You are on page 1of 2

Gregorio del Pilar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang artikulo na ito ay tungkol sa heneral. Para sa bayan, tingnan ang Gregorio del
Pilar, Ilocos Sur.

Gregorio del Pilar

Kapanganakan Nobyembre 14, 1875 I

San Jose, Bulacan

Namatay Disyembre 2, 1899

Tirad Pass, Ilocos Sur

Ibang pangalan Goyong

Trabaho Sundalo

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-


Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulacan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina
Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy
sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato
Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar
natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896,
nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit
sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at
sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng
maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa
siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya
sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa
kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya
niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa
maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong
Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway
habang tumatakas si Aguinaldo.

You might also like