You are on page 1of 2

LABAN O PAALAM

Amber Elise Librea

Paano ko ba ito sisimulan?


Kailan ko ba ito planong bitawan?
Grabe! Ang gulo ng aking isipan
Nagtataka kung ipaglalaban o tuluyang kalimutan

Gusto ko pa sanang ipaglaban


Pero pagod na ang damdamin at mas ninais na ikaw ay kalimutan
Sana masagot mo ang aking mga katanungan
Kagaya ng, bakit bigla mo na lang akong iniwan

Pagod na akong tanggapin na wala ka kahit andyan ka naman


Na ang dulong walang hangganan ay kasinungalingan lamang
Hanggang kailan ko sisingilin ang bagay kung 'di naman kayang ibigay
'Yung ginawa mo na ang lahat Pero kulang pa rin

Panahon na para mahalin ko naman ang aking sarili


Dahil sa buong laban na ito, puro na lang "ikaw"at "sayo"
Nakalimutan ko, meron nga palang "Ako"
Panahon na para ang "Mahal kita" ay maging "Paalam na"
FILIPINO 10

Miss Mia Maureen Monzolin

Amber Elise Librea

You might also like