You are on page 1of 2

1. Kinukumutan ka ng Aking Titig ni Ruth Elynia Mabanglo 2. Kontrapunto ni Ophelia Dimalanta na isinalin sa Filipino ni Rebecca Anonuevo 3.

Litanya ni Merlinda Bobis 4. Paglisan ni Joi Barios 5. Ang Sabi Ko sa Iyo ni Benilda Santos 6. Nais Kong Madarang ni Rebecca Anonuevo

Ang Parusa ng Pagtanggi ni Emilia Villaruel I Tinititigan ka na tila walang bukas, Para bang sinasamba ang yong mga bakas, Sumisisid sa king isipan bawat oras, Gagawin ito hanggang katawan maagnas. II Hapis dahil ito lang ang kaya kong gawin, Paglingap sa iyo di ko kayang sambitin, Kanilang pagkasuya di kayang bitbitin, Kahinaan ng loob aking aaminin. III Nagkakasya lamang sa walang hanggang pagsulyap, Sa pag-alala sayong ngiting alapaap, Ang iyong kabuuan nais kong maakap Akoy bigo at kailanmay di malalasap. IV Ang lahat ay hadlang, wala kong karapatan, Ikaw man mismo ay pipikit sa katwiran, Diyamante ng pagtanggap, di mamataan,

Anupaman, yong lagyo nasa king isipan.

You might also like