You are on page 1of 2

Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-

Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina


Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Gregorio del Pilar

Kapanganakan Nobyembre 14, 1875


San Jose, Bulakan

Kamatayan Disyembre 2, 1899


Tirad Pass, Ilocos Sur

Iba pang pangalan Goyong

Hanapbuhay Sundalo

Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay


nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral
siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na
si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni
del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong
Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang
magturo subalit sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at
sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga
ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19.
Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya
sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa
kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan
pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang
humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng
mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang
abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

You might also like