You are on page 1of 3

Apolinario Mabini

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search

Apolinario Mabini

Unang Punong Ministro ng Pilipinas

Nasa puwesto
Enero 23, 1899 – Mayo 7, 1899

Pangulo Emilio Aguinaldo

Diputado Pedro Paterno

Nakaraang sinundan Itinatag ang posisyon

Sinundan ni Pedro Paterno

Ministro ng Ugnayang Panlabas

Nasa puwesto
Enero 23, 1899 – Mayo 7, 1899

Nakaraang sinundan Itinatag ang posisyon

Sinundan ni Felipe Buencamino

Pansariling detalye

Ipinanganak Apolinario Mabini y Maranan

23 Hulyo 1864 [1]
Talaga, Silangang Indiya ng Espanya

Namatay Mayo 13, 1903 (edad 38)


Maynila, Pilipinas

Alma mater Colegio de San Juan de Letran


Pamantasan ng Santo Tomas

Propesyon Abogado

Pirma

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang


"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teyoresta na nagsulat
ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod
bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1900 na makikita sa sampumpisong
barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong
natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan
de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging
propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng
pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga
Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya.
Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag
ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang
Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng
mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na
Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon
ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El
Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa
siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan
sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng
Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.
Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na
edukadong binata na, sa kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal
na edukasyon, isang napaka-kakayahang umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng
mga tanawin ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa mga Pilipino na ako
ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang
Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing
Malay. Siya ay may pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty
napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad, siya ay paralisado. Siya ay isang
binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na paggamit sa
hinaharap ng 

You might also like