelikula. Hindi nga lang ito
gumagalaw ngunit ito ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang kaisipan, damdamin o
mensahe na maaari nating pagnilayan. Tandaang ang sinumang lilikha ng nakalarawang
sanaysay ay hindi lamang maituturing na potograpo kundi isang storyteller. Laging
tandaan na mas mainam na gumamit ka ng sariling mga larawan ngunit kung hindi akma
sa iyong layunin at paksa, maaari kang sumangguni sa mga larawang may pahintulot ng
may-ari na ilathala at huwag silang kalimutang isali sa sanggunian ng iyong awtput.

10 114
Susi sa Pagwawasto

Nakalarawang Sanaysay
Subukin
Gawain 1.1
1. D
2. D
3. B
4. B
5. C

Balikan
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Tuklasin
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Pagyamanin
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Isaisip
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Isagawa
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Tayahin
Gawain 7
1. T
2. T
3. T
4. M
5. T

Karagdagang Gawain
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

11 115
Modyul 4.2 Lakbay Sanaysay

Alamin

Mula sa Nakalarawang sanaysay, talakayin naman natin


ang isapang sanaysay na tinatawag na “Lakbay-sanaysay”, na sa Ingles,
ay tinatawag na travel essay o travelogue. Isa itong anyo ng pagsulat na
maaaring maging gawing propesyon o hanapbuhay. Sa mundong
pinatatakbo ng paglalakbay at turismo, mahalaga ang mga anyo ng lakbay
sanaysay tulad ng mga travel guide at mga artikulo upang ipakilala at
itaguyod ang isang lugar para sa mga manlalakbay. Ito ay kadalasang
naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng may-akda sa paglalakbay,
pagsasaliksik, at pagtuklas ng isang lugar.

May mga dahilan sa pagsulat ng Sanaysay, ang ilan sa mga ito ay:

 Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat;


 Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
 Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng pag-unlad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o
kaya’y pagtuklas sa sarili; at
 Upang idokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya
ng lugar sa malikhaing pamamaraan

Sanggunian: Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

12 116
Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin kung Tama o Mali.

_____ 1. Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay ng


sapat
na kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay.
_____ 2. Mahalaga na gamitin ng mananalaysay ang kanyang limang pandama
sa
pag-obserba sa paligid at sa mga tao.
_____ 3. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista ng local
na
mamamayan na maaaring mapagtanungan ng karagdagang
impormasyon
sa lugar
_____ 4. Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar
pagkain, pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika at
rehiyon ng isang lugar.
_____ 5. Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita ang
mananalaysay
ngunit ailangang ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang hindi
masayang ang produkto ng matalas niyang obserbasyon.

Balikan

Gawain 2

Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng sumusunod na bagay na dapat isaalang-


alang sa pagbuo ng isang nakalarawang sanaysay batay sa:;

13 117
1. Paksa-
2. Mambabasa-
3. Layunin-

Tuklasin

Gawain 3

Panuto: Ilista ang limang lugar na nais mong puntahan at ipaliwanag kung bakit
nais mo itong mabisita. Pagkatapos ay ibahagi ito sa iyong mga kaklase.

Lugar Paliwanag

1. _______________ __________________

2. _______________ __________________

3. _______________ __________________

4. _______________ __________________

5. _______________ __________________

Suriin

Lakbay Sanaysay

Ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay ay nangaingailangan ng galing,


pamamaraan at kaalaman ng isang manlalakbay. Iba ang manlalakbay sa
turista sa kadahilanang ang manlalakbay ay may kaalaman talaga sa
paglalakbay bilang pagkilala sa mga lugar at pagtuklas ng bagong daigdig;
samantalang ang turista naman ay naglalakbay sa mga piling lugar lamang at
madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng araw. Ang
manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar, pagkain,

14 118
pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika at rehiyon ng isang
lugar. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista o pananaw
ng lokal na mamamayan upang hind maging gasgas at de-kahon ang
impormasyong binabahagi niya. Mainam na magtanong siya sa mga taong
pinanganak talaga sa isang partikular na lugar na kanyang pinuntahan.

Ang kagandahan ng sanaysay ay maaaring ang manlalakbay ay ibahagi


ang kanyang mga natutunan mula sa problema at pagkakamali. Bilang
mananalaysay, may tatak ang kasanayan. Kaya niyang umakyat ng bundok,
pumasok ng yungib, sumisid sa ilalim ng dagat, sumubok ng mga bagong
pagkain, tumuklas ng mga bagong paninda at higit sa lahat kaya niyang
makipagkapwa-tao. Taglay ng mananaysay ang katangian ng historyador,
nobelista, makata, mamamamhayag, kuwentista, at mananaliksik.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang sagutin ang mga


katanungang:

1. Paano naiba ang lugar na ito sa kinalakihan mong lugar?


2. Bakit ka naglakbay sa lugar na ito?
3. Umunlad ka ba bilang Pilipino sa isinagawang paglalakbay?
4. May natuklasan ka bang kahanga-hangang kaugalian ng mga
taong nakasalamuha mo sa paglalakabay?
5. Ano ang mga kultura o paraan ng pamumuhay ang natuklasan
mo?
6. Paano ba nabago ang buhay mo sa pamamagitan ng
paglalakbay?
7. Napapaibig ka ba na maglakbay ulit?

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks

15 119
Pagyamanin

Gawain 4:

Panuto:Sagutin ang mga katanungan matapos basahin ang dayalogo sa


ibaba at alamin kung tungkol saan ang pinag-usapan nila.

Oy! Pia, nakarating Hi Marvin! Okey lang,


ka na pala? ang lamig lamig doon.
Kumusta?

Bukod sa napakalamig na
klima ng Korea, ano pa
ang nagustuhan mo doon?

Hmmm… teka lang, saan ba


ako magsisimula? Ano ba
ang gusto mong malaman?

Ginuhit ni: Raul V. Dunan

1. Katulad ni Marvin, nais mo rin bang ibahagi ang iyong kwento noong
ikaw ay pumunta sa isang lugar? Bakit? Dahil alam kong maraming katulad ni
Pia sa mundo na interesado mabasa o mapakinggan ang kwento mo!

2. Isulat ang iyong sariling karanasan.

16 120
Isaisip

Gawain 5:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Lakbay
Sanaysay Sanaysay

Isagawa

Gawain 6

Panuto: Ibuod sa tatlong bahagi ang pamamaraan sa pagsulat ng isang lakbay-


sanaysay.

____ • Pangatlo

____ • Pangalawa

____
Pagkakatulad
• Una

Tayahin
121 17
Gawain 7.1

Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang lakbay sanaysay na nasaliksik sa


internet.
BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may
iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang
tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung
mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko
ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para
malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin
ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na
ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang
regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na
Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na
sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil
mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang
temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang
dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang
ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan
bagkus noong unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming
ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula
Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil
doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At
dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo
kaming naexcite na makarating na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung
saan dito kamI gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang
isang Dancing Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang
mamangka at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay
angBotanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na
kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo
makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang
kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View, ngunit kahit malayo
at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin
namin doon ay ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na
strawberry na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa
Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung
bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

18 122
REALISASYON:
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong
kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa
inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na
masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong
kakalimutan ang iyong Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat
ng problemang iyong kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi
pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding hindi ka
pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng
lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa
mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya. (Kathuson, 2016)
Sanggunian: Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.
Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/
accessed on January 18, 2018.

Gawain 7.2
Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga impormasyong kailangang ilahok sa lakbay-sanaysay?


Ano ang
dapat isantabi?
2. Bakit kailangang maging mahusay na manlalakbay ang isang mananalaysay
ng
lakbay sanaysay?
3. Mahalaga ba na magkaroon ng paunang pananaliksik bago sumulat ng isang
lakbay sanaysay? Bakit?
4. Mula sa halimbawang lakbay-sanaysay, ano-ano ang mga mahahalagang
aral na
iyong nakuha hinggil sa pagbabahagi niya ng kanyang paglalakbay?
5. Suriin ang lakbay-sanaysay na iyong binasa, taglay ba nito ang katangian ng
isang mabisang lakbay-sanaysay? Magbigay ng tatlo at ipaliwanag.

12319
Karagdagang Gawain

Gawain 8:
Panuto: Magbalik-tanaw sa mga lugar na napuntahan mo na. Sumulat ng iyong
sariling lakbay-sanaysay. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)
KATANGIAN PINAKAMAHUSAY KATAMTAMAN ANG KAILANGAN Kabuuan
(8-10) HUSAY PANG
(5-7) PAGHUSAYAN
(1-4)
POKUS AT May malinaw at tiyak na paksa na May malinaw at tiyak na May isang paksa.
DETALYE sinusuportahan ng mga detalyadong paksa, ngunit hindi Hindi gaanong
impormasyon o argumento. detalyado ang mga malinaw ang mga
suportang impormasyon suportang
o argumento. impormasyon.
ORGANISASY Kawili-wili ang mga introduksyon, May introduksiyon, May introduksyon,
ON naipapakilala nang mahusay ang mahusay na pagtalakay pagtalakay at
paksa. Mahalaga at nauukol sa at may karampatang pagtatapos o
paksa ang mga impormasyo na pagtatapos o konklusyon.
ibinahagi sa isang maayos nan a konklusyon.
paraan. Mahusay ang pagtatapos ng
konklusyon.
TINIG NG Malinaw ang intension na May intensyon at May kaunting
MANUNULAT manunulat. Kapansin-pansin ang layunin ang manunulat. kalinawan sa
kahusayan ng manunulat sa paksa. May kaalaman ang intension at layunin
manunulat sa paksa. ng manunulat.
Limitado ang
kaniyang
kaalaman.
PAGPILI NG Malinaw ang paggamit ng mga Malinaw ang paggamit Nasasabi ng
MGA ANGKOP salita. Angkop at natural at hindi pilit. ng mga salita bagaman manunulat ang
NA SALITA sa ilang pagkakataonay nais sabihin,
hindi angkop at natural. bagaman walang
baryasyon sa
paggamit ng mga
salita.
ESTRUKTURA Mahusay ang pagkakaayos ng mga Mainam ang Nakagagawa ng
, GRAMATIKA, salita at pangungusap. Walang pagkakaayos ng mga mga pangungusap
BANTAS, pagkakamali sa gramatika, bantas, salita at pangungusap. na may saysay.
PAGBABAYBA at baybay. May kaunting Maraming mga
Y pagkakamali sa pagkakamali sa
gramatika, bantas at gramatika, bantas
baybay. at baybay.
Ayon kay O’Niel (2005), ang lakbay sanaysay naman ay hindi parang
diary. Hindi lamang basta isinusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig,
namoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay. Hindi ito rekord o simpleng
pagdugtong-dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito ng
malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang
naglalakbay.

Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay ng


sapat na kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay. Tumutukoy ito sa
pagkilala at pagpapakilala sa sarili at pagmumuni sa mga naranasan sa
proseso ng paglalakbay. Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita
ang mananalaysay. Kailangang ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang

20 124
hindi masayang ang produkto ng matalas niyang obserbasyon. Huwag
kalilimutan ang deskripsiyon ng limang pandama sa paglalarawan ng
paglalakbay dahil marka ito ng matalas na gunita.

Sanggunian: Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling

Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Susi sa Pagwawasto

21 125
Lakbay Sanaysay

Subukin
Gawain 1
1. T
2. T
3. T
4. T
5. T

*Ang ibang Gawain ay nagdedepende sa paliwanag ng mga mag-aaral.

SANGGUNIAN:

22 126
Aklat:

Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

(Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

Chua, C. 2018. Posisyong papel available at https://www.slideshare.net/

Charlschua/posisyong-papel? from action=save accessed on

January 18, 2018.

Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

Division of City Schools Valenzuela, 2016 available at


http://depedvalenzuela.ph/
als-secondary-module-6/ accessed on January 18, 2018.

https://unsplash.com

Modyul 4.3: Posisyong Papel


23 127
Alamin

Alam mo ba na isa sa kasanayan na dapat mahubog ng mga


kabataan ay ang kakayahang magkaroon ng paninindigan sa isang
prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang
desisyon batay sa isang matibay na ebidensiya na naglalayung
mapatunayan ang isang paksa upang makahikayat o makumbensi.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.


1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.
2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo
sa
pangangatuwiran.
3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay
pawang katotohanan.
4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin
na wala
sa awtoridad.
5. Maaaring gamitin ang isang opinion bilang isang matibay na
ebidensiya lalo
na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga
kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.

24 128
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa


lakbay sanaysay.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang leksyon, ano ang lakbay
sanaysay?
________________________________________________________
_____

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay?


________________________________________________________
________________________________________________________

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


________________________________________________________
____

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba, bigyan ito ng sariling opinyon.
Pumili ka lang kung sang-ayon o di ka sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Pagpapaliwanag:
Sang-ayon

Pagpapaliwanag:
Di Sang-ayon

Suriin

129 25
Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng


mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate,
naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang
pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa
opinyon manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na
ebidensya mula sa pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang
isyu kung walang pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay
maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis,
abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito
upang mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu. Mas
makatotohan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang matitibay na
ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran
ayon kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian
at Lontoc, (2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa
mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng
mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguruduhin
ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig
sabihin pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago depende sa
mga bagong tukas na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling
pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling
pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero
kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad
o mga kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko
at siyentipiko

26 130
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Sa pagsulat ng posisyong papel mahalagang pagukulang pansin ang
ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa ng
panigan ang nasabing isyu.
Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel
mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat
ng posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang
paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang
mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay
maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang
mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya) –
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod sunod
ng mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga
argumentong tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng
pangangatwiran bigyan ito ng mga matitibay na mga batayan mula sa mga
pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan ang iyong
posiyong pinaglalaban. Mas higit na kapanipaniwala kapag may tatlo o higit

27 131
pang matitibay na mga ebidensya na gagamitin para madepensahan ang
pinapanigang posisyon.

3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang
magiging implikasyon nito.

Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga
sang-ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat indibidwal
ay makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating
lipunan. Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad. Anong Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon ka
ba o di ka sang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay
inilalahad na nag malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa-
isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng
karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan
sa pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel ay
manghikayat.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto 1: Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP
hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG


PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA
GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of


2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino

28 132
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang
mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles
sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng
mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang
Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito.
Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV,
itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing
mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil
nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education
enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the
world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of
community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes
more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing
social problems in the general education program increasingly become more
pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na
tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga
asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil
sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang
identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong
sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng
kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng
mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit
binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in
the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral
na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino
bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa
kolehiyo.

29 133
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino
na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang
alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang
edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw
na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas
ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of
Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University
sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika,
pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik
at pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't
ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa
ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and
Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa
Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat
sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran
ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng
kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa
kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang
Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy
ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli
naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang


pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang
mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at
Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang
Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging
Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay
ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa
suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na
kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang
nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino. Maghahain
ito ng mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng
iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

30 134
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng
CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan


ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino.
Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa
mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-
papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-
ng/727134210658842/

Gawain 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran
ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo
at Unibersidad at ibigay ang mga sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyong:

Argumento 1:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:

Argumento 2:

Ebidensya 1:

31 135
Ebidensya 2:

Aksyon kaugnay ng isyu:

Isa-isip

Gawain 5
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang
posiyong papel tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?

2. Ano ang pangunahing layunin nito?

3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa argumento? Ipaliwanag ang


iyong sagot.

4. Naging kongkreto ba ang aksyon sa ginawang kongklusyon? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

5. Sang-ayon ka ba isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at


Unibersidad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa isyung Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.

32 136
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat
sa talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng sampung
makakapanayam para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor
sa isyu at ano ang dahilan.

Mga Sagot
Isyu Dahilan
Pabor di-pabor
1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin

Gawain 7

Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna


natin kung lubos mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
MALI.

1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng


tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang
mga salita lamang.
2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang
katangian ng isang mananaliksik.

33 137
3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang
sanaysay ay hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng
matibay na argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa
pagkamalikhain ng mag-aaral.
4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang
mabisa itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-
akit at lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.
5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o
anumang obserbasyon sa isang lugar.

6. Kailangang mapatunayang tama ang counterargument na nailahad.


7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong
sulatin.
8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa
kongklusyon.
9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita,
narinig, naamoy at nadama.
10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng
awtoridad (pulis, abogado, doctor, atbp.).

34 138
Karagdagang Gawain

Gawain 8.1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Lakbay
Sanaysay Sanaysay

35 139
Gawain 8.2

Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel.

Dapat lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na

argumento, mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel. 5
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang
sulatin na posisyong papel. 5
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika. 5
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya a.\ng
5
posisyong papel na nabuo.
KABUUAN 20
sinipi sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)

Sa wakas ay natapos mo rin ang aralin na ito. Napakahusay mo na!


Binabati kita sapagkat na dagdagan mo na naman ang iyong kaalaman. Sana
magamit mo ito bilang instrumento sa pag-abot ng iyong tagumpay.

36 140
37 141
Aklat:
SANGGUNIAN:
SUSI SA PAGWAWASTO
Subukin
Gawain 1
1. Mali
2.Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Tayahin
Gawain 7
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. TAMA
Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

(Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

https://www.slideshare.net/

https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

http://depedvalenzuela.ph/

als-secondary-module-6/

https://unsplash.com

Aklat

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akademik). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing
House Inc.

Pamela, C.C. at G.S. Zafra (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Manila
Philippines: Rex Bookstore Publishing House Inc.

Internet

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/

38 142
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 1st Date:

Possible Levels of Difficulty (encode the item number)


Encode the Number of Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode
NUMBER Items per
the
OF Competenc Encode ITEM
Encode the LEARNING COMPETENCIES NUMBE Reme Under-
CONTACT y (Note: NUMBER Appl- Analy- Evalu Creat- Total
R OF mberin stan-
DAYS/ Check the ying zing a-ting ing
ITEMS g ding
HOURS total no. of
items)
Nabibigyang-kahulugan ang 6 3 1
1 akademikong pagsulat 4 10 10 I.1-10 10
(CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong 6 3 1
I.11,12,13,15,
sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
2 4 10 10 16,21,22,24, 10
Katangian (d)Anyo
25,27
(CS_FA11/12PN-Oa-c-90)
Nakapagsasagawa ng panimulang 6 3 1

39
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, I. 14,17,18,19,
3 kalikasan, at katangian ng iba't ibang 4 10 10 20, 23,26,28, 10
anyo ng sulating akademiko 29,30,
(CS_FA12EP-Oa-c-39)
Naisasagawa nang mataman ang mga 6 3 1
hakbang sa pagsulat ng mga piniling
4 4 10 10 II.31-40 10
akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Nakasusunod sa istilo at teknikal na 6 3 1
5 pangangailangan ng akademikong 4 10 10 III.41-50 10
sulatin (CS_FA12PU-0d-f-93)
Total 20 50 50
Encode the Total Number of Contact
20 50
Hours /Days
Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number of
Items
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM FOR SENIOR HIGH SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATION
Grade: 12 Subject: Filipino sa Piling Larangan Grading Period: 2nd Date:
Possible Levels of Difficulty (encode the item number)
Encode the Number of Easy (60%) Average (30%) Difficulty
Encode
NUMBER Items per
the
OF Competenc Encode ITEM
Encode the LEARNING COMPETENCIES NUMBE Reme Under-
CONTACT y (Note: NUMBER Appl- Analy- Evalu Creat- Total
R OF mberin stan-
DAYS/ Check the ying zing a-ting ing
ITEMS g ding
HOURS total no. of
items)
Napagtitibay ang natamong kasanayan 7 3 1
sa pagsulat ng talumpati sa
1 8 20 11 B.6-16 11
pamamagitan ng pinakinggang/binasang
halimbawa (CS_FA/12PN-0g-i-91)
Nabibigyang-kahulugan ang mga 3 2 1
terminong akademiko na may kaugnayan
2 4 10 5 A.1-5 5
sa piniling sulatin(CS_FA/12PB-0m-o-
102)
Nakikilala ang mga katangian ng 4 2 1
mahusay na sulating akademiko sa
3 4 10 7 C.17-23 7

40
pamamagitan ng mga binasang
halimbawa(CS_FA/12PB-0m-o-102)
Natitiyak ang mga elemento ng 4 2 1
paglalahad ng pinanood na episodyo ng
4 4 10 6 D.24-29 6
isang programang
pampaglalakbay(CS_FA/12PD-0m-o-89)
Nakasusulat ng organisado, malikhain at 7 3 1
5 kapani-paniwalang sulatin (CS_FA/12PU- 6 15 11 E. 30-40 11
0p-r-94)
Nakabubuo ng sulating may batayang 6 3 1
pananaliksik ayon sa pangangailangan
6 15 10 II.41-50 10
(CS_FA/12PU-0p-r-95)
Total 32 50 50
Encode the Total Number of Contact
32 1
Hours /Days
Pls Check
the
Encode the Total Number of Items 50 Possible
Number of
Items

You might also like