You are on page 1of 2

Nagkahiwalay and dalawang magkasintahan na si Bogomila at Crtomir dahil sa pagsabak ni

Crtomir sa isang digmaan sa pagitan ng mga paganong pinamumunan niya at ng mga Kristiyanong
pinamumunuan ni Valjhun sa Lambak ng Bohinj. Naging madugo ang digmaan at dahil malakas ang
nakalabang hukbo bukod pa sa kinulang sila ng pagkain, natalo ang pangkat nina Crtomir. Sa
pagkakatapos ng digmaan ay tanging si Crtomir lamang ang nakaligtas ng buhay.

Lingid sa kaalaman ni Crtomir, ang kanya palang kasintahang si Bogomila na dating alagad ng
kanilang diyosang si Ciba ay hindi na isang pagano. Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa nang
Kristiyano. Habang nasa digmaan si Crtomir ay nananalangin nang buong taimtim at nangako ang dalaga
sa Panginoon at sa Mahal na Birhen na kung makakababalik nang buhay si Crtomir ay iaalay niya ang
kanyang sarili at ang buong buhay sa pagsisilbi sa Panginoon.

Nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para mabago ang desisyon nito subalit buo na
ang desisyon ni Bogomila. Sa halip, kinumbinsi niya si Crtomir na yakapin ang pananampalatayang
Kristiyano at magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang pangungumbinsi ni Bogomila ay napapayag din
niya si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binate sa Talon ng Savica Hindi nagtagal, si Crtomir ay
nagging isang paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating kasintahan ay nag-alay ng kanyang buhay at
pagsisilbi para sa Panginoon.

Wala pang matapang na pinunong may hukbong pumapantay, Nangalupig silang lahat,
gumuguho sa pamamaalam, Liban kay Crtomir na may pangkat pang nagbabagong-lakas.

Ang bunso’y nagtanggol ng matandang paniniwala ng pananampalataya ng kanyang mga ninuno


sa iba, mga bathala’t espiritu

Sa kabila ng mga ulap ang matataas nilang hurikdiksiyon.

You might also like