You are on page 1of 2

10 uri ng mga estudyanteng Late

“Late na ako”,isang napaka pamilyar na mga salita sa mga taong parating late sa flag racing
ceremony. Ngunit,sinu-sino nga ba ang mga klase ng estudyanteng ito?

the genius- sila ang mga klase ng estudyante na handang gawin ang lahat para lang makamit ang
hinahangad na mataas na marka.Nalalate sila dahil sa hinahabol na sandamakmak na takdang aralin
at walng katapusang reporting.

the patay gutom- isang uri ng mga estudyanteng food is life,yung tipong kapagka gutom sila nagiging
hysterical at wala ng pake alam kung malate. Yung tipong pagkain lang sapat na.

antokero's and antokera's - kawawa ang alarm clock sa mga uri ng estudyanteng ito.Kung may food is
life, sila naman yung bed is life. Tipo ng mga estudyanteng "mamatay na ang lahat ng pusa at aso sa
kanto basta huwag niyo lang akong gisingin" .Mga estudyanteng tulog mantika ika nga nila.

the slowmo in action- sila yung estudyanteng dinaig pa si Maria Clara sa kalamyaan ng kilos.Yung
tipong aabutan pa ng pasko at bagong taon bago matapos maligo at magbihis.Ito ang mga
estudyanteng feel na feel ang kanilang momentum.

the ikot-ikot lang- Nangyayari ito sa mga estudyenteng nag ko-commute at kapag minamalas ng
pagkakataon ay makasakay sa sasakyang tila ikot-ikot lang. Sila yung estudyanteng napapakanta
nalang dahil sa katagalan ng biyahe.

the feeling Daniel Padilla- mga uri ng estudyanteng lalaki na feel na feel ang moment sa salamin.
Yung tipong aabot ng isang oras sa pananalamin at sa pa pogi pose nila. Kasagaran sila ang mga GGSS
o ang mga gwapong gwapo sa sarili .

the feeling Liza Soberano- sila naman ang mga girl version ng mga feeling Daniel Padilla. Magtatagal
ng ilang oras sa harap ng salamin at feel na feel ang pagka haba ng buhok. Kasagaran sila din ay mga
GGSS o ang mga Gandang Gandang sa sarili.
the crush detector- Syempre hindi din pahuhuli ang mga estudyanteng umaasang makita ang
kanilang mga hinahangaan. Yung mga estudyanteng kahit na malate basta ba makita lang si crush
para dagdag inspirasyon na din sa buong araw nila.

the wala lang- Mga estudyanteng nalalate dahil wala lang . Gusto lang nilang malate ng walang
dahilan.Yung mga estudyanteng feel lang nilang malate.Yung mga estudyanteng walang magawa sa
buhay kaya wala lang sa kanila ang malate.

The anti- flag ceremony - Syempre hindi mawawala ang mga estudyanteng ito dahil sila lang naman
ang mga estudyante na tinatamad umattend sa flag racing ceremony at ayaw mabilad sa araw ng
matagal kaya mas pipiliin nilang malate kesa ma haggard si lola mo.

You might also like