You are on page 1of 2

Lesson 19: Nasyonalismo sa Kanlurang at Timog Asya

Ang mapang-abuso at mapaniil na pamamahala ng mga imperyalistang Bansa ang isa sa mga naging sanhi
ng pagsibol ng kakaibang damdamin sa mga katutubo na ipaglaban nila ang Karapatan sa kanilang sariling
bansa. Unti-unting sumibol ang damdaming Nasyonalismo.

Nasyonalismo – Ito ang pagpapahalaga sa pambansang pagkakailanlan at pagmamahal sa bayan. Ito ay


ang nagtulak sa mga Asyanong lumaban para matamo ang kalayaan.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Iraq Nationalism

 ‘Abd al-Razzaq al-Hasani – isa siyang Iraqi historyador at politiko. Isa siya sa nanguna sa
Nasyonalismo sa Iraq

Arab Nationalism

 Ang layunin ng nasyonalismong ito ay mapag-isa ang lahat ng estado, wika, at mga tao na Arabo
 Noong 1860s, ang mga Inilimbag na mga Panitikan sa Mesopotamia (Iraq), ay kinalalamanan ng
intesidad ng emosyon at pagnanais na makalaya sa kamay ng Ottoman Turk
 Al-Fatat (Young Arab Society) – isa siyang nasyonalistang organisasyon sa ilalim ng Imperyong
Ottoman. Ang kanilang layunin ay makalaya sa Imperyong Ottoman at mapag -isa ang lahat ng mga
teritoryong Arabo na sakop ng Imperyong Ottoman.
 Great Iraqi Revolution of 1920 – Ito ay ang paghihimagsik ng mga Iraqi sa pamamahala ng mga British.
Ang resulta ay nanalo ang mga British sa pag-aalsa ng mga Iraqi.
 Cairo Conference (1921) – ito ay isang kumperensya ng mga opisyales ng mga Briton na naging Epekto
ng Great Iraqi Revolution of 1920. Dito din tinalakay ang magiging kinabukasan ng mga bansang
mandato tulad ng Jerusalem, Iraq at Transjordan. Sa Iraq, inilagay ng mga British si Faisal ibn Husayn,
bilang unang hari ng Iraq.

Turkish Nationalism

 Mustafa Kemal Ataturk – Isa siyang Turkong sundalo at rebolusyonaryo. Siya din ang unang presidente
ng Republika ng Turkey. Siya din ang tinatawag bilang “Ama ng Republika ng Turks”.
 Turkish National Movement – Pangunahing kilusang Turko na naglalayon na makalaya ang Turkey sa
kamay ng Imperyong Ottoman. Ito ay itinatag noong 1919. Ang pinuno at tagapag -salita ng kilusang ito
ay si Mustafa Kemal Ataturk.
 Turkish War of Independence – Ito ay isang digmaan na kinasasakungtan ng Turkey at ng iba’t-ibang
bansa na naglalayon na makalaya ang Turkey sa kamay ng Imperyong Ottoman. Ito ay tumagal ng 4 na
taon at ang resulta ay nakalaya ang Turkey sa kamay ng Imperyong Ottoman at itinatag ang Republika
ng Turkey noong 1923.
Nasyonalismo sa Timog Asya

Indian Nationalism

 Nagsimula ang Nasyonalismo sa India noong ito ay nasakop ng mga Briton noong 19th century.
 Puli Thevar – Isang lokal na pinuno na naging isa sa mga pinakaunang nakalaban ng pamahalaan ng
British
 Hindi nagustuhan ng mga Hindu ang mga batas na ipinatupad ng mga British sa kanilang bansa
 Hindi matanggap ng mga Hindu na mabale wala ang kanilang kulturang kinagisnan
 Raja Ram Mohon Roy – Siya ang naging lider ng kilusang Brahmo Sabha noong 1828. Naging kilala
siya kanyang pagsisikap para maialis ang praktis ng Sati, ang panununog ng mga biyudang Hindu. Siya
ay ang tinaguriang bilang “Ama ng Indian Renaissance”.
 Sir Surendranath Banerjee – Siya ay isa sa mga dakilang pulitikong Indian noong British Raj. Siya ang
nagtatag ng Indian National Association
 Bal Gangadhar Tilak – Isa siyang nasyonalista at gurong Indian na naglalayon na wakasan ang
pamamahala ng mga British sa India
 Indian National Congress – Ito ay itinatag noong 1885. Sina Allan Octavian Hume, Dadabhai Naoroji at
Dinshaw Wacha ang mga nagtatag ng Indian National Congress. Ang layunin ng Indian National
Congress ay magkaroon ang mga edukadong Indians ng pwesto sa pamahalaan na pinapaktabo ng
British
 All-India Muslim League – Ang kanilang layunin ay itaas ang tingin ng mga Indian Muslim at magk aroon
ng sariling teritoryo na hiwalay sa India
 Mohandas Karamchand Gandhi – Pinakatanyang na pinuno ng Nasyonalismo sa India. Tinatawag din
siyang “Mahatma” na ang ibig sabihin ay Great Soul. Ginamit niya ang paraan ng Satyagraha o
mapayapaang paraan ng pakikipag-kalakalan. Ipinanukalaya niya na Huwag bumili ng mga produktong
British at Huwag magbayad ng buwis
 Muhammad Ali Jinnah – “Ama ng Pakistan”; siya ay ang unang gobernador-heneral ng Pakistan.

You might also like