SERMON

You might also like

You are on page 1of 2

GOD’S TENDER INVITATION

Matthew 11:25-30

Dumating na ba kayo sa punto ng inyong buhay na tila baga ang dami pa ninyong mga dapat gawin ngunit hindi
ninyo magawa dahil ang pakiramdam ninyo ay pagod na pagod na kayo?
Pagod, ito po ang halos reklamo ng marami sa atin. Pagod dahil sa ating mga pang araw-araw na routine ng ating
buhay, nakakapagod talaga yan dahil paikot-ikot na lang eh. Alam din naman natin na kapag tayo ay pagod, di
tayo makapag-isip ng tama, mainitin ang ulo, mas malaki ang tsansa nating magkamali at makagawa ng mga
maling desisyon. Ilan na bang mga aksidente sa kalsada ang hindi sana nangyari kung nagkaroon lamang ng
sapat na pahinga ang driver ng isang pampasaherong sasakyan.

Ngunit alam nyo ba? May mga pagkapagod ding tayong pwedeng maranasan sa buhay na ito na hindi man lang
tayo pagpapawisan ngunit maaaring makaapekto ng malaki sa ating buhay. Halimbawa nito ay yung pagkapagod
emosyonal, maraming mga tao sa panahon natin ngayon ang pagod ang puso. Emotional burdens has the capacity
to drain our strength, kaya maraming mga tao na ang bukang bibig sa ngayon ay “ayaw ko na, suko na ako.”

There is also spiritual burden, alam natin ang kalagayan ng isang taong hiwalay sa Diyos. We will try everything
upang mapunuan natin yung hinahangad nating magbibigay ng satisfaction sa ating buhay. But the truth is, our
souls will never find rest until we rest in God.
Sa ating pagninilay sa araw na ito, tatalakayin natin ang imbitasyon ni Lord para sa ating lahat at ang kaakibat na
benepisyo nito para sa mga tatanggap nito. God’s tender invitation, ito po ang ating pag-uusapan ngayon.

I. AN INVITATION TO BE FULLY RESTED

- Kapag may problema tayo halimbawa sa mata, alam natin na mas mainam na pumunta tayo sa isang
espesyalista sa mata, syempre hindi sa magkakatay ng baboy. Ganundin, kapag may pangangailangan tayo sa
ating buhay espirituwal, lapit tayo sa Panginoong Jesus. Siya ang tunay na eksperto, sa Kaniya tayo lumapit.

Hebreo 4:16 Kaya't huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo'y kakamtan
natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.

- Tandaan po natin na ang imbitasyon ni Lord ay pagpapahayag ng Kanyang dalisay at walang maliw na pag-
ibig. Kaya nga ang sabi Niya ay “Come to Me,” kase kung susubukan nating lumapit pa sa iba, siguradong
mapapagod lang tayo, imbes tuloy na makapag-rest ay lalo pang na-stressed.

- Sa ating wika, ang rest ay pahinga, ang root word naman nito ay “hinga”. Meaning to say, huminga ka. Have
time to inhale, exhale and smile. Bakit pipilitin na sumige ng sumige kung di na kaya. At ang maganda nito, ang
Panginoong Jesus mismo ang nag-oofer ng tunay na kapahingahan.

- Noong mga panahong iyon, grabe yung burden ng mga Jews. Sa sobrang ka-estriktuhan nilang masunod ang
kanilang mga batas, ang nangyari tuloy yung mga batas na dapat ay mag-protekta sa kanila ay naging pabigat
para sa kanila.

II. AN INVITATION TO BE FULLY CONNECTED

- Ano po ba yung pamatok na tinutukoy ng Panginoon doon sa v.29 na dapat daw nating pasanin? Literally, ito
yung inilalagay sa batok ng isang baka. Maaaring maitanong nyo pa ay “paanong gagaan iyong pasanin
samantalang lalagyan pa ng pamatok?”—kaya gagaan kase, yung pamatok naman ay hindi lang nakadisenyo para
sa isang batok lamang kundi para sa dalawa kaya ang resulta ay mas nagiging magaan yung dalahin, dahil may
katuwang siya sa pagpapasan.
- This is what the Lord Jesus is talking about, kapag ikinunekta natin ang ating buhay sa Kanya by means of
commitment and submission, mararanasan natin ang pagtuturo (kaya sabi Niya, “learn from me”) at ang
kapunuan ng Diyos na nagma-manifest sa ating buhay.
Juan 15:5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang
namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.

III. AN INVITATION TO BE FULLY SATISFIED

- Sa ating panahon, mapapansin natin na napakaraming tao na tila baga ay walang ka-kontentuhan. Laging ang
gusto ay “more, more and more.” More fun, more attention kung kaya naman kahit mahirapan sa gastos kapare-
retoke, okay lang. Akala kapag maraming kwarta, marami din ang saya. Which is alam natin na hindi talaga ito
ang makakapag-satisfy sa atin. Magpapagawa ng napakalaking bahay, sa sobrang dami ng kwarto hindi na tuloy
magkakitaan.

Isaias 55:2 Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga
bagay na walang halaga? Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko at matitikman ninyo ang pinakamasarap na
pagkain.

You might also like