Ang Anyong Lupa at Anyong Tubig ay isa sa mga likas na yaman natin bawat isa sa
kanila ay mahalaga sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay nabubuhay sa mundo.
Sa Anyong Tubig, nagkakaroon ng hanapbuhay ang mga mamamayan lalong lalo na
angmga taong naninirahan sa tabing dagat.Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ngpangingisda. Dito din tayo nabubuhay dahil ang pagkain ng yamang dagat ay parte na ng atinghapag-kainan. Nakakapag- luwas din ang Pilipinas ng mga isda sa iba't-ibang sulok ng mundo. Dinarayo dinng mga turista ang ganda ng ating mga dagat dahil sa mga kakaibang kagandahan ng mgacoral reefs sa ilalim ng ating baybayin.Kahalagahan ng anyong Tubig - Ang anyong tubig ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ating mga kababayang mangingisda.Dito nakukuha ang mga mamahaling isda at mga korales na maari nating ipagmalaki sa ibang bansa.Pinagkakakitaan din ito ng ilan nating mga kababayan na may ari ng mga resort sa mga gilid ng dagat,lawa,ilog tuwing tag-init.Ang mga ibat- ibang shell na nakukuha sa pangpang nang dagat ay ginagawang mga palamuti sa katawan at tahanan.Mga Anyong Tubig - Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.) Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.Golpo - bahagi ito ng dagat.Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.Sapa - anyong tubig na dumadaloy.
Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo
ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.Kahalagahan ng Anyong Lupa - Ang anyong lupa ang nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop.Ang yamang lupa ay nagtataglay ng mga yamang mineral na pinagkukunan ng tao nang mga enerhiya,mga ibat-bang uri ng bato na ginagawang pahiyas o mga palamuti.Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim at pastolan ng mga alagang hayop.Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan Ang ating lupain ang pinagtataniman ng sari saring halaman,tulad ng halamang gamot na pinagkukunan natin upang gawing medisina. Mga Anyong Lupa - Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.Bundok -isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.Burol - higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman.Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud- sunod.Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.Yungib - mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.Tangway - pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.Tangos - mas maliit sa tangway.Disyerto - mainit na anyong lupa.