You are on page 1of 5

José Rizal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search

José Rizal

Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.

Ibang pangalan: José Rizal

Kapanganakan: 19 Hunyo 1861

Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna

Kamatayan: Disyembre 30, 1896 (edad 35)

Lugar ng kamatayan: Bagumbayan
(Luneta ngayon), Maynila, Pilipinas

Pangunahing organisasyon: Kilusang Propaganda, La Liga Filipina


Pangunahing monumento: Liwasang Rizal

Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa


kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin
ang Rizal (paglilinaw).
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito
siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng
medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at
nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na
magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng
Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng
dalawampu't dalawang wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa
pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4] na isang lihim na
samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging
saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay
tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa
mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na susuportahan
lamang ang karahasan bilang huling opsyon. [7] Naniniwala si Rizal na ang tanging
katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan
ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, [note 5] at winika niya "Bakit
kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?" [8] Ang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang
pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Ang Bahay ni Rizal sa Calamba,Laguna

Mga nilalaman

 1Ang pamilya ni José Rizal


 2Pag-aaral
 3Personal na Buhay
o 3.1Leonor Rivera
o 3.2Josephine Bracken
 4Sa Bruselas at Espanya (1890-1892)
 5Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)
o 5.1Pagpapatapon sa Dapitan
o 5.2Pagbaril sa Bagumbayan
 6Mga Katha
 7Mga Pamanang-lahi
 8Tingnan din
 9Mga sanggunian
 10Ugnay panlabas

Ang pamilya ni José Rizal


Si Francisco Rizal Mercado (1818–1897)

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) [9] at Teodora Morales
Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang
apelyido bilang "Realonda"),[10] na parehong masaganang magsasaka na
pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga
Dominikano. Ikapito sa labing-isang magkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng)
(1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–
1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896),
Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad
(Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong
kalagitnaan ng ika-17 dantaon.[11] Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, na
isang Sangley ng Luzon.[12]

Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. José Rizal


Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo na ama ni
Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay Lorenzo Alberto
Alonzo.[13] Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na inanak
ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada
noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam
na taon ay ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng
pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan
niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula
siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling
pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid
na si Paciano Rizal at ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay
naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula
siyang "hindi lehitimong anak".[14] Ginawa ang pagbabagong ito upang mas
malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang
kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay
nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang
pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. [note 6]
[note 7]
 Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang
"Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga
guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa
pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa
sinaunang lipunang Pilipino.

Pag-aaral

You might also like