You are on page 1of 1

REDULLA, Edjess Jean Angel T.

January 15, 2021


BSED 3B – FIL LTF 118

Naranasan mo na bang magtanghal, maaaring sa silid-aralan o simbahan ?


Anong mga kakayahang iyong ipinakita sa naturang pagtanghal/ pagsadula?
Pakibahagi.

Noong bata pa lamang ako, kasama ang aking nakatatandang lalakeng kapatid,
kami ay nagtatanghal sa aming simbahan sa pamamagitan ng pagkanta ng duet
gamit ang kaniya-kaniya naming gitara.
Noong ako nama’y nasa elementarya, madalas ay palagi akong “emcee” tuwing
Flag Ceremony at mahilig din akong sumali sa mga Declamation Contest, pagtutula,
atbp.
Noong ako naman ay nasa sekondarya o hayskul, kabilang ako sa Star Section
noon kaya naman ay madalas ay kasali o parating kalahok kami sa iba’t ibang
patimpalak, kagaya na lamang ng Speech Choir, Jingle, Poetry in Motion, Chamber
Pantomime, Cultural dance, Street dance, SAYAWIT, atbp.
Sa silid-aralan naman at sa kabuoan, bagamat hindi magaling ngunit masasabi kong
marunong ako o nagagawa o may kakayahan din akong umarte, mapaanuman ang
papel nito, gayundin sa pag-awit, sa paggamit ng instrumentong gitara at sa
pagsayaw.

You might also like