You are on page 1of 9

PANDIWA

(AT ANG ASPEKTO NG NITO)


Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon, gawa,
proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, likas o di
likas at karanasan o damdamin.
Halimbawa
 kumain, mag-aral, bigyan, maglinis
 masunog, bumagyo, kumidlat, umulan, natabunan,naaksidente
 matuwa, sumaya, magmahal, nilamig, nainitan, yumabang
May dalawang pangkalahatang anyo ng pandiwa. Maaaring
binubuo lamang ito ng salitang-ugat na karaniwang ginagamit
sa pag-uutos.
Halimbawa
 Alis! Takbo!
 Lakad! Upo!
*Maaaring binubuo ito ng salitang-ugat + panlapi na tinatawag na panlaping makadiwa
gaya ng mga sumusunod:
-um- (lumindol, tumingala) mag – (magsalita, magtatawa)

um- (umilang, umalis) -in (mahalin, sabihin)

-an/-han (pakuan, gandahan) i- (isulat, itago)

magpaka- (magpakabuti, magpakasaya) ma- (malinis, maluto)

magsi – (magsiawit, magsitulog) maki- (makipulot, makisama)


*Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay ayon sa aspekto at hindi
ayon sa panahunan. Ang aspekto ay katangian ng pandiwang nagsasaad
kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o isasagawa pa lamang
ang kilos.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
- ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

o Aspektong Katatapos – nangangahulugang ito ay katatapos pa lamang


ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa
ilalim din ng aspektong perpektibo.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
- ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay
patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
- ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin
pa lamang.
Halimbawa:
Perpektibong
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
nilikha kalilikha nililikha lilikhain
tumayo katatayo tumatayo tatayo
sinabi kasasabi sinasabi sasabihin
nag-alaga kaaalaga nag-aalaga mag-aalaga

You might also like