You are on page 1of 2

Gabriela Silang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search

Gabriela Silang

Bantayog ni Gabriela Silang

Kapanganakan 19 Marso 1731

Santa, Ilocos Sur

Namatay Setyembre 20, 1763 (edad 32)

Vigan, Ilocos Sur

Trabaho May-bahay

Nakilala sa Unang babae na namuno ng himagsikan sa


pamahalaang kolonya ng Espanya

Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ay ang


unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng
mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang,
ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731
sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang
kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga
pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais
ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa
nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.
Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting
na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan
magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong
pagkabiyuda.
Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy.
Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong
lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa
pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay
dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng
Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa
kapakanan ng bayan.
Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika
na GABRIELA.

You might also like