You are on page 1of 3

Ikatlong Mahabang Pagsusulit sa Filipino 9

T.P. 2020-2021
40
Pangalan :__________________________ Petsa :_______________________
Baitang at Pangkat:____________________ Guro :________________________

KAALAMAN (25)
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

B1. Batay sa Ang Parabula ng Alibughang Anak, sino ang nagsabing “Ama, ibigay mo na sa akin ang
bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin.”
A. nakatatandang anak C. nakatatanda at nakababatang anak
B. nakababatang anak D. wala sa nabanggit
C2. Anong klaseng pamumuhay ang naranasan ng anak matapos kuhanin ang ari-arian niya sa ama?
A. maayos B. tahimik C. magulo D. payapa
D3. Ano ang nangyari matapos bumalik muli ng anak sa kanyang ama?
A. pinalayas ito at hindi tinanggap C. pinagtawanan dahil sa nangyari sa kanya
B. tinanggap ngunit ginawang alipin D. muling tinanggap ang anak at sila ay nagsaya
A4. “Narito, naglilingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong
utos…”, sino ang nagsabi ng linyang ito sa Ang Parabula ng Alibughang Anak?
A. nakatatandang anak C. nakatatanda at nakababatang anak
B. nakababatang anak D. wala sa nabanggit
A5. Ito ay mga kuwento na hango sa Bibliya na kapupulutan ng aral.
A. Parabula B. Pabula C. Maikling Kuwento D. Anekdota
B6. Ito ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay kumikilos at
nagsasalita na tulad ng tao.
A. Parabula B. Pabula C. Maikling Kuwento D. Anekdota
C7. Ito ay uri ng panitikan na sa isang upuan maaaring matapos kaagad ang binabasa.
A. Parabula B. Pabula C. Maikling Kuwento D. Anekdota
D8. Ito ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang o patalambuhay na pangyayari.
A. Parabula B. Pabula C. Nobela D. Anekdota
C9. Ito ay binubuo ng maraming tauhan at mga tagpuan at may kasalimuotan ang daloy ng mga
pangyayari sa akda.
A. Parabula B. Pabula C. Nobela D. Anekdota
A10. “Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat ang anak kong ito ay namatay at
muling nabuhay. Ito ay hango sa _______.
A. Parabula B. Pabula C. Nobela D. Anekdota
C11. Sino ang may akda ng tulang “Kay Selya”?
A. Jose Corazon de Jesus C. Francisco Baltazar
B. Jose Villa Panganiban D. Andres Bonifacio
D12. Ito ay tulang may labing-apat na taludtod.
A. Pastoral B. Oda C. Dalit D. Soneto
A13. Ito ay naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.
A. Pastoral B. Oda C. Dalit D. Soneto
B14. Ito ay isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal.
A. Pastoral B. Oda C. Dalit D. Soneto
C15. Ito ay awit na pumupuri sa Diyos.
A. Pastoral B. Oda C. Dalit D. Soneto
D16. Ito ay tula ng pagtatangis o pag-alala sa yumao.
A. Pastoral B. Oda C. Awit D. Elehiya
C17. Ito ay tulang liriko o pandamdamin na may paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal,
pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig.
A. Pastoral B. Oda C. Awit D. Elehiya
C18. Ang tulang “Kay Selya” ay isang halimbawa ng __________.
A. Pastoral B. Oda C. Awit D. Elehiya
D19. Ang tulang “Isang Punongkahoy” ay isang halimbawa ng __________.
A. Pastoral B. Oda C. Awit D. Elehiya
B20. Sino ang sumulat ng tulang “Buhay at Kamatayan”?
A. Jose Corazon de Jesus C. Francisco Baltazar
B. Jose Villa Panganiban D. Andres Bonifacio
A21. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
D22. Ito ay dalawang salitang pinagsama.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
C23. Ito ay salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong salita.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
B24. Ito ay binubuo ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
C25. Ito ay panlaping ikinakabit sa unahan ng salita.
A. hulapi B. gitlapi C. unlapi D. kabilaan

PROSESO (10)

II. Panuto: Tukuyin kung anong kayarian ng salita ang nakasulat nang madiin sa bawat pangungusap. Isulat
ang PAYAK, MAYLAPI, INUULIT, o TAMBALAN sa patlang bago ang bilang.

MAYLAPI 26. Ayon kay Dr. Jose Rizal, Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
MAYLAPI 27. Si Isko ay isang batang masipag.
PAYAK 28. Ang bawat tao ay may tungkulin sa buhay.
INUULIT 29. Kayang-kaya natin ito kaibigan, basta tiwala lang sa sarili at pagsisipag ang kailangan.
TAMBALAN 30. Ang aming mga kapitbahay ay mababait at maaasahan.
INUULIT 31. Iba-iba ang kagustuhan nating mga tao.
PAYAK 32. Mayaman sa ginto ang bansa.
TAMBALAN 33. Kailangan kong pagbutihin ang aking hanapbuhay para sa pamilya.
MAYLAPI 34. Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati.

PAYAK 35. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay.

PAG-UNAWA (5)

III. Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata.

36-40. Sumulat ng isang talata at ipaliwanag ang ipinapahiwatig ng larawan sa ibaba.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pamantayan:

Natatalakay nang higit pa sa inaasahan ang nakapaloob sa larawan taglay ang tamang pagpapahayag
5 at kalinawan nito sa pagpapaliwanag.
Natatalakay nang maayos ang nakapaloob sa larawan taglay ang tamang pagpapahayag at malinaw
4 na pagpapaliwanag.
` Natatalakay nang maayos ang larawan taglay ang tamang pagpapahayag ngunit kulang sa malinaw na
3 pagpapaliwanag.
2 Natatalakay ang larawan taglay ang tamang pagpapahayag ngunit hindi sapat ang pagpapaliwanag.
1 Sinubukang maglahad ngunit bigong makatapos.
0 Walang kasagutang naibigay.
Inihanda ni: Sinuri ni:
Bb. Christine Joyce L. Dimaandal Bb. Diana C. Soriño

Guro sa Asignatura Koordineytor Pang-Akademiko

You might also like