You are on page 1of 1

DAKILA

ni: Luisito M. Gomez

I.
Sa simula’y maliyag pa
Ang sila’y nitong gunita
Samo’y napagtanto ko na
Sangkatauhang tulad niya.

II.
Sa pag-agos nitong tubig
Kasabay ng paghinagpis
Nalulumbay itong isip
Luha nga ba’t mga pasakit.

III.
Huwag ka ng mag-alangan
Buksan mo na ang pintuan
Mapalad kang sa harapan
Tawag ng ‘yong kasalanan.

IV.
Saan ka naman tutungo
Hinagpis at pagdurugo
Hilumin mo yaring puso
Upang landas di malayo.

V.
Busilak ang kalooban
Amang makapangyarihan
Dinggin itong kahilingan
Iligtas sa kamunduhan.

VI.
Tunay ngang dinadakila
Salitang mapaghimala
Ikaw ang ilaw na tala
Ang tawag sayo’y dakila.

You might also like