Professional Documents
Culture Documents
Andrés Bonifacio
Andrés Bonifacio
Andrés Bonifacio
Tondo, Maynila
Maragondon, Cavite
Nasyonalidad Filipino
Pirma
Katipunan
Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal,
itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang
Kagalanggalangang[6] Katipunan ng mga Anak ng Bayan.[7] Ang lihim na samahan ay
naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
[8][9]
Himagsikang Pilipino
Pangunahing lathalain: Himagsikang Pilipino
Simula ng pag-aaklas
Natiyak ng pamahalaang Kastila ang pagkakaroon ng Katipunan noong 19 Agosto
1896. Daan-daang mga pinaghihinalaang Pilipino, ang dinakip at ikinulong sa salang
pagtataksil.[11] Paalis na noon si José Rizal patungong Cuba upang maglingkod bílang
manggagamot sa sandatahan ng kolonya ng Espanya bílang kapalit ng pagpapalaya sa
kaniya sa Dapitan.[12][13] Nang kumalat ang balita, unang sinubukan ni Bonifacio na
kumbinsihin si Rizal, na nakakulong sa barkong patungo sa Look ng Maynila, na
tumakas at sumali sa napipintong pag-aaklas. Nagpanggap sina Bonifacio, Emilio
Jacinto at Guillermo Masangkay bílang mga marino at nagtungo sa daungan kung saan
dadaong ang barkong sinasakyan ni Rizal. Personal na nakita ni Jacinto si Rizal, na
tumanggi sa kanilang mungkahing pagpapatakas. [14] Rizal himself was later arrested,
tried and executed.[12]
Upang maiwasan ang matinding paghahanap, ipinatawag ni Bonifacio ang libu-libong
kasapi ng Katipunan sa Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang pag-aaklas. Ang
kaganapan, na minarkahan ng pagpunit ng mga sedula ay lumaong tinawag na "Sigaw
ng Pugad Lawin"; ang tiyak na pook at petsa ng pinagdausan ng pangyayari ay
pinagtataluhan.[15][16] Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng
malawakang himagsikang laban sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsugod
sa kabiserang Maynila noong ika-29 ng Agosto.
Pangulo ng Pilipinas
(Hindi Opisyal)
Republikang Tagalog
Nasa puwesto
24 Agosto 1896 – Ika-10 o 22 Marso 1897
Pansariling detalye
Himlayan Nawawala
Propesyon Rebolusyonaryo
May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel
Encarnación, at Ramón Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang unang
Pangulo ng Pilipinas kaysa kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang
paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon nitong Supremo sa pamahalaang
himagsikan ng Katipunan mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay diin na
si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan bago pa
nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan
ng Tejeros. Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang
Pilipinas na tinawag na Haring Bayang Katagalugan, na pinalitan ni Aguinaldo ng
konseptong Filipinas.[4][5][20][21]
Si Bonifacio bílang pambansang bayani
Pangkahalatang tinuturing si José Rizal bílang Pambansang bayani, subalit
iminumungkahi si Bonifacio bílang higit na karapat-dapat na kandidato bílang
pambansang bayani dahil siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Napansin
ni Teodoro Agoncillo na ang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi gaya ng sa ibang
bansa, ay hindi ang "pinúnò ng puwersa ng liberasyon". [22] Isinulat ni Renato
Constantino na si Rizal ay "bayaning itinaguyod ng Estados Unidos" na itinaguyod
bílang pinakadakilang bayaning Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas - pagkatapos matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-
Amerikano. Itinaguyod ng Estados Unidos si Rizal, na piniling ang mapayapang
pamamaraan, kaysa sa mga radikal na tao na ang mga ideya ay maaaring pumukaw na
lumaban sa pamumunong Amerikano.[23]