You are on page 1of 3

GOYO: ANG BATANG HENERAL

Ang pelikulang pinamagatang Goyo: Ang Batang Heneral ay isang pelikulang pagsasabuhay sa
isa sa mga bayani ng Pilipinas na si Gregorio del Pilar. Si Gregorio del Pilar ay kilala bilang
pinakabatang Heneral na namatay sa labanan sa Tirad Pass nung panahon ng digmaan sa
pagitan ng ating bansa at Amerika. Ginampanan ng kilalang aktor na si Paulo Avelino ang
karakter ni Goyo.

Nagumpisa ang pelikula sa pagpapakita sa mga nangyareng pagpaslang kay Heneral Antonio
Luna. Kasunod nito, inatasan ng kasalukuyang presidente ng republika ng Pilipinas na si Emilio
Aguinaldo na hanapin ni Goyo ang mga kaalyadong sundalo ng napaslang na heneral. Si Goyo
ang nagpalakas ng sandatahang pandigma ng Pilipinas na lumaban sa mga Amerikano. Siya ay
ang itinuturing na paboritong heneral ni Aguinaldo.

Nang mas lumamang pwersa ng mga Amerikano laban sa mga Pilipino, si Goyo ang tumulong
kay Aguinaldo upang makatakas. Nagtayo ng depensa ang kampo ni Goyo sa Tirad Pass upang
harangin ang pwersa ng mga Amerikano ngunit nanaig pa rin ang lakas ng mga Amerikano. Sa
pagtakas ni Aguinaldo kasama ang dalawang anak ni Garcia na sina Joven at Kiko, napaslang ng
mga Amerikano si Goyo sa Bundok ng Tirad at doon na rin siya inilibing.

Bago tuluyang matapos ang pelikula, ipinakita rin na nabihag ng mga Amerikano si Apolinario
Mabini at nagtugo sa Guam kung saan isinulat ni Mabini ang akdang La Revolución Filipina (The
Philippine Revolution).
HENERAL LUNA
Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna ang isa sa
pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano.
Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet
meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario
Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang
ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang
ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang
magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang
araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang
pinutukan ng Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga
digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito,
maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang
mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na
maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si
Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna
sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan
niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil
dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa
kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay
nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno
nanagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa
hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang
pinuno ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang
magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si
Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral
Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang
tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil sa malakas na personalidad ni Luna at madalas na
pagtuligsa sa plano ng pamahalaan, naging banta ito sa pamunuan ng unang pangulo na si
Emilio Aguinaldo.

Pinapunta siya sa isang simbahan sa Cabanatuan at doon ay isinagawa ang pagpaslang sa


heneral. Ginawa ito ng kaniyang nakagalitang tauhan na di umano’y inutusan ni Aguinaldo
upang patahimikin ang dating kaalyadong si Luna.
SINTESIS
Ang dalawang pelikulang eto ay tungkol sa digmaan noong panahon ng mga amerikano 1899 –
1902. Natukoy sa dalawang pelikula na ito bakit natalo ang ating bansa.

You might also like