You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
PALIPARAN NATIONALHIGH SCHOOL
Paliparan III, DasmariñasCity
(046) 5060142

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Baitang 9

Pangkalahatang Panuto:
Basahing mabuti at unawain ang bawat panuto at katanungan. Itiman ang bilang
ng tamang sagot sa sagutang papel.

Panuto: Basahin ang bahagi ng kuwentong “Ang Batang Nanaginip na Siya’y


Nakalilipad.”

Ang Batang Nanaginip na Siya’y Nakalilipad


Ni Edgar Maranan

Nang lumaon paminsan minsan na lamang siya dalawin ng kanyang panaginip na


iyon. Napansin ng kanyang mga magulang ang kanyang pagkalungkot. Ikinuwento niya
ang kanyang panaginip at ang pagdalang ng dalaw nito sa kanyang pagtulog. Naawa
na lamang ang kanyang magulang. Napailing ang mga ito.
“Baka ang panaginip mo ay maging pangarap na di kayang abutin at napakataas!”
ang sabi ng kanyang Itay,, na natatawa tawa.
“Anak huwag kang mangarap na isang anghel. Anghel ka naman sa amin kahit wala
kang pakpak!” sabi ng kanyang Inay.
Sa pagdaan ng maraming taon, kinasabikan niya ang pagbalik ng kanyang
panaginip. Kinasabikan niyang muling mahaplos ang kanyang likod ang magilas na
mga pakpak na naghatid sa kanya sa matatayog na ulap.

1. Ano ang paksa ng maikling kuwento?


A. tungkol sa panaginip C. tungkol sa pagtulog ng bata
B. tungkol sa pangarap ng bata D. tungkol sa Anghel

2. Sino ang pangunahing tauhan?


A. isang bata B. ang Inay C. ang Itay D. isang Anghel

3. Ang damdaming nangibabaw sa akda batay sa mga pangyayari ay ___________.


A. pagkainis, dahil sa panaginip
B. pagkalungkot, dahil sa hindi pagdalaw ng panaginip
C. pagkasabi, dahil muli siyang nanaginip
D. pagkatuwa, dahil nakatutuwa ang panaginip

4. Makatuwiran bang gawing pangarap ng bata ang isang panaginip?


A. makatuwiran, dahil yun lamang ang nakapagbigay kasiyahan sa kanya
B. hindi, dahil malayo ito sa katotohanan
C. makatuwiran, dahil maaari niya itong pagbasehan sa kanyang kinabukasan
D. hindi, dahil may ibang gusto ang magulang paaraa sa kanya

5. Anong uri ng panitikan ang akdang “Ang Batang Nanaginip ns Siya’y Nakalilipad?”
A. Nobela B. Dula C. Alamat D. Maikling Kuwento

Ang Patuloy na Paglaganap ng Kahiraapaan sa Bansa


Ni Aileen Desamero

Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay


tayo sa salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay namuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyonan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay mga korap na
opisyal ng gobyerno. Ninakaw nila ang kaban ng pondo ng ating bansa para sa
ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga
opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang
kawalan ng mapapasukang trabahong mga tao kasabay ng sunod-sunod na pagtaas
ng pagtaas ng bilihin.

6. Anong uri ng sanaysay ang teksto?


A. sanaysay na pormal C. sanaysay na di-pormal
B. sanaysay na tiyak D. sanaysay na di-tiyak

7. Ano ang ibig sabihin ng “ninanakaw nila ang kaban at napunta sa sariling bulsa ng
mga opisyales?”
A. ninanakaw ng mga opisyales ang kabang bigas ng bayan at binubulsa nila
B. ninanakaw ng mga opisyales ang milyong buwis ng bayan
C. Ang mga opisyales ay matatakaw
D. Ang mga opisyales ay nagpapahirap sa buhay ng mamamayan

Makapaghihintay ang Amerika


Ni Dionisio S. Salazar

Fidel: Kailangan natin, kung baka sa makina ay complete overhaul. Talagang kailangan
ng pagbabagong-buhay ng mga namumuno at pinamumunuan.

Ligaya: Sang-ayon ako sa mga sinabi mo, ngunit hindi ba higit na mabisa at kanais-
nais ang pamumunong may kasamang panlunas.

Fidel: Tama, ang paggamot sa sakit ay panandalian lamang… pansamantalang


pagpigil. Ang dapat ay alamin ang mga sanhi nito at ang pagbuhusan ng lakas upang
tuluyang mawala.

Ligaya: Ikinagagalak kong marinig ‘yon sa iyo.

8. Sa pahayag na “Kailangan ng pagbabagong-buhay ng mga namumuno at


pinamumunuan.” Anong salita ang nagpapakita ng makatotohanan sa pahayag?
A. naumuno C. kailangan
B. natin D. pagbabagong-buhay

9. Sa pangungusap na “Tama, ang paggamot sa sakit ay panandaliang lamang…


pansamantalang pagpipigil.” Ano ang kahulugan ng salitang tama?
A. sumasang-ayon C. sumasalungat
B. di-tiyak D. sumusuno

Basahin ang tula.


Kuwento ng Paglisan
Ni Gary
I
Tuwing ihahatid mo ako
Parang nangyari na’y iuulit pa
At tayo’y mga lumang tauhan
Sa dating tagpuan
II
May eksena ang pintua’y
Isinara ng iyong mga ngiti
At habang papaalis
Nabasa ko na
Ang muli nating pagkikita
III
Maaaring nakakandado
Ang pagsasama tulad ng alaala
At maaaring napipinid din
Ang mga damdamin gaya ng isang kuwento
IV
Sa hangganan ng ating paglayo
May mga sukdulang mananatiling bukas
Sa mga isipang naglalaro
Na hindi paawat kumatok
Sa mg pintuang may bagong wakas.

10. Anong damdamin ang nangibabaw sa tula?


A. kalungkutan B. paghihiganti C. kasiyahan D. panghihinayang

11. Ano ang tema ng tula?


A. namumuong pag-ibig C. sawing pag-ibig
C. pag-iisang dibdib D. pangangaliwa

12. Anong damdamin ang naghahari sa ikalawang saknong?


A. galak B. lumbay C. pighati D. takot

Basahin ang Dula


Fidel: Ang Pilipinas ay nasa bingit ng malaking panganib. Dito’y hindi na “lakas ng
katwiran,” ang nananaig kundi “katwiran ng lakas.” Ang batas ay wala nang ngipin.
Lumuluha na ang katarungan.

Ligaya: Hndi ako mawawalan ng pag-asa.

Fidel: Natatandaan mo bang sinabi ni Roces? Sabi niya, “maging ang mga hukuman
ay hindi ligtas sa mga mantsa ng katwiran.

13. Ano ang pangunahing kaisipan ng dula?


A. mga katiwalian sa Pilipinas C. pag-unlad ng Pilipinas
B. kahirapan sa Pilipinas D. kasaganahan sa Pilipinas

Durungawan
Ni Manuel Principe Bautista
May mahalagang kaugnayn sa buhay ang isang nilikha ang durungawan maging sa
isang bahay na bato o giray na dampa. Ito ay nagsisilbing tagapahayag ng damdaming
gumagalaw at napipinid ng kanyang kabuuan. Sapagkat ang damdaming sumisilang
mula sa puso ay malinaw na mababakas sa mukha, sa labi o mata ng isang nilalang,
kaya ang damdaming sumusungaw sa knayang mga dahon kung sandaling mabuksan
ay hindi maaaring makaila.
Ang pagiging masayhin o malungkutin ng buhay na inaangkin sa kanyang paligid ay
makikita sa pagsisimula ng buhay. Ang padabog ng pagpinid ng kanyang mga dahon
ay maaaaring mangahulugan ng pagkapoot o kasiyahan sa marahan niyang pagkabawi
upang mapaglagos ang liwanag ng kanyang inililihim na kalooban kung gabi. Ang mga
mata ay durungawan ng kaluluwa, ang durungawan ay siyang kaluluwa ng mga
nilikhang bahagi niya. Sa nakabukas na dahon nito sumusungaw ang tunay na
damdaming kimkim ng nilalang na humihinga at tumitibok sa kanyang kaisahan. Sa
ganyan ay nakalantad ang tunay na kaanyuan ng buhay na hindi mapagkunwari: ang
buti at sama.

14. Anong uri ng sanaysay ito?


A. pormal na sanaysay C. di pormal na sanaysay
B. nagbibigay-aliw D. nagtuturo

15. Anong konklusyon ang maaaring mabuo mula sa sanaysay?


A. Ang mata ng isang tao ay siang durungawan na pag binuksan ay makikita ang
kaanyuan
B. ang tao ay maaaring mabuti o masama
C. may mga taong hindi nagpapakatotoo
D. ang mga tao ay laging may tinatagong kapuotan

16. Anon gang tema ng sanaysay


A. pagpapakatotoo sa sarili C. pgpapahayag ng katotohanan
B. pagtatago sa sarili D. pagtatago ng totoong damdamin

Si Pangulong Duterte ay siang iginagalang at ikinararangal sa lipunan. Sa pangunguna


sa gawa’y laging maaasahan at mahusay magdala ng tao. Maging ang kapakanan
nila’y pinagmamalasakitan niya. Sadyang kalugod-lugod at dapat pamarisan ang isang
tulad niya.

17. Anong uri ng teksto ang akda ayon sa pagkakalahad?


A. nagsasalaysay C. naglalarawan
B. nagpapasiya D. naghahambing

Nabigla ag tagapamahala ng gawaing kapulungan. Inaasahang mga superbisor ang


kanilang tutuuran at sasanayin sa Mass Training for K to 12 Basic Education Curriculum
sa Filipino, ngunit ang dumating na mga kalahok ay galing sa iba’t ibang rehiyon ng
mga guro at punong-guro ng mataas na paaralan. Karamihan ay dumating sa oras at
ang ilan ay di pa alam ang tutuluyan.

18. Ano ang pinapaksa ng teksto?


A. tungkol sa gawaing kapulungan C. tungkol sa oras ng pagdating
B. tungkol sa mga kalahok D. tungkol sa pagkabigla ng
tagapamahala

Nagkita sa isang kasiyahan ang dating magkaibigang matagal nang hindi nagkikita.
Sa kanilang pagkukuwento, naitanong ng isa kung mayroon nang anak ang kausap.
Sumagot ang kaharap at sinabing, “Aba oo, may isa na akong anak na lalaki.
Katunayan kung makikita mo siya’y sasabihin mong para kaming pinagbiyak na bunga.”

19. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. magkaiba sa isa’t isa C. magkamukha
B. magkatulad ng ugali D. magkasing laki

20. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas


na masaya ang __
A. komedya C. tragikomedya
B. melodrama D. trahedya

21. Anong-uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang
pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw ?
A. pananda C. pang-ukol
B. pangatnig D. pantukoy

22. Sa pangungusap na “Si Elisa ay nakatapos ng pag-aaral bagaman sila ay mahirap.”


Ang salitang bagaman ay anong uri ng pangatnig?
A. pamukod B. panlinaw C. panapos D. paninsay

23. “Hindi ka maghihirap sa buhay kung magpapakasipag ka lamang.” Alin sa mga


salita ang halimbawa ng pangatnig na panubali?
A. hindi B. sapagkat C. kapag D. datapwat

24. “Nakapasa sa pagususlit si Gerald ____ siy ay matalino.” Ano ang angkop na
pangatnig ang dapat gamitin sa pangungusap?
A. kung B. sapagkat C. kapag D. datapwat
25. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at Nagluto si Mulong ng pansit, ano
ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging isang pangungusap ang mga
nabanggit?
A. kaya B. palibhasa C. subalit D. datapwat

26. Sa pangungusap na “Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.” Ang


salitang dahil sa ay anong uri ng pangatnig?
A. pananhi B. panlinaw C. panapos D. paninsay

27. “Nakapasa ng entrance exam si Ahl ___ siya ay seryoso.” Ano ang angkop na
pangatnig ang bubuo sa pangungusap?
A. kung B. kapag C. sapagkat D. datapwat

28. Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa panuring at tinuturingan?


A. pangatnig B. pang-ukol C. pang-angkop D. pang-abay

Hindi inaasahan ang maagang pagkamatay ng ama ni Julian. Naiwang walang alam
na hanapbuhay ang kanyang inang mayroon pang taglay na karamdaman. Wala ring
naipong salapi ang kanilang mag-anak kung kaya’t sila’y naghihikahos. May tatlo pang
maliliit nna kapatid si Julian na ngayo’y parang mga basing-sisiw sa lansangan.

29. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa teksto?


A. kawawang bata B. nanglilimos C. lugo-lugo D. nanghihingi-hingi

Si Ka Teban ay nagmamay-ari ng bukirin sa kanilang nayon. Ang maliliit na


magsasaka ay sa kanya nanghihiram ng capital. Siya rin ang bumili ng aming palay sa
napakababang halaga lalo na kung kagipitan. S kanilang nayon, ang tingin kay Ka
Teban ay isang buwaya.

30. Ano ang ibig sabihin ng ng buwaya sa pangungusap?


A. mapagbigay B. matapang C. masungit D. sakim

31. Sa pangungusap na “Namuhay tayo sa salat sa mga pangunahing pangangailangan


ngunit tayo ay namuhay ng matiwasay.” Ano ang kahulugan ng salat?
A. marami B. sagana C. kulang D. kapos

Ang ngiti ng Ina ay patak ng ulan kung tag-araw; ang bata kong puso ay tigang na
lupang uhaw na uhaw.

32. Ano ang denotasyong kahulugan ng “patak ng ulan sa tag-araw?”


A. tubig na galing sa kalupaan C. matindi ang init
B. hamog sa medaling araw D. bagyo sa panahon ng tag-init

33. Ano ang konotasyong pgpapakahulugan sa “tigang na lupang uhaw?”


A.. uhaw na lupa C. kulang sa tubig
B. salat sa pagmamahal D. salat sa pag-aaruga

At doon sumabog ang bulkan. Pumutok ng ubod ng lakas, sumabog ang kaldera ni
Bb. Pathupats.
34. Ano ang konotasyong pagpapakahulugan sa sumabog na kaldera?
A. nagagalit C. nagsusumamo
B. nagagalak D. nagmamakaawa

35. Ano ang konotasyong pagpapakahulugan sa “sumabog na bulkan.”


A. matinding galit C. kalmado
B. matinding sakit D. matinding tuwa
Marikudo
Tumayo ang magiting na bagong hari. Iginala ang kanyang maamong mukha sa
paligid. Tila may hinahanap. Kumaba ang kanyang puso. Lumakad siya sa pook ng
kadalalagahan, huminto at marahang umupo, pagkatapos ay marahang inilawit ang
kaniyang kamay sa isang dalagang nakayuko….. kay Maniwantiwan.

36. Sa pangungusap na “Tumayo ang magiting na gahong hari.” Ano ang panlaping
naganap sa salitang tumayo?
A. unlapi B. hulapi C. gitlapi D. kabilaan

37. Anong panlapi ang idinagdag sa salitang may salungguhit?


A. ka at ga B. ka at an C. ad at an D. ka at han

38. Sa pahayag na “ Nguniit hindi ko mabubuksan ang bintana para tignan, namamatay
ang ilaw at lakas ng hangin.” Ano kahulugan ng salitang may salungguhit kapag binasa
ito ng pakaliwa?
A.hawakan ng mahigpit C. lilingkisin ng mahigpit
B. hawakan ng mahinahon D. itali ng mahigpit

39. Sa pahayag na “Ang mismong byan nami’y liblib na pook, sampung kilometro ang
layo sa highway.” Ang salitang liblib ay naging ____ kapag binasa ng pakaliwa at ano
ang kahulugan nito?
A. bilbil – buto sa tiyan C. bilbil – taba sa tiyan
B. bilbil – gujit sa tiyan D. biilbil – marka sa tiyan

Minsa’y nangagbabalak magdaos ng pista ang mga mikrobyo


Bakit, sabi nila, ang pagdiriwang ba’y sarili ng tao?
Daming nagpaunlak sa pulong naa twag ng tila pangulo
Nalagay sa hap gang mga mungkahi at sila’y nagtalo
Ngunit ang mainama’t “masayang tunay”
Nang magkasundo na ay lumakad
Silang sa akin nagtungo
Pinagkayaria’y idaos sa piging sa mga baga ko

Halaw sa Aking mga Panauhin


Ni Salvador R. Barros

40. Ano ang kasingkahulugan ng salitang magdaos?


A. pagdiriwang B. mungkahi C. piging D. pulong
41. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nagpaunlak?
A. piging B. lumakad C. nagtalo D. nagtungo
Isa sa pinakamahusay na manlalaro sa SEA GAMES si Rodolfo Reyes Jr. mula sa
New Era National High School. Nagkamit siya ng parangal bilang kampiyon hindi
lamang sa ating bans kundi maging sa iinternational na patimpalak. Ito ay isa larangan
ng Taekwondo nang makamit niya ang kampiyon mula sa Male Poomsae event na
ginanap sa Singapore.

42. Ano ang salitang naglalarawan sa seleksyon?


A. pinakaamahusay C. nagkamit
B. ginanap D. patimpalak

43. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa sanaysay?


A. psg-eensayo C. pamahiin
B. paligsahan D. programa
Sa pag-aagawan ng araw at buwan
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian
Ang pangungulila sa iyong pagpanaw

44. Ano ang ipinahiwatig ng taludtod?


A. Nakakalungkot ang paglipas ng panahon
B. Nangungulila sa pagkwala ng mahal sa buhay
C. Nakalulugod ang pagdating ng kadaliman
D. pagkassabik sa pagdating ng minamahal

45. Ano ang ipinahiwatig ng kapighatian?


A. bigat ng kalooban C. pangungulila
B. kalungkutan D. katamlayan

46. Aling salita sa tula ang nagpapakita ng matinding kalungkutan?


A. kadilim C. pangungulila
B. pagpanaw D. pag-aagawan
1. Si Berto ang bugtong na anak ng mag-asawang Binay at Bindoy. Palibahasa’y nag-
iisa, mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang. Pinangarap din nila na si Berto
ay maagang makapag-aral sa kolehiyo kung papalaring makasulit sa napipintong
pagtatapos ng klase.
2. ______ tila mabibigo ang pag-asa ng mag-asawa na makatapos ng
pagkamanananggol ang anak. Isang araw at nakatanggap sila ng sulat mula sa guro
ni Berto. Siya ay nakagawa ng isang matinding kasalanan na nagpawala sa tiwala ng
kanyang magulang.
3. Nang tumuntong si Berto sa ikaanim na baiting na mababang paaralan, lalong
masunod ang lahat ng kanyang mahihiingi.
4. _____ hindi inaasahang pangyayari si Berto hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

47. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento batay sa pagkakamit


ng pang-ugnay?
A. 1, 2, 3, 4 C. 2, 1, 3, 4
B. 1, 3, 2, 4 D. 2, 3, 1, 4
48. Ano ang angkop na pangatnig ang dapat gamitin sa ikalawang talata bilang tanda
sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
A. ngunit C. subalit
B. sapagkat D. datapwat

49. Batay sa mga pangyayari sa kuwento, anong angkop na pang-ugnay na pananhi sa


ikaapat na talata?
A. kaya C. dahil sa
B. sapagkat D. kasi

Ang Imahinasyon
Ano ang imahinasyon? Hindi ito ang palabas sa paglalarawang iyong nakikita. Ito’y
ang kakayahan ng iyong isipan na makabuo ng isang paglalarawan-misang katangiang
makatutulong sa iyo na makita ang isang bahaghari sa isang pusalian, ang mga anghel
sa ulap. Ito rin ang lakas na makatutulong sa iyo upang mapalutang mo ang katangian
ng mga karaniwang bagay at mahayag ang kagandahan ng mga ito. Dahil sa iyong
malikhaing imahinasyon, makikita, maririnig at madarama mo ang kaisipan, damdamin
at bagay-bagay at hindi napupuna o napag-uukulan ng pansin ng tao. Higit mong
madarama ang magagandang himig ng mga pangkaraniwang tunog at ingay.
Mapapahalagahan mo ang maliit na bagay. Kailangan ang masusing pagsasanay sa
paggamit ng imahinasyon. Kung magagawa mong pakilusin ang iyong buhay,
ipagpatuloy mo…. Iyan ang paglikha.

50. Ano ang nagagawa ng isang manunulat sa pamamagitan ng imahinasyon?


A. nakagagawa ng libro C. nakabubuo ng isang larawan
B. nakalilikha ng rebulto D. nakapagbibigay-halaga sa
imposibleng bagay

51. Paano maipapakita ng may-akda ang nagagawa ng imahinasyon sa mga akda?


A. nagpapalutang at pagkilatis sa magagandang himig
B. pagpapahayag ng anumang damdamin sa maindayog na paraan
C. kakayahang mapalakas maging ang anumang puwersa
D. paglalarawan nang malinaw maging ang mga bagay na di nakikita ng tao

52. Ano ang kakambal ng paggamit ng imahinasyon?


A. pagtula C. paglikha
B. pagsulat D. pagkilos

53. Ano ang magandang landas sa paglikha ayon sa sanaysay?


A. pagdama sa magandang himig
B. masusing pagsasanay sa paggamit ng imahinasyon
C. pagapapahayag ng kagandahan sa kapaligiran
D. pagpapahayag ng kagandahan ng mga ikinikilos ng kapwa

54. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na karaniwang paglalarawan?


A. anghel sa alapaap C. bulaklak sa hardin ng dukesa
B. obra ng isang manunulat D. bagay-bagay sa panaginip
55. Ayusin ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
1. Pinaputol ni Mentang ang kanyang mahabang buhok
2. Dala ni Mentang ang isang lata ng gas
3. Pangarap ni Mentang na maging isang modelo
4. Kapag ikinapit sa tao ang salitang buwaya ito ay nangangahulugang may
ugaling sakim o matakaw sa salapi kaya Malaki kung magpatubo sa utang.
A. 2 4 1 3 C. 3 2 4 1
B. 1 4 2 3 D. 3 1 4 2

56. Ayusin ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari.


1. Ang buwaya ay isang malaking hayop sa ilog.
2. Dahil sa kaluwagan ng bunganga, malakas itong kumain ng mga tao at hayop.
3. Dahila ang taong tinutukoy ay wala sa tubig, siya ay tinatawag na buwaya
4. Kapag ikinapit sa tao ang salitang buwaya ito ay nangangahulugang may
ugaling sakim o matakaw sa salapi kaya Malaki kung magpatubo sa utang
A. 2 4 1 3 C. 3 2 4 1
B. 4 3 2 1 D. 1 2 3 4

57. Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maaaaa.. pagagalitin mo na naman ako eh at
anong gagawi mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangolin. Ano ang
pangunahing kaisipan ng pahayag?
A. magsimba tuwing araw ng pangolin
B. magsimba araw-araw
C. magsimba tuwng may okasyon
D. magsimba buwanan

58. Ina: Husto ka na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon
ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban. Ano ang pangunahiing kaisipan ng
pahayag?
A. maging matalino sa pagharap sa Panginoon
B. may maayos na pananamit
C. may malinis na kalooban
D. nasa bustong edad na

59. Tiyo Simon: May mga bagay na hindi maipaliwang, may mga bagay na hindi
maipagpaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman
lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat… Ngunit kung anuman itong
bagay na ito ay isa ang tiyak ko “Malaki ang pananalig ko kay Bathala.” Ano ang
pagunahing kaisipan ng pahayag?
A. panniniwala sa Diyos
B. paglalahad ng nararamdaman
C. pagdududa sa Diyos
D. paglalahad ng karanasan

60. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang


itanghal at magsilbing salamin ng buhay ay ang ________.
A. kathambuhay C. teatro
B. sarsuwela D. dula

You might also like