You are on page 1of 4

“GOYO ANG BATANG HENERAL”

Emanuel P. Roldan [Pingkian]


Pangkat Dalagang Bukid
Nayon ng Tirador ng Kanin Lamig
Supremo: Cliffamy L. Toledo [Jefe]
Kapitan: Rizza Mae Paligsa [Juego]
ARTISTA PAPEL NA DESKRIPSYON UKOL SA
GINAMPANAN KARAKTER
Paulo Avelino Hen. Gregorio Del Si Gregorio del Pilar ay ang pinaka
Pilar batang heneral na lumaban
sa Digmaang Pilipino - Amerikano.
Siya ay isinilang sa Bulacan,
Bulakan noong  Nobyembre
14, 1875 kina Fernando del Pilar at
Felipa Sempio.
Gwen Zamora Remedios Nale Jose Si Remidios ay isa sa mga naging
kasintahan ni Gregorio Del Pilar at
kaiba sa ipinapalagay ng lahat na ang
pangalan ng babae ay Dolores Jose,
ang pangalan ng babaeng ito ay si
Remedios Nable Jose
Carlo Aquino Col. Vicente Enriquez Isa siya sa mga kasama ni Gregorio
Del Pilar nalumaban sa mga
amerikano at si Col. Vicente Enriquez,
isa sa ilang nakaligtas sa Labanan ng
Tirad pass. Isa rin siya sa mga
kaibigan ni Gregorio Del Pilar simula
pagkabata.

Carlo Cruz Juan Del Pilar Isa siya kapatid ni Gregorio Del Pilar ,
at siya palagi ang kasamani Gregorio
sa lahat ng oras hindi niya iniwan ang
kaniyang kapatid hanggang sa
kamatayan.
Empress Schuck Felicidad Aguinaldo Si Felicidad Famy Aguinaldo ay
nauugnay kay Gregorio del Pilar, ang
bunso sa mga heneral ng
Rebolusyonaryong Hukbo.
Nakalulungkot, namatay ang kanyang
minamahal na ipinagtanggol ang Tirad
Pass mula sa pagsulong sa mga
tropang Amerikano. Kilala bilang
"Kapitan Neneng", inalagaan niya ang
mga rebolusyonaryo sa harap na linya
at naging payunir sa pag-aalaga.

Jeffrey Quizon Apolinario Mabini Si Mabini ay isa sa kataas taasan sa


goyo siya rin ang naguutos kila
Gregorio Del Pilar at kilala bilang
Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon, ay pangalawa sa walong
anak nina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan, sa baryo Talaga,
Tanauan, Batangas
Mon Confiado Emilio Aguinaldo Siya ang president sa panahong giyera
nito na nagging pinakabatang Heneral
na si Gregorio Del Pilar at isang
rebolusyonaryong Filipino, politiko, at
isang lider ng militar na kinikilala
bilang opisyal na unang Pangulo ng
Pilipinas

BUOD:

Hango mula sa mga tunay na pangyayari ng kasaysayan, inilahad ng pelikula ang


mga huling buwan sa buhay ni Gregorio “Goyo” Del Pilar, isa sa mga pinakabata at
pinagkakatiwalaang heneral ni Emilio Aguinaldo noong panahon ng rebolusyon,
Magsisimula ang kuwento ilang araw matapos paslangin si Heneral Antonio Luna
ng mga tauhan ni Aguinaldo. Inatasan si Goyo na siguraduhing matapos ni Luna,
wala nang mag-aaklas pa sa pamumuno ni Aguinaldo. Naisagawa na manito ni
Goyo kung kaya’t agad siyang ginawaran ng promosyon bilang Governador Militar
ng Pangasinan at siya’y mamamalagi sa Dagupan kung saan niya makikilala si
Remedios Nable Jose na siyang magsisilbing malalim niyang inspirasyon.
Bagama’t mahihirapan sa simula si Goyo sa panunuyo kay Remedios, mahuhulog
din ang loob nito sa kanya ngunit hindi buong-buo dahil sa kinakaharap nang
giyerani Goyo. Makalipas ang limang buwan ng inaakalanilang kapayapaan,
nilusob sila ng mga tropang Amerikano upang dakipin si Emilio Aguinaldo. Dito
magsisimula ang matinding hamon kay Goyo kung paano nila matatakasan at
matatalo sa labanan ang hukbong militar ng mga dayuhan at maprotektahan ang
buhay ni Aguinaldo sampu ng kaniyang pamilya at maging ng kanyang pulutong sa
ngalan ng pagmamahal sa bayan. Isang matinding hamon sa kasaysayan ang
inilahad ng Goyo ukol sa isang bayaning kaytagal nang tinitingala ng karamihan ng
mga Pilipino. Sa isang banda, kapuri-puri ang mga ganitong obra na naglalayong
ilahad ang pagkatao ng isang bayani at hindi lamang ang pagkabayani nito.
Matalino ang pagkakalahad ng pelikula maging ng makabagong kasaysayan na
lumilihis sa maraming kumbensiyon. Epektibo ang ganitong pag-trato sa
kasaysayan upang maisa-konteksto sa mga makabagong panahon ang kahulugan ng
kasaysayan. Mahusay ang mga kuha ng kamera at talaga namang malinis ang
teknikal na aspeto ng pelikula. Si Avelino ay tila kulang pa ang tindig para maging
heneral ngunit naisakatuparan naman niya ang pagkatao ni Goyo bilang matipuno at
simpatikong heneral. Sinsero at walang itulak-kabigin ang husay ng lahat ng
nagsiganap sa pangunguna nina Epi Quizon bilang Mabini at Confiado bilang
Aguinlado. Lutang ang kanilang mga karakter at talaga namang dama ng manonood
na pawang buhay ang mga bayaning kanilang ginampanan. Mahusay ang
pagkakalahad ng kuwento at maliwanag ang nais nitong ipahatid.

You might also like