You are on page 1of 9

Dulang Pasalaysay:

Unico hijo

Mga Tauhan:

Mang Pablito- Alvin Sumil

Aling Marta- Mary Grace Conmigo

Paulo- Hiver Beringuela

Maricar- Caridad de Vera

Diana- Novelyn Cirujano

Tessy- Jean Anne Masangkay

Sussy- Jela Avila

Sam- John Philip Pascua

Cristina- Nelson Agsangre

Julia- Marian Rey Solo

Rosanna- Flory Ann Competente

Cristine- Syra Musca

Andi- Emmalyn Canillo

Ma’am Rose- Gigi Borromeo

Doktor- Emmar Flojo

Tagapagsalaysay- Liezel Ann Aguilar

Tagapagsalaysay: Psssst! ‘wag kayong maingay,gusto ba ninyong makinig ng isang kwento? (weeesssz!)
Ito’y isang natatanging obra ng aking kaibigan. Siya si Paulo, matipuno,guwapo, mestiso at higit sa lahat
matalino.Sandamakmak ngang babae ang kumakandarapa sa kanya. Pero,ayaw niya...ayaw niya!
Bakit ?...Hmmmn...Alamin natin.
Paulo: (Nag-iigib ng tubig)... Hay buhay ‘to...! Sana wala nang Sabado at Linggo nang lagi kong Makita
si...

Mang Pablito:Tatawagin si Paulo) Paulo! Paulo! Nasaan na ang pinaiigib ko?

Paulo: (Sasagot) Ay andito po itay! Sandali lang po.

(matulin ang paglakad) Tay eto na po.

Mang Pablito: Salamat anak! Dapat palagi kang nag-iigib ng tubig para mas lumaki yang mga muscle mo.
Alam mo naman tayo, “Macho Gwapito”.

Paulo:Ah...opo ‘tay! Body beautiful kaya ‘to. Kaya nga po lagi akong naglilinis ng bahay para maging
malusog ang katawan.

Mang Pablito: (Magugulat!) Bahay?..Paulo Magsaysay, ang paglilinis ng bahay ay isang gawaing
babae,dapat mas pag-aralan mo ang gawain sa labas ng bahay dahil ikaw ang bubuhay ng inyong
pamilya.

Paulo: Opo, ‘tay.

Tagapagsalasay: Oh di ba?...ang bait!. Ganyan si Paulo, pano ba naman kasi Unico Iho... Sa limang
magkakapatid,ayaw niyang sumasama ang loob ng itay niya,kaya naman sinikap niyang itago ang
malaking lihim ng kanyang buhay.

(Sa kuwarto ni Paulo)

Paulo: (Sumasayaw)...Shake body,body dancer,

Shake body,body dancer,

Shake body,body dancer in the night.

Hay! bakit ba hindi ko mailabas ang totoong feelings ko?.Ang bigat kaya! Chuvanez naman,
puputok na! Hindi ko na kaya!

Maricar: (Papasok) Oh ! kuya anong puputok?

Paulo: (Mabibigla).. Ah...eh..puputok na ang baril. Ano ka ba? Kumatok ka naman bago pumasok.
Nakakaistorbo ka eh!

Maricar: Okey! Okey! easy lang !eh bakit ka nakalipstick? Bakla ka ba?

Paulo:Ano? Sinong bakla? nag-eensayo lang ako sa role na ibinigay sa akin ni Menandro.

Maricar: So? Bakla ka nga!


Paulo: Hindi noh! Ang role ko lang ang bakla pero ako purong Adan.

Maricar: Kaya nga,sabi ko bakla ang role mo! Defensive kasi...

Paulo:Umalis ka na nga! Labas! Sinisira mo ang araw ko eh..(tumalikod,bumulong) kalurkey!

Maricar: (tatalikod,aalis) jan ka na nga..

Tagapagsalaysay: Mukhang alam na ninyo ang lihim ni Paula ano? ah este Paulo pala...Yun na nga bakla
ang bida ng kwentong ito. Alam ninyo ba kung saan lang siya bumibigay? Siyempre sa mga ka churva
niyang darna rin. Sina Cristina na ang totoong pangalan ay Kris joseph Ambvian At Julia na si Jules Jacob
Martinez.Sila ang POWER PUFF GAYS ng klase. At si Samion Revilla ang lalaking kinababaliwan ni Paulo.

(Sa loob ng klase)

Ma’am Rose: Okey class, kindly pass your testpaper, it’s time already.

Cristina,Julia,at Paulo: (pinasa ang mga papel)

(pagkatapos ng exam)

Cristina:Hay! Supah hot! Nakakabored talaga.Walang magandang scene.

Julia:korak ka jan Puffy...Nakakalurkey kanina! hinugot ang powers ko ng test ni Ma’am Rose.

Paulo: It’s okey Puffy,tanggapin mo na kasi, na kahit anong kahuhugot diyan sa yutak mo ay wala
namang maihugot, kasi Zero balance.

Cristina: Tama! Try mo kayang makihati sa brain ni puffy Paulo baka maging 2.5 na ang 3.0 mo.

(Nagtawanan ang tatlo)

Sam: (Dadaan...Nakashades at nakabag)

Paulo,Cristina at Julia: (Natulala...)

Paulo: (Nahimatay)...

Cristina: Puffy wake up, it’s already six o’clock!

Julia: Your so Bob Ong talaga! Paypayan mo! i-mouth to mouth mo!

Paulo: (Tatayo) ay ‘wag na! Okey na Ko!

Julia:Ano ba Yon? echuz lang?

Paulo: Echuz lang ! ,...haha..


Tagapagsalaysay: Ang saya-saya ni Paulo, atleast medyo malaya na siya sa bugso ng damdamin. Pero
hindi maiiwasan na itago ang totoo niyang kasarian, lalong lalo na kapag kaharap na nito si Mang
Pablito.

(Sa hapag-kainan)..

Sussy: (bata pa)..Kuya! Kuya! Look at my Barbie oh! It’s so cute!.. Sabi ni Mama’y kamukha ko raw siya. Is
it true?

Paulo: Aba’y ewan ko,hindi naman ako marunong tumingin sa kung magkamukha ang bulinggit at ang
Barbie. ( Bubulong!)Chaka!

Sussy: Tatay,what’s chaka?

Mang Pablito: Chaka? Saan mo naman narinig ‘yan anak?

Sussy: kay kuya po!

Maricar,Diana at Tessy: (Magugulat) Kuya?

Mang Pablito: Paulo,anong tinuturo mo?

Paulo: Chaka? Bingi naman ‘to! Sabi ko teka...teka po at kukuha lang ako ng tubig.

(Habang kumukuha ng tubig)

Paulo: Over na Sussy na iyon ah,parang Suso! Kung hindi lang bata aba’y pinildit ko na ang Pinocchio
niya! Hay! nakakastress...

Tagapagsalaysay: Ha!Ha!Ha! Mabuti’t nakapagtimpi pa an gating bida. Pero pwera sa bunsong kapatid
nito, isang babae ang labis niyang pinagtitimpian at iniiwasan. Siya si Rossanna,ang babaeng natatanging
anak ni Kapitan Tiago. Si Rossanna ay matagal nang may gusto kay Paulo, kaya lang wa epek naman
siguro talaga ang pagpapapansin nito,kasi nga! Bading!

Paulo: (Mapapasigaw) Ay Sus Maryosep! heto na naman tayo. (Liliko)

Rosanna: Heep!Heep!Heep! Paulo! my love! Iniiwasan mo ba ako?

Paulo: Ano ba! May gagawin pa ako! Bukas na lang tayo mag-usap.

Rossanna: Bukas ( Titingin sa itaas) bukas luluhod ang mga tala!

Paulo:(Titingin kay Rossanna) Ano?

Rossanna: Joke! Paulo kailan mo ba ako sasagutin?


Paulo:Ano? sasagutin? eh hindi nga naging tayo!

Rossanna: Hmmp..!ang daya mo sabi mo bestfriends forever.

Paulo: Sinabi ko ba iyon? Kailan pa?

Rossanna: Noong kabataan natin.

Paulo: ano ka ba? maliit pa tayo noon,laru-laro lang iyon.

Rossanna: Bakit ba? Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?

Paulo:Dahil...iba ang gusto ko!

Rossanna: Iba? mas maganda ba siya? mas matangkad at mas sexy ba siya? Ano?

Paulo: None of the above!

Rossanna: Ha? Kung gayon,bakla ka nga?

Paulo: Ano? Hindi ah. Adan na Adan ito.

Rossanna: Sige,patunayan mo. Halikan mo ako!...Bilis!

Paulo:Chaka ka! Kadiri!

Rossanna: Bakla ka nga! bakla!

Paulo: Ano ka ba acting lang iyon. Ikaw kasi ang kulit mo. Sige,ganito na lang isang uri lang ng halik ang
kaya ko.

Rossanna:Kahit anong uri ng halik pa ito,basta “passionate kiss”

Paulo: Halik sa kamay.

Rossanna: Hep! ewan ko sa’yo!.. (aalis).

Paulo: Kainis! akala niya ah..mas maganda kaya ako sa kanya! hhmmph..

(makakasalubong ni Rossanna si Andi na siya namang patay na patay sa kanya.Si Andi ay isang tomboy.)

Andi: Oh Rose,aking mahal,kumusta ang araw mo ngayon?

Rossanna: ayos lang naman,saan ang punta mo?

Andi: Saan pa kundi sa bahay ng pinakamamahal ko.

Rossanna:ah ganun ba,sige ingat ka sa daan.


Andi: Salamat. hindi mo man lang ba itatanong kung sino ang aking pinakmamahal?

Rossanna: Hay naku,wala na akong care when it comes to love..Love...love, at saka anu naman sa’kin
kung sino ang mahal mo.

Andi: Panu kung sabihin kong ikaw ‘yun?

Rossanna: Ano ka ba naman Andi,meron na akong mahal, si Paulo. Siya,at tanging siya lamang ang
mamahalin ko,kaya’t lubayan mo na ako,dahil kailanma’y di magbubunga ang ating pagmamahalan.

Tagapagsalaysay: Hay wala ngang nagawa si Andi kundi lubayan si Rossanna. Samantala,habang si
Rossanna ay patuloy ang pagsisiksik ng kanyang sarili kay Paulo,patuloy namang minamahal ni Paulo si
Sam,subalit dahil sa isang sitwasyon ay nadurog ang nagmamahal niyang puso.

(Habang nasa CR,at bigla namang papasok si Paulo)

Sam: Babe do you Love me?

Paulo: (Maririnig ang sinabi ni Sam. Sasagot)

Yes, I do!

Sam: Oh, Paulo! Anong ginagawa mo dito?

Paulo: ahmm! ah wala,obvious ba?alam mo na kung anu ang ginagawa sa CR noh...by the way,ano ba
yun?proposal?

Sam: Yup! I’m gonns marry my girlfriend.Seven years na kaming magkasama.Besides magtatapos na rin
naman ako.

Paulo: Ang bilis naman ata.

Sam:No! matagal na niyang inaantay ‘to,iniisip ko rin kasi si Jhun-Jhun.

Paulo :( (Magtatanong) Sino si Jhun-Jhun?

Sam: Anak naming,two years old na rin naman siya. Iguess this would be the best part of my life.

(biglang tutunog ang cellphone).

Sam:Yes,hello Babe...

Cristine:Oh Babe,nasaan ka na?ang tagal mo ah.

Sam:sandali lang Babe,papunta na ko jan..

Sam: (kay Paulo) Sige,mauna na aq.

(Tatalikod)
Paulo: (Dumausdos)

Tagapagsalaysay:Hai! Nakakalungkot naman. It hurts! Ikaw kaya ang mabigo sa inaasam-asam mong
pag-ibig. Alam ba ninyo,simula noon ay nagkulong sa kauwarto ng limang araw si Paulo. Buti nga ay wala
ang ama niya. Kaya naman si Mother dear ang napagsabihan niya nito.

Paulo: (Iiyak)Huhuhu...

Aling Marta: (Magtatanong) Oh anak anong nangyari? Limang gabi ka nang hindi sumasalo sa pagkain
ah.

Paulo: (Magsasalita) Nay,matatanggap mo pa kaya ako?

Aling Marta:Anak,kaming mga magulang ay tanggap maging ano pa man ang kanilang anak.Bakit ano
ba?

Paulo: Nay,bakla po ako! Bakla ako nay.

Aling Marta: (Ngingiti)

Paulo:( Mamamangha) Ano pong nakakatawa? Hindi ka po bag alit?

Aling Marta:Nasisiyahan lang ako kasi kilala mo na ang sarili mo. Alam ko na anak,matagal na. Alam mo
bawat puso ng ina ay nakakonekta sa tibok ng puso ng kanyang anak. Naisin ko mang magalit, wala na
rin naman akong magagawa. Para maging masaya sa buhay kailangan lamang ang pagtanggap sa mga di
inaasahang pagkakataon tulad ngayon. Tandaan mo anak kahit sino ka pa,kahit ano ka pa,anak pa rin
kita.

Paulo:Pero nay si Itay!

Aling Marta: Siguro may tamang panahon para tapatin mo siya. Anak,mahal ka ng ama mo. Kaya
naniniwala akong matatanggap ka rin niya sa tamang panahon.

Paulo:Salamat nay, pero bakit masakit? ang sakit –sakit kapag nawala ang minamahal mo!

Aling Marta: Anku! Ang dalaga ko, nagmamahal na. Wala namang masama sa pagmamahal basta maging
handa ka lang sa mga sakit at pait na maaaring dumaan sa iyong buhay.

Tagapagsalaysay: One down! buti na lang at alam na ni Aling marta ang lihim ni Paulo. pero paano kung
sa di-inaasahang pagkakataon ay malaman ng mga importanteng tao sa buhay mo ang lihim na alam
mong makakasira sa inyong pagmamahalan,parang ganito...

Nang dumating si Mang Pablito nag alit nag alit,abot langit ang inis!.
Mang Pablito: (Papanhik ng malakas at sisigaw) Hoy! Paulo ! Nasaan kang bata ka? Lumaban ka!

Aling Marta: (Aawat) Sandali,Pablito! Huminahon ka,andito naman ang anak mo,huwag kang
sumigaw,narirnig tayo ng mga kapitbahay.

Mang Pablito: (Papasok sa kuwarto ni Paulo)...(Kakaladkarin si Paulo) Walang hiya kang bata ka!
Pinapahiya mo ang ating apelyido. Ano itong video na pinagkakaguluhan ng mga kasamahan ko?

Paulo: (Sasagot) Tay siguro panahon! Panahon nang malamn ninyo ang aking tinatago.

Mang Pablito:Ayusin mo lang ang pagpapaliwanag mo kung hindi ay bubunutin ko ang tatlumput’t
dalawa mong ngipin at kakalbuhin ko ang malalago mong buhok!

Paulo: Tay,bakla po ako!

Mang Pablito: Ang lakas naman ng loob mo! lumayas ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na bakla!

(Sasampalin..Pak.)

Aling Marta: (Sasawayin) Pablito...Tama na,ako na lang ang saktan mo! Hindi ko hahayaang ipagkait mo
ang kalayaang minsa’y ipinagkait mo sa akin. Huwag mo kaming gawing tuta na sunud-sunuran sa iyo,
ang anak mo,palayain mo siya.,.

Mang Pablito: (Sasampalin si Aling Marta)

Paulo: Sige tay! subukan mo at baka masabunutan kita! I’ll never be your daughter,I’m just your boy.

Mang Pablito: Natural! Lalaki ka! Lalaki ka!

Paulo:Tay! huwag mong saktan si Inay! Oo! Bakla ako at ngayon hindi ko na ikinahihiya ito. Bakla man
ako sa inyong paningin,tao pa rin! At kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang anak ninyo respetuhin
mo na lang ako bilang isang tao.

Mang Pablito: (Nakatigagal,aatakihin sa puso)..Ah..

Sussy: Tatay!, Tatay!

Paulo: Tay!..dalhin natin siya sa ospital! Tay gumising naman kayo!

Tagapagsalaysay: Grabe! Hindi natin iyon inaasahan di ba? Pero siguro naman ito ang paraan ni Lord
para magkaayos ang mag-ama. Tama kaya? Sa papaanong paraan? Hmm.Alamin natin.

Aling Marta: Kumusta na po ang asawa ko Dok?

Doktor: Ayos na siya, mabuti’t naagapan ang alta presyon.Kailangan niya lamang ang patuloy na pag-
inom ng gamut at pahinga.
Alling Marta: Salamat po Dok.

Paulo: Nay,saan ako nagkamali?

Aling Marta: Anak,hindi ka nagkamali,siguro ito ang paraan ng Diyos para...

Mang Pablito: (Magsasalita) Marta...

Aling Marta:Ang itay mo, oh Pablito! Kumusta na ang pakiramdam mo?

Mang Pablito: Medyo ok na Marta.

Paulo: ‘tay patawad po itay,patawarin ninyo po ako..

Mang Pablito: Anak,ako man ay iyo rin sanang patawarin,nagkulang ako sa inyo..

Paulo: ‘Tay kailanman ay hindi ka po nagkulang,patawad pos a mga nagawa ko.

Mang Pablito: Oo,anak,tinatanggap ko na ang pagkatao mo,masyado lang talaga akong nabigla sa
nalaman ko,sapagkat ikaw lang ang nag-iisang lalaking anak ko,kaya’t lubos ang aking pagtitiwala na
ikaw ang magdadala ng ating angkan, subalit.......ang unico iho ko pala ay binabae..

Tagapagsalaysay:Oh ayan,nagkapatawaran na rin,ay salamat..Tunay ngang lubusan ng tinanggap ni


Mang Pablito ang tunay na pagkatao ni Paulo. Si Paulo naman ay mas lalong pinagbutihan ang kanyang
pag-aaral para sa pamilya,gaya ng ipinangako niya na iaangat niya ito. Sa huli,naging masaya ang buong
pamilya.

You might also like