You are on page 1of 4

Emilio Aguinaldo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Para sa munisipalidad, silipin ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. Para sa alay o
handog, pumunta sa aginaldo.

Emilio Aguinaldo

Unang Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Unang Republika

Diktador ng Pamahalaang Diktaturyal

Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo

Punong Ministro Apolinario Mabini (1899)


Pedro Paterno (1899)

Pangalwang Mariano Trias (1897)


Pangulo

Nakaraang Bagong Tatag


sinundan

Sinundan ni (pinawalang bisa mula 1901-1935)


Wesley Merritt (Gobernador-Heneral,
1901)
Manuel Quezon (Pangulo, 1935)

Pansariling detalye

Ipinanganak 22 Marso 1869


Cavite El Viejo (ngayong Kawit) , Cavite, Pilipinas

Namatay 6 Pebrero 1964


Lungsod Quezon, Pilipinas

Partidong Paksiyong Magdalo ng Katipunan (1897-1901)


pampolitika National Socialist Party (1935)

(Mga) Asawa (1) Hilaria del Rosario†


(2) Maria Agoncillo

Trabaho Militar, Guro, Rebolusyonaryo, Politiko

Si Emilió Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 1869 – 6 Pebrero 1964) ay


isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng
Pilipinas sa Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899 – 1 Abril 1901) na makikita sa
limampisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isa
siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang
isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi
ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas
ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng
Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga
hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang
pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hulí ng mga
Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang
taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim
na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.
Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel
Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng
Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Mga nilalaman

 1Kabataan
 2Rebolusyong Pilipino
 3Biak-na-Bato
 4Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo
 5Pangulo
o 5.1Administrasyon at Gabinete
o 5.2Polisyang Panloob
 5.2.1Piskalya
 5.2.2Edukasyon
 5.2.3Lokal na gobyerno
 5.2.4Pagbabago sa Konstitusyon
 5.2.5Pederasyong Bisaya
o 5.3Polisiyang Panlabas
 5.3.1Mga Nakakulong na Espanyol
 5.3.2Digmaang Pilipino-Amerikano
 6Mga sanggunian
 7Mga kaugnay na artikulo
 8Mga panlabas na kawing

Kabataan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos
Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay
isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon
sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula
sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang
elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng
sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa
ikatlong taon na siya para tulungan ang kaniyang nabiyudang ina na patakbuhin ang
kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa
Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang
posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang
sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan
municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na
tinawag na capitan municipal.

Rebolusyong Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon
na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang
maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para
kay Maria Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng
pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San
Juan, Metro Manila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil
sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa
Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para
makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga
Espanyol ng panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na
pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay
ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil,
rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang
probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin
nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan,
ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa
dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si
Bonifacio, kahit para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan
niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa
Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay
Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona,
na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos
sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kaniyang baril at binaril na sana si
Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon.
Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at
sinimulang ibalik ang kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni
Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo.
Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at sa
isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan.
Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit
pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng
Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na
Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa
Bundok Buntis na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.

You might also like