You are on page 1of 6

APRIL 2024 SERIES: UNPLUGGED (Leaders’ Den)

THE CALL TO WITHDRAW


Luke 5:16

 For the month of April ang series natin ay Unplugged.


 Unplug means to temporarily withdraw from the responsibilities and
obligations of everyday life (such as work or home duties).
 Dahil sa dami ng mga kinabibusyhan natin ngayon, na kumukuha ng
attention, oras at lakas natin, we need to separate ourselves sa ingay ng
mundo and find rest and learn to seek, listen and connect to God again.
 This is about unplugging sa distractions at kabusyhan sa buhay to plug in
kay Lord.
 At ang first step to unplugged is to withdraw na which is pinakita at
inexample mismo ni Jesus.
 Nakita natin na si Jesus ay Man of action.
 From the start ng Kanyang ministry hanggang sa Kanyang kamatayan and
even sa Kanyang resurrection, Jesus was constantly on the go.
 Pero never Sya naburn out sa dami ng ginagawa Nya, at ang sikreto ay ang
pagwithdraw.
 Bilang mga pastors and leaders, sa dami ng ministries at ginagawa natin sa
paglilingkod sa Diyos at sa tao, tayo ang possible na makaranas ng burn
out.
 That is why importante na alam natin kailan at paano magwithdraw.
 Actually, for us na busy sa paglilingkod kay Lord at sa tao may panawagan
sa atin na matutong magwithdraw.
 TITLE: THE CALL TO WITHDRAW
 Na kung paanong si Jesus often itong ginagawa, dapat tayo din.
 Luke 5:16 But Jesus often withdrew to lonely places and prayed.
 I want us to see the times when Jesus withdrew.
 Tignan natin yung mga times or mga situations na nagwithdrew si Jesus.

 A. We see Jesus withdrew after a period of victory.

 After miraculously feeding the five thousand, ang sabi sa Matthew 14:22-
23

 “Pinasakay agad ni Jesus sa bangka ang mga disciples at pinauna sila sa


kabilang side ng lake, habang pinauwi naman nya ang mga tao. 23 After
pauwiin ni Jesus ang mga tao, umakyat Sya sa bundok para mag-
pray. Nung gabi na, mag-isa na lang Sya.”
 Baka ito yung time na dahil sa matinding victory, ay nagpasalamat si Jesus
sa Ama kaya Sya nagwithdraw.

 We can do it also, in times of victory lalo na sa mga ministries o gawain na


ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, let’s withdraw for a while, to connect and
thank God.

 Yung ibabalik natin ang papuri at glory sa Kanya.

 B. We see Jesus withdrew after hearing that John the Baptizer had
been beheaded.

 Matthew 14:13 Nang mabalitaan to ni Jesus, umalis sya at sumakay ng


bangka papunta sa lugar kung saan pwedeng mag-isa

 Are you mourning, are you sad, may heavy emotion kang dinadala lalo na
sa ministeryo o sa mga taong hinahandle mo, then withdraw. Yun ang
ginawa ni Jesus.

 We need to withdraw to connect with God to deal and release our


emotions.

 Hindi tayo superhumans na hindi nasasaktan at babalewalain na lang ang


emotions.

 If we have time na makinig sa mga mabibigat na emotions ng iba, let’s give


time for ourselves also para irelease ang emotions kay Lord.

 C. We see Jesus withdrew before making major decisions.

 Luke 6:12-13 Nung time na yun, umakyat si Jesus sa bundok para


magpray. Magdamag syang nag-pray sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag
Nya ang mga disciples. Pumili Sya ng 12 sa kanila at tinawag Nya silang
mga apostles.

 Ang pagpili sa mga disciples ay hindi madaling task. And so before making
the decision, pinili Nyang magwithdrew and seek God’s will.
 Ang hirap gumawa ng decision, lalo ng malaking decision, if ang dami
mong naririnig na ingay, na voices, na influences mula sa mundo, so
kailangan magwithdraw sa mga yun.

 As servants of God, dami nating malalaking decision na dapat gawin, kasi


hindi na lang sya patungkol lang sa buhay natin, pero may mga kargo na
tayong tao, kaya dapat maingat tayo sa mga decisions natin.

 So it’s very important to withdraw para makaconnect kay Lord at sa


kalooban Nya na pagbabasehan ng ating mga decisions.

 D. We see Jesus withdrew after a heavy period of ministry.

 Mark 6:31-32 Dinagsa si Jesus ng sobrang daming tao. Halos di na


makakain sina Jesus at mga disciples Nya. Kaya sabi ni Jesus, “Pumunta
tayo sa di mataong lugar para makapagpahinga naman kayo.” 32
Sumakay sila sa bangka at umalis para pumunta sa isang lugar kung
saan pwede na sila lang.

 Ang pagwithdraw, is a time of rest, it’s a time off, sa mga kapaguran natin
sa buhay, lalo na sa ministry.

 Yes, it’s okay to have time for rest. Dapat balanse tayo sa ministry at sa
pagpapahinga.

 Give your self time para huminga at ikaw naman ang tumanggap from God.

 Ang hirap ng tayo ang bigay ng bigay, mauubusan tayo.

 At sa pagwithdraw natin, hindi lang tayo basta nagpapahinga pero


nagpapapuno tayo mismo kay Lord para may maibigay muli sa iba.

 E. We see Jesus withdrew when He’d had enough of people.

 Mark 7:24 “Umalis si Jesus at pumunta sa bayan na malapit sa Tyre. Nag-


stay Sya sa isang bahay at ayaw Nyang malaman ng mga tao na
nandun Sya, pero nalaman pa rin nila.”
 Dahil sa sobrang sikat na that time si Jesus, at maraming needs ang tao,
talagang sinusundan at dinudumog Sya ng mga tao.

 But here makikita natin that Jesus wants to take a break para
makapagpahinga.

 Naranasan nyo ba to, na kahit gaano ka kaextrovert, kailangan mo ng


people break at mapag-isa na kayo lang ni Lord muna.

 F. We see Jesus withdrew when He faced an intimidating task.

 Nung gabi ng betrayal sa Kanya, Luke 22:41 Iniwan Nya sila, lumayo
nang konti bago lumuhod at nagpray.

 Ramdam ni Jesus ang bigat ng cup of suffering na kakaharapin Nya, but He


knew na kailangan Nya itong gawin.

 Kaya anong ginawa Nya? He went off alone, He withdrew and just connect
with God.

 When we know that we are going to faced great task o situation, bago natin
kaharapin yun. Let’s learn to withdraw and prepare ourselves.


 So sa mga example na ito ni Jesus kung kailan Sya nagwithdraw sa tao, sa
busyness ng mundo, sa demands ng ministry Nya, we can see that to
withdraw, is to refuel, to recharge, to rest, to prepare us, to bring us back
to our priority and to connect us to God.
 This is why in this life and in our journey lalo na bilang mga lingkod ng
Diyos, kailangan natin ng time to withdraw.
 At kapag hindi tayo nagwithdraw may…
 *DANGERS OF NOT WITHDRAWING
 A. We’ll get DISTRACTED
 Lalamunin tayo ng distractions if hindi tayo marunong magwithdraw.
 We’ll get distracted sa kabusyhan sa buhay, sa ministeryo.
 If we’re not gonna withdraw, mawawala tayo sa kung ano talaga ang
priority natin, sa kung ano talaga ang dapat na focus natin.
 If hindi tayi nagwiwithdraw time to time to connect with God, dito papasok
yung mapaprioritize na natin ang Kingdom at hindi na ang King.

 B. We’ll get EXHAUSTED
 Isipin mo no rest, no time off. Pagod talaga, burn out talaga. Mauubusan
talaga tayo.
 Let’s not wait na kung kailangan pagod na pagod na, kung kailan burn out
na, suko na, ayaw na, doon pa lang tayo magwiwithdraw sa kabusyhan
natin sa buhay at sa paglilingkod to connect with God.
 Alam nyo po bang physically, ang pagwithdraw ay hindi lang basta
importante pero vital sya sa buhay natin.
 Ang tinutukoy ko po is ang pagtulog. Everytime we go to bed we withdraw.
 Wala tayong trabahong ginagawa kapag tulog, wala tayong nirereview na
lessons, wala tayong financial deals, entirely wala tayong ginagawa kapag
tulog.
 Mukhang waste of time, and yet it is our way para magrecharge upang
harapin muli ang panibagong araw at upang makapagtrabaho muli at
magawa ang mga dapat gawin.
 So the truth is hindi unproductive ang pagtulog, it is one of the most
productive activity na dapat ineengage natin ang sarili natin.
 Are we getting the point? This is same with the importance ng pagwithdraw
natin sa tao, sa ingay at busyness natin pagdating sa ministeryo.
 Hindi sya kawalan ng oras, pero oras mo para makapagpahinga at
marecharge to get back sa mga responsibilities at gawain mo.

 C. We’ll get DISCONNECTED TO GOD
 Again, when we are so connected to many things, hindi natin narirealize na
disconnected na pala tayo kay Lord.
 Sobrang connected sa daming responsibilities bilang leader, bilang lingkod,
pero wala ng time para kay Lord.
 That is why time to time importante na magwithdraw tayo.
 Mahirap kumonekta kay Lord, kung marami tayong pinagkokonektahan.
 Kaya nga if nakikita natin ang sarili natin na ganito, may panawagan sa
atin to withdraw for a while para kumonnect muli kay Lord.
 Kaya nga bilang APPLICATION.
 INTENTIONALLY WITHDRAW REGULARY TO CONNECT TO GOD.
 Maging intentional tayo sa pagalis muna natin pansamantala sa mga
ginagawa natin para makakonekta tayo kay Lord.
 Yung ikaw lang at si Lord.
 And let’s do this regularly, para hindi tayo umabot sa burn out at biglaang
pagquit sa mga ginagawa natin para kay Lord.
 Wisdom po ito na binibigay sa atin ng Diyos bilang mga lingkod Nya.
 Para palaging all out tayo sa paglingkod sa Kanya matuto tayong time to
time magwithdraw.
 PRAY

 CORE DISCUSSION:
 1. Saan ka aminado na kailangan mo magwithdraw?
 2. From A to F na nabanggit kanina, alin doon ang alam mong akma sa
current situation mo para magwithdraw? Bakit?
 3. Ano ang praktikal na application mo para talagang makapagwithraw
regularly to connect with God?

You might also like