You are on page 1of 2

SA UMAGA MAN O GABI

ni: Luisito M. Gomez

TILA isang makina na walang tigil sa pag-andar at isang sasakyan na walang hinto-
hinto sa may bako-bakong daan ay walang ibang makita kundi ang sarili na tumatakbo.
Sa bilis nito’y tagaktak ang pawis na ramdam ang pagtulo sa katawan, ang dibdib ay
yumayanig sa bilis ng tibok ng puso, ang mata na nangangamba na nais masilayan ang
liwanag, ramdam ang tila kumukulong dugo na nananalaytay sa ugat at animo’y tubig sa
talon na walang palya sa pag-agos.

Humihinga ng malalim sa loob ng isang di pang karaniwang silid ay masisipat ang


kurtinang walang humpay sa pag-indayog na dulot ng malakas na hanging nagmumula sa
labas, nakatapat ang durungawan sa tapat ng inosenteng higaan na may kalumaan sa gilid
sa kaliwang bahagi nito’y mapapansin ang isang inulilang lamesita kasama ang basong
uhaw sa tubig at mga pinagbasyohang bote ng alak.

Isang tinig ang tumawag sa aking pangalan, dahilan kaya’t diwa ay nabuhayan.

“Simoun. . . Ano’ng nangyayari sa’yo?” Ang tinig na may pagkagulat ang gumulantang
sa natutulog kong diwa, dalidaling hinawakan ang aking mga kamay at pinunasan ang
pawis sa aking takot na mukha at paulit-ulit na binibigakas ang mga salitang “ano’ng
nangyayaris sayo”?

Mahinahon sa pakikipag-usap, may mapag-arugang kamay at di sumusukong mga bisig


ngunit may mga matang nangangamba. “Madalas ka ng umiinom ng alak may problema
ka ba”? Ang tanong sa akin ni Corazon dalawampu’t anim na taon narin ang nakalilipas
ng pumanaw ang aming mga magulang sa isang aksidente at simula noon siya na ang
tumayong magulang ko.

“wala... wala naman akong problema.. ang di sigurado at pautal-utal na sagot”


Hindi umimik ni walang salitang lumabas sa bibig, ngunit sa tingin nito’y mahirap pa rin
na maunawaan. Tulad ng ating buhay na kailangang unawain, mga sagot sa likod ng
nakaraan at mga hirap na nanangangailangan nalang ng katahimikan.

“Ilang oras na lamang at mag-uumaga na....may oras ka pa para magpahinga.”


May buntunghininga sa pagkakabigkas niya sa mga katagong iyon. Nanatili siyang
nakatingin sa tiwangwang na bintana na noo’y walang liwanag na makikita kundi dilim
na pinaghaharian ng katahimikan at lungkot. Biyaya sa maykapal ang mabuhay sa
daigdig, maaring saya, lubos na kagalakan at maging kapangyarihan. Ngunit hindi
madaling mabuhay sa lungkot ng wala ng pag-asa pang hinihintay. Ang buhay ay
isang bagay na hiniram na pagkatapos gamitin ay kailangang ibalik.

Humihinto ang tao sa matagal na pagkakatulog, bumabangon upang mabuhay ang


bisig at paganahin ang buong sistema nito. Marahan na bumababa sa hagdan at may
pahabol pang paghikab. Gising ngunit ang ulirat ay nahihimbing pa, umaga nanaman pala
at kay bilis ng mga pangyayari sa buhay natin na may umaga at gabi na kailangang
harapin. Sa silya ako’y naupo at nakatulala sa panibagong umaga na kasing lalim at layo
ng dagat ang tinatanaw ng isipan.

“Ano nanaman ang nasa isipan mo at tila gulong-gulo ka nanaman? Ang


nagtatakang tanong sa akin ni Corazon, wala kailangan ba may saysay ang bawat iniisip
at kung ano ang ibig sabihin nito? Ang mabigyan ng buhay ang sarili, araw-araw
lumalaban sa naiibang mundo ngayon sa kasalukuyan ay may natatanaw pa nga bang
bagong simula sa dami-dami ng mga pangyayari lilipas din ba ang lahat ng ito?

Ano man ang iniisip ko ngayon ay walang kaalam-alam si Corazon dahil walang
silbi ang mga naiisip kung hindi mo maisasagawa at tutuldukan sa bawat pangyayari.
Marami ang nagsasabi siguro isa ka ng sa kanila, minsan lang mabuhay ang isang tao
kaya dapat gawin mo na ang mga bagay na gusto mo at makapagpapasaya sa’yo! Sa
katunayan minsan lang tayo mamamatay dahil araw-araw tayong nabubuhay at
sandali lang ang oras natin sa mundo kaya ilaan mo ito sa tamang tao na
makapagpapasaya sa iyo. Saan nga ba nagkakapantay-pantay ang tao? Sa estado ng
buhay, karapatan, kasarian, lahi at kung ano mang pinagmulan. Walang tunay na
pagkakapantay-pantay kung ‘di mo bubukasan ang iyong isipan sa araw-araw na
pagbabago ng mundo at pamumuhay ng tao sa umaga man o gabi.

You might also like