You are on page 1of 3

VICTORY OVER FAILURES

Luke 5:1-11
Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad
5 Nangyari nga, habang nagkakatipun-tipon ang mga tao sa kaniya upang makinig ng salita
ng Diyos, siya ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. 2 Nakakita siya ng dalawang bangka
na nasa tabi ng lawa. Ang mga mangingisda ay nakababa na sa bangka at naghuhugas ng
mga lambat. 3 Sumakay siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon. Ipinakiusap niya kay
Simon na ilayo ng kaunti sa baybayin ang bangka. Pagkaupo niya, siya ay nagturo sa mga tao
mula sa bangka. 4 Pagkatapos niyang magsalita, nagsabi siya kay Simon: Pumalaot kayo.
Ihulog ninyo ang mga lambat upang makahuli ng mga isda. 5 Sumagot si Simon na sinabi:
Guro, magdamag kaming nagpagal at wala kaming nahuli. Gayunman kahit wala kaming
nahuli, sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat. 6 Pagkagawa nila ng gayon, nakahuli sila
ng napakaraming isda at ang lambat ay napupunit. 7 Kinawayan nila ang kanilang kapwa
mangingisda na nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Lumapit sila at pinuno
ang dalawang bangka kaya sila ay papalubog. 8 Nang makita iyon ni Simon Pedro,
nagpatirapa siya sa mga tuhod ni Jesus. Sinabi niya: Panginoon, lumayo ka sa akin sapagkat
ako ay isang taong makasalanan. 9 Sinabi niya ito sapagkat siya ay namangha, gayundin ang
kaniyang mga kasamahan dahil sa napakaraming huli. 10 Namangha rin ang mga anak ni
Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga katuwang ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon:
Huwag kang matakot. Mula ngayon ay mamalakaya ka na ng tao. 11 Pagkadaong nila ng mga
bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

May kuwento ng tatlong daga na nahulog sa isang balon.

Habang nasa loob ng balon, ang iba naman nilang mga kasamang daga ay tinatanaw sila na
nakapuwesto sa may bunganga nung balon. Panay ang kantiyaw nila doon sa tatlong kasama nilang
nahulog. Halos lahat negative ang sinasabi nila,
kaya naman ang yung isa doon sa tatlo pinaniwalaan ang mga naririnig niya kaya hindi man lang
siya nag-attempt na lumangoy, tinanggap na lamang niya ang kanyang kapalaran ang resulta—
Patay!
Yung ikalawa naman ay sumubok na gumawa ng paraan na makakawala sa balon na yaon ngunit
nung time na nararamdaman na niya na hindi na niya kaya, dagdagan pa nung mga kantiyaw ng
kanilang mga kasama, ang resulta—Patay din!
Pero iba yung ikatlo, oo bagamat yung dalawang kasama niya ay nauna ng bumigay, lumubog pero
kakaiba ang isang ito sapagkat, noong mga panahon na halos maubusan na siya ng hininga, hirap
na hirap na siya, pagkatapos ang maririnig pa sa background eh mga negative na salita, ngunit,
ang kanyang ginawa yung natitira niyang lakas ay ginamit niya para lumangoy at lumundag, at sa
pagkamangha ng lahat, nakalabas sa balon na iyon ang dagang ito.

The question is, bakit hindi siya nag-quit? (Ask the attender, kung ano sa palagay nila ang dahilan,
kung bakit hindi sumuko ang ating bida)—Sirit na kayo?

Yung ating bida kase ay bingi.

Ang akala niya, yung mga sigawan ng kaniyang kasama ay pagtsi-cheer sa kanya.
Ako’y na naniniwala na bawat isa sa atin ay dumating na sa punto na parang gusto na nating
sumuko?

Pagkatapos ay nariyan pa yung ibat-ibang opinion ng mga tao sa paligid natin, idagdag pa natin
yung pressure nung sitwasyon na ating kinakaharap.

Sa ating pagninilay ngayon, we are going to study the life of Simon Peter before he experienced
victory over failures in life.

I. BE WILLING TO FACE PROBLEMS AND PAINS v. 4


- Tandaan natin na ang problema at mga pasakit sa buhay natin are all part of life. Whatever we are
facing right now, do not be afraid. FOCUS
- Ang pagharap at pananagumpay sa mga problema ay mas nagbibigay sa atin ng mas matamis na
tagumpay.
I Corinto 10:13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat
ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip,
pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang
malampasan ito.

II. ACCEPT THE REALITY THAT OUR HUMAN EFFORTS CAN FAIL v. 5
- Sina Peter, Andrew, James and John alam natin na marunong manghuli ng isda, pero kahit na
maalam pa eh umuwi pa rin silang walang huli.

- Ang katotohanan ay ito, kulang ang ating mga abilidad, diskarte at kakayahan to success on our
own.

Isaiah 55:8-9 Ang wika ni Yahweh; “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating
daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, Ang daa’t isip ko’y hindi maaabot
ng inyong akala”.

III. COOPERATE IN GOD’S WORD EVEN IF WE DON’T UNDERSTAND THE WHOLE


PROCESS v.5
- Isang mangingisda na tinuturuan ng isang karpinterong naging preacher kung paanong mangisda,
kakaiba ito, but still Peter cooperated kung ano ang ipinagagawa sa kanya ng Panginoong Jesus,
hindi na siya nakipagtalo pa.

- May pagkakataon na hindi lamang sapat ang human understanding para masagot ang
maraming mga katanungan at mabigyan ng solusyon ang mga problema sa buhay na ito, all we
have to do is trust.

Kawikaan 3:5-7 Kawikaan 3:5-7 ASND


Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling
karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo
ang tamang landas. Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa PANGINOON, at
huwag gumawa ng masama.

- Hindi tayo ang dapat na magpasunod sa Diyos, tayo dapat ang sumunod sa kanya.
Tinawag tayo upang, maglingkod sakanya hindi siya ang maglilingkod sa atin sapagkat siya ang
ating DIyos na Buhay.

IV. DO NOT GIVE UP EVEN WHEN FEELING FRUSTRATED v.5


- Kulang sa tulog, pagod pero hindi ito naging dahilan upang sila ay sumuko.
- They were discouraged, but willing to try again, at sa pagkakataon na iyon ay hindi na sa kanilang
kaparaanan kundi sa kaparaanan na ng Ating Diyos..
- Remember, God can give us more than we have ever asked or imagined
Efeso 3:20 Mga Taga-Efeso 3:20 RTPV05
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng
kanyang kapangyarihang naghahari sa atin

A. Three Facts about Failure:


1. Failure is painful.
When you fail, a scar will form. Damage is done. Mata-touch ang ating mga ego. Your confidence -
gone.
Ang ating mga ipinagmamalaki– mapapalitan ng kahihiyan.
Sa bawat kabiguan may kalakip itong pain. Emotional pain - spiritual pain - and sometimes even
physical pain.

2. Failure is universal.
EVERYONE will fail at something! It doesn’t matter who you are or how successful you think you
are.

3. Failure results in one of two things: Paralysis or Growth.


a. Paralysis – May mga taong ayaw nang sumubok, dahil minsan sa buhay nila ay ginawa nila ito
pero nabigo sila kaya ayaw ng umulit. Ayaw na masaktan ulit, mabigo ulit etc. So they are
paralyzed - frozen - unwilling to move or act!

b. Growth - Your failure will cause you to learn from your mistakes and grow!
- Nasa atin ang pagpili, Learn from your failure and grow, Or allow your failure to paralyze you.
- Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw.

V. BE HUMBLE EVEN IN TIMES OF SUCCESS v. 8-9


- Hindi inangkin ni Pedro ang tagumpay, bagkus ay nagpakababa siya sa harapan ng Panginoong
Jesus, at inamin niya ang kanyang mga kamalian at karumihan sa buhay.
- The goodness of God should lead us to repentance

Conclusion:
Maaaring marami na rin tayong naranasang kabiguan sa buhay na ito, ang mga naririnig at nakikita
natin sa ating paligid ay hindi pumapabor sa ating kalagayan ngayon. Ang pananagumpay ay
nagsisimula sa panahon na handa na tayong bitawan ang lahat-lahat sa atin at ganap tayong
magtiwala sa Diyos.

You might also like