You are on page 1of 3

HEARTS THAT CAN HEAR

Matthew 13:1-23

Napakahalaga ng pagkakaroon ng pandinig sa buhay na ito, imagine life without sounds. Ano ang silbi ng
isang magandang musika, kung hindi naman natin ito naririnig? Imagine life without sounds. Let me tell
you a story tungkol sa mag-asawang sina Inggo at Ingga— May katandaan na ang mag-asawang ito, at
medyo may kahinaan na rin ang kanilang pandinig. Isang araw, naisipan ni Mang Inggo na subukin kung
gaano na ba kalala ang pagkabingi ng kanyang asawa. Isang araw ay nakita nito na nasa kusina ang si
Aling Ingga at nagluluto, mula sa kanilang sala at sa isang malakas na tinig ay tinawag nito ang kanyang
asawa; “Ingga,naririnig mo ba ako?”Ngunit wala man lang narinig na imik itong si Inggo, Kaya naman
lumapit ulit ito, malapit na sa may kusina, at muli siyang nagsalita. “Ingga, nariririnig mo ba ako?” Sa
pagkakataong ito ay wala pa ring narinig na tugon si Inggo sa kanyang asawa. Kaya naman, naisipan nito
na lumapit na ito sa may likuran ng kanyang asawa. “Ingga, naririnig mo ba ako?” Sa pagkakataong ito,
nilingon na siya ni Ingga, ngunit medyo galit na nagsalita ito; “Ano ka ba naman Inggo, kanina ko pa
sinasabing naririnig kita, ang bingi-bingi mo talagang matanda ka.” Naku po, yung inaakala ni Mang
Inggo na si Mang Ingga ay bingi, ang katotohanan siya pala ang bingi.

Hearing requires more than having an ears. May mga taong may tenga naman, but could not actually
hear. Meron din namang nakakarinig ngunit sinasadyang ayaw pakinggan ang kanyang naririnig. Minsan
nga ay may nagtanong sa akin, Bakit daw ba ang Diyos na mababasa natin sa Bible na nagsalita at
nakipag-usap sa mga lingkod noon ay hindi na nagsasalita ngayon?—Ito naman ang tugon ko, “actually
ang Diyos ay hindi naman talagang tumigil sa pagsasalita at pakikipag-usap sa atin, tayo lang ang
huminto sa pakikinig.

Sa ating pagninilay sa araw na ito, ang focus ng ating mensahe ay mai-present sa atin yung ibat-ibang
factors kung bakit nga ba nahahadlangan tayo upang ganap nating matatanggap ang Salita ng Diyos, at
atin ding makita ang ating mga sarili kung anong klaseng tagapakinig nga ba tayo.

I. NAKIKINIG NGUNIT HINDI NAKAKAUNAWA

- Maraming mga tao ang nasa ganitong kalagayan at ito ang isa sa malaking problema sa ating panahon,
masyado ng busy ang mga tao. Ang daming commitment, mga schedules at kung anu-ano pang mga
activities, tuloy nakakaligtaan na natin ang pinakamahalagang appointment of the day—ang oras natin
kay Lord.

- May pagkakataon sa buhay natin na masyado tayong distracted ng maraming mga alalahanin, at kung
minsan pa nga kahit nasa prayer-meeting na tayo ay dala-dala pa rin natin. Kaya ang nangyari, tulad ng
mga butil na napahasik sa daanan ito ay naging patuka na lamang para sa ibon.

- Ano ang magandang gawin kapag tayo ay pagod, stressed, galit at kung anu-ano pang mga negatibong
nararamdaman?—wise person knows that the better thing to do is pause and be silent. Dahil sa
panahon ng pananahimik mas nakakapag-isip tayo at mas nakakapakinig tayo. And take note, mas
marami tayong matututunan sa panahon ng pananahimik.
Psalm 46:10 “Be still and know that I am God.”

II. NAKIKINIG NGUNIT HINDI TUMITIMO

- Walang talab. Pakinig naman ng pakinig lagi. May mga taong magtataka tayo kase alam mo namang
nakakapakinig na ng Salita ng Diyos, pero bakit tila walang paglago. Makikita natin sa ating Gospel na
yung araw na dapat ay magbigay ng nutrient dun sa binhi ay naging dahilan upang matuyo pa ito. Bakit
nangyari iyon?—kase nga ay hindi masyadong naibaon ng husto ang bawat binhi, walang malalim na
ugat.

- May pinagdaraanan ka ba ngayon? Kapatid, yan lamang ay init ng pagmamahal ng Diyos na ang
purpose ay palaguin tayo at hindi para tupukin.

III. NAKIKINIG NGUNIT NADADAIG

- Kapag pinahintulot nating yung mga cares o alalahanin sa ating buhay ang mag-overcome sa atin, tiyak
na sasakalin tayo nito.

Marcos 4:19 ngunit sila'y naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, naging maibigin sa mga
kayamanan, at mapaghangad sa iba pang mga bagay, anupa't ang Salita'y nawalan na ng puwang sa
kanilang mga puso kaya't hindi sila nakapamunga.

IV. NAKIKINIG, TUMATANGGAP AT LUMALAGO.

- Let us be reminded na sa ating talinhagang ating binasa ngayon. Ang Diyos ang magsasakang
naghahasik ng binhi, ipinapakita Niya rito na wala Siyang pinipili, lahat ng klaseng pwedeng paghasikan
ay sinubukan Niyang paglagyan din ng binhi.

- Ang Bibliya ay isinulat upang ipahayag, pakinggan at isabuhay. Hindi lang sana ito naka-display sa ating
mga maliliit na mga altar, kundi mag-manifest ito sa ating buhay.

Lessons:

1. Listen with your hEARt.v.9

- Ang puso ang place of decision at ang pinaka sentro ng ating pagkatao, at ito din dapat ang binubuksan
para matanggap natin ang Salita ng Diyos.

2. Listen before we speak

- Isang napakahalagang factor sa paglago ay ang matuto tayong makinig. Maraming pagkakamali,
maraming problema at maraming di pagkakaunawaan ang naiwasan sana kung mas nakikinig muna tayo
bago magsalita.

Santiago 1:19 Tandaan ninyo ito, mga kapatid kong minamahal: matuto kayong makinig, dahan-dahan sa
pagsasalita, at huwag agad magagalit.
3. Listen for a change

- Ang purpose ng paghahasik na iyon ay hindi para manatiling seed lang, kundi ito ay mamunga at
lumago.

You might also like