You are on page 1of 4

Emilio Jacinto, “¡¡¡ Gomez, Burgos, Zamora !!!

”, April 30,
1896
Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.9.1.

 
 
The day that Gomez, Burgos and Zamora were executed, writes Jacinto,
was a day of degradation and wretchedness. Twenty-four years had since
passed, but the excruciating wound inflicted that day on Tagalog hearts had
never healed; the bleeding had never been staunched. Though the lives of the
three priests had been extinguished that day, their legacy would endure
forever. Their compatriots would honor their memory, and would seek to
emulate their pursuit of truth and justice. As yet, Jacinto acknowledges, some
were not fully ready to embrace those ideals, either because they failed to
appreciate the need for solidarity and unity or because their minds were still
clouded by the smoke of a mendacious Church. But those who could no
longer tolerate oppression were now looking forward to a different way of life,
to a splendid new dawn.

Gomez, Burgos and Zamora, affirms Jacinto, knew how to die for their
compatriots and the land of their birth. Would their compatriots, he asks, be
prepared to sacrifice their lives in turn? That was a difficult question to
answer, he concludes, but one thing was certain: the terror that began with the
scaffold at Bagumbayan in 1872 had not yet finished.

1
Jacinto prefaces his piece with a stanza from the famous poem ​Florante
at Laura​ by Francisco Baltazar (Balagtas), a metrical romance that tells in
“mellifluous and highly allegorical verse” the story of a knight and a princess
in the medieval kingdom of Albania. First published in 1838, its readers and
hearers attached to it their own meanings, some in later decades seeing in
Florante’s travails “a reflection of their own misery and outrage under the
oppressive rule of foreign tyrants.”1 Here, the stanza chosen by Jacinto to
introduce his tribute to the martyred priests is highly apt: “What lips yet
venture to uphold/ The cause of Truth, of Wisdom bold/ Straightaway are
struck, and stricken cold/ By swords that reap death in their fold.”2

Beneath the text, Jacinto has written “Year 1 – Issue 2,” which almost
certainly means he intended to publish the piece in the second issue of
Kalayaan.​ As already noted, however, the issue never materialized; it was still
being set in type when the Katipunan was discovered, and the printing press
had to be hastily destroyed.

›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›​ ​›

Tagalog text

¡¡¡ Gomez, Burgos, Zamora !!!


 
At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katutuhanan
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalung dustang kamatayan

F. Balagtas

¡Gomez, Burgos, Zamora !

¡Mga kababayang inihayin ng kasukaban sa tampalasang sungit ng


mga mangagagang [?] lumulupig sa ating Bayan!

¡Tatlong maningning na ilaw na pinatay ng makamandag na hihip


ng sama!

¡Ang kanilang buhay, ang mahalaga nilang buhay ay nilagot sa


kalupit-lupit na bibitayan nang ikalabing anim ng Febrero ng taung isang
libo, walong dan, pitong puo’t dalawa!3

1
Bienvenido Lumbera, “The Nationalist Literary Tradition” in Elmer A. Ordonez, ed.
Nationalist Literature: A centennial forum (​ Manila: University of the Philippines Press and
PANULAT/ Philippine Writers Academy, 1996), 2–3.
2
Francisco Baltazar (Balagtas), “Pinagdaanang buhay ni Florante at Laura sa cahariang
Albania” [1838] in Jovita Ventura Castro, et al (eds.), ​Anthology of Asean Literatures:
Philippine metrical romances​ (Quezon City: ASEAN Committee on Culture and Information,
1985), 341. Translation by Tarrosa Subido.
3
Historians now agree that the ​executions took place on February 17. Jacinto may well have
2
¡Kailan ma’y di napapanood ng langit ang gayong kalaking
kataksilang linsil!

¡Gawang di lilimutin magpahangang kailan man ng bayang tagalog!


¡Araw na napakarawal at kalagim-lagim!

Buhat sa araw na yaun, ang kanilang mga pusung bukal ng sagana’t


wagas na pagibig sa kanilang mga kalahi’t kapatid, ay hindi na tumitibok;
ang kanilang kaloobang karurukang mataas ng mga banal na nasa ay hindi
na nagpipita; ang kanilang mga bibig ay hindi na nangungusap, hindi na
tumututol sa pagsasangalang ng Katuiran at ng kagalingang lahat... Ang
kapusungan at ang lilong galit ng mga palamara ay nagdamit hukom, at
sila’y kinitlan ng hininga nang walang makawangis na katampalasanan.

Nguni’t, ¡ sa aba ng nagtatayu ng kapangyarihang hawak sa lusak ng


kasamaan! ¡ sa aba ng pangahas na naghahapay ng Katuiran sa ngalan ng
Katuiran, ng uslak na nagwawalat ng mga dibdib na mahal sa ngalan ng
kamahalan! ¡sa aba nila! Sapagka’t sa kabagsikang malabis ng ginamit na
poot, ang bakal na pumatay sa tatlong ginawang sadlakan ng hamak nilang
higanti, ay tumagus at nagbukas pa mandin ng isang maluang at malalim
na sugat sa pusung kanilang mga kababayan.

Dalawang puo’t apat na taun na ang nakararaus, buhat nang


mangyari itong di matingkalang kaliluhan, at ang mahapding sugat ay di
pa naglalangip, at hanga ngayo’y dumudugo...dumudugo ng walang patid...

¡Gomez, Burgos, Zamora! Kapurihang walang katapusan ang


handog ng inyong mga kababayan sa malinis ninyong mga pangalang
iniirog!

¡Mapalad na buhay, yaung nagiiwan karakarakang maamis [?] ng


isang butihing binhi sa kalooban ng kaniyang bayan, upang magdamdam
ang mga alipin at matutuhan nilang ibangun ang dangal ng kanilang
katauhan na tuntungan ng kapalaluan ng sukabang panginoon!

Ang inyong alaala ay kalakip ng lahat ng makapagbibigay buhay sa


Bayang tinubuan. Sapagka’t, kung sa gunita’y nahaharap ang inyong
dustang pagkamatay, ang lalung tamad at pikit na pagiisip ay
nagbubulay-bulay, at sa naliliming na mga karamaang naghahari’t
nakapangyayari, nililimot ng tapat na pusu ang sariling katiwasayan at
naaakay lumingon at lumingap sa kalagayang kaaba-aba’t
kahambal-hambal na kinasapitan ng lahing tagalog.

taken the date of February 16 from the editorial “16 de Febrero de 1872,” written to mark the
twentieth anniversary of the executions in ​La Solidaridad,​ the paper edited by Marcelo H. del
Pilar in Madrid, in its issue dated February 15, 1892. ​La Solidaridad​ in turn inherited the
date of the 16th from a report by Edmund Plauchut that it​ ​reprinted in the same issue
immediately following the editorial. Plauchut’s report, first published in the Paris-based
Revue de deux mondes​ in 1877, suggests in one passage that Burgos, Gomez and Zamora were
executed on the 16th, but indicates in another passage that it was the 17th. ​La Solidaridad,​
parallel text edition with English translation by Guadalupe Fores-Ganzon, vol. IV (Manila:
Fundacion Santiago, 1996), 62–75.
3
Kung tinatanghal sa gunamgunam ng mata ng panamdam ang
inyong kahabag-habag na anyo, ang mga liig ninyong supil ng panakal na
bakal, ang ulong naglungayngay ng malamig ninyong bangkay, sa
nagsisikip na dibdib ng inyong mga kapatid ay sumisilakbo ang ningas ng
poot, naaalaala nila ang lubhang pagkaayop at pagkailing na lubha ng
kanilang kapurihan; naaalaala nila na ang kanilang pinagkalooban ng
kanilang kalayaan at mga banal na matuid, ang hinahandugang lagi ng
pagud, yaman, buhay at sampung karangalan, ay siyang ganid na halimaw
na sumisila tuina mahalagang buhay ng mga lalaking [one word illegible]
na sa kanila’y nagtatangol; naaalaala’t nakikilala nila na ang mga
kapusungang [?], ito’y nangyayari dahil sa sila’y kulang ng pagdaramdam
at pagkakaisa, puno’t mula [?] ng kanilang kahinaan; naaalaala’t nakikilala
nila na wala nang iba pang dapat pagkatiwalaang makapagbabangun ng
kanilang Katuiran, kung di ang sariling dahas ng kanilang mga kamay at
ang matapang na tibay ng kanilang loob. At sa di na makayang bathing
mga kaapihan, ang sa isip na mata’y itinititig sa ibang kabuhayan sa
pagasang sakdal, na darating at darating ang bagong maligaya’t marilag
na kaarawan.

Ang mga buhay ni Gomez, ni Burgos at ni Zamora ay nautas,


datapua’t ang mga katutuhanang pinangugulan ng mga buhay na iyan ay
hindi namamatay, hindi nawawala. At kung di lumalaganap ng lubos na
lubos, at di pa kumakalat sa lahat ng kaisipan, ay dahil sa nangababalut sa
gipong kalawang ng masasamang gawi at hamak na pagsasarili; dahil sa
nauulapan pa ng masangsang na aso ng mga pasucob ng marayang
simbahan.

Datapua’t ang nangyaring kakila-kilabot na sinisimulaan sa


bibitayan ng Bagumbayan ay hindi pa natatapus....

Si Gomez, si Burgos at si Zamora ay natutong mamatay dahil sa


kanilang mga kababayan at dahil sa lupang tinubuan. Ang kanilang mga
kababayan kaya nawa’y ¿hindi matututong mamatay dahil sa lupang
tinubuan at dahil sa kanila?

Tanung itong may kahirapan sagutin; datapua’t ​ang nangyaring


kakila-kilabot ay hindi pa natatapus...

Dimas Ilaw

Maynila 30 Abril 1896

Taung 1 – Bilang 2

You might also like