You are on page 1of 410

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] [BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)


[TOTALPARTS] 60
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
[CURRENTLY CHANGING/EDITING INTO 3RD PERSON POV] I am known as the bad princess. And then I met
him, the evil sweetheart. I met him for a reason. I liked him for a reason. I loved him for a
reason. And the only reason? Love. [Helen of Troy]
-------------------------------------------

*******************************************
[1] PROLOGUE
*******************************************
***

NO COMPILATION. NO SOFT COPY. NO PLUGGINGS

***

-----------------------------------------------------------------------------------------------
-------------

BAD MEETS EVIL

© 2012 Witcheverwriter

All Rights Reserved

-----------------------------------------------------------------------------------------------
-------------

PROLOGUE

High school life.

Sabi nila masaya daw ang high school life.

Dito, marami ka raw matututunang bagay.

Good and bad things, pero ang sigurado, masaya.

Sa high school life mo rin daw mararanasan kung paano magka-crush at ma-inlove.

Pero... dito mo rin daw mararanasan ang masaktan ng dahil sa batang pag-ibig.

Saya at lungkot.
They are part of growing up.

And as we grow up, they'll be memories...

Memories na masarap balik-balikan.....

The Bad Princess - isang bully na walang pakialam sa mga lalaki at hindi pa nararanasang ma-
inlove. Matatapos na lang ba ang high school life nya na puro pambu-bully lang ang memories
nya?

The Evil Sweetheart - isang heartthrob na good boy turned playboy after his first love broke
his heart. Makahanap kaya sya ng katapat nya?

What if magtagpo ang landas nila?

Will they share the same happy and sad memories?

Will they find love in each other?

Will their high school life be exciting and memorable?

Find out.......... when Bad Meets Evil.

***

*******************************************
[2] 1. Girlfriend.
*******************************************

1. GIRLFRIEND.

"BAKLALALAAAAAAA!" pakantang tawag ni Yanna sa gayfriend niyang si Ej.

Nakita niya agad ang kaibigan sa guardhouse ng school nila. Itinext niya kasi ang mga kaibigan
niya na papasok na siya ngayong hapon kaya nagpahintay siya.

First week of school year ba naman kasi, absent siya. Paano ay na-dengue siya, tuloy ay isang
linggo siyang wala. Buti na lang at ayos na siya ngayon. Dapat talaga, papasok na siya kaninang
umaga. Kaya nga lang, tinanghali siya ng gising.

"Uy, baklaaaaa! Namiss kita, kaloka! Mwa! Mwa!" as usual, nagbeso silang dalawa ni Ej.
Si Ethan John Mendiola ay isa sa mga bestfriends niya. Kahit na bakla, mahal na mahal naman ng
barkada.

"O, nasaan sila? Bakit ikaw lang?" tanong niya kay Ej. Naglakad na sila papunta sa quadrangle-
slash-court habang magkalink ang tig-isang braso nila. Talagang sa gitna sila nagdaan. Bakit?
Papansin kasi sila.

"Boo! Hello, Yannabeeeb!" bigla na lang sumulpot sa kung saan si Beatrice at ang mga matatalik
niyang kaibigan.

"Yanyan, namiss ka namin!" nakangiting pahayag ni Julianna.

"Ayiie! Galing na ang bad princess namin",masayang sabi rin ni Marienne o Yen kung tawagin
nila. "Binukulan mo ba ang lamok na kumagat sa'yo?" dagdag biro pa nito.

Sina Beatrice Baltazar, Julianna dela Cruz, at Marienne Joy Torres, na bigla na lang
nagsulputan sa likod nila ni Ej out of nowhere, ang mga ito ang mga best-girlfriends niya.
Syempre, belong na si Ej dahil feeling girl naman ito.

"Peste 'yun, hindi nga, e. 'Di ko mahanap, walang nametag", ganting biro niya kay Yen.

Bigla namang nagngiwian ang mga ito. "Acheche???" Pero pagkaraa'y sabay-sabay ding nagtawanan.
"Hahaha! Corny mo talaga, bii! Hahaha!"

"Oo na", iningusan niya na lang ang mga ito. Corny nga naman kasi, alam niya.

"Corny kasi talaga! Haha!" natatawang ulit pa ni Bea.

"Oo na nga, e", nakabusangot na sabi niya.

Baby ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Inaartehan lang ng mga ito ng kung anu-ano kagaya
ng; bebs/bebe/bey/bii. Bukod kasi sa siya ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan, bine-baby
siya ng mga ito dahil isa siyang NBSB. Ano'ng magagawa niya? E, sa wala siyang magustuhang
lalaki.

"Hoy, Yannabebs! Mahal kita at namiss kita, pero 'wag mo ngang inaagaw sa'kin ang Papa Ej ko!
Hmp!" bigla na lang hinatak ni Kiray si Ej mula sa kanya na ikinatawa niya.

Si Krystal Perez o Kiray sa kanila. Mawawala ba naman si Kiray sa mga bestfriends niya? Si
Kiray ang pinakamaliit sa kanila. Cute na cute siya sa kaibigang ito lalo na't head over heels
ito sa kaibigan nilang bakla-kay Ej.

"Yuck! Ano buh, Kiray! Kadiri mo!" agad na lumayo si Ej kay Kiray at pinagpag ang braso na
hinawakan ni Kiray.
Natawa na lang sila. Lagi naman ay ganyan ang tagpo ng dalawa. Mas maarte pa kasi si Ej kaysa
kay Kiray.

"Tara na nga kayo! Ano ba'ng section ko ulit?" tanong niya sa mga ito. Nakalimutan niya na kasi
dahil may pagkatamad talaga siya sa pag-aaral.

"Trust tayo, Yan", sagot ni Julia.

"Yep, yep. Classmates tayong tatlo", dagdag pa ni Bea.

"Talaga? Naks!" Natuwa siya nang malaman iyon.

"Tapos kami, IV-Love. Kaya nga... love, love, love!" masayang pahayag ni Ej sa tono ni Kris
Aquino na tinukoy ang sarili, si Kiray at Yen.

Na-divide lang pala silang anim sa dalawang section. Mabuti naman dahil mahirap kung may isang
nahiwalay. Baka mapalayo ang loob sa kanila at makahanap ng bagong kaibigan

"O, tara na. Akyat na tayo", aya ni Yen sa kanila.

Kaya naman naglakad na silang pare-pareho sa gitna ng quadrangle. All eyes sa kanila. They
don't care dahil simula noong 3rd year na naging magkakaklase sila kung kaya sila ngakasama-
sama, marami na talagang mga mata ang nakamatyag sa kanila. In short, sikat sila. Sa ganda ba
naman ng mga kaibigan niya, agaw pansin talaga.

BAM!

"AAAH!!!" bigla na lang siyang napasigaw nang isang matigas na bagay ang tumama sa likod ng ulo
niya. Parang nakalog ang utak niya sa lakas ng impact ng tumama sa kanya. Mahilo-hilo rin siya.

Galit na nilingon niya ang mga lalaking nagba-basketball na sigurado siyang pinanggalingan ng
bolang tumama sa ulo niya.

Tuwing tanghali kasi pagkaraang mag-lunch ay madalas na talaga ang may naglalarong mga
kalalakihan sa quadrangle dahil half court nga iyon.

Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang mga lalaki. Sila Jake, Neil, Diego, at ang iba
pang mga kalaro nito. Kilala niya ang tatlo higit sa iba. Paano'y lovelife ang mga ito ng mga
kaibigan niyang kinikilig na ang mga pwet ngayon.

"Yanyan, relax lang", bulong sa kanya ni Yen.


"Wow, relax? Gusto mo'ng i-try kung gaano kasakit? Tae, ang sakit kaya!" reklamo niya kay Yen.
"Sino ba'ng sira ulo ang nagbato no'n?!" baling niya ulit sa mga lalaki.

"Chill, Yanna. Hindi naman sinasadya ni TJ, e", tugon ni Neil sa kanya.

Si Neil Kenneth na ka-M.U ang kaibigang si Yen. Hindi niya nga maintindihan, e. May pa-M.U-M.U
pang nalalaman ang mga ito. Manong magboyfriend-girlfriend na lang. Sa nakikita niya ay ganoon
din naman iyon, e. Pero ano nga ba'ng alam niya sa pagbo-boyfriend, e, wala naman.

May isang lalaki ang lumapit sa kanila na may hawak na bola. Marahil ay ang tinutukoy ni Neil
na TJ ang pangalan na nakatama sa kanya ng bola at siyang pumulot din noon. New face, kaya
hindi niya namumukhaan. Malamang ay transferee o di kaya naman ay ibang year level.

Hah, pero wala siyang pakialam! Nabu-bwisit siya dahil tinamaan ang ulo niya! Really, nasaktan
siya.

Binalingan niya ang lalaking tila walang pakialam sa nangyayari. "Hoy, ikaw. Sa susunod, linaw-
linawan mo 'yang mga mata mo't mag-ing-"

"Yanna?" naputol ang sinasabi niya nang pag-angat ng tingin ng lalaki sa kanya ay tinawag agad
nito ang pangalan niya. "Yanna!" at bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang bigla-bigla ay
yakapin siya ng lalaking hindi naman niya kilala.

Darn! Manyak?! sigaw ng isip niya.

"Yanna... Ikaw nga", usal ng lalaki habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Hindi niya maintindihan. Obvious na kilala siya nito, pero.... Paano'ng hindi niya man lang
maalalang nagkita na sila nito? Tuloy ay naguluhan siya.

"Omg! She's hugging the Evil Sweetheart!" "Bagay ba sila? The Bad Princess and the Evil
Sweetheart?" "NO! A big NO! Kami kaya ni TJ ang bagay!" "Duh, kilabutan ka 'te! Mas bagay
kami!"- Ilan lang ang mga iyon sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga babaeng
nakakasaksi at malapit sa kanila.

At tama ba ang narinig niya? Evil Sweetheart?

Pwe! I bet he's a playboy, she thought.

At nako... Narinig na naman niya ang bansag sa kanya. Bakit ba ang hilig magbigay ng bansag ng
mga kabatch niya? Siya, bad princess, tapos ito namang lalaki na 'to? Come to think of it.
Parang mga bata, e. Palibhasa pasimuno sa bansag sa kanya mga kaibigan niya.

Marahas na itinulak niya ang lalaki at asar na tinignan ito. "Hoy! Tsansing ka, ha! Sino ka
ba?!" bulyaw niya rito.
"Hindi mo ako kilala?" tila hindi makapaniwalang balik tanong nito. "WEH?"

"Aba't...!" Iniinis ata siya ng bruho't kung maka-weh, wagas! "Ay, oo, kilala kita! Oo, tama.
Kilala nga kita! E, SINO KA NGA, DI BA?!" Naiinis na siya. Tanghaling tapat, pinapainit ang ulo
niya.

"Nagka-amnesia ka ba?" balik na naman nito sa kanya.

"Naka-drugs ka ba?" balik niya.

"Bakit nagbago ka na?"

"Gusto mo bang masaktan ng as in ngayon na?" Naasar na kasi talaga siya. Babatukan niya na ito,
kaunti na lang. Kung anu-ano ang pinagsasasabi nitong hindi naman niya maintindihan.

"Wait, dude. Kilala mo si Yanna?" singit ni Jake.

"Oo nga, TJ. Close ba kayo?" dagdag pa ni Diego.

"Oo", diretsong sagot naman ni TJ.

Paano? ang kanina pang tanong sa isip niya.

"Ows? Sige nga! Ano'ng apelyido ni Yanyan?" hamon ni Kiray dito.

Tignan lang niya kung masagot nito 'yon. Ngayon lang sila nagkita, dyata't malaman nito ang
apelyido niya?

"Santana", kampanteng sagot nito.

Lahat sila ay nagulat. Lalo naman siya! Paano'ng alam nito ang apelyido niya?

"O, sige. Ilang taon na siya?" si Julia naman ang humamon ngayon.

"Sixteen."

Shit, she cursed. Tama na naman!

Sixteen na nga siya at tama rin, Helen Arianna Santana ang buong pangalan niya.
"Kailan ang birthday niya?" Bea followed.

"October 2."

Pati birthday niya, alam nito!

".........."

Napatingin siyang bigla sa barkada niya. Ano? Suko na ang mga ito? Wala nang sumunod na
nagtanong, e.

"Bey, kilala ka nga", bulong ni Yen sa kanya.

"Gurlalu, baka nga nagka-amnesia you", bulong din ni Ej sa kanya.

What? Naka-drugs ba ang mga ito? Amnesia-amnesia!

Pero... paano nalaman ng lalaking nagngangalang TJ ang whatabouts niya? Is he her... stalker?

Right! her mind immediately agreed. Malamang na stalker niya nga ito. But... that doesn't make
any sense! Ang gwapong stalker naman nito. At isa pa, sa campus lang nila siya kilala. Sa
campus lang nila siya sikat dahil sa pagiging mataray niya.

"Teka, teka nga! Sino ka ba talaga? Ha?" asar na tanong niya sa lalaki.

The guy leaned forward and leveled his face to hers. "Are you kidding me? Hindi mo talaga ako
nakikilala?" Pakiwari niya ba ay may kung ano'ng kakaiba sa tonong ginamit nito.

Pero hindi na niya inintindi iyon. Sinampal-No. Hindi naman sa sinampal. Basta isinakto niya
ang palad sa kaliwang pisngi nito para ilayo ang mukha nito sa kanya.

"Okay ka rin, 'no? Unli ka? Magtatanong ba 'ko kung kilala kita?"

Dumiretso ito ng tayo. Pero bigla na lang nag-lean forward ulit ito kagaya ng kanina.

The hell is wrong with her heartbeat?! Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso niya sa
biglaang ginawa nito! At ikipinanlaki ng mga mata niya ang ibinulong nito sa tenga niya.

Hindi siya makaapuhap ng salita. Ano'ng..... naguguluhan talaga siya.

Matapos na bumulong ito sa kanya, muling itinapat nito ang mukha sa kanya. And did her heart
just skipped a beat when the guy infront of her... smirked?
What the hell? Pino-provoke ba siya nito? E, pinagloloko ata siya nito, e!

"Look! Ang lapit nila!" "Oo nga! Shocks, lagot siya kay Lexi niyan!" "Huh! Sana nga! May pa-
man-hater man-hater pang nalalaman 'yang si Yanna! Kita nyo, malandi naman pala!" - Ang
matatabil na dila ng mga usisera ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Nagpinting ang mga tenga
niya sa sinabi ng mga ito.

Hah... Siya? Malandi? The f-ck?

Asar na saglit na binalingan niya ang mga ito at sa isip ay sinermunan. Pagsasabunutan ko kayo
dyan, e! Hindi n'yo ba nakitang ang pangit na 'to ang lumapit sa akin?!

Pagkaraa'y ibinalik din sa lalaki ang tingin.She looked at him in disbelief. Hindi talaga
kapani-paniwala ang ibinulong nito sa kanya.

Nginitian siya nito at sa inis niya ay kinindatan pa siya.

Automatic na napairap siya kasabay ng sarkastikong pagtawa.

Sinasabi na nga ba... He's just hitting on her! The nerve!

Bigla na lang niyang sinipa ito ng malakas sa kaliwang binti at marahas na itinulak sa dibdib.

"Ow!" Natural lang na umaray ito, combo kaya ang ginawa niya. Huh.

Hindi na niya nilingon ang mga ito at agad na kumaripas ng takbo patungo sa building nila.
Maski ang barkada niya ay iniwan niya. Hindi niya lang kasi maintindihan. Sigurado siyang hindi
niya kilala ito. Pero bakit kilala siya nito? Bakit... bakit....

No! Hindi naman 'yun totoo. Imposible! Pero bakit niya nasabi 'yun? Nagka-amnesia nga ba ako?
Duh?? Pero bakit ganun?

Samu't saring katanungan ang pumasok sa isip niya. At nahinto lang iyon nang mag-echo sa isip
niya ang ibinulong ni TJ sa kanya.

'Girlfriend kaya kita.'

***

*******************************************
[3] 2. Salamat.
*******************************************
2. SALAMAT.

"YANNA, ano ka ba naman! Ang tulin mong tumakbo!" hingal na reklamo ni Julia nang abutan siya
ng mga ito.

"True! What did Teej say buh at nagkaganyan ka?" hingal ding tanong ni Ej.

Lahat sila, hingal. E, bakit ba naman kasi siya hinabol? Pare-pareho tuloy silang hingal
ngayon.

"He-he. Sorry naman", she said with matching v-sign pa. Hindi niya rin kasi alam kung bakit
siya tumakbo, e. Weird. "Tara! Sa'n ba room natin?" tanong niya kina Bea at Julia sa pag-
aakalang mada-divert sa iba ang atensyon ng mga kaibigan niya.

"Oy, tumatakas! Uso pong magkwento, madam! Madaya!" Bea pouted. Ang reyna ng pout. Cute na cute
talaga siya sa pag-pout ng kaibigan.

Priiiiiiiiing!

Shoot! Save by the bell!

"O, pa'no? Mamaya na lang. Nag-bell na po, mga kapatid", nakangiting sabi niya pero pare-
parehong pinakatitigan lang siya ng mga ito. "Promise. Later", wala na siyang magawa kundi ang
mangako sa mga ito. Lulusot pa ba siya?

Mas naunang nadaanan nila ang room nila Yen, Kiray at Ej kaya naman pumasok na agad ang mga
ito. Ang sumunod na room naman ay ang room na nilang tatlo nila Bea't Julia.

Pagpasok nila sa room ay agad na binati siya ng mga kaklase nila. Kahit naman kasi isa siyang
bully, friendly naman kung minsan. Minsan lang. As in minsan. At hindi niya alam kung gaano
kadalas ang minsan.

"Sa'n ang pwesto ko? May arrangement na ba?" tanong niya sa dalawa.

"Oo. Doon ka, o", itinuro ni Bea ang isang vacant seat sa tabi ng isang seat na may bag lang na
nakalagay. "Sa tabi ni Jake. Hmp! Swerte mo, bii! Kainis!" Bea pouted again.
So, classmate pala nila si Jake at katabi niya pa? Patay na. E, crush na crush ni Bea si Jake,
e. Kaya nga nagpout na naman ito.

Sa left row ang pwesto ng seat niya. Divided into left and right rows lang kasi ang arrangement
nila. Sa tabi siya ni Jake at pangalawa sa huli ang row nila. Si Jake lang ang katabi niya. Sa
kanan siya nito pero may dalawa pa silang ka-row sa left ni Jake. Wala na siyang katabi sa
kanan dahil blangko na iyon, space para sa teachers for discussions para makapag-ikot. Ganito
ang lahat ng arrangement ng rooms sa school nila-Assumpta Academy.

Wala pa si Jake dahil nasa baba pa nga ito at kasama ng mga kaibigan. Agad na naupo na siya
nang pumasok na ang subject teacher nila.

"Uy, mamaya, ha!" pahabol pa nina Bea't Julia sa kanya bago nagtungo ang mga ito sa sariling
mga pwesto.

Ang gara! Bakit sila magkatabi? Bigla ay nainggit siya nang makita ang pwesto ng dalawa.
Magkatapat lang ang row nila pero sa kanan ang mga ito. Isang lalaki lang ang pagitan nina
Bea't Julia. Naiingit tuloy siya. Wala siyang makaka-kwentuhan. Daya! she unconsciously pouted.

Binati na nila si Ms. Domingo. Computer teacher nila ito noong 3rd year. Ito rin ba ang
computer teacher nila ngayong taon? At computer din ba ang subject nila ngayon? Hindi niya alam
dahil wala pa siyang schedule at mamaya pa lang siya kokopya kay Julia. Sadyang tamad kasi
talaga siya.

"Okay, class. May sakit si Mrs. Alfonso kaya wala kayong teacher ngayon", pahayag ni Ms.
Domingo.

"YEEEEEESSS!" sabay sabay na hiyawan ng mga classmates niya.

"But...! May iniwan siyang activity sa inyo", dagdag ni Ms. Domingo.

"UUUUUUHHHHH", sabay sabay ding nagtamlayan ang mga classmates niya.

Natawa siya. Oo nga't hindi siya kasali sa chorus ng mga kaklase niya pero pare-pareho lang
sila ng naramdaman.

"Kayo talaga", iiling-iling na nangiti na lang si Ms. Domingo. Nasa edad bente tres pa lang
kasi ito kaya maraming close na estudyante. Katunayan ay close din sila ng guro.

"Sino ang president n'yo?" tanong nito.

"Si Noynoy po", mahinang sabi niya.

Agad na nagtawanan ang mga kaklase niya dahil dinig pala ang sinabi niya.

Nagkunot-noo lang siya. Tinatawa-tawa nila? Si Noynoy naman talaga, ha?


"Naks, Yanna. Gagung-gagu, ha. Haha", mahinang sabi ng kaklase niyang si Derick na nasa likuran
niya. Talagang hininaan nito para hindi marinig ni Ms. Domingo ang pagmumura. Syempre. Sino'ng
estudyante ba naman ang ipaparinig sa guro ang pagmumura? Lalo pa't catholic school sila?

Hindi naman sa masasamang estudyante sila. Ewan, pero para kasi sa iba sa kanila, ang pagmumura
ay ekspresyon na lang. Walang samaan ng loob, pwera kung pagalit ang pagkabigkas. Pero
kadalasan, biro lang ang paggamit nila sa mga ito. It's just that.... they find it cool.
Really. Typical teens.

Saglit na nilingon niya si Derick. "Lul", mahinang sabi niya rin. Sino naman kasi ito para
murahin siya ng kahit pabiro? Close ba sila? Agad na ibinalik niya na lang sa harap ang tingin.

"Wow, Yanna. Active ka na naman pala. Welcome back!" nakangiting sabi ni Ms. Domingo.

Hanga na talaga siya sa kasikatan niya. Pati hindi nila teacher, alam na isang linggong absent
siya. Nginitian niya na lang si Ms. Domingo dahil tinatamad siyang magsalita.

"Okay. Sino ulit ang class president n'yo?" ulit ni Ms. Domingo. This time, precise na. Nadala
ata sa sagot niya.

"Wala pa po, ma'am. Bukas pa lang po kami mag-e-elect", sagot ng kaklase nilang nasa unahan.

"Ah, gano'n ba? Hmm... Sige, Julia, ikaw muna ang pagbibilinan ko. Halika rito." As expected.
Ma-appeal kasi sa mga teachers ang kaibigan niyang si Julia. Matalino kasi ito, matangkad,
maganda, at ito rin ang class president nila noong 3rd year.

Tok-tok-tok!

Ang lahat ay napatingin sa pintuan. All eyes sa mga bagong dating. Si Neil ang kumatok habang
nasa likuran naman nito sila Jake at Diego..... at........ si TJ?

Shomai! Bakit naman..... classmate?! Though she suddenly felt annoyed and at the same time,
nervous, she acted cool and looked away from the newcomers.

"Good afternoon, ma'am. Sorry, we're late", si Neil din ang bumati at nanghingi ng paumanhin.
Sumunod naman na bumati ang tatlo pang lalaki.

"Sure, come in", sabi ni Ms. Domingo sa mga ito. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng mga
ito ay muling nagsalita ang guro. "Wait... May transferee kayo? Who's he?" tukoy ni Ms. Domingo
kay TJ.

"Si TJ po, ma'am", tugon ni Jake.

"TJ?" ulit ni Ms. Domingo.


"Troy Jefferson po", sabi naman ni TJ.

"Troy Jefferson?" ulit na naman ni Ms. Domingo.

Si ma'am naman, pauli-ulit. Repeat after them kaya? she mentally shook her head.

"Salamat po", sabi ni TJ.

"Salamat?" ulit na namang muli ni Ms. Domingo. "Para saan?"

Pero this time, naintriga rin siya. Para saan naman ang pasasalamat ni TJ? Out of the blue, e.

"Para sa senado daw po", singit ni Derick.

"HA HA HA HA!" agad na nagtawanan naman ng pagkalakas-lakas ang mga kaklase niya na ikinalito
niya.

What? Ano'ng nakakatawa? tanong ng isip niya.

Tinignan niya si TJ who is wearing his poker face habang ang lahat naman ng kaklase niya ay
kung hindi nakatawa, nakangiti naman. Si TJ at silang dalawa lang ni Ms. Domingo ang naiba ng
reaksyon.

"Ma'am, apelyido niya po iyon", natatawang pagbibigay alam ni Diego.

"Ah-ahhh", agad na napatango si Ms. Domingo.

Pero biglang nagulantang ang lahat nang bumulalas siya ng tawa. "Phhp-! Ha ha ha ha!"

Ang lahat ay napakunot-noo sa kanya. Bakit ba, e, sa natawa siya, e! Na-late lang siya ng tawa
sa mga kaklase niya pero nakakatawa naman kasi talaga para sa kanya. Hindi ang apelyido ni TJ
kundi ang panloloko ni Derick at pagiging clueless niya. Natatawa talaga siya. Kaya naman
pagtigil ng tawa niya ay nag-peace sign na lang siya sa lahat kahit na hindi pa rin maalis ang
ngiti sa mga labi niya.

KUNG makatawa! inis na reklamo ni TJ sa isip niya. Sinamaan niya ng tingin si Yanna.
Ano'ng nakakatawa sa apelyido niya? Cute nga, e. Tss.
He is Troy Jefferson Salamat. A 17 year old playboy. Dating sa Cebu nakatira pero lumipat sa
Quezon dahil sa family business.

Naupo na siya sa likurang upuan ng kaklaseng si Kent. Sa pwesto niya.

Si Yanna... Akala niya ay kapangalan lang. Usap-usapan kasi ito sa buong senior level noong
nagdaang linggo dahil na-dengue nga raw. Ano namang malay niya na si Yanna na ex niya pala
iyon? Transferee lang siya kaya hindi niya alam.

Kanina, bigla na lang niyang niyakap ito. Isang pagkakamali.

Pero bakit gano'n? Tila hindi siya nito kilala. Kahit nang ibulong niya rito na girlfriend niya
ito, gulat na gulat pa ang naging reaksyon nito.

Bakit? Girlfriend niya pa rin naman kasi talaga ito kung tutuusin, e. But a simple logic broke
them. It's when she left him without even a notice.

Isa na naman siguro ito sa pakulo ni Yanna at umaarte lang na hindi siya kilala. Akala ba nito
ay limot na niya ang ginawa nito sa kanya?

Simula noong iwan siya nito noong 2nd year pa lang sila at pagmukhaing tanga? Wala... Nagloko
na siya. Ni hindi man lang nagpaalam kasi at basta bigla na lang nawala. Siya namang si tanga,
hintay ng hintay sa wala. Though it may sound gay, nasaktan talaga siya ng sobra. First love.
Sineryoso niya talaga. First love niya, bigla na lang iniwan siya't nawala nang parang bula.
Ngayon namang nagtagpong muli ang mga landas nila, nagbago na ang dating Yanna na kilala't
minahal niya.

Ang laki ng pinagbago nito. Dati rati ay tahimik at mahinhin ito, e. Pero ngayon, tila may
sideline sa palengke ang lakas ng boses nito. Boyish pa.

Napailing siya sa pinagbago ng dating kasintahan. Kunsabagay, siya rin naman. Dating good boy,
ngayon playboy na.

Ah, basta. Sobrang nasaktan siya at hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Yanna sa
kanya. Pabor para sa kanya ang muling pagkikita nila.

Gaganti siya.

"HI, Yan", bati ni Jake kay Yanna nang maupo na ito sa tabi niya.
"Yo", bale-walang tugon niya.

Hindi kasi talaga siya close sa mga boys kaya tipid lang ang pakikipag-usap niya sa mga ito.
Ngayon pa lang sila naging magkaklase ni Jake pero dati-rati na ay binabati siya nito tuwing
magkakasalubong sila. Mabait daw, kaya nga ata lalong naloloka ang kaibigan niyang si Bea rito.

Naramdaman niyang nakatingin si Bea sa kanya mula sa katapat na row. Pagbaling niya ay tama nga
ang hinala niya. Nakapout na naman si Bea kaya't natawa agad siya. Selos na naman ang kaibigan
niya! Pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mabaling sa likod ng row nila Bea ang tingin
niya.

Si TJ, nakatingin sa kanya. And an evil smile curved on his lips.

HMP! Inirapan niya nga ito. Ang hangin kasi. Pinipilit pang kilala niya ito, e, sa hindi nga
talaga, e. Humahaba ang ngusong itinuon niya ang pansin sa gawain.

Nag-iwan lang sa kanila ng activity si Ms. Domingo. English pala ang subject nila kay Mrs.
Alfonso. Pero lalo siyang tinamad magsagot kaya kokopya na lang siya kay Julia mamaya.

"Uy, Yanna. Pakopya nga, o", kinalabit siya ni Jake.

Astig ng mga kaklase niya, ha? Feeling close sa kanya.

"O, ayan. Ibahin mong konti, ha? Para hindi halatang kumopya ka sa'kin." Ibinigay niya kay Jake
ang workbook niya pagkaraa'y yumukyok na siya sa armchair niya. Matutulog na lang siya.

Pak!

"ARAY!!" Bigla na lang siyang napasigaw at napahimas sa likod ng ulo niya. Aba naman, e,
pinukpok siya ng libro sa ulo! Pero mahina lang naman, OA lang talaga siya.

"E, wala ka namang sagot, e",sabi sa kanya ng pumukpok sa kanyang si Jake.

"He he he", hindi makatotohanang nginitian niya si Jake.

"Niloloko mo naman ako, e." Nakangiting napakamot pa ito sa ulo.

"E, LOKO KA NAMAN TALAGA, E! Ba't mo 'ko binatukan? Close ba tayo?! Kanina, tinamaan ako ng
bola ng ungas na 'yon!!" sabay turo niya sa pwesto ni TJ pero na kay Jake pa rin ang tingin.
"Tapos ngayon naman, binatukan mo ako?! Aba naman, ang gandang welcome sa'kin niyan, ha!" Tuloy
tuloy lang na binulyawan niya si Jake.

Si Jake naman ay tila nagulat sa biglaang pagtaas ng boses niya't napatulala sa kanya.
"Yanna... bipolar ka ba? Split personality kaya? Ngingiti tapos biglang magagalit? Epekto ng
dengue?" sunod-sunod ding tanong ni Jake sa kanya.
"Yes? No. Yes. No?" She rolled her eyes. Ratratin ba naman siya ng mga walang kwentang tanong.

"Haha! Ang cute mo talaga!" Pagkasabi ay kinurot siya ni Jake sa pisngi.

She shove his hand then stood up. "Oo na, matagal na. Akin na nga 'yang workbook ko." Hinablot
niya mula kay Jake ang libro niya. Tatabihan niya na lang ang mga kaibigan niya. Ayaw niya
talagang lalaki ang kausap. Agaw pansin kasi, ang tulin niyang mabadtrip. Nasa kanila tuloy ang
atensyon ng lahat.

"Hoy. Alis!" Taboy niya sa kaklaseng si Kent na siyang nakapwesto sa pagitan nina Julia at Bea.
Takot panigurado ang kaklase niyang ito. Natatandaan niyang binu-bully lang din ito ng iba, e.
Dating classmate niya rin kasi ito.

"H-huh? Ahh... ehh..." Aba't nag-isip pa ang loko.

"Ih, oh, uh? Layas!"

Agad namang umalis na si Kent at siya na ang naupo sa pwesto nito. Ano kung masama ang tingin
ng marami sa kanya? E, sa bully siya, e.

"Ang bully mo talaga, Yanyan",natatawang sabi ni Julia sa kanya. Si Julia sa right side niya,
si Bea naman sa left.

"Sinabi mo pa! First day pa lang 'yan, ha! Pero ayos, nilayuan mo naman si Jake ko. Hihi!"
Makilig-kilig pa si Bea sa huling sinabi.

Natawa't napailing na lang siya. "Iyo na Jake mo, 'no", biro niya rito.

"E, ikaw ang crush, e",Bea pouted.

"Ow? E, kayo lang naman mahal ko, e", banat niya sa kaibigan. Pampakilig kuno lang. Pero totoo
naman... Kuntento na siya sa mga kaibigan niya.

"Haru... Bumabanat pa, bii!" natatawang sabi ni Julia na tinawanan na lang din nilang dalawa ni
Bea.

"Dali, dali na! Nakakatamad mag-isip! Sagot kayo, pakopya ak-OW!" Napaigtad na naman siya nang
may tumama na namang kung ano sa likod ng ulo niya. Ano ba namang meron sa ulo niya't mukhang
trip na trip ng mga tao ang ulo niya ngayon?!

Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang bumatok sa kanya.

Si TJ!
"OA mo, ha. Hina-hina, e... Tumahimik ka nga, ang ingay-ingay mo", naiiritang sabi ni TJ sa
kanya.

Gulpihin niya kaya ito? Kanina lang ay kung makayakap sa kanya pagkatapos ngayon naman ay kung
tarayan siya?

"Wala kang pakialam kung OA ako at wala ka ring pakialam kung maingay ako! Ewan ko sa'yo!
Pangeeet!" Iningusan niya ito sabay balik ng tingin sa harapan. Bwisit na bwisit talaga siya sa
Tj na iyon! Ugh. Kaasar, bwiset!

Ang mga kaklase naman nila, inasahan na niyang sa kanila nakatingin.

"H'wag nyo nga akong tignan! 'Pag ako natunaw, idedemanda kayo ni Julia!" Sinipa niya pa ang
upuan ng nasa harapan niya. Hindi naman kasi pwedeng sipain niya isa-isa ang lahat ng upuan ng
mga kaklase niya, di ba? Kaya malas na lang ng nasa unahan niya.

Bwisit-ang tamang depinisyon sa unang araw niya sa eskwela. May ibu-bwisit pa ba?

***

*******************************************
[4] 3. Babe.
*******************************************

3. BABE.

LATE na naman si Yanna. As in late. Patapos na ang flag ceremony nang dumating siya. Sa haba ba
naman ng pila ng mga latecomers, siya pa ang huli.

Natapos ang flag ceremony at nagtuloy na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classrooms.
Siya naman, hayun at hinihintay ang paglapit ni Mrs. Gamoso-ang terror discipline coordinator
sa school nila. Ito kasi ang nagbibigay ng slip sa mga latecomers.

"Ms. Santana... Naku, naku! Ang reyna ng kalate-an. 1st year pa lang ganyan ka na. Kailan ka
kaya magbabago? Tsk-tsk", iiling-iling na sabi nito habang isinusulat ang pangalan niya at ang
oras nang pagdating niya sa slip. She tssed at her thought. Na para namang isa-isang inoorasan
kasi nito ang pagdating ng mga estudyante sa paaralan nila.

Bago papasukin ang mga latecomers sa kani-kanilang mga room, pinagpulot muna sila ng kalat ni
Mrs. Gamoso. And after more than 15 minutes, pinaakyat na sila nito sa kani-kanilang mga
classrooms.

Pagpasok niya sa room nila..... "TEEEN! TEN-TEN! TEN-TEN-TEN-TEN, TEN-TEN. HEY!" ang sumalubong
sa kanya pagkaraa'y sabay sabay na nagpalakpakan ang mga kaklase niya. Mosikong salubong para
sa kanya.

Siya naman..... Bow sa left. Bow sa right. Bow sa gitna. Diretso sa upuan. Tunganga.

Seriously? Hanggang 4th year ba naman may tentenenen o mosiko siya kapag late? Paniguradong ang
mga classmates niya rin noong 3rd year ang may pakana niyon. Noon naman kasi nag-umpisa ang
chant na iyon para sa kanya dahil sa dalas niyang late sa pagpasok. Tiyak niyang si Derick ang
nanguna sa mga kaklase niya.

Wala pa si Mrs. Sta. Ana-ang adviser nila. Pero five minutes later, dumating na rin ito na may
dalang malaking box.

"Good morning, class!" Mrs. Sta. Ana greeted.

"Good morning, ma'am!" they greeted back.

"Nandito na si Yanna. May absent ba sa inyo?" tanong ng guro. Nagkita na kasi sila kahapon kaya
alam nitong pumapasok na siya.

"Wala po", sagot ng mga kaklase niya.

"Good! So, we will start our class election now. May mga prepared papers na ako rito. Isulat
n'yo na lang kung sino ang mga gusto n'yong iboto, okay?"

"Yes, ma'am!" sabay sabay na sagot ng mga kaklase niya.

Naibigay na ni Mrs. Sta. Ana sa kanila ang mga papel pero sa totoo lang ay hindi niya alam kung
sino ang iboboto kaya naman maboto-boto na lang ang ginawa niya. She wrote her bestfriend
Julia's name for President and Diego's for Vice. Wala lang. Pinagpapartner niya lang ang mga
ito dahil may gusto naman talaga sa isa't isa ang mga ito. And then Jake and Bea as for the
Escort and Muse. Ang iba, bahala na.

Matapos ipasa ng lahat, itinally na sa blackboard ang mga votes. Lahat ng kaklase niya
nagbibilang maliban sa kanya. Wala kasi siyang pakialam at isa pa, i-a-announce din naman,
bakit pa siya magpapakahirap?

"Wow. Let's congratulate Julia! Our Class President!" Mrs. Sta. Ana announced and so they
applauded.

Dahil si Julia ang nanalo for President, the rest of the categories, ito na ang nag-tally.
Diego won as the Vice President as she wished. A playful smile curved on her lips. Lalong
magkakamabutihan ang mga ito. Mga ayaw pa kasing umamin. Parang sina Neil at Marienne lang.
Kaya lang, nanalo si Bea as Secretary and Jake as Treasurer. Sayang. Ang mga ito pa naman ang
bet niya para sa Muse and Escort for Mr. and Mrs. Intrams dahil sure siyang kakabugin ng mga
ito ang mga makakalaban. Sayang talaga.

Moving on, Neil won as their PRO. Hindi na nakakapagtaka, sanay kasing makisama sa ibang tao si
Neil. Sina Derick at Ysah naman ang nanalo bilang Sgt. at Arms nila.

"Yanna!.... Yanna, tumayo ka, tinatawag ka ni ma'am!" malakas na tawag ni Julia ang pumukaw sa
naglalakbay niyang isip.

Umabot na kasi sa kpop ang tinakbo ng isip niya.

"Sorry, ha? Pwedeng mag-sorry?" she lazily stood up.

Pero ang nakapagtataka, nakatayo si TJ sa harapan. At hindi lang iyon. Parang kapeng walang
asukal ang timpla ng mukha nito. Mapait.

Pero hindi niya pinansin iyon at bumaling na sa guro. "Ma'am, bakit po?"

"Nasaan ba ang isip mo, Yanna?" tanong nito.

"Nandito po ata?" turo niya sa ulo niya.

Nagngisihan naman ang mga kaklase niya. Ano ba'ng nakakatawa? Nakakatawa na pala ang mga tamang
sagot ngayon?

"Batang 'to... What I mean is, hindi ka nakikinig sa akin. Sa amin..."

"Sorry po", hinging paumanhin niya.

"O, hala, sige. Ikaw ang Muse at si TJ ang Escort. Galingan n'yo sa Intrams, ha? Aasahan namin
ang panalo ng section natin. Right, class?" nakangiting pahayag ni Mrs. Sta. Ana.

What?! Nanlaki ang mga mata niya. Siya at si TJ?! Hell to the no!

"Ma'am, hindi po ba pwedeng iba na lang ang Muse?"

"No", nakangiting sagot nito.

"Pero ma'a-"
"No, and that's final", nakangiting pagtatapos nito at nilagpasan na siya. Parang nakakaloko
ang tingin niya sa ngiting ibinigay ng guro niya.

At wala na siyang nagawa kundi ang kumunot ang noo at humaba ang nguso. Nakita niya rin na nang
bumalik si TJ sa sariling pwesto ay masama ang mukha nito. Tila badtrip na hindi mawarian.

Hah! Siguro ay hindi rin nito gusto ang naging resulta. Lalo naman siya, 'no!

Tinignan niya ang votes sa Muse and Escort na nasa blackboard at ganoon na lang ang
pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita ang resulta. Lahat pala ng kaklase niya ay siya at
si TJ ang ibinoto! As in lahat maliban sa palagay niya'y boto nilang dalawa ni TJ na parehong
sina Bea at Jake. Pero lahat ay sila talaga ang ibinoto!

What the hell, you all-?! Damn! Damn! Damn!

Asar na napapikit na lang siya.

Mukhang napagkaisahan ata sila ng lahat nang dahil sa nangyari kahapon.......................

TUG-tug-tug-tug!

Agad na nagtagis ang mga bagang niya nang naramdaman niya ang pag-uga dahil sa may sumisipa sa
inuupuan niya. At paglingon niya sa kung sino ang gumagawa, magtataka pa ba siya? May iba pa
bang maglalakas-loob bukod kay TJ?

Kalakas makapoot ng transferre'ng 'to, ah.

May naka-plug na earphone sa magkabilang tenga nito at nakadikwatro pa ng upo habang sinisipa-
sipa ang upuan niya. Nakapikit pa na para bang nag-eenjoy lang sa naririnig na tugtog.

Ang walang'ya! Kanina lang, binatukan siya, ngayon naman, niyuyugyog siya?

"Psst! Panget! Baliw! Yabang!" mahinang mahinang tawag niya kay TJ. Tinetest niya kung
maririnig ba siya o hindi.

"Uy, Yanyan, baka marinig ka n'yan", mahinang sabi ni Bea sa kanya.

"Oo nga, bii.. Pero titigan mo. Ang gwapo, di ba?" Julia giggled.

'Gwapo, my ass!' she thought. "Tss", ang tanging sagot niya sa mga kaibigan. Wala siyang
pakialam sa sinabi ng mga ito. Hanggang ngayon ay sinisipa ni TJ ang silya niya at iyon ang
kinaiinis niya.

Pok!

Sapol sa noo ni TJ ang ballpen niya na pinambato niya rito.

"The f-ck?" dumilat ito at awtomatikong sa kanya agad nakatingin ng masama habang hinihimas-
himas ang tinamaang noo.

Sumipol na lang siya na parang hindi siya ang bumato kahit obvious na obvious naman. Ang lapad
pa ng ngiti niya.

'Huh', she smirked.

Aayos na sana siya ng upo nang magsalita si TJ. "Ano ba naman, Yanna? H'wag ka nang magpapansin
sa'kin, pwede? Matagal na tayong break kaya h'wag mo na 'kong habul-habulin pa."

Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. What did he just say?
"Yan, naging kayo? Kailan?" gulat na tanong ni Julia.

"Bii, akala ko ba, NBSB ka?" ganoon din si Bea.

At puro... "Naging sila?" "Talaga?" "Totoo kaya?" ang naging bulung-bulungan ng mga kaklase
niya.

Talagang hinahamon ata siya ng bagong saltang TJ na ito. "Hoy! Hindi naging tayo at never na
magiging tayo, 'no! Taas ng pangarap mo, dude!"

Bakit ba trip na trip siya ng lalaking 'to? Nakakabanas, seryoso.

"Pasensya na, Yanna, narinig pa tuloy nila. Pero kasi... h'wag mo nang ipagpilitan ang sarili
mo sa'kin. Masasaktan ka lang."

Agad na tumaas ang kilay niya. Gusto niyang matawa. "'Yung totoo? Shenglot ka ba? Naka-katol?
Rugby boy kaya?" Parang adik lang kasi. Binu-bwisit talaga siya.

"Yanna, please... Tigilan mo na 'ko." He sounded sincere but not to her. Seeing how evil his
smile is? Mapapamura na ata siya sa banas niya. 'Cause seriously... like asdfghkl, she can't
understand why he's saying such weird things.

Tumayo na lang siya mula sa upuan. "Hoy. Pwede, tantanan ako sa ganyan? Sasamain ka, makita
mo", banta niya kay TJ pagkaraa'y sinipa ang upuan papunta rito.

"Hoy, Carlo. Paki-abot nga ng ballpen ko", mataray na sabi niya sa kaklase na agad namang
inabot sa kanya ang ballpen niya. Bumalik na siya sa talagang pwesto niya at tinarayan na naman
si Kent. "Hoy, Kent! Balik du'n!"

She clenched her teeth as she sat down on her seat. Sinasabi na nga ba't may ibu-bwisit pa ang
unang araw niya sa eskwela.

RECESS na at naglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms. Sila


namang tatlo nila Bea't Julia ay pababa na dahil mukhang mas nauna ang labasan ng IV-Love kaysa
sa kanila. Nauna na yata sina Ej, Kiray, at Yen sa tambayan nila sa steps ng T.H.E room. Doon
kasi ang lugar nila. Wala nang ibang tumatambay doon kapag nandoon na sila. Paano'ng
magkakaro'n ng iba? E, pinapalayas niya. Papunta na silang tatlo doon ngayon.

"Hi, baby!" Narinig at nakita niya ang pagtawag at pagkapit ni Alexis sa braso ni TJ nang
madaan sila sa room ng IV-Love. Si Alexis Pingol, ang kasalukuyang girlfriend ni TJ.

"Yuck. Baby daw... E, ang laki-laking damulag", mahinang bulong niya kina Julia't Bea. Hindi
naman sa nagpaparinig siya. Nag-react lang siya. Come on, this is a free country.

"Hay, nako, baby. Alam mo naman ang mga insecure dyan. Pinagpipilitan ang sarili sa taong ayaw
naman sa kanila. Haay..."

She lazily rolled her eyes. For sure, kalat na ang nangyari sa kanila ni TJ kahapon.

Okay. Pinaparinggan siya na obvious naman. As if naman na maaapektuhan siya. Wala siyang balak
counter-in ang sinabi ni Lexi dahil ayaw niyang pag-aksayahann ito ng oras pero bigla na lang
huminto ang mga kaibigan niya sa paglalakad.
"Hoy, tumahimik ka nga! Sapatusin kita, gusto mo?" Bea threatened Lexi.

"E, kung pagulungin kita, want mo?" dagdag gatong pa ni Julia.

As expected. Kung siya, wala siyang pakialam. Pero iba ang mga kaibigan niya. Hindi pwedeng
hindi mangialam kung siya na ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kasi ng mga ito na nasisiraan siya
sa iba.

"Tss. Mga babae talaga", bigla na lang bumulong ang tila naiiritang si TJ.

"Ang mean nila, babe. Nakita mo, hindi ko naman sila inaano, di ba?" parang nagpapaawang sabi
ni Lexi kay TJ na sobrang nasagwaan siya.

Really? Acting like a kid infront of your boyfriend? If she's a boy, that's a major turn off.
She rolled her eyes in disgust but then his eyes caught hers.

"H'wag mo na lang pansinin", sabi ni TJ kay Lexi pero nasa kanya ang tingin. 'Yung tingin
na.... hindi niya maintindihan.

"E, nagpapapansin siya, e. Pinagbibigyan lang", hindi niya alam pero biglang lumabas na lang
iyon sa bibig niya.

Nagsusukatan sila ng tingin ni TJ. Parang may kung ano kasi sa titig nito na nagpo-provoke sa
kanya para patulan ang kasintahan nito.

"Inggit ka lang!" pagmamayabang ni Lexi.

And that was the call for her to face her.

"Umasa ka lang." Mataray siya. Akala ba nito ay magpapatalo siya?

"Ang arte mo naman?" Lexi.

"Landi mo naman?" her brow raised a bit. Sige lang. Barahan ba? Game siya.

Si Bea at Julia naman, nagtatawanan sa tabi niya. Paano'y parang tinatamad lang siyang kausapin
si Lexi habang tila bulkang sasabog naman ito. Parang sira lang, e.

"Gusto mo ba ng away?" hamon nito sa kanya.

"Mas gusto ko ang Moo", bale-walang sagot niya. Recess kasi. Alam naman ng lahat na adik siya
sa Moo-chocolate drink-dahil iyon ang lagi niyang binibili tuwing recess. Parang bata nga raw
siya, e. Hindi na nasawa. At seryoso, gusto niya na talagang uminom ng Moo.
"Edi, bumili ka ng Moo mo!" asar na sabi ni Lexi.

"Talaga. Nagpapabili ba 'ko sa'yo?"

"Hindi nga!"

"See? O, ba't 'di ka pa matulog?"

"E, ba't 'di ka magtumbling?" balik nito.

"'Di ko kaya?" sagot niya.

"E, ba't 'di ka na lang din matulog?!"

"'Di pa antok?"

"Tama na nga 'yan. Sumasakit ang ulo ko sa inyo", biglang sabat ni TJ sa naiirita pa ring tinig
itsura.

"Oo nga, babe. Sumasakit din ulo ko sa kanya. Ugh", sang-ayon naman ni Lexi na minasahe pa ang
sentido.

Napaismid siya. Palusot pa? Akala ata ni Alexis ay mababara siya nito. Hah. Henyo kaya 'to.
"Alam n'yo kasi, ang ulo parang tiyan lang 'yan, e. Sumasakit 'pag walang laman", sabi niya sa
dalawa, pagkaraa'y nakataas ang isang kilay at malapad na nginitian si Lexi. Agad naman ang
pagtagis ng mga bagang nito.

"O, ayan, para ka lang inodoro. Barado. Arte mo po kasi", dagdag gatong pa ni Julia.

"Let's go, girls. Hay, nako... Stress!" Bea said flipping her hand through the air.

Kampanteng napangiti siya. Sila pa ang aartehan ni Lexi? Hah.

Pero bago sila tuluyang makalayo, narinig niya nang magsalita si TJ. Or should she say...
pinaringgan talaga siya nito?

"Don't mind her, babe... Ikaw naman ang mahal ko."

And she was just like... What the f-ck, I'm outta here.

***
*******************************************
[5] 4. Babala.
*******************************************

4. BABALA.

GUSTONG mainis ni TJ sa sarili niya and at the same time ay matawa. Mainis dahil hindi niya
maintindihan kung bakit si Yanna ang nasa isip at tinititigan niya habang sinasabi ang mga
katagang iyon. Matawa naman dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga kabaduyang iyon.
Sobrang nabaduyan siya sa sarili niya at kung paano'ng lumabas ang mga iyon sa bibig niya,
hindi niya alam.

Pero hindi iyon, e. Matagal na niyang nakalimutan si Yanna pero bakit ngayong nagkita na ulit
sila, parang mas nagustuhan niya pa ito? Parang bago ang nararamdaman niya, e. Hindi katulad
noong dati.

Gusto? What the hell is wrong with him? Ang tagal niya bago makalimot pero ngayon....?

H'wag ngang tanga, Troy, sermon niya sa sarili.

"YANYAN, baka naman ex mo talaga si TJ kaya ganoon na lang makapagparinig sa'yo?" said
Julia.

Syempre, malamang na nahalata rin ng mga ito na sadyang parinig ang sinabi ni TJ.

Kasalukuyang nasa tambayan na nila sila-sa steps ng T.H.E room. Kadarating lang nila at
nadatnan nila sila Kiray, Ej, at Yen doon.

"Bakit mo naman nasabi, Jules?" tanong ni Yen. Naupo siya sa ibabang step mula kay Yen.

"E, kasi, ganito 'yun. Kanina......" at ikinwento na nga nina Julia't Bea ang kaninang
nangyari.
"WHAT?! Gags, baka nga ex mo talaga! Kilalang kilala ka kaya. Kaila ka pa 'te!" reaksyon agad
ni Kiray.

"Nye?" Pagkaraa'y nagkibit-balikat siya. "Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagpipilitan
niyang naging girlfriend niya ako, e. As in, hello? Hindi naman ako nagka-amnesia or whatever.
I admit, kaunti lang talaga ang naaalala ko noong Grade 6 pababa ako." Paano, kapag walang
kwenta, hindi niya na tinatandaan. Ewan, pero gano'n talaga siya. Hanggang sa tuluyang kakaunti
na lang talaga ang naaalala niya noong bata siya. "Pero hindi naman siguro ako magbo-boyfriend
ng ganoong kaaga, di ba? Promise. Ngayon ko pa lang siya nakilala."

"Loka, kahapon pa",bara ni Ej sa kanya.

"E, gagu", birong ganti niya rito na tinawanan lang nito.

"Haha. Kasi naman, 'te!" natatawang sabi ni Ej.

"Pero sa tingin n'yo? Bakit kaya?" tanong ni Yen.

"Who knows?" kibit-balikat niyang sagot.

"Pero alam mo, bii? Nako! Muntik ko nang sabunutan 'yang Lexi na 'yan kanina. Pinagkakalat ba
naman na malandi ka? Kesyo papansin ka raw kay TJ at inaagaw mo sa kanya? Naku lang talaga!"
gigil na pagbibigay alam ni Kiray. Classmate nga kasi ng mga ito si Lexi.

"True, bii! Kaunti na lang talaga, pagagapangin ko na sa lusak 'yung bruhilditang chever na
'yun! Grrr! RAWR!" gigil ding sabi ni Ej pero kwela, with matching hand gestures pa.

"Buti na lang talaga at nandoon ako para pigilan sila", iiling-iling na sabi naman ni Yen.

Naiintindihan niya ang pare-parehong kaibigan. Si Kiray at Ej, mas malala sa kanila nila
Julia't Bea, handa talaga ang mga itong makipag-away kahit pisikalan. Habang si Yen naman,
natitirang good girl sa kanila, hindi palaaway.

"Tss... Guys... Kiray, Ej... para walang gulo, h'wag n'yo nang pansinin si Lexi. Wala naman
akong pakialam kahit pa ipagkalat niya pang pokpok ako, e. Basta ba alam n'yong hindi totoo
'yun at naniniwala kayo sa'kin. Okay na 'yun, 'no."

"E, gaga ka naman talaga, bii, 'no? Okay lang na masira ang image mo sa iba? Kilala ka namin
kaya dapat lang na ipagtanggol ka namin po, 'no!" Inirapan pa siya ni Julia.

Napangiti siya. "Kayo lang naman ang mahalagang maniwala sa'kin. Kayo lang naman ang
pinakikisamahan ko. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, 'no", seryosong sagot niya. "Tama na
nga 'yan! Tara na kayo, bili muna tayo. Gusto ko na ng Moo", aya niya na sa mga ito. Alam niya
kasing hahaba lang ang topic about sa image niya. E, wala naman talaga siyang pakialam doon.
---

After all classes, club naman. Club day kasi nila tuwing Tuesday, at kahapon, nakapili na sila
ng club na gusto nilang pasukan. Silang magbabarakada, bakasyon pa lang ay napagkasunduan na
nila na sa VB Sports Club-pinag-merge na volleyball and basketball club-ang sasalihan nila. Isa
kasi iyon sa dahilan kung bakit nagkasama-sama silang madalas at halos wala nang hiwalayan
noong 3rd year sila. Pare-parehong mahilig kasi sila sa larong volleyball. And luckily, tanggap
silang lahat.

"Good afternoon, Sir Ocampo!" kinikilig na bati agad ni Ej kay Mr. Ocampo-ang club moderator ng
VB Sports Club na obviously, moderator nila. Sa St. Augustine Building, second floor ang room
para sa club nila.

"Good afternoon", nakangiting bati naman ni Sir Ocampo kay Ej. "Okay. Kumpleto na ba kayo?
Pirma na kayo rito."

Isa-isa silang pumirma sa attendance.

"O, nasaan sila Diego, Neil Kenneth, Alexis, Jake, at Troy?" tanong ni Sir Ocampo habang
sinusuri ang attendance. Kilala nito si TJ dahil P.E teacher nila ito.

And so hanggang dito pa rin pala, magkakasama sila ng bagong salta? Well, she knew Neil, Diego
and Jake were also in the club last year and so Lexi. But TJ? Ugh.

"Good afternoon, Sir!" bigla na lang narinig nila ang chorus nila Lexi, Neil, at Diego mula sa
pintuan.

"O, andyan na pala kayo. Pasok na nang makapag-umpisa na tayo", sabi ni Sir Ocampo sa mga ito.
Naupo ang lima sa harapang pwesto nila.

"So... sino ang magiging President natin?" tanong ni Sir Ocampo.

"Hindi ba nila kilala si Noynoy?" bulong niya kay Bea.

Natatawang sinaway lang siya nito at nag-focus kay Sir Ocampo.

"Oo, 'no, Yan? Teacher pa man din", bulong naman ni Derick na nasa likuran niya na naman.
Hanggang dito ba naman? Paano'y kasali rin ito sa basketball varsity.

Saglit na nagpaalam muna si Sir Ocampo dahil in-excuse ito ng isang teacher kaya naman noon
niya na nilingon si Derick.

"Kausap mo?" pagtataray niya rito.

"Lolo mo", pambabara nito.


"E, gago." Hindi pwedeng mabara siya.

"Sshh! Tumahimik nga kayo." Nilingon sila ng nasa harapang si Lexi at sinaway sila. Katabi nito
si TJ dahil obviously, glued girlfriend.

"Ano na naman? Inggit ka? Tara, barahan tayo", aya niya kay Lexi. Paano, naiirita siya. Hindi
naman kinakausap, biglang sasabat.

"Mag-isa ka!" mataray na sabi ni Lexi sa kanya.

"Talaga. Bakit, dalawa ka ba?"

"TSE!" iningusan siya ni Lexi.

"BASAG!" malakas na sabi ni Kiray at nagtawanan hindi lang ang barkada niya kundi pati na rin
ang mga clubmates nila dahil narinig ng mga ito ang sagutan nila ni Lexi.

"Tse! Mga bwisit!" Lexi.

"Ikaw mukhang singit."

"Tse!" inirapan siya nito at naiinis na lumingon sa harapan. Kumapit na naman ito sa braso ni
TJ na prenteng prente namang nakaupo lang.

Napailing na lang siya. What a clingy girl. At nagtataka lang siya kay TJ, e. Binabasag niya na
nga ang girlfriend nito sa harap ng marami pero wala pa rin itong pakialam? How great is his
love naman pala.

"TJ , baby kooo", maarte ang pagkakabikas na pinarinig pa talaga ni Lexi sa lahat ang
paglalambing kay TJ.

"Iyong iyooo", panggagaya niya rito kaya naman agad na napatinging muli ng masama si Lexi sa
kanya.

"Ay, 'tii! Kung ako sa'yo, tatahimik na lang ako. Hihi", natatawang sabi ni Ej kay Lexi.

"Sorry, you'll never be me", mataray na sabi naman ni Lexi kay Ej.

"Sorry too, three, four-ever and ever. I never wanted to be you. Hihi", natatawa pa ring sabi
ni Ej na ikinatawa niya rin. Natatawa kasi siya sa mga pinagsasasabi ni Ej.

"Epal mo!" naiinis na sabi ni Lexi kay Ej.


"Bangasan kita dyan, e", sabat naman ni Kiray. Si Ej ba naman ang involve, e.

"Hmp!"

Natawa na lang sila. Nakakatakot naman kasi talaga si Kiray kahit na maliit. Parang bigla ka na
lang sasakmalin kapag binwisit mo ito.

"Babe..." sinandal ni Lexi ang ulo niya sa balikat ni TJ.

"H'wag mo na nga silang pansinin, Lexi. Nagpapapansin lang naman sa'kin 'yung isa dyan, e."

Her mouth formed an ooh as her brow raised up. Kamusta naman daw ang kayabangan ng Salamat na
ito?

"Papansin ka pala, bakla, e", sabi niya kay Ej.

"Ay, sorry naman, Papa Tee. Crush kasi kita, e. Hihi", sumakay naman sa sinabi niya si Ej.

"Bakit ba ang init ng dugo n'yo sa isa't isa?" tanong bigla ng katabi ni TJ na si Neil at
pinaglipat-lipat pa sa kanila ni TJ ang tingin.

"Oo nga", sang-ayon naman nina Jake at Diego.

"Kasi 'di malamig?"

"Yanna naman, kailan kaya aayos ang sagot mo?" Neil.

"'Pag hindi na kayo ang kausap ko?" Bigla na lang siyang tumayo mula sa upuan niya. Lalabas na
lang siya. Hindi talaga niya gusto ang pakikipag-usap sa mga lalaki.

"Oy, sa'n punta?" awat ni Julia sa kanya nang akmang aalis na siya.

"Ditch. Sama kayo?" tanong niya sa barkada.

"Ako na lang isama mo, Yanna", sabat ni Derick. Talagang na-e-epalan na siya sa lalaking 'to,
ha.

"Ikaw? Sapatos ka muna."

"Mukha ba 'kong naka-tsinelas?" tinuro pa nito ang suot-suot na sapatos.


"Aahhh.... Akala ko kamias."

"Sira-ulo ka talaga, bii", natatawang sabi ni Yen sa kanya.

Kung anu-ano na lang kasi ang sinasabi niya kaysa mabara siya. Style kumbaga.

"Yanna, papagalitan ka ni Sir", sabi ni Bea.

"Hindi 'yan. Malakas ako kay Sir Ocs, 'no. Nag-planax yata ako!" Nagtawanan naman ang barkada
niya. "Saglit lang. Babalik din naman, nauuhaw lang", iyon lang at tinalikuran na niya ang mga
ito. Gusto niya na ulit ng Moo. Pandagdag uhaw pero namiss niya talaga agad, e.

Nagtagal siya sa ibaba. 40 minutes lang ang club hour nila pero 30 minutes ang pinalipas niya
sa ibaba. Ganoon kasaglit ang saglit niya. In short, pinatapos niya ang club hour.

"CR lang ako", paalam ni TJ kay Lexi at sa mga kaibigan niya.

Ang totoo ay dahilan niya lang ang pagpunta ng CR. Gusto niya kasing balaan si Yanna at ngayon
ang tamang oras para doon dahil hindi nito kasama ang mga kaibigan.

"Tao ka, 'tol. Tao", pambabara ni Neil sa kanya.

"Tres ang katol", balik niya.

"Tss! Alis na nga!" taboy nito sa kanya

"Dalian mo babe, ha?" sabi ni Lexi.

"Para namang tatae ako",iritadong sagot niya. Dahil ang totoo, kanina pa siya naiinis sa
girlfriend niya. At isa pang totoo, hindi niya alam kung kailan naging sila.

Pangalawang araw niya pa lang sa paaralan ay kalat na agad sa buong paaralan na mag-on na
silang dalawa. Sinakyan niya na lang at ngayon nga ay asal mag-syota na sila. Mali, si Lexi
lang pala.

Nagtungo siya sa canteen pero wala naman doon si Yanna. Baka magkasalisi pa sila kaya
napagdesisyunan niyang hintayin na lang ito sa itaas sa may hagdanan.
PAGHAKBANG ni Yanna sa huling baitang ng hagdanan, bigla na lang may sumaklit sa
braso niya at humila sa kanya. Muntik na siyang matumba dahil sa nagulat siya, dahilan ng
pagkawala ng balanse niya. Pero may sumalo sa bewang niya at pinigilan siya mula sa
pagkakatumba. Ang kaso, impit na napasigaw siya nang bigla naman siyang isinandal sa pader at
mariing hawakan sa magkabilang balikat. Nasaktan siya, sa totoo lang.

"TJ??" nagulat siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya.

"Ay, hindi, si Jake ako. Si Jake".

"Weh?" tinaasan niya na lang ito ng kilay.

"Psh."

"Bitawan mo nga ako!" bulyaw niya rito. Mahigpit pa rin kasi ang pagkakahawak nito sa mga
balikat niya at nasasaktan siya.

Pero bigla na lang sumeryosong lalo ang mukha nito. Palagi naman ay seryoso ang mukha nito pero
hindi niya alam na may iseseryoso pa pala iyon. Nahigit niya ang hininga niya nang bigla na
lang ay ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Malapit talaga.

"T-TJ, ano ba?" Bukod sa nasasaktan siya, naiilang pa siya.

Pero tila walang narinig, matiim na tinitigan siya nito at seryoso ang boses na gamit na
nagsalita. "Binabalaan kita, Yanna. H'wag na h'wag mo nang kalabanin si Lexi... kung ayaw mong
masaktan."

Pagkaraa'y lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at tuluyan nang umalis. Naiwan siyang tulala,
hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig.

'Binabalaan kita'-Okay, binabalaan siya nito?

'H'wag na h'wag mo nang kalabanin si Lexi'-Samantalang si Lexi ang nauna?

'Kung ayaw mong masaktan'-Hah.

Nagpaulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang huling sinabi nito.


What the hell? Sasaktan niya 'ko? E, baka bading?

Hindi niya alam kung may ikukunot pa ba ang noo niya. Hindi siya makapaniwala. Transferee lang
si TJ. Ibig sabihin, one week pa lang na mag-on ito at si Lexi pero ganoon na nito kamahal ang
girlfriend para pagbantaan siya? Whoah there. Pinagtatanggol niya lang naman ang sarili niya at
kasalanan niya ba kung bakit laging barado si Lexi? Kung bakit lagi itong pahiya?

Hah. What a couple!

Nang maka-recover na siya sa pagkabigla ay bumalik na siya sa club room nila.

"Bading, akala ko umuwi ka na", bungad agad sa kanya ni Ej.

"Balak ko na sana 'yan, kaso naiwan ko ang bag ko", bale-walang sagot niya. Kung dala niya lang
talaga ang bag niya, uuwi nang talaga siya.

"Wala, bes. May biglaang meeting si Sir Ocs kaya tutunganga lang tayo", pagibigay alam ni
Julia. E, ano? Malapit na namang mag-bell.

"Ah, gano'n?" walang kasigla-siglang sabi niya. Tinamaan na siya ng kasungitan. Lalo pa't ang
tingin niya ay nasa dalawa sa harapan niya. Kay Lexi na nakikipaglambingan ngayon sa boyfriend
nito.

"Babe, date tayo sa Sat, ha? Nuod tayong movie", paglalambing ni Lexi kay TJ.

Hindi niya alam kung bakit lalo siyang nabadtrip at bigla na lang niyang sinipa ang upuan ni
Lexi.

"Ano ba?!" bulyaw ni Lexi sa kanya.

"H'wag nga kayo ritong maglabingan! Nakakasukayok, pwede?" ganting bulyaw niya. Kapag ganitong
badtrip siya, magkakasubukan na.

"Naiinggit ka lang, e!"

"Umaasa ka naman, 'te!"

"You know what? I hate you!"

"Same to you, pakyu", ganti niya. Wala siyang pakialam kung nagmumura siya at pinagtitinginan
na sila. Kapag badtrip siya, kung anu-ano na kasi ang lumalabas sa bibig niya.

Asar na tumayo si Lexi sa upuan nito. "Ano ba talagang gusto mo, ha?!"
"Moo. Paulit-ulit? Ulyanin?"

"Hephep! Tama na 'yan", awat sa kanila ni Jake.

"Siya kasi, e!" turo ni Lexi sa kanya.

"Maganda", taas noong sabi niya.

Priiiiing!

Pagka-bell na pagka-bell, lumabas na agad siya. Alam niya namang susundan siya ng barkada at
sumunod nga ang mga ito. Hanggang sa lumabas na sila ng paaralan at nagtuloy sa malapit na
playground. Mag-a-alas singko na pero tatambay muna sila sa playground. Magpapawala na rin siya
ng init ng ulo niya. She sighed.

---

Samantala...

"Hello?.... Oo, Drea. Sa playground, for sure.... Basta kayo nang bahala, ha? Nakakainis na
siya, grabe.... Okay, sige.... Aasahan ko 'yan.... Okay.... Yeah, bye." Ini-end na ni Lexi ang
tawag.

Hah. Humanda ka ngayon Yanna, anang isip niya at isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga
labi niya. Pero ang hindi niya alam, may isang tao ang nagkukubli at kanina pa lihim na
nakikinig sa kanya.

MAG-a-alas sais na nang magkayayaang umuwi ang barkada. Siya naman ay mag-isang
naglalakad na papunta sa paradahan ng tricycle. Siya lang kasi ang naiiba ng way ng uwi sa mga
kaibigan niya.

"Yanna..."

Napahinto siya nang bigla na lang may humarang sa dinaraanan niya.

"Long time no see, ha", dagdag pa nito.


Andrea? Ano namang kailangan nito sa kanya?

Si Andrea... Dati itong nag-aaral sa paaralan nila pero nakick-out ito dahil sumali sa isang
fraternity. May kasama itong apat na babae pero ang tingin niya'y tibo ang dalawa sa mga ito.
At tila clue ang pare-parehong tattoo ng mga ito sa kanang kamay para mabuo sa isip niya na
magkaka-frat ang mga ito.

"Drea... ikaw pala", she remained calm pero sa loob-loob niya, kinakabahan na siya. Kinukutuban
na kasi siya ng masama. Bukod sa hindi sila close ni Drea, nakakatakot ang mga itsura ng mga
kasama nito.

Mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Drea. "Tara sa memo? Isang sampal ko, limang
sampal mo. Isang suntok ko, limang suntok mo. Ano? Game?"

Shit, she cursed. Sinasabi na nga ba, e. Pero bakit? May atraso ba siya rito? Bakit nag-aaya
ito sa memorial kung saan madalas maganap ang mga away?

"Para saan naman, Drea?" Kahit na kinakabahan, pinilit niya pa ring tapangan ang pagsasalita.
She's a bully, yes. Pero hindi siya basagulera. Magaling lang siya sa palitan ng mga salita.

"Wala naman. Balita ko lang iritado si Lexi sa'yo", kibit-balikat na sagot nito.

Shoot! Kaibigan nga pala nito si Lexi!

"Sus. Nagsasayang ka lang ng oras", kailangan niya pa ring magtapang-tapangan. Ayaw niyang
nagmumukhang kawawa sa iba.

Naglakad siya para sana lagpasan si Drea pero bigla na lang siya nitong hinarangan.

"Natatakot ka ba?" mapanuksong tanong nito.

Oo. Promise, natatakot na 'ko, ang sagot ng isip niya pero hinding hindi niya isasatining ang
mga salitang iyon.

"Bakit naman ako matatakot? Wala lang ako sa mood", kunwari ay bale-walang sagot niya. Bilib na
talaga siya sa sarili niya. Nagagawa niya pang maging cool kahit na maiihi na siya sa kaba.

"'Yun, o. Hindi naman pala, e. Tara na", mas lalo siyang kinabahan nang hawakan nito ang braso
niya at akmang hilahin siya. Pero bigla na lang siyang nagulat nang biglang may umakbay sa
kanya.

"Pakibitawan lang ang girlfriend ko, o. Kung ayaw n'yong manghiram ng mukha sa aso."

That voice... Mas lalo pa siyang nagulat pero nakahinga ng maluwag nang lingunin ang lalaki.
"TJ..."

Pero, the hell? Kung hindi lang siya kinakabahan, sarkastikong natawa na siya. Hiram ng mukha
sa aso? E, mais.

***

*******************************************
[6] 5. Malandi.
*******************************************

5. MALANDI.

NILINGON rin siya ni TJ. Seryosong seryoso ang mukha nito. Mas natakot pa nga ata siya rito
kaysa kina Drea kaya bigla na lang siyang nagbawi ng tingin. At pagbaling niya kay Drea,
napakunot-noo siya nang makitang tulala ang dalaga.

Parang nahihipnotsimong binitiwan siya ni Drea. Natulala lang ito pati na rin ang dalawa pang
kasamahan nito. Nakita na lang niyang napakamot ng ulo ang dalawang tibo.

Sa loob-loob ay natawa siya. Paano? Alam niya kung bakit nagkaganoon si Drea. Nawawala kasi ang
tapang nito kapag nakakakita ng gwapo.

Gusto niya talagang matawa. Posible pala talaga 'yon? Wow.

"H'wag na h'wag n'yo siyang gagalawin. Tandaan n'yo 'yan", banta ni TJ sa mga ito bago siya
nadala nito palakad. Hindi niya na nagawang lingunin pa sina Drea dahil sa tuling maglakad ni
TJ. Hindi niya rin magawang magprotesta dahil sa.... hindi niya rin alam.

"Sakay", utos nito sa kanya nang nasa tapat na sila ng isang tricycle. Sumakay siya pero
sumakay din ito. "Kuya, sa Bakewell Village po", sabi ni TJ sa tricycle driver.

Nagtaka siya. Paano'ng pati kung saan siya nakatira ay alam nito? Hindi kaya stalker niya
talaga ito?

Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang sila. Awkward, walang umiimik man lang.

"Hoy. Bakit ka ba sumakay din dito?" Siya na ang bumasag ng katahimikan nila dahil mukhang
walang balak magpaliwanag si TJ.

"Walang anuman, ha?" sarkastikong sabi nito.

"A-ah... oo." Iyon na lang tanging nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin.

Pero bigla na lang siyang nilingon nito. "'Di ba binalaan na kita? Bakit ginawa mo pa rin?
Pagpasok na pagpasok mo kanina sa room, inasar mo agad si Lexi. O, ano ka ngayon? Kung hindi pa
ako dumating, malamang pinagtutulungan ka ng mga 'yon ngayon", tuloy-tuloy na sabi nito.

Bigla na lang pumasok sa isip niya ang banta nito kanina. At doon niya lang naintindihan ang
ibig sabihin nito. Ibig sabihin, ang muntik ng mangyaring away sa pagitan nila ni Drea ang
tinutukoy nito sa sinabing kung ayaw niyang masaktan. At totoo ngang si Lexi ang may pakana
noon? What a loser. Hindi siya nito malabanan sa salitaan kaya ipapabugbog na lang siya,
gano'n?

Seryoso, nakikipagbugbugan talaga sila Drea. Matatakot ba siya kung alam niyang wala naman
talagang ibubuga ang mga ito? Hindi, e. Kaya nga kicked out sa school nila si Drea. Napanuod
niya kaya ang video nito noong 3rd year pa lang sila sa isang 4th year student.

"Bakit hindi mo kasi pinaliwanag kanina? Akala ko naman sasaktan mo ako kapag hindi ko
tinigilan si Lexi", sisi niya pa kay TJ. At talagang nanisi pa siya, 'no?

"Tanga ka ba? Tingin mo kaya kong saktan ka?"

Napa-awang ang mga labi niya. "H-huh?" May ibang ibig sabihin ba ang sinabi nito?

"Ang ibig kong sabihin.... hindi ako sanay manakit ng babae. Kaya.... Hindi ko kayang manakit
ng babae.... physically", paputol-putol na paliwanag nito.

Her mouth formed an ooh. Physically, maybe. But emotionally, maybe yes.

"Teka nga... Pa'no mo pala nalamang kinausap ni Lexi si Drea?" nagtatakang tanong niya.

"Nakita ko lang sa text kanina sa cellphone niya", simpleng sagot nito.

"Oohhh..." Oo nga pala, boyfriend ito. Napabuntong hininga na lang siya. "S-salamat..."

Bigla ay nilingon siya nito. "Ano'ng sabi mo?"

"H-huh? S-sabi ko ang pangit ng apelyido mo! O-oo, iyon. Salamat? Baduy!" she stammered.

"Hoo", umiling na lang ito habang may ngiti ang sumisilay sa mga labi,
She pouted. That was embarrassing, really-for a mortal enemy. Narinig naman kasi, nagtanong pa.

Pumara na siya nang makarating na sila sa village nila. Hindi na niya pinapasok pa ang tricycle
dahil nakasanayan niya na ang naglalakad papasok sa village nila dahil hindi naman kalayuan ang
bahay nila.

"O, bakit hindi ka na sumakay? Stalker ka talaga? Umuwi ka na nga!" pagtataboy niya kay TJ nang
paalisin na nito ang tricycle nang hindi ito kasama.

"Feeling mo naman", bale-walang sabi nito at nilagpasan na siya. Tuloy-tuloy itong pumasok sa
village nila. H'wag nitong sabihing sa village din nila ito nakatira?

Kasunod siya nito habang naglalakad at tama nga ang hinala niya!

"Hoy! Kayo ba ang bagong lipat dyan?" tawag niya kay TJ nang akmang bubuksan na nito ang gate
ng bahay.

"Hindi. Itong bag ko lang ata?"

"Wow. Masaya?" Naniningkit ang mga matang balik niya rito.

"Huh?" takang tanong nito.

"Hotdog."

"E, cheesedog."

Aba't talagang ayaw paawat ng mokong? "Tae mo."

"Bilog-bilog."

"Yuck! Kadiri 'to!" react niya.

"Ako pa'ng naging kadiri? Ano ba'ng sinabi ko? E, ikaw 'tong may sabi ng tae dyan. Tss",
umismid ito pagkaraa'y tuluyan nang pumasok sa bahay nito.

"Tsshhh.. Pangeeeet!" pahabol na sigaw niya. Napahiya siya du'n, ha. Buti na lang at walang
audience.

Humahaba ang ngusong pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila. Wala pa ang mommy niya at ang
kasamabahay nilang si Ate Lulu lang ang naabutan niya. Tuloy-tuloy na umakyat na lang siya sa
kwarto niya.
Naman! Hanggang sa bahay ba naman.... Pader lang ang pagitan nila, e. School, room, club.... at
pati ngayon, sa bahay? Ugh! Bakit hindi niya alam na ang pamilya ni TJ ang bagong lipat na
kapit-bahay nila? So stupid of her.

BAKIT ang sunga sunga ni Yanna? Hindi alam na kami ang bagong lipat dito? Isang
linggo na kami rito, jusko naman po, hindi makapaniwalang naisip ni TJ.

Kunsabagay, hindi naman sila nagkikita sa loob ng village, ngayon lang. Paano'y late laging
pumasok si Yanna at kapag uwian naman ay hindi rin sila nagkakasabay.

Bumuntong hiningang ibinagsak niya sa kama ang katawan at pumikit. Hindi siya makapaniwala.
Napakalaki na talaga ng pinagbago ni Yanna. Dati-rati, hindi man lang ito makatingin ng diretso
sa kanya. Pero ngayon, lahat binabara nito. Katulad na lang kanina, parang wala lang at kayang
kaya nito ang paghahamon noong Drea.

Narinig niya kasi ang pakikipag-usap ni Lexi kay Drea kaya nga binalaan niya si Yanna, pero
hindi pa rin ito nakinig. Buti na lang talaga at sinundan niya... Kargo de konsensya ko pa 'pag
nagkataon, iiling-iling na naisip niya pagkaraa'y natawa siya sa sarili niya. Kargo de
konsensya? Sa'n ko napulot 'yun? Napangiti na lang siya.

Kahit na nga ba hindi niya na dapat pakialaman ang dalaga, hindi pa rin kaya ng konsensya niya.
Paano'y ikinakaila rin nitong naging boyfriend siya nito.

Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali kung bakit iniwan siya nito noon at ngayon naman
ay ikaila. Mas lalo tuloy niya itong gustong gatihan.

"HELLO?" sinagot ni Lexi ang tawag ng kaibigang si Andrea.

"Sorry, Lexi. Hindi namin nagawa", pagbibigay-alam agad ng kaibigan.

"What?! Why?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Kasi, ano..... dumating 'yung...... boyfriend niya. Ang gwapo!" At kinilig pa!

Biglang nangunot ang noo niya. Ano'ng pinagsasasabi ni Drea? E, alam niyang wala namang
boyfriend si Yanna.

"Walang boyfriend si Yanna, Drea, alam mo 'yan. Never pa siyang nagka-boyfriend!"

"Sira ka ba? Ano'ng malay ko sa buhay buhay n'yo? Updated ba 'ko? Malay ko kung meron na!"
ganting bulyaw nito sa kabilang linya.

Alam niya naman iyon, dahil 3rd year pa lang, kicked out na ito.

"Pero wala siyang boyfriend!" pilit niya. Dahil kung meron, malamang na kalat na iyon sa buong
year level nila.

"E, meron nga, e!"

"Shit, Drea. Sinabi nang wala!"

"Shit ka rin, Lexi. Sinabi nang meron, e! Gwapo nga! Gwapo!" and she heard another giggle from
the line.

"Syet talaga, Drea. Ang landi mo, basta gwapo! Manang mana sa'kin!"

"Tigas ng mukha nito! Haha! Pabayaan mo na 'yung si Yanna, friend. May boyfriend naman na pala,
hindi mo na kaagaw sa boyfriend mo 'yun."

She gritted her teeth. "Sige na nga! Hmp! Thank you na lang. Bye!" She ended the call.

Pero pagkatapos na pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Drea ay nakatanggap na agad siya ng
text. Ganoon na lang ang tuwa niya nang mabasa kung sino ang sender ng text.

Oh, my baby TJ! nagdiwang ang kalooban niya.

[Lexi, agahan mo bukas. Kita tayo sa harap ng comp lab. 6:30.]

Sobrang kinilig siya nang mabasa ang mensahe galing sa boyfriend niya. Pinapaagahan nito ang
pasok niya para lang magkita sila? Kung kanina ay inis na inis siya sa balita ni Drea, nawala
na iyon isang text lang ng boyfriend niya. She hurriedly replied.

[Kay, babe!]
KINABUKASAN...

"No, TJ! Isang linggo pa lang tayo! No way!"

Kanina pa nakukuli ang tenga ni TJ sa paulit-ulit na sinasabi ni Lexi. Playboy siya tapos aasa
ito na magtatagal sila ng mahigit isang linggo? Naawa lang naman talaga siya kaya sila nagtagal
ng isang linggo, e.

Ito ang dahilan kung bakit pinapunta niya ng maaga ang dalaga sa harap ng computer laboratory.
Ang makipag-break kahit hindi naman talaga opisyal na naging sila.

"Lexi, hindi naman talaga naging tayo, di ba? You just assumed. Pinagkalat mo pa. Now, I want
out."

Tila naman natameme si Lexi sa mga sinabi niya. "B-bakit, TJ? May bago ka na ba?"

Joke ba 'yon? "Ano ba namang tanong 'yan, Lexi? Alam mo namang nakikipag-date rin ako sa iba
habang feeling mo tayo, di ba?" Kaunti na lang at maiirita na talaga siya, e.

"Y-yes..... but that's because you're not serious with them!"

"At sa tingin mo, seryoso ako sa'yo?" Bubuka na sanang muli ang bibig ni Lexi pero inunahan
niya na ito dahil ayaw na niyang magtagal pa ang usapan. "Ipagkalat mo na lang din na ikaw ang
nakipag-break at hindi ako. Gumawa ka na lang ng istroya. Malaki ka na, kaya mo na 'yan. Tapos
na tayo." Iyon lang at iniwan niya na ito. Bahala nang mag-isip si Lexi doon.

"HELEN Arianna Santanaaaa!" nagulat si Yanna nang pagdating nila sa tambayan nila ay
sabay na isinigaw nina Ej at Kiray ang pangalan niya. Maliban kay Yen na iiling-iling lang
habang seryoso ang tingin sa kanya.

"What? Kinakabahan ako sa mga mukha n'yo, ha. May problema ba?" tanong niya.

Sina Bea at Julia kasi, kanina pa siya hindi pinapansin sa classroom pa lang. Para siyang
kumakausap sa hangin dahil hindi siya sinasagot ng mga ito. Parang mga galit na hindi niya
maintindihan. Mabuti nga ngayon at pumayag ang mga ito kahit na sumabay lang siya papunta sa
tambayan, e. Pero ang dadatnan niya pala, mga mukhang galit din sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya. Bakit ang tataray ng mga kaibigan niya sa kanya
ngayon?

"Guys, may nagawa ba akong mali? Galit ba kayo?" nag-aalalang tanong niya.

Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Sa halip, lantarang nagbilang si Bea. "One, two,
three...."

"Helen Arianna Santana! Galit kami sa'yo! Malandi ka!"

***

*******************************************
[7] 6. Yen?
*******************************************

6. YEN?

"A-ANO? Ako? Malandi? Whoah... Parang hindi yata tamang husgahan n'yo ako ng ganyan? Kaibigan
ko kayo", pilit ang ngiti't hindi makapaniwalang sabi niya. Sobrang nagulat siya sa sinabi ng
mga kaibigan niya.

Malandi? Kailan pa siya naging malandi? Kilala siya ng mga ito higit kanino!

"Ni hindi mo man lang kami in-inform!" sabi ni Kiray.

"Bading, nakakatampo ka na!" dagdag ni Ej.

"Ganyan ka na pala, Yanyan, ha?" iiling-iling na sabi naman ni Yen.

"Oo nga..." magkasabay na sabi naman nina Julia't Bea.

Napangiwi siya. Mukhang hindi na tama ito. "Ano ba'ng ginawa ko? Wala akong natatandaang naging
kasalanan ko sa inyo. Kung nagtatampo kayo, mas parang nagtatampo na ata ako sa inyo." Hindi
niya na napigilang mapataas ang boses sa huling sinabi.
Hindi niya kasi maintindihan kung bakit nagkakaganoon ang mga kaibigan niya. Tatalikuran niya
na sana ang mga ito nang biglang nagharangan sa daraanan niya ang mga ito.

"Hala, bii! Sorry na! Joke lang naman 'yung malandi ka part, e. Pati 'yung galit kami sa'yo?
Pa-suspense lang 'yun naman! H'wag nang magalit, bii", tuloy-tuloy na sabi ni Beatrice sa
kanya. Akala yata ay uubra ang pagpapa-cute sa kanya.

Kanina pa siya badtrip and at the same time, nag-aalala dahil sa hindi siya kinakausap nito at
ni Julia. Tapos ngayon, sasabihan siyang malandi tapos joke lang? Alam ng mga ito na isa ang
barkada sa weakness niya pero ano ito?

"Joke? Ahh.... Joke lang pala, e. Ha ha ha. Uy, sa'ng part ng joke n'yo ako tatawa? Dali,
tatawa pa ako, promise! Ha ha!" Well, define sarcastic.

"Yanni naman, sorry na nga, e. Nag-drama lang kami para naman may suspense. Ikaw naman kasi,
masyado kang malihim sa'min, e." Bigla na lang kumapit sa braso niya si Kiray.

"Okay..." she calmed down. "Ano ba kasing pinagsasasabi n'yo? Uso mag-explain."

"You know naman na bali-balita na sa year levelu natin na tsugi na ang TJ-Lexi loveteam, di ba?
Well, we know why. Hmp!" Ej.

Oo, naririnig niya nga sa usapan ng mga classmates niya kanina na break na nga raw sina TJ at
Lexi. Kesyo nagkasawaan na parehas o ano. Pero hindi niya naman inintindi iyon. Ano namang
pakialam niya?

"O, e, ano ngayon?" tanong niya kay Ej.

"M-"

"Mm... Alam kong Miyerkules. Umayos, baka masapak. Wala munang barahan, mainit ulo ko."
Inunahan niya na ang tangkang pambabara ni Ej sa kanya.

"Ahihi", tinawanan siya ni Ej pero agad ding nagpatuloy sa sasabihin. "Kasi, bii... knowing
namin na may third party party people sa kanilang break-up."

"So? Tae, ano namang pakialam ko dyan? Ang tinatanong ko, kung bakit kayo galit sa'kin. Hindi
ang break-up nila ang gusto kong i-kwento n'yo sa akin!" Naiirita na talaga siya. Ano naman ba
kasi ang konek nina TJ at Lexi sa tanong niya?

"Gags, hindi nga kami galit sa'yo. Joke nga lang, e. Tampo siguro, oo", sabi ni Kiray.

"Oo nga, Kry, di ba? Hindi kayo galit, nagtatampo lang... E, ang kanina ko pa ngang tanong....
Bakit?" Jusko, henge pong energy. She mentally rolled her eyes.
Pero imbis na magpaliwanag, nagkatinginan at mga nakokolokong nagngitian lang ang mga kaibigan
niya.

Really... What is going on?

"Ehem, ehem." Tumayo si Ej at hinatak din siya patayo pagkaraa'y bigla na lang siyang inakbayan
at gamit ang pinalaking boses ay nagsalita. "Pakibitawan lang ang girlfriend ko, o. Kung ayaw
n'yong manghiram ng mukha sa aso."

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa narinig niya.

She knew those lines! Paano'ng.... Paano'ng nalaman iyon ng mga kaibigan niya?

"Ayiiiiiieeeeeeeee!" sabay sabay na tukso ng mga ito sa kanya. "Kumekerengkeng ang baby namin!"
Sinundot-sundot pa siya ni Julia sa bewang niya.

"What? Hindi 'yun totoo! Tsaka, pa'no n'yo nalaman 'yun? May iba pa bang may alam no'n?"
Hiniling niya na sana naman ay wala nang iba pa. Ayaw niyang ma-link ang pangalan niya kay TJ,
'no! Kaya pala binabanggit ng mga kaibigan niya kanina pa ang break-up nina TJ at Lexi. Ang
akala ng mga ito, siya ang third party!

"Don'tchu worry, beybeh. Safe ang secret n'yo sa'min. Hihi",makilig-kilig na sabi ni Bea sa
kanya. "Ikaw, ha... Kung hindi pa kami nagutom ni Kry at nagkaayaang bumili ng burger.....
Nakuuu! Bumi-biep, sini-secret! Pero kilig pa rin ako. Hmm!" Talagang hindi maalis ang ngiting
kilig ni Bea.

"Hindi nga kasi totoo 'yun!" pagpipilit niya. Mukhang mahihirapan siyang paniwalain ang mga
ito. Paano'y inuunahan ng kilig!

"Hay nako, bii. Hindi mo na kami ini-inform. Nakakatampo talaga", nagtatampong sabi ni Yen.

"Naman, o. Pa'no ko ba 'to i-e-explain? Uhh... Nakita n'yo si Drea, di ba? At dahil 'yun kay
Lexi. Sakto namang dumating si T-"

"Dumating si TJ your boyfriend na to the rescue ang peg at pinagbantaan sila Drea. Opo, alam na
namin 'yun, 'no! Kaya nga kami kinikilig, di ba?" putol ni Julia sa sinasabi niya.

See? Paano'ng makakapag-explain siya ganitong ayaw naman siyang patapusin? Napabuntong hininga
na lang siya. Pahirapan ito.

"Uy, dali, bii! Magkwento na! Kahapon lang sila TJ at Lexi pa, pero kahapon din kayo na pala.
Kailan pa? Ano 'yun, pumayag kang i-two-time ka? Kwento na, para 'di na kami magtampo, o. Dali
na kasi!" naaatat na sabi ni Julia sa kanya. Lumapit ito sa kanya at pinagsusundot na naman
siya sa bewang niya.

"Ay, tae-Mmha!" Natawa siya hindi dahil sa kung ano pa man. Nakiliti kasi siya.
Lumayo siya kay Julia at bumaba ng hagdanan. Naiwan sa itaas ang mga kaibigan niya at siya
naman ay nasa ibaba at nakatingala sa mga ito.

"Hep! Dyan lang kayo. Mag-e-explain ako. Okay?" awat niya nang akmang magsisibabaan din ang mga
ito.

"Okaaaay!" sabay sabay na sagot ng mga ito. Nakahilera sa itaas habang naghihintay ng paliwanag
niya.

"Kasi nga ganito 'yun.... Si Lexi, napuno ko yata kaya pinaabangan ako kila Drea. Alam 'yun ni
TJ dahil nabasa niya sa mga messages ni Lexi. E, saktong nakita niya ako noong hina-harass na
ako ni Drea..." napahinto siya sa pagpapaliwanag dahil mukhang naiinip na ang mga kaibigan niya
sa sasabihin niya.

"Move on, bading! Alam na nga namin 'yan. Natural lang na to the rescue ang papabel mo dahil
girlfriend ka, 'no. The question is.... When-dell Ramos?"

"Phhp-" Hindi bumubuka ang bibig na natawa't napailing na lang siya sa pinagsasabi ni Ej. Hindi
niya na alam kung paano pa magpapaliwanag. Paano nga ba? E, nauuna ang kilig at patawa! When-
dell Ramos.... Kaloka!

---

Samantala... Habang nagkakabiruan ang barkada, hindi nila alam na may lihim na nakikinig pala
sa usapan nila. Papunta sana ito sa locker area para kumuha ng notebooks for the next subjects
nang maulinagan ang pag-uusap nila.

NAKUMBINSI na ni Yanna ang mga kaibigan niya na hindi totoong sila ni TJ. Pahirapan
muna. Kinalingan niya pa ng maraming enerhiya para lang mapaniwala ang mga ito.

Malapit nang dumilim at pauwi na siya galing sa playground, nang makatanggap siya ng text
galing kay Yen. Nagtaka siya. Minsan lang kasi kung magtext si Yen. Kung importante lang.

[Yan, balik ka sa skul. Samahan mo ko sa music room naiwan ko workbook ko. May ass kasi kami
dun e. Ikaw pinakamalapit kaya samahan mo na ko. Pls. Punta ka.]

Anak ng tokwa. Bakit naman siya pa? Takot siya sa Music Room, e. May multo raw kasi doon at
naniniwala siya dahil marami na'ng nakakita.
[Di ba pwedeng bukas na lang? Dilim na o.]

She replied. Seconds lang ang lumipas at naka-reply na agad si Yen.

[Cge na. Nandito na ko. Saglit lang. Pls?]

Ano pa nga ba'ng magagawa niya, e, malakas ang barkada sa kanya. Natural, babalik siya.

[Sige. Wait lang.]

"Kuya, pabalik po sa school", sabi niya sa tricycle driver. Sayang. Malapit na siya sa village
nila, e.

Pagdating niya sa paaralan, dumiretso agad siya sa Music Room pero hindi siya pumasok sa loob.
Natatakot siya, e.

Nasaan ba si Yen? Hinanap-hanap na niya sa paligid si Yen pero wala, e. Nasaan na 'yun? Padilim
na talaga, o. Baka naman kaya nasa loob na si Yen? E, bakit naman nagpasama pa sa kanya pala?

Takot na takot na siya pero baka abutin siya ng bukas kung tutunganga lang siya. Tinatagan niya
ang sarili niya.

Hoo! Kaya ko 'to! Mumu lang! Bully kaya 'to. Bully-hin ko pa 'yun, e! pagpapalakas niya sa
loob.

Hinawakan niya ang doorknob pero hindi niya pinihit. Hindi naman kasi iyon nakasara. Sira iyon
at madikit kapag nasara kaya hindi talaga iyon sinasara. Mahirap nang ibukas kapag naisara.
Kaya nga may nakalagay na 'Don't Close', e.

Dahan-dahan niyang ibinukas ang pinto. Bukas ang ilaw sa loob, baka nga nandoon si Yen.
Humakbang siya at binitawan na ang doorknob.

"Yen??" tawag niya. Pero walang sumagot.

Two parts ang Music Room. Ang kabila ay lagayan ng instruments para sa bands and lyre and drum.
Hindi kaya nandoon sa kabila si Yen?
"Yen! Andyan ka ba sa kabila??!" sigaw niya. Hindi na siya umalis sa may pintuan. Natatakot na
kasi siya.

Pero wala pa ring sumasagot.

Isang tawag na lang. 'Pag wala talagang sumagot, aalis na siya.

"Yen! Yu-hoo! Ye-AAH!"

BLAG!

***

*******************************************
[8] 7. That boy is back.
*******************************************

7. THAT BOY IS BACK.

HINIRAM ni Lexi ang cellphone ni Yen sa bag nito. Yes. Sa bag ni Yen. Hindi niya ninakaw.
Hiniram niya lang at ibabalik din naman. Alam niya kasing hindi naman madalas gamitin ni Yen
ang cellphone at lagi lang nasa bag. Marami ang may alam noon. Tamang tama namang kaibigan nito
si Yanna.

Dumating na si Yanna. Nagkukubli siya sa malalaking halaman para hindi siya makita nito. Tawang
tawa na siya dahil panay lang ang tawag nito kay Yen.

Nakahanap na siya ng pagkakataon. Tamang tama, nakatalikod ito at hindi na nakahawak sa


pintuan. Maingat siyang lumapit para hindi maramdaman ni Yanna ang presensiya niya. At paglapit
niya...... Boog!

"AAH!" napasigaw na lang si Yanna nang biglang itulak niya ito. Napaupo pa nga ito sa sahig sa
lakas ng pagkakatulak niya, e. Pero bago siya lingunin nito, agad agad na hinila niyang pasara
ang pinto.

Damn! she cursed in her head. Muntik na siyang makita ni Yanna! Buti na lang at pati ang pinto
ay nakisama sa kanya. Naisara niya agad kahit na mabigat at mahirap isara ng todo.
Hah! Buti nga sa'yo, Yanna. Makakita ka sana ng multo. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa
kanyang mga labi.

Mahirap nang maibukas ang pinto. Iyong itulak nga mula sa labas ay mahirap, paano pa kaya ang
hilahin sa loob? Ang end game? Doon na matutulog si Yanna. At magugutom iyong tiyak dahil wala
namang pagkain. Worse, kung maihi't ma-jebs pa 'to. E, wala namang CR sa loob. Mwa-ha! Evil
much, she is? Well, hell yeah. Mali kasi ng kinalaban si Yanna.

Ganti-ganti lang. Masyado bang hindi kapani-paniwala? Nananampal nga siya na ruler ang gamit,
e.

Wala na naman kasi talaga siyang balak na pag-aksayahan pa ng oras si Yanna. Pero nang marinig
niya ang pinag-uusapan ng barkada nito kanina, na-bwisit siyang lalo. Pinaglaruan siya ni TJ at
Yanna! Mag-on na pala ang mga ito kaya nakipag-break sa kanya si TJ! At si Yanna rin pala ang
tinutukoy ni Drea kahapon!

Damn... Damn! Kung pwede niya lang ipagkalat na easy girl si Yanna dahil pumapayag ito na i-
two-time, ginawa na niya sana! Pero hindi pwede dahil madadamay siya. Kaaawaan siya. And that's
something she won't ever let happen. Atleast ngayon, nakaganti na siya.

"HOY! Sino'ng nagsara ng pinto?! Ibukas mo 'to, hoooy!!! Babangasan talaga kita kapag
nakalabas ako rito!!!" Kahit ano'ng sigaw ang gawin ni Yanna, wala pa ring nangyayari. "Crap...
Yen!!! Yen, ikaw ba 'yan?! H'wag mo 'kong i-joke, Yen, kahit lab kita, babangasan talaga
kita!!!" banta niya pa pero wala talagang nangyari. Sasakitan na ata siya ng lalamunan
kakasigaw!

"Ibukas n'yo 'to, ano ba!!! Yen, ikaw ba 'yan? Promise, hindi ako natutuwa!!! Shit, Yen!!!!"
Kung naka-ilang beses na sigaw na siya pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Ano ba'ng ginawa
niya kay Yen para pagtrip-an siya ng ganito? May galit ba sa kanya si Yen? Humanda talaga ang
kaibigan niya kapag nakalabas siya!

"Hoooooy!!! Wala bang tao dyan?!!! Taooooooo!!!!!" Pero wa-epek talaga. Shiiit!

Ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsigaw dahil natatakot siyang baka iba naman ang marinig niya
kapag tumahimik siya. "Taooooo!!!! May tao ba dyan??!!!"

"Miss?"

Bigla na lang siyang kinilabutan nang may bumulong sa tenga niya. Ito na nga ba ang sinasabi
niya!

Napapikit siya ng mariin. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kinikilabutan siya at nanginginig
na siya sa takot.
Lord, please, h'wag po.... Napadasal na lang siya.

"Miss?"

Tinakpan niya ang parehong tenga niya nang umulit ang pagbulong na iyon. Maiihi na yata siya sa
takot!

"La la la la la! Wala akong naririnig! La la!" Kumanta siya para malibang ang sarili. Pero
bigla namang...... may kumalabit sa kanya.

"La la la la la!"

Pero may kumalabit ulit sa kanya.

"Aaaaahhhh!! Mommmyyyyyy!!!!!"

Hindi niya na kaya. Maiiyak na siya sa takot. Kung bakit ba naman kasi ipinanganak siyang
duwakang, e. Maiiyak na siya pero noon naman nawala ang pagkalabit sa kanya. Natigil na siya sa
pagsigaw, pero may luha na ang namuo sa mga mata niya. Tahimik na ang paligid.

Wala na. Okay na, Yanna. Imagination mo lang 'yun. Relax, pagpapakalma niya sa sarili.
Tinanggal niya ang mga kamay niya sa magkabilang tenga niya at dumilat.

"Boo!"

"AAHHH!!! MOMMY! MOMMY!!! MOMMY, MAY MUMU! AAHHH!!!!" Napapikit siya kasabay ng pagsigaw at
pinagdadamba ang nasa harapan niya. Tuluyan na siyang napaiyak sa takot.

"Aw! Haha! T-teka, teka! Masakit! Ow! Haha! Teka!"

Bigla ay natigilan siya. Teka nga talaga. Kung multo ang kaharap niya... bakit nahahampas niya?

Kahit natatakot, dumilat siya.

"Haha! Ang cute mo namang matakot, Tan-tan! Awooo! Haha!"

Her mouth dropped open. Did the guy infront of her just say..... Tan-tan??

"H'wag mong sabihing nakalimutan mo na 'ko?" nakangiting sabi ng lalaki.


Pwede ba namang makalimutan niya ito? "Tin-tin??"

"Naks. Akala ko nakalimutan mo na 'ko. Kamusta, Tana?" nakangiting tanong nito.

Napagtagis niya ang mga bagang niya sa pagpipigil pero wala, bigla na lang siyang naiyak.
Matapos niyang matakot ng ganoon, isang hindi inaasahan naman ang bubulaga sa kanya? Damn...
Iyak na siya ng iyak.

Ayoko! Bakit siya nandito? Ayoko, galit ako sa kanya! sigaw ng isip niya.

"Tan... bakit ka umiiyak? Uy, sorry na, o", suyo nito sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. "Hindi Tan-tan ang pangalan ko. Ako si Yanna. Tsaka, para saan ba
'yang sorry mo? Sa pananakot mo sa'kin kanina, o sa pag-iwan mo sa'kin noon?" Tinalikuran niya
ang lalaki at pumunta sa isang sulok. Isinubsob niya ang mukha niya sa mga tuhod niya. Pero
naramdaman niya nang tabihan siya nito.

"Haay...." buntong-hininga nito. "Tana... alam mo bang namiss kita ng sobra?"

Pero hindi siya sumagot.

Bakit? Bakit ka pa bumalik? Iniwan mo ako kaya bakit ka pa bumalik? Ito ang dahilan kung bakit
ayaw niya sa mga lalaki. Iniwan kasi siya nito. Pero bakit ngayon... bumalik pa ito?

SEVEN years ago..........

"Wala! Dinuduga tayo, Jimmy, o! Maduga!"

"Cha kaya 'yung sa'kin, chub 'yung inyo! Ako naman talaga ang panalo, e!"

"Madaya ka naman pala, e! Lampa ka na nga, madaya ka pa. Sa'kin kaya 'yung cha! Madaya, ibalik
mo 'yung text ko!"

Narinig niya ang nagtatalong mga lalaki sa likod ng classroom nila. Nang silipin niya kung sino
ang mga iyon, sila Jimmy, Daj, at Kristoffer pala. Binu-bully na naman nina Jimmy at Daj si
Kristoffer. Makikipaglaro, pero ibu-bully lang din naman. Napa-tsk siya sa isip niya.

"Ibalik mo sabi, e! Gusto mo bang masaktan?" Hinawakan ni Jimmy sa kwelyo si Kristoffer.


Napangiwi siya. Malaking tao si Jimmy kumpara sa payatot namang si Kristoffer

"Hindi naman ako nandadaya, e!" pagtatanggol ni Kristoffer sa sarili pero bigla na lang itong
umiyak. Lalo siyang napangiwi. Iyakin talaga si Kristoffer kahit kailan.

"Hoy, Jimmy! Bitawan mo nga siya!" Lumabas siya sa pinagtataguan niya at binulyawan agad si
Jimmy. Kahit na si Jimmy pa ang pinakamalaki sa mga classmate nila, hindi siya natatakot dito.
Imbis, ito ang takot sa kanya. Bali-balitang may gusto raw kasi ito sa kanya at halata niya rin
naman. Sabi nga ng mga kaklase niya, ligaw siya nito. Pero hindi niya ito gusto. Masyado itong
mayabang at napakabata pa nila para isipin ang ligaw-ligaw na iyon.

"Yanna..." nagulat pa si Jimmy nang makita siya.

"Bitaw sinabi, e!" muling sigaw niya pagkaraa'y hinila si Kristoffer mula rito at humarang sa
harap nito. Para siyang batang superhero na pino-protektahan ang batang naaapi.

"H'wag na h'wag n'yo na siyang paiiyakin! Kundi, ipapatikim ko sa inyo ang kaio-ken ni Son
Goku! Hmp!" Tinalikuran niya ang mga ito at hinila si Kristoffer palayo sa dalawa. Pero agad
niya ring binitawan ito nang makarating sila sa room nila. Nagtuloy agad siya sa upuan niya.

UMIIYAK siya. Lihim na umiiyak siya sa likod ng classroom nila. Kasi... inaway na
naman siya ng mga kalaro niya. Iniinggit pa siya na wala siyang papa. Sinasabi pa na marami daw
kasing lalaki ang mommy niya kaya iniwan sila ng papa niya.

'Hindi naman 'yun totoo, e. Ang sama nila!' sigaw ng isip niya. Wala siyang nagawa kundi ang
umiyak na lang sa isang tabi.

"Tan-tan?"

Narinig niyang may nagsalita habang nakayuko siya at umiiyak. Nag-angat siya ng tingin at
nagulat pa siya nang makitang katabi niya na pala ang nagsalita.

"Ano'ng Tan-tan?" nagtatakang tanong niya. Suminghot-singhot pa siya.

"H-hehe. W-wala lang.... Kasi, di ba, Santana ang apelyido mo? Cute kasi, panlalaki ang Tan-
tan. Pa'no ang tapang-tapang mo. Kaya ikaw si Tana. Bagay sa'yo 'yun! Kaya h'wag ka nang
umiyak... Ikaw ang pinakamatapang na babae, di ba?"

Napaisip siya sa sinabi nito. 'Tan-tan? Ako raw si Tan-tan?'

"Edi, ikaw si Tin-tin?" tanong niya na ikinataka nito. "Kasi, di ba, Austin ang apelyido mo? E,
di ba, iyakin ka, tapos pambabae 'yun? Kaya ikaw si Tin-tin! Hahaha! Tin-tin? Phhp!" Bigla na
lang siyang natawa sa naisip niya.

"Sumaya ka dahil du'n? Dahil sa Tin-tin?" Nag-pout si Kristoffer. "Tss... sige na nga! Hehe.
Sige, ako na si Tin-tin! Kaya 'pag malungkot ka, isipin mo na lang lagi ako, ha? Si Tin-tin
mo...."

"Tin-tin ko?" pinupunasan ang mga luhang tanong niya.

"Oo. Ikaw lang kasi ang tumawag sa'kin no'n, e. Kahit na parang.... parang.... bakla. Pero
tumawa ka naman, di ba? H-hehe..."

Napatulala siya kay Kristoffer. Ibig sabihin, okay lang na magmukha itong bakla basta lang
masaya siya?

"Sabi mo 'yan, ha? Okay! Simula ngayon, ako na si Tan-tan mo at ikaw naman si Tin-tin ko. Ako
ang magtatanggol sa'yo sa mga mang-aaway sa'yo", masayang sabi niya sa bagong kaibigan.

"Ako naman ang magpapatahan sa'yo kapag umiiyak ka", nakangiting dagdag naman nito. "Heto, o.
Para sa'yo..." inabot nito sa kanya ang kanina pang hawak na Moo.

"Sa'kin 'to?"

"Oo, bigay ko sa'yo. Favorite ko 'yan! Try mo, masarap", nakangiting sabi nito.

Tinry niya at masarap nga. Ang mommy niya kasi, ayaw siyang painumin ng mga ganoon. Mahilig
kasi siya sa chocolates kaya h'wag na raw pati sa inumin, masisira ang ngipin niya.

"Hindi kita iiwan... Ako na lagi ang magpapatahan sa'yo."

Napatingin siya kay Kristoffer. "Promise?"

"Promise."

Simula noon, naging mag-bestfriend na sila. Lagi na silang bumibili ng Moo tuwing recess dahil
nahawa na siya nito at nahiligan niya na rin iyon. Hindi niya na lang ipinapaalam sa mommy
niya.

Naging baliktad na rin. Kapag may kaaway siya, ito na lagi ang nagtatanggol sa kanya. Hindi
niya alam kung paano'ng bigla na lang itong tumapang. Pati sila Jimmy, nilalabanan na nito.
Lahat.... Lahat ng umaaway sa kanila. Hindi na nga kailangan ang katapangan niya dahil nandyan
na lagi si Kristoffer para ipagtanggol sila. Kaya lang..... iyakin pa rin talaga ang kaibigan.

GRADE 6..........

"Akala ko ba hindi mo ako iiwan? H'wag mo 'kong iwan, Tin! Magagalit ako sa'yo kapag iniwan mo
ako", umiiyak na sabi niya kay Kristoffer. Ngayon na kasi ang flight nito papuntang America
pero hindi man lang ipinaalam sa kanya. Pagkatapos ngayon, gugulatin na lang siya na ngayon na
pala mismo ang alis nito.
"Sorry na, Tan... Wala naman akong magagawa, e. Sila papa ang may gusto nito. Bata lang ako,
wala akong magagawa", nakikita niyang nangingilid na ang mga luhang sabi ng kaibigan.

"Pero nag-promise ka, di ba? Di ba?? Pa'no na ako? Ikaw lang ang bestfriend ko, e. Pa'no na
ako, Tin? H'wag mo 'kong iwan, please?"

Pero napayuko lang si Kristoffer. "Tan... sorry...."

Lalo siyang naiyak sa sinabi nito at ganun din ito. Napayuko na lang din siya.

"Madaya ka pala talaga, e... Sabi mo hindi mo ako iiwan. Madaya ka. Nag-promise ka pa. Madya
ka, Tin...." tulo ng tulo ang mga luhang sabi niya rito.

"Babalik naman ako, e. Babalik ako, Tan. Babalik ako para sa'yo", bigla na lang siyang niyakap
nito pero agad niyang itinulak ito palayo.

"Hindi na ako maniniwala sa promise mo! I hate you, Tin! I hate you!" walang sabi-sabing
tumakbo siya palayo. Umiiyak.

'Andaya mo, Tin! Sabi mo hindi mo ako iiwan! Nag-promise ka pa!'

"Babalik ako, Tan! Babalikan kita!" ang huling salitang narinig niya sa kaibigan.

--

LALO siyang naiyak nang maalala ang mga panahong magkasama pa sila nito hanggang sa
iwan siya nito.

"Namiss kita ng sobra... Di ba, may promise ako sa'yo?" pukaw nito sa atensyon niya.

"Wala akong maalala", hindi interesadong sagot niya.

Kanina, ikinu-kwento ng barkada sa kanya na may bagong transferee nga raw sa section ng Hope.
Pero wala naman siyang pakialam kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin. Ano'ng malay niya na ang
dating bestfriend niya pala iyon? Isa pa, hindi naman kasi sila nagkita kanina.

Kristoffer.... Bakit hindi niya naisip 'yun?

Tumayo siya at nilayuan ito. Parang eng-eng lang. Nakulong nga sila, saan niya naman iisiping
lumayo?

"Kung ganoon, ipapaalala ko sa'yo..."

Nagitla na lang siya nang sundan pala siya nito at iharap siya rito. Nagkatitigan sila ng
matagal. Matagal nga ba? O feeling niya'y huminto lang ang oras?

"I promised you na babalik ako. Heto na 'ko ngayon. Tinupad ko ang pangako ko...." Unti-unti na
lang bumababa ang mukha nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi niya
maigalaw ang katawan niya. She knew what'll happen next but she can't think straight. Hanggang
sa malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya. Malapit na parang mahahalik-

BAAM!

***
*******************************************
[9] 8. Ex-bff meets feeling Ex-bf.
*******************************************

8. EX-BFF MEETS FEELING EX-BF.

BAAM!

Napapikit na lang siya nang bigla na lang siyang yakapin ni Kristoffer.

"Aww", ungol nito.

Nang dumilat siya, nakita niyang hinihimas nito ang nasaktang likod ng ulo.

Bahagya siyang napangiwi. "S-sorry....?" hinging paumanhin niya.

Nalaglagan kasi ito ng kahon. Muntik na kasi siyang halikan nito kaya napaurong siya.
Nakalimutan niyang patong-patong na walang lamang kahon ang nasa likuran niya. Dapat kasi, sa
kanya talaga ang bagsak. Kaso, hinarangan nito. Mabuti na lang at walang laman kaya magaan
lang.

"Okay lang, 'no. Tsaka, joke lang naman 'yun. Haha. Bakit naman kita hahalikan? 'De, tinadyakan
mo 'ko? Cute mo talaga, Tana." He even pinched her nose.

Nakahinga siya ng maluwag. Biro lang naman pala.

"Sinubukan ko lang alamin kung may boyfriend ka".

He murmured something she didn't clearly hear.

She decided not to ask. Baka wala kasi talagang balak iparinig sa kanya kaya hininaan lang
nito.

Nagkatitigan ulit sila pero nagbawi agad siya ng tingin. Awkward... Sa tagal ba naman nitong
nawala? Kahit ba super close sila noon, iba na ngayon. Isa pa... galit pa rin siya.
Pumunta na lang siya sa isang sulok kung nasaan ang mga instrumento sa banda. Kailan kaya may
darating na ibang tao? Guard kaya? Paniguradong nagsiuwian na kasi sa ganitong oras ang mga
janitor, pero hindi pa ba maglilibot ang guard?

Kinuha niya ang cellphone niya. Letch, walang signal! Nilaru-laro niya na lang ang gitarang
nasa tabi niya.

"Hey, Tan... Bakit pala hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Kristoffer sa kanya.

"Tingin mo, pa'no ako makakauwi? E, nakulong nga tayo rito." Obvious ba?

"Oh? Ahh... kaya ka pala sumisigaw kanina?" Nilapitan nito ang pintuan at sinubukang buksan
iyon pero bale-wala lang.

"Tss... Ikaw nga din dyan, lakas ng loob mong mag-isa rito. May multo kaya rito, akala mong
hindi ka iyakin", bubulong-bulong na sabi niya.

"Ano namang alam ko na may multo rito? Tsaka, 'ba naman, Tana... 'Di na 'ko iyakin, 'no."
Still, she rolled her eyes. "Tsaka, may pina-practice ako. E, ikaw? Ba't ka napadpad dito?"

Na-curious siya kung ano naman ang pina-practice nito at inabot na ng gabi pero isinantabi niya
iyon. "Wala", tipid niyang sagot. Naiinis pa rin talaga siya kapag naaalala niyang iniwan siya
nito.

"Matatakutin ka pa naman..." Lumapit ito sa kanya. "Gusto mo na ba'ng umuwi?"

"Gustong gusto", bulong niya na panigurado namang narinig nito.

"May alam akong paraan."

Bigla ay napatingin siya rito. "T-talaga? Ano?"

"Pero pwede ba'ng patawarin mo muna ako?"

Napalunok siya pagkaraa'y agad na nagbawing muli ng tingin. Makakalabas lang siya kapag
pinatawad niya ito? Magandang negosasyon 'yon, ha? Pwes, manigas 'to. Ganoon ba kadali iyon?
Galit siya, e.

"Pwede ba'ng ikaw pa rin ang Tan-tan ko?"

Tan-tan.... Ang batang pakinggan. Ang corny. Pero namiss niya 'yun. Namiss niya talaga.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Oo, gusto niya ring bumalik sila sa dati. Pero
kasi, hindi naman ganoon kadali iyon. Nasaktan kasi siya.

"Promise, babawi ako. Ako na ulit ang po-protekta't magpapatahan sa'yo... Babawi ako, Tan."

Tumayo siya.

"Promise na naman? Narinig ko na 'yan, e. Pinaiyak na ako ng promise na 'yan." Hindi niya alam
kung bakit, pero bigla na lang tumulo ang mga luha niya. At pagtulo noon, agad na niyakap siya
ni Kristoffer. Pero bakit hindi siya pumalag?

"Hindi na... Hindi na kita paiiyakin. Last na 'to", sabi nito pero ilang saglit pa,
nararamdaman na niyang.... tumatawa ito. Pinagtatawanan siya nito?!

Tinulak niya ito pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Ano ba?! Wala namang nakakatawa, ha!"

"Wala naman talagang nakakatawa. Natuwa lang po ako... Tinawag mo kasi ulit akong Tin-tin
kanina." Nanlaki ang mga mata niya. Tinawag niya ba itong Tin-tin?? "Hindi mo man aminin, alam
kong namiss mo rin ako. Uuuy..." She heard him chuckle.

Totoo naman. Namiss niya talaga si Kristoffer. Siguro, kaunting panahon lang, mapapatawad niya
na rin agad ito. Mga two hours? Joke! natatawang naisip niya.

Pero kasi, noong iwan siya nito, ang lame ng reason niya para magalit dito. Ngayon. Ang babaw
ng reason para manatiling galit siya. Alam niya naman kasing walang magagawa ang isang bata sa
kagustuhan ng magulang.

"Hindi na kita iiwan... Okay?" Lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya.

"T-tin... C-cant... breathe..."

Bigla atang natauhan at umalis na rin sa pagkakayakap si Kristoffer.

"Oops. Hehe. Sorry naman, namiss lang", kakamut-kamot sa ulong sabi nito. Nang mapansin nito
ang mga luha sa mata niya, akmang pupunasan nito iyon nang bigla na lang....

BAAM! BAAM! BAAM!

Sunod-sunod na kalabog sa pinto ang narinig nila. May tao na'ng dumating para sagipin sila!
Dali-daling lumapit siya sa may pinto.

"Yanna!!! Yanna, nandyan ka ba?!! Yanna, sumagot ka!!!"


Nahigit niya ang hininga nang makilala ang boses na iyon. "TJ???"

"Shit... Manong, lakasan pa natin, nasa loob nga siya!" narinig niyang sabi ni TJ mula sa
labas.

BAAM!

Nakikita niyang nasisira na ang doorknob ng pinto.

"Tana, dito ka... Baka biglang masira, matatamaan ka." Hinila siya ni Kristoffer palayo sa
pinto.

BAAM!

Nasira ang pinto at nakalas ang doorknob dito. Noon din hingal na pumasok si TJ sa loob.

"Yanna, okay ka-Ikaw??"

MAGING si Kristoffer ay nagulat nang makilala kung sino ang pumasok sa loob.

"Ikaw??" hindi makapaniwalang bulalas ni TJ.

Oo, nagkakilala na sila kanina....................

MATAMANG pinapanuod niya sa hindi kalayuan si Yanna at ang barkada nito kasama ang ilang
lalaki. May lalaking inilalapit kay Yanna at tinutukso pero halata namang parehong ayaw ng mga
ito.

"Uy, p're... Kilala mo?" May isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagtanong.

"Ah... oo", sagot niya.

Si Yanna kasi ang tinutukoy nito. Nasa corridor sila at nasa multi-purpose hall naman ang mga
ito pero kahit malayo, kita pa rin nila ang grupo nito.

Gustong gusto na niyang lapitan ang kababata pero natatakot siyang baka galit pa rin ito sa
kanya. Kaya nga kapag magkakasalubong sila'y lumilihis at nagtatago agad siya.

"Talaga? By the way, ako nga pala si Erwin", pakilala nito sa kanya.

"Kristoffer", pakilala niya rin.


"E, iyong..... ayun, o", nginuso nito ang lalaking inilalapit kay Yanna. "'Yung nilalapit sa
kanya? Kilala mo?"

"Hindi, e. Sino ba 'yun?" curious na tanong niya. Boyfriend ba ito ni Yanna at may tampuhan
lang kaya ganoon na lang ang reaksyon sa isa't isa?

"Si TJ 'yun. Alam mo ba'ng mag-ex daw 'yang mga 'yan pero hindi alam ni Yanna? Haha! Patawa
lang, e. Ang gulo ng dalawang 'yan... Mula nang magkita, hindi na nagkasundo. Laging nag-aaway,
parang mga aso't pusa."

Lalo siyang na-curious. Nagka-boyfriend si Yanna ng hindi nito alam? Parang bago ata 'yun, ha?
Weird, he thought.

"TJ..." tawag niya kay TJ nang madaan ang grupo nito sa kanya. Sadyang hinintay niya
talaga sa labasan si TJ. Huminto naman ito pati na rin ang mga kaibigan nito.

"O?" bale-walang sagot nito.

"Totoo bang naging kayo ni Ta-Yanna?" tanong niya.

"Ano namang pakialam mo?"

Naningkit ang mga mata niya sa sagot nito. Nagka-boyfriend ng ganito kayabang si Yanna? His jaw
hardened.

"Layuan mo siya", mariing sabi niya.

Nagkasukatan sila ng tingin habang nagmamasid naman ang mga kaibigan nito sa kanila.

"E, kung ayaw ko?" hamon ni TJ.

"Basta, layuan mo siya." Iyon lang at tuloy-tuloy na siyang umalis sa harapan ng mga ito.
Pumasok ulit siya sa loob ng campus para mag-practice sa naisip niya.

--

ITLOG na 'yan, ano'ng ginagawa niyan dito?! inis na tanong ni TJ sa sarili niya.

Kanina pa siya badtrip dahil sa sinabi ng lalaking ito pagkatapos ay ito pa ang daratnan niyang
kasama ni Yanna sa loob ng music room?

Layuan ko raw si Yanna? 'Nak ng... E, sino ba siya?! Tapos natal-Shit! Napamura na lang siya sa
isip niya.

"Hoy, Yanna, halika na nga! Baka hinahanap ka na ng mommy mo.", Hinatak niya si Yanna mula sa
lalaking nakaakbay dito.

"Teka... Ako na ang maghahatid sa'yo, Tan." Pigil ng lalaki sa kabilang braso ni Yanna.

Tan? Tan ang tawag nito kay Yanna?


"Magkakilala kayo??" Malakas pa rin ang boses niya kaya tila galit ang tono niya.

"Kailangang galit?? Obvious ba? Aakbayan ba 'ko kung hindi?" sagot ni Yanna na sadyang
nilakasan ang boses.

Galit ba siya? Hindi naman, e. Badtrip lang... Pero dahil sa pagsigaw ni Yanna, mas lalong
nainis siya.

"Tara na kasi! Gabi na, o!" sigaw niya rito.

"SAGLIT! Teka lang naman kasi, di ba? Alam ko namang gabi na dahil hindi naman ganyang kadilim
sa umaga! Pwede ba kasing bitawan n'yo muna akong pareho? Paano kaya ako makakauwi, di ba?!!"
Kung malakas ang boses niya, mas malakas naman ata ang tila may sideline sa palengkeng babaeng
ito. Makukulili ata siya sa tinis ng boses nito, e.

Ipiniksi ni Yanna ang parehong mga kamay kaya binitawan nilang pareho ng lalaki ang mga iyon.

"Bakit ba kayo mga nagsisigawan dyan? Okay na ba? Magsiuwi na kayo't gabi na." Mula sa labas ay
nagsalita ang guard.

"Opo, manong, uuwi na kami. Salamat din po", sagot niya rito.

"O, sige, mauuna na ako."

"Tara na, Yanna." Hinatak niya ulit sa braso si Yanna.

"Tana..."

Pusang gala! Bakit ba ang epal ng itlog na 'to?!

Asar na asar na talaga siya. Paano'y pinigil na naman sa kabilang braso si Yanna!

"Ano ba, Yanna?! Tara na sabi!"

"Takte naman, TJ! Babangasan na kita dyan, e! Bakit ba ang init ng ulo mo?! Saglit lang,
pwede?!" Nagpumiglas si Yanna sa hawak niya kaya naman nabitawan niya ito.

Gusto niya nang mapakamot sa ulo. Kanina pa saglit ng saglit, e! Bwisit na araw talaga 'to!

"Uhh.... Tin, sa kanya na lang ako sasabay. Magkapit-bahay lang kasi kami", sabi ni Yanna kay
Kristoffer. "Ano... uhm... masaya 'ko kasi... bumalik ka", tila nahihiya pang pagpapatuloy
nito.
Ano ba namang tawagan 'yun? Isang Tan, isang Tin? Kabaduyan! puno ng disgustong naisip niya.

Si Yanna naman, kung makasigaw sa kanya, wagas! Pero pagdating sa lalaking iyon, umaarangkada
ang bait! At ano'ng sabi? Bumalik? Ibig sabihin, matagal na ngang magkakilala ang dalawa.

"Masaya rin ako kasi kahit papa'no, hindi ka na galit sa'kin... Sige, kita na lang ulit tayo
bukas. May inihanda ako para sa'yo... Sana magustuhan mo." Nilapitan ng lalaki si Yanna at....
hinalikan pa sa noo.

Napanganga siya sa isip niya. Gago 'to, ha?

"Putakteng kadramahan 'yan, o. Tapusin na, pwede?" naiinip na sabi niya. Hindi niya alam kung
bakit mas lalo siyang naba-badtrip.

"Heto na nga po, o! Putakteng kainitan ng ulo naman din kasi 'yan, e. Sobrang atat!!" sigaw ni
Yanna sa kanya. "Sige, Tin, una na 'ko. Ingat ka." Tapos balik anghel na naman pagdating sa
lalaking 'yon! Pero nang muling binalingan siya..... "Tara ka na ngang kupal ka!"

Anak ng magaling... Sino'ng hindi mababanas?

***

*******************************************
[10] 9. Wow is going on.
*******************************************

9. WOW IS GOING ON.

SA wakas ay nakapag-recess na rin sina Yanna, Bea at Julia. Paano, late silang pinalabas ni
Mrs. Joni.

"Yannabeb, bakit ganyan ang mukha mo? 'Di ata maipinta, ha?" puna sa kanya ni Kiray pagdating
nila sa tambayan. Nauna na naman ang mga ito dahil maagang magpalabas si Mrs. Perez.

"Pintor ka, 'te?" wala sa mood na balik niya.

"Sinabi kong ako magpipinta?"


"Sinabi ko rin ba'ng ikaw magpipinta? Nagtanong lang ako, di ba?" Sige... siya na ang masungit.

"Hay, nako. Kanina pa ganyan 'yan, guys", sabi ni Julia.

"Oo... Hindi namin makausap ng matino", dagdag pa ni Bea.

"Why, bading? Whut's your problem?" tanong ni Ej.

"Bii, may problema ka ba?" Sunod na nagtanong si Yen.

Umismid siya. "Problema? Naku, wala, 'no. Problema raw... Marienne talaga." Sarkastikong
ngumiti-ngiti pa siya. "Ano ba naman 'yung i-text mo 'ko kagabi para bumalik dito sa school
tapos biglang ikukulong mo lang naman pala ako sa Music Room, di ba? Walang problema, 'no. Saya
saya nga, e. Ha ha." Sarkastikong tumawa pa siya.

Pero natulala lang sa kanya ang mga kaibigan niya't pagkaraa'y mga nagkatinginan.

Malaunan ay nauna nang magtanong si Kiray. "What? Nakulong ka sa Music Room?"

"Tsaka... tinext kita? Ano ka ba. Hindi ko pa nga ginagalaw ang cellphone ko simula kahapon,
e", pagbibigay-alam ni Yen.

Biglang natigilan siya. Hindi si Yen ang nag-text sa kanya? Kung hindi... sino??

"Ikaw 'yun, Yen. Sure akong ikaw 'yun. Here..." Inilabas niya sa bulsa ang cellphone niya at
ipinakita sa barkada ang laman ng inbox niya. "O, di ba? Ikaw 'yan. Number mo 'yan, e."

"Pero, bii, hindi talaga ako ang nagtext sa'yo nito. Tsaka... Music Room? Yanni, wala kaming
subject na Music kahapon kaya paanong maiiwan ko du'n ang book ko? E, nasa locker kaya mga
books ko. At, hello? Tingin mo naman ikaw ang yayayain kong magpunta sa Music Room ng gabi?
Alam ko kayang sobrang duwakang mo. Di ba, guys?"

Agad na nagtanguan ang barkada sa sinabi ni Yen sa kanya.

"K-kung gano'n... sino 'yang nagtext na 'yan? Baka naman niloloko mo lang ako, Yen. H'wag mong
sabihing multo 'yan?" Dahil kung hindi nga si Yen.... sino?

"Bii, bakit naman kita lolokohin? Teka... hindi mo ba siya nakita kahapon pagdating mo?" tanong
ni Yen.

Napaisip siya. Nakita? Nakita niya nga ba? 'Yung tumulak sa kanya kagabi... Tama!
"Oo, kaso, saglit lang. Mga one second? Babae... naka-uniform pa nga. Kaso kasi, biglang nasara
'yung pinto kaya hindi ko nakilala kung sino. Tsaka, nakatalikod... Akala ko tuloy talaga,
ikaw", paliwanag niya.

"Omg, that was freakin' creepy, bii", Bea said.

"I know, right?"

"Wait... Tara, balik tayo sa itaas. Titignan ko kung nadoon ang cellphone ko. Baka kasi may
kumuha ng hindi ko alam", suhestiyon ni Yen.

"Oo nga! Sino ba'ng kaklase namin ang may galit sa'yo at pwedeng gumawa sa'yo no'n, di ba?
Nage-gets n'yo ba 'ko, guys?" Kiray.

"Korek, madam! Si Lexi lang naman, right?" Bea.

"That bitch talaga!" Julia.

"Lezzgo!" Ej.

Agad agad silang bumalik sa building nila. Pero pagdating nila sa itaas, nakita nila ang isang
kumpol ng mga estudyante na nakaharang sa corridor.

"Bakit sila nagku-kumpulan? May ano?" tanong ni Julia.

"Baka may meeting", hindi intereasdong sabi niya. "Dali, Yen... Kunin mo na cellphone mo",
baling niya kay Yen.

"Wait lang, ati, maki-usi muna tayo. Dali-dali!" makilig-kilig na yaya ni Ej. Napailing na lang
siya nang magpuntahan nga ang mga kaibigan niya sa kumpol. Siya lang ang hindi talaga
interesado. "Tara, dali, sumama ka rin!" Pero wala na siyang nagawa nang hatakin siya ni Ej
papunta sa kumpol.

Napaikot na lang ang mga mata niya. "Ano ba kasi'ng meron dya-"

Naputol ang tanong niya nang makita kung ano, or rather... sino, ang pinagpupulungan ng mga
estudyante.

"T-tin..." mahinang naiusal niya.

"Bey, kilala mo?" "Ikaw si Tan-tan niya?"

Hindi niya na alam kung sino ang mga nagtatanong na iyon. Biglang nablangko ang utak niya.
"Kanina pa 'yan dyan, ha." "Oo nga, e. Sino ba 'yung Tan-tan?" "Baka ako 'yan, nakalimutan ko
lang? Omg. Haha!"

Pumapasok sa tenga niya ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante pero agad ding lumalabas ang
mga iyon sa kabila.

Seriously... hindi niya alam ang gagawin niya. Gulong-gulo ang isip niya. Nakaupo si Kristoffer
sa isang armchair na may nakalagay na cardboard habang may hawak na gitara.

[Tan... sorry na. Now, I'm back. Sana 'yung dating tayo rin. J] ang nakasulat sa cardboard.

What the hell, this is so embarrassing! Napakagat-labi na lang siya sa sobrang hiya.

Nagkatitigan sila ni Kristoffer at nginitian siya nito.

"Tan... para sa'yo 'to." Tsaka ito nagsimulang mag-gitara.

"♪Just for a moment, can we escape. Just for a moment, we'll find a common place...♪"

Pagkaraan ng dalawang linya ay nagsalita ito. "Gusto kitang makasama kahit saglit lang. Namiss
kasi talaga kita ng sobra."

Hindi na niya alam ang gagawin o ire-react niya. Napapalunok na lang siya. May kanta na, may
speech pa. Pwedeng magmura?

"♪Girl it ain't easy to stay away from you, baby. I just gotta say, girl...♪"

-"Hindi mo alam kung ga'no ako nasaktan noong umalis ako. Oo, mga bata pa tayo noon, pero tao
ako, e. Nasasaktan din."

Gusto niyang matawa. He is the same Kristoffer she knew. He's just so.... romantic and childish
and..... Damn, pero kahit gano'n maiiyak na ata siya, e.
"♪Just for a moment, this is our song. This is a moment, where you and I belong...♪"

-Ito 'yung pinractice ko hanggang abutin ako ng gabi. Di ba, madalas kitang kantahan dati?
Gusto ko lang ulit na kantahan ka."

Napakagat-labi siya para pigilin ang mga luhang gustong mamuo sa mga mata niya. Ayaw niya
kasing may ibang makakita ng pag-iyak niya kahit na mababaw lang ang luha niya.

Pero napapangiti siya, sa totoo lang. So, ito pala 'yung pinraktis nito kahapon? Talagang
naghanda pa? Nagpractice... Kahit hindi niya alam ang kinakanta nito, namiss niya talaga ang
boses ng dating bestfriend niya.

"♪Girl, I've been waiting, I know you're waiting, no need to say it. So close your eyes, girl,
just for a moment...♪"

Tinapos na ni Kristoffer ang kanta at nakangiting tinitigan siya nito. "Tana... Hindi na kita
iiwan."

Hindi na kita iiwan...

Umulit sa isip niya ang sinabing iyon ni Kristoffer. Napangiti na lang siya sa kaibigan. Ang
sarap pakinggan.

Hindi na niya naintindi ang mga bulung-bulungan at tuksuhan ng mga nakapalibot sa kanya. Ang
tanging sinabi lang ni Kristoffer ang pumapasok sa isip niya.

Pero nang saglit na mag-angat siya ng tingin. Isang lalaki, hindi kalayuan sa likod ni
Kristoffer, ang umagaw ng pansin niya at lalong nakapagpagulo ng isip niya.

Si TJ....................

PAGBABANG pagbaba nila ni TJ ng tricycle, agad na hinila na naman siya nito pasunod dito.
Kanina pa siya nito hinihila. Ang tulin-tulin nitong maglakad at nakakaladkad na siya!

"Ano ba, TJ, nasasaktan ako!" Nagpumiglas siya sa hawak nito sa palapulsuhan niya dahil
nasasaktan din siya sa higpit ng pagkakahawak nito. "TJ, ano ba?! Nasasaktan sinabi ak-"

"Nasaktan din ako sa nakita ko kanina!!"

Awtomatikong napahinto siya sa biglaang paghinto at sa lakas ng sigaw ni TJ. Nalilitong tinigna
niya ito. "A-ano?"

Hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Nasktan ito?

"Aaminin ko, Yanna. Magkasama kayong dalawa ng lalaking 'yun sa loob ng Music Room at isipin na
kayong dalawa lang doon tapos dadatnan kong nakaakbay siya sa'yo? E, sobrang nag-init ang ulo
ko, alam mo ba 'yon? Sige, aaminin ko... OO, nagseselos ako."

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya kahit ba gusto niyang mapa-'weh?'. Tama ba ang
narinig niya? Si TJ? Nagseselos?

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Hindi naniniwalang tanong niya.

"Yanna, gusto kita", walang pakundangan at titig na titig sa mga mata niyang pahayag ni TJ.

Sa isang iglap, galit at seryoso ito. Pero sa isang iglap din, seryoso't malumanay na. Kaya
hindi niya alam kung maniniwala ba siya.

Okay. Alam niya na ang isasagot niya.

"Weh?"

"'Yan... 'Yan 'yun, e... Weh... Nagpapaka-corny ako para lang talaga marinig 'yang nakakapoot
mong weh na 'yan, e. Pwede ba kasing maniwala na lang?"

Gusto niyang matawa sa tono't itsura ni TJ. Naiinis na 'to pero halatang pinagtitimpian na lang
siya. Seryoso, may lahing joker ata 'tong lalaking 'to, e. Dalas niyang matawa ngayon. Kaya nga
alam niyang pinagti-trip-an lang siya nito ngayon.

"Hoy, TJ. H'wag mo na nga akong mapagtrip-an dyan. H'wag mo 'kong idamay sa mga babae mo. Hindi
mo ako madadala sa mga pambobola mo, 'no." She smirked. Ang akala ba nito ay maniniwala siya?

"Ha...nak ng...." mahinang bulong sabay buntong-hininga ni TJ. Pagkaraa'y tumingin ulit sa
kanya. "Yanna, alam kong nabibilisan ka. Pero sana, maniwala ka..."

Aba't... Ayaw paawat?

"Hoy, Salamat... sasaksakin na kita ng ballpen na nasa loob ng bag ko kapag hindi mo pa 'ko
tinigilan. Bitawan mo nga ako! Uuwi na 'ko!" bulyaw niya rito tsaka siya nagpumiglas. Pero
matigas si TJ at hindi pa rin siya binitawan. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya
nang bumaba lang ang kamay nito at hinawakan ang kamay niya.

"T-TJ!" panggigilalas niya.

Pero hindi siya pinansin nito at kahit anong pagpupumiglas niya, natangay lang siya nito na
maglakad. Ang lagay, e, para silang mag-syota na magka-holding hands sa kabila ng matinding
pagtatalo.

"TJ, bitaw nga!"

Pero kahit anong pilit niyang pagbawi sa kamay niya, wala pa ring silbi. Hinahampas niya na nga
ito pero wala talaga. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay niya, hindi pa rin
bumibitaw si TJ sa kanya. Hiyang hiya na siya. Baka kung sino pa ang makakita ang maipagkamali
sila!

"Bitiw na! Papasok na 'ko, o!"

Napaatras na lang siya nang bigla na lang itong humarap sa kanya. Titig na titig sa kanyang
nagsalita si TJ.

"Simula ngayon, nililigawan na kita. Sa ayaw at sa gusto mo... suitor mo na ako." Nanlaki ang
mga mata niya sa sinabi nito. "Kuha mo?"

Gusto niya sanang sabihing 'Ulol mo', pero nahigit niya ang hininga niya nang biglang humigpit
ang hawak ni TJ sa kamay niya. Nagugulat siya sa mga pinagsasasabi't ikinikilos nito. Ano ba'ng
nangyayari sa lalaking 'to?

At mas lalo siyang hindi nakapagsalita nang bitawan ni TJ ang kamay niya pero ikinulong naman
sa parehong palad ang mukha niya.

WHAT THE!!

Pero bigla na lang siyang napakunot ng noo nang pagpagan nito ang noo niya.

Another WHAT THE!! Pagpag sa noo?!

Magre-react na sana siya nang bigla na lang...... hinalikan nito ang noo niya!

"Kainis, naunahan ako no'ng itlog na 'yon." Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Natulala
na lang ata siya. "O, h'wag ka nang malungkot. Binura ko na... pinalitan ko pa. Bait ko, di
ba?"
Pero hindi niya pinansin ang panunukso ni TJ. Hindi talaga siya makapagsalita sa gulat at lito
sa mga kinikilos nito. 'Di kaya may sapi si TJ?

"Huy... natulala ka na dyan!" Natatawang pinukaw nito ang atensyon niya.

Napayuko lang siya. Ano ba talaga ang nangyayari??

"Sige na, pasok na sa loob", masuyong sabi ni TJ.

Wow, now he's being a gentleman? W-wow.

And then, she just felt him patting her head. "Basta simula ngayon..... maghihintay akong
maging tayo."

WOW.

--

HINDI niya mabasa kung ano ang ipinapahiwatig ng tingin ni TJ ngayon sa kanya. Titig
na titig lang ito sa kanya at sa hindi malamang dahilan, hindi niya rin mabawi ang tingin mula
rito.

Malamang na nakita nito ang event na ginawa ni Kristoffer para sa kanya. At sa sinabi nito
kagabi... Posible ba'ng... nagseselos-

Priiiiiiiiiing!

Kasabay ng bell ay ang pagbawi ng tingin ni TJ sa kanya.

Really, what in the world is happening with...... me?

***

*******************************************
[11] 10. Not alone.
*******************************************

10. NOT ALONE.

AFTERNOON classes, tapos na ang first subject nila. Hinihintay na lang nila si Mrs. Cahanding-
ang sunod nilang subject teacher. Late talaga itong madalas. Malayo kasi ang building ng
klaseng tinuturuan nito bago sila. Mabagal pang maglakad kaya mas lalong natatagalan.
Naiinip na siya. Wala siyang magawa kaya nakatunganga lang siya. Tuloy, naalala niya na lang
ang mga nangyari kagabi at kanina. Hindi naman sa nag-a-assume siya pero parang ganoon na nga.
Obvious na kasi ngayon sa kanya ang mga nangyari. Pero siguro, trip lang siya ni TJ.

"Yan... magkakilala pala kayo ni Kristoffer? 'Yung transferee sa Hope?" pukaw ni Jake sa
atensyon niya.

"Oo nga, Yanna. Ikaw pala 'yung Tan-tan nu'n?" Pati si Derick, naki-usisa rin.

Bumaling siya kay Jake. "Naku, hindi. Trip lang ata niya na kantahan ako kanina?" Pagkaraa'y
bumaling naman siya kay Derick. "Hindi rin ata? Baka wrong umber?" Tsaka niya inirapan ang
pareho. Ang obvious naman kasi ng mga tanong, tinatanong pa.

"Weh? Ohhh-kay... Haha. Pero, alam mo? Baduy n'yo." Tinaasan niya ng isang kilay si Derick sa
sinabi nito. "De joke lang. Haha. Pero totoo..."

Nagsalubong na ang mga kilay niya. "Hoy, Direk. Pinaglololoko mo ba 'ko?"

"Hindi naman, boss! Haha. Pero baduy talaga nu'ng prend mo na'yun, e", natatawang ulit pa nito.

Inakmaan niya ito. "Suntukin kaya kita? Hindi baduy si Tin-tin, kapal ng mukha mo!"

"Tin-tin??" Bigla na lang may sumulpot na asungot. Si TJ na nagsalita at sila Neil at Diego.

Kanya-kanyang pwesto agad ang mga ito. Si TJ umupong sandal sa armrest ni Jake na katabi niya
kaya ang lagay, e, magkaharapan sila pero medyo nakatayo si TJ. Habang si Neil at Diego naman,
si Derick ang tinabihan.

"Narinig na nga, inulit pa", bubulong-bulong na sabi niya.

"Narinig ko pa rin 'yun, uy." Kinalabit pa siya ni TJ.

"Wow, congrats, ha? Hindi ka bingi", naiiritang inirapan niya pa ito. Wala ata siya sa mood
makipagbiruan. Puro lalaki ba naman ang kaharap niya ngayon.

"Sungit naman nito", sabi ni TJ sa kanya.

"PMS, pwede? Shoo!" pagtataboy niya. Totoo. She is PMSing.

"Tss... Pasalamat ka, nililigawan kita."

Aba't... "Gano'n, TJ? May gano'n? 'Yung totoo? Para kanino ka bumabangon??"
"Uyy, rhyme! Haha!" natatawang sabi ni Neil sa kanya.

Inirapan niya na lang ang mga ito. Bwisit na 'to! Sinabi nang PMS ako, e! inis na naisip niya
tsaka asar na inirapan ulit si TJ.

Parang sinasabi nitong utang na loob pa niya na nililigawan siya nito. E, hindi naman talaga
siya pumayag! But on the other hand... hindi rin naman kasi siya humindi.

Argh, whatever! If I know, trip niya lang ako. Wait...

Biglang may napansin siya. Hindi nag-react ang mga kaibigan ni TJ sa sinabi ni TJ... Ibig
sabihin, alam ng mga ito ang panliligaw ni TJ sa kanya? Kung sabagay nga naman... Kung may
girl's talk, meron din ang boys. Pero maski si Derick, alam? Sabagay, madalas silang magdota,
sagot agad ng isip niya.

"Tch. Du'n nga kayo, layuan n'yo 'ko", muling pagtataboy niya sa mga ito.

"E, bakit muna Tan-tan ang tawag niya sa'yo? Ha? Huy. Huy", pangungulit ni TJ sa kanya habang
ngingiti-ngiting pinapanuod lang sila ng barkada nito. Naiinis na talaga siya, ha. "Huy, bakit
nga?"

"E, BAKA KASI HINDI YAN-YAN?! Pwede ba, Neil? Ilayo mo nga sa'kin 'tong kaibigan mo't baka
masapak ko lang." Bwisit na bwisit na talaga siya.

Pero imbis na pansinin siya ni Neil, nakita niya na lang sa gilid ng mga mata niya na tumayo si
Derick.

"Guys, guys, guys! Attention, please? May announcement po si TJ! Tingin dito kung pwede lang...
O, kung pwede lang, o!" Pumapalakpak pang tawag ni Derick sa atensyon ng mga kaklase nila.

Ayos 'yun, ha. May future sa 'Ah, mani mani, balot, penoy, binatog, tahoooo!' Haha! Natatawang
naisip niya si Derick na sumisigaw nga ng ganoon.

"Sabi mo? I-a-announce ka dyan? The what?" nalilitong tanong naman ni TJ kay Derick.

"The what? Baka kaya the you? The she? The me? The them? The everyone?? Tengene, 'tol! Panira
ka po ng moment, e. Slow!" Si Neil ang natatawa't naiiling na sumagot kay TJ. Na parang alam
din nito ang ginagawa ni Derick.

"Hay, nako! Ginoo kang Salamat ka... Saglit lang mga prens. May pagka-engot pala ang ating
bida. Haha", tukoy ni Derick kay TJ tsaka nito hinila si TJ. Nagsitayuan sila Jake at
nagkulumpungan na ang limang magkakaibigan sa gitna.

"'Tol, crush ko 'yan, e." Narinig niyang sabi ni Jake.


"Ito naman! Crush lang pala, lilipas din 'yan!" Sabi naman ni Neil.

Galing talagang magpayo ng mokong na 'to, naiiling na naisip niya.

"Tsaka, pare, ano ba? Walang pag-asa ang torpe sa taong madiskarte... Di ba, 'no, TJ?" Derick.

"Nadali mo, betlog!" sagot naman ni TJ at nakarinig pa siya ng nag-apir na mga palad.

"Basta ,'tol, suportado ka!" sabi ni Diego at isang apir na naman ang narinig niya.

Ang quiet quiet nila, grabe, naiiling muling naisip niya.

Mukha lang naman kasing nakapulong at may sikretong pinag-uusapan ang mga ito, e. Mukha lang,
pero rinig naman ng lahat. She tssed in her head. Hindi niya na lang pinansin ang kalokohan ng
mga ito.

Pero sa tagal ni Mrs. Cahanding, mukhang hindi na niya mahihintay ito. Kailangan niya nang
lumabas, baka abutan pa siya. Tumayo siya at maglalakad na sana palabas ng classroom nang
biglang akbayan siya ni Derick.

"O, Yanna, sa'n punta?"

She glared at him. "Kung sa'n wala ka." Pagkaraa'y tinanggal niya ang braso nito sa balikat
niya. Maglalakad na sana ulit siya nang bigla na namang may umakbay sa kanya. Si TJ naman
ngayon....

"Ano ba?!" angil niya rito habang inaalis ang hindi naman mapaalis na braso nito sa balikat
niya.

"Ito naman! Napakasungit mo sa'kin, ha!"

"Asungot ka kasi sa'kin!"

"Kakaiba talaga 'yang lambingan n'yo, 'no? Kahit bato kinikilig, e. Haha!" komento ni Neil na
sinamaan niya lang ng tingin.

"Mamaya na 'yang lambingan n'yo, TJ, o. Baka biglang dumating si ma'am Ding, maunsyame pa
'yan", sabi ni Derick kay TJ. "Chard, look-out nga, o. Antabay, baka dumating si ma'am", utos
naman nito sa kaklaseng si Richard.

Noon naman umalis si TJ sa tabi niya at pumunta sa harapan. Tumuntong pa ito sa platform tsaka
nagsimula.
"Ehem, ehem..."

"Daming kaartehan, 'tol! Babae lang? Ubos na oras, pakidalian lang, o!" sabat na naman ni
Derick na mukhang inip na inip na.

"Lang'ya... Ikaw na kaya rito?! Ba't ba ang dami mong line ngayon? Kami kaya bida rito!" sabi
ni TJ kay Derick.

"Haha! Pasensya naman, 'tol. Karas ata ako ni bebe Mushoo ngayon, e", pataas-taas pa'ng kilay
na sabi ni Derick.

"Sino si Mushoo, pare?" Narinig niyang bulong ni Jake kay Derick.

"Ah... 'yung crush ko", ngingiti-ngiting sagot ni Derick.

"Jake, 'di mo kilala si Mushoo bebe? Crush ni Derick 'yun, e. Pero ako crush nu'n. Haha." Neil.

"Maganda ba, p're? Pakilala mo 'ko." Diego.

"Ay, palaka!"

Napalingon siyang bigla sa bigla ring napasigaw.

"Anyare? Okay ka lang, Jules?" tanong ni Bea sa nasigaw na si Julia.

"Oo... nahulog lang si ballpy", sagot naman ni Julia kay Bea.

Sobrang matawa-tawa siya sa isip niya. Si Julia, ume-eksena! Hahaha! Selos agad, e!

"Ikaw din, hindi mo kilala? Nako, 'di pwede. Bebe ko 'yun, e." Napukaw naman nila Derick ang
atensyon niya.

"Hoy. That's my bebe, boy!" Neil.

"Ewan ko sa inyo! Inyo na nga 'yang bebe n'yo... may Juju naman ako", sabi ni Diego na palang
namula pa sa huling sinabi.

"Juju? Sino'ng juju? Parang anjuju naman nu'n", natatawang sabi ni Jake.

"Obvious ba, pre? Edi, si Ju-phhp!" Bago pa man matapos ni Neil ang sasabihin, natakpan na ni
Diego ang bibig nito.
Pero obvious naman sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Diego. Nilingon niya ang kinaroroonan
nina Bea't Julia, and shoot! Julia's blushing red!

"O, mga itlog. Makikinig na lang ba kami sa kwentuhan n'yo? May i-a-announce ata ako? Pero kung
gusto n'yo, makikinig muna kami sa inyo. Ano? Bili muna 'ko ng popcorn?" agaw ni TJ sa atensyon
nila Derick.

Oo nga pala, may i-a-announce pala ito. Maski siya, nakalimutan niya na rin, e.

Haha. Daldal kasi nila Derick, sisi niya sa mga ito sa isip niya.

"Dee, paakyat na si ma'am!" sigaw ng kaklase nilang si Richard.

"Dali, p're!" sigaw naman ni Derick kay TJ.

Napailing siya. Tutal, malapit nang dumating si Mrs. Cahanding, hihintayin niya na ;ang para
makapagpaalam siyang mag-CR.

"Okay... IV-Trust ng Assumpta Academy! Simula ngayon... Teka, mali... Kagabi pa pala. Simula
kagabi.... 'Yung babaeng 'yun na titig na titig ngayon sa future boyfriend niya..."

Napakunot ang noo niya nang ituro siya ni TJ. What the hell? E, titig na titig siya ngayon
dito!

"Yes, Helen Arianna Santana ang pangalan niya. At siya..... ay nililigawan ko na."

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya.

"Subukan lang ng iba dyan na karibalin ako, masisilayan mo ang maskels kong lulumpo sa'yo. Iyon
lang mga kababayan... Bow." At talagang nag-bow pa ang mokong...

Lahat silang magkakaklase maliban sa barkada ni TJ ay gulat na gulat, ang iba naman ay mga
namangha. Lalo naman siya! Hindi siya makapagsalita't natulala lang siya.

Feeling niya tuloy, siya si Geum Jan Di na lantarang binakuran ni Gu Jun Pyo sa iba! Like...
really?! He's crazy!
MATAPOS i-announce ni TJ ang kailangan niyang i-announce, tinignan niya ang reaksyon
ni Yanna. Matawa-tawa pa siya nang makitang tulala ito. Para inulit lang naman niya ang ginawa
niya kagabi, ah? Nagulat pa rin?

Iba talaga 'pag gwapo, mayabang na ngumiti siya sa naisip niya.

Nilapitan niya si Yanna. "Huy... kinilig ka?" ngingiti-ngiting tukso niya. Hindi niya kasi
malaman kung kinikilig ba o gulat lang ito. Pero dahil gwapo siya, malakas ang kumpyansa niyang
kinilig ito.

"O-oo... Naiihi na kasi ako", parang wala sa sariling sagot nito pagkaraa'y matuling tumakbo
palabas ng classroom nila.

Napakunot-noo na lang siya sa biglaang pag-alis nito. Padating na nga raw si Mrs. Cahanding,
e... Baka naman kaya naiihi talaga? Haha! Kwela! natawa na lang siya sa naisip niya.

"Hoy, TJ. Baka naman trip mo lang si bebe Yanna, ha?" Hindi niya namalayan na nakalapit na pala
si Julia at ang nagtanong na si Bea sa kanya.

"Ako? Bakit ko naman siya pagti-trip-an?"

"Ewan ko rin! Nakuu! I-try mo lang... Luluhod ka sa mga tala", banta ni Bea.

"H'wag ka ngang ganyan, bess. Malay mo, seryoso talaga", tila pagtatanggol ni Julia sa kanya.

"Aba, dapat lang! Binroadcast niya pa na nililigawan niya na si bebe Yanna, 'no. Kung si
Kristoffer nga kanina, hindi binroadcast, e-"

"BEA!!!" Nakita niyang pinanlakihan ng mga mata ni Julia si Bea.

"O-oops...? He-he." Alanganing napangiti pagkaraa'y napakagat-labi na lang si Bea.

Pero hindi na nakaligtas sa kanya ang sinabi nito.

"So... nililigawan na rin pala ni Kristoffer si Yanna....." hindi patanong, kundi pahayag niya.

Nasapo ni Julia ang noo niya. "Patay ka Bea kay Yanyan", iiling-iling na sabi nito.

"Ah, stupid! Sabi niya nga pala, quiet lang... Hala, ang daldal ko!" pinagtatapik pa ni Bea ang
sariling bibig.

"Ayos, p're, ha? Mukhang maganda 'to... May karibal ka pala." Bigla na lang siyang inakbayan ni
Derick.
Pakyu ka, Derick, mura niya rito sa isip niya.

"May the best man win." Tinapik naman siya ni Diego sa braso.

Kusang nagtagis ang mga bagang niya. May karibal pala siya. At kababata pa ni Yanna.

Shit.

***

*******************************************
[12] 11. Team Tin-Tan VS. Team TroYan.
*******************************************

11. TEAM TIN-TAN VS. TEAM TROYAN.

TWO guys in one day? No... Two guys in less than twho hours??? Fudge... Hindi niya alam kung
trip lang siya ng dalawang iyon o ano, e. Kasi naman... ngayon lang may naglakas-loob na
manligaw sa kanya.

Hindi pa rin siya umaalis sa CR. Kanina kasi, tumakbo siya kahit alam niyang parating na ang
teacher nila. E, sa naiihi na siya, e. Alangan namang pigilan niya pa? Sa baba siya nag-CR
dahil mas malapit para sa kanya iyon kaysa sa CR sa itaas.

Napagdesisyunan na niyang lumabas nang okay na siya kaya naman paakyat na sana siya nang may
biglang tumawag sa kanya.... "Tana!"

Natural, alam niya kung sino ang tumawag sa kanya na iyon. "T-tin.... bakit nasa labas ka pa?"
medyo ilang na tanong niya nang makalapit si Kristoffer sa kanya.

"Ah... bumili kasi ako ng makakain. Naiinip ako sa klase, e. He-he", sabay kamot pa sa ulong
sabi ni Kristoffer. "Gusto mo?" alok nito ng Magic Chips na cheese flavor. Tinanggap niya naman
dahil gutom din siya. Sabay na rin silang umakyat sa itaas.

Pagdating niya sa classroom, hindi naman siya pinagalitan ni Mrs. Cahanding. Syempre, hindi
naman kasalanan na naiihi siya, e. Sinukbit niya ang bag niya sa armchair ng nasa harapan niya
at doon inilagay ang Magic Chips na bigay ni Kristoffer na itinago niya sa bulsa niya.
"Huy, Yanna... Bawal 'yan, ha?" sita ng nasa likuran niyang si Derick sa kanya na sinamahan pa
ng kalabit nang pasimpleng sumusubo na siya. Muntik tuloy mahulog ang isusubo niyang chip.

"Oo nga, lagot ka..." sulsol pa ni Jake na katabi niya.

"Bastusan naman, o... Tss. If I know... Hihingi ba kayo o hihingi? O, ayan, alam ko namang
naglalaway na kayo dyan", inabot niya sa dalawa ang Magic Chips. Asa naman siyang alam ng mga
ito ang bawal. E, ang tulin ngang inabot ng bigay niya.

"Ba't hindi cornbits?" pabirong angal pa ni Jake.

"Wow, demanding."

"De joke lang", natatawang sabi nito.

"Ayos ka talaga, Yanna, 'no? Haha. Minsan tuloy nagsisisi ako, e..." makahulugang sabi ni
Derick na ikinakunot ng noo niya.

"Ano'ng sisi-sisi naman pinagsasasabi mo dyan?"

"Wala... Haha. Kunwari pang nag-CR, bibili lang pala", hindi niya namamalayang pagliliko ni
Derick sa usapan.

"Hoy, nag-CR po talaga ako", sabi niya. Walang kamalay-malay na nailiko na ni Derick ang
kyuryosidad niya.

HABANG nagsusulat ng notes si Mrs. Cahanding sa blackboard, pasimpleng nakipagpalit


ng upuan si Bea kay Kent kaya magkatabi na ito at si Julia ngayon.

"Jules, tingin mo? Magagalit kaya si Yanyan kapag nalaman niyang alam na nila na nanliligaw din
si Kris sa kanya?" tanong ni Bea kay Julia.

Natawa siya sa sobrang pag-aalala ni Bea. Ang luka naman kasi ng kaibigan niya, e. Daldal!
Haha, tatawa-tawang siya sa isip niya. "Ewan ko. Depende sa mood? Hindi magtatagal, malalaman
din naman kasi ng lahat 'yun sa kilos nila, di ba?" mahinang sagot niya kay Bea. Baka kasi
marinig sila ng teacher nila.

"Sabagay..." sang-ayon ni Bea. "Okay na nga 'yun! Hehe... Grabe, kainggit si Yanyan!"

"True! Kainggit talaga", sang-ayon niya. "Pero happy ako para kay bebe Yanyan. Akalain mo? NBSB
tapos ngayong 4th year pala ang simula ng lovelife niya? At h'wag ka... dalawa pa! Sino kayang
pipiliin niya?" kakamut-kamot sa babang sabi niya..
"Tama! Hihi. Pero, Jules, kanino ka mas boto? Kay Kristoffer o kay TJ?" kinikilig na tanong ni
Bea sa kanya.

"Ako? Kay TJ! Hihi!" makilig-kilig ding sagot niya. Mas gusto niya kasi ang bad boy type kagaya
TJ at mga kaibigan nito. "Ikaw?"balik tanong niya kay Bea.

"Ako? Kay... Kris!" sagot ni Bea at napatango na lang siya. "Kasi, di ba? Nakakakilig nga 'yung
kay TJ kasi i-ni-announce niya pa sa buong klase. Pero si Kristoffer, sa buong barkada siya
nagpaalam. E, alam naman nating sobrang importante natin para kay Yanyan, di ba? Feeling ko
tuloy mas boto ako sa Tin-Tan loveteam! Wii! Hihi! Oops.." natatawa siya nang medyo
napapalakas na ang boses ni Bea dahil sa kilig. Maski naman siya, kinikilig din. Paano,
nakakakilig naman kasi talaga....................

"Guys, punta muna tayo sa tambayan. Maaga pa naman, e", aya sa kanila ni Yanna.

"Ano namang gagawin natin du'n? Sa cords na lang tayo tumambay", sagot naman ni Kiray.

"E, kasi, samahan n'yo ako. Nandoon si Tin, e. May sasabihin daw", sabi ni Yanna.

"Nye? Bii, baka naman makaistorbo lang kami sa inyo? You know..." singit na niya. Naisip niya
kasi na baka ang gusto ni Kristoffer, masolo si Yanna.

"Hindi, 'no. Sabi niya nga, dapat daw na isama ko kayo, e", depensa agad ni Yanna.

Pagkarinig na pagkarinig sa sinabi ni Yanna, nanguna agad si Ej. "True that, bey? C'mon,
vamonos, sisterettes! Gora us kay fafa Kris! Hihi!" Kaya naman nagsunuran na rin sila.

"UHH.... pinapunta ko kayo rito kasi gusto ko sanang magpaalam sa inyo. Gusto ko kasing-"

"Bakit, Tin? Ano? Aalis ka na naman?" putol ni Yanna sa sinasabi ni Kristoffer. "Iyon ba ang
dahilan kung bakit mo kami pinapunta rito? Sabi mo hindi mo na 'ko iiwan, ha? Ano ba 'yan,
lokohan ba?! May pakanta-kanta ka pang nalalaman dyan! Eff... Dyan na nga kayo!!"

Biglang nag-alala siya dahil sumigaw na si Yanna. Siguradong badtrip na ang bestfriend niya.
Tumalikod na si Yanna at akmang aalis na nang pigilan ito ni Kristoffer sa braso.

"Ano ba?! Nakakainis ka na, Tin, ha! Sobra na!" sigaw na naman ni Yanna.

Silang magkakaibigan, nagkakatinginan na lang. Awkward ang posisyon nila ngayon. Alam kasi nila
ang nangyari kay Yanna at Kristoffer noon. Alam nila na nasaktan ng sobra si Yanna nang umalis
si Kristoffer. Tapos, ngayon, iiwan ulit nito ang kaibigan nila? Agad agad? E, isang araw pa
nga lang ang lumilipas. Syempre, naiintindihan nila ang kaibigan nila. Masakit iyon para kay
Yanna.

Pero imbis na sagutin ni Kristoffer si Yanna, ngumiti lang ito. Para tuloy gusto niyang sugurin
si Kristoffer ngayon din mismo. Ngumiti pa, e, nasasaktan na nga ang kaibigan nila!

"Walang nakakatawa, Kristoffer Austin!" sigaw ulit ni Yanna.

Napangiwi siya. Patay na. Buong pangalan na ang binanggit. For sure, badtrip na talaga si
Yanna.

Bigla namang sumeryoso si Kristoffer. "Tana, ano ka ba? Hindi pa naman kasi ako tapos, e.
Relax, okay?"

Hindi naman sumagot si Yanna pero hindi rin umalis. Pinagkrus lang ang parehong braso sa tapat
ng dibdib at halatang inis na inis ang itsura.

"Ganito kasi..." humarap si Kristoffer sa kanilang magkakaibigan. "Magpapaalam ako sa inyo...


Gusto kong sa inyo muna magpaalam kasi alam kong mahalaga kayo kay Tan at importante sa kanya
ang opinyon n'yo. So... gusto ko sanang-no... I mean... Liligawan ko si Yanna!" pagkasabi noon,
namula agad si Kristoffer at sila naman ay mga nagulat. Pero nagpatuloy pa rin ito. "Nasabi ko
na kanina. Bumalik ako para sa kanya. Kaya sana, suportahan n'yo ako."

Silang magkakaibigan, pasimpleng mga nagbubungguan na dahil sa kilig! Kanina, kinantahan nito
si Yanna. Ngayon naman, nagpaalam sa kanila. "Omg, ang sweet", kinikilig na bulungan nilang
magkakaibigan. Pero nang matingin sila kay Yanna, halatang gulat na gulat ito.

"Yan, you okay?" marahang niyugyog ni Yen si Yanna.

"Yes..." tila wala sa sariling tugon naman ni Yanna.

"Uhh, Tana...? Nililigawan na kita, di ba?" tanong naman ni Kristoffer.

"Yes..." tila wala pa rin sa sariling tugon ng kaibigan.

"Talaga??? YES!!!" napasuntok pa sa hangin si Kristoffer sa sobrang tuwa. "Thank you, Tan!
Promise, hindi kita sasaktan. I'll be the best boyfriend for you. Promise...." bigla na lang
niyakap ni Kristoffer si Yanna.

Medyo natawa siya. Over naman ata? Ligaw pa lang, hindi pa naman mag-on, the best boyfriend na
agad? Natawa na lang siya.

Si Yanna naman, tulala pa rin hanggang ngayon. Hindi nagre-react, e. Nang bitawan ni
Kristoffer, doon lang ata ito natauhan.

"Okay ka lang, Yanyan?" nag-aalalang tanong ni Bea.

Napakurap-kurap si Yanna. "H-huh? O-oo naman... Wait... Ano'ng sabi mo?"

Aruy, napakagat-labi siya. Since siya naman ang katabi ni Yanna, siya na ang bumulong dito.
"Gaga, nililigawan ka na ni Kristoffer. Nag-yes ka na kaya. Jusme, lutang?"

"H-huhh??!" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"Tan, tara na! Akyat na tayo", nakangiting aya ni Kristoffer kay Yanna.

At bago pa man makasagot si Yanna, inunahan na nila ito. Nagmamadaling nagkaintindihan silang
magkakaibigan na mauna na kaysa sa dalawa. Kinikilig na nauuna silang maglakad habang nasa
likuran naman nila sina Yanna't Kristoffer.

"Luuh... 'Di ko na alam kung kanino ako boto!" sabi niya kay Bea.

"Sa Tin-tan na lang tayo! Hihi. Mas kilig du'n, di ba?" kinikilig na sabi naman nito sa kanya.

"Gano'n, Bea? Tss... Ilalakad pa naman sana kita kay Jake", bigla na lang may nagsalita mula sa
likuran nila. Oo nga pala, muntik niya nang makalimutan! Nasa likuran nga lang pala nila si TJ!

"H-huh???" Bea was caught off-guard. Pasimpleng tumagilid sila ni Bea para tignan si TJ. "K-
kanina mo pa kami naririnig?"

"Malamang. May tenga kaya ako", TJ.

Napangiti siya. Mala-Yanna ang datingan ni TJ. Bagay na bagay talaga para sa kanya ang mga ito.

"Alam mo, mayabang ka kasi kaya mas gusto ko si Kris kaysa sa'yo, e. Try mo kayang maging sweet
kay Yanyan para naman kiligin din kami sa inyo katulad ng kilig namin sa kanila ni Kristoffer,
'no? Try mo", mataray na sabi ni Bea kay TJ.

"Hayaan mo na. Mas gwapo naman ako", bale-walang sagot naman ni TJ sa haba ng sinabi ni Bea.

Omg, I'm kinikilig! sigaw ng isip niya. Malakas talaga ang appeal ng bad boy sa kanya. Mas boto
na talaga siya kay TJ para kay Yanna.
"Bahala ka nga! Hindi kita tutulungan kay Yanyan! Si Kris na lang! Hmp!" iningusan ni Bea si
TJ.

"Ma'am, bakit po ang ingay sa banda do'n??!" bigla na lang pasigaw na nagsumbong si Yanna at
tinuro sila. "Pakisaway nga po, o! Nakakasakit ng ulo."

Kyaaa! Laglagan! Palibhasa, malakas sa teachers! Bad bad, bebe! Pareho silang napakagat-labi ni
Bea.

"Bea, Julia, and TJ, kanina ko pa nga rin kayo naririnig. Be quiet, please?" mahinahong suway
ni Mrs. Cahanding sa kanila.

"Yes, ma'am... Sorry po", hinging paumanhin niya. Siya pa naman ang class president. Naku!
Tinignan niya si Yanna at ang lapad pa ng ngiti sa kanila't naka-v-sign na naman! Natawa na
lang siya. Basta talaga ma-trip-an ni Yanna, kahit silang kaibigan nito, idadamay. Walang
pwera-pwera. Kaya nga nahawa sila, e.

"Ma'am, siya rin po maingay, di ba? Nasigaw pa. Pakisaway nga po, o", ganting sumbong bigla ni
TJ. Lalo siyang napapangiti. Ang tino namang manligaw pala ni TJ sa kaibigan nila. Gantihan ang
alam. Haha!

"Hindi naman ako nasigaw, ma'am, di ba? Nilakasan ko lang po para marinig n'yo, di ba po?"
ngingiti-ngiti namang depensa ni Yanna. Halatang ayaw magpatalo.

Kyaaa! Sobrang kinikilig na siya. Nagpapapansin ba ang dalawang iyon sa isa't isa o ano?
Really, she found them cute!

"Pero ma'am, ngumangata po sila kanina pa. Di ba po, hindi pa naman recess?" at talagang ayaw
ding magpatalo ni TJ!

Pero nagulat siya. Nakita pa ni TJ 'yun? Mas lalo tuloy siyang kinilig. Gusto nga talaga nito
ang kaibigan nila! Lahat nakikita, e. Sinusundan ng tingin? Yiiie! makilig-kilig siya sa isip
niya.

"Hoy, babae. Bakit ka naman ngumangata, e, oras ng klase ngayon?" baling ni Mrs. Cahanding kay
Yanna.

"Gutom po, e", nakangiti pa ring sagot ni Yanna. "Gusto n'yo po, ma'am?" at inalok pa ang
teacher nila!

"Ano ba 'yang nginangata mo?" tanong naman ng guro nila.

"Joke lang, ma'am. Ubos na po, e. Sulat ka na lang po ulit dyan. Meheh", ngingiti-ngiting sagot
ni Yanna sa teacher nila at saglit na binalingan si TJ para lang belatan.

Omg! Bakit ang cute nila?


"Hay, naku kang bata ka. O, siya, sige, be quiet na lang. H'wag na kayong ano dyan. Mamaya
magkatuluyan pa kayo, e", birong tukso ng teacher nila sa dalawa.

"E, ma'am, hindi po ata joke time ngayon? Pakituloy na lang po ang pagsusulat n'yo dyan, o",
pabiro pa ring sabi ni Yanna sa teacher nila.

"Sabi ko nga po, magsusulat na... Naku, ikaw Yanna ka, ha!" pabirong tugon din ng teacher nila.

"Hahaha!" natawa na lang si Yanna.

Ikaw na, bebe. Ikaw na ang masaya! nangingiting napailing na lang siya.

"UY, ano na? May suggestions na kayo?" tanong ni Julia sa mga co-officers niya.

May meeting kasi silang mga class officers pagkatapos ng klase nila. About sa projects para sa
section nila. Pero si Yanna, ayun at iniwanan na sila. Hindi nila alam ni Bea kung saan
nagpunta. Paano, muse lang naman daw ito at walang maitutulong. E, alam niya namang tinatamad
lang ito.

"Ikaw na lang mag-isip, Jules. Kaya mo na 'yan, magaling ka naman, e. Hehe", tugon ni Bea sa
kanya. Isa pang tamad talaga ang kaibigan niyang ito.

"H'wag namang ganu'n. Officers tayo kaya dapat tulungan", saad namang bigla ni Jake.

"H-huh? O-oo naman, 'no... J-joke lang naman 'yun", napayukong sabi na lang ni Bea.

"Teka nga pala... Nasa'n si Yanna mo?" tanong naman ng Sgt. at Arms nilang si Derick kay TJ.
Absent si Ysah, kaya si Derick lang ang kasama nila.

"Malay ko. Bodyguard ba? Tss", balewalang sagot ni TJ.

Napakunot-noo siya sa sagot ni TJ. Siguro, nag-away na naman ito at si Yanna. What's new?

"Uhh... Okay lang na mauna na kayo, guys. Kami na lang ni President ko ang mag-iisip para sa
inyo", biglang pahayag ni Diego.

Kyaaaaa! Omg, Jeje, bakit ka ba ganyan??? sigaw ng isip niya. Jeje ang tawag niya rito dahil
sabi nito, siya raw si Juju, ito naman si Jeje-from the first syllables of their names. Ang
corny nila, alam niya, pero ano'ng magagawa niya? Kinikilig pa rin siya! At ano raw? President
ko? Gah, sobrang pula na ata niya! Talagang tinabihan pa siya!
"'Yon! O, sige, 'tol, sabi mo, e", galak na sang-ayon ni Neil. "Tsaka 'yung ano..... alam mo na
'yun, ha?" makahulugang dagdag pa nito. Pagkaraa'y nagsitayuan ang lahat maliban sa kanila nina
Diego at Bea.

"Huy, Bey... H'wag mo 'kong iwan dito", sabi niya kay Bea.

"Okay", kibit-balikat na tugon naman nito.

Phew! Alam niya kasing iiwan lang sila ng boys para makapagsolo sila ni Diego, e. Atleast,
kasama niya pa rin si Be-

"Tara na, Bea! Date daw kayo ni Jake! Ayiiie!" bigla na lang hinila patayo nina Neil at Derick
si Bea. "'Yun, o!"

"Huy, h'wag!" awat niya sa dalawa.

"H-huh??? W-wait!" pero wala nang nagawa ang balak na protesta ni Bea nang hilahin na ito ng
dalawa palabas.

Hala. Ano na'ng gagawin niya? Silang dalawa na lang ni Diego ang magkasama ngayon!

"Uhh... Julia... May mga bagay sana akong gustong itanong sa'yo", pagsisimula ni Diego na hindi
niya alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya.

"A-ano 'yun?" nauutal na tanong niya. Magkatitigan lang naman kasi sila! Sobrang nahihiya na
talaga siya. Namumula pa siya!

"Pwede ba'ng........"

NAUNA nang umuwi si Yanna kaysa sa mga kaibigan niya. Ayaw niya kasing makasabay ang mga
lalaking nagpapagulo sa tahimik niyang buhay. Sina Kristoffer at TJ. Syempre! Tago-tago...
Hiya-hiya, e! natatawang katwiran niya sa sarili.

Papunta na siya sa paradahan ng tricycle nang bigla na lang... "Yanna..." may humawak sa braso
niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

Ganoon na lang ang pagtataka niya nang lingunin kung sino ito.

"Lexi?"

***
*******************************************
[13] 12. With the suitors.
*******************************************

12. WITH THE SUITORS.

"O, bakit?" tanong ni Yanna kay Lexi. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya?

"Ano... uhh.... G-gusto ko lang sanang m-mag-sorry about du'n kay Drea... S-sorry... Tanggap ko
na rin na wala na kami ni TJ. Sorry talaga. Sorry, please?" hinging tawad nito na nagpa-puppy
eyes pa sa harap niya.

Ano naman kaya ang nakain nito at biglang nagkaro'n ng halo?

"Kay", kibit-balikat na tugon niya. Mukha naman kasing sincere si Lexi, at kahit na hindi, wala
naman siyang pakialam.

"Really? Omg, thank you, Yanna! Pati du'n sa nangyari kagabi... Thank you talaga", nagulat pa
siya nang bigla na lang siyang yakapin nito pero saglit lang naman. "Thank you talaga", huling
sabi nito tsaka tuloy-tuloy na umalis na.

Problema nu'n? Ang nangyari kagabi? kunot-noong napaisip siya. Aaahh....................

Lumabas siya at nagtungo sa malapit na convenience store. Bwisit na TJ kasi 'yun. Kung anu-ano
ang pinagsasasabi. Nagutom tuloy siya. Ayaw niya naman ng stocks nila sa bahay kaya nag-abala
pa siyang lumabas.

"Kuya, ano ba! Padaanin n'yo kasi ako! Uuwi na 'ko!" isang pamilyar na boses ang narinig niya.

"Shaglit lang naman, e. Tara na kashe", sa pagkakataong iyon ay boses ng lasing na lalaki
naman.

"Yuck, kuya! Bitawan mo ako! Eww!"

Sinundan niya ang pinanggagalingan ng mga boses at hindi na siya nagulat nang makita kung sino
ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses ng babae. Si Lexi. Na kahit mukhang mapapahamak na,
sagana pa rin sa kaartihan.

"Shucks! Ang baho mo, kuya! Layo ka sa'kin! Omigosh!" nakita niya pa nang magtatara na parang
langgam si Lexi nang hawakan ito sa braso ng lasing na lalaking medyo matanda na.

"Shushal ka, 'no? Iinom lang tay-hik!-tayo... Shaglit lang naman, hindi naman kita aanu-hik!-
aanuhin, e", ge-gewang-gewang na pahayag ng matanda.

"Yuckk! Omg, kuya, you're so gross! Gosh, mommy!" ngawa ni Lexi.


'Yung feeling na mas naaawa pa siya sa matanda kaysa kay Lexi? Grabe, na-experience ng kawawang
matanda ang mapang-lait na mga salita ni Lexi. Napailing tuloy siya. Kawawa naman si manong.

Hanggang sa nakita niyang hinihila-hila na ng matanda si Lexi papunta sa iskinita at wala


namang magawa si Lexi dahil mukhang mas malakas ang matanda kaysa rito kahit na ba lasing nga
ito. At alam niyang dala na rin ng kaartihan kaya hindi makapanlaban si Lexi. Paano, kung siya
'yon, malamang na nakatakbo na siya kanina pa.

"Waaa! Heeelp!"

Tsk. Ano'ng gagawin niya? Naghanap siya ng maaring weapon sa paligid at swerte namang nakakita
siya ng bato. Ang mala slang, hindi naman siya ganoong kasama para saktan ang lasing na
matanda. Takot kaya siya sa dugo.

Madilim ang iskintang pagdadalahan ng matanda kay Lexi kaya naman nataranta siya. She knows
what'll happen next and she had no choice. Nilapitan niya ang mga ito at bahala na.

"Aahhh!!!" Pak! Pak! Pak! Pinaghahampas niya ng tsinelas niya ang matanda at napaupo ito nang
mapalakas ng husto ang palo niya dala na rin marahil sa kalasingan. "Hala, manong, sorry...
Lashing ka kasi, e", naaawang sabi niya pa sa matanda pagkaraa'y dali-daling hinila si Lexi at
tumakbo. Hanggang sa makarating sila sa mataong lugar.

"Yanna..." hingal na bigkas ni Lexi nang makarating sila sa pila ng tricycle.

"Sakay na. Umuwi ka na", iginiya niya pa ito papasok ng tricycle. "Kokei, pakihatid", sabi niya
sa driver ng tricycle na kakilala niya.

"Hey, bitch! Hindi ako magte-thank you sa'yo, kasi kung may ibang tao ang nakakita, for sure
tutulungan din nila ako. Hmp", dumungaw pa si Lexi mula sa loob ng tricycle para lang sabihin
iyon.

"Or worse, napagtulungan ka pa. Tinapa ka, walang anuman, ha?" inismiran niya pagkaraan si
Lexi. "Ilayas mo na nga 'to, Kokei", baling niya sa driver pagkaraa'y ibinalik din agad kay
Lexi ang pansin. "Ibalik kita dyan kay manong, e... Shupi!" tumalikod siya at naglakad na
palayo.

Napailing na lang siya nang maalala ang nangyari kagabi. Pagkatapos, ngayon... Hindi
raw magte-thank you, pero kung maka-thank you ngayon-ngayon lang, wagas? Hah. Kalokohan...

LUMIPAS ang isang linggo, lagi niyang pinagtataguan sina Kristoffer at TJ tuwing uwian na.
Nahihiya at na-aw-awkward-an kasi siya.

Pero ngayon, nagpapahintay sina Julia at Bea sa kanya kaya naman nasa school pa rin siya
hanggang ngayon.

"Tan..." nagulat pa siya nang paglabas nila ng room, nandoon at naghihintay pala si Kristoffer
sa kanya. Kasama ang mga kaibigan nilang sina Yen, Ej, at Kiray. "Hatid kita pauwi?" alok ni
Kristoffer sa kanya.

"Hoy, Yanna... Sabay na tayong umuwi." Automatic na tumaas sa isang sulok ang itaas niyang labi
nang marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Ooh, like a boss, she thought, a bit
annoyed.

Ito na nga ba ang dahilan niya sa isang linggong pagtatago niya, e. Itong ito ang naisip niyang
mangyayari. Ang magkasabay sina Kristoffer at TJ.

"Yiiie, bebe! Haba ng hair! You already!" kinikilig na pahayag ni Kiray.


"Tse, Kry. Try mong mag-rejoice. Tss..." hindi interesadong sabi niya.

"Truelalu ba 'yun, 'tii? Omg, Imma try! Hihi!" napaikot na lang ang mga mata niya nang sumingit
si Ej.

Bumaling siya kay Kristoffer. "Uhh.... ano kasi Tin, e... May lakad kasi kami ng barkada.
Siguro, next time na lang", palusot niya. Kung magkaibigan lang sila katulad ng dati, automatic
na papayag siya. Pero kasi, iba na ang score sa kanila ngayon, e. May ligaw factor na.

"Oha. Narinig mo 'yun, p're? Ikaw lang ang sinabihan, di ba? Tsupi tsupi din. Heh", mayabang na
sabat ni TJ. Talaga namang nuknukan ito ng yabang!

"Pwede ba? Bingi ka? Walang tenga? Lakad nga ng barkda, di ba? Barkada ba kita? EPAL!" bulyaw
niya kay TJ. Lagi na lang nitong pinapakulo ang dugo niya. Ito na ata ang may pinaka-unique na
paraan ng panliligaw.

"O, kita n'yo? Yabang, love na love ako! I love you too na nga, o", inakbayan pa siya nito pero
pabalang na inalis niya rin agad iyon.

"Tse, bwiset!" bulyaw niyang muli kay TJ at tuloy-tuloy na naglakad palayo sa mga ito.
Panigurado naman kasing susundan siya ng barkada niya.

Bwisit talaga si TJ sa buhay niya. Lagi na lang ganoon tuwing nagagalit siya. Kesyo, 'the more
you hate, the more you love daw'. E, kamusta naman 'yung lagi na lang siyang nakaangil sa
kayabangan nito? Ugh, she rolled her eyes.

Nakarating na sila sa Food Hauz kung saan sila madalas kumain ng barkada bago umuwi.

"Bakit ba nandito rin kayo? Isang batalyon po ang drama natin, alam n'yo ba 'yon?" naiiritang
baling niya sa mga bagong kasama nila. Sila Kristoffer, TJ, Neil, Derick, Jake, at Diego.

"Hihi. Hayaan mo na sila, bii. Fafas, take your seat." Inirapan niya na lang ang masayang
masayang kinikilig na si Ej.

"Oo nga, bii. Hayaan mo nalang sila", sulsol pa ni Kiray pagkaraang sikuhin si Ej

"Tss!" iritadong sambit niya. Paano, mga kinikilig kaya gustong hayaang niya na lang.

"Mano'ng aminin na lang na kinikilig sa'kin, o", mahinang saad ni TJ na narinig naman nilang
lahat.

"Mukha mo", inis na sabi niya.


"Gwapo", mayabang naman na tugon nito.

Hah. "Natawa 'ko."

"Gwapo", hihimas-himas pa sa babang ulit nito na parang hindi narinig ang pambabara niya. Argh,
ang yabang talaga!

"Haha! H'wag na kasing mainis, bii! Babanatan ka nga raw ng mga suitors mo kaya sila nandito,
e", pahayag ni Julia.

"Naks, babanatan.... Brutal", hindi interesadong sabi niya.

"Nye? Ibig niyang sabihin, paliligayahin ka nila ngayon", paliwanag ni Bea.

"Wow.... Laswa."

"Yanna! Haha! Ang green, o!" natatawang sabi ni Derick. Inirapan niya na lang ito dahil wala
talaga siya sa mood nang dahil kay TJ.

Matapos nilang maka-order ng pagkain, pinatayo ng mga ito sina Kristoffer at TJ. Hindi niya
maintindihan kung bakit kanya-kanyang cheer ang mga kaibigan niya sa dalawa. Ang malala, si Yen
at Bea lang ang sumusuporta kay Kristoffer habang kay TJ na ang lahat. Though, in good terms
naman si Kristoffer sa mga boys, si TJ pa rin talaga ang manok ng mga loko.

"Kaya mo 'yan, Kris! Go lang", nakangiting cheer ni Bea kay Kristoffer.

"Kayang kaya, p're", sabi naman ni Jake kay TJ pero nakita niya pa nang sulyapan nito ng
kakaiba si Bea. At ang lalong kakaiba.... nang ingusan ni Bea si Jake. Whoah there. What's with
those two? takang naisip niya. Well, it's just that... that's new.

"Okay... game! Simulan na!" anunsyo ni Neil.

"Goralu, fafalus!" cheer ni Ej.

Sina Kristoffer at TJ naman, matamang nagtitigan na para bang may kuryenteng dumadaloy sa
pagitan ng kani-kanilang mga mata. And the next thing happened....

The hell?!

***

*******************************************
[14] 13. Play.
*******************************************
13. PLAY.

EXCITED na tinunghayan ni Julia ang ginagawa nina TJ at Kristoffer. Sino kaya ang mananalo?
Sana umepekto naman ang plano nila. Kahit na ba... disappointed siya sa pinag-usapan nila ni
Diego noong nakaraan....................

"Pwede ba'ng......"

Dugdug. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Pwede ba'ng???

".........tulungan mo kaming ilakad si TJ kay Yanna?"

Basag. Speechless, or rather, disappointed... she just let out a sigh. "A-ahh... H-hehe... S-
sige! P-pa'no???" pilit ang ngiting tanong niya kay Diego.

"'Yun!" masayang sabi ni Diego. "Ano lang... tutal bestfriend ka niya... ano sa tingin mo 'yung
mga bagay na gusto niya? 'Yung kikiligin siya?"

Napaisip siya. Makakapagpakilig kay Yanna? E, ang dalang dalang nilang makitang kiligin ang
kaibigang 'yon. Kung anu-ano na lang tuloy ang sinabi niya.

Kaya nga heto sila ngayon...

"Ano ba'ng kalokohan kasi 'yang ginagawa nila?!" naiiritang bulalas ni Yanna.

"Baka nagja-jackstone kaya? Obvious ba'ng nagja-"

"Oo, Derick, alam kong Jack-En-Poy ang ginagawa nila", putol ni Yanna sa sasabihin ni Derick.
"Bobo ba 'ko? Nipis utak? Isang maling sagot, tatamaan ka", banta pa ni Yanna. Natawa sila.
Hindi talaga uubra ang kahit na sino sa kaibigan nila. Or maybe, someone's an exception.

"Jack-en-poy! Hale-halehoy! Sino'ng matalo, ikaw unggoy!" kanta ni TJ. "Sabi ko sa'yo, unggoy
ka, e. 'Nak ng... Pa'no ka nakawala?" nang-iinis na sabi pa ni TJ kay Kristoffer nang manalo
ito.

"Tsh! Kumanta pa kasi, e! Panira..." kakamot-kamot na lang sa ulong sabi ng natalong si


Kristoffer. Papel kasi ang pinantira nito, gunting naman si TJ.

"Ano ba kasi'ng kalokohan 'yan? Tantanan, pwede?" inis na sabat ni Yanna. Wala man lang atang
pakialam kahit na pinagtitinginan na ito ng mga katabing tables nila.
"You're so kj, ati! Hayaan mo na sila", sabi ni Ej kay Yanna.

"Hayaan? E, kung nagbugbugan pa 'yang mga 'yan, baka hinayaan ko lang talaga, e", asar na sagot
pa rin ni Yanna.

"Bey, hayaan mo na lang", pagpapahinahon naman ni Yen kay Yanna na hindi makapaniwalang nagbuga
na lang ng hangin. "Hah!"

"O, ikaw ang nanalo, TJ. Ikaw ang mauna", sabi niya kay TJ.

"Okay. Uhh... Yanna?" pagsisimula ni TJ pero irap agad ang natanggap nito mula kay Yanna.
"Sana, ID na lang kita", pagpapatuloy ni TJ.

"Kkkkk!" Kung si Yanna ay tinaasan lang ng kilay si TJ, hindi naman sila magkamayaw na
magkakaibigan sa kilig dahil kahit alam na nila ang kasunod doon, benta pa rin basta kay TJ
galing!

"Bakit daw!" si Neil na ang tumugon nang hindi man lang umimik si Yanna.

"Para kapag nawala ka, alam nilang..... AKIN KA", mayabang na pahayag ni TJ kay Yanna na
sinamahan pa ng kindat.

"Kyaaaaa!!! Omg, ano ba 'yan!" kilig na kilig silang magbabarkada.

"Kilabutan ka, 'tol! Haha!" komento naman ni Neil kay TJ. Iba talaga ang babae sa mga lalaki.

"E, itlog!" balik ni TJ kay Neil tsaka naman bumaling kay Yanna. "Uy, kinilig? Pogi ko talaga",
hihimas-himas pa sa babang pahayag nito.

"Spell ASA? Mukha ba akong kinilig?" inismiran pa ni Yanna si TJ.

Kapag nakikitang ganoon ang dalawa, bakit kinikilig siya? In all fairness, boto talaga siya kay
TJ para sa kaibigan niya.

"Tss. Kj!" Lalo pa siyang natawa nang gantihan ni TJ si Yanna bago muling humarap kay
Kristoffer. Sabi na nga ba't tama siya, e. May uubrang katapat din si Yanna.

Nagjack-en-poy na naman sina TJ at Kristoffer at nanalo na naman si TJ.

"Pato ka ba?" tanong ni TJ kay Yanna pero muli... inirapan lang ito ni Yanna.

"Bakit daw ulit! Hihi", si Kiray naman ang sumalo ngayon.


"Kasi, ikaw ang..... BEBE KO", at kagaya kanina, kumindat na naman ito.

Kyaaa! mas kinilig siya kaysa kanina.

"Tss! Corny", walang kalatoy-latoy na sabi naman ni Yanna.

"I volunteer! Hihi! Kyaaa! Me is so kilig! Me na lang fafa Teej! Ako na lang ang pato mo!
Hihihi!" kilig na kilig na sabi ni Ej.

"Tch! Tahimik! SaPATOsin kita dyan, e!"

Hala. Mukhang naiirita na rin si TJ! Paano, ang ganda naman kasi ng mga nakukuha nitong
reaksyon mula kay Yanna. Tsk-tsk. She felt sad on TJ's part.

Another round of jack-en-poy, si Kristoffer naman ang nanalo.

"Your turn, Kris! Galingan mo!" cheer ni Bea kay Kristoffer.

"Hehe. Salamat", tugon naman ni Kristoffer.

"Tawag mo 'ko?"

Natawa silang lahat maliban kay Yanna nang sumabat si TJ. Hindi na lang ito pinansin ni
Kristoffer.

"Hmp! Kris, go na", another cheer from Bea.

"Dalian na lang, pare, o", tila wala rin sa mood na sabat ni Jake. Nagtama na naman ang tingin
nito at ni Bea pero iningusan lang ulit ni Bea si Jake. Now, now, what's with people's mood?
Bakit ang daming badtrip ngayon?

"Uhh... Tan...?" baling ni Kristoffer kay Yanna.

"H-huh?" nahihiyang tugon naman ni Yanna.

Daya! Kay Kris may sagot, kay TJ wala! Unfair!

"Alam mo, ang pag-ibig ko sa'yo ay parang kinopyang assignment", nahihiyang pagpapatuloy ni
Kristoffer.
"H-huh?" nahihiya pa ring sagot ni Yanna.

"Kasi..... ang hirap i-EXPLAIN", pagkaraa'y napayuko pa dala ng hiya si Kristoffer.

Syempre, hindi pa rin nila naiwasang kiligin lalo pa't nakikita nilang namumulang pareho sina
Kristoffer at Yanna. Pero mas kinilig pa rin talaga siya kina TJ at Yanna.

Kaya lang... bigla namang tumayo si TJ... Padabog.

"O, p're, suko agad?" pigil ni Derick kay TJ.

"Naaawa lang ako sa mga mata ko. Kayo, hindi ba kayo naaawa sa mga mata n'yo? Sakit kaya sa
mata."

Kuntentong napangiti siya nang marinig ang sinabi ni TJ. She thought he'll easily give up. But
right then, she was wrong. Hindi na talaga mababago, Team TroYan na talaga siya!

"Aalis lang ako... hindi sumusuko", makahulugang pahayag ni TJ tsaka ito tumalikod para sana
umalis nang biglang.....

BOOG!

BUTI na lang, magaling magtago ng emosyon si Yanna. Sa totoo lang kasi, kanina pa
siya kinikilig-no. She mean, kanina pa siya natutuwa sa mga banat ni TJ sa kanya. Ayaw niya
lang ipakita kay TJ dahil for sure, lalaki na naman ang ulo nito. Nuknukan na nga ng yabang,
baka umapaw na.

Kaso, noong bumanat naman si Kristoffer, hindi niya naitago ang hiya niya. Si Kristoffer kasi
iyon, e. Hindi naman siya asar kay Kristoffer at talagang nailang siya nang may banggitin itong
pag-ibig.

Kaya lang.... nagalit naman ata si TJ.

Boog!

May nakabungguang babae si TJ pagtayo nito. Napaupo ang babae samanatalang nakatayo pa rin si
TJ.

"Aww", the girl on the ground groaned. "The hell?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinada-
TJ???" said the girl, surprised. And as she look at her, she finds her beautiful.
"Ching???" kagayan ng babae, hindi rin makapaniwalang bulalas ni TJ.

Bigla na lang tumayo ang babae at bigla bigla na lang din nitong niyakap si TJ na ikinabigla
niya, pero hindi niya ipinahalata.

"Oh my god, TJ! Hinahanap talaga kita! Gosh, I missed you!" galak na pahayag ng babae.

Sino ito? Ex ni TJ?

"P're, baka ipakilala mo pa kami", sabat ni Derick na katabi si Neil nang maghiwalay si TJ at
ang babae. Si Derick at Neil naman, parehong na-excite.

"Si Ching", tipid na pakilala naman ni TJ dito.

"You're so forever mean, TJ!" nakabusangot na sabi ng babae kay TJ pagkaraa'y binalingan sila.
"Oh, hi, I'm Joicelle! Joice can do! I'm his girl-"

"C'mon, Ching", naputol ang pagpapakilala ng babae nang bigla na lang hawakan ni TJ ang kamay
nito at hilahin paalis ng lugar.

Now, what was that? They were all left confused.

"Anak ng habulin 'yang si TJ talaga, o. May tinatago palang chick!" pahayag ni Derick.

"Chick agad? Malay mo pinsan?" pagtatanggol naman ni Jake.

"E, tingin n'yo? Ano ba'ng huling sinabi nu'ng babae? Di ba, 'girl'?" Neil.

"Girlfriend?" Diego asking for confirmation.

"Nadali mo, boy!" Derick.

"Oo nga, 'no!" sang-ayon naman ni Kiray.

"Kaya na nga ba mas boto ako kay Kris, e", Bea said.

"Tss", bigla na lang tumayo si Jake pagkarinig kay Bea tsaka umalis. Kanina pa siya nagtataka
sa dalawang iyon. May problema ata talaga't nase-sense niyang mainit ang dugo nito sa isa't
isa.

"Guys, una na rin kami", paalam ni Neil sa kanila. Sinundan nila Neil, Diego, at Derick si
Jake.

"Tsk-tsk..." iiling-iling si Yen nang balingan niya.

"Bebii, d'you want me to order Yakult? Okay ka pa ba tiyan?" nag-aalala pero kwelang tanong ni
Ej sa kanya.

"Nye? Loka, bakit naman ako hindi magiging okay?" natatawang balik tanong niya.

Pero sa loob-loob niya... Girlfriend? Ano 'to? Lokohan??? May girlfriend tapos nanliligaw???
B*llshit!

***

*******************************************
[15] 14. Taken.
*******************************************

14. TAKEN.

NAGLALAKAD na si Yanna sa loob ng village pauwi sa bahay nila.

Hindi niya pa rin talaga makalimutan ang nangyari kanina. Paano'ng may girlfriend pala si TJ ay
ganoon na lang ang lakas ng loob kung ligawan siya? Ang ganda ganda ng girlfriend, hindi pa
nakuntento? Siya pa ang napagtrip-an nitong paglaruan? Hah. 'Yan ang hirap sa mga lalaki, e.
Hindi kuntento sa isa. Ano siya? Panakip-butas?

"Yanna???"

Walang kalatoy-latoy na nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kanya.

Dang... Bakit hindi niya napansing nasa harapan niya na pala ang mga ito? Palibhasa, kanina pa
siya latang latang naglalakad, e. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?

"Oh... the girl earlier... Kilala mo 'ko?" tanong niya sa babaeng kanina'y nakabungguan ni TJ.
Ito kasi ang tumawag sa kanya. Ching or Joice? Whatever.
"You mean you were with TJ's friends earlier? Aw, I didn't notice", though the girl is smiling
at her after giving her an apologetic look, she sounded bitch from her ears. "Anyway..."

Napataas ang isang kilay niya nang isang iglap ay seryoso na ang itsura nito. Ngiting-ngiti
tapos biglang seseryoso? Parang siya lang.

"....I'm TJ's girlfriend", the girl proudly said.

Hindi na siya nagulat dahil kanina pa naman nito nasabi iyon, hindi lang kumpleto. Pero
simpleng logic lang, makukuha naman agad. Tinignan niya si TJ pero wala siyang makapang
ekspresyon sa mukha nito. Sa ibang direksyon din ito nakatingin habang magkasalubong lang ang
mga kilay.

"Galit nga pala ako sa'yo for what you did to him years ago. Actually, hindi ako nandito lang
pansamantala, kundi PANSAMANTAGAL. Kung nagawa mong muntik nang sirain ang buhay niya noon...
pwes, hinding hindi mo na siya masasaktan ulit dahil hindi ko na 'yon mapapayagan ngayon."

Hindi niya alam kung nakakunot ba ang noo niya o nakataas ang isang kilay niya habang nakatitig
sa babaeng kumakausap sa kanya. O di kaya'y pareho. "Alam n'yo, para kayong bangag na
nakahithit ng shabu. Okay lang ba kayo? Kasi, sa totoo lang, pinagpipilitan n'yong kilala n'yo
ako at naging girlfriend niya pa ako, when in fact, ngayon ko lang kayo nakilala."

Ano ba kasi ang pinagsasasabi nito? Sinaktan? Kailan niya ba sinaktan si TJ? At muntik pang
masira ang buhay? What in the world.... nagka-amnesia ba siya???

"Whatever you say... H'wag na nating pag-usapan dahil ayaw na ayaw ni TJ ang pinag-uusapan pa
ang nakaraan", ngumiti naman ito sa huling sinabi. "We'll go ahead! I-de-date niya pa raw ako,
e. Bye!" the girl even waved goodbye.

Edi, mag-date kayo! The hell I care.

"KITA mo 'yan? Kaya na nga ba ayaw ko sa kanya para sa'yo, e. Kita mo, may girlfriend
pala pero kung makapag-pacute sa'yo? At ikaw! H'wag mo 'kong artehan, ha? Nabu-bwisit ako sa
inyong dalawa!" dinuro-duro at inis na bulyaw ni Bea kina TJ at Joice.

Sobrang affected siya para sa kaibigan niyang si Yanna. Pinaglalaruan lang pala kasi ito ni TJ!
Nanliligaw, pero may girlfriend pala. At ang malala, sinundan ng girlfriend at ngayon ay sa
paaralan na rin nila mag-aaral! Buti na lang talaga at may Kristoffer pa si Yanna.

Si Yanna na mukhang hindi affected at mukhang mas affected pa siya. Prenteng prenteng nakaupo
lang ito sa pwesto nito't hihikab-hikab pa.

"Bea, wala ako sa mood makipagtalo sa'yo", sabi ni TJ sa kanya.

"Ah, gano'n??? Fudge, TJ! I'm warning you... H'wag na h'wag ka nang makalapit kay Yanna.
Kundi..... nakuuu!"
"Ano? Ano'ng gagawin mo sa boyfriend ko? Pwede ba? Just get over it. I won't allow your stupid
friend to hurt him, again."

Natuon ang pansin niya kay Joice dahil sa huling mga sinabi nito.

Hurt him? Again? "A-ano'ng sinasabi mo?" nalilitong tanong niya.

"Hindi mo alam. Wala kayong alam, di ba? So, pabayaan n'yo na lang kami dahil ayaw na naming
pag-usapan pa 'yun. Lalong lalo na si TJ", tugon naman nito.

Nalilito siya. Ano'ng ibig sabihin ng mga salita ni Joice? Si Yanna? May hindi ba sila alam?

Nilingon niya si Yanna pero nakatingin lang ito sa labas.

Really... what is going on?

Lunch time na at hinihintay na nila sina Ej, Kiray, at Yen sa labas ng room ng mga ito. Mas
nauna kasi ang labasan nila ngayon kaysa sa Love.

"Yannabeeey! Ano? Keri pa, 'tii?" salubong agad ni Ej kay Yanna nang makalabas ito.

"Hmp! Bet ko pa naman siya for you. Kay Tin-tin mo na nga lang ako", pahayag ni Kiray.

"Bii, okay lang 'yan", sabi naman ni Yen kay Yanna.

Pero may biglang lumapit sa kanila. "Uhh... Yanna...." Lexi approached Yanna.

Ano namang problema nito? Aawayin na naman si Yanna?

"O?" tipid na tugon ni Yanna rito.

"Ano, kasi... syempre, nabalitaan ko 'yung nangyari... Okay ka lang? Mas masakit siguro 'yung
nararamdaman mo ngayon kaysa sa naramdaman ko no'ng makipag-break si TJ sa'kin."

Natawa naman si Yanna sa sinabi ni Lexi. "Kaloka kayo. Ano ba'ng pinagsasasabi n'yo? Para naman
akong namatayan niyan! Haha. Wala lang sa'kin 'yun, 'no. Bakit naman ako masasaktan?"
natatawang sagot naman ni Yanna.

At mukha namang totoo sa nakikita niya. Mukha naman talagang hindi affected ang kaibigan nila.
Buti na lang talaga.

"Hehe. Uhh... F-friends...?" nahihiya pang tanong ni Lexi.

"Sure, why not, coconut, poknat", kibit-balikat na tugon ni Yanna. "Sa'kin okay lang, e. Ewan
ko sa kanila", tukoy ni Yanna sa kanila.

"Okay lang sa'kin", siya na ang unang sumang-ayon.

"Sa'min din!" nakangiting sang-ayon din ni Julia. "Tara, sabay ka sa'ming mag-lunch!" aya pa
nito kay Lexi.

Sa totoo lang kasi, mabait naman si Lexi kahit na bitchy. Parang si Yanna nila... mabait pero
bully. Oo, medyo magulo 'yun. Mabait na bully.

Kasama na nila si Lexi nang magtungo sila sa canteen.

"Oy, ano'ng oorder-in natin? Ikaw, Lexi?" tanong ni Julia nang nasa loob na sila ng canteen.
Medyo matao na rin.

"Chicken curry", nakangiting sagot naman ni Lexi.

"Ikaw, Beabey Whatshorsh?" kumapit pa sa braso niyang tanong ni Ej.

"Uhh... beefsteak na lang, baks. Ikaw, Yannabey? Hotsilog na naman?" tanong niya sa nasa
likuran niyang si Yanna habang sa menu nakatingin. Hilig kasing order-in ni Yanna ang hotsilog
tuwing lunch.

"Yanyan?" ulit niya nang hindi sumagot si Yanna. Pero hindi pa rin ito sumagot kaya naman
nilingon niya na ito. "Huy, Yanya-" napahinto siya nang walang Yanna ang nakita niya sa likuran
niya. Nilingon-lingon niya ang paligid pero hindi niya rin nakita si Yanna. "Luuh. Guys, nasa'n
si bebe???"

"Huh???" sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan niya.

"Yanni?" nilingon-lingon din ni Kiray ang paligid.

"Omg! Nasaan ka, Elisa???" kunwaring natakot pa si Ej.

"Ih, gaga! Arianna, hindi Elisa! Kaloka. Haha", natatawang sabi ni Lexi with matching hampas
factor pa.
"Sorry naman dyan, bading. Na-curious lang. Nawawala rin si Elisa, debuh?" Ej.

"Loka, nagpakita na si Elisa sa tv", pahayag naman ni Yen.

Ayan. Alam niyang nagkakautuan na.

"Ay, nakita na? Edi, si Yanna na! Si Yanna na ang bagong Elisa! Kever! Hihi!" Ej.

"Uy, seryoso muna, guys. Nasaan nga si Yanna? Normally, laging nagpapaalam 'yun kung saan siya
pupunta, di ba?" nag-aalalang sabi ni Julia.

"Oh my golly golly gulaloo! Nawawala si Yannabey!" Ej.

"H'wag ngang paranoid, guys. Campus 'to, bakit naman mawawa 'yun? Paniguradong nandyan lang
'yun, 'no", sabi niya sa mga kaibigan.

Pero, kahit siya din talaga, nag-aalala. Nasaan nga ba kasi si Yanna? Nasaan ka, Arianna?

KANINA, habang naglalakad sila papuntang canteen, dinukot ni Yanna sa bulsa niya ang
cellphone niya kaya medyo nahuli siya ng paglalakad. Naramdaman niya kasing nag-vibrate ito.

Nang bigla na lang siyang mapasinghap nang isang kamay ang tumakip sa bibig niya at isa pang
kamay ang yumakap sa bewang niya pagkaraa'y binuhat siya palayo sa barkada.

Ano'ng nangyayari???!

Pinilit niyang manlaban kaya lang ay malakas talaga ang kumi-kidnap sa kanya. Ang mga
nakakasaksi naman, ni hindi man lang nag-abalang tulungan siya! Mga ngingisi-ngisi pa!

Hindi na siya napansin ng barkada dahil sa maingay na nga ang ibang estudyante, matulin pang
maglakad ang mga ito.

Sinubukan niya pa ring magpumiglas pero wala talaga! Nang bigla na lang may pumasok sa isip
niya. Dali-daling kinagat niya ang kamay ng may hawak sa kanya.

"Aah!" Nabitawan siya ng may hawak sa kanya dahil sa ginawa niyang pagkagat sa kamay nito.
"Aray, ha! Napaka-amazona talaga nito!" reklamo nito.

Galit na nilingon niya ang lalaki. "The eff.....! Balak mo ba 'kong kidnap-in? Ano na namang
pumasok sa utak mo't ginawa mo 'yon? Baliw ka na ba? Ha, Salamat?!"

***
*******************************************
[16] 15. Spotted.
*******************************************

15. SPOTTED.

"I'll text bebe na lang, okay? Guys naman nasa campus tayo, hello? Hindi 'yun mawawala", ulit
ni Bea sa kaninang sinabi niya.

"Ay, oo nga, 'no? Sige, you text her na. Chibugan naaa! Hihi!"

Walang'yang bakla talaga 'to, natatawang nailing na lang siya. Kumain na nga sila... Siguro
naman, maya-maya lang, susulpot na rin si Yanna.

Naramdaman niyang may mga naupo sa likod na table nila.

"Hi, guys", narinig niya ang boses ni Neil.

Biglang nawalan agad siya ng gana. Ang mga ito pala.

"Uy, fafas! Join us here na lang! Come, come come! Hihi!" aya ni Ej sa mga ito.

"H'wag na lang, Ej... Baka may magpapansin dyan, e. Dito na lang kami", narinig niya ang boses
ni Jake.

"Ay?" tila mga nalitong nagtinginan sa kanya ang barkada.

Binagsak niya ang kutsarang hawak niya. Tama ba ang narinig niya? Shit. Nagsisimula nang uminit
ang ulo niya. Pasensyahan, pero hindi siya pasensyosang babae. "Wow, ang hangeen! Hoo!"
naiiritang parinig niya.

"Alam mo, 'tii? Kung nandito si Yannabey, pinayuhan ka na no'n na mag-jacket." Ej.

"Korak! Haha!" tawanang sang-ayon din ng barkada.


Binigyan niya ng warning look ang mga ito na ang ibig sabihin, wala siya sa mood makipagbiruan.
Agad namang naintindihan ng mga ito iyon at automatic na naghintuan sa pagtawa.

"Nawalan na 'ko ng gana. Hanapin ko na lang si Yanyan", pahayag niya tsaka siya tumayo.

Pero bigla na lang siyang napalingon nang may pumigil sa braso niya. Si Jake... Tumayo pa
talaga para lang awatin siya? "Kumain ka. Baka ako pa ang sisihin mo 'pag nagutom ka."

Sarkastikong napangiti siya pagkaraa'y kinagat ang ibabang labi. Imbis na sagutin si Jake,
sinipa niya ng malakas ang binti nito.

"Aah!" napahawak ito sa binting tinamaan niya pagkaraa'y galit na tinignan siya.

"Why, Jake? Hindi naman kita gusto at never din kitang magugustuhan. Hindi pa ba malinaw 'yon?"
she praised her act. "Pwes... tandaan mo 'yan ngayon", inismiran niya si Jake at tuloy-tuloy
nang lumabas ng canteen.

Siguro, marami nga ang nakarinig sa sinabi niya kay Jake. Pero wala siyang pakialam. Marami
naman kasi ang may alam na gusto niya ito. Maski si Jake, alam mismo 'yon. Pero mali naman ang
mga ito, e.

Hindi niya gusto si Jake. Wala siyang gusto rito.... Dahil mahal niya ito. For 3 years....
she's inlove with Jake.

At kung bakit siya nagkakaganito ngayon ay hindi dahil sa nagsawa na siya. Natauhan lang
siya....................

"Bakit ba natin iniwan sila Julia't Diego du'n? May pina-plano kayo, 'no?" tanong niya kila
Neil nang makababa na sila ng building nila.

"E, pagbigyan mo na silang makapagsolo. Mag-uusap lang naman, e", sagot ni Neil. "Kayo rin
magsolo-este, mag-usap! Haha! Una na kami! Paalam!" bigla na lang itong kumaripas ng takbo,
ganun din sina TJ at Derick.

"Tss. Mga loko talaga", iiling-iling na sabi ni Jake.

She pouted. "Uy, Jake, hintay naman!" habol niya rito. Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy
lang sa paglalakad. 'Kyaaa! Sabay kaming maglakad!' kinikilig siya sa loob-loob niya.

"H'wag mong sabihing kinikilig ka? Ngingiti-ngiti ka pa dyan", puna ni Jake sa kanya.

"H-huh? Aah, e... hindi naman masama, di ba?" tila pag-amin na ring tugon niya.

"Wala naman akong gusto sa'yo. Alam mo 'yun, di ba?"

Bigla na lang siyang natigilan sa sinabi nito. Bakit ang daling lumabas sa bibig ni Jake ang
mga katagang 'yon? Mabait si Jake, alam niya... alam ng lahat... Pero bakit pagdating sa kanya,
hindi niya makita 'yon? May nagawa ba siyang masama? Bakit lagi na lang itong masungit sa
kanya? Nasasaktan kasi siya, e.

"B-bakit?" ang tanging lumabas sa bibig niya.

"Alam mo naman 'yun, e. Para ka kasing bata. Isip bata... Ang ayaw ko kasi sa lahat, e, 'yung
babae ang nagpa-pacute sa lalaki", walang atubiling pahayag nito.
"In short... ayaw mo talaga sa'kin." She doesn't need to ask nor confirm it anymore. It is just
so freaking obvious. "Sino ba naman kasi'ng nagsabing gusto kita? Haha. Alam mo 'yung
nakakatawa? 'Yung ngayon 'yun, e. 'Yung ang sungit sungit mo kasi akala mo gusto kita?
Patolaaaa! Crush lang kita, pinalala n'yo naman. Hahaha!" Idinaan niya sa tawa ang sakit na
nararamdaman niya.

Pero... masakit talaga, e.

"Buti naman pala kung gano'n. Konsensya ko pa kasi 'pag na-depress ka. 'Yun naman pala... Sige,
dyan ka na", sabi nito sa naiinis na tono tsaka naglakad palayo.

Pero nang malayo na si Jake, tinawag niya ito. "Jaaake!!!"

He stopped in his tracks.

"Promise, hinding hindi kita magugustuhan. Tandaan mo 'yan!" sigaw niya.

Pero dahil wala talagang pakialam si Jake sa kanya, nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.

And when he's gone, her tears perfectly mocked her.

'Hinding hindi kita magugustuhan, Jake. Dahil noon pa man, mahal na kita.'

Simula noon, lagi na silang magkabangayan. Second TroYan na nga raw sila, e. Pero
kahit na ganoon, mahal niya pa rin si Jake at mahirap itanggi sa sarili niya 'yon.

"MAKA-react naman! Kalma! Kung kidnapper talaga ako, swerte mo't ang gwapo ko!
Tss.... aso!" ganting bulyaw ni TJ habang hinihimas-himas ang mga daliring kinagat ni Yanna.

"Aso??? Baka gusto mo'ng kagatin ulit kita dyan?" banta ni Yanna kay TJ.

Nasa tapat sila ng CR ng boys at hindi niya alam kung bakit dito pa sila napadpad.
Pinagtitinginan lang naman sila ng mga kalalabas lang mula roon.

"Kita mo? Asong aso, panay kagat ang alam. Tss."

"Ewan ko sa'yo! Pwede namang lapitan mo na lang ako, ha! Bakit may pakidnap-kidn-" naputol ang
pagbulyaw niya kay TJ nang bigla-bigla na lang siyang hilahin nito papasok mismo sa loob ng CR
ng mga boys.

Baliw na ba ito?! Ano ba'ng tumatakbo sa utak nito't sa loob ng CR pa talaga siya ipinasok?
Sira na ata ang ulo nito!

Ang tangkang pagpiglas niya kay TJ ay napigil nang pagpasok nila sa loob, may dalawang lalaki
ang nagulat sa pagpasok niya pero hindi nag-abalang ihinto ang mga pinagkakaabalahan. Automatic
na nanlaki ang mga mata niya pero natakpan agad iyon ni TJ. "Bawal manilip, uy", bulong nito sa
tenga niya.

Swear to heaven, she felt shiver ran down her spine. And for an unknown reason, she chose to
remain still.

Nasa likod sila ng pinto, at hindi niya alam kung ano ang dahilan at nandoroon sila ngayon.
Nagtatago ba sila, o ano? Kung nasa normal na pag-iisip siya, malamang na nakatanggap na ng
flying kick si TJ where it hurts the most kanina pa. Pero wala... walang matino ang pumapasok
sa isip niya ngayon.

"Hala, TJ, ano 'yan?" tukso ng isang lalaki.

"Ssh! Tahimik!" angil ni TJ sa nagsalita.

"TJ....! TJ, where the hell are you?! Argh...! Sa'n ba nagpunta 'yung lalaking 'yun?" boses ng
babae mula sa labas ang narinig niya. At hindi siya pwedeng magkamali. Boses iyon ni Joice.

Ito ba ang dahilan kung bakit sila nandirito't nagtatago ngayon?

Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong-hininga si TJ bago nagsalita. "Wala na."

Pero nang dahil sa tumama sa mukha niya ang mainit na hininga nito, mas lalong bumilis ang
tibok ng puso niya. Parang kinilabutan din siya. Oh my god, what is happening to me?!

"Ohoy... Nakakamatay 'yan. Uso huminga", bulong ni TJ sa kanya na marahil ay naramdaman ang
pagpigil niya ng hininga.

Kinikilabutan na talaga siya sa estrangherong pakiramdam na bumabalot sa kanya. "P-pwede'ng....


l-lumabas na tayo?" nauutal niyang sabi.

Hindi siya komportable sa pwesto nila. Nakasandal siya sa pader habang nakayakap ang isang
braso nito sa bewang niya. Ang isang kamay nama'y nakatakip sa mga mata niya. At kanina niya pa
nararamdaman ang paghinga nito. At sa totoo lang... hindi niya talaga alam kung ano ang
nararamdaman niya. Bago... bago ang pakiramdam na iyon. Hindi niya ma-explain. Basta ang alam
niya.... mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya... Normal pa ba siya???

"Lalabas na tayo. Yumuko ka, ha? Sa baba lang ang tingin."

Tinanguan niya lang si TJ. Iniyuko nito ang ulo niya gamit ang isang kamay pagkaraa'y tinanggal
na ang isa pang nakatakip sa mga mata niya. Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang
maglakad palabas. Hindi niya alam kung bakit hindi siya pumalag sa paghawak nito sa kamay niya.

Paglabas nila... bigla na lang huminto si TJ dahilan ng paghinto rin niya. Dahil sa nakayuko
siya, hindi niya alam kung bakit biglang napahinto si TJ. Pero pag-angat niya ng ulo niya...
alam na niya.

"TJ?! Bakit kayo magkasama?!" "Tana....? A-ano'ng...."

***

*******************************************
[17] 16. Strange.
*******************************************
16. STRANGE.

"TJ?! Bakit kayo magkasama?!"

"Tana....? A-ano'ng...."

Magkasabay na nagsalita ang mga nasa harapan nina Yanna't TJ. Sina Joice at Kristoffer.

"What? Sumagot kayo! Bakit kayo magkasama???" naiinip na sigaw ni Joice.

Bigla naman siyang natuhan at bigla ay inalis niya ang pagkakahawak ni TJ sa kamay niya.
"Kailangan talagang sumigaw? Nakakapagod 'yan, uy. Gusto mo, kuha kita ng mic?" may pang-iinis
sa tonong sabi niya kay Joice. Bakit kasi kailangan nitong sumigaw? Para agaw atensyon, ganoon?
Pwes, ayan nga't nasa kanila na ang atensyon ng ibang estudyante ngayon.

"Di ba ang sabi ko sa'yo, h'wag na h'wag ka nang lalapit sa kanya?? TJ, ano ba naman?! Gusto mo
ba'ng masaktan na naman??? My god, TJ!" muling bulalas na naman ni Joice na parang hindi siya
narinig na nagsalita.

Ano ba talaga ang pinagsasasabi ni Joice? Hindi niya talaga maintindihan.

Nilingon niya si TJ at nakita niyang nakapikit ito't iiling-iling na napahimas-himas na lang sa


noo. "Tsk...Malas..." sambit nito.

"Tan..." napatingin siya kay Kristoffer nang tawagin siya nito. "Ano 'to? bakit kayo magkasama?
Bakit.... sa loob ng CR ng boys??"

Napakagat-labi siya. Bakit naman kasi kailangang mahuli sila ng ganito? Ni Kristoffer at Joice
pa? Hindi niya maintindihan kung bakit parang feeling niya, nagtaksil ang drama nila ni TJ.

"A-ano.... kasi...." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Ano ba'ng isasagot niya?
Maniniwala ba ito kung sasabihin niyang kinidnap siya ni TJ?

"Kasi malamang, sinundan niya si TJ hanggang CR. Malamang, kinukulit-kulit niya na naman si TJ
para kunwari, mahal niya pa rin si TJ. Siguro kasi, gusto niya ulit na may mapaglaruan", Joice
cut in with obvious bitchiness in her words.
Clueless she is, she turned to TJ. "TJ, ano ba kasi 'to? Pati 'yung mga pinagsasasabi niya?
Hindi ko maintindihan..."

Tumingin naman si TJ sa kanya pero hindi naman nagsalita. Naghintay siya sa sagot nito pero
hanggang sa dumating pa si Bea, hindi pa rin ito tumugon.

"Yanyan!!!" patakbong lumapit si Bea sa kanya. Pagkaraa'y nagpalipat-lipat ang tingin kina TJ,
Joice, at Kristoffer. "What happened? Bakit kayo magkakasamang tatlo? Tsaka... bakit bigla-
bigla ka na lang nawala??? Kanina mo pa ba sila kasama?"

"Ah, e... pwedeng form the top, Bea?" biro niya kay Bea.

"Ay, gaga!" natatawang tinapik pa siya nito sa braso. "Anyway, subway.... Anyare?" curious na
tanong nito.

"Let's go, TJ." Napalingon sila kay Joice na kumapit na sa braso ni TJ at hinila na ito paalis.
Wala namang ginawa si TJ kundi ang iiling-iling na lang na sumunod.

Pero pagtapat nito sa kanya, may pahabol na binulong pa ito. "I'll text you."

Akala niya lang ba, o saglit na napigil niya talaga ang hininga niya? Oh, well, it doesn't
matter. I-te-text daw siya nito? Paano? Alam ba nito ang number niya? Pero agad ding pinalis
niya ang isiping iyon. Ano nga naman ang ginagawa ng mga kaibigan at kaklase niyang may alam ng
number niya, di ba?

"Tana...." muling napukaw ni Kristoffer ang pansin niya.

"Uhh.... ano...." pero hindi niya pa rin talaga alam kung ano ang sasabihin niya.

"Care to explain?" Bea butted in.

She sighed. "Tara... habang naglalakad", aya niya sa dalawa. Napagdesisyunan niyang i-kwento na
ang tunay na nangyari. Para atleast, hindi mag-isip ng kung ano si Kristoffer tungkol sa kanila
ni TJ. Sumabay na rin itong mag-lunch sa kanila. At syempre, ikinuwento na rin ni Bea sa
barkada ang nangyari.

Sa mga remaining subject nila sa hapon... Grabe. Kulang na lang ay hatakin niya ang oras para
lang makauwi na siya. Feeling niya kasi... matutunaw na siya.

Feel na feel niya ang mga titig ni TJ habang nagle-lesson sila. At kapag sisiguruhin niya kung
nakatingin nga ito... titig na titig pala!

Pati nga ang girlfriend nitong si Joice na katabi nito sa upuan, inis na inis din. Paano'ng
hindi? E, kung siya man si Joice, talagang maiinis siya. Katabi ang girlfriend pero sa iba
titig na titig? Napaka-playboy talaga!
PATULOG na siya kinagabihan nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa ilalim ng
unan niya.

Baka isa sa barkada ang agad na pumasok sa isip niya. Katext niya kasi kanina ang mga kaibigan
niya maliban kay Yen.

Pero napakunot-noo siya nang unknown number na nga ang sender, nakakaloko pa ang laman ng
mensahe.

[Bukas mo pinto mo sa veranda. Dali.]

Sino naman 'to? Ako ba'y hilo? kunot-noong napatingin siya sa cellphone niya. Bakit niya
bubuksan ang pinto niya? Mamaya, magnanakaw pala, e. Pero matawa-tawa naman siya sa sarili
niya. Magnanakaw na nakikipag-textmate muna?

[Sino ka?] reply niya.

Seconds lang ang lumipas at naka-reply na agad ito. At ang walang'ya... Trip ata siya, e!

[Ako budoy! *insert waving smiley*]

Inuuto yata siya ng loko, e!

Pero.... natawa siya du'n. Kaloka... Si Budoy na sikat! Natatawa't nailing na nahiga na lang
ulit siya. Pagsasayangan niya pa ng oras, e, halata namang nambu-bwisit lang.

Ipinailalim niya nang muli sa unan niya ang cellphone niya at nagtaklob na ng unan sa mukha
niya. Papiki-pikit na siya nang maramdaman niya na naman ang pag-vibrate nito.

Tsk! Naman, e... Inaantok-antok na binasa niya ang text.

[Eto naman. Di agad nag-reply? Si TJ 'to, 'yung gwapo. Papasok ako, bukas mo pinto.]

Bigla na lang siyang napabalikwas ng bangon. Nagising bigla ang diwa niya. Oo nga pala! I-te-
text nga raw pala siya nito! Agad na nataranta siya. Ano ba'ng gagawin niya? Ibubukas niya ba o
hin-

Bago pa magtalo ang tig-kalahating parte ng isip niya, tumunog bigla ang cellphone niya. This
time, tumatawag na si TJ.

"H-hello?"
"*Ibukas na, o. Pakidalian, baka mahuli ako ni Ching*"

Mayabang na nga, bossy pa! "Pakialam ko? Ayoko nga." Ewan ba niya, pero nang banggitin nito si
Joice, nainis na naman siya. At isiping nasa iisang bahay lang ang mga ito?

T-teka... B-bakit ako naiinis? Waaa, eraaaase!

"*Dali na kasi. May sasabihin lang ako sa'yo. Please?*"

Aba. Akalain niyang marunong palang mag-please ang kumag?

"Tse!" pagbabale-wala niya pa rin at agad na ini-end na ang tawag.

Patawa ba ito? Paano namang mapupunta ito sa veranda niya? Alangan namang talunin nito ang mula
sa veranda nito papunta sa kanya? Hindi nga malayo, pero nakakatakot pa rin iyon, 'no. Sino'ng
sira-ulo naman ang tatalunin iyon? Tss... Bahala siya. Matulog na lang siya. Pahiga na sana
ulit siya nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng veranda niya.

What the....? H'wag nitong sabihing.... Oh my god!

Dali-dali siyang tumayo at ibinukas ang pinto. Gulat na gulat siya nang bumungad ang ngiting-
ngiting mukha ni TJ sa kanya. "Hirap tiisin ng gwapo, 'no?" tataas-taas pa ang kilay na sabi
nito.

Hah. "Sira ka ba?! Isang maling talon mo lang, pwede kang mahulog!!!" agad na bulyaw niya kay
TJ. Sira-ulo! Paano kung nahulog ito? "Gusto mo na bang mamatay?! Paano kung nadulas ka?! Hindi
ka ba nag-iisip??? Kung gusto mong mamatay, pwede namang-"

Bigla na lang siyang natigil sa pagsesermon niya nang biglang yakapin siya ni TJ. "Kahit OA,
ka. Akalain mong namiss kita?" mahinang sambit nito.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Pero alam niyang pinagti-trip-an lang siya ni TJ kaya
agad na itinulak niya ito. "A-ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan...? Tsaka... ano ba, gabing
gabing na, ha?!" sigaw niya.

"Sshhh!" ginesture pa ni TJ ang sariling daliri na tumahimik daw siya. "H'wag ngang maingay.
Baka akalain, nire-rape ka na."

Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Bastos!" mahinang pasigaw sa sabi niya tsaka tinalikuran
ito.

"Huy, may sasabihin nga ako", pigil nito sa braso niya kaya napabalik ang tingin niya rito.

"Dalian kasi."
"Hindi talaga kami ni Ching."

Napakunot agad ang noo niya. "Lul mo. Ano pala? Engaged? Nakatira sa iisang bahay, live-in
partner, gano'n?" Neknek lang nito. Sino'ng maniniwala sa sinabi nito? Hah.

"Totoo kasi. Hindi talaga kami. May mga bagay lang na hindi mo pwedeng malaman..... sa ngayon."

Nagtatakang tinignan niya si TJ. Mga bagay na hindi niya pwedeng malaman sa ngayon?? "Bukas?
Pwede bukas, malaman ko na?" tanong niya.

"E, kung seryoso muna kasi't wag munang pilosopo?" balik nito.

"E, kung hindi pala kasi kayo... ano nga? Bakit sa iisang bahay pa kayo nakatira ngayon? Baka
naman mag-asawa na kayo? Nagpakasal sa ibang bansa? Arranged marriage kaya?" kung anu-ano'ng
dahilan ang naiisip niya.

"E, bakit paranoid?"

Natigilan siyang bigla sa tila nanunuksong tanong nito. Lalo pa, nang kurutin nito ang pisngi
niya.

"Text text na lang tayo, okay? Basta, hindi talaga kami. H'wag nang paranoid, di ba? Ikaw lang
naman, e", inilapit pa nito ang ulo niya tsaka bigla-bigla na lang hinalikan ang noo niya.
Nagulat siya kaya biglang itinulak niya ito. Hindi makapaniwalang tinignan niya si TJ.
"Goodnight", lalo siyang hindi makapaniwala nang kindatan pa siya nito. Tumalikod na ito at
lumabas habang siya, naiwang tulala. Nagulat pa siya nang hindi pa pala nakakabalik sa sariling
veranda, dumungaw ito sa pinto niya. "Sige na nga... Binibigyan na kita ng permisong
mapanaginipan ako. H'wag lang abuso, ha?" agad na nanlaki na naman ang mga mata niya.
"Goodnight, Arianna~!" ngingiti-ngiting umalis na talaga ito.

Sa sobrang gulat at hindi lubos na makapaniwala sa kayabangan nito, agad-agad niyang isinara
ang pinto ng veranda niya.

Kung ilang beses na napakurap-kurap pa siya. Inilapat niya ang palad sa tapat ng puso niya at
sobrang hindi siya makapaniwala sa bilis ng takbo nito.

Ano 'to? Ano'ng kakaibang pakiramdam ang lagi niyang nararamdaman sa tuwing ganoon ang
pakikitungo ni TJ sa kanya? Na kay TJ niya lang talaga nararamdaman......

Oh my god... What the hell is happening to me???

***

*******************************************
[18] 17. Bea.
*******************************************
17. BEA.

"HOY, TJ... bakit ba kanina ka pa ngingiti-ngiti dyan, ha? Ganda ata ng gising mo ngayon?" puna
ni Joice kay TJ habang kumakain sila ng agahan kasama ang mga magulang ni TJ.

"Oo nga naman, anak. Bakit parang ang saya mo yata ngayon?" maintriga ring tanong ng mama niya
sa kanya.

"Wala, Ma", hindi pa rin maitagong ang ngiting sagot niya sa mama niya.

"Uhh, Joice, iha... Tumawag na ba ang mommy mo? Hindi ko pa kasi siya nakausap ulit kahapon.
Pumayag na bang dito ka muna tumira?" tanong naman ng papa niya kay Joice.

"Syempre naman, tito, napapayag ko na si mommy na dito muna ako titira. Pumayag na rin kasi si
daddy. Atleast, magkasama na kami ni TJ, di ba po?" natutuwang sagot naman ni Joice.

He patted Joice's head. Ang sweet talaga nito sa kanya.

"Talagang nagiging possessive ka na kay TJ, ha?" biro pa ng mama niya kay Joice.

"Hehe. Syempre naman po, tita!"

Ginulo-gulo niya ang buhok ni Joice. Gustong gusto niya kung paano ito maging possessive sa
kanya. Mahal na mahal talaga siya nito at syempre, gano'n din siya rito.

"Ma, Pa... una na kami ni Ching", paalam niya sa mga magulang tsaka siya tumayo. "Hoy, Ching,
tayo na. Kaya ka tumataba, e."

"Hoy...!"

Tatawa-tawang tinakbuhan niya si Joice. Ayaw kasi nitong tinutuksong mataba kaya naman lalo
niyang iniinis.

"TJ, ang sama mo!!" habol nito sa kanya. Tumigil siya nang makarating siya sa gate kaya
naabutan siya nito. "Akala mo, ha! Hmp! Kainis 'to!" hinampas pa siya nito sa braso.
"Aray naman. Haha. Joke lang, e", inilagan niya ang sunod na hampas nito.

Tumigil naman ito, humaba nga lang ang nguso. "Love mo pa rin naman ako kahit nataba ako, di
ba? Di ba, di ba?"

Natatawa na lang siya sa kakulitan nito. "Opo, Ms. Kulit. I love you kaya po ng sobra", ginulo-
gulo niya na lang ulit ang buhok nito. Gustong gusto kasi talaga nito kapag sinasabi niyang
mahal na mahal niya ito.

"He-he", bumungisngis pa si Joice. "Hoy...!" Napakunot-noo siya nang akala niya ay siya ang
hinoy nito pero lagpas sa kanya ang tingin nito. Sa likuran niya. "Narinig mo? Love ako, sobra
pa! Bleeh! Mwa-ha-ha!"

Agad na napatingin siya sa likuran niya... Ow, shit, he cursed. Si Yanna!

MAAGANG nagising si Yanna kahit ba napuyat siya. Isang himala. Maaga kasi siyang
makakapasok ngayon.

Paglabas niya ng bahay, nakita niya sina TJ at Joice na naghahabulan. Tila ang saya sayang nag-
iinisan ng mga ito. Nagkatinginan pa nga sila ni Joice, e.

"Love mo pa rin naman ako kahit nataba ako, di ba? Di ba, di ba?"

Hindi niya maintindihan kung bakit na-curious siya sa isasagot ni TJ sa sinabing iyon ni Joice.
At lalong hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sinagot ni TJ. "Opo, Ms. Kulit. I love you
kaya po ng sobra."

Sobrang nalilito na talaga siya. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin niya kay TJ. Nang
tawagin naman siyang bigla ni Joice. "Narinig mo? Love ako, sobra pa! Bleeh! Mwa-ha-ha!"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Napatingin siya kay TJ. Tila nagulat pa ito nang makita
siya. "Let's go, TJ", kumapit pa si Joice sa braso ni TJ habang ang lapad ng pagkakangiti.

Si TJ naman, hindi maalis ang tingin sa kanya habang hinihila ni Joice papasok sa loob ng
kotse. Hanggang sa paandarin na ng driver ng mga ito ang kotse at tuluyan nang nakaalis.

Siya naman, napabuntong-hininga na lang. Ano 'yon? Gano'n pala? Two-timer talaga si TJ?
Samantalang hindi siya halos makatulog sa kakaisip sa mga pinagsasabi nito kagabi!

Letch... Bwiset, bwiset, bwiset!


Pagdating niya sa classroom nila, agad na nakita ng mga mata niya ang couple at nakapalibot pa
sa mga ito ang barkada ni TJ maliban kay Jake na sa palagay niya'y wala pa. Hindi niya na lang
pinansin ang mga ito. Ayaw niyang maagang masira ang araw niya. Hindi. Sira na nga pala, kanina
pa lang. Ayaw niya na lang madagdagan pa.

Nakita niya naman si Julia na tila gulat na gulat pang makita siya.

"Hoy, babae. Tutunawin ako?" ngingiti-ngiting biro niya.

"Kaloka! Ang aga mo naman kasi, bii!" natutuwang lumapit si Julia sa kanya. Natawa na lang
siya. Sinasabi niya na nga ba't isang himala ang pagiging maaga niya.

"Julieeeeeee! Juuuules! Juju ni Diego! Juliannaaaaaa!" isang bakla ang sumigaw mula sa pintuan
nila. Boses pa lang, alam na.

Natatawang nilingon nila ang hingal na hingal na si Ej.

"Umaygad! Yanyan isda you??! Jusmiyo, diosdado, isa po itong milagro!" nakatingalang nag-sign
of the cross pa ito.

"Huy, gagu", natawa siya sa ginawa ng kaibigan. "Ano'ng emote 'yan, 'te? May pahingal-hingal
effect ka pa dyan!" biro niya kay Ej.

"Hihi... Ay! Si Bea pala mga atiiii! Si Beabeyy!!!"

"Bakit? E, wala pa, hindi pa dumarating si Bea, bading", pagbibigay alam ni Julia rito.

"I know dahil nasa ibaba siya! Sumama kayo sa akin, dali! C'mon, vamonos! Let's goo!" lumapit
pa si Ej sa kanilang dalawa ni Julia at parehong hinila sila. Nalilito man, sumunod na lang
sila ni Julia.

"Ano ba kasi'ng meron kay Bea? Ha?" takang tanong ni Julia. "May away-Wait. H'wag mo'ng
sabihing may away nga??"

"Uhh..." Ej.

"What, bakla??? May away nga??!" napabulalas na si Julia.

"Ay, kaloka po, madam! Sabi mo h'wag kong sabihin? Kaloka... hibang konti?"

Ibig sabihin... may away nga??? Hindi na niya pinansin sina Ej at Julia. Kumaripas na siya ng
takbo.
"'Te! Sa'n punta, 'te??" sigaw ni Ej sa kanya.

Shit. Napahinto siya. Saan nga ba siya pupunta? Nilingon niya ang dalawa. "Nasaan ba sila???"
pasigaw na tanong niya.

Itinuro ni Ej ang kabilang direksyon. "Old gate, 'tii. Excited kasi! Haha!"

"Tsshh!" tumakbo na siya papuntang old gate, ganoon din sina Ej at Julia.

Pero pagdating nila.... "Bading ka. Nasaan ang away? Gusto mo na ba'ng maging lalaki?"
nanggigigil na tanong niya kay Ej. Paano, wala naman talagang away! Si Bea lang iyon na may
kasamang lalaking.... taga-kabilang school.

"Ah, e... kanina kasi.... Si Papa Jake kasi kanina, bakla! Nasaan na 'yung si papa Jakey?"
lumingon-lingon pa si Ej sa paligid.

"Ayun, o", turo ni Julia sa pinanggalingan nila. Nang lingunin nila, si Jake nga, patungong
building nila.

"Kanina kasi ang itim ng aura ni papa Jakey tsaka nu'ng lalaki na 'yun", turo ni Ej sa kausap
ni Bea. "Alam n'yo ba na... APAT. Apat ang boyfie ni Beabey ngayon, mga bading!"

"What??!" parehong hindi makapaniwalang bulalas nila ni Julia. Nagulantang siya sa sinabi nito.
Si Bea, player na ngayon??

"You're kidding, Ej. No way... Hindi ganu'n si Bea!" bulyaw niya kay Ej.

"Yanyan, relax", awat ni Julia sa kanya.

"Sira-ulo kasi 'tong si Ej. Hindi ganu'n si Bea, 'no! No way", iiling-iling na pagtatanggol
niya kay Bea.

"Yes way, Yanyan. Yes way", seryosong pahayag ni Ej. Seryosong seryoso itong bigla tapos bigla
na lang.... "Yes way, mga ati! Yes way! Hihi! Ang wawafu ng fafabels ni Beabey! I'm sooo
inggit! Omg, omg! Hihih-"

Pak!

"Aray, 'te..." reklamo ni Ej sa kanya. Binatukan niya, e. Luka-luka talaga.

"Ano'ng nangyayari kay Bea? Bakit nagkakaganyan siya?" tanong ni Julia na nakatingin sa
kinaroroonan ng kaibigan nilang si Bea. "Hindi man lang natin alam na may boyfriend pala siya.
Apat pa."
Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin din sa direksyon ni Bea. "Ewan... pero,
feeling ko, may kinalaman kay Jake."

Those two were really weird these past few days. Something happened... She can bet on that.

***

*******************************************
[19] 18. Headaches.
*******************************************

18. HEADACHES.

NAALIMPUNGATAN si Yanna sa matagal na pagtunog ng cellphone niya sa ilalim ng unan niya. May
kumakatok din sa pinto niya sa veranda. Malamang, parehong si TJ ang salarin.

Asar na sinagot niya ang tawag pero hindi nagsalita.

"*Nagising kita, 'no? Haha.*"

Aba't tinawanan pa siya ng bruho! "Thank you, ha?" asar na sabi niya.

"*Yep, that's my surname!*"

Talaga nga naman ang advantage ng apelyido ng loko. "Buset."

"*Sorry na. Haha. Labas ka.*"

Like a boss talaga. "'Yoko."

"*Sige na... Labas ikaw, Budoy antay.*"

"Budoy?" Na naman? Idol talaga ng loko si Budoy?


"*Opo. Ako Budoy, ikaw abnoy.*"

"Olol."

"*Haha. Labas na kasi!*"

"Ayaw. Antok ako, h'wag kulit Budoy." Edi, sakyan ang trip ni TJ.

"*'Yun, o... di bagay!*"

"Tse." Sabi niya nga, hindi bagay, e. Bakit ba kasi ginaya pa niya?

"*Haha. Labas na kasi! May ibibigay ako sa'yo*", pangungulit nito.

Napakamot sa matang tumayo siya. Naghihikab na binuksan niya ang pinto. Pagdilat ng mga mata
niya, nakatakip ang isang daliri ni TJ sa ilong nito.

Sinamaan niya ito ng tingin si TJ at akmang isasara na ulit ang pinto pero napigilan siya nito.

"Biro lang, e... O", inabutan siya nito ng isang balot Happy. 'Yung mani na kulay brown.

Nagtatakang tingnan niya si TJ. "Ano'ng gagawin ko dyan?"

"Hmm... Maipapayo ko'ng itago ito sa mahiwagang baul. Tapos, titigan mo 'pag trip mo, ha?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata dahil sa sagot nito. Pero bigla naman nitong pinukpok sa noo
niya ang Happy na hawak pa rin nito.

"Malamang kakainin. Pagkain, di ba? Sige, inumin mo."

Lalong naningkit ang mga mata niya. Anak ng pilosopo... Pinipilosopo siya? "Lumayas ka na nga!"

"O, ito naman! Gusto mo ikaw lang nambabara, 'no? Sorry na, babe."

"Babe?!"

"Ahe", napahawak itong bigla sa bibig. "Na-advance?"

Pero hindi nakatakas sa kanya ang pigil na ngiti nito. Sumulok ang itaas na labi niya. "Ewan ko
sa'yo!"
"Haha. Biro lang kasi. Heto na, o", abot nitong muli sa Happy.

Tinanggap niya naman. Pero pagkuha niya, bigla na lang siya nitong hinila. 'Yun pala ay para
sumalampak lang sila sa sahig sa veranda niya. Wala naman kasi kahit na ano'ng bagay sa veranda
niya.

"Bakit ba gabing gabi na, nang-iistorbo ka pa?" tanong niya habang kinukusot-kusot niya ang mga
mata niya. Nasa kanang hita niya ang Happy na bigay nito.

"Gusto kong mag-explain."

"Explain?" napalingon siya rito.

"Oo. Paliwanag sa tagalog."

Agad na sumulok na naman ang itaas na labi niya. "E, kung sinasaksak ko sa bunganga mo 'tong
Happy na 'to?"

"Relax..."

"Tss!" inirapan niya na lang ito. Baradong barado siya, e.

Pero pinagpatuloy na nito ang sinasabi. "Tungkol du'n sa kaninang umaga.... 'Yung nakita't
narinig mo.... Ano kasi...."

"Para kang sira. Oo, nakita't narinig ko. Ano namang masama? E, magsyota kayo", pormal niyang
sagot.

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Pinapaintindi mo ba?"

Sa sinabi niyang iyon, natameme si TJ. Wala naman kasing dapat intindihin. Malinaw na mahal
nito at ni Joice ang isa't isa.

Nagbuntong-hininga siya. "Kung tina-try mo'ng magtwo-time... Nako, TJ. Maawa ka kay Joice.
Mahal na magal ka nu'ng tao pero niloloko mo lang?" Kahit ba bitch si Joice pagdating sa kanya,
naiintindihan niya iyon. Girlfriend, e. Natural lang na magselos.

Napalingon si TJ sa kanya. "Narinig ko 'yon."


"Ang alin?" takang tanong niya.

"Two-time."

Natilihan siya.

"'Yun 'yun, o! Naaaks. Sinasagot mo na 'ko? Tayo na ba, babe?"

Gulay! Bakit niya ba nasabi iyon??? "T-tange! S-sabi ko... kung tina-try mo lang! H'wag ka nga!
P-para sa'n ba 'tong Happy na 'to?" pag-iiba niya sa topic.

Luckily, pinalusot siya ni TJ do'n. "Ah, iyan? Wala lang. 'Pag nakikita kasi kita, Happy na
ako."

"WEH???" As if maniniwala siya. E, mas masaya ito tuwing kasama si Joice, e. Lagi niyang
nakikitang nakatawa ito kapag kasama ang barkada't si Joice. Sino'ng niloko nito?

"Edi, joke na lang! Tss... 'De h'wag kang maniwala... Mahilig kasi ako dyan. Isang karangalan
para sa'yo na ikaw lang ang binigyan ko niyan."

Siningkitan niya ulit ito ng mga mata. Happy lang, karangalan na?

"Shinare ko lang naman. Masama na ba 'yon?"

"Tss..." napayuko na lang siya. "Sabi ko nga hindi po, e." Medyo na-guilty naman daw siya.

"Surname", mahinang sambit niya.

"Ano 'yon?"

"Basta surname", hindi pa rin tumitingin ditong sagot niya.

"Ano ba'ng sinasabi mo?"

"Surname nga, di ba??? SA-LA-MAT. I-i-spell ko pa ba? S, a, l, a, m, a, t??? O, ano? Masaya ka


na ba? Happy ka na? Kasing happy ng Happy na 'to?"

Nakita niyang nagpipigil ng tawa si TJ kaya naman tumayo na siya at pumasok sa kwaro niya.
Kainis! Pinipilit pa nito, e, naiintindihan naman! Pero bago niya isara ang pinto, may sinabi
muna siya rito. "Hoy, panget, matulog ka na. H'wag kang eengot-engot sa pagtalon, kung hindi-"

"Kung hindi... ano? 'Pag nalaglag ako, ano'ng gagawin mo?" may himig ng panunuksong tanong nito
habang tumatayo.
Ano nga ba? "Ano...... p-pagtatawanan kita! Hah! Kung ayaw na ayaw mo'ng pinagtatawanan ka,
subukan mo'ng malaglag, pagtatawanan talaga kita!" banta niya.

Nakita niya nang ngumiti ito. Pero ngiting.... malungkot. "Hindi ko lang maintindihan...
Simpleng salamat, hindi mo masabi ng diretso. Tapos ngayon... Simpleng 'ingat ka' lang naman,
di ba?"

Napipilan siya sa seryosong sinabi nito. Bakit nga ba hindi niya na lang diretsuhin? Siguro
kasi... nahihiya siya? Yeah, maybe... Tuloy, parang may kung ano'ng kumurot sa puso niya habang
nakatingin sa malungkot na ngiti nito.

"Sensya na sa abala... Matulog ka na ulit, ha? Bukas, 'pag gising mo......... gising ka na."

Akala niya talaga, mapapa-isip siya ng husto sa huling sasabihin nito. Pero, hanggang sa
tumalon ito pabalik sa sariling veranda at hindi na siya nilingong pumasok sa kwarto...
nagpigil lang siya ng tawa.

Hahaha! Syempre nga naman, gising ako 'pag nagising! Putres na payo 'yun! Hahaha!

Hanggang sa isara niya ang pinto ay ngiting ngiti pa rin siya sa sinabi ni TJ sa kanya.

THE next day...

"Bebe, una na 'ko sa'yo, ha? Hinihintay na nila 'ko", nginuso ni Julia ang direksyon ng nasa
labas na sila Yen.

"Huh? E, kung sinasama n'yo kaya ako? Bakit mauuna pa kayo?" nagtatakang tanong niya kay Julia.

"E, kasi... 'Yun, o", may nginuso na naman ito. Paglingon niya, si Kristoffer pala, kumaway pa
sa kanya.

"Baboo!" tska umalis si Julia at tinungo ang apat na nasa labas. Apat, dahil nga nadagdag na si
Lexi.

"Mmkay", sabi na lang niya sa sarili niya. Okay lang naman na kay Kristoffer na muna siya
sumabay. Libre pa... Gumana naman ang pagka-kuripot niya.

Lumabas na siya at tinungo si Kristoffer. "Sabay tayong mag-recess?" bungad agad ni Kristofer
sa kanya.

"Sure!" nakangiting tugon niya.


"Moo?"

"Moo! Forevs! Libre mo? Okay!" natatawang hinatak niya na ito palakad. Hindi na talaga siya
nahiyang magpalibre kay Kristoffer. Paano, ganito naman din sila dati. Basta Moo, si Kristoffer
ang taya.

Bumili sila ng Moo sa canteen. Isa kay Kristoffer, dalawa sa kanya. Ang tamang depinisyon ng
kurakot? Siya.

Nagku-kwentuhan at nagkakatawanan sila ni Kristoffer habang naglalakad pabalik ng building


nila. Iba talaga ang saya niya kapag ito ang kasama.

"Ayiieee! The Moo Monsters! Haha. Uy, bagaaay!" tukso agad ni Kiray sa kanila ni Kristoffer
nang makarating sila sa tapat ng room nila.

Sila naman ni Kristoffer, nangingiti na lang. Ewan ba niya. Hindi niya na binibigyan ng malisya
kapag si Kristoffer ang tinutukso sa kanya. Namiss niya kasi talaga ito bilang bestfriend.

"Hoy, babae. Nagparaya pa man din ako, hindi naman pala kayo? Kainis 'to", Lexi pouted at her.

Natawa siya. Parang wala si Kristoffer sa harap nila, ha. "Sira. Ano ba'ng sinasabi mo dyan?
Sige, ayun, makipag-agawan ka sa girlfriend", birong sagot niya kay Lexi.

"Naman 'to!" at nagpout na naman! Parang si Be-

"Guys, nag-text na sa inyo si Bea? Bakit kaya absent 'yun?" pag-iiba niya sa usapan nang
maalala ang kaibigang si Bea. Normally kasi, nagte-text ito kapag absent. Pero ngayon, sila na
nga itong nagte-text, wala pang reply. Hindi niya tuloy mapigilang mag-alala.

"Naku, bading, kanina pa rin namin 'yan pinag-uusapan. Hindi rin nagre-reply sa'min ang madam.
Ampness", pagbibigay-alam ni Ej sa kanya.

Hindi na pwede ito. Inilabas na niya ang cellphone niya at tinawagan si Tita Felly-ang mommy ni
Bea.

"Hello, tita? Si Bea po?" tanong agad niya kay Tita Felly nang sagutin nito ang tawag niya.

"*Ano'ng si Bea? Pumasok siya, ha? Nakabihis na siya kanina bago ako umalis. Mukha namang
walang sakit kaya I'm sure na pumasok siya. Bakit, Yanna? Wala ba dyan ang anak ko?*" nag-alala
nang tanong nito.

"A-ah... Opo, pumasok po. M-medyo nagkatampuhan po kasi kami. Narinig ko kanina, sabi niya,
uuwi na lang daw po siya. E, hindi ko pa po nakikita hanggang ngayon kaya akala ko po umuwi
talaga. P-pero baka po nagpapalamig lang sa clinic! Ganun naman po si Bea, di ba? Pag naiinis
nagpapalamig? He-he-he", palusot niya kay Tita Felly. Ang barkada, maging si Kristoffer,
nagtataka ang mga tinging ipinukol sa kanya.

"*Ah, oo... Akala ko naman wala dyan. O, sige, Yanna, ha? Nasa work kasi ako.*"
"O-okay po. Bye po..."

Litong-litong tinapos na niya ang tawag. Ano'ng nangyayari kay Bea? Kanina kasi, tumawag na rin
siya sa bahay nito at ang sabi ng maid, pumasok nga raw si Bea. Now, what's going on?

"Tana... okay ka lang?" puna ni Kristoffer sa kanya.

"No..." Hindi siya okay. Kinakabahan siya.

"Bebe, ano ba'ng nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Yen sa kanya.

"I don't know. Hindi ko alam...." iiling-iling na sagot niya.

Hindi niya talaga alam. Kaya nga kinakabahan siya. Wala kasi siyang alam.

Napatingin siya kay Julia at nagkaintindihan sila sa tingin lang. Sa tagal ng pinagsamahan
nilang tatlo, kabisado na nila ang isa't isa. Kaya sigurado silang may ibang nangyayari na kay
Bea.

Naramdaman niya na lang na inakbayan na siya ni Kristoffer at marahang tinapik-tapik ang


balikat niya na para bang naiintindihan nito ang pag-aalala't takot niya. She sighed.

BOOG!

Bigla na lang silang napalingon sa loob ng classroom nila nang makarinig sila ng malakas na
kalabog.

At pagkita nila, sina TJ at Joice pala... tila nag-aaway. Nagsisigawan kasi ang mga ito. At may
isang upuan na nakatumba. Palagay niya'y ang kaninang kumalabog.

Natural, lumapit si Julia. Class President, e. "Hey, tumigil nga kayong dalawa! Ano ba'ng
nangyayari sa inyo? Kung mag-aaway kayo, hindi ba pwedeng light lang?"

"Tigilan mo na kasi! Ayoko na nga, e!" bulyaw ni TJ kay Joice na parang hindi narinig ang
sinabi ni Julia.

"TJ, h'wag na kasi..." pakiusap naman ni Joice.

Napakunot-noo siya. Kapag may LQ, kailangang may audience?

Bigla na lang hinila ni TJ si Joice patungo sa kinaroroonan nila. "Sabihin mo na sa kanila."


Nagtatakang nagkatinginan sila ni Kristoffer at ng barkada.

"TJ naman kasi, e...." tila may pinipilit na kung ano si Joice kay TJ.

"Aw... Ano'ng drama 'yan?" sarkastikong sabat niya sa dalawa. Pinagtitinginan na kasi ng lahat
ang mga ito. Ano ba namang pinag-aawayan ng mga ito't broadcast kung broadcast pa ang gusto?
Nagtataka lang siya, e. Bakit sa harap nilang magkakabarkada? Bakit sa harap niya?

"Sige na, Ching. Ayoko na talaga", halatang nagtitimpi na lang si TJ.

"TJ, h'wag na kasi! Naman, e!" ulit ni Joice.

"Ching..." pagtitimpi pa rin ni TJ.

"Naman kasi, TJ... Ayoko lang naman kasi na saktan ka ulit niya, e. TJ, please...? H'wag-"

"JOICELLE CHING!" galit na banggit ni TJ sa buong pangalan ni Joice kaya naman napahinto ito.
Maski sila, nagulat.

Si Joice, nakita niyang parang maiiyak na. "H'wag na kasi..." pero nagmatigas pa rin ito.

"JOICE!"

"OO NA!" Joice yelled back at TJ, paused for a second and before she walked out, she looked at
TJ with her greeted teeth. "KUYA."

***

*******************************************
[20] 19. Explanations.
*******************************************

19. EXPLANATIONS.
JOICE walked out and went to the Greenfield after blurting that one word infront of everyone.

Inis na inis siya sa kuya niya. Yes... kay TJ.

Gusto niya lang namang protektahan ito laban kay Yanna. Ayaw niya na kasing muli itong masaktan
ng dahil na naman sa babaeng iyon.

Minsan na kasing nagulo ang buhay ng kuya niya dahil kay Yanna. Bigla na lang itong nawala na
hindi man lang nagpapaalam sa kuya niya. Ang kuya niya namang may pagka-tanga, patay na patay
kay Yanna! Ayun! Nang iwan... laging nababarkada, umiinom, nagka-cut ng klase at hindi pa
makausap ng matino. Sobrang awang awa siya sa kuya niya noon. Maski siya kasi, hindi nito
pinapansin ng mga panahong 'yon.

Imagine? Nang dahil lang sa isang babae, pati siya, binale-wala't natikis ng kuya niya. To
think na minsan lang silang magkita dahil magkaiba sila ng tirahan.

Buti na nga lang, isang araw, nagbalik ito sa normal. Ang kaso... naging playboy naman. Madalas
dahilan ng break-up ng mga couples. Puro pambababae na lang ang alam.

Actually, napasyal lang naman talaga siya kila TJ, e. Namiss niya kasi ito at gusto niyang
makasama muna bago magtungo ng America. In fact, papunta na talaga siya sa America in one week.
Pero pinilit niya ang mommy't daddy niya na dumito muna siya't makikitira na lang kila TJ. Na
dito na lang niya tatapusin ang pag-aaral niya sa high school. Pero ang totoo, dahil lang iyon
noong nakita niya si Yanna sa village ng mga ito.

"Joice..." napalingon siya sa tumawag sa kanya. Ang dalawang kaibigan pala ni Yanna.

"What?" angil niya sa mga ito.

"Hangtaray!" said the small one. She just rolled her eyes.

"Uhh... pwede ba'ng magtanong?" said the beautiful one.

"Oh, guess what? You just did", she sarcastically answered.

"H'wag ngang bitchy, pwede? Lalo na sa'kin, 'te. May itatanong lang kami sa'yo", sabi noong
maliit. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at sa iba itinuon ang tingin.

"Ako nga pala si Yen, at siya naman si Kry", pakilala noong maganda.

And so?

"Pwede bang malaman namin kung ano'ng ibig sabihin ng sinabi mo kanina? Magpinsan ba kayo or
magkapatid ni TJ? Naguguluhan kasi kami", dagdag pa nito.
"I'm his sister. Half-sister... Now, happy?" she said in a bitch tone.

"Ahh... So, kung gano'n pala... bakit ka nagpanggap na girlfriend ni TJ?" tanong ng
nagngangalang Kry.

Bakit ba ang usisera ng mga ito? Nagpanggap siya dahil matagal niya nang gawaing magpanggap na
girlfriend ng kuya niya sa iba. Mapili kasi siya sa gusto niyang maging girlfriend ng kuya
niya. Ayaw niya nang magkaganoon na naman ang kuya niya katulad ng nangyari dahil kay Yanna.
"Gusto n'yo talagang malaman? Simple lang. Because of that stupid friend of yours."

"Ano ba talaga'ng nagawa ni Yanna at gano'n na lang ang galit n'yo sa kanya? Ganyan din kasi si
TJ noong umpisa, e", mahinahong tanong pa rin ni Yen.

"Oo nga pala, hindi n'yo rin alam. At sinabi rin sa'kin ni TJ na parang wala raw maalala si
Yanna dahil todo tanggi. For all I know, she's just pretending 'cause she's a good one", she
smirked at the two.

Alam niyang magaling mag-pretend si Yanna. Napaniwala nga nito na mahal nito ang kuya niya, e.
Pero iiwan lang din pala.

"Hoy. Mag-iingat ka nga sa pananalita mo. Hindi ganyan si Yanyan!" Kry said back.

"Really? Hah. Sige nga? Tell me. Naaksidente ba siya para magka-amnesia?" hamon niya sa mga
ito. Iyon lang naman kasi ang tanging dahilan kung totoong wala ngang naaalala si Yanna.

Nagkatinginan ang dalawa. "Aksidente? Uhh... sa pagkaka-alala ko..." Biglang napapitik si Kry.
"Oo! Noong second year tayo! Yen, naaalala mo?"

What? H'wag sabihin ng mga itong naaksidente nga talaga si Yanna?

"Car accident!" parehong bulalas ng dalawa.

Hah. Kaya naman pala. "That explains everything", she said and then left.

Naaksidente noong second year. Second year... kung kailan naloko si TJ nang mawala ito. Kaya
naman pala biglang nawala at hindi na binalikan ang kapatid niya. Aksidente...

"ANO namang explain-explain everything ang pinagsasasabi nu'n?" nagtatakang tanong ni


Krystal kay Yen.

"Who knows?" hindi rin maintindihang sagot ni Yen.


"Ibig sabihin, naaksidente si Yanyan nang dahil sa aksidenteng 'yon? E, ni gasgas nga, hindi
naman nagasgasan 'yun, di ba? Driver lang naman nila ang nasugatan do'n", nalilitong napaisip
si Krystal.

"I know, right? Gulo naman ng buhay nila. Pero Kry, di ba may mga taong nakakalimot sa nakaraan
nila nang kahit wala namang aksidenteng nangyayari? Basta pinilit nilang kalimutan,
makakalimutan talaga nila. May ganu'n, di ba?" tanong ni Yen kay Krystal.

"Ewan ko rin, e. Alam ko may ganu'n. Pero parang hindi naman kapani-paniwala", sagot ni
Krystal.

"Sabagay. Hayaan na nga natin sila. Naloloka ako sa kanila. Haha!" Yen.

"Tama!" sang-ayon ni Krystal at nag-apir pa sila ni Yen.

HINDI pa rin maintindihan ni Yanna ang nangyari kanina. Magkapatid ba o magpinsan


sina TJ at Joice? Kasi kung magkapatid, hindi ba dapat na may iisa ang mga itong magulang? Pero
bakit tito at tita ang tawag ni Joice sa mga magulang ni TJ? Narinig niya kasing minsan iyon,
e. Ang gulo lang talaga. Hindi niya naman na naitanong dahil nag-bell na. Na-late nga rin si
Joice, e.

"Yanna... Ano'ng balita kay Bea?" pukaw ni Jake sa pansin niya.

Nakasandal siya sa railings ng corridor nila. Hinihintay niya si Julia dahil cleaners ang grupo
nito. Hindi pa naman labasan ang section nila Yen kaya siya pa lang mag-isa.

Oo nga pala. Saan niya ba hahagilapin si Bea?

"Hoy, Jake. Tapatin mo nga ako. May nangyari ba sa inyo ni Bea na hindi maganda? I mean... nag-
away ba kayo?" tanong niya kay Jake. Feeling niya kasi talaga, may kinalaman ito kung bakit
nagkakaganoon si Bea.

Huminga muna ito ng pagkalalim-lalim bago siya sinagot. "Oo... Nagkasagutan kami."

Napatango siya. "Hindi ko na itatanong kung bakit", sa mga ito na lang ang mga iyon. Ayaw
niyang mangialam. Kapag may nanghingi na lang ng tulong tsaka na lang siya makikialam. "Pero
may balak ka bang makipag-ayos?" tanong niya kay Jake.

"Oo? Ewan...! Basta, gusto nang bawiin 'yung mga sinabi ko sa kanya. Alam ko kasing nang dahil
sa mga 'yon... nasaktan ko siya. Tsaka, feeling ko.... gusto ko na ata siya?" tila nalilito pa
ring sabi nito.

"Feeling ko rin, Jake. Tanga ka lang talaga. Kada may malapit lang na lalaki kay Bea? Pansin ko
'yun, e. Tanga ka lang talaga", hindi siya nahiyang diretsuhin si Jake. Sa iyon ang
nararamdaman niya, e.
"Yabang... nagsalita! Prangka mo, ha", nangingiting sabi nito. Awkward lang sa kanya. "Basta,
kapag may balita, text mo na lang ako, ha?" dagdag pa nito.

"Sige, sige..." tinanguan niya ito pagkaraa'y nagpaalam na ito sa kanya.

"Tana...!" napalingon naman siya sa tumawag na si Kristoffer. Labasan na rin pala ng section
nito. Lumapit ito sa kanya. "Bakit mag-isa ka?"

"Kasi hindi dalawa?"

"Weh? Patawa! Haha."

Parehong nagkatawanan na lang sila.

"Tan... gusto mong makarinig ng joke?" tanong ni Kristoffer sa kanya out of the blue.

"Hmm, sige", tumango siya.

Nginitian muna siya ni Kristoffer bago magsalita.... "Joke."

Agad na nanulok ang itaas niyang labi sa sinabi nito. "Ah, gano'n, nagpapatawa? Haha. Corny mo,
Tin, umayos ka nga! Lokong 'to! Hahaha!" Nagkatawanan na naman sila ni Kristoffer. Ang babaw
talaga ng kaligayahan niya kapag ito ang kasama niya.

KINAGABIHAN, hinintay niya na talaga na tumawag at kumatok si TJ. Ewan, nasasanay na ata siya.

Tumunog na ang cellphone niya at tumatawag na si TJ pero hindi niya 'yon sinagot. Sa halip,
binuksan niya na ang pinto ng veranda niya.

"E, yabang? Hinihintay na talaga 'ko?" tuksong bungad agad ni TJ sa kanya.

"Hoy, asa! Hindi pa lang kasi ako makatulog, 'no. Tsaka, ang aga-aga pa, 8 pa lang kaya", naupo
na lang siya sa karaniwang pwesto nila. Tumabi naman si TJ sa kanya.

Five minutes na tahimik lang sila. Uuwakin na nga ata sila, e. Pero sa wakas, nagsalita rin ang
kumag.

"Yanna... Wala ka bang itatanong sa'kin?"


"Itatanong? Question sa English? Wala naman. Bakit? May gusto ka bang ipaalam sa'kin?" Pero sa
totoo lang, gusto niya nang itanong kung ano talaga nito si Joice.

"Tss... wala raw. Hindi mo gustong malaman kung ano ko talaga si Ching?"

Shoot. "Ahh... ano mo ba siya?" kunwaring hindi interesadong tanong niya.

"Kapatid", tipid na sagot nito.

"Paano?" Kapatid? E, bakit tito't tita ang tawag ni Joice sa mga magulang nito?

"Ano lang... simula noong ipanganak kami, magkapatid na kami."

That moment when his answers are indeed correct yet you feel derided.

"Sira-ulo. Ayusin ang sagot kung ayaw matadyakan", banta niya. Ngayon, alam na niya ang feeling
kapag sumasagot siya ng tama.

"Sweet naman. E, kung gawin nating kiss 'yan?"

"E, 'yung ulol?" Ang bad niya lang.

"Tss. H'wag kang nagmumura. Kababaeng tao mo, kung makapagmura ka parang hobby mo na lang."

Kaya nga siya Bad Princess ng school nila, di ba?

"Kamusta naman 'yung pagmumura mo? E, kalalaki mong tao", balik niya. Totoo naman. Mas pa sa
kanyang magsalita ito.

"Lalaki ako, natural lang sa'min 'yun. E, ikaw, lalaki ka ba? Tibo ka ata, e."

"Halikan kita?"

"O, tara?"

Pak!

Hinampas niya nga! "Sira-ulo ka! Pino-provoke mo lang ata ako, e."

"'Yun nga, e! Andu'n na, binasag mo pa. Pambihira... Buset!"


"Loko-loko ka pala, e!" Pak! Pak! Pak!

"Aray! O, tama na, OA na! Hahaha! Biro lang kasi! Try lang naman, e."

Tinigilan niya na ang paghampas dito. "Kapal ng mukha nito. Ano ba? Sasabihin mo ba 'yung about
sa inyo ni Joice o sasabihin?"

"The latter", sagot ni TJ. Napakapatawa talaga.

Inirapan niya na lang ito.

"Ito na nga, o. Magpapaliwanag na..."

"Then, go."

"Magkapatid kami sa ina", pag-uumpisa nito.

Napakunot ang noong tinignan niyang muli si TJ. Kung sa ina, bakit tita ang tawag ni Joice sa
mama ni TJ-kay Tita Romina?

"Stepmom ko lang si Mama. Ang totoong nanay ko-namin ni Ching, si Mommy Alessandra na nasa
America na kasama ang daddy ni Ching."

Ooohh.... Napatangu-tango siya. So, stepmother lang pala ni TJ ang Mama Romina nito. "Ganu'n
pala... Pero bakit sa inyo nakatira ngayon si Joice? Pumayag ang mommy n'yo? Ang daddy niya?"
curious na tanong niya.

Naisip niya kasi, common na sa mag-asawang naghiwalay ang hindi magkasundo.

"Oo, pumayag si mommy. Gusto kasi ni Ching na makasama ako kahit hanggang graduation lang.
Tsaka, para sakto rin ang pag-aaral ni Ching du'n."

Napatango na lang ulit siya. "Hmm... Pero bakit kayo nagpapanggap na magsyota? Kasi... parang
tanga lang. Bakit kailangan n'yo pang-" naputol ang tanong niya nang tumunog ang cellphone
niya.

Si Jake, tumatawag.

"O, Jake?" napalingon pa si TJ sa kanya pero kinibitan niya lang ito ng balikat.

"*Yanna... dito sa Miba! Nandito si Bea. Pumunta ka, lasing na lasing siya.*"
"What?! MIBA??? Lasing na lasing? Shit... Wait, pupunta na 'ko dyan." Agad na pumasok na siya
sa loob ng kwarto niya pagkatapos nilang mag-usap ni Jake. Kumuha lang siya ng perang pamasahe.

"Huy, sa'n ka pupunta? Gabi na, ha?" hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni TJ sa loob.

"Alam kong gabi na, TJ. Pero aalis talaga ako dahil aalis ako. Lasing si Bea!" iyon lang at
agad agad na siyang lumabas ng kwarto niya. Iniwan niya na doon si TJ dahil sa pagmamadali
niya.

Shit, Bea! Bakit naglasing si Bea?! Isang beses pa lang nalasing ang kaibigan niya! Noong
pumanaw lang ang daddy nito. Pero bakit ngayon??? Damn, Jake! I wanna kill you for this!

Naglakad na siya palabas ng village nila nang walang siyang makitang tricycle. Hoping na sana,
hindi pa dumating at hindi niya makasalubong ang mommy niya.

Beep-beep!

Lumingon siya sa sasakyang bumusina. Si TJ pala, nakasilip sa backseat. "Sakay na, sasamahan na
kita", aya nito sa kanya.

Hindi niya alam, pero bigla na lang siyang na-touch sa ginawang iyon ni TJ. At dahil sa sobrang
pag-aalala kay Bea, hindi na siya nag-inarte pa. Agad na pumasok siya sa sasakyan.

"Thank you", sabi niya agad pagpasok na pagpasok niya.

Nginitian lang siya ni TJ at binalingan na ang driver. "Kuya Teng, sa Miba tayo. May susunduin
lang kami."

Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang siya na ang magpaandar sa sasakyan kahit hindi niya
alam kung paano. Bea, ano ba kasi'ng nangyayari sa'yo???

Bigla na lang siyang nagulat nang biglang.... hinawakan ni TJ ang nanlalamig niyang kamay.
"Relax..." and then he smiled.

His smile..... made her calm.

***

*******************************************
[21] 20. Something weird.
*******************************************
20. SOMETHING WEIRD.

PUMUNTA si Jake sa Miba-isang maliit at sikretong bar kung saan nakakalusot ang mga underage.
Nababatdrip siya. Gusto niya ng alak.

Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Kapag nandyan si Bea, naiirita
siya. Pero kapag wala naman, hinahanap niya. Ang gulo niya. Siguro nga... Siguro nga gusto niya
nang talaga si Bea.

Bumuntong-hiningang pumasok siya sa bar. Pero pagpasok na pagpasok niya, isang bulto agad ang
nakaagaw ng pansin niya. Isang babae na nakikipagsayaw sa mga kalalakihan at tila lasing na
lasing. At pagharap nito, agad ang pagtagis ng mga bagang niya. Si Bea! P*ta, ang gaslaw ng
galaw!

He immediately stormed where Bea is and pulled her away from the enjoying suckers.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha, Bea?! Nasisiraan ka na ba??!" bulyaw agad niya kay
Bea nang paupuin niya ito sa isang set.

Pero pinangunutan muna siya ni Bea ng noo na tila kinikilala pa kung sino siya. "Jake?
Jekmylabsss?" she giggled. "Ikaw pala 'yan! Meheh. Misshh mo 'ko, 'no??? Meheheh", pagkaraa'y
nahiga ito sa set.

Naupo siya sa tabi nito at pinaupo ito sa pag-aalalang lalo itong mahihilo kung hihiga ng
ganoon. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ano ba'ng pinaggagagawa mo?" Dahil ba sa akin kaya ka
nagkakaganito?

"I hate you, Jake... I hate you", she murmured, and that answered it.

Talagang dinibdib pala nito ang mga masasakit na sinabi niya. Talagang siya pala....

Puro 'I hate you' lang ang sinasambit ni Bea. Pero napalingon siya rito nang mag-iba 'yon. "I
love you..." she murmured.

"A-anong... anong sinabi mo?" Tama ba ang narinig niya?

Pero bakit pa nga ba siya nagtanong, e, wala nga sa sarili si Bea? He shook his head. He better
call Yanna.
NATAGPUAN nina Yanna't TJ sina Jake at Bea sa isang table sa Miba.

Sa malayo pa lang, tanaw na niya ang kakulitan ni Bea at ang aburidong itsura naman ni Jake.
Agad na nilapitan nila ang mga ito.

"Bea, tara na, uuwi na tayo", agad na inalalayan niya si Bea patayo nang makalapit siya rito.

"Yanyanbeeeb??? Ikaw pala! Hi-hik! Alam mo ba? Crush ka ni Jek...!"

Jek? Sino si Jek? natatawang naisip niya.

"Sabi ko na nga ba! Dapat naging kagaya kita! Kasi.. ikaw gusto ni Jek, e", patuloy ni Bea.

"Ehem", napalingon naman siya sa nasa likuran niyang si TJ. Natawa siya. Selos na agad? Hanep
ng tingin kay Jake, e. Natatawang siniko niya na lang si TJ at ibinalik na kay Bea ang pansin.
"Bea, uuwi na tayo, okay?"

"Huhu! Bakit kasi ganu'n? Cute naman ako, di ba? Huhu", umiiyak na sabi nito pero wala namang
luha. Mayamaya'y tumatawa na naman. Isang halimbawa ni Sisa. Natawang nailing na siya.

Niyakap niya si Bea. Mahirap kayang ma-inlove kahit hindi niya pa nararanasan! Syempre,
naririnig niya sa iba. Kaya nga parang ayaw niya, e. Kasi hindi pwedeng walang sakit na
mararamdaman. Katulad na lang ngayon ni Bea. Naaawa siya sa kaibigan.

"Bea, be strong, okay?" she hugged her tight while tapping her shoulder.

"Yes, Mommy, I will..." tumango-tango pa ito't suminghut-singhot.

Agad na nanulok ang itaas niyang labi nang marinig niyang tumawa si TJ sa likuran niya. Siniko
niya nga ulit. 'Nak ng magaling. Nanay na siya ngayon? Sabunutan niya si Bea pagtino, e. Pero
si Jake, napansin niyang walang kibo.

"Alam ko na. Jake, sa inyo muna makikitulog si Bea", pahayag niya.

Gulat na napalingon si Jake sa kanya. Kung pwede lang sa kanila, bakit hindi? Ang kaso,
magkaibigan din ang mga nanay nila ni Bea kaya yari kapag sa kanila niya inuwi si Bea.

"O, bakit? Ikaw naman ang dahilan kung bakit 'to lasing, ha?" inunahan niya na ang akmang
reklamo ni Jake.

Napabuntong-hininga na lang si Jake. "Sige... Tutal, ako naman ang may kasalanan", pagkaraa'y
umalis na ito.
"Mokong na 'yon... 'Di man lang tumulong, e, siya naman talaga ang dahilan", reklamo niya
habang inaayos si Bea.

"Hayaan mo na, nahihirapan din 'yun", sabi ni TJ sa kanya. Napabusangot na lang siya. "Tara na
nga... tulungan na kita dyan", alok nito tsaka iginiya si Bea at ipinasan.

"Waaa! Batman, is that youuu??? Lezzfly na, koya!" bigla na lang naglikot si Bea na parang
lilipad kaya naman muntik nang ma-out of balance si TJ.

"'Nak ng...! Bea, h'wag maharot, ihuhulog kita!" banta pa ni TJ sa lasing na si Bea.

Natawa na lang siya't ininis pa ito. "Batman, is that you? Hahaha!"

"Hoy. H'wag ka ngang tumawa dyan. Kita mong ang bigat-bigat nito, makatawa ka naman", reklamo
ni TJ sa kanya.

"O, tapos po? 'Pag tumigil ako sa pagtawa, gagaan si Bea?" tinaasan siya ni TJ ng kilay sa
sinabi niya. "Haha! Tara na nga po, koya!" tatawa-tawang aya niya na lang.

"Hep!" pigil nito sa kanya. "Tumabi ka lang sa'kin, engot", kinuha pa nito ang isang kamay niya
at hinawakan iyon.

Siya raw, engot? "Hoy-"

"Sino ba'ng nagsabing lumabas ka ng nakasando't short lang?"

Bigla siyang napatingin sa suot niya. Oo nga! Nakarating siya ng bar ng nakaganoon lang!

"Oha? Binibigyan mo 'ko ng damoves, 'no?" Hindi niya alam pero imbis na kontrahin niya ang
sinabi nito, feeling niya, namumula na siya. "Basta tumabi ka lang sa'kin. May mga chume-check-
out sa'yo, o. Baka mapaaway ako", seryosong sabi nito.

Lumingon siya sa paligid at napalunok siya nang may makita nga siyang mga lalaking nakatingin
sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hawakan na lang din ang kamay ni TJ hanggang sa
makalabas sila ng bar.

Pagdating nila sa bahay nila Jake, nagpatimpla agad si Jake ng kape sa yaya nito. Habang si Bea
naman, dinala ni TJ sa isang guest room.

Nang bigla na lang bumalikwas ng bangon si Bea. "Mommy, mommy, mom-" pero biglang nakatulog
ulit.
Grabe, parang tanga lang ang kaibigan niya. Natatawang napapailing na lang siya. Hanggang sa
dumating ang kape-ang yaya pala na may dalang kape. Gising na naman ang makulit na si Bea.

"Bea, inumin mo muna 'to, o", itinapat niya sa bibig ni Bea ang tasa. Humigop naman ito pero
kaunti lang, bigla agad tinabig ang tasa kaya naman natapon sa kama ang kape. Buti na lang
nakaiwas siya.

"So hot! Eww!"

"Hot lang, na-eww na? Tampalin kita dyan, e. Umayos ka nga", muling inayos niya si Bea sa
higaan. Sayang ang bedsheet, puting puti pa naman.

"E, kasi mahal ko siya, e..."

Napalingon siya sa mukha ni Bea. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip niya. Nilingon niya
si Jake na nakatayo lang katabi si TJ at pinapanood sila ni Bea.

"Sino ba'ng mahal mo, Bea?" ngingiti-ngiti niyang tanong kay Bea.

"Secret, no clue! Baka malaman mo pang si Jake 'yun! Hmp!"

Mapang-inis na nilingon niya si Jake. Nagkatawanan pa sila ni TJ nang makitang namula si Jake.

"Bakit mo mahal si Jake? E, hindi ka naman niya mahal?" pagtatanong niyang muli kay Bea.

"E, sino ka ba??? Hindi naman kita kilala, tanong tanong tanong ka pa!"

"Oha, binilangan ka", natatawang singit ni TJ.

"Sira-ulo", natatawang balik niya kay TJ pagkaraa'y binalingang muli si Bea. "Bea, mahal mo
talaga si Jake?"

"Kulit kulit kulit mo, ha! Ano ba'ng pakialam mo kung mahal ko siya? Siya nga, walang pakialam,
e!" nakita niya ang sakit sa ma mata ni Bea bago ito nahiga't tinalikuran sila.

Muli niyang nilingon si Jake. "Boom", she teased. Dumiretso na siya ng tayo.

"Hoy. Alam mo na kapag naglasing ako?" biglang singit na naman ni TJ pagkaraa'y inakbayan pa
siya.

Kapag naglasing ito? Natameme siya. Ang alam niya, si Jake ang iniinis niya, ha!
"Tse! T-teka nga, magpapaalam na ako kay mommy na dito ako matutulog!" akmang tatanggalin niya
na ang braso ni TJ sa balikat niya pero biglang itinulak-tulak siya nito palabas ng kwarto.

"Ge, p're, ikaw nang bahala kay Bea. Iuuwi ko na 'tong syota-este, kapit-bahay ko", nag-salute
pa si TJ kay Jake habang itinutulak-tulak siya.

Syota??! "H-hoy...! A-ano kamo? Tsaka, ano ka ba? Bakit natin sila iiwanan dito?" reklamo niya
kay TJ.

"Hayaan mo na silang makapag-usap", sabi ni TJ sa kanya.

"Usap??? Nakita mo ba kung gaano katino kong nakausap si Bea?"

"Wow, wala nang bukas?"

"TJ naman, e! Kahit ba! Lalaki't babae sila-"

"Kaibigan natin si Jake, tingin mo gagawin niya 'yang iniisip mo?"

Natameme na naman siya. Ano nga ba'ng iniisip niya? "E, pero... pa'no kung hanapin siya ng
mommy niya?"

"Kaya nga tatawagan mo ang mommy niya, di ba? Tatawagan mo rin naman kahit dito ka matutulog.
Pero pagbigyan mo nang makapag-usap 'yung dalawa", sabi ni TJ sa kanya.

Napaisip siya. Wala naman nga sigurong gagawing masama si Jake sa kaibigan niya, di ba? Oo
nga... Alam niya namang mabait si Jake.

Hanggang sa makababa sila, muling inakbayan na naman siya ni TJ. Akmang bubulyawan niya na sana
ito pero nang lingunin niya ito't nakitang nakangiti, hindi niya maintindihan kung bakit tila
napipilan na lang siya. Agad na nagbawi na lang siya ng tingin at hindi na nakapag-protesta pa.

Weird. Something's weird... The feeling is..... really weird.

***

*******************************************
[22] 21. Weirdo.
*******************************************
21. WEIRDO.

"YANNA!" tawag sa kanya ni TJ pagkalabas niya sa gate ng bahay nila. Kasama nito si Joice at
pasakay na ang mga ito sa kotse. "Sabay ka na sa'min", dagdag pa ni TJ.

Siya, sasabay? Seriously??? E, kung nakakamatay nga ang tingin ni Joice, malamang
pinaglalamayan na siya ngayon, e.

She gave him an awkward smile. "Thank you na lang", pagkasabi ay tinalikuran na niya ang mga
ito at naglakad na paalis. Ang kotse kasi nila, mommy niya ang gumagamit. Mas maaga ang pasok
niya kumpara sa mommy niya kaya lang, ayaw niya nang hinahatid pa nito. Pwede naman kasi siyang
mamasahe na lang.

"Sige, Ching, una ka na", narinig niyang sabi ni TJ kay Joice kaya naman napatuling lalo ang
paglalakad niya.

"Fine!" halatang may inis sa pagpayag ni Joice.

Talagang sasabayan siya ni TJ??? Hindi na naman nga siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa mga
kilos at salita nito, tapos sasabayan pa siya ngayon? Anak ng pancit luglog naman po, o! Gusto
ko na pong matulog mamayang gabi ng maayos!

"Huy!"

"Ay, bading", napapitlag siya nang hindi niya namamalayang nakalapit na pala si TJ sa kanya.

"Bading 'tong mukhang 'to? Gwapo gwapo", pagmamayabang na naman nito.

"Tse! Nanggugulat pa kasi, e. Tsaka, malay ko ba kung isa ka du'n sa mga gwapong tagilid pala.
'Yung... 50-50? Ayiie! Haha. Isa ka du'n, 'no? Uuuy-"

"Halikan kita dyan, e."

Natameme siyang bigla.

"Ehe? Namumula???" pang-aasar pa ni TJ.

Hala. Namumula ba siya? "Tse! Dyan ka na nga!" binilisan niya ang paglalakad pero syempre,
sinundan siya ni TJ. Namula ba siya? Hindi naman, e! Natigilan lang siya, pero hindi namula!
Hindi talaga!
"Ito naman! 'Di ko pagkakakalat!" pang-aasar pa rin ng habol nito.

"Tse! Buset!" Bwiset talaga! Nakaasar na naman ang mokong.

"YANYAN!!! Omigosh, omigosh! You wouldn't believe it! Omg, I think it's the end of the world!
As in, omigo-"

Pak!

"Aray naman, ha!"

"Good morning too, Lex", nakangiting bati niya rito.

"Ikaw, ha! Kinaibigan lang kita, binabatuk-batukan mo na 'ko! Hmp!"

Paano'ng hindi niya babatukan? E, ang hyper na hindi niya maintindihan. Omigosh ng omigosh.
Goshgoshin niya mukha nito, e. "Arte po. Sige, alis ka na sa barkada", biro niya.

"Joke lang naman, friend!" natatawang kumapit pa ito sa braso niya. See? Close na sila.

"Ano ba'ng problema? Omigosh ka ng omigosh dyan", tanong niya.

"E, kasi naman... Iyon ooh", sinundan niya ang inginusong direksyon ni Lexi.

Sina Bea at Jake pala ang tinutukoy nito. Mga nagkakatawanan at mukhang lovers in the morning.
Hindi na siya nagulat. Atat ba namang magkwento si Bea sa kanya kaninang madaling araw pa lang.
Masaya nga siya't nagkaayos na ang mga ito, e. Sa wakas.

Pero ang ikinagulat niya, hindi sina Bea at Jake. Kundi ang hindi kalayuan sa mga itong sina
Joice at.... Kristoffer.

"Ano'ng nangyayari du'n?" tanong niya kay Lexi patukoy kina Kristoffer at Joice. Mukha kasing
nagtatalo ang dalawa.

"Malay ko sa kanila?" tugon naman ni Lexi.

"O, kamusta? Having fun?" dinaanan sila ni TJ. Kakaakyat lang kasi nito at nauna siya. May
kinausap pa ata kasi ito.

"Hoyoyoy! 'Lika lang dito, saglit", hinila niya si TJ sa kwelyo bago pa sila malapampasan nito.
"'Nak ng...! Mahal na mahal mo talaga 'ko, 'no?" sarkastikong sabi ni TJ sa kanya.

"Meheh... Sorry", ngingiti-ngiting sabi niya na lang.

"TAPOS ngayon, ngingiti-ngiti ka? Bipolar ka talaga, 'no?" nahimigan ni Lexi ang inis
sa tonong gamit ni TJ.

Si Yanna naman, nakita niyang bahagyang nakasingkit lang ang mga mata kay TJ at blangko lang
ang itsura.

"Ngayon naman, ganyan ang itsura mo? Weirdo mo", dagdag pa ni TJ. Pero si Yanna, nanatiling
walang reaksyon at nakasingkit lang ang mga mata kay TJ. "Ano? Jusko 'yang itsurang 'yan!"

"E, sira-ulo ka pala, e! Kaninang naglalakad tayo, kung makalandi ka sa'kin, wagas! Ngayon
naman daig mo pa'ng may dalaw! Sino kaya'ng mas bipolar sa'tin ngayon? Ha? Ha? Ha?!!" nagulat
siya nang bigla na lang nagsisigaw si Yanna.

"E, sino ba'ng nanghihila sa kwelyo?! Pwede namang tawagin na lang, kailangan talaga manghila?!
Ikaw kaya hilahin ko?!" ganting bulyaw ni TJ kay Yanna.

"Biro lang naman, e. Bakit mo sineseryoso???" ganti ni Yanna.

"E, nasakal ako, tatawa pa 'ko?! Buset!" TJ.

"OA mo naman! Buset ka rin!" Yanna.

And she was like.... awkward. Like, seriously? Lexi here, guys!

"Anyare dyan, 'te?" bigla na lang may sumulpot na pandak sa likuran niya kaya nawala ang
atensyon niya kina TJ at Yanna. Si Krystal pala.

"Ewan ko, baks. Gulo nila, LQ ata. Tapos, tignan mo 'yun", turo niya sa apat na tinuro niya rin
kanina kay Yanna.

Nagulat lang talaga siya. Si Jake at Bea na madalas magbangayan, ngayon, nagsu-sweet-sweet-an?
At sina Kristoffer at Joice naman na hindi naman talagang magkakilala, ngayon, nagbabangayan?
Sino'ng hindi macu-curious do'n?

"Emeged. Anyanyare???" hindi rin makapaniwalang tanong ni Krystal.

"O, di ba? Hay, nako. Tara nga, Kiray, mag-ice cream tayo", aya niya na lang sa kaibigan.
"Oy, icecream??? Tara nga, sama ako! Kailangan ko ng malamig, bwiset!" bigla na lang silang
ginulantang ni Yanna.

"Lumulon ka ng ref, buset!" at bigla na lang umalis si TJ.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo! Mas buset ka!!!" pahabol pa ni Yanna kahit nakalayo na si
TJ.

Nagkatinginan sila ni Krystal. Ibang klase talagang magbangayan ang dalawang iyon. She was just
all wow everytime.

"Tara nga! Ice cream!" kumapit pa si Yanna sa tig-isang braso nila ni Krystal.

"'Ice cream talaga agad??? Umaga ngayon, mga bading!" hindi makapaniwalang sabi ni Krystal.

"Wow, kailangang isigaw? Mamaya nga, tanghali na, e. Sisigaw mo pa rin, 'te?" pambabara ni
Yanna.

"Hangsunget!" Krystal.

"Haha. Tara, ice cream!" bigla namang tumawa si Yanna at hinatak na sila palakad.

Habang bumababa sila sa hagdan, nagkatinginan pa sila ni Krystal. "Weirdo", she mouthed.
Really, really... a weirdo.

Nang pagbaba nila, bigla na lang huminto si Yanna sa paglalakad.

"Hello po, mga ate", isang babae na hindi nila kilala ang bumungad sa kanila. "Pwede pong
magtanong?" the lady asked.

Pareho silang napalingon ni Krystal kay Yanna. Kapag kasi ganyang may nagtatanong ng obvious,
expected na nila na babarahin ni Yanna 'yon kahit hindi pa nito kilala. Katulad ngayon,
inasahan niya nang sasagutin ni Yanna ng 'you just did' ang babaeng nasa harapan nila. Pero
bakit tila gulat na gulat ang kaibigan nila? Kilala ba ni Yanna ang babaeng ito?

"Tin-tin..." ang tanging nasambit ni Yanna.

***

*******************************************
[23] 22. Who?
*******************************************
22. WHO?

NATULALA si Yanna sa nakita niyang nasa harapan niya.

Siya 'yun... 'Yung babae sa picture.... siya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang babaeng iyon
ang ipinakitang larawan ni Kristoffer sa kanya. Ano'ng ginagawa nito rito? Ilalayo ba nito si
Kristoffer sa kanya?

"Ate?" ulit ng babae habang sa kanya nakatingin.

"Ay, oo, nasa itaas siya. Gusto mo, samahan ka namin sa kanya?" si Krystal na ang sumagot.

"Talaga? Uy, salamat, mga ate", nakangiting pasasalamat naman nito.

"Kung gusto mong samahan ka namin, h'wag mo na kaming tawaging ate. Seriously, mas mukha kang
matanda sa'min", sabat niya.

"Yanyan!" suway pareho ni Lexi at Krystal sa kanya.

"What?" angil niya sa mga kaibigan. Umiiral na naman ang katarayan niya. Ano ba kasi'ng
ginagawa nito rito?

"S-sorry..." sambit ng babae.

Iniikot niya na lang ang mga mata niya at naglakad na pabalik sa itaas. Sumunod naman ang mga
ito sa kanya.

PATUNGO na si Kristoffer sa room nila nang pagliko niya sa pasilyo... Blag!

"Aw!" napaupo sa sahig ang nakabungguan niya. Hindi ata nakabalanse nang makabunggo niya.

"Ay, aso?"
Nanlilisik ang mga matang nilingon siya ng babae. "Huh. You think that was funny?" sarkastikong
sabi nito.

"O, Joice, ikaw pala. Hindi naman ako nagjo-joke. Tara, tumayo ka na, masaya ba dyan?"
inalalayan niyang tumayo si Joice pero pumiksi lang ito.

"Alam mo? Ang aga aga, dinadagdagan mo ang init ng ulo ko", inis na sabi nito sa kanya.

"O, talaga? Atleast, hindi ako ang dahilan ng pag-init niyan. Nadagdag lang. Di ba?" ngingiti-
ngiting sagot niya.

"Nakaka-bwisit ka! No wonder magkaibigan nga talaga kayo ni Yanna. Pareho kayong nakakainis!"

"Si Tan-tan? Teka lang naman dyan. H'wag mo namang dinadamay si Tana. Magdahan-dahan lang sa
pagsasalita, o", banta niya kay Joice.

"Tan-tan? Is that an endearment or what? Oh, I don't care, that's just stupid!"

"And what's so stupid about that? Look, I'm sorry for what happened. H'wag nang magsalita ng
masama kay Yanna. Kuha?" may diing sabi niya rito.

"Ooohh.... So, galit ka na? Hah. Ano ba'ng meron dyan sa Yanna na 'yan at ganyan na lang kayo
kung pahalagahan siya, ha?!"

"She's just simply special."

Yeah, she's just simply special. Indeed, sang-ayon ng isip niya. Pero, teka! Sino'ng kutong
lupa ang nagsalitang 'yon???

"Ayan! Ayan na naman sa special na 'yan! Lintik na special 'yan, dyan ka nasaktan TJ, e!"

Kunot-noong tinignan niya si Joice. Ano ba'ng problema nito't ganoon na lang ang galit kay
Yanna?

"O, mamaya n'yo na 'ko pag-usapan, ha?" Napalingon silang tatlo sa nagsalita. Si Yanna. "Tin...
may naghahanap sa'yo."

Nagtaka siya. Sino namang maghahanap sa kanya? Maya-maya'y papalapit na sa kanila sina Krystal
at Yen, at.... "Trish???" gulat na bulalas niya.

"Kris!" galak na bati nito nang makita siya.


Ano'ng ginagawa nito rito? Bakit nandito ito???

"Trish... ano'ng ginagawa mo rito???" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ano ka ba? Syempre kung nasaan ka, nando'n din ako. Right, fiancé?"

Napatingin siyang bigla kay Yanna na noon din ay nakatingin sa kanya pero agad na nagbawi ng
tingin.

Alam niyang nagulat ang mga nakarinig sa sinabi ni Trisha. Pero totoo. Fiancée... No. Not yet.
Pero doon din patungo iyon. Pinipilit na kasi siya ng daddy niya sa kasunduang iyon. Funny,
right? High school pa lang, may fiancée na. Pero iyon ang gusto ng mga magulang nila. And so do
Tricia.

"Fiancé? Alam mo ba 'to, Yanyan?" narinig niyang tanong ni Krystal kay Yanna.

Alam ni Yanna. Alam nito dahil ipinaalam niya. Ayaw niya kasi'ng maglihim dito. Alam niyang sa
huli, malalaman at malalaman din nito iyon.

Ang nakakasaksi namang si TJ, hindi mapigilang manibugho sa nakikitang reaksyon ni Yanna na
tila nasasaktan sa nangyayari.

"Kris, hubby, hindi mo ba 'ko ipapakilala sa kanila?" malambing na tanong ni Trisha sa kanya na
kumapit pa sa braso niya.

Hindi niya mapigilang tignan ang kababatang si Yanna. Nahihirapan siya sa sitwasyon nila. Alam
niyang hindi maglalaon ay kailangan na naman niyang umalis. Pero mababago pa iyon. Sa desisyon
ni Yanna... pwedeng mabago 'yon.

Bigla na lang umalis si Yanna at nagtuloy nang pumasok sa classroom nito. Sinundan naman ito
nina Krystal at Yen, maging nina Joice at TJ na umalis na rin.

"Hubby naman, bakit hindi mo ako pinakilala sa kanila? Kainis ka", nagtatampong sabi ni Trisha
sa kanya.

Tinanggal niya ang kapit nito sa braso niya. "Trish, pwedeng mamaya na lang pag-uwi ko? Nasa
school tayo, e. Magbe-bell na rin", sabi niya rito.

Trisha pouted. "Okay... Basta, nasa inyo lang ako, ha? Tito gave me a spare key of your house,
e. Hintayin na lang kita sa inyo, okay? Bye!" pagkaraa'y hinalikan pa siya nito sa pisngi at
nagtuloy nang umalis. Hinatid niya na lang ito ng tanaw.

ORAS na ng uwian, maagang pinalabas sila Yanna. Pumunta siya sa tapat ng room nila
Kristoffer at sadyang hinintay niya ang kababata.
"Tin!" tawag niya kay Kristoffer nang maglabasan na rin ang mga ito.

"Tan...!" nakangiting lumapit si Kristoffer sa kanya. "Hinintay mo talaga 'ko?"

"Hm-mm", nakangiting tumango siya. "May pupuntahan ka ba? Tara, pasyal tayo?" aya niya kay
Kristoffer.

"Ah, e..." tila nag-iisip pang sambit ni Kristoffer nang bigla namang may dumaan sa mismong
gitna nilang dalawa.

"Dadaan ang gwapo", at nagtuloy nga talagang dumaan si TJ sa gitna mismo nilang dalawa.

Seriously??? Ang laki laki ng daan! To think na gilid na gilid pa sila ni Kristoffer. Tapos....
"Bwiset talaga 'yon", she murmured. Kaninang umaga pa sila nagkakabansan ni TJ, e.

"Uy, Tin, ano? Pasyal tayo?" baling niyang muli kay Kristoffer at piniling h'wa na lang
pansinin ang nagpapansing si TJ.

"Ano kasi Tana, e.... Uhh.... Kailangan ko'ng umuwi ng maaga. Kasi..."

"'Yung fiancée mo? Letch, edi, umalis ka na nga! Sabi na nga ba't walang kwenta 'yang mga
pangakong 'yan. Alis na!"

Hindi alam ni Kristoffer kung ipag-aalala niya ba o ikakatuwa ang inasal ni Yanna. Tila kasi
ito nagseselos kay Trisha. Akmang aalis na ito nang pigilan niya ang braso nito. "Tana...
nagseselos ka ba?" may himig ng panunuksong tanong niya sa kababata.

"Bakit naman ako magseselos? Tayo ba? Hindi naman, di ba? E, kayo? Fiancée mo siya, di ba?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Kristoffer sa sinabing iyon ni Yanna. Napaisip siya. Oo nga
pal, hindi nga pala tayo. "Yanna..."

Napatinging bigla si Yanna sa mukha ni Kristoffer. Bigla rin siyang kinabahan. Minsan lang
magseryoso si Kristoffer. 'Yung tipong babanggitin nito ang totoong pangalan niya at hindi niya
mababasa ang ekspresyon nito sa mukha.

"Alam mo'ng aalis ako, di ba? At alam mo'ng mababago mo pa 'yun. Isang araw... Isang araw bago
ako umalis, gusto kong malaman kung sino sa amin ni TJ ang pipiliin mo. Pangako... piliin mo
lang ako, hindi kita iiwan. Pero kung si TJ ang piliin mo.... tatanggapin ko."

"T-tin...." hindi niya malaman kung ano ang gusto niyang sabihin kay Kristoffer. Nagulat siya
sa sinabi nito. Kailangan niya talagang mamili?
Pero biglang ngumiti si Kristoffer. "Matagal pa naman 'yun, e. Sisiguraduhin kong ako ang
pipiliin mo. Pero kung hindi man... masaya pa rin akong ipinaglaban kita."

Natulala siya sa mga pinagsasabi ni Kristoffer. Naguguluhan ang isip niya sa mga sinabi nito.
Hindi siya malaman kung ano'ng sasabihin niya.

"O, pa'no? Mag-uusap lang kami ni Trisha. H'wag nang magselos, ha?" Kristoffer patted her head
then left hert the next.

Naiwan siyang malalim na napaisip. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya.... Kung sino
ang pipiliin niya.

Sa loob ng isang buwan? No. Sa loob ng tatlong linggo na lang.

Sa loob ng tatlong linggo.... Sino ang pipiliin niya?

Si Kristoffer, o.... si TJ?

***

*******************************************
[24] 23. They called it jealousy.
*******************************************

23. THEY CALLED IT JEALOUSY.

TUMUNOG ang cellphone niya at agad-agad niyang sinagot ang tawag na 'yon. Kanina niya pa
hinihintay ang tawag ni Kristoffer. Linggo kasi, at nagkayayaan silang magsimba.

"Hello, Tin? Sa'n ka na?" excited na bungad niya rito.

"*Tss..*", ang tanging sagot ng nasa kabilang linya.

Hindi si Tin, 'to, agad na pumasok sa isip niya. Tinignan niya ang screen ng cellphone niya at
tama nga. Si TJ pala.

"O, TJ... I-ikaw pala", medyo bumaba na ang boses niya. Nawala ang excitement dahil akala niya
naman kasi kanina ay si Kristoffer iyon.

"*Tss... Disappointed?*" nahimigan niya na naman ang irita sa boses nito.

Hindi niya talaga maintindihan kung ano'ng meron sa kanila. Madalas silang magkabangayan pero
madalas ding nagkakatuwaan. "Hindi, 'no. Ba't ka napatawag?"

"*Miss mo 'ko, e.*"

"Weh???" Heto na naman po ang kumag sa kayabangan niya.

"*'De, joke. Miss lang kita.*"

Bakit bigla na lang nahigit niya ang hininga niya?

"H-hoy-"

"*Mahal kita.*"

Napalunok siya. Alam niya namang pinagti-tripan lang siya nito, e. 'Yung out of the blue'ng mga
salitang iyon? Alam niyang pinagti-tripan lang siya ni TJ. Pero bakit natameme na lang siyang
bigla?

"*Totoo pala 'yung sabi nila, 'no? Mahal kita... Hindi naman tanong, pero masakit 'pag walang
sagot.*"

Hindi niya alam kung bakit nag-a-abnormal na naman ang tibok ng puso niya. Bumibilis na naman
ito. Mabilis na mabilis.

"*Busy ka?*" Doon lang siya natauhan nang ibahin nito ang pinag-uusapan.

"A-ano..."

"*Magsisimba?*"

"O-oo." Alam kasi nitong tuwing linggo talaga, nagsisimba siya. Kahit ba maraming bad words ang
lumalabas sa bibig niya, nagsisimba talaga siya, 'no.

"*Sino'ng kasama mo?*" tanong ni TJ.

Pati kasama niya kailangang alamin? "Itay, ikaw ba 'yan?"


"*Ah, si Kristoffer... Sige, ingat. Panget mo.*"

Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.

Hah. Hindi niya talaga alam kung maniniwala ba siya o ano sa lalaking iyon, e. Mahal daw siya,
pero ang pangit niya? Iyon ba ang tinatawag nilang love is blind? Hindi naman ako pangit!
Bwisit talaga 'yun!

Asar na tinignan niyang muli ang cellphone niya nang may magtext.

[Tana. Labas na!]

Agad na napalitan ng ngiti ang inis sa mukha niya. Si Kristoffer pala! Agad siyang lumabas ng
bahay at sinalubong si Kristoffer.

"Uy, gwapo", bungad niya agad dito.

"Tawag mo 'ko?"

Bigla na lang siyang napatingin sa itaas. Sa veranda ni TJ, ayun... Ang kumag. Inirapan niya
nga!

"'De, Tin, ikaw talaga 'yung gwapo", baling niyang muli kay Kristoffer.

"Nako, nagkalokohan na po."

Raratyadahan niya na dapat ng bulyaw si TJ sa kasasabat nito pero buti na lang at nagsalita
agad si Kristoffer. "Syempre, ganda ng date ko, e."

Nahiya siyang bigla sa sinabi nito kaya naman napangiti na lang siya.

"Galing mang-uto, ha? P're, pa'no 'yan? Turuan mo 'ko niyan. Turu-turuan mo 'ko niyan."

"Hoy! Ikaw TJ-"

"Tan, let's go?" Ang muling akmang pagbulyaw niya kay TJ ay napigilan na naman ni Kristoffer.
Inis na inirapan niya na lang si TJ. Napaka-epal talaga kahit kailan!

"Tara.."
Naglakad na sila ni Kristoffer palabas ng gate. Pero bago pa sila makalabas nang tuluyan,
tinawag ni TJ si Kristoffer. "Hoy, Kris!"

Pareho nilang nilingon ni Kristoffer si TJ. Ano na namang kailangan nito?

"Ingatan mo lang 'yang babaeng 'yan, ha. Engot 'yan, e..."

Agad na nakagat niya ang ibabang labi niya at automatic ang pagsama ng tingin niya kay TJ.

".....tsaka pakakasalan ko pa 'yan."

Pero bigla na naman siyang natameme sa banat nito. Ang tibok ng puso niya...

Agad na iniwas niya ang tingin kay TJ at ibinalik kay Kristoffer.

Nakita niya pa nang ngumiti si Kristoffer kay TJ. "Sabi mo, e", nakangiting tugon ni Kristoffer
tsaka siya nito inakbayan at inakay na palakad.

'INGATAN mo.'-'Sabi mo, e.'

'Pakakasalan ko pa 'yan.'-'Sabi mo, e.'

Hindi siya makapag-focus sa misa. Nag-e-echo lang sa isip niya ang mga pinagsasabi kanina nina
TJ at Kristoffer. Kahit ano'ng isip ang gawin niya, ibang meaning ang pumapasok sa utak niya.

Na ibig bang sabihin ni Kristoffer sa sinagot nito, payag ito sa sinabi ni TJ? O talagang
iingatan lang siya? O dahil ipinagpapaubaya na siya ni Kristoffer kay TJ?

Ang gulo! Hindi siya makapag-isip ng maayos.

"Huy..." marahang sinagi ni Kristoffer ang braso niya.

"H-huh?" nagtatakang tanong niya.

"Ama namin na", nakangiting tugon nito at bigla na lang kinuha ang kamay niya. Nahihiyang
napangiti na lang siya. E, bakit kinikilig siya?

"Puto pao?" tanong ni Kristoffer sa kanya nang makalabas na sila ng simbahan. Tapos na kasi ang
misa.
"With lugaw!" nakangiting tugon niya. Nagtungo na sila sa madalas nilang kainan ng barkada-sa
Food Hauz. Actually, madalas na nilang kasamang kumain si Kristoffer pati si TJ at ang barkada
nito.

Nagku-kwentuhan at nagkakatawanan lang sila ni Kristoffer habang kumakain hanggang sa may


tumawag na lang sa kanila. "Uy, Kris! Yanna!"

Napalingon sila sa tumawag na iyon. Si Derick. Kasama sila Neil, isang kaklase nilang si Jason,
at si TJ.

"Sa'n kayo galing?" tanong ni Jason sa kanila.

"Simba", tipid na tugon niya.

"Kayo?" balik-tanong naman ni Kristoffer sa mga ito.

"Dota", tila proud pa ang sumagot na si TJ.

"Woot! Simba na nga tayo, mga 'tol! Haha. Nakakahiya naman, inuna pa natin ang dota",
natatawang pahayag ni Neil.

Napaismid na lang siya. Heh. Mga lalaking 'to.

Maya-maya pa, nakita niya sa gilid ng mga mata niya na iritadong inalis ni TJ ang braso ni
Derick na nakaakbay dito pagkaraa'y umalis na lang bigla.

Ano'ng problema nu'n? Di na ata naubusan, ha? takang naisip niya.

"Oy, sa'n punta 'yun?" tanong ni Neil kay Derick.

"Magsisimba raw. Haha! Tara", tatawa-tawang sagot naman ni Derick.

"Loko! Haha. Tara nga, sundan natin!" aya ni Neil kay Derick at Jason.

"Una na kami", paalam pa ni Jason sa kanila.

Magsisimba? Nagkibit-balikat na lang siya. Kunsabagay, may misa pa ulit ng gabi. Hapon kasi
sila nagsimba, e.
"'TOL, h'wag mong sabihing nagseselos ka? Alam ko 'yang mga ganyang tinginan, e",
biglang umakbay si Derick kay TJ.

"Tss... Asa", may inis na sagot niya kay Derick.

Mahina namang tumawa ito. "Buti naman. Akala ko, nagkakalimutan na", bulong pa nito tsaka
tumawa na naman.

Oo, Derick. Hindi ko lang muntik makalimutan. Nakalimutan ko na talaga. Inis na tinabig niya
ang braso ni Derick sa balikat niya at walang paalam na basta na lang umalis. Shit ka, Dee...
Wala kang alam.

***

*******************************************
[25] 24. Let him go?
*******************************************

24. LET HIM GO?

"YAN, cleaners kayo, di ba? Hintayin ka na lang namin sa labas, ha?" sabi ni Julia kay Yanna.

"Hurry up, giddy up, girl", dagdag pa ni Bea.

Natatawang tinanguan niya na lang ang dalawa at nagsimula nang mag-ayos ng mga armchairs. Hindi
naman kasi talaga siya naglilinis. Kunwari lang na tumutulong siya. Wala, ginagalaw-galaw niya
lang ang mga silya para kunwari, inaayos niya. E, minsan, sinasaliwa niya pa 'pag natrip-an
niya.

Naramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Matagal, kaya alam niyang tawag iyon. Kapag
kasi nasa school, isine-set niya lang sa vibrate ang settings ng phone niya.

Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, unregistered number ang bumungad sa kanya.

"Hello?" alanganing sinagot niya ang tawag.


"*Uhm... Yanna?*" said a girl's voice.

"Who's this?"

"*Trisha*"

"Ohh..." Paano naman kaya nito nalaman ang number niya? At bakit naman ito napatawag sa kanya?

"*Uhh... Can we talk?*"

"So, sign language ang tawag dito?"

"*Err... I'm being nice here.*"

"I'm never nice, dear." Edi, siya na ang bitch. Narinig niya na lang ang pagbuntong-hininga ni
Trisha sa kabilang linya.

"*It's about Kris... Can we meet?*"

What about Tin? At dahil na-curious siya, pumayag na siya.

"*Great! Kita tayo sa mall. I'm here na. I'll wait for you na lang.*"

"Kay", she lazily agreed and then ended the call. Hindi niya gusto ang arte sa pagsasalita
nito. Sweet pakinggan para sa iba, pero hindi para sa kanya.

"Oy, si Yanna, o! Tatakas ka, Yan?? Duga!" malakas na sabi ng classmate niyang si Althea nang
kunin niya ang bag niya at lalabas na ng room nila. Napatingin tuloy ang mga ka-grupo nila sa
kanya.

Kuntodong kunot-slash-taas ng kilay ang ibinigay niya sa mga ito. The 'subukan-n'yong-
magsumbong' look.

"Sige, Yanna. Kaya na namin 'to, 'no. He-he", tatawa-tawang bawi agad ni Althea sa kaninang
sinabi. Nagtawanan ang mga ka-grupo nila at siya naman, umismid na lang at nagtuloy nang
lumabas.

Naabutan niya ang barkada sa corridor malapit sa hagdanan. And when she said 'barkada', kasama
na roon ang boys. Close na kasi sila. Kami? O, edi, sige, sila na lang.

"Yan, sa'n punta?" tanong ni Lexi sa kanya na katabi si Derick with matching holding hands pa.
Couple na kasi ang dalawang iyon. Hindi niya alam kung paano, pero basta, couple na ang mga
ito.
"LBM. Una na 'ko, huli na kayo. Baboo!" tuloy-tuloy niyang nilagpasan ang mga ito.

Hindi niya alam kung nagtawanan ang mga ito dahil kinagat ang palusot niya o ano, pero hindi
niya na lang pinansin. Narinig niya pa ngang tinawag siya ni Kristoffer, e. Pero hindi niya rin
pinansin. Sorry, Tin...

Sa Greenwich nakipagkita si Trisha sa kanya. Pagdating niya, may nakahain nang dalawang serve
ng lasagna at carbonara and two iced teas. Sakto. Gutom na siya.

Naupo siya sa katapat na seat ni Trisha at lame na nginitian ito samantalang ang tamis ng ngiti
nito na para bang close sila.

"So, ano'ng tungkol kay Tin?" siya na ang naunang nagtanong.

"Who?"

"Ugh... Kristoffer."

"Ahh... oo nga pala. Tin... Hmm... And you are his Tan, right?"

"Yeah... HIS", ipinagdiinan niya talaga ang huli. Naiku-kwento kasi siya ni Kristoffer kay
Trisha.

Tumango-tango na lang ulit si Trisha.

"Sa'kin ba 'to?" tukoy niya sa mga pagkain. Pakapalan ba? E, sa gutom siya't bigla itong nag-
aya, e.

"Yeah, yeah", tugon agad nito.

At dahil sa kanya nga talaga, sinimulan niya na ang lasagna. Nakakalahati na nga niya pero
hindi pa rin nagsasalitang muli si Trisha. Pinapanuod lang siya nito. Bahala nga ito. May
sariling pagkain naman, ayaw kaninin. Mabusog sana sa pagtingin sa kanya.

Susubo na ulit sana siya nang bigla na lang itong nagsalita. "Kristoffer..... let him go."

Napahinto siyang bigla. Ibinagsak niya ang tinidor na hawak at dumiretso ng upo. "Uso?"
pagtataray niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"Look... I'm being nice, okay? Can't you? You're.... creepy, you know?" tila natatakot na
pahayag nito.
Mahinahon nga naman kasi ito't may pa-smile-smile pa, samantalang siya.... Bigla nga niyang
nginitian ng pagkatamis-tamis. Creepy daw ang itsura niya kanina, e.

"Err... Creepy pa rin."

She glared at her. E, ano pala'ng gusto nitong gawin niya?

"Okay... 'Yung sinabi mong i-let go ko si Tin... Bakit???" pagbabalik niya na lang sa mismong
punto.

"Kasi, I'm his fiancée?"

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa isinagot nito. Kung nambabara ba ito o iyon talaga ang
rason.

"But not yet his wife", kibit-balikat niyang saad.

"Alam mo ba? Ang mom niya, nasa hospital pa rin 'til now. While his dad.... galit sa kanya."

Agad na napakunot-noo siya sa biglaang pahayag ni Trisha.

Hospital? Ang mom ni Kristoffer, nasa ospital? At ang dad nito, galit? Bakit hindi nabanggit ni
Kristoffer sa kanya 'yon?

"Of course, you don't. Kung mismong si Kris nga, hindi alam, e", and then she gave her a faint
smile.

Lalo siyang nalito. Kung totoo nga, bakit hindi alam ni Kristoffer ang nangyayari sa sariling
pamilya? "Pwede bang linawin mo ang mga sinasabi mo?"

Trisha sighed a deep one. "You see... Tumakas lang si Kris pabalik dito sa Pilipinas." Lalong
napakunot ang noo niya. "D'you know why?"

"'Cause he missed me so much..." tugon niya. Oo. Iyon talaga ang dahilan ni Kristoffer. Siya.

"Exactly.... Pero hindi niya alam na inatake sa puso si Tita Jane nang dahil sa ginawa niya."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Muntik na siyang itakwil ni Tito Greg dahil sa nangyari. Siguro nga pulubi na ngayon si Kris
dahil sa galit ng dad niya, e. Pero dahil sa kagustuhan ni Tita Jane, napilit niya si Tito Greg
na hayaan na lang si Kris."
Patuloy lang si Trisha sa pagpapaliwanag habang siya, hindi lubos na maisip na ganoon na pala
ang nangyayari sa pamilya ni Kristoffer dahil sa ginawa ng kababata.

"Ngayon, pinipilit na siya nila Tito na bumalik. Pero hindi pa rin nila sinasabi ang kalagayan
ni Tita. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw ipaalam ni Tita, e. Sigurado namang kapag nalaman ni
Kris 'yun, hindi na siya kailangang piliting umuwi. Pero ngayon, kailangan na talaga niyang
umuwi. Nalulugi na ang kompanya nila."

"A-ano???" Nalulugi ang kompanya ng pamilya ni Kristoffer???

"You heard me right. Nalulugi na ang kompanya nila. At si Kris lang ang solusyon doon."

Lalong hindi siya makapaniwala. "Ano nama'ng alam ni Tin dyan? Paano'ng siya ang solusyon? Ang
bata niya pa, ha!"

"Yanna... three years from now, he'll be 20. Their company needs him."

Hindi talaga siya makapaniwala. "He's not yet ready! Ano'ng alam niya sa pagpapatakbo ng isang
kompanya? Tsaka... nandyan naman si Tito Greg, ha?"

"He'll learn. And about Tito Greg... Well, kahit siya, wala na ring magawa. Si Kris na lang
talaga ang makakapag-save sa company nila."

"P-paano??" Litung-lito na siya. Dito na ba papasok ang pagiging engaged ng mga ito?

"He just needs to promise one thing."

"And that is....?"

"To marry me."

Boom. Sabi niya na nga ba.

Ang sabi ni Kristoffer sa kanya, hindi pa naman daw talagang engage ang mga ito. Hindi naman
daw kasi pumapayag si Kristoffer sa kagustuhang iyon ng dad nito. Na si Trisha lang ang
tumatawag dito ng fiancé.

Ngayon... ang pagpapakasal lang ba kay Trisha ang tanging solusyon?

"I know what you're thinking.... Pwedeng tulungan ng parents ko ang company nila. Only, sa
kondisyong gusto ko. And that is for Kris to marry me. I know, bata pa kami. Kaya nga may
tinatawag na 'long-engagement', di ba? He just needs to promise that one thing and when the
right time comes... tunu-nun! Wedding bells!"
Nahiya naman siyang bigla sa tila anime na reaksyon nito sa huling sinabi.

"So, you are saying...." putol niya na sa pagde-daydream nito.

"Yeah, I want you to let him go. H'wag mo siyang piliin."

Napakunot bigla ang noo niya. H'wag piliin? Paano'ng nalaman nito ang tungkol sa pagpili niya?
Sinabi ba ni Kristoffer dito?

"Yes. Nabanggit niya sa akin na kapag hindi mo lang siya pinili tsaka lang siya aalis. Why
would you think I'm here only to meet you, right? Though I have no idea with that choosing
between what or who... whatever. Basta, h'wag mo na lang siyang piliin."

"Pa'no kung si Tin ang piliin ko?" She knew she's being selfish with that question, but...

"Kung gano'n, wala na akong magagawa... Really, I'm here to help. Kapag pinigilan mo siya,
babagsak ang kompanya nila with Tita on her current state. It is really up to you, Yanna.
Hanggang dito na lang ang magagawa ko."

Doon pa lang sa mga sinabi ni Trisha. Isang sagot lang ang nabuo sa isip niya. Konsensyahin ba
naman siya ng talaga namang kakonse-konsensya....

Alam niya kung ano ang dapat na piliin niya. Pero.... handa ba siya?

"Hey, kailangan ko nang umuwi. Baka hanapin na ako ni Kris, e. By the way, you don't need to
think about it that much. You just need to let him go because that's the best for all. But
yeah, it is all up to you, anyway... Bye, Yanna", tumayo na si Trisha at iniwan siya.

Naiwan siyang tulala't malalim na napapaisip. Ayaw niyang iwan ulit siya ni Kristoffer, pero
ayaw niya ring bumagsak ang kompanya ng pamilya nito. Sino ba nama'ng matino ang gugustuhin
'yon para sa isang kaibigan? Pero.... ayaw niya ring magpakasal si Kristoffer kay Trisha.

God, ano ba'ng gagawin ko?

NASA veranda siya at nagpapaantok. Nakaupo lang siya sa sahig at nakasandal sa pader habang
nakayuko. Iniisip niyang mabuti kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Syempre, kung nasa matinong pag-iisip siya, natural lang na hahayaan niyang umalis si
Kristoffer. Sino naman kasi'ng engot ang magiging selfish sa ganoong kalagayan ng mom at
kompanya nito, di ba? Pero dahil sa abnormal nga ata siya, hindi siya makapag-decide ng maayos.
"Boo!"

Napapitlag siyang bigla nang may tumalon sa harapan niya. She looked up and glared at TJ.
"Gok."

"Acheche?" Lalo niya itong sinamaan ng tingin. "Haha. Pangit mo naman? Ngumiti ka na nga,
nandito na 'ko, o."

At dahil nasa harap niya ito, hindi niya alam kung bakit bigla na namang bumilis ang tibok ng
puso niya. Pero isinantabi niya iyon at hinawakan niya ang baba nito. "Obvious? Hindi naman
picture 'yang pagmumukhang 'yan, di ba?"

"Weh? Si Ka Bara!" siningkitan siya ni TJ ng mga mata. "Pero, akala mo picture, 'no? Mali ka
do'n. Gwapo lang talaga ang pagmumukhang hawak mo."

Asar na tinanggal niyang bigla ang hawak sa baba nito. Lalo niyang sinamaan ng tingin si TJ.
Talagang ang kayabangan nga naman nito.

"Haha. Seryoso kasi 'yun! Pati, seryoso, ang pangit mo! Ngumiti ka nga! Sinabi nang nandito na
'ko, e. Ngiti na! Smiiiiile", hinawakan pa nito ang magkabilang side ng labi niya at pilit na
ifino-form iyon ng ngiti.

Tinapik niya ang mga kamay nito. "Tse! Baliw! Ano nama'ng kinalaman ng pagngiti ko sa pag-exist
mo, aber?"

"Ano'ng kinalaman? Hmm...." naupo muna ito sa tabi niya. "Kasi, miss mo ako kapag wala ako kaya
malungkot ka. Aminin."

"Hoy!-Hahaha", natawa siyang bigla sa sinabi nito. Talagang may aminin sa huli? Hindi na nga
patanong, may aminin pa sa huli? Ibang klaseng TJ talaga! "Kapal po! Haha. Asa ka! Ewan ko nga
sa'yo!" nagpipigil ng ngiting iningusan niya ito. Lokong 'to.

"'Yan ang sinasabi ko... Kanina lang, daig mo pa ang bida sa Pasan Ko Ang Daigdig, pero ngayong
kasama mo na 'ko, tinalo mo na sa lapad ng ngiti si McDo. E, 'yung namiss mo nga talaga ako?
Tara, mag-pamisa tayo?"

Sobrang nagpipigil na siya ng tawa sa mga pinagsasabi nito. "Sira-ulo! Tigilan mo nga ako!"
pero hindi na niya napigilan ang matawa. Tatawa-tawang binatukan niya pa ito.

Aba naman. Na-segue na nga ang Pasan Ko Ang Daigdig, na-plug pa si McDo? At talagang magpapa-
misa pa kapag namiss niya ito? Haha! Sira-ulo talaga!

"Oha! Kita mo? Kita mo 'yang ngiti mo! Exclusive lang 'pag kaharap ako, o!" pang-aasar pa nito.

"Tse! Kapal ng mukha!" iningusan niya na lang ito at sumandal nang muli sa pader.
Ngingiti-ngiting gumaya naman ito pagkaraa'y bumulong sa tenga niya. "Saya mo na, 'no?"

Asar na bubulyawan niya na sanang muli ito pero nang paglingon niya'y sobrang lapit pala ng
mukha nito, natigilan siyang bigla.

Her heartbeat.... her abnormal heartbeat....

***

*******************************************
[26] 25. Defeated.
*******************************************

25. DEFEATED.

SA tambayan.....

"OMG! Really??? As in??? Kailangan mo na talaga'ng mamili? Aalis si Kris? Waa! Ang hirap namang
mamili ng ila-lovelife mo, bii!" exage na reaksyon ni Bea nang ikwento niya ang kailangan
niyang pagpili kung papayagan niya ba'ng umalis si Kristoffer o hindi. Or rather... kung si
Kristoffer, o si TJ.

Hindi niya na lang sinabi ang tungkol sa problemang kinakaharap ng pamilya ni Kristoffer dahil
alam niyang papayuhan agad siya ng mga ito na hayaan nang umalis si Kristoffer. Unfair fight,
ika nga.

"Kaya nga ba ayaw kong magka-lovelife, e", mahinang sabi niya.

"Swerte mo nga, bebe, 'no! First time magka-lovelife, pinag-aagawan pa", sabi naman ni Julia sa
kanya.

"Oo nga, gurl!" sang-ayon ni Krystal pagkaraa'y binalingan si Ej. "Samantalang ako... ako na
nga ang sumusuyo, pahirapan pa!"

Napangiti siya. Aww. Ayaw pa kasing bumigay ni Ej, e.

"Hoy, Kryng-kryng! You shupi-shupi, ha! I don't like you tingining to me!" binulas pa ni Ej si
Krystal pero lalo namang dumikit ng dumikit si Krystal kay Ej at hayun, nag-duo na naman ang
dalawa.
"Baliw-baliwan ka na naman, Ethan! Haha", natatawang komento ni Yen pagkaraa'y binalingan siya.
"Bey, ano? Sino'ng pipiliin mo?" tanong ni Yen sa kanya.

"Syempre, dapat kung sino ang mahal niya", singit ni Lexi.

"Dapat talaga", dagdag pa ni Bea.

"E, sino ba'ng mahal mo, beh?" muling tanong ni Yen sa kanya.

E, sino nga ba'ng mahal niya? Hindi niya rin alam, e. Nagkibit-balikat na lang siya. "Kayo,
guys? Sino sa tingin n'yo ang mahal ko?" Alam niyang ang eng-eng niya sa pagtatanong ng ganoon
dahil, syempre, puso ba ng mga ito ang puso niya para malaman? Kung nababasa nga lang ang puso,
e.

"Ako, kay TJ!!! TROYAN! TROYAN! TROYAN!"

Natawa siya sa biglang cheer ni Lexi. "Okay ka lang, Lexi? Grabehan, kailangang isigaw?" bigla
ba namang sumigaw at may kasama pang taas ng dalawang kamay.

"Hihi!" tila kinilig pa ito.

"Baklang 'to! Kung makaaway ka dati kay bebe, daig pa niya ang kerida ni Puppy Tee! Tapos
ngayon, kung maka-TroYan ka, daig mo pa ang head admin ng fanpage nila?" Ej.

Lalo siyang natawa. Totoo. May fanpage sa facebook ang TroYan. Natatawa lang siya. E, alam niya
namang si Ej o kung hindi man ay paniguradong isa sa mga kaibigan niya ang head admin ng
fanpage na 'yon, e. At baka nga ang mga ito lang ang admins doon.

"S-syempre...! Gaga, binigay ko na nga si TJ sa kanya, tapos parang wala lang? S-syempre, dapat
si TJ na, 'no."

Sa kanya lang ba, o talagang nauutal si Lexi? Bakit naman kailangang mautal?

"Ah, basta! Tin-Tan ako! Tin-Tan, for the win!" bigla namang pahayag ni Bea kaya nawala na ang
atensyon niya kay Lexi. "Pero, kung si TJ ang piliin mo... okay na rin. Sabi niya nga, gwapo
siya, sang-ayon naman ako sa kanya. Hihi!"

Nanulok agad ang itaas na labi niya. "Balimbing."

"Hindi ako balimbing, 'no. Supportive lang talaga ako sa'yo. Haha!" Bea.

"Oo nga, beh. Kahit sino pa'ng piliin mo, susuportahan ka namin", sabi ni Yen sa kanya. "Payong
kaibigan lang, ha? Piliin mo... kung kanino active sa karerahan ang dugdug ng puso mo."
Ano ba nama'ng payo 'yun? Karerahan ng dugdug ng puso? In short, kung kanino bumibilis ang
tibok ng puso niya? Edi......

KASALUKUYANG nagdodota sila TJ at ang barkada niya nang bigla na lang manggulat si
Derick. "Uy, uy, uy! Nag-text si Lexi my lab so sweet!"

"Reply-an mo, betlog, walang interesado sa'yo", sabi niya rito habang abala siya sa pagdo-dota.

"E, betlog ka rin! Sabi mo 'yan, ha? Hah. Ang sabi lang naman, e, nasa tamabayan na raw sila
ngayon at sasabihin na ni Yanna sa kanila kung sino ang pipiliin niya sa inyo."

Agad na napabaling siya kay Derick.

"Namo, ibalik mo sa dota 'yang tingin mo!"

Pero agad na siyang tumigil sa pagdodota. "Lantod naman, 'tol. Babae lang? Tara, ano'ng sabi ni
nii mo?" friendly-for-a-cause na nilapitan niya si Derick. Nii short for honey kasi ang tawagan
nito at ni Lexi. At dahil kay Lexi kaya laging updated sila.

"Nasabi ko na, uulitin ko pa?" Derick.

"'Yun lang pala, nag-inarte ka pa? Tara na nga!" tumayo na siya.

Makalipas kasi ang lagpas dalawang linggo, bukas na sasabihin ni Yanna kung sino sa kanila ni
Kristoffer ang pinili nito. Pero ngayon na pala ipapaalam sa barkada?

"O, tara na! Nang makita ko na ang aking irog", sabi naman ni Neil na tumayo na rin.

"Tara, miss ko na rin Bea ko", Jake.

Ayan. Nang dahil sa babae, iniwan ang pagdo-dota. Magkakaibigan nga talaga sila.

"E, ano pa'ng ginagawa natin dito?" Derick.

"Nag-uusap ata", sabat niya.

"Kaya bagay na bagay ka kay Yanna, e! Haha!" komento ni Neil.


"Damhin mo ang aking apelyido, kaibigan. Lumalakas ang fighting spirit ko nang dahil sa sinabi
mo", naghand-shake pa sila ni Neil.

"Kalokohan nampotek! Tara na!" aya na ni Derick sa kanila.

Nagtuloy na nga sila sa school. May mga nag-aayos kasi sa school nila para sa Foundation Day.
One week kasi ang itatagal ng FD nila. Nandoon na nga sila Diego at Julia kanina pa, e. Pati
nga ata si Yen. Masisipag kasi talaga ang mga iyon. At ngayon nga, sumunod na rin ang barkada
ni Yanna doon para tumulong. Sila lang talagang tatlo nila Neil at Derick ang mga dakilang
tamad. Hinatak lang nila si Jake, e. Impluwensiyang tunay.

"DALI, sabihin na! Bii, pa-excite much!" narinig nilang sabi ni Krystal.

Kasalukuyan kasi'ng hindi sila magkanda-ugaga sa pagpwesto para marinig ng malinaw ang usapan
ng mga ito. Nagtatago lang sila sa likod ng pader na hindi naman kalayuan. Kasama na rin nila
si Diego ngayon.

"Huy", napalingon sila sa bagong dating. Si Kristoffer pala. "Ano'ng ginagawa n'yo-"

Agad na tinakpan ni Neil ang bibig nito at hinila pakubli kasama nila kaya naman naputol na ang
sinasabi nito. "H'wag kang maingay. Mamimili na si Yanna sa inyong dalawa", pabulong na sabi ni
Neil dito.

Tinanggal ni Kristoffer ang kamay ni Neil sa bibig nito. "Pwe!... E, di ba, bukas pa 'yon?"

"Oo nga. Kaso ngayon niya na sasabihin sa barkada niya", si Diego ang sumagot.

"Makinig ka rin, tara!" aya ni Derick.

Tara daw, e, andito na nga. Engot.

"Ssshh!" saway ni Jake sa mga ito.

Naks. Parang mas excited pa si Jake sa kanya, ha?

Nakinig na silang muli sa usapan ng mga babae sa hagdanan sa itaas.

"Ano.... Nalito lang pala ako. Pero ngayon, sure na ako", boses ni Yanna ang naririnig nila.

"Ano nga, bii? Pabitin ka naman, e!" boses naman ni Bea.


"Dali na, gurl! Hurry up, pastorrr!" boses ng bakla-ni Ej pala.

"Ganito kasi... Uhh..."

Sang-ayon nga siya sa reklamo ng mga kaibigan nito. Masyadong pa-suspense, 'nak ng....

"Yanni, enjoy na enjoy sa suspense! Dali na kasi!" reklamo na rin ni Lexi.

"Ganda talaga ng boses ng Lexi my lab so sweet ko", pahayag ni Derick.

"Manahimik", saway niya dahil katabi niya lang ito.

Ewan, pero kinakabahan siya. Siya kasi ang pipiliin, e. Pero nakakanerbyos din pala.

"Si..."

Lalo siyang kinabahan nang magsalitang muli si Yanna.

Ayan na... Pipiliin na siya.

"Si Tin.... mahal ko siya."

Basag.

Tilian ng mga babae ang sunod na narinig niya, habang sila ng barkada, napadiretso na ng tayo.
Wala. Natulala lang siya. Napatingin siya kay Kristoffer... at panibugho ang agad na naramdaman
niya. Alangan namang kiligin siya para sa mga ito? E, siya nga 'tong talo.

Shit... Talo? P*cha... Talo... Talo ako.

"P're", pinigilan siya ni Derick sa balikat nang akmang aalis na siya.

Shit lang talaga, Dee. Shit lang. "Sino'ng nagpauso ng think positive na 'yon? Dalhin n'yo nga
sa harap ko't pepektusan ko! T*ngna, h'wag n'yo 'kong subukang sundan", banta niya sa mga ito
pagkaraa'y tuloy tuloy na umalis na.

Ang sakit na naman pala. Akala niya kasi, siya na. Akala niya, sa mga kilos nila, mas siya.
Akala niya.... oo nga, akala niya lang nga.

Kagaya kasi ng dati... Ang sakit na naman talaga.


Shit... Sobra.

***

*******************************************
[27] 26. She said.
*******************************************

26. SHE SAID.

NAPATAKIP ng tenga si Yanna nang agad agad magtilian ang mga kaibigan niya. Nagtatalunan at
nagsisisgawan na ang mga ito na para bang nanalo siya sa isang contest.

"Kyaaa! Tin-Tan, for the win! Woo!" tili ni Bea.

Napagtitinginan tuloy sila ng ibang estudyanteng nadadaan. Natatawang napailing na lang siya.
Hindi pa nga siya tapos sa sasabihin niya, e...

"Omigosh, Yannibii! Masosolo ko na si Puppy Tee!" deklara ni Ej.

Batukan ko 'tong baklang 'to, e. Natatawang napailing na lang ulit siya.

"Hala...! Niiiii!"

Napalingon silang lahat kay Lexi. May bigla kasi itong itinuro sa ibabang hagdanan sa gilid ng
pader at doon, nakita nilang ngingiti-ngiti't kakamot-kamot sa ulong lumabas si Derick.

"Nii, you're here na!" pero biglang natigilan si Lexi. "Tin-ti-I mean... Kris??? Omg, bakit ka
nandiyan? Pati... pati kayong mga bruho kayo!"

Nagulat na lang siya nang sunod-sunod na naglabasan din ang barkada kasunod ni Derick.

Phew! nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang wala naman pala roon si TJ. Napatingin siya
kay Kristoffer na paakyat ng hagdanan papunta sa kanya. Nagkangitian silang dalawa. Yes,
indeed... Mahal niya talaga ito.
Inakbayan siya ni Kristoffer paglapit na paglapit nito sa kanya kaya naman nagkatuksuhan na. Si
Julia at Lexi nga, hindi makapaniwala, e. Ang akala kasi ng mga ito, may gusto na rin daw siya
kay TJ. Pero ang mga loka, mga kinikilig din sa kanila ni Kristoffer ngayon!

Sa kasagsagan ng tilian at tuksuhan ng mga kaibigan nila, naramdaman niya na lang ang paglapit
ng mukha ni Kristoffer sa gilid ng kanya. "Hala ka... Narinig ni TJ."

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa ibinulong ni Kristoffer sa kanya.

Kung narinig ni TJ... Ibig sabihin, nandito ito kanina??? Pero... bakit wala na ngayon? Bigla
namang parang gusto niyang batukan ang sarili niya. Syempre nga naman, di ba? Kung ilang beses
na sinabi sa kanya nitong mahal siya at syempre, umaasa na ito ang pipiliin niya, pero
pagkatapos marinig na si Kristoffer ang mahal niya, alangan namang maki-celebrate ito sa
kanila? Natural, aalis agad 'yon.

Nilingon niya na lang si Kristoffer at ngingiti-ngiting nagsalita. "Hamo siya... Malaki na


siya."

KASALUKUYANG nasa bahay nila TJ si Derick at kinukulit-kulit si TJ ngayon.

"Basta sumama ka na lang!" hinila-hila niya pa si TJ. Ngayon na kasi ang alis ni Kristoffer.

Hindi niya nga rin alam kung bakit pa aalis si Kristoffer gayong ito ang pinili ni Yanna. Hindi
kasi kaila sa kanilang mga boys na kapag si Kristoffer ang pinili ni Yanna, hindi na ito aalis
ng bansa. Noong nakaraang araw nila narinig ang desisyon ni Yanna na si Kristoffer nga, pero
lahat sila nagulat na lang nang biglang magtext kagabi si Yanna sa kanilang lahat, pwera kay
TJ, sa pagkakaalam niya. Itinext sila nito na ihatid nga raw nila si Kristoffer sa airport
ngayon. Baka ata mawala, e. Joke.

Basta nagkaisa na lang silang magbabarkada na h'wag pumasok ng umaga para ihatid si Kristoffer.
Tutal, Foundation Day naman... Hindi niya nga alam na hindi rin pumasok si TJ ngayon, e. Ano'ng
malay nila, e, hindi naman ito nagre-reply sa text nila? Broken-hearted kasi ang loko. Mabuti
na lang at nag-text si Joice sa kanila na nagagalit nga raw ang adviser nilang si Mrs. Sta. Ana
sa kanila dahil absent ang buong grupo nila.

At si Kristoffer naman, pinasundo nga si TJ sa kanya. Hindi niya talaga maintindihan. Ang gulo
lang ng buhay ng mga ito.

"Umalis ka ngang, betlog ka. Pompyangin kita dyan, e", iritadong taboy ni TJ sa kanya.

"Yabang! 'De, ikaw na duguan ang puso. Buhusan ko ng asido 'yan, makita mo", pang-aasar niya
pa. Syempre, kaibigan siya, e. Kailangan damayan niya. Haha! "'Tol, importante kasi! H'wag ka
ngang magpaka-zombie dyan!" pinuwersa niya na si TJ patayo at itinulak-tulak na ito. Kulang na
nga lang, e, buhatin niyang papasok sa kotse nila.

"'Nak ng... ano ba, Derick!"


"Tungnuh, umbagan kita, umayos ka!" ganting bulyaw niya. Pabirong binatukan niya pa si TJ.

"Anak ng...!"

"Tita, hiramin ko lang po itong anak n'yo! Pagbalik po nito, tao na 'to", ngiting paalam niya
sa mama ni TJ na natatawa na lang din sa nakitang ayos nila.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta? Peste, babanatan kitang itlog ka, e", reklamo agad ni TJ nang nasa
loob na sila ng sasakyan.

Natatawang naiinis siya kay TJ, sa totoo lang. Galit na galit sa kanya, e. Kasalanan ba niyang
na-inlove ito? E, hindi na nga siya tutol sa mga ito, e. "Sa garden ni Mang Prokopyo, p're.
Manghihingi tayo ng halamang pwede mong kainin. 'Yung naninira? Nauubusan ka na ata, e", pang-
aasar na sagot niya kay TJ.

"E, gago", halatang asar na sambit nito pagkaraa'y sa labas itinuon ang pansin.

Napailing na lang siya. Na-broken-hearted lang, tinadtad na siya ng mura.

HINAYAAN na lang ni TJ na hilahin at isama siya ni Derick sa kung saan man ang
pupuntahan nito. Nasa airport sila ngayon at feeling niya, hindi niya alam kung bakit. Malay ko
sa gagong 'to. Hambalusin ko pa 'to, e.

"Guys, heto na siya, o. H'wag n'yong kausapin, may regla 'yan, nu'ng Sabado pa."

Sinamaan niya ng tingin si Derick nang huling itulak siya nito. At pagbaling niya ng tingin sa
harap niya... nandoon din pala ang buong barkada. Pero ang nakaagaw ng pansin niya, ay si
Kristoffer.... at si Yanna na.... mugto ang mga mata.

Shit, agad na napamura siya sa isip niya.

"Buti nga, umabot pa kayo, e. Flight ko na."

Nalilitong napatingin siya kay Kristoffer. Bakit may dala itong luggage? Flight??? At...
umiiyak si Yanna....! F*ck! Tuloy ang alis niya?!

Naikuyom niya ang mga palad niya. Sa mga oras na iyon ay gustong gusto niyang sugurin si
Kristoffer. E, t*do pala siya, e! Matapos siyang piliin ni Yanna... paiiyak lang niya?! P*ta!

"O, pa'no ba 'yan, guys? Aalis na 'ko..." Tiim-bagang na tinignan niya si Kristoffer. "Alagaan
n'yo 'tong batang 'to, ha?" ginulo-gulo pa nito ang buhok ng katabing si Yanna. Si Yanna naman,
gustong gusto niya nang bulyawan! Nakuha pa'ng ngumiti? E, halatang pilit naman!
At si Kristoffer... hindi pa nakuntento... Naglakad ito palapit sa kanya. Pigil na pigil siyang
h'wag itong suntukin, sa totoo lang. Kung makangiti ba naman, halatang nang-iinis pa! Kung
hindi lang talaga sila nasa mataong lugar, binigwasan niya na ito kanina pa.

Paglapit nito sa kanya, tinapik nito ang balikat niya pagkaraa'y may ibinulong sa kanya na
sapat para siya lang ang makarinig. "Alagaan mo 'yang mahal ko. Ingatan mo, h'wag mong
paiiyakin. Dahil 'pag nangyari 'yon... siguradong babalik ako at aagawin ko siya sa'yo. Kuha
mo?"

Kahit inis na inis, nalito pa rin siya sa pinagsasabi nito. Bugtong ba 'yon? Palaisipan kaya?
Ano'ng gusto nitong iparating? Na dahil aalis na ito, ipinapaubaya na si Yanna sa kanya? Tapos,
pagbalik nito, kukunin na? E, ano pala si Yanna? Laruan?! At, ano pala siya? Reserba?!

Pero may hindi tama, e. Ano'ng.... aagawin? Nalilito talaga siya.

NAKAALIS na si Kristoffer pero hinintay muna nila'ng magtake-off ang eroplanong sinasakyan nito
bago sila umalis.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan ang kaninang pinagsasabi ni Kristoffer sa
kanya. At sa tuwing nagtatama ang tingin nila ni Yanna, tila ito naiilang at bigla na lang
magbabawi ng tingin.

Sadyang nagpahuli siya ng paglalakad habang patungo sila sa parking lot. Wala siyang kinakausap
sa mga ito.

"Guys!"

Napaangat ang ulo niya nang marinig na nagsalita si Yanna. Medyo malayo ang mga ito sa kanya
dahi sinadya niya iyon. Ang iingay kasi ng mga ito at hindi siya makapag-isip ng maayos.

Napahinto siya nang maghintuan din ang mga kaibigan niya. Pare-pareho lang silang nakatingin
kay Yanna. Bale siya, sa likod ni Yanna nakatingin.

Pero imbis na magsalita, tumalikod si Yanna sa barkada at humarap sa direksyon niya. Napakunot
na lang ang noo niya nang magsimula itong maglakad papunta sa kanya. Nakabusangot itong
naglakad papunta sa kanya habang nasa likod ang dalawang kamay.

Wala siyang kaide-ideya sa gustong gawin ni Yanna. Huminto pa talaga ito sa mismong harap niya.
At dahil mas matangkad siya rito, tiningala pa siya nito.

"Alam mo..... ang pangit mo."

Bahagyang napataas agad ang isang kilay niya. Nagsalita ang maganda. E, mugtong mugto ang mga
mata!
Lalo naman itong natawa nang nagtiim-bagang na lang siya. Ano ba talaga'ng problema nito?

"Ngayon ko lang sasabihin 'to, kaya pakinggan mong mabuti...."

Lalo siyang nalito. Humakbang pa ulit ito ng isa para mas lalong mapalapit sa kanya. Napalunok
siya nang sobrang lapit na nito sa kanya. And then she smiled, then tiptoed..... "I love you."

***

*******************************************
[28] 27. She means it.
*******************************************

27. SHE MEANS IT.

SIX days ago....................

"Happy..." nakaramdam si Yanna ng pagsundot sa bewang niya kaya napaigtad siya, pero hindi pa
rin siya tuminag. "Uy, happy..."

Nakayuko kasi siya sa armchair niya dahil inaantok siya. May biglaang faculty meeting ang Music
teacher nila kaya wala siyang magawa.

"H'wag kang maharot, inaantok ako", saway niya kay TJ.

Oo, happy ang tawag ni TJ sa kanya. Nahilig na rin kasi siya sa mani'ng iyon. And adik ba naman
kasi ni TJ... Ang kuripot. Iyon lang tuloy ang kinukukot nilang madalas.

Sa totoo lang, naco-corny-han siya sa tawagan nilang iyon. Pero, ewan ba niya, nahawa siyang
bigla. Isang araw, happy na rin ang tawag niya rito. Pero hindi niya naman ito tinatawag na
happy sa harap ni Kristoffer. Baka kasi kung ano ang isipin ng kababata niya, 'no.

Pero sa totoo lang din, magulo pa rin sila ni TJ hanggang ngayon. Madalas, ang init ng ulo nila
sa isa't isa. Minsan naman, tila sila mag-bestfriends na hindi maintindihan. Basta kapag mabait
si TJ sa kanya, mabait talaga. Syempre, siya naman si abusado... Hayun, umpisa na naman ng
bangayan nila.

"Happy... May panget na humahanap sa'yo, magtago ka", muling sinundot ni TJ ang bewang niya.
Kinukulit na naman siya nito. Nakipagpalit pang talaga kay Jake ng pwesto.

"Tsk... Hayaan mo nga siya", hindi interesadong sabi niya.

"Okay, sabi mo, e", tugon naman nito. "Hoy! Panget! Shupi daw!" sumigaw naman ito.

"Bebe, ang sama mo. Si Tin mo 'yun, tinataboy mo?"

Napaangat agad ang ulo niya nang marinig niya ang sinabi ni Julia. Si Kristoffer pala!

"Tin...! Wait!" tawag niya kay Kristoffer nang makita ito sa labas ng room nila at paalis na.

Pero pinigilan siya ni TJ sa pala-pulsuhan niya. "Sabi mo hayaan mo na siya? Hamo siya na!"
tinaas-taasan pa siya nito ng kilay. Ang style nito ng pagpapa-cute. 'Gwapo, syet!'
Pero mamaya na ang pagpapa-cute nito. Pinuntahan pa talaga siya ni Kristoffer, e. Gigil na
kinurot at hinila niya na lang ang magkabilang pisngi ni TJ. Natawa pa siya bago umalis. Ang
cute kasi ng pag-'aw' nito.

Nilabas niya na si Kristoffer at gusto lang pala nito'ng makahuntahan siya. Wala nga kasi ang
mga teachers nila kaya gagala-gala na naman ang mga pasaway. Alam niya namang namiss lang siya
ng bestfriend niyang gwapo.

Sa corridor sa tapat ng room nila sila naupo ni Kristoffer at doon sila nagkwentuhan. Nang
makita sila ng barkada, nagsunuran agad ang mga ito. Hindi lang ang barkada, pati na rin ang
ibang mga kaklase nila. Ang lakas talaga niyang makaimpluwensiya.

Nagkwentuhan lang sila ni Kristoffer at nagkabiruan. Lagi namang gano'n. Walang bago.

"Happy...! Catch!"

Napalingon siya kay TJ na nakatayo hindi kalayuan sa kanila pagkaraa'y hinagisan siya ng
Happy'ng hawak nito. Nagbilihan pala sa canteen ang mga loko. Ang daming hawak na Corn Bits ni
Derick, samantalang prenteng prenteng nakasukbit naman sa batok ni TJ ang hilera ng paborito
nitong Happy! Natawa agad siya. Kitang kita ang kakuriputan ni TJ! Pero dalang dala ng mukha
ang kakuriputan! 'Hahaha! Kuripot na gwapo!' tatawa-tawang naisip niya.

"Happy tawag niya sa'yo?" biglang tanong ni Kristoffer sa kanya. Oo nga pala! Tinawag siya ni
TJ na happy sa harap nito!

"Ah, e.... O-oo. Baliw 'yun, e", naiilang na sagot niya. Si Kristoffer naman, napatangu-tango
na lang.

TWO days later...................

Nag-beep ang cellphone niya. Nagtext pala si TJ.

[Oy! Miss you :)]

'H'wag kang ngumiti, Yanna. H'wag kang kiligin!' Damn, pero hindi niya mapigilan!

[Otot. Itulog mo pa yan :P] reply niya.

Natatawa siya. Para talagang abnoy si TJ. Kani-kanina lang, nakatambay sila sa veranda niya.
Wala pa atang limang minutong nakauwi ito, miss na agad siya? Lakas ng trip.

[Ayaw. Di pa antok.]

[Antok na ko.]

Inaantok na kasi talaga siyang nakahiga sa kama niya. Gabing gabi na kaya.

Nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.

Incoming call

Happy
Baliw talaga. Tumatawag naman ngayon? Ano ba'ng pinakain niya rito't miss na miss siya?
Ginayuma niya ba 'to?

"Ow?" sinagot niya ang tawag nito.

"*Kantahan kita?*"

"Weh? Talaga? Sigi sigi!" bigla naman daw siyang na-excite at napaupo pa sa kama.

"*Joke lang.*"

Agad na nanulok ang itaas niyang labi. "E, lokohan naman pala."

Na-disappoint talaga siya. Na-excite siya, e. Hindi niya pa kasi ito naririnig na kumanta tapos
biglang mag-aalok at biglang joke lang pala?

"*O, tampo pa. Haha. Kiss ko muna?*"

"Tse! Bahala ka nga, inaantok na 'ko! Hmp!" pinagbabaan niya na si TJ. Bahala nga ito.
Matutulog na lang siya. Pero tumunog na naman ang cellphone niya. Tumatawag na naman ang loko.
Pasalamat ito, hindi niya ito matiis. Pero sinungitan niya na ito. Paarteng kaunti. "Ano?"

"*Yabang, huma-higblood! Heto na nga po, kakanta na, o.*"

O, di ba? Hindi rin siya matiis! 'Meheh', agad na napangiti siya. "Good. Galingan lang, ha?"

"*Oo na!.... Ahem....*"

Um-ahem pa ang loko! Ngingiti-ngiting nakinig na lang siya. Kumanta si TJ at.... nagpipigil
lang siya ng tawa. Napatakip pa siya ng bibig niya. Oo... hanggang matapos itong kumanta,
napipigil lang siya ng tawa niya.

"Walanjo, TJ! Benta! Hahahaha!" hindi na niya napigilang matawa nang matapos ito. Paano?
Twinkle twinkle little star ba naman ang kantahin! Tapos, ang seryoso pa ng pagkakakanta nito.
Mabagal na parang pampatulog at basta... tawang tawa siya!

"*Hoy. Tinatawa-tawa mo dyan? H'wag ka ngang tumawa. May meaning kaya sa'kin 'yung kanta na
'yun*", awat nito sa kanya dahil tawa talaga siya ng tawa.

"Haha! 'Yung twinkle twinkle, may meaning sa'yo? Baliw ka talaga!" lalo pa siyang natawa. Ano
nama'ng meaning ng pambatang kanta na 'yun para sa isang playboy na Troy ang pangalan? Tawang
tawa talaga siya, e.

"*Ewan ko sa'yo. Nag-effort ako, tatawanan lang pala. Tss.*"

Bigla siyang natigilan sa pagtawa. Hala... Nagalit?

"Ito naman. Biro lang!"

"*Ewan.*"

Patay. Tumipid na ang sagutan!

"Uy? Galit na?"

Pero hindi na sumagot si TJ.

"Ehe? Uy, happy... Ito naman..."

Pero wala pa rin talagang sagot si TJ.

"Happy.... Gara naman nito."

Pero bigla na lang.... "*Panget mo lang! Haha!*"

Agad na napanguso siya. "Hindi ka na galit?"

"*Hindi. Haha. Ako si happy mo, e.*"

May ihahaba pa ba ang nguso niya? "'Langya ka, nagdrama ka lang pala! Malandi!"

At tinawanan na naman siya ng loko! Baliw talaga! Natawa na lang din tuloy siya.

Matagal na nagkulitan sila hanggang sa hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. Nagising
siya sa tunog ng cellphone niya. Doon lang nag-sink in sa utak niya na natulugan niya pala si
TJ. Pero antok na antok na talaga siya. Hindi na kayang dumilat pa ng mga mata niya at hindi na
rin kaya ng isip niya.

"'Py... sorry, antok na talaga 'ko. G'night, happy..." At hindi na nga kinaya ng powers niya,
nakatulog na ulit siya.

Kinabukasan, nang tignan niya ang cellphone niya, 22 messages ang bumulaga sa kanya. 'Yung iba,
gm. 'Yung isa, kay TJ na ang laman, e, 'Kantulog, gumising ka na'. Natawa agad siya. Natulugan
niya nga pala ito kagabi! Pero nataranta siya nang makitang si Kristoffer pala ang nanadtad sa
kanya. At ang malala, kagabi pa pala ang mga messages na iyon! Hala. E, kausap niya kasi si TJ
kagabi, e.

Ang huling text ni Kristoffer, nag-aaya itong mamasyal sila. Syempre, reply agad siya ng 'Yes,
yes, yo!'

At ayun nga, namasyal sila. Nagmall; nanuod ng movie, at ngayon, nasa isang fast food
restaurant sila.

"TAN, aalis na ako..." pahayag ni Kristoffer at muntik nang maibuga ni Yanna sa kanya
ang laman ng bibig nito.

"W-what? B-bakit...?" gulat na tanong ni Yanna.

He sighed. "Kasi.... happy ka na", he stressed the word 'happy' and he gave her a faint smile.

Tila pinaghalong lito't gulat ang naging reaksyon ni Yanna. "T-tin... ano ba'ng pinagsasasabi
mo?"

Syempre, hindi nito alam. Hindi nito alam na siya ang tumawag kagabi. Hindi nito alam na siya
ang inakala nitong si TJ kagabi.

Kaya pala hindi ito nagre-reply sa mga text niya, kausap pala si TJ. Inaamin niya, nagseselos
siya. Pero sa tuwing nakikita niyang nag-aasaran o kahit ba nagbabangayan ang mga ito.... Iba,
e... Iba ang saya ni Yanna kapag si TJ ang kasama kumpara sa kanya.

"I can leave now. Ngayong alam ko na na masaya ka kahit wala ako, pwede na akong umalis nang
hindi labag sa loob ko", pahayag niya.

"P-pero.... bakit ba kasi?" tila naguguluhan pa ring tanong nito.

Pinakatitigan niya si Yanna. Iba na ang reaksyon nito kumpara noong mga nakakaraan. Kung noon
nagagalit ito kapag nagbibiro siyang aalis na siya, ngayon tinatanong na lang nito kung ano ang
dahilan. Guess, she's now willing to let him go. She's just too stupid to admit that she loves
TJ more that she does to him.

"Trisha.... She told me my family's situation." Totoo. Alam na niya ang lahat. At hindi niya
mapigilang sisihin ang sarili niya. Napaka-selfish niya pa lang tao.

"Y-you knew?" gulat na tanong ni Yanna sa kanya. He nodded in reply and she let go a deep sigh.
"Siguro nga... Siguro nga, dapat ka nang bumalik, Tin. Sobrang magiging selfish ako kung
pipigilan pa kita. Pamilya mo 'yun, e. Si Tita 'yun... Kailangan ka nila. Ni Tito... ng
kompanya n'yo", nakayukong sabi ni Yanna.

Napabuntong-hininga siya. Tumayo siya at naupo sa katabing upuan nito pagkaraa'y inakbayan at
marahang pinisil ang ilong nito. "H'wag ka ngang ganyan... Bestfriend mo pa rin naman ako, e.
Aalis ako pero magco-contact-an pa naman tayo, di ba? Para saan pa't may internet? Ikaw
talaga", ginulo-gulo niya pa ang buhok nito.

Ngumiti naman si Yanna. Malungkot nga lang.

Again, he sighed. "Iiwan na kita, ha? Iiwan na kita kay happy mo", pinili niya na lang na
tuksuhin ito kaysa naman makita niyang malungkot ito.

"A-ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan?" yumuko pa ito pero hindi na nakatakas sa kanya ang pag-
blush nito. Yes, she blushed. See? His bestfriend's inlove.

"You love TJ, you fool", tukso niya.


"H-hoy! Fool?! Ikaw, ha!" pinaghahampas na siya nito sa braso.

"See? Nag-react ka sa fool pero sa you love TJ, hindi? You're too obvious, Tana", pang-iinis pa
niya.

Napahinto si Yanna sa sinabi niya na para bang noon lang narealize ang sinabi niya.
Pagkatapos... namula na naman. Ang sakit lang talaga.

"Tin.... sorry..." nakayukong sambit nito.

Kahit pilit, ngumiti siya. "Ano ka ba? Hindi mo naman ginusto 'yun, e... Di ba? Noon pa tayo
magkakilala... Mas close tayo... Pero kahit sa akin mo gustuhing mahulog, sa kanya pa rin ang
bagsak ng puso mo."

Yanna looked up at him. "E, bakit ang drama?" she pouted.

Ginulo niya na lang ang buhok nito. "Sira!" tatawa-tawang inakbayan niya si Yanna. Tinitigan
niya ang mukha ng kababata. "Mahal mo pa rin naman ako, di ba?"

She smiled at him. That smile... "Syempre! Bestfriend kita, e."

'Yun lang...

"I love you", Yanna smiled at TJ.

Blangko.... Nablangko saglit ang utak ni TJ. Narinig niya ang tilian at kiligan ng mga babaeng
kaibigan ni Yanna pero saglit na parang huminto ang paligid niya.

Walang makakapang ekspresyon sa mukha na tinignan niya si Yanna. Pero hindi nagtagal, nagtagis
ang mga bagang niya't naikuyom niya ang mga palad niya.

Nakita niya pang tila natakot si Yanna sa reaksyong ginawa niya. Hah. Nakakatakot ba siya? Mas
naikuyom niya pa ang mga palad niya.

"Hindi naman ako panakip-butas, Yanna. Tangna lang, o... Wala namang gaguhan."

Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Ano ba'ng dapat na maramdaman niya sa sinabi nito? Dapat
ba siyang matuwa dahil sa wakas, sinabi na nito sa kanya ang lintik na tatlong salitang iyon?
E, 'nak ng putcha, naman! Porque wala na si Kristoffer, siya na ang ipapalit nito? Ano ba
talaga siya? Dakilang reserba?! P*tangina lang talaga!

Pero, saglit lang ang pagkakagulat ni Yanna. Bumuntong-hininga ito pagkaraa'y nagkibit-balikat
na lang. Tinalikuran siya at naglakad nang palayo.

Hindi makapaniwalang nagbuga siya ng hangin sa inis niya. Mas lalong tumindi ang galit niya.
F*ck! Ano 'yon? Trip lang?!

Parang gusto niyang manakit ng tao sa mga oras na 'yon. Papalapit sina Derick sa kanya at ayaw
niyang makasakit dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa't si Derick iyon. Pinili
niyang umalis na lang at nagcommute pauwi.
Sana kasi, hinayaan na lang siya ni Yanna na mag-move on! Heto na naman! Para na naman siyang
bakla! Pero sana kasi hinayaan na lang siya!

Hindi 'yung ginagawa akong tangang reserba sa pag-alis ng taong mahal niya! P*tangina lang
kasi, e.

***

*******************************************
[29] 28. Helen of Troy.
*******************************************

28. HELEN OF TROY.

"YOU'RE so bad, bii!" sabi ni Krystal kay Yanna.

Nasa tambayan sila ngayon dahil pumasok sila kinatanghalian.

"Kung ako man si Tee, masasaktan din ako, 'no", nanghihinayang na nagbuntong-hininga si Lexi.

"Ano ba kasi 'yun, beh? Bakit uma-I love you ka, e, si Kris ang pinili mo? 'Yan tuloy, nagalit
si Puppy Tee. Bakit kasi?" tanong ni Julia sa kanya.

"Hoy, bading, nakiki-Puppy Tee ka, ha", sabi ni Ej kay Julia.

"Sorry naman dyan, baks", natatawang sabi na lang ni Julia.

Napailing na lang siya. Talagang nakuha pang magbiruan sa harap niya, e.

Ang mga kaibigan niya... Kanina, natandaan niyang kinilig ang mga ito sa sinabi niya, e. Ngayon
naman, heto't ginigisa siya.

"Bakit nga kasi, bii?" ulit ni Krystal sa tanong ni Julia.

"Kasi, mahal ko?" tugon niya.


"Told you", narinig niyang sambit ni Yen.

"Bebe naman! Ang gulo-gulo mo! E, bakit si Kris ang pinili mo? Two-timer ka???" hindi
makapaniwalang bulalas ni Bea.

"Ano ba naman? Sorry naman, ha! Kayo kasi, e! Kung maka-react naman kasi kayo no'ng sabihin
kong mahal ko si Tin...! E, as bestfriend lang 'yun, e. Kaso inunahan n'yo ng tili! Si TJ
talaga ang pinili ko. Alam na 'yun ni Tin bago ko pa man kayo tipunin! O, e, hanggang du'n lang
ang nasabi ko't narinig ni TJ... Ano'ng gagawin ko? 'Yung engot naman na 'yun, hindi man lang
ako kinausap o kaya tinext o kaya... 'nak ng teteng naman, o! Kasalanan ko na, edi, patayin
n'yo na 'ko!"

Napasigaw na siya. Kanina pa kasi siya nakukulili sa litanya ng mga kaibigan niya. E, kapag
ganitong nasaktan siya, gusto niya, tahimik lang ang paligid niya lalo na siya.

Ano ba'ng gagawin niya? E, sa gusto niya lang naman ng susupense! Gusto niya kasing i-surprise
si TJ. Ano'ng malay niya na ganito pala ang kalalabasan?

"Mahal ko na siya... No'ng una, ayaw ko pang aminin sa sarili ko. Pero kasi.... mahal ko na,
e." Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon sa mga oras na iyon. Inis, galit, irita, sakit.
Gusto niya rin naman na talagang sabihin kay TJ ang totoo, e. Kaso ni hindi man lang siya nito
itinext sa nakalipas na halos dalawang araw. Paano'ng gagawin niya? E, hindi talaga siya sanay
na siya ang unang nag-a-approach lalo na sa lalaki. Paano'ng maipapaalam niya?

"So, you mean.... si Puppy Tee talaga??? As in?" tila hindi pa rin makapaniwalang tanong ni
Krystal sa kanya.

"Kiray, kutos? Mahal na nga, di ba? Joke time ba?" asar na napahimas pa siya sa noo niya.
"Naman kasi, e... Kilala n'yo 'ko, di ba? Hindi siya naniwala. Nawalan na ako ng lakas ng loob.
Wala na. Ayoko na...." maiiyak na yata siya. Napayuko siya sa tuhod niya at doon, tumulo na nga
ang luha niya

Iyon ang isa mga kahinaan niya. Ang hindi paniwalaan ng taong gusto niyang maniwala sa kanya.

Hindi naniwala si TJ sa sinabi niya. Kay TJ niya pa lang sinabi ang tatlong salitang iyon nang
hindi as friend or bestfriend lang ang meaning, kaso, hindi ito naniwala. Hindi niya na alam.
"Ayoko na..." ingit niya. Umiiyak na siya.

"Ayawan na? Gano'n na lang? Edi, ayawan na!"

Nahigit niya ang paghinga niya nang marinig ang boses na 'yon. At pag-angat ng ulo niya.... "T-
TJ...."

Si TJ, nasa harapan niya! Pero parang nalaglag ang puso niya nang bigla na lang itong tumalikod
at umalis.

B-bakit... bakit siya umalis? Ano'ng gagawin niya? Hahabulin niya ba si TJ? Pero wala na. Ang
sabi nito... ayawan na.
Bigla na lang siyang napahagulgol. Bakit ganito? Hindi naman ganito ang gusto niyang mangyari,
e. Bakit nagkaganito? Ano'ng nangyari? Wala siyang magawa kundi ang umiyak... humikbi...
"Tanga-tanga naman, mahal nga kita, e", humahagulgol na sambit niya. "Mahal nga kita, ano
ba...."

"Y-yanyan...." niyakap siya ni Bea. Wala ring magawa ang mga kaibigan niya kundi ang
makisimpatya sa kanya.

Lalo siyang napahagulgol. Inis na inis siya sa sarili niya. Bakit ganito? Why do I feel so
weak? I look so weak infront of my friends... Hindi siya ganito. Matapang siya. Bully siya.
She's Yanna... the campus' Bad Princess. Now, why is she crying?

Nasaktan niya si TJ... She's inlove with him, but she hurt him.... the evil one.

"Ano??? 'Nak ng.... Hindi man lang humabol? Hindi man lang sumunod?"

Nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kanya patayo.

Pigil ang hiningang natulala siya sa nasa harapan niya. Totoo ba ito? Pinupunasan ni TJ ang mga
luha niya! "Y-you.... B-bumalik ka...."

"Engot... Hindi naman ako umalis."

Hindi niya alam kung bakit, pero bigla na lang siyang napahagulgol ulit sa sinabi nito. Sa
pinaghalo-halong emosyon, nayakap niyang bigla si TJ na maski siya, hindi niya inaasahang
gagawin niya.

"Para kang sira. Ba't ka ba umiiyak?" ginantihan siya ni TJ ng yakap. Pero sa ginawa nito, lalo
pa siyang napaiyak.

God... ano ba 'tong nararamdaman niya? Bakit ang lakas ng epekto ni TJ sa kanya?

"Exit, mga bakla. Moment nila, tayo nang um-exit", narinig niyang sabi ng kaibigan niyang si
Julia. Doon siya natigil sa pag-iyak at awtomatikong napalayo kay TJ.

"Ang drama... Koreanovela kaya?" hindi nakatakas sa pandinig niya ang mahinang sinabi ni Lexi.

"Hihi. Goralu na tayow, nandito na si Papa Jun Pyow", kinikilig na sabi naman ni Ej.

Hindi niya alam ang gagawin niya. Niyakap niya si TJ sa harap ng barkada niya! Hindi siya
makapagsalita. Basta na lang umalis ang mga ito at iniwanan sila ni TJ! Hindi siya makatingin
kay TJ. Bakit ba kasi siya biglang napayakap dito? Umiyak pa siya! Hindi. Hagulgol pala!

"A-a.... ano kasi... S-so.... sorry...." nakayukong uutal-utal na sambit niya. Nahihiyang
pinunsan niya ang mga natirang luha sa mukha niya.

"Nasabi mo na 'yan, e", sabi ni TJ sa kanya. Pero hindi niya ito matignan. Hindi niya maiangat
ang tingin niya. Nakayuko lang siya. Pero bigla na lang ikinulong ni TJ sa parehong mga palad
ang mukha niya at iniangat iyon.

Nahuli nito ang tingin niya at hindi niya alam kung bakit hindi na niya mabawi iyon.
"Yanna..... I love you."

Napayuko na lang siyang bigla.

"Haha! Yabang sa pula!"

Namula na nga, e. Tawanan daw ba siya? "Kainis naman 'to! Alis ka na nga!" sisinghut-singhot na
pinaghahampas niya pa ito.

"Ah, gano'n? O, e, sige, adios!" sumaludo pa ito at tumalikod na nga.

Hala. Aalis nga talaga? "H-huy..." hinila niya sa damit si TJ.

"Wow, sweet, ha? Wala ba'ng mas?" tukoy nito sa paghila niya ng damit nito.

Napabitiw na lang siya at napayuko. Ano ba'ng alam niya sa pagiging sweet? Bahala na nga! "I
love you too", mabilis na sambit niya habang nakayuko siya.

"Uso po'ng tumingin sa gwapo." Talaga nga naman sa demand. Agad na inangat niya ang ulo niya at
tinignan si TJ. Uulitin niya na dapat ang sinabi nang magsalitang muli ito. "Pero may
bayad...." Napakunot ang noo niya. "Ang puso mo.... Keso ko?"

Pipigilan pa sana niya ang ngumiti kaso hindi niya na kinaya. "Sobra po. I love you too." Yes,
she managed to say those three words, again. And she will, again, and again.

He grinned. "Buti na lang pala pumunta 'ko rito kahit hindi ko alam ang dadatnan ko."

Oo nga pala, naalala niya. "Bakit ka nga pala nandito? Tsaka.... akala ko ba, hindi ka
pumasok?" nagtatakang tanong niya.

"Ano... uhh... secret! Bleeh", binelatan pa siya!

Ngingiti-ngiting napabusangot na lang siya. Nang bigla na namang kulungin ng mga palad nito ang
mukha niya.

"Hoy, happy. Namiss kita." Hindi niya mapigilang mapangiti. "Tutal, mahal kita, mo 'ko... H'wag
ka nang magpakipot at pwede na ba'ng..... tayo?" puno ng kumpyansang tanong nito.
"Abusado!"

"Tss...!" biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"But I can tolerate, so, yes", ngiting-ngiting pahayag niya.

"Si pa-suspense! Yakapin mo nga ako!" hindi niya alam kung bakit sa mga ganoong salitaan ni TJ
ay kinikilig siya. Syempre, pinagbigyan niya na ang loko't niyakap na ito. "Kaya mahal kita, e.
I love you, ha? Forever..."

Nagulat siya. From the mouth of a guy? Of a playboy? Of Troy? Forever???

"Pa'no ka nakakasiguro? Malay mo, sa college, may makilala kang mas maganda, mas sexy, mas
kaysa sa'kin?" tanong niya.

"Kapag nakilala ko siya? Edi..... magkakilala na kami. Ano naman? Mahal ko ba siya? E, mahal
kita. Bigtime pa."

Sige na. May mas kikiligin pa ba kaysa sa kanya? "Pilosopong gwapo", naka-pout na sabi niya.

"At your service, misis!" Pabirong sinamaan niya ito ng tingin. "E, este... miss?" ngingiti-
ngiting pagtatama nito. Sira-ulo talaga.

Hinawakan ni TJ ang mga kamay niya. "Hoy-"

May sasabihin sana si TJ pero biglang may tanong ang pumasok sa isip niya kaya inunahan niya na
ito.

"Tingin mo, magtatagal tayo?"

"Pambihira... 'Ba namang tanong 'yan, kaka-on pa lang natin, o", reklamo nito.

"Sagutin na lang, di ba?"

"Bakit naman hindi?" balik-tanong nito.

"Kasi..... puppy love lang 'to?"

"Sino'ng itlog ang nagsabi? Pepektusan ko."


Napasimangot siya. "Sila... Sabi nila, highschool love.... is just a puppy love."

"Tss... Sabihin mo sa kanila, oo, puppy love lang ang highschool love, pero pinapasabi ko kamo,
gagawin natin 'tong true love. Sabihin mo, matatakot na 'yung mga 'yun. Sabi kamo ng batas."

"Sira-ulo", natatawang sabi niya kay TJ. Pero napaisip siya. Kaya ba nila? Magagawa ba nila?

"O, ano? Pakiss na!"

"H-" hihirit pa lang sana siya sa sinabi nito pero bigla na lang nasa labi na niya ang mga labi
nito.

Ito ba ang kanina pang gusto nitong gawin? So, yeah... He kissed her.... and.... she kissed him
back.

Everything around her didn't matter that moment. His hands holding his face... His lips on
hers... Him being with her... His mere presence.... Everything around her didn't matter aside
from him.

And for the first time in her life, she's kissed. By the great evil, she truly loves.

"No matter what... you're mine, Helen Arianna Santana. I love you", he declared after parting
their lips.

Napangiti siya. "I love you too, Troy Jefferson Salamat."

"Aren't we cute? Sa mythology class natin. Di ba? The beautiful one... Helen of Troy?"

Napatitig siyang bigla kay TJ. "Oo nga, 'no? Yabang, naisip pa 'yon?" manghang-manghang tugon
niya.

Oo nga...! Saktong sakto ang mga pangalan nila.

Pero natawa siya. Hume-Helen of Troy sila, e, si Paris ang kapartner no'n! Pero hayaan na nga.
Own version nila, kumbaga. Galing lang mag-isip ni TJ... E, bakit kinikilig siya?

"Cute kaya. Parang anak ng meant to be lang", natawa na naman siya sa sinabi nito. "Tara na
nga! Magyayabang pa 'ko na tayo na", pahayag nito. Natawa na naman siya do'n. Patawa talaga
ang loko. Magyayabang pa raw. E, ano kaya'ng bago?

HININTAY ni TJ sa labas ng CR ng girls si Yanna-ang girlfriend niya. Siya na ang


proud. Mugto kasi ang mga mata kaya naghilamos muna.

Mabuti na lang talaga at gumana ang kamartyr-an niya. Nagdesisyon talaga siyang pumasok at
puntahan ito kahit ba sobrang nasasaktan siya sa ginawa nito. Gusto niyang magpakatanga't
magpaka-martyr at sabihing 'kahit panakip-butas lang.... okay na'. Kasi, mahal niya.

Pero nang marinig niya ang lahat ng sinabi nito kanina? Sobrang natuwa siya. Inis at tuwa....
Hindi na pala kailangan ang kamartyr-an niya. Mahal pala siya, at ngayon sila na nga.

He can proudly say.... 'I will always love that girl... Rest assured.'

PAGLABAS ni Yanna mula sa CR, nakita niya si TJ na nakasandal sa gilid ng pader


habang nakapamulsa ang parehong mga kamay.

A smile immediately formed her lips. E, bakit ang gwapo ng boyfriend niya? Kinikilig tuloy
siya.

"Psst!" sinitsitan niya si TJ at napalingon naman ito sa kanya.

"Okay ka na?" nag-aalalang lumapit ito sa kanya.

"Hm-mm", pagsisiguro niya.

"Sorry, napaiyak pa kita."

"Sama mo kasi", kunwaring sisi niya, e, wala naman talaga itong kasalanan, kung tutuusin.

"Malay ko ba'ng masamang maging gwapo. Sorry na kasi..."

Napaikot na lang ang mga mata niya. Guess, she just needs to tolerate his boastfulness.

Naglakad sila na magkahawak ang mga kamay. Hiyang hiya siya dahil pinagtitinginan sila ng lahat
pero ang katabi niya.... proud na proud! Ngingiti-ngiting hinayaan niya na lang. Magyayabang
nga raw ito, di ba? Kaya carry lang.

Helen of Troy....

Bakit hindi na maalis sa isip niya 'yon? Talaga'ng tugmang tugma sa kanila, e. Cute... but on
the other hand... napaisip siya.
Hindi ba't.... Helen is the reason for the fall of Troy?

***

*******************************************
[30] 29. Happy and crazy.
*******************************************

29. HAPPY AND CRAZY.

MAGKA-holding handa na naglalakad sina Yanna at TJ pauwi. Ayaw na kasing bitawan ni TJ ang
kamay niya. Para bang makakawala siya ng makakawala kapag binitawan naman. Ang kilig niya lang
kanina pa.

Gabi na ngan silang nakauwi, e. Nag-celebrate kasi ang mga boys dahil sa sila na nga ni TJ.
Syempre, naki-party rin ang girls. Tawang tawa nga siya, e. May celebration agad. If she know,
gusto lang talagang magsi-inom ng mga loko. Typical teenagers.

"E, bakit ang dilim???" gulat na tanong niya nang makitang walang kahit anumang ilaw ang mga
bahay nila. Well, kila TJ, madalas namang ganoon dahil madalas umalis ang mama nito. Pero ang
sa kanila? Bigla siyang kinabahan. Hindi naman nagpapatay ng ilaw si Ate Lulu-ang kasambahay
nila kapag gabi na, e. Obvious naman kasi na matatakutin siya sa dilim. Pero bakit ngayon...?

Napahigpit bigla ang hawak niya kay TJ. Bigla siyang kinabahan. Bakit gano'n? Hindi ba, kahit
may mga guard ang village, may nakakapasok pa ring mga magnanakaw? Hindi kaya... may nakapasok
na magnanakaw tapos..... Waaa! Ayoko nang isipin!

Doon naman bumulong si TJ sa kanya. "Nandito lang ako, o."

Hindi niya alam kung bakit tila nabawasan ang takot niya sa sinabi nito. At oo, alam niyang
hindi siya pababayaan ni TJ.

"Tawagan mo muna kaya ang mommy mo", suhestiyon ni TJ.

Kaya naman kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang mommy niya, pero.... "Walang
nasagot..." Mas lalo siyang kinabahan. Ganitong oras, alam niyang nakauwi na ang mommy niya.
Kung mag-o-overtime naman ito sa trabaho, siguradong ite-text siya. Pero wala siyang natanggap
na kahit ano mang text galing sa mommy niya.

"Tara, samahan kita sa loob", hinawakan ulit ni TJ ang kamay niya at ibinukas na nito ang gate
nila.
"Wait..." she stopped him. Natatakot kasi talaga siya. Hindi lang sa mga multo, pati na rin sa
mga masasamang tao. "Puntahan na lang muna natin ang mama mo", suhestiyon niya. "K-kasi......
b-baka mamaya-"

"Wala si mama. Obvious ba na patay din ang lahat ng ilaw sa'min? Ano si mama? Emo? Nagtext sila
sa'kin kanina na may pupuntahan daw sila ni Ching", putol nito sa sinasabi niya.

Alam niya. Pero natatakot kasi talaga siya. "E, p-pero-"

"Hindi naman kita pababayaan, ano ka ba?" putol nito sa akmang protesta niya.

Kinakabahang napabuntong-hininga na lang siya. "Hindi ka naman si batman, e", simangot niya.

"Syempre, I'm your man." Sinimangutan niya na lang ang banat nito. "Tara na! Kakargahin pa ba
kita?" At mas lalo siyang napasimangot! "'De, joke lang, mahal. Tara na kasi po..." hinigpitan
pa nitong lalo ang hawak sa kamay niya tsaka siya hinila papasok.

Hindi niya alam kung bakit napasunod na lang siya. She feels safe... really, with TJ by her
side. Pero kahit ganoon, takot talaga siya sa dilim, e. Lalo pa't isang katapat na poste ng
ilaw at ang mga cellphone lang nila ang nagsisilbing liwanag sa kanila ni TJ.

Pinihit ni TJ ang pinto ng bahay nila at ganoon na lang ang sindak niya nang hindi man lang
naka-lock iyon! Lalo siyang natakot. Para siyang tanga na pinakikiramdaman ang paligid kung
bigla bang may susulpot na chaka doll o white lady sa kung saan.

"'Py, h'wag mo 'kong tsansingan, ha?" sabi ni TJ sa kanya.

"TJ naman, e", reklamo niya. E, pa'no? Dikit na dikit kasi siya rito dahil nga sa takot na
takot siya, pinang-inis naman sa kanya?

Natatawang inakay na siya ni TJ papasok sa loob pero nanatili lang sila sa may gilid ng pinto.
Kinapa-kapa niya ang switch ng ilaw at nang magliwanag......

Pop! Plok! Pung!

"SURPRIIIIISE!!!"

"Waaaa!!!" napaupo siyang bigla sa gulat sa lakas ng narinig na putok at sigaw. At nang
makahuma, hindi makapaniwalang napanganga lang siya nang makita kung sino ang mga nasa harapan
nila. E, kung hindi lang ang mga ito ang nasa harap nila ngayon, malamang na malutong na
napamura na siya!

She gave her mom a glare. "Told you, mare, aawayin ako niyang baby ko", sabi ng mommy niya sa
mama ni TJ. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Oo... Ang mga ito lang naman ang sumigaw ng bonggang bonggang surprise na iyon kanina. Ang
Mommy Angelica niya, mama ni TJ na si Tita Romina at..... si Joice???

"'Ma, ano 'to?" tanong ni TJ kay Tita Romina pagkaraan siyang alalayang tumayo.

"Ah, ito? Ito, mga confetti poppers. Tapos ito, ice cream. Ito naman, cake. Tapos, ito,
kandila. Tapos........ wala na!" nakangiting ipinagtuturo ng mama ni TJ ang lahat ng mga hawak
ng mga ito.

Haha, natawa siya. May pinagmanahan din naman pala si TJ, e. Ay, stepmom nga lang pala. Pero
kahit na. Baka nahawahan pala ito ni TJ ng kapilosopohan, o kaya... baliktad. Cute na cute siya
sa tinis ng boses ng mama ni TJ. Lalo pa't ang ganda't ang puti! Nakaktibo lang, sabi nga.

"E, t-teka, teka po. Bakit may ganyan? Sino'ng may birthday?" nagtatakong tanong niya sa mga
ito nang maisip niya kung para saan ang pa-party effect ng mga ito.

Ang mommy niya ang sumagot sa kanya na binelatan pa muna siya. "Bleeh! Bea texted me kaya!
Boyfriend mo na pala si TJ, hindi ka man lang nagsasabi! Hmp!"

Aba't, ang taray talaga ng nanay niya! "Haha! Panget mo po, Gelay!" biro niya sa mommy niya.
Parati naman silang ganyan dahil super close sila nito. Maaga kasi siyang nabuo kaya ayan, tila
lang sila magbarkada. "Pero, kasi naman, 'my... Ngayon pa nga lang ako nakauwi, alangan namang
masabi ko agad sa'yo, di ba?"

"Charotera! Nahiya naman daw ang cellphone mo sa sinabi mo! Hmp!"

Phhp! Ano'ng say ng iba sa nanay niya?

"Excited naman kasi!" pabirong sabi niya. "O, now, you know? Happy?"

"Tawag mo 'ko?" kinalabit siya ng katabi.

"E, loko. Sapak po?" biro niya na nginisihan na lang nito.

"Eherm!"

Napalingon siya sa nag-pekeng ubo na iyon. "O, Joice? Napasyal?" Pa'no, hindi naman sila in
good terms ng kapatid ni TJ na ito.

"Ohoy. Kapatid ko 'yan", sabi ni TJ sa kanya.

"Inangkin ko?"
"Kuya, o! I-break mo na nga 'yan! Inaaway ako!" lumabi pang sumbong ni Joice kay TJ.

"Huy, ito naman...! Kaka-on lang, break agad? Ice cream, o? Tara, dali, kain tayo ang dami
nating binili! Hihi!" singit ng mommy niya't nakipag-utuan na kay Joice.

Nagpuntahan ang mga ito sa kusina nila at sumunod na lang sila ni TJ.

"Buti pa si tita, mabait! Hmp!" binelatan pa siya ni Joice bago sumubo ng ice cream.

Agad na nanulok ang itaas na labi niya. Naloko na. Mapapagtulungan pa ata siya.

"Huy, mga anak...! Congratulations!" nakangiting bati ni Tita Romina sa kanila gamit ang
matinis na boses. "Kasal muna bago sakal, okay? I mean.... no babies allooooowed!"

Nagkatinginan at nagkahiyaang nagkatawanan na lang sila ni TJ. Babies talaga, hindi baby?
Naloloka siya sa paalalang iyon ng mama ni TJ. Syempre naman, 'no. Ang bata pa kaya nila.

Nagkainan na sila ng mga inihanda ng mga nanay nila at ni Joice. Ang sweet nga, e. Ang cute
lang nilang tignan.

"Nasa'n nga pala si Ate Lulu, mame?" tanong niya sa mommy niya nang hindi niya makita ni anino
ng yaya nila.

"Hay, nako. Ayun, nakipagtanan kay Dodong na driver ng katapat na bahay natin!"

"Ano??!" biglang nanlaki ang mga mata niya. Si Ate Lulu, nakipagtanan??! Uso ba talaga 'yon???

"Kidding, kidding!" pinagtawanan pa ng mommy niya ang naging reaksyon niya. "Umuwi lang, may
sakit daw ang nanay! Wala namang driver 'yang katapat-bahay natin, kaloka ka! Kung maka-
react??? Eksaherada!"

Napasulok na lang ulit ang itaas na labi niya. "Bakit ba sunod sa uso ang nanay ko? Kinakabog
ako", iiling-iling na nagbuntong hininga na lang siya.

"Si mama din, ganyan. Kita mo, mas magiging 'yang mga 'yan. Cute lang, e", tatawa-tawang sabi
ni TJ sa kanya.

Oo nga, baliw-baliwan lang ang mga nanay nila. Naisip niya tuloy.... Ang saya siguro ng pamilya
nila kung sila talaga ni TJ hanggang huli. She can picture her for now, dream future.

"E, 'ma... Si Papa, nasaan?" biglang tanong ni TJ kay Tita Romina.

"Nandito lang... Hindi naman siya umaalis dito, e. Steady lang siya", tinapik-tapik pa ni Tita
Romina ang tapat ng puso at parang nakakalokong tumangu-tango pa.

"Kkkk...!" pigil na pigil ang tawa niya sa facial expression ng mama ni TJ.

"Kabaduyan...! Alis na nga kami!" bigla na lang siyang hinila ni TJ patayo at naglakad sila
palabas ng bahay.

Paglabas nila ng bahay, hindi na niya napigilan ang pagbulalas ng tawa. Ang cute cute lang ng
mama ni TJ! "Haha! Ang saya nila, balik tayo du'n! Ang cute cute kaya ng mama mo", tatawa-
tawang sabi niya kay TJ nang mapag-isa sila sa swing ng garden sa harap ng bahay nila. May
swing kasi sila sa harap-bahay, kasya hanggang anim na tao.

Naupo si TJ sa katapat niya. "Baliw nga 'yung mga 'yun. Mahirap na, baka mahawa ka pa."

E, bakit pala parang nabaliktad sila? Kanina lang, ito ang naku-cute-an sa mga nanay nila, e.
Ngayon, siya na?

"Sama! Haha. Du'n na kasi tayo! Saya saya du'n, e. Malay mo, bumait na si Joice sa'kin, o? Di
ba, di ba? Tara na!" tumayo siya at hinila si TJ sa braso. Kaso, ayaw naman nitong magpahila.

"Kiss muna", sabay ngumuso pa ito.

"Troooy!!" bigla niyang binitawan ang braso nito at naitakip bigla ang kamay sa bibig niya.
Naalala niya ang nangyari kanina sa steps ng T.H.E room!

"O, bakit? Gusto ko lang naman ng kiss, ha? Nakakamiss kaya 'yung kanina", ngingiti-ngiting
sabi pa ni TJ na halatang nakakaasar! Pinapaalala pang talaga! Bakit ba ang small deal lang sa
mga lalaki ng halik?

Kyaaa! "TJ naman, e!"

"Tita Mina, Tita Geli! Nagkiss daw sila kanina, narinig kooo!!! Magki-kiss ulit sila, nood
tayooo!!!"

Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang makita't marinig ang sumigaw na iyon. "Joooice!!!"
Bakit nandito ito??!

"Nasa'n?! Nasa'n? Tapos na??? Ulit! Ulitin!" bigla na lang lumalabas ng bahay ang mama ni TJ.

"Picture! Picture-an mo, dali! Ay...! Nasa'kin pala ang cam!" pati ang mommy niya!
Natatarantang naglabasan ang mga nanay nila!

"Mommyyyyy!!!!" hiyang hiyang sigaw niya. Ano ba 'to??? Normal ba ang mga ito? Lalong lumala
ang mommy niya nang masama sa mama ni TJ! At pati si Joice, nakikisali!
Bigla na lang siyang inakbayan ni TJ. "Ows, tita? Pwede?"

At.... pati ba naman si TJ???!

"Gooo! Wait! Lalagyan ko lang 'to ng flash, ha? Saguli! Saguli!" natatarantang kinatikot pa ng
mommy niya ang camerang hawak.

"TJ!!!!" inalis niya ang braso nito sa balikat niya. "Mommy naman, eee!!!!" baling niya sa
mommy niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Napapagtulungan na ngang talaga siya!

"Bleeh!" binelatan pa siya ng mommy niya nang mukhang naayos na nito ang camera. "Game na,
dali!"

"Uy, dali! Dali! Hihi!" makilig-kilig ding sabi ng mama ni TJ.

"Kiss! Kiss! Kiss!" sabay sabay na nagpalakpakan sa tyempo ang mga ito.

"Pa'no ba 'yan...? Kiss daw, o?" mapanuksong bulong ni TJ sa kanya.

Bigla siyang kinilabutan. Gaah, hindi niya na kaya! Baka maihi na siya! "Waa! Mga baliw!!!
Ayoko na sa inyo, mga baliw kayo!!!" hiyang hiyang sigaw niya pagkaraa'y binalingan si TJ.
"Pati ikaw! Pasalamat ka, mahal kita, pero baliw ka!!!! Argh!!!!" sa sobrang hiya, nilayasan
niya ang mga ito at nagtatatakbong umakyat at tinungo ang sariling kwarto.

Narinig niya pa nang magtawanan ang mga ito.

Argh!!! Nakakainis talaga! Ang baliw baliw nila! Kainis, kainis, kainis! Kainis na.....
kakilig!

***

*******************************************
[31] 30. Sweet changes.
*******************************************

30. SWEET CHANGES.


AUGUST 24, official na naging mag-on sina Yanna at TJ. At magda-dalawang linggo na ang lumipas
simula noon.

Wala namang masyadong pagbabago. Mas naging extra sweet lang sila. Hindi niya nga kinakaya ang
ka-sweet-an ni TJ, e. Pero... nasobrahan naman ito sa sungit. Pero iba rin ang pagkasungit
nito. Imbis kasi na 'yung masungit na sinusungitan ang ibang tao, hindi... kundi ipinagsusungit
lang siya nito.

Approachable at friendly pa rin si TJ. Syempre, lalo sa mga boys. Siya lang talaga... Siya lang
ang ipinagsusungit nito.

"Hoy. Sino 'yang katext mo?"

Nagitla siya nang biglang marinig ang boses ni TJ sa likod niya. Naitago tuloy niyang bigla ang
cellphone sa likod niya. "Kailangan manggulat?" balik-tanong niya.

Pero imbis na sagutin siya nito, bigla na lang nitong kinuha ang cellphone mula sa likod niya.
"TIN? Tss...!" naningkit na lang bigla ang mga mata nito pagkaraa'y pabalang na inilapag sa
desk niya ang cellphone niya.

Wala naman talaga siyang ka-text, e. Ang meron, ka-chat. At si Kristoffer nga iyon. Madalas
niya rin kasing ka-chat sa facebook ang bestfriend niya. Kamustahan, huntahan... Mga ganu'n
lang. Pero kung noon ngang hindi pa sila ni TJ, lantaran na ang pagkaseloso nito, ngayon pa
kayang sila na? E, katumbas ata ng isang batalyong seloso ang pagkaseloso ng boyfriend niya, e.

"O, selos ka na naman niyan?"

"Ewan ko sa'yo."

Hala? Bigla na lang siyang tinalikuran at bumalik sa sariling pwesto? 'Yan na nga ba ang
sinasabi niya, e. Daig pa ata ng normal na kasungitan nito dala ng kaselosan ang kasungitan
niya tuwing may dalaw siya.

Sinundan niya si TJ sa pwesto nito. Wala pa ang mga classmates nila dahi recess pa. Pati ang
barkada, iniwanan nila sa tambayan. Paano, nag-aya agad si TJ na umakyat sila. Twenty minutes
pa bago mag-bell, pero nasa room na agad sila. Lima lang silang magka-kaklaseng nasa loob ng
room nila ngayon.

"Uupo ako", pagbibigay alam niya kay Abby na katabi ni TJ.

"So?" mataray pero pabirong balik nito.

"So? Gusto mo'ng sowloksokin ko 'yang mukha mo? Privacy, pwede?" pagtataray niya. Biruin man
siya ng pataray, siya naman ang talagang mataray.

Alangan naman kasing pumwesto siya sa kabilang side ni TJ? Edi, narinig nito ang kasweet-an
nila ng boyfriend niya? Mahirap na, 'no... Baka mainggit pa.
"Ito naman! Joke lang ,o. Upo na", tumayo na si Abby at pinaupo na siya sa pwesto nito. Aalis
din pala, inartehan pa siya. Inismiran niya nga bago siya maupo.

Si TJ naman, nakapikit habang sapo-sapo ng palad ang noo. Ano ba'ng drama ngayon ng boyfriend
niya?

Kinalabit niya si TJ. "Huy... Sungit..."

Pero hindi naman siya pinansin! "Happy... TJ... Salamat... Troy... Huuuy...!"

Pero wala pa rin! Ang sungit lang. "Troy kooo..." niyugyog-yugyog niya na ito. Pero wala
talaga! Naiinis na rin siya, ha. Ang sungit sungit lang talaga nito kapag naisipang magsungit.

Tumayo na siya sa harapan nito at nameywang. "Kainis! Bahala ka nga! Napaka-sungit!"


tinalikuran niya na ito at aalis na sana nang bigla na lang nitong hawakan ang palapulsuhan
niya't hinila siyang bigla.

Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Nakakandong
lang naman kaya siya kay TJ ngayon! Nakapulupot ang isang braso nito sa beywang niya habang
nakasandal naman ang noo nito sa likod niya. Sino'ng hindi bibilisan ng tibok ng puso sa ginawa
nito???

"T-troy... ano ka ba...?" pigil-hiningang sabi niya.

Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Ewan ba niya, pero may kung ano kay TJ na hindi
nakakapagpapalag sa kanya.

"Haruuu! PDA naman dyan!" kantyaw ng kaklase nilang si Benok. Hindi niya magawang lumingon sa
likuran dahil naroon ito at nahihiya siyang talaga.

Naramdaman niya na lang na nawala ang pagkakasandal ng noo ni TJ sa likod niya. Palagay niya'y
alam niya na kung bakit.

"Wala kaming nakikita... Tara, Mel, canteen!" biglang pahayag at aya ni Benok sa kaklase nilang
si Jomel. At nakita niya ngang naglabasan na ang mga ito.

Sigurado siya. Those two had just receive an evil's glare. Ayan tuloy, sila na lang ni TJ ang
natira sa loob ng classroom!

Malauna'y naramdaman na naman niyang ang ulo ni TJ sa likod niya. "Troy...." muling tawag niya
rito. Ang awkward lang kaya ng pwesto nila! "Huy... Uso kayang magsalita."

Ang nakakainis lang kasi talaga, lagi na lang ganoon kapag nagseselos o nagagalit si TJ.
Gustong kasama siya, pero hindi naman siya kakausapin. Basta lang ganyang magkatabi sila, pero
hindi talaga siya iimikin. Para lang talaga itong sira, e. Galit na nga, gusto pa rin nasa tabi
lang siya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya sa kaweirdo-han ng utak nito, o..... kikiligin.

"Huy, naman kasi. Ang sungit naman, o. Bestfriend ko si Tin. Alam mo naman 'yun, e. Tsaka, di
ba, ikaw lang naman? H'wag ka nang magselos dyan. Ha? Huy...."

Narinig niyang nagbuntong hininga si TJ. "Hindi naman ako masungit. Masakit lang ang ulo ko.
Sorry na, baby ko."

Bigla na lang ata siyang namula. Ano'ng sabi nito? B-baby??? At kailan pa nila naging tawagan
ang baby? "Sira! Baby ka dyan... Masakit ulo mo? Gusto mo, pabunot natin?" pumihit pa siya para
mapaharap dito pero pinigilan agad siya nito.

"Tsk, harot... Baby kita sa gusto at sa gusto mo. Tsaka, h'wag ka ngang malikot. Gan'to muna
tayo."

Agad na napigil niya ang tawa niya. Hoo! If she know! Sa boses pa lang, halatang nahihiya na,
e! Kunwaring nagla-like a boss pa, pero halata niya naman ang hiya sa boses nito. Siguro nga
namumula na rin ang mukha nito kaya ayaw siyang paharapin, e. Natatawa na lang tuloy siya.

"Pero, may sakit ka ba? Dalhin kita sa clinic?" sinalat-salat niya pa ang braso nitong
nakapulupot sa beywang niya. Hindi naman masyadong mainit, pero mas mainit kumpara sa kanya.
Ibig sabihin, meron nga. "Loko ka, may sakit ka pala. Tara, samahan kita sa clinic", aya niya.

"Ayoko nga du'n. Papatulugin lang ako du'n. Pababalikin ka rito tapos hindi kita makakasama.
Dito na lang ako para mabantayan kita. Akin ka lang, e", hinigpitan pa nitong lalo ang yakap sa
beywang niya.

Define possessive? My Troy, ehem. Gaah, kinikilig siya ng sobra sa kasweet-an ng boyfriend
niya! Ayaw nito na hindi siya kasama. Gusto nito nababantayan siya. Gusto nito angkinin siya.
E, bakit ang possessive? E, kay TJ lang naman talaga siya.

Dati, asiwang asiwa siya kapag nakakakita siya ng mga magkasintahang ang sweet sweet sa isa't
isa. Hindi sa naiinggit siya. Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit kailangang maging
sweet sa harap ng ibang tao, gayong pwede namang kapag napagsolo na lang ang mga ito. Pero
ngayon, naiintinidihan niya na at kinakabog pa nila.

'Yung ibang mga lalaki kasi, patorpe-torpe't nahihiyang ipakita sa lahat ang relasyon. Pero si
TJ? Ipinagmamalaki't ipinagyayabang sa lahat na siya ang kasama habang ang iba... nganga.

Na para ba'ng talo pa niya ang original na Helen ng Troy sa ganda kung ipagmayabang siya ni TJ
sa lahat. Ano pa nga ba'ng hihilingin niya kung may Troy siya na mahal niya..... at mahal na
mahal siya?

Kinuha niya ang mga kamay ni TJ at ipinag-intertwine iyon sa mga kamay niya. Holding hands na
sila habang nakayakap ito sa beywang niya. Naramdaman niya pa nga ang mahinang pagtawa nito, e.
Napangiti na lang siya dala ng kilig.

Ganito si TJ, ganito sila. Madalas na masungit ito sa kanya, pero happy lagi ang ending. Sana
palagi na lang silang ganito; happy, pero walang ending.
"Nag-take ka na ba ng medicine?" tanong niya.

"Nagte-take na."

Napakunot-noo siya. "Nasa'n?"

"Ito. Yakap ko. Ikaw... Engot."

At kailangan talagang may engot sa huli? Hayaan na nga lang niya. Kinikilig kasi siya. Haha,
"Baliw. Ikukuha kita, gusto mo?"

"H'wag na", naramdaman niya pa ang pag-iling ng ulo nito. "Ikaw lang, sapat na."

Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa sobrang kilig dahil sa mga lumalabas na salita sa
bibig ni TJ. Didn't she already say? TJ is an epitome of a very sweet boyfriend.

Dala ng kilig, sobrang ngiting-ngiti na siya pero pinipigilan pa niya. Ngayon lang niya
naranasan ang ma-inlove... At ang saya pala.

Hanggang sa maubos ang oras, ganoon lang sila. Kahit ba may mga nagdadatingan ng kaklase nila,
hindi pa rin siya umaalis sa kandungan ni TJ. Wala, syempre, proud din siya. Proud sa PDA?
Haha, hayaang na lang, 'no! Kahit ba tinutukso-tukso sila, carry lang. Isang glare niya lang
naman, magpapatay-malisya agad ang mga kaklase nila. O, di ba? Pwede na silang taguriang The
Baddest Couple sa campus nila. Natawa siya sa naisip na iyon. Oo nga. Isang Bad Princess, isang
Evil Sweetheart. Kapag nagsama... Baddest Couple ang kalalabasan.

"YANNABE-Oops...." napalingon siya sa malakas na tawag pero biglang hintong si Bea, kasama sina
Julia at Joice. Kasama na rin kasi sa barkada nila si Joice. Mabait na nga ito sa kanila, e.
Infairness.

"I love you", mahinang bulong ni TJ na nagpalito sa kanya. Bigla-bigla na lang? Pero nagulat na
lang siyang bigla nang bitawan nito ang mga kamay niya at bigla na lang siyang itinulak patayo.
"Du'n ka nga. Taba ng baby fats mo, mag-diet ka."

Maiinis na dapat siya sa biglaang pagtulak ni TJ sa kanya pero nang marinig niya ang sinabi
nito.... Lalo pa nang makita ang pamumula nito kahit na yumuko't kunwaring nagsungit pa?
Naiinis siya, sa totoo lang. Hindi niya kasi alam kung paano pipigilin ang ngiti sa mga labi
niya! Haha, buset na boyfriend 'to! Ginawa pang dahilan ang baby fats ko!

Ngingiti-ngiting binalingan niya na lang ang tatlo.

"Nahiya naman daw ang mga langgam sa inyo! Kayo na! It's you two already!" tukso agad ni Bea sa
kanya na pinagsusundot pa siya sa beywang niya. Layo naman agad siya. Hindi siya titigilan ni
Bea, e.
"Pambihirang Troy...! Alam mo, ATE Yanna? Sa'yo ko lang talaga nakitang ganyang umarte 'yang
kuya ko. Ibang iba, e!" ngingiti-ngiting pahayag ni Joice.

Heto na naman ang luka. Ate na naman ang tawag sa kanya!

"Sshh! H'wag kayong maingay, may sakit si Troy", saway niya sa mga ito. Naalala niya kasing
baka mas lalong sumakit ang ulo ni TJ sa ingay ng mga ito.

"May sakit? Si kuya???" tila hindi makapaniwalang ulit ni Joice sa sinabi niya. "Whoah! Kita
n'yo? Whoah...! Grabe lang! Kahit may sakit kaya 'yan, hindi 'yan nagpapahalata! Matigas 'yan,
e. Ayaw ng inaalala ng iba! Gagaling na lang 'yan na hindi mo nalalamang nagkasakit pala!
Tanong mo pa kay Tita Mina! Whoa lang, kuya! Lumelevel-up ka talaga, ha!" nilapitan pa ni Joice
ang kapatid at pabirong tinula-tulak.

Nagpipigil na naman siya ng ngiti dahil sa sinabi ni Joice. Lalo pa nang tignan niya si TJ...
Nagpipigil ba naman ng ngiti na binubulas-bulas si Joice? Sobrang namumula pa! Really, cute na
cute siya sa boyfriend niya. Aw, wrong. Gwapo pala!

Nagbabago si TJ nang dahil sa kanya? Gaah, kinikilig talaga siya! 'Yung feeling kasi na....
ikaw ang dahilan ng pagbabago ng isang tao? Lalo pa ng mahal mo? OMG.....

***

*******************************************
[32] 31. Life of the party.
*******************************************

31. LIFE OF THE PARTY.

MATULING lumipas ang mga araw, at syempre, going strong ang samahan nila ni TJ. They celebrated
their first monthsary together kahit walang bonggahang regaluhan. Pero, ngayon......

From: CUTIEPATOOTIE

[SEXYPATOOTIE KOOO! HAPPY BIRTHDAY! LOVEYOU :)]

[Miss mo na ko? Alam ko. Gwapo e ;)]

[Galit ka? O, e anong bago? :P]


[Tootie tootie tootie tootie tootie tootie sexypatootie ng buhay kooo! Sexy mo! HAHA]

Argh, puro text!

Birthday na birthday niya, pero hindi man lang pumasok?! Ano ba nama'ng boyfriend 'yon?
Nakaka....... ARGGHHH!!!

At kamusta naman daw ang nag-e-evolve nilang tawagan? Naalibadbaran na kasi si TJ sa happy kaya
naging patootie na. Si TJ din ang nag-suggest. Sweetheart kasi ang ibig sabihin noon. At kung
bakit cutiepatootie at sexypatootie ang naging tawagan nila? Ang over daw kasi ni TJ sa ka-
cute-an, at ang over naman daw sa sexy ng baby fats niya! Baby fats talaga! Samantalang cute na
cute ito sa sariling mukha! Kayabangan talaga, e. Lang'yang syota. Pogi niya kasi, e. Tss!

[K.] tipid na reply niya.

Hah! Manigas siya! Kainis! Puro text lang, halatang nang-iinis pa. Hindi man lang mag-sorry na
hindi pumasok o kaya sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi pumasok. Wala namang sakit
pero absent! Birthday ko pa naman.... napabusangot na lang siya.

"Okay lang 'yan, Yanna... Malay mo, may surprise pala sa'yo kaya hindi pumasok. Think positive
naman, 'no", sabi ni Julia sa kanya.

Nasa loob sila ng room nila kasama ang buong barkada, except nga kay TJ. Lunch hour pa naman
kasi kaya natambay muna sila.

"Oo nga, bebe. Baka may surprise lang 'yun", dagdag pa ni Yen.

"Boss, nawala lang ang Troy, bume-bebe ka na naman, ha?" puna ni Neil sa girlfriend na si Yen.

"'Yun nga, e. Wala kasi! Haha", natatawang sabi naman ni Diego.

Paano, ayaw na ni TJ na tinatawag siyang bebe o ng kahit ano pang endearment na tawag ng
barkada niya sa kanya. Bawal na siyang baby-hin ngayon. Masungit nga kasi, di ba? Ito lang daw
ang may karapatang mam-baby sa kanya.

"Walang surprise 'yun. Nakahilata lang kanina bago ako umalis, e. 'Di ko nga alam kung ano'ng
trip nu'n", pagbibigay-alam ni Joice.

Napabuntong-hininga na lang siya. Ayan. Sa kapatid na nanggaling.

Kanina niya pa rin ipinipilit sa sarili niya na baka may surprise nga si TJ sa kanya. Pero
hindi naman kasi mahilig sa materialistic surprises ang boyfriend niyang 'yun.
Kagaya noong first monthsary nila... Magkasama lang sila, pero walang kahit na ano'ng regalo.
Hindi kasi talaga mahilig si TJ sa materialistic surprises. Ang mahilig ito, hindi sa surprises
kundi sa mga pasabog.

Pasabog... katulad noong gabing ideklara nito na gusto siya nito at na nililigawan na siya,
samantalang para siyang may malaking kasalanang nagawa dati kung makatingin ito ng masama sa
kanya. That. At pagkatapos, ibinroadcast pa sa buong section nila. Sa ganoon ito mahilig....
Hindi sa mga materialistic surprises.

Noong tanungin niya naman kung bakit hindi ito mahilig magregalo, though hindi naman siya nadi-
disappoint or what, na-curious lang talaga siya. At ang sagot ba naman sa kanya, e; 'Bakit?
'Pag bibigyan ba kita... madadala mo ba ang mga 'yon sa langit?'

O, di ba? Napasang-ayon naman siya do'n. See how her boyfriend's mind works? Sobrang may point,
e. Haha.

"Sexypatootie ni TJ! I love you raw sabi ng cutiepatootie mo!"

Napalingon silang bigla sa sumigaw na kaklaseng si Monica.

"Sabi mo?" kunot-noong tanong niya.

"Tuh-ray! Haha! Nag-text si TJ, mahal ka raw niya. 'Yung lang. Kbye", nag-flip hair effect pa
si Monica bago lumabas ng room nila.

"Sabi nu'n?" iritang bulong niya. Pumasok lang para sabihin 'yon?

"Bakla, bingi ba? Pa-ulit-ulit lang ang peg?" Ej.

"Lul", napabuntong-hininga na lang siya. Wala siya sa mood makipag-asaran. Birthday na birthday
niya, badrip siya.

Bigla na lang silang napatingin sa mga nagpasukan nilang mga classmates.

"Yanna, nag-text si TJ. Sexy mo raw, pa-kiss!" Brad.

"Nag-text din sa'yo? Sa'kin din", Alvin.

"Sa'kin din, e. Akala ko, ako ang kikiss! 'Nak ng gago... Gm pala ampota! Haha!" Cesar.

Iyon lang tapos nag-alisan na rin agad ang mga ito.

Edi, sa kanila na nag-text! Ako na ang hindi nireply-an! Ugh...! Kahit ba isang letra't isang
tuldong lang ang reply niya, expect niya na magre-reply pa rin ito para kulitin siya, 'no. Para
lambingin dahil obvious na badtrip na siya. Pero wala!

"Yanna! H'wag ka na raw magalit sa patootie mo!"

Bigla siyang napatingin sa labas ng bintana. Si Lovely, napadaan lang.

"Yanna! Gwapo raw si TJ, alam niya!"

"Yanna! Sexy mo raw, sagad, pa-kiss!"

Argghhhh! Nakukulili na talaga siya sa dami ng nagtatawagan sa pangalan niya! Kung hindi lang
talaga siya badtrip, kilig-pwet na siya kanina pa! Pero, 'nak ng jueteng.... badtrip siya, e!

"Yanna-!"

"ANO??!" hindi na niya napigilan ang sariling tarayan ang sumunod na tumawag na si Arwin.

"Wala, nainngit lang. Hehe", umalis naman din agad ito.

"Sshhht...."

"Haha! Kagaguhan ng syota mo, Yanna! Hindi papasok, tapos pa-gm-gm na lang? Taragees! Hahaha!"
tatawa-tawang pahayag ni Derick.

"Ang sweet nga, e! Gusto ko ng ganu'n!" lumabi pang sabi ni Lexi.

"E, honey naman... Mas sweet naman ako du'n, di ba?" kinindatan pa ni Derick si Lexi.

She immediately rolled her eyes. Talagang sa harap niya dapat maging sweet? Sa harap niyang
badtrip? Hiya naman daw siya!

Hanggang sa mag-uwian na... Hindi na masyadong mainit ang ulo niya. Pero tinatamad na
siya.

"Yanna... Nomo? Beerday mo ngayon, pa-nomo ka! Happy na, beerday pa! Haha!" kinantahang kantyaw
na naman ni Derick sa kanya. Nakalabas na sila ng campus ngayon. Kanina pa nga siya
kinakantyawan ng barkada na manlibre nga raw siya ng inom dahil birthday niya. Umiinom naman
kasi talaga siya pero ngayon kaunti na lang dahil si TJ-

"Ohoy. Ano'ng nomo? Bawal... Time's up na kayo, mga baho."


Speaking of the devil... here come's the evil.

Agad na nanulok ang itaas na labi niya nang lumapit si TJ sa kanya at akbayan siya. Syet...!
napapamura siyang bigla sa.... kilig. Bakit kasi kailangang naka-shades??? E, ang gwapo,
CUTIEPATOOTIE talaga! Pero syempre, kunwari asar pa siya kaya inirapan niya si TJ.

Pero ang totoo, nagback-out na ata ang lahat ng inis niya. Ang gwapo kasi talaga at 'yun pa
lang solve na! Hindi niya nga pinalis ang braso nito sa balikat niya, e. Kunwari lang talagang
inirapan niya ang loko. Haha.

"E, baho! Ngayon ka lang nagpakita, pinagbabawalan mo na agad si Yanna?" Neil.

"Porma ng baho. Shume-shades parang uso! Haha!" Jake.

"Baho mo, loko! Hindi ka pumasok tapos nomo lang.... KJ ka naman!" Derick.

"Si TJ ako. T-J... Sino si KJ? Gwapo ba 'yon?" pambabara agad ni TJ kay Derick.

"Ay, Puppy Tee, ikaw ang pinakagwafu! Fromise! Hihi!" sabat naman ng maarteng baklang si Ej.
Pero.... saksakan nga naman kasi ng gwapo.

"Oh, well... Kilala mo naman ang papa mo, e", mayabang na nagkibit-balikat pang sabi ni TJ kay
Ej.

Sige... Pakapalan ng boyfriend, o. Sino'ng lalaban?

"Kyaaa! Omg, omg!" hindi magkamayaw na kiligan ng mga babaeng barkada nila.

"But, wait...! Ano ba kasi'ng drama mo at hindi ka pumasok? Kanina pa kaya nagtatampo 'yang
girlfriend mo", kompronta ni Bea kay TJ na inginuso siya sa huling sinabi.

Naramdaman niyang tinignan siya ni TJ kaya napatingin din siya rito. E, ang kaso, nagbawi agad
siya. Ang gwapo kasi talaga! At alam niyang sa likod ng shades nito, ay ang nakakatunaw na
titig nito.

Kunwari, mataray ulit; she rolled her eyes.

"Ahe? Nahiya. Haha", kinurot pa siya ni TJ sa pisngi.

"Ano ba", inaalis-alis niya ang kamay nito na kurot ng kurot sa pisngi niya. Balik ng balik, e.
Wala talagang takas kapag nahihiya siya. Huling huli talaga nito kapag nahihiya siya, e. At
gustong gusto talaga nito kapag nahihiya siya. Abnormal talaga.
"Pader po kami. Pader... H'wag n'yo po kaming intindihin at hindi kami nakatingin dahil baka
kami langgamin", parang robot na agaw ni Derick ng atensyon nila ni TJ. Natawa naman siya sa
rhyme ng loko.

"Oy, pader, ikaw pala... Nasa'n si mader?" pambabara agad ni TJ kay Derick na ikinatawa nila.
"Inggit ka lang, e, baho mo! Una na nga kami! Solohin ko na 'to... Adios!" At dahil nakaakbay
si TJ sa kanya, naglakad ito't natangay siya.

"Hoy, baho!" tawag ni Neil kay TJ kaya napalingon ulit sila sa mga ito.

Ang baho lang talaga ng tawagan ng mga lalaking 'to. At ang boyfriend niya pa ang pasimuno!

"Birthday ni Yanna, wala man lang party?" tanong ni Neil.

"Hindi ba kayo nag-party kanina?" balik-tanong ni TJ.

"Loko ba? School kaya... Party sa school?" sagot ni Krystal.

"Bawal sa room?"

Boom, Kiray! Haha!

"Hmp!" iningusan na lang ni Krystal si TJ.

"E, kapoots lang, p're, o! Birthday ni Yanna, hindi man lang i-ce-celebrate? Gara lang no'n!"
reklamo ni Diego.

"E, h'wag kang mapoot, itlog! Hindi pa naman debut, tsaka na kayo mag-inarte. Pinahiram ko na
nga sa inyo kanina, pati ba naman ngayon?" TJ.

"Ayon! Kaya pala hindi pumasok, e, para masolo si Yanna ngayon! Ibang utakan ka talaga, 'no?
Umalis ka na nga! Silaw ako sa shades mo!"

Haha! natawa agad siya nang itaboy na ni Derick si TJ.

"Hoo... Silaw ka sa gwapo! Hiya ka pa, e", TJ.

"Taena, layas na! Ang kapal ng mukha, abot hanggang dito, o! Haha", Derick.

"Weh?" nag-straight face si TJ. "Kbye."

Haha. Mga sira-ulo talaga lalo na ang boyfriend niya. Natatawang naglakad na lang siya na akbay
akbay ni TJ. Nagpahabol pa ng sigawan ng pagbati ang mga kaibigan nila sa kanya. Siya naman,
nag-wave back na lang. Mamaya niya na lang ite-text ang mga ito.

Ang abno kasi ni TJ, e. Bakit kasi ganu'n? Ang gwapo na ang sungit pagdating sa kanya pero ang
sweet. Gaah, lalo tuloy siyang na-i-inlove, e.

Sumakay sila sa jeep kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. May surprise kaya si TJ sa
kanya? Pero, feeling niya naman, wala. Tsaka, okay na sa kanya na kasama si TJ.

Kung kanina naiinis siya, ngayon naman... kilig na kilig na! Ang sweet ba naman kasi para sa
kanya ng reason ni TJ sa hindi pagpasok nito kanina, e. Para lang pala bigyan ng oras ang
barkada sa kanya pero ngayon, sosolohin siya! Kkkkk...! kilig na kilig siyang tunay!

"Waa, ang cute ni kuya!" "Omg! Gwapo, hindi cute" "Kkkkk...! Nakakakilig!"

Naagaw ng mga babaeng katapat at nasa harapan nila ang pansin niya. Mga babaeng taga-kabilang
school na sa palagay niya ay mga freshmen o sopohomores pa lang. Sila at ang mga ito pa lang
kasi ang sakay ng jeep.

"Tanggalin mo nga 'yang shades mo", bulong niya kay TJ. Paano, 'yung mga babae, parang maiihi
na ang mga itsura kung kiligin. Kung mga makabulong, ang lakas. Makangiti, wagas.

Tinanggal naman ni TJ ang suot na shades pero pagkaraa'y lumapit ng todo sa kanya. "Sure ka,
ha? Okay. Bahala ka, lalo silang ma-i-inlove", at kumindat pa!

"Kkkkkiyaaaaa! Ang yabang, pero ang gwapo pa rin!" "Hihihi! Kunin n'yo number baka wala pa'ng
girlfriend, dali!"

E, ano pala 'ko rito??! Tutuktukan niya ang mga batang iyon, e.

Nang maramdaman niya namang biglang umakbay si TJ sa kanya. Tinignan niya ito at ang bruho...!
Halatang enjoy na enjoy na naiinis siya!

"E, girlfriend niya ata 'yan, e." "Gaga, baka ate lang!" "Oo nga! O kaya pala, bestfriend!
Hindi naman maputi, e!"

"EXCUSE ME?! KAPAG PUMUTI AKO, MAS LALONG LUGI KAYO!" pero syempre, sa isip niya lang isinigaw
'yon. Nakakaimbyerna lang talaga. Kaya minsan, ayaw niya na may boyfriend na gwapo, e. Pero
joke lang kung si TJ naman. Haha.

"Sa'yo lang naman ang gwapong 'to", bigla namang bulong ni TJ sa kanya at nang lingunin niya,
kumindat na naman! Pero bigla na lang ding bumaba ang kamay nito mula sa balikat niya at
pumulupot sa beywang niya. Mas lalo siyang hinapit ni TJ papalapit.

OMG, parang may kumikiliti sa loob ng tyan niya!


"Waa, kuyang pogi! G-girlfriend mo?" lakas loob na tanong ng isa sa tila hindi talaga
siguradong tono.

E, kung kutusan niya na kaya ang batang 'yon? Aba, hindi pa ba obvious??!

"Tss. Hindi, 'no."

A-ANSAVEEEH???! Ikaila ba ako??! E, kung konyatan niya kaya si TJ ngayon mismo?!

"Yiie! Talaga, kuya?" halatang nagalak ang isa pa dahil sa sinagot ni TJ.

"Hehe... Joke."

Sabay sabay natigilan ang tatlo. "H-huh? Ano ba talaga, kuya?" litong tanong ng isa.

"Ito ba?" tukoy ni TJ sa kanya. "Tss... Wala lang 'yan, 'no... Siya lang naman ang mahal ko.
Minamahal ko. At mamahalin ko." Mula sa seryosong sagot, bigla na lang kinindatan ni TJ ang mga
ito.

Bigla na lang siyang napayuko sa pagpipigil ng kilig at ngiti, samantalang ang mga babae;
"Kyaaa! Girlfriend nga..." "Sayang! Huhu, ang gwapo talaga..." "Huhu. Ang sweet, sana ako na
lang..."

Edi, siya na ang kinikilig! Haha. Kamusta naman daw ang mga bulungan nitong wagas? Tukneneng,
parang wala siya sa harapan ng mga ito, e. Kung hindi lang talaga mukhang mga batang di hamak
sa kanila, baka kanina niya pa niratrat ng kasarkastikohan ang mga ito. At isa pa... hindi
naman na kailangan. Pinagyayabang naman kasi siyang lagi ni TJ. Hihi.

Binigyang niya na lang ng 'o-e-ano-kayo-ngayon?' look ang mga ito. Mga nagngusuan na lang tuloy
pero lantarang tingin pa rin talaga ang ginawa kay TJ! Hindi man lang mga nagpasimple, e.
Nakuuu...!

NAKARATING sila sa isang lugar na tahimik. Bukid ang natatanaw nila sa harapan habang nasa
ilalim sila ng isang malaki at matandang puno. Ang ganda ng view sa totoo lang. Nakaka-relax...

Pero hindi niya alam kung paano'ng nalaman ni TJ ang lugar na ito. May pinasukan pa nga silang
iskinita, e. At paglabas, ito na ang makikita. Pero bakit hindi niya alam ang lugar na ito?

"Patoots... Nasa'n tayo?"

"Earth."
Talaga nga naman... "Umayos ka, itatapon kita."

Aba, simula nang maging sila, palagi na lang siya nitong binabara! Ang alam niya talaga, siya
ang mahilig mambara, e. Pero pagdating kay TJ, nalalaos siya.

"Hehe. Pangit mo, mag-smile ka nga", saka nito pilit na ifino-form ng smile ang labi niya gamit
ang mga hintuturo. "O, ayan, mukha ka nang clown. Haha! Mag-smile na kasi! Alam ko namang
malungkot ka kanina kasi wala ako. Kasama mo na 'ko, o. H'wag nang bumusangot dyan. Smiiiiile",
sunod-sunod na itinaas-taas pa nito ang mga kilay habang ang lapad ng pagkakangiti. Halatang
nang-iinis, e.

"Tse!" pinaghahampas niya nga! Ang kapal lang, kahit totoo, e. Haha.

"Aray! H'wag nga! Kiss kita dyan, e."

Napahinto agad siya.

"Uyy, nag-blush? Haha. 'De, joke lang. Mamaya na, maaga pa."

"Argh! Lumayo ka nga sa'kin!" tinulak-tulak niya si TJ. Ang yabang lang, sagaran!

"Kilig naman, nahiya pa."

"Duh!" she rolled her eyes. Kahit totoo naman ang sinabi nito. Hehe. "Teka nga... Ano ba'ng
gagawin natin dito kasi? Malapit na kayang gumabi."

"Alam ko. Gabi naman talaga pagkatapos ng hapon, di ba? Nagbago na ba?"

E, define masamang tingin?

"Haha! Maiinis na 'yan, o." Natuwa pa talaga. "Joke lang, e. Haha. Ito naman! Lika nga dito",
inakbayan siyang bigla nito at mas lalong inilapit ng husto. Hinawakan pa nito ang kamay niya.
Tuloy, nakasandal ang likod niya kay TJ habang magka-holding hands sila.

Hindi siya pumalag. Bakit, e, kanina niya pa kaya hinihintay ang moment nila. Mawalan-walan na
nga siya ng pag-asa hanggang mag-uwian, mag-iinarte pa ba siya ngayon? E, natural lang naman
ang kayabangan ng boyfriend niya at sanay na siya, 'no.

"Happy birthday, baby ko", he suddenly whispered in her ear.

She smiled sheepishly. Simpleng happy birthday lang nito, sapat na para maging masaya ang
birthday niya.

"Sorry na kung hindi kita pinasama sa barkada, ha? Gusto ko lang naman na masolo ka... Sorry
din kung wala akong gift ngayong birthday mo, ha? Promise, kanina ko pa pinag-iisipan pero
hindi ko talaga alam kung ano'ng magugustuhan mo kaya sumuko na lang ako. Pero bilang kapalit,
ibibigay ko na lang sa'yo..... ang puso ko."

"Phhp", nagpigil siya ng tawa.

How can this guy be sweet and corny at the same time? He's making her fall for him even more.

"Baduy po... Pero pwede na", biro niya. Parang biglang inaantok siya sa yakap ni TJ. Idagdag na
rin kasi ang hangin at katahimikan ng lugar. At the very moment, she feels safe with him by her
side.

"Baduy daw talaga kapag nagmamahal. Tss... Pasensya naman, mahal na mahal lang kita."

"Edi, baduy na rin ako! Hmp...!" nahiya naman daw siya, e.

She heard him chuckle and that made her smile even more. They stayed like that for a long
moment... Sabay nilang pinanuod ang paglubog ng araw.

Ang sarap pala ng feeling ng ganito... Kasama mo ang mahal mo na pinapanuod ang paglubog ng
araw habang yakap yakap ka niya sa mga bisig niya.

Butterflies.... that's what they called... And yes, she's feeling them right now.

"Arianna..."

"Hmm?"

"Thank you."

"Huh? For what?"

"For being alive... For having you here... For being mine... And for loving me. Ang gay mang
sabihin, pero feeling ko... parang ako ang may birthday", mahinang tumawa si TJ.

Kinikilig na naman ang boyfriend niya... E, sino ba nama'ng hindi?

Umayos siya ng upo at humarap kay TJ. "Alam mo? Ganyan daw talaga kapag pogi, e.... bading!
Haha!"

"Ah, gano'n?" Bigla na lang siyang pinagkikiliti nito sa tagiliran!


Malakas ang kiliti niya roon at alam nito 'yon kaya naman wala itong tigil sa pagkiliti sa
kanya. "Aack! Tama na! Hahaha! Tama na kasi, Troy! Haha!"

"Bading pala, ha? Bading pala? Ano ka ngayon? Hah!"

"Tama na kasi! Joke lang naman, e! Haha! Joke nga lang! Stop na, Troy...!"

"K", bigla naman ngang tumigil.

"Baliw! Haha. Para nagjo-joke lang, e... Tsk-tsk. Sa ganyan talaga napapaghalata ang mga
guilty", pasimpleng asar niya pa rito.

"Weh?" sumeryoso na naman ang mukha!

"Ang arte... Maihi ka dyan."

"Tss...! Ay, teka pala..." tila bigla itong may naalala. "May regalo pala 'ko sa'yo. Saglit..."
may kinuha ito mula sa bulsa.

E, ang akala niya ba, wala itong regalo? Gulo lang.

"Tunun!" sabay labas ng isang ballpen na pinagmalaki pang talaga.

May pa-tunun-tunun pa... "O, e, ano nama'ng gagawin ko dyan?"

"Baka ipambubura?"

Sshhht... Bakit pa nga ba kasi siya nagtanong, di ba?

Pok!

"Aww! Bakit mo naman ako pinukpok niyan?!" asar na reklamo niya. Ipukpok ba naman sa noo niya
ang ballpen na hawak nito?

"E, ngumunguso ka kasi, baka muntik na kitang mahalikan."

Bigla naman niyang natakpan ang bibig niya. Nanguso pala siya? At ano raw ulit ang sinabi nito?
Baka muntik? Medyo magulo 'yun, ha.

"Patootie talaga! Haha. 'Lika na nga dito", inabot ni TJ ang kamay niya at humarap sila sa
malaking puno.
"Tss..." lumabing sumunod na lang siya rito.

Hmm.... Parang nahuhulaan niya na ang gagawin nito.

At tama nga siya. Nagsimula na itong mag-ukit sa puno gamit ang ballpen na ipinagmalaki pa
kanina. And after a few minutes... siya naman ang nag-ukit.

Sa bandang ibaba ng matandang puno, nandoon ang inukit ni TJ na malaking puso, at ang inukit
niyang; 'Helen of Troy'.

"Tapos na!" nakangiting pahayag niya nang matapos siya sa huling letra.

"Wait... May kulang..."

"H-huh?"

Pero bigla na lang kinuha ni TJ ang ballpen sa kanya. Tinignan niya kung ano ang inukit nito at
kuntentong napangiti siya nang mabasa iyon.

Sa loob ng malaking puso, nakaukit doon ang mga katagang:

'Helen of Troy

Forever'

***

*******************************************
[33] 32. Nearing battle.
*******************************************

32. NEARING BATTLE.

"YESSS! Intrams! Sporst fest, beybeh! One week freedom! Yahooooo! One to sawang galaan na naman
'to! Hahahey!" galak na galak na pahayag ni Neil.
Ang saya lang talaga nila. One week kasi ang Intrams nila ngayon na karaniwan ay three days
lang. Pero mas lalo siyang sumaya nang i-announce na wala na ang pa-contest na Mr. & Mrs.
Intrams ngayon. Hindi na niya inintindi ang dahilan dahil hindi naman mahalaga para sa kanya.
Bukod sa ayaw niya ang rumarampa, makakalaban niya rin kasi si Lexi 'pag nagkataon. Syempre,
mape-pressure siya sa mga classmates niya para manalo, pero si Lexi, alam niyang gusto nitong
manalo. Kaya mas mainam nang wala na lang.

"Tara, baho! Ditch. Date na lang tayo", aya ni Derick kay Neil.

"Urur! Pota, h'wag naman sa harap ng syota ko't syota mo!" Bigla na lang lumapit si Neil kay
Derick at saka umarte na parang bakla at pasadyang bumulong. "Iiiih, naman 'to! Baka mabuking
tayo, ano buuuh! Ihihi!"

Pak! Binatukan ni Derick si Neil. "Ulol! Kako, date tayo! Ide-date ko syota ko, i-date mo ang
iyo! Lul! Napakaingay...! Kaya tayo nabubuking, sira-ulo!"

Matawa-tawa siya. Ang loloko lang talaga ng mga ito.

"YUCK! Honeeey!" Bigla silang napatingin kay Lexi. "B-bakla ka? As in.... b-beki? Waa! Bakit ka
ganyan???" tila seryosong hindi ito makapaniwala.

Mas lalo naman tuloy siyang natawa. Ang toyo lang kasi ni Lexi. Hindi niya alam kung sinasakyan
ang kalokohan ng boyfriend o sadyang engot lang talaga, e. Haha!

"Ang slow nam-este, joke lang 'yun, nii. Nagbibiruan lang kami, ikaw naman", masuyong nilapitan
ni Derick si Lexi at ayun, nagsuyuan na nga ang mga ito.

Naloloka naman siya. Sinabi na nga ba't slow lang, e. Hahaha.

"HARUU! E, kamusta naman daw 'yung dalawa dyan na hindi ata alam ang ibig sabihin ng salitang
SPACE? Hmm??!" ma-intrigang parinig ni Krystal sa kanila ni TJ.

Sabay sabay tuloy na nagtinginan ang mga kaibigan nila sa kanila.

"Eto, enjoy lang. Kayo dyan, inggit lang", sagot naman ng nasa likod niya.

Edi, kami na! Haha~! Magka-holding hands lang naman kasi sila habang nasa likod niya si TJ, so
parang naka-backhug ito sa kanya kahit hindi.

"Ibang level talaga, 'no? Bakit kami hindi nagkaganyan? Ibang iba talaga kayo! Kayong kayo na!"
makilig-kilig pang sabi ni Bea.

Pero halata niya ang inggit sa sinabi nito. Paano, hindi naman kasi showy si Jake. Mahiyain
kasi ng kaunti. Samantalang ito namang si TJ, kahit sino'ng kaharap, basta sinumpong, magiging
sweet na lang bigla. E, syempre, siya naman, kikiligin. Luuuuh! Haha!
"Grabe ka, Yanna. Ganyan ka pala magka-boyfriend. Ikaw na ume-evolve! Patootie, patootie!
Haha!" tukso naman ni Julia sa kanya.

"Pokemon, 'te? Loka!" Medyo napayuko pa siya dala ng kaunting hiya. "Maarte kasi 'to, nadadala
lang ako", hindi pigil ang ngiting sabi niya.

"Weh? Nahiya pa. Tss. POGI kasi", sabat namang bigla ni TJ.

E, ano naman ang konek no'n?

"O, e, tara na, mga baho! Uwian na!" komento ni Neil na naglakad ngang talaga paalis.

Ang loko lang talaga ni Neil, e. Pero, ang kapal naman kasi talaga ng boyfriend niya! Haha!

"Mga chusaaaaaaaa! Nandito na akong inyong dyoasaaaaaaaa!"

Napalingon silang lahat sa humahangos na bakla. Si Ej, kasama si Joice. Napabalik din tuloy si
Neil na for sure naman, e, babalik talaga't nag-inarte lang. Pero saan nga ba nagsuot ang
dalawang 'to?

"Hinga, mga bakla. Hinga", sabi niya sa dalawa. Aba naman, hingal na hingal.

"Tubig. Hengeng tubig", hingal na sabi ni Ej.

"Du'n, o", inginuso ni TJ na nasa likuran niya pa rin ang canteen na tanaw nila mula sa multi.
"Du'n. Takbo ka du'n, marami du'n."

"Haha! Grabe naman! Ang sama mo, koya! Hingal na hingal, patatakbuhin mo na naman?" natatawang
sabi ni Joice sa kapatid pagkaraa'y binalingan si Ej. "H'wag ka na kasing maarte dyan, baks!"

"Tss. Pwede namang maglakad", bubulong-bulong ng nasa likuran niya na sa palagay niya'y siya
lang ang nakarinig kaya siya lang ang natawa.

"Nakakainis kayo, iniwanan n'yo 'ko! Hmp!" nagtatampong sabi ni Krystal kina Ej at Joice.

"Uy, sorry, Kry! Kasi naman 'tong si bakla nanghihila bigla, e", Joice.

"E, kasi naman, 'pag nagsolo tayong three, hahalayin na naman ako niyang baklang 'yan! Nakaka-
stress ng byoti!" Ej.

Haha, natawa agad siya sa sinabi ni Ej. Paano, ang tatlo talaga ang madalas na magkakasama
dahil ang mga ito lang ang walang partners.
"O, sige na. Bakit kayo humihingal?" tanong niya sa mga ito.

"E, kasi, tum-"

"Alam kong tumakbo kayo, ayusin mo 'yang sagot mo, bading", inunahan niya na si Ej sa sasabihin
nito.

"Haha! Oo na! Kayo na ni Puppy Tee ko ang King and Queen ng barahan! Kalokaaa! Ikaw na ngang
magsabi Joiciemenezzz. 'Di ko na keribelzzz." Pagod na naupo si Ej sa bleacher. Bangag na nga
ata si Ej. Napagod ang byoti.

"Gan'to kasi 'yun....." Lahat sila tumingin kay Joice. "May battle of the bands sa Sunday!"
galak na pahayag nito

Lahat sila; no comment, no reaction.

Si Joice naman, biglang nanulok ang itaas na labi.

"So?" Siya na ang unang nag-react. Ano naman kasi kung may battle of the bands sa Sunday?

"So??? Nakalimutan mo na ba'ng gusto niyang patootie mo na magkabanda??"

"H-huh?" Napalingon siyang bigla kay TJ pero nag-iwas lang ito ng tingin. Gusto ni TJ? Bakit
hindi naman nito nabanggit sa kanya?

"Like, seriously???! 'Ay, oo nga pala, wala kang naaalala.' "

Pero hindi niya narinig ng maigi ang ibinulong nito. "Ano 'yon, Joice?"

"H-huh? Wala.... Ang sabi ko, gusto talagang magbanda ni Troy."

Napakunot-noo siya. Iyon ba talaga ang sinabi ni Joice? Parang hindi naman, e...

Oh, well.... Ni hindi niya pa nga nakitang humawak ng gitara, drums, or piano si TJ. Minsa niya
pa lang din ito narinig na kumanta, ha?

"Eyy...! Joke 'yan, 'no? Pa'no namang magbabanda 'to, e, ang mga kantahan nito twinkle
twiphhp-!"

"PATOOTIE! ANG SEXY MO, SAGAD!"


Natawa siya nang takpan ni TJ ang bibig niya bago pa man niya masabi ng buo ang twinkle
twinkle.

"Ugh... Sa inyo ko na lang sasabihin, busy pa sila." Inirapan sila ni Joice at saka sila
tinalikuran at hinarap ang barkada nila. "Okay, ganito 'yun....................."

Napasimangot tuloy siya. Ang sama. Hindi sila sinali.

Pero dahil malapit lang sila sa mga ito, syempre, naririnig din nila. 'no! Mwahaha!

Magsasalihan talaga ang mga ito sa contest na 'yun. Bubuo raw ang boys ng isang banda. Si Neil
ang vocalist dahil totoo namang maganda ang boses ni Neil. Si Jake at TJ, parehong guitars at
second main vocals. Napa-weh na lang siya sa posisyon ni TJ. Haha. Si Diego, piano. Si Derick
naman, responsible sa drums. Okay naman pala ang mga ito dahil may mga instruments din sa
bahay. Hilig naman pala ng mga loko ang pagtugtog, kung bakit ngayon lang naisipang magbanda.

At ang ikinatampo niya.... si TJ! May gitara pala, ni hindi man lang siya tinutugtugan!

"Tsaka ,eto pa.... Sorry, guys... pero hindi tayo makakagala. Ugh...! Pupunta rito bukas ang
basketball team ng kabilang school. Lalabanan nila kayo. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. At ikaw,
koya." Isa-isang tinuro ni Joice ang boys except Ej. "Kailangan n'yong practice-in ang team
n'yo NGAYON! AS IN NGAYON NA MISMO! Ay hindi, pagkatapos ko na palang mag-speech. Hehe. Para
manalo ang school natin! Aba! Balita ko pa naman mayayabang daw 'yung mga 'yun. Ano nga'ng
pangalan ng team nila? Mary Jane??? Ugh lang talaga."

Natawa naman daw siya sa speech ni Joice. May patanong-tanong pa, sasagutin din naman pala ang
sariling tanong. May toyo rin, e.

Pero, ano daw? Makakalaban ng mga ito ang Mary Jane ng kabilang school? E, parang ang aadik daw
ng mga 'yun, e. Kaya nga Mary Jane kasi Mari-Juana. Pangalan pa lang, ang adik na. Well, hindi
niya pa naman nakikita ang mga ito dahil hindi naman siya interesado. Pero, basta, maaangas daw
ang mga 'yun. Maduduga pang magsipaglaro.

"Goodluck, guys! Kaya n'yo 'yun! Lampasuhin!" Julia cheered.

"Go, go, go! Itaguyod ang Shooting Monstars! Monstars, for the win!" and so did Bea.

"Tss... Para 'yun lang?" sabi ni TJ na tinanggal ang hawak sa isang kamay niya at naupo sa
bleacher, pero hawak pa rin ang isang kamay niya.

Para namang tatakas ako ng tatakas. Hindi na nabitiw. E, kanya lang naman talaga 'ko, makilig-
kilig na isip niya.

"Oo nga. 'Yun lang, e. Yakang yaka naman 'yun! Wala ba kayong tiwala sa'min?" segunda naman ni
Neil sa sinabi ni TJ.

"Wala." Sabay sabay na nag-ilingan sila Bea, Julia, Lexi, Kry, Yen, at Joice. All girls, except
her. Siya na ang hindi ka-join!

"Ako, mga fafa! Tiwala ako sa inyu!" Biglang tumayo at hands-up pang sabat ni Ej.

"Buti pa si Ej..." tinap ni Jake ang balikat ni Ej.

"Enuberrr! Fafa Jakey naman, ih! I'm so kilig! Hihihihi!" Ej.

"Hoy, bading, akin 'yan! Echusero!" Hinatak agad ni Bea si Jake mula kay Ej. Si Jake naman
natawa na lang.

"KEBER! Ang ganda ko talagang dyosa! Wihihi! Lahat kayo nate-threaten sa byoti ko? Mihi! I
supah like et! I'm like a.... Sweg! Mihihi!"

Parang lahat naman sila, iisa ang reaksyon na nagsasabing; Sige, Ej. Ikaw na nagalak! Haha.
Baklang bakla naman kasi!

Matapos nilang mapag-usapan ang pagsali ng boys sa BTOB, nagkwentuhan na lang sila. Tutal
naman, wala na silang ibang magagawa. Kaysa magtitigan, magku-kwentuhan na lang sila.

"Psst. Sexy. Upo ka nga", kinalabit ni TJ ang kamay niya na kanina pang hawak nito.

Sinunod niya naman ito at naupo nga siya sa tabi nito. Bale, nagku-kwentuhan pala ang barkada,
habang sila ni TJ, nagsosolo. Hehe.

"Bakit?" tanong niya kay TJ habang pinaglalaruan nito ang kamay niya nang makaupo na siya.

Tumingin si TJ sa kanya. "Ano'ng bakit? Syempre, nakatayo ka kanina. Papaupuin ba kita kung
nakaupo ka na?"

Siningkitan niya agad ng mga mata ang loko.

"Ayan na naman sa tingin na 'yan! Masaya ba 'pag nakaganyan? Pa'no ba 'yan?" Ginaya nito ang
tingin niya. "Tss. Boring!" reklamong agad nito matapos siyang gayahin.

"Ewan! Du'n ka na nga! Practice-in mo team n'yo! Layo ka na sa'kin!" taboy niya kay TJ. Ang
adik! Pati tingin niya pinapansin, e, mas madalas pa ngang ganoon itong tumingin kaysa sa
kanya.

"Bakit ako? Ako ba captain? Layo naman ng itsura ko kay Akagi. Sendo 'to, uy. Du'n mo sabihin
sa pinsan", nginuso nito si Derick.

Si Dee???! "Wahaha! Walanjo ka, Troy! Pogi naman kaya si Derick! Sira-ulo mo! Hahaha!"
"Ohoy... Bakit naririnig ko pangalan ko dyan?" biglang sabat ni Derick.

"Eto kasing si TJ! Pinsan tsaka kamukha mo raw si Akagi kaya ikaw ang captain! Hahaha!"

"Potek! Gwapo kong 'to? Tangina mo, Salamat!" pabirong sabi ni Derick kay TJ.

"Tangina mo too. Walang anuman, dude", nagsalute pang sabi ni TJ.

Tawa lang siya ng tawa, e. Lakas maka-advantage ng apelyido ni TJ! Hahaha. Lokong loko, e.

"Ulul! Haha. 'Lika na nga kayo! Tara na't humayo! Tayo nang magsipag-ensayo!" Derick.

Bakit ba ang hilig ng mga ito sa rhyme ngayon? Uso ba 'yon?

Nagpaalam na ang mga boys sa girlfriends nila. Pero itong si TJ, hindi pa rin tumatayo sa tabi
niya.

"Huy. 'Di ka pa susunod sa kanila?" takang tanong niya.

"Kiss muna. Pampagana", sabay nag-wink pa!

Agad na namula siya. "Lande! Sumunod ka na du'n!"

Hindi naman sa nag-iinarte siya o ano. Pero, hello??? Nasa MPH kaya sila at hindi lang sila ang
tao. Okay lang ba 'to?

"Tss! Kiss lang, e!" Tumayong bigla si TJ.

Ayan na. Magtatampo na naman. Pero hayaan na nga, madali lang naman itong amuhi-

Tsup!

Bago niya pa nalaman ang gagawin nito, nakayuko na ito at nahalikan na siya! Sa cheek lang
naman, pero....

"Gotcha", at nag-wink na naman!

Lalo siyang namula. Kyaaa! Ang gwapo lang ng boyfriend niya kapag kumikindat ng ganoon sa
kanya! Lalong nakaka..... inlove!
Mayabang na ngingiti-ngiting umalis si TJ at sumunod na sa mga boys habang siya naman, naiiwang
namumula. Gaaah!

PAUWI na siya-mag-isa. May practice pa kasi sila TJ kaya pinauna na siya't baka gabihin daw ang
mga ito. E, sa totoo lang, uwing uwi na rin siya.

Bhhb.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya at kinuha niya iyon mula sa bulsa niya. Nang
makita niya kung sino ang nagtext, napangiti agad siya. Kalalabas na kalalabas niya lang ng
campus, nagtext na agad? Edi, si TJ na! Kilig naman siya.

[CUTIPATOOTIE

Sexy! Ingat. Wag tanga wala ako sa tabi mo. Ingat a. Papakasalan pa kita. Sexy mo.]

E, bakit kahit nang-aasar na, kinikilig pa rin siya? Gaah, wasn't her boyfriend so sweet?

"Aww!" bigla siyang napaatras nang isang bulto ng katawan ang bumangga sa kanya. Syeteng pute.
Kate-text lang ni TJ na mag-ingat siya, heto't nasaktan na agad siya?

"Aso ba?"

Napaangat ang tingin niya sa lalaking nakabungguan niya. Agad na nag-init ang ulo niya at
pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ang kapal lang din ng mukha, e. Ito na nga ang nakabangga,
hindi man lang nag-sorry? Bangasan niya kaya?

"Patawa? Uso ba? Leche, ang engot. Tabi nga!" hinawi niya ito at nilagpasan.

Kainis! Bakit kasi ang daming lalaking mayabang ngayon? Ayaw niya sa mga mayayabang!..... Pwera
kay TJ, syempre. Oo. Mayabang kasi talaga 'yun, superb. Pero love niya 'yun, sagad.

*Sexy. Tumatawag ang gwapo. Sagutin mo. Sexypatootie. Naghihin-*

Hehe. Ang cute lang ng ringtone niya, e. Boses ba naman ng boyfriend niya?

Si TJ kasi, ang baliw! Ang haba pa ng nirecord nito na iyon pero dahil sa mainiping tunay ang
loko, kailangan niya nang sagutin agad.
"Yo?"

"*Nakauwi ka na?*"

"Wow naman! Sorry naman, kasi 'di ko dala ugatpak ko. Ikaw, baka dala mo 'yung sa'yo, baka
pwedeng ihatid mo muna 'ko?"

"*Si Arianna ka, hindi si Alwina. Tss... Para kang si Anne.*"

"Sino namang Anne 'yan??"

"*Annebisyosa. Haha!*"

Kapoot-pootang puso ng saging nga naman, oo. Kapag tina-try niyang barahin si TJ, lagi na lang
itong may pang-counter-attack. E, define bwiset? Siya-

"Miss!"

-Siya 'yun. Ito 'yun, e. Itong lalaki na bumunggo sa kanya kanina at ngayon, e, papalapit na sa
kanya. Ano ba'ng iniiri naman nitong cute-este, bwiset na 'to?

"O?" kunot-noong tanong niya.

"May naiwan ka."

"H-huh? Nasa'n? Ano?" nagtatakang tanong niya.

"Eto, o..... 'Yung puso ko." Ngumiti pa ito ng cute-este, pa-cute na ngiti!

Tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Kidding! Haha. O, panyo mo." Biglang abot ng panyo sa kanya pagkatapos ay umalis ding agad.

"Tss... Baliw", umismid na lang siya.

Kung si TJ pa ang bumanat ng ganoon, baka sakaling kilig-ASDFGHJKL!!! Si Troy nga pala! Shit!

Agad agad niyang tinignan ang cellphone niya at.... Call Ended??? Hala! Kaka-end lang?!
Bhhb.

[CUTIEPATOOTIE

Nyeta. Umuwi ka na ngayon na.]

Nakagat niyang bigla ang ibabang labi niya.

Patay na. Malamang na narinig nito ang usapan nila ng lalaki kanina. Patay na talaga! Seloso pa
naman ng sobra pa sa sobra si TJ.

Nag-curse na, lagot na talaga siya. Huhuhu!

***

*******************************************
[34] 33. The evil's precious secret.
*******************************************

33. THE EVIL'S PRECIOUS SECRET.

"BAKA magalit si Dee? Ikaw lang ata ang wala do'n, e", katwiran niya kay TJ.

"Hamo siya. Malaki na siya", walang pakialam na sagot nito tsaka siya inakbayan at naglakad na
sila paalis.

Ang totoo kasi, siya palang talaga dapat ang uuwi dahil may matindihang practice na naman ang
Shooting Monstars. Hindi kasi natuloy ang laro kanina dahil na-move ang schedule bukas. E, ang
kaso, ang mokong niyang boyfriend, masyadong seloso gustong manigurado kaya sasabayan siyang
umuwi. Baka raw kasi patanga-tanga na naman siya't may makabungguan na naman siyang lalaki.
Edi, may ibang lalaki na namang kakausap sa kanya? Nako. Napakaseloso lang talaga.

Mabuti na nga lang kagabi, nang lumundag na naman ito sa veranda niya na lagi naman na nitong
ginagawa, nakinig ito sa paliwanag niya na hindi naman talaga niya kilala ang lalaking iyon
kahapon.

Aba naman. Galit na galit talaga kahapon, e. Parang may usok na lalabas sa butas ng ilong.
"Bahala ka. 'Pag kayo natalo bukas, patay ka kay Dee."

"Kaya namin 'yun, ano ka ba? Sinabi ko naman sa'yong sasaniban ako ni Sendo bukas, e. Makikita
mo", pagmamayabang pa nito.

Sapukin niya na kaya ito ng libong beses? Pwede namang idolohin na lang si Sendo pero feel na
feel talaga nito ang pagiging Sendo. Kung may contest nga lang ng payabangan , e, si TJ na
talaga ang wagi!

"Abno", iiling-iling na bulong niya na lang.

Ang akala niya talaga, uuwi na sila. Pero heto ngayon at nakaupo sila katabi ng kanilang.....
infinitree.

Inangkin? Oo. Wala namang aangal, e. Ang totoo kasi, madalas na sila rito. It's their special
place. Infinitree nga ang ipinangalan nila sa puno, e.

And hey, they made a promise na bibilhin nila sa future ang lupang ito kung saan nakatayo ang
infinitree nila. Ano'ng say naman daw ng plano nila sa futire?

Ah, basta! Siya lang ang gusto kong makasama sa future!

"Unggnhh...." Nag-inat si TJ pero ang bagsak ng braso, sa balikat niya.

"Haaah...! Kaantok...." Siya naman ay humikab pero ang bagsak ng ulo ay sa balikat ni TJ.

They both chuckled at their shyness. Ang lakas lang nilang magkahiyaan! Pwede namang kusa na
lang silang mag-akbayan pero ewan ba nila kung bakit madalas silang magkahiyaan kapag sila na
lang dalawa.

"Baby..." he gently called afterwards.

She remembered when she used to hate that endearment back when TJ used it for Lexi infront of
her. Pero ngayon, kinikilig na siya sa tuwing tinatawag siya nito gamit iyon.

"Hmm...?"

"G-gusto mong.... tugtugan.... kita?"

Napaangat bigla ang ulo niya at humarap kay TJ. Excitement suddenly filled her.
"Talaga???" puno ng pananabik na tanong niya.

May dala kasi itong gitara pero hindi naman nito ginalaw kahit kanina sa school nila. Wala.
Parang props lang. Nagtataka nga siya, e.

Parang nagulat naman si TJ sa naging reaksyon niya, pero biglang.... "De, joke lang."

Sshhht. Bwiset lang. Na-excite na siya, e. "Kurot, gusto mo?"

"Ikaw lang gusto ko."

Naningkit lang ang mga mata niya pero ramdam niyang nag-iinit na ang mga pisngi niya.

"Sige na nga. Baka mapatay pa 'ko niyang tingin mo. Haha."

Tutugtog din pala, gusto pang naiinis hiya muna siya!

Inilabas na nito ang gitara mula sa case. Bigla na naman siyang na-excite. First time kayang
tutugtugan siya nito! Woo!

Bago magsimula, kung nakailang ehem muna ata si TJ. Ang cute lang talaga nito kapag nahihiya,
e. Lalo talagang nakaka-inlove.... O sa kanya lang dahil kahit ano'ng gawin nito, naiinlove
siya? Gaahd!

Hindi nga makatingin ng deretso si TJ sa kanya bago mag-umpisa. Pero nang magseryoso't nag-
umpisa na ito, sa mga mata niya lang ang titig nito.

There's no combination of words I could put on the back of a postcard

No song that I could sing but I can try for your heart

Our dreams, and they are made out of real things

Like a, shoebox of photographs with sepia-toned lovin'

Love is the answer, at least for most of the questions in my heart

Like "Why are we here?" and "Where do we go?"

And "How come we're so hard?"

It's not always easy and sometimes life can be deceiving

I'll tell you one thing it's always better when we're together.....
Hindi niya ma-explain... 'Yung titig na titig si TJ sa kanya habang kinakanta iyon? Ewan...
Basta... Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam.

'Yung ngiti nito na may kasamang hiya? Kinikilig talaga siya. Butterflies.... Damn...!

But if all of these dreams

Might find their way into my day to day scene

I'd be under the impression, I was somewhere in between

With only two, just me and you, not so many things we got to do

Or places we got to be, we'll sit beneath the mango tree....

Napangiti siya nang marinig niya ang last line. It's like the song was meant for them...

"Ah! Ayoko na!" Parang batang bigla na lang nagtago si TJ sa gitara pagkatapos nitong kumanta.

"Sira. Syempre, tapos na! Baliw!" natatawang sabi niya. Ang cute lang talaga, e. Hiya hiya pa,
e, tinapos naman talaga ng buo ang kanta. Labo.

"Kinilig ka, 'no?" At oras naman para siya ang inisin nito?

"Hmm... Slight", kibit-balikat na sagot niya pero ang totoo, kilig na kilig siya ng bigtime!
Haha. Pakipot-pakipot din.

"Hoo... Pakipot! Buti pa 'ko kinilig sa sarili ko."

"Oo na, kinilig na! Aarte pa? H'wag na! Haha."

"Tss! Pakipot lagi. Amp."

"H'wag ka ngang mag-amp. Parang bakla lang, e! Hahaha!" Totoo naman kasi. Parang bakla!

"Ah, gano'n? Bakla na naman? Bakla na naman, ha?"

Huli na ang pagkataranta niya. Naitabi na nito ang gitara at naabot siya tsaka siya
pinagkikiliti.

"AAAH! HAHAHA! TJ, tama na! Hahaha! Tama na!"


At bigla naman ngang tumigil. Masunuring loko lang talaga, e!

"Tss... Gwapo ko kasi para maging bakla. 'Lika nga dito..." Bigla na lang siyang hinigit ni TJ
kaya naman nakaupo sila habang naka-backhug ito sa kanya.

Hindi niya talaga ma-explain kung ano sila, e. One moment, they were teasing each other, and
then the next... pwede na silang langgamin. E, why so sweet?

Pero ang sarap lang talaga ng ganoong feeling, e.... 'Yung yakap ka ng mahal mo sa espesyal na
lugar n'yo habang niyayapos kayo ng sariwang hangin...

"You used to hate it when I sing", she heard him murmur. Na parang may halong saya, hurt,
disappointment at relief ang pagkakasabi ni TJ noon.

Heto na naman sila. Binanggit na naman nito ang 'past' daw nila. Pero sa tuwing tina-try niyang
ipakipag-usap dito ang about sa so-called past nila, lagi na lang siya nitong inaawat.
Magagalit o di kaya'y tatahimik lang bigla. Ni ayaw nga nitong pag-usapan pero madalas namang
banggitin.

"Troy... can't we talk about it just for once?" tanong niya na hindi ito nililingon.

"Yes... we can't." She tried to open her mouth to say something but he stopped her right away.
"Sshhh... Tamo, o. Sarap ng hangin."

See? Niliko na naman nito ang topic.

"Pero kasi-"

"Tsk. Past is past na nga. Hindi na importante sa'kin ang past. Ikaw lang ang mahalaga... Kulit
ng baby", ginulo-gulo pa nito ang buhok niya.

"Hindi mo 'ko baby! Hmp!" Aalis na dapat siya sa pagkakayakap nito pero mas lalo lang humigpit
ang yakap nito sa kanya.

"Sorry... Won't mention anything from the past, again. Hindi ko lang mapigilang i-comp- Basta,
mas mahal kita ngayon. Iba, e. Ibang iba.... Mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mawala
ka.... Tsaka, baby kita, sorry ka na lang. Tamo nga, o?" Pinoke-poke pa nito ang gilid ng tyan
niya. "Baby fats? Ew." Nang-asar na!

"Argh! Kainis naman 'to! Sana nagdrama ka na lang! Hindi naman kaya mataba! Hindi 'yan taba.
Laman 'yan! Required magkalaman ang tao!" Tinry niya ulit ang kumawala sa yakap nito pero mas
lalo lang talagang humigpit iyon.

Lagi na lang... One second, he is serious, and then the next, he's a total dork.
Ewan niya nga ba sa lalaking ito. Buti na lang at gwapo!

"Haha. Joke lang naman kasi! Hmmm....!" nanggigil pa ito't mas lalong humigpit ang yakap. Pero
sakto lang naman, nakakahinga pa siya. Haha.

"Ah!"

Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ni TJ kaya napaharap siya rito. "Hala... Bakit?" nag-aalalang
tanong niya.

"Payat mo. Natusok ako. Bones? Ew." Tapos lumabi pa ang loko!

Agad na naningkit ang mga mata niya. "Tiiiiijaaaaay!"

"HAHAHA!"

Bakit ba kasi ang galing at hilig nitong mang-inis pagdating sa kanya? Buti pa noong hindi pa
sila! Hinahayaan lang nitong siya ang mambara rito kahit na pasimpleng nambabara rin ito sa
kanya. E, kaysa naman ngayon, lagi na lang siya ang binabara! Ugh...!

At ayun... Nailiko na naman siya nito sa dapat na topic nila. Lagi na lang. Ang galing lang
magmanipula ng usapan.

She mentally shook her head. Whatever. Past is past.

THE next day..........

"Uy, anak. Anyare? Bakit tulala?" Nagulat si Joice sa biglaang pagsulpot ni Tita Mina-ang mama
ni TJ-sa harap niya.

"Hindi naman po. May iniisip lang", nakangiting sagot niya rito.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang mahabang wooden bench sa fron porch ng bahay. Hindi kasi
siya pumasok. Wala. Tinatamad lang. Mamayang hapon pa naman kasi ang laban ng kuya niya kaya
after lunch na lang siya papasok.

Magaan talaga ang loob niya kina Tita Mina at Tito Renzel. Hindi niya man kasi kadugo ang mga
ito at tanging ang kuya Troy niya lang ang nag-uugnay sa kanila, welcome na welcome pa rin siya
sa mga ito. Parang ngayon.... both are treating her like she is their real daughter. And that's
just so sweet.

Naupo si Tita Mina sa tabi niya. Nakakatawa pa dahil sabay silang napabuntong hininga
pagkaraan.

"Anak, matanong nga kita... Si kuya mo... Bakit ang possessive mo pagdating sa kanya?"

Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon kaya ikinagulat niya.

"B-bakit n'yo po naitanong?"

"Hmm... Wala naman", kibit-balikat nitong sagot. "Naisip ko lang.... Dahil ba nagmahal siya
dati pero nasaktan lang siya? And for the record... ng babaeng ngayon, ay mas minamahal pa
niya?"

That struck her. She didn't see that coming.

Pero saglit lang, nakabawi rin agad siya. She gave Tita Mina a forced smile.

Of course... That's the reason. "Tingin mo, Tita? Inlove kaya talaga si kuya kay Yanna?....
Hanggang ngayon?"

"Oo. Obvious naman, di ba? Tinamaan talaga ang loko, e!" deretsong sagot nito.

She chuckled. Ang cute talaga nitong magsalita. Pero bakit feeling niya, ang seryoso nila
ngayon?

"Tsaka, alam mo? Nagbago na talaga si Yanna, 'no? Dati, kapag kinu-kwento siya ni kuya mo
sa'kin, sobrang tahimik lang daw tsaka palangisi. Pero ngayon, malakas pa ang boses sa'yo! Ang
cute cute! Hihi!" Tita Mina giggled at her own thoughts.

Natawa siya sa reaksyon nito. "True that, Tita! Haha. Nagbabago pala ang tao kapag
naaksidente."

"What? Naaksidente si Yanna??" gulat na tanong ni Tita Mina sa kanya.

Tumangu-tango siya. "Opo. Sabi ng mga friend niya, naaksidente raw siya. Kaya siguro hindi niya
maalala si kuya", nagkibit-balikat siya pagkaraan.

"Ah, talaga? Kaya pala... Hindi ko naman kasi nakakahuntahan si Tita Gelay mo about sa past.
You know, she's busy with her work. At nagkakasama-sama lang tayo kapag may bonding with the
couple, di ba? Pero, di bale, I'll have a chat with Geli some other time.... Tama! Hmm...."
Tita Mina said as if talking more to herself. "E, pero ang sabi sa'kin ni kuya mo, nagkukunwari
lang daw si Yanna na hindi siya kilala. Inis pa nga si kuya mo no'ng sinabi sa'kin 'yun, e.
Bitter-bitter-an ang peg."

"Ampalaya lang, 'no, Tita? Hahaha. Pero, ako din po. Akala ko she was on some drama, but she's
not. She was very clueless 'cause she can't even remember the past."
"Hmm... E, alam na ni kuya mo na wala talagang maalala si Yanna?"

"Yes po", she nodded.

"Oooh... bagay talaga sila, 'no? Hihi! Ang cute cute talaga nila!" Again, Tita Mina giggled.

Mas cute talaga si Tita Mina para sa kanya. Haha.

"Ay, nga pala, anak... Hindi naman siguro rume-revenge effect si kuya mo, di ba?"

Uh-oh.

"P-po?? H-hindi naman po.... s-siguro. He-he... Hindi po 'yun!" Shit, she just stammered! Bakit
ba kasi naitanong ni Tita Mina iyon???

"Naku, para namang malabo nga, 'no? Inlove na inlove si kuya mo, e. Parang kami lang ni Ren.
Looooove na love namin ang isa't isa! Hihi!" kinikilig na pahayag ni Tita Mina. Pagkaraa'y
tumayo na ito. "Uy, magluluto lang ako ng lunch natin, ha? H'wag ka nang magmuni-muni dyan at
pumasok ka mamaya! Para naman hindi lang kami ni kuya mo ang inleeeev!" kinikilig pa ring
dagdag nito.

Ibig sabihin kasi, maghanap na rind aw siya ng boyfriend.

"Bata pa 'ko, Tita! Tsaka na! Haha!"

"Achuurs! O, siya... Gora na me!" kumaway-kaway pa si Tita Mina sa kanya bago tuluyang pumasok
sa loob ng bahay.

Ang cute lang talaga, e. No wonder, inlove si Tito Ren dito.

She let out a deep sigh. 'Yung sinabi kasi ni Tita Mina kanina....................

"Kuya! Tigilan mo na kasi si Yanna! Nakakainis naman! Bakit ba patay na patay ka sa kanya?!"
Sinundan niya si TJ hanggang sa loob ng kwarto nito.

Nakakainis lang kasi.... Sinigawan pa siya nito sa harap ng maraming tao nang dahil lang sa
Yanna na iyon! Tuloy, napaamin siyang kapatid siya nito at hindi girlfriend!

"Ching, pwede ba? H'wag mong painitin ang ulo ko", nagtitimping sagot ni TJ sa kanya pagkaraa'y
naupo ito sa kama.

"Kasi naman, e! Sinaktan ka na niya dati! H'wag mo nang hayaang saktan ka ulit niya! Kuya
naman!" sumbat niya.

"Ikaw na rin ang nagsabi kanina, di ba? Wala siyang maalala kaya hindi niya alam na nasaktan
niya ako dati", kalmado pero halatang nagpipigil na sagot nito sa kanya.
Nasabi niya na kasi rito ang nalaman niya mula sa dalawang kaibigan ni Yanna.

"Correction, Troy.... SINAKTAN, hindi NASAKTAN! God...! She can do it over again! What's the
matter with you?!"

Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa utak ng kuya niya't sinaktan na nga ito't lahat,
heto na naman ito sa panliligaw kay Yanna! Bakit ba ganito ang kapatid niya?!

Hindi siya sinagot ni TJ. Sa halip, nagbuntong-hininga lang ito. Seconds later, nagsalita na
rin ito.

"Listen, Ching.... Hindi ko na talaga siya gustong balikan. Hinding hindi na.... But, shit...!"
TJ cursed under his breath.

She can't explain her bother's expression at the moment. It was like mixed emotions of hatred
and pain.

"Natalo ako sa pustahan namin ni Dee... Okay? Ngayon, para maging sila ni Lexi, kailangan kong
gawin ang gusto niya. Stupid Lexi's little revenge for Yanna." Sinabi 'yon ni TJ na puno ng
disgusto sa mukha. "And guess what? I must make Yanna fall for me and then, boom..... 'I'll
break her heart in a snap'. Satisfied? They punished me to punish her."

Break Yanna's heart in a snap... Funny, isn't it?

Pumayag siyang i-pursue ng kuya niya si Yanna at nag-party pa sila nila Tita Mina at Tita
Angelica-mommy ni Yanna-noong naging mag-on na ang kuya niya at si Yanna.

Ang nakakatawa lang... Yanna is, until now, very clueless.

Ang sabi nga ni Lexi sa kanya, hindi raw nagtaka man lang si Yanna noong biglang
nakipagkaibigan ito kay Yanna. And same on her case. Hindi rin nagtaka si Yanna na hindi na
siya tumutol sa relasyon nito sa kuya niya. For goodness' sake, she even congratulated them!

Pero ngayon kasi, iba na, e.... Sila ni Lexi, pati ni Derick... Hindi na nila nababanggit sa
isa't isa ang about sa bet at punishment na iyon ng kuya niya.

Honestly, masaya na siya sa estado ng relasyon ng kuya niya at ni Yanna. She wouldn't even wish
for the two to break up. Nakuha na kasi ni Yanna ang loob niya. Nila ni Lexi... Masyadong
inosente si Yanna para lang saktan ng kuya niya.

Imagine? Natalo lang ang kuya niya sa dota.

DOTA..... For crying out loud, dota lang! Pero ang kapalit... saktan ang puso ni Yanna.

Kung tutuusin nga, naisip nilang tatlo nila Lexi at Derick, na pwedeng pwede namang tanggihan
ng kuya niya ang parusa na iyon or pwedeng mag-quit anytime. Pero ipinagpatuloy pa rin talaga
iyon ng kuya niya.

And for somewhat reason, they are still wondering... When, or rather.... would Troy still break
Yanna's heart?
***

*******************************************
[35] 34. Who's mad at who? [Part 1]
*******************************************

34. WHO'S MAD AT WHO?

"YANNABEY, nasa'n asawa mo?" Julia.

"Wala sa'kin. Bakit? Miss mo?" birong sagot niya.

"Ay, gaga! Haha!" natatawang pabirong hinampas na lang siya ni Julia sa braso.

Syempre, malamang na sumama na si TJ sa practice ng team nito. Malapit na kasing mag-umpisa ang
laro at hinihintay na lang ang Mary Jane team.

Sila naman, nasa canteen ngayon.

"Wiiiii! Excited na me sa gamey latur! Hihihi! Kailangan ko ng superpowerultramegaphone para i-


cheer ang aking mga boyfiiizzz! Ahihihi!" Ej.

"Gaga, hindi na kailangan. Nakalunok ka na, matagal na. Hahaha." Lexi.

"Hey, guys! Miss me?"

Napalingon silang lahat sa bagong dating. Si Joice.

"Bakla ka! Bakit ka absent kanina?" salubong agad ni Krystal kay Joice.

"Baka kasi hindi siya present kanina", bulong niya.

Pok!
"Aw!" reklamo niya. Binatukan lang naman siya ni Krystal!

"Tama naman si bey, bakla. Haha!" Buti pa si Bea, pinagtatanggol siya!

O, hindi ba't mahirap talagang alisin ang nakasanayan? Balik sa pambe-baby na namang tawag ang
mga kaibigan niya sa kanya porque wala lang si TJ.

"O, mga dilag. Isuot natin para terno tayong lahat. Nakita ko kanina sa labas may nadaang
ganyan kaya ayan, bumili ako. Dali, dali! Ang cute! Hihi!" May nilapag si Joice sa table nila
na headbands with different colors.

"Tsshhh..." nailing na lang siya sa mga ito. Nag-aagawan pa kasi sa mga gustong kulay. Sorry
naman, pero hindi siya ganoong ka-girly.

Naramdaman niya na lang na biglang may naglagay sa ulo niya ng isa.

"Whoah! Bey, ang cute mo! Di ba, you like baby blue? Oh, you so cute! Hihihi!" humagikgik pa si
Bea.

"E, ayoko naman nito. Kayo na lang-" Tatanggalin na dapat niya ang headband pero pinigilan siya
ni Joice.

"Don't you dare...." pinanlakihan pa siya ng mga matang banta nito.

"Fine!" she just rolled her eyes. Kj niya nga naman kung nakasuot ang barkada ng ganoon habang
siya lang ang hindi, di

Geez. Bunny head? Ugh.

"KYAAA! NANDITO NA SILAAA!! BOOOO!!"

Napatingin silang lahat sa isang babaeng sumigaw. Okay lang ba ito? Papansin much? Ang dami
daming tao, kung makasigaw? Edi, si ateng na!

Nasa loob na kasi sila ng gym dahil malapit nang mag-umpisa ang laro.

"AAACK! Ohemgee, Jollibee! SO YUMMY!!" Sino'ng bakla naman ang sisigaw ng ganoon? Syempre, si
Ej. May iba pa bang bakla sa kwentong 'to? Basta talaga gwapo, o.

Napatingin silang lahat sa gate ng gym. Grupo ng mga nakapula.


Ang Mary Jane.

Pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa kanya, e... Kundi ang isang lalaking matamang nakatitig
sa kanya habang naglalakad papasok.

Nakakatunaw-she mean... kung nakakatunaw lang ang titig nito, liquid na siya ngayon.

Pamilyar ang mukha... Nakita niya na ito. Saan nga ba?

Aah! bigla na lang may pumasok sa isip niya. 'Yung... 'yung naiwanan niya ang puso niya!

Duh. 'Yung nakabungguan niya at nagbalik ng panyo niya. 'Yung pinagselosan ng matindi ni TJ!
Kamote... Kasali pala 'yun sa kalabang team?

"Boo!"

"Ay, palakang bebot!"

"Ano??! P-palakang.... bebot??? Hahahaha!"

"Tiiiiijaaaaay!!!" Agad na napasibangot siya. "Bakit nanggugulat kasi?!"

"Syempre, para ka ma-shock. Hahaha. Palakang bebot daw? Uso? Kuneho! Hahaha!"

Waaa! Ayan na, tinukso na siya! Kasi naman 'tong kuneho sa ulo niya, e! Tatanggalin niya na
sana kaso bigla na lang siyang pinigilan ni TJ.

"H'wag! Cute kaya... Rebbit!" At humagalpak na naman ito ng tawa.

Napa-pout na lang siya. Gayahin ba naman ang tunog ng palaka na 'Rebbit! Rebbit!' ? Grabe.
Bakit ang tulin ng utak nito sa pang-aasar? Porque may kuneho siya sa ulo niya at palakang
bebot ang nasabi niya kanina?

Agh! Bakit naisip niya pa 'yon? Huhuhu!

"Baliw baliw", lalo pa siyang napa-pout. Ang baliw lang kasi talaga. Bigla na lang susulpot
tapos manghihipan sa tenga. Tapos ngayon, nang-iinis naman. Baliw talaga...

Napadako na lang bigla ang tingin niya sa team ng bagong dating.


Nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking nakabungguan niya noong nakaraang araw at hindi lang
ito, dalawa pa sa mga kamiyembro nito ang nakatingin sa kanya. Parang pinag-uusapan siya..... o
si TJ? Ewan, pero sa kanila kasi nakatingin, e.

"Warm-up! Ten minutes before the game!" May nag-aanounce sa committee.

"Patoots..." agaw ni TJ ng pansin niya.

"Oh? Ang....... cute mo...." Waaaa! Nakakahiya! Hindi niya napigilang masabi ang laman ng isip
niya! Pa'no, ang cute naman kasi talaga!

"Syempre. Cheer mo 'ko, ha? Labyu. Sexy mo." Kinurot pa nito ang pisngi niya at parang labag pa
sa loob nito nang umalis na.

Aww... Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganoon ka-sweet ang boyfriend?

Nagwarm-up ang mga ito pero si TJ, sa kanya lagi ang tingin bago mag-shoot o kaya, basta
matrip-an nitong tumingin, titingin na lang bigla sa kanya.

Aww lang talaga. Sobrang sweet, gwapo, at hot ng boyfriend niya. Bakit ganu'n? Hindi tuloy
mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos nito.

Nagpahinga na si TJ at naupo sa bench ng team nito pagkaraa'y nagkalikot sa bag.

"Ehem. Ehem..."

Natuon bigla ang pansin niya-nilang lahat sa nagsalita sa mic.

Isa sa member ng Mary Jane.

"Ehem ulit. May pinapasabi lang kasi ang captain namin... Uhh... May crush daw siya. Blue bunny
ang clue."

Bhhb.

Naramdaman niyang nagvibrate ang hawak niyang cellphone na nakatago sa bag niya na nakapatong
sa lap niya. Ka-chat niya kasi si Kristoffer kanina. Kasi nga, intrams, hindi naman magco-
confiscate ang mga teachers.

Si TJ ang nagtext.

Huh? Kaya ba nagkalikot ito sa bag, para lang magtext?


[CUTIEPATOOTIE

Sexy sexy. Labyu.]

Ayun. Blush agad.

Gaaah! Kinikilig siya, sobra! Ano ba naman kasi, ang galing lang magpakilig! Effective, e! Ang
sweet lang ng bigtime! Sa sobrang kilig niya, hindi niya mapigilang mapangiti kaya nakagat niya
ang ibabang labi niya.

"Bakla! Kinikilig ka? Gaga, nakatingin si TJ! Simangot naman ng konti!" Boses ni Krystal ang
umistorbo sa kilig moment niya.

"H-huh?" litong tanong niya. Bakit niya naman kailangang sumimangot?

Nginuso ni Krystal ang lugar kung nasaan ang committee kaya napasunod siya ng tingin. Pero ang
weird lang dahil parang lahat ng atensyon ng mga tao, nasa kanya.

"Hi daw, blue bunny! Ang cute mo raw, sabi ni captain!" Kinawayan pa siya ng member ng Mary
Jane na nagsalita sa mic.

Siya? Kinawayan siya???

Wait... Loading.... Processing....

'Yung kanina...... 'May crush daw siya. Blue bunny ang clue.'

Whoah.... Shit! Mother f! Bigla niyang tinanggal ang bunny headband sa ulo niya.

"Ayiiie! Haba ng buhok, bebe! Hahaha." Bea.

"Nako. Sama ng tingin ng jowaers mo, 'te." Julia.

Halaa! Na-misinterpret siya ng lahat! Kinilig siya sa text, hindi sa announcement! Ano ba
naman!!!

Tumingin siya sa pwesto ni TJ at ang sama....... Ang sama ng tingin ni TJ, pero hindi sa
kanya.... Doon kay laglag puso, mamaya basag nguso! Joke, syempre. Pero, ang sama kasi talaga
ng tingin ni Troy habang pangisi-ngisi lang ang lalaking nakabungguan niya!

Pero, teka..... Alam niya 'yang mga ganyang strategy, e.


Nakita ng mga ito na magkasama sila ni TJ kanina, di ba? 'Yung parang pinag-uusapan pa nga
sila? Tama! Strategy ang announcement para madistract si TJ sa paglalaro!

Naku po! Knowing TJ.... madi-distract talaga ang sagad-sagaran kung magselos na boyfriend
niyang 'yon!

Eeeeeengk!

Tumunog na ang buzzer. Start na ng game.

Kasama sa first five sila Derick, Neil, Mark, Justin, at TJ.

Omg, patootie. H'wag kang padala sa announcement, please....

Luckily, ahead ng 4 points ang team nila hanggang sa mag-change court na. Kaya lang.... ang
pangit ng laro ni TJ. Hindi kamukha noong practice pa lang ng mga ito na mala-Sendo kung
maglaro. Distracted talaga....

Crap! Crap! Crap! Bakit kasi si TJ pa ang napag-tripan! 'Yung seloso pa ng bigtime, e! Kainis!

Dumako ang tingin niya sa bench ng team nila TJ. And, ting! May naisip na naman siya! Tama...!

Dali-dali siyang bumaba ng bleacher at tuloy-tuloy na lumabas ng gym. Tinawag pa siya ng


barkada pero sinabi niyang saglit lang siya.

Nagtuloy siya sa canteen at bumili ng bottled water. Nakita niya kasing wala nang laman ang jag
ng team nila TJ.

Syempre, si TJ lang ang binilhan niya. Bakit? Boyfriend niya ba silang lahat? Aba, mabigat sa
bulsa kahit tubig lang, 'no. Haha.

Bumalik siya na may ngiti na sa mga labi niya habang iniikot-ikot ang takip ng bottled water na
binili niya.

Naalala niya na naman ang text ni TJ kanina.... Ang sweet lang talaga nito, e. Grabe. Gumagawa
pa talaga ng paraan makapag-'labyu' lang sa kanya. Sobrang pakilig lang-

"Hi. Thanks."

O___O
Bigla na lang siyang napatigil sa paglalakad at nawala ang kung ano mang masayang ekspresyon sa
mukha niya.

THE F*CK???

Lumapit sa kanya 'yung nakabungguan niyang lalaki na laglag daw puso! Putres! Siya na kaya ang
bumasag sa nguso nito, ngayon na mismo?!!!

Umariba ang bulungan ng mga tao.

Leche lang. Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa ng walang hiyang lalaking iyon?! Bigla na
lang lumapit sa kanya pagkatapos kinuha ang bote ng tubig na hawak niya tsaka animo nahihiyang
umalis!

Mother father! Ang saya pa ng mukha niya, e! Kinikilig na naman kasi siya sa text ni TJ kanina!
Tinamaan ng lintik lang!

'Yung feeling na parang may umuusok sa tenga niya sa sobrang galit?!

At hindi lang siya. Nang lingunin niya si TJ... Pati ito. Syempre...

At sa kabilang gate.... he walked out.

*******************************************
[36] 34. Who's mad at who? [Part 2]
*******************************************

"HUY. Troy. Pansinin mo naman ako...." ang kanina pa niya paulit-ulit na sinasabi kay TJ.

Tapos na ang game. At kahit hindi na nakapaglaro si TJ sa sumunod na quarters, nanalo pa rin
ang team nito. Syempre. Magaling talaga ang team ng school nila, e.

Binalita lang ni Bea sa kanya na nanalo nga sila. Hindi kasi nila rinig mula sa room nila dahil
malayo ito sa gym.

Muntik na talaga siyang makasapak kanina. Kaso, mas pinili niyang sundan si TJ. Alangan namang
sayangin niya ang oras niya sa mokong na panget na epal na 'yon? E, iyon na lang naman ang
huling beses na makikita niya ito. Try lang ulit nitong magpakita, baka mabangasan na niya.
Kaimbyerna, e.

Napabuntong hininga siya. Hindi na kasi iyon ang issue ngayon...

Si TJ, ayaw siyang pansinin!

Sa room nila ito nagtuloy dahil walang tao. Ang sama lang ng mukha. Ang pait. Sarap budburan ng
asukal.

Hindi naman siya ganito, e. Hindi siya namimilit. Pero para kay TJ, nangungulit siya. Guess,
'yun ang nabago nito sa kanya? Dahil mahal niya.... At hindi niya gustong ganito sila.

Pero ano? Ni 'hmm?' o kaya 'oh?' man lang, wala. Nakaka-badtrip lang.

Kung tutuusin, wala naman talaga siyang kasalanan, e. Wala siyang ginagawang masama.

Nakakainis.... Bwiset.... Maiiyak na ata siya...

Kaya para hindi siya sumabog sa harap ni TJ, iniwan niya muna ito.

OH, ano'ng aking lagay? Hindi mapalagay, napapakantang isip ni Joice pero sa totoo
lang, kinakabahan siya.

Hindi kasi maalis sa isip niya ang napag-usapan nila ni Tita Mina kanina. Tapos nag-away pa ang
kuya niya't si Yanna.

Ang gara. Kinakabahan siya. Baka mamaya, maisipang gawin ng kuya niya ang last part ng
parusa.... No waaaaay! Naiisip niya pa lang, nalulungkot na siya.

After ng game, naghiwa-hiwalay sila ng barkada. Magkakasama syempre ang mga couples habang
silang tatlo nila Ej at Krystal-as always-ang magkakasama.

Sila na kaya ang bagong Charlie's Angels! May crush kasi sila at Charlie ang pangalan. Pogiiii!
Hahaha!

Uy, si Lex! Biglang nahagip ng paningin niya si Lexi. Agad siyang tumayo nang makita niya itong
pumasok sa loob ng Girl's CR.

"Baks, dyan lang kayo, ha? Babalik ako agad", paalam niya kina Ej at Krystal at agad-agad na
siyang lumabas sa canteen. Lumalamon kasi sila. Hehe.
"Lex!" tawag niya kay Lexi nang makapasok siya sa CR.

Sakto. Walang ibang tao.

"O, bading? Bakit?" Natigil sa pag-aayos ng buhok si Lexi nang dumating siya.

"Huy, ano... May itatanong lang ako." Tinignan niya muna ang limang cubicle at saktong sakto
dahil nakaawang ang mga pinto, sure siya na walang ibang tao maliban sa kanila.

"Ano yown?"

"Ano..... nakakausap pa ba kayo ni kuya about sa punishment niya kay Yanna?" tanong niya.

"Ah, iyon ba? 'Yung ibe-break niya si Yanna? I don't know, e. It's up to him naman. Kung
maisipan niya", kibit-balikat nitong sagot.

"Gaga. Hindi ka ba kinakabahan? Nag-away sila. Baka bigla na lang gawin ni kuya ang part na
break-up... Hindi ako papayag!" Sumimangot pa siya.

"Ako din! Ang bait pa naman ni bebe!" Napasimangot din si Lexi. "E, pero kasi, hindi naman
natin alam ang iniisip ng kuya mo. Malay natin, di ba? Kung inlove talaga siya or it's just an
act. Pero, ano sa tingin mo?"

"Sa tingin ko? Sa tingin ko naman, inlove si kuya kay Yanna, e. Tsk... Kung nababasa ko lang
sana ang isip ni kuya..."

"Tsk. Thanks to my stupid jealousy, nabuo ang loveteam nila. Haha!" Nakuha pang tumawa ni Lexi.

"Ikaw kasi, e! Napaka mo! Kung hindi mo sana inutusan si Dee na paibigin ni kuya si Yanna, edi,
sana nabuo ng normal ang relasyon nila."

"Ano ka ba! Kung hindi ako nakita ni Dee noong ikulong ko sa Music Room si Yanna, hindi uutusan
ni Dee si kuya mo na i-save si Yanna, 'no. Hindi sila magkaka-develop-an. Para kaya silang
aso't pusa!"

"Hello?? May aso't pusa na kayang nagkatuluyan!" Iningusan niya pa si Lexi.

Si Lexi kasi ang nagkulong kay Yanna sa Music Room. Naikwento nito sa kanya dahil wala pa siya
sa school noong mangyari daw iyon.

"Ah, basta! Still, it's because of me kaya sila nagkatuluyan. Hihi." Kinilig pang mag-isa.
"Pag-pray na lang natin na h'wag sanang makipag-break bigla ang kuya mo", dagdag pa ni Lexi.
Sana nga. Sana nga hindi magbreak ang kuya niya't si Yanna.

Sana, hindi malaman ni Yanna na dahil lang sa parusa kaya ito niliga-

O___O!!!

OH. MY. GOD.

NO... NO... NO.....

Shit! SI YANNA!

Lumabas si Yanna mula sa isang cubicle!

Pa'no? Crap! She thought, it's just her and Lexi! Nakaawang ang mga pinto! Pero si Yanna....

Oh my god.... No!

Nilagpasan sila ni Yanna at tuloy-tuloy na lumabas ng CR!

"F*ckshit, Lex! We're dead!"

"I-I know! Really.... really dead!"

She and Lexi were both stunned and nervous at the same time!

"Yanna!" habol niya kay Yanna.

Sila ni Lexi. Hinabol nila si Yanna. To explain... Sana.

Pero matigas si Yanna. Ayaw nitong huminto sa paglalakad. Galit na galit ang itsura nito.

Hanggang sa makarating sila sa room nila. Nakita nila roon ang ilan sa barkada at..... ang kuya
niya.

Kitang kita niya.... Lumapit si Yanna sa galit pa ring kapatid niya dala marahil ng nangyari
kanina sa gym.

Hindi niya alam kung ano ang nakapagpatayo sa kuya niya. Pero pagtayo nito..........
*SLAAAP!*

Isang malakas na sampal ang nagpangiwi sa kanilang lahat.

***

*******************************************
[37] 35. The 'Oh my god'. [Part 1]
*******************************************

35. THE 'OH MY GOD'.

NAGTULOY si Yanna sa CR nang iwanan niya si TJ sa room nila. Nabu-bwisit na kasi siya kay TJ.
Wala naman siyang ginagawang masama pero ayaw man lang siyang pansinin.

Nag-stay siya sa loob ng isang cubicle. Ewan, pero mas pinili niyang doon magpalamig ng ulo.
Wala kasing istorbo.

Minutes later, napagdesisyunan na niyang lumabas. Kaso.....

"Lex!"

Narinig niya ang boses ni Joice. Naiawang niya na actually ang pinto pero tumigil siya sa
paglabas.

Magulat nga 'tong mga 'to. Meheheh~ mapaglarong naisip niya.

Nag-usap ang mga ito. May itatanong daw si Joice kay Lexi.

"Ano..... nakakausap pa ba kayo ni kuya about sa punishment niya kay Yanna?" tanong ni Joice
kay Lexi.

A-ano daw ulit 'yon? P-punish...ment? S-sa.... kanya?


Wait... Kinakabahan siya.

"Ah, iyon ba? 'Yung ibe-break niya si Yanna? I don't know, e. It's up to him naman. Kung
maisipan niya."

O___O

Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

Parusa??? Ibe-break??? K-kung maisipan???

The f?! Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Ano'ng punishment? Bakit
may ganu'n???

Gusto niya nang lumabas. Parang kapag nagtagal pa siya roon, hindi niya alam, pero feeling niya
masasaktan siya. Pero paano? Hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Para siyang napako sa
narinig niya.

"Tsk. Thanks to my stupid jealousy, nabuo ang loveteam nila. Haha!"

Nagitla siya nang marinig ang sinabi ni Lexi. Para siyang hindi makahinga pero ramdam na ramdam
niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

What about Lexi's jealousy? May kinalaman ba ito???

"Ikaw kasi, e! Napaka mo! Kung hindi mo sana inutusan si Dee na paibigin ni kuya si Yanna, edi,
sana nabuo ng normal ang relasyon nila."

Hell...

Now what? Si Lexi.... inutusan si Derick???

Ano ba? Ano ba'ng pinagsasabi ng mga ito???

"Ano ka ba! Kung hindi ako nakita ni Dee noong ikulong ko sa Music Room si Yanna, hindi uutusan
ni Dee si kuya mo na i-save si Yanna, 'no. Hindi sila magkaka-develop-an. Para kaya silang
aso't pusa!"

T*ngina.

Panaginip lang 'to. Ha-ha-ha...!


Panaginip lang! Oo. Panaginip.... Ha-ha!

Teka. Kukurutin niya lang ang sarili niya para magising siya...

B*llshit! Wake up, Yanna! F*ck, gumising ka! Panaginip lang 'to. Hindi magagawa ng mga kaibigan
mo 'yan... Hindi sila ganyan! F*ckshit, Yanna, gumising ka! Hindi ka kayang paglaruan ni TJ!
Mahal ka nu'n, e. Mahal ka niya.... sabi niya.

Pero gising siya, e. Gising na gising siya.

At totoo ang mga narinig niya. Na kahit ano'ng pilit niya sa sarili niya na hindi... hindi...
Pero oo... Oo pala. Totoo pala.

Bakit ganu'n? Bakit ang sakit? Ang sakit... Ang sakit sakit.

Gusto niya nang umiyak. Pero matapang siya, di ba? Bully kaya siya.

Bakit siya iiyak? May nakakaiyak ba? E, para pinaglaruan lang naman siya ng mga kaibigan at
unang taong minahal niya ng sobra. Ano'ng masakit du'n? May dapat ba siyang iyakan? Wala naman,
di ba?

Kaya h'wag kang umiyak, Yanna. H'wag.

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob niya. Inayos ang sarili tsaka siya lumabas.

Chin up.

Nagulat pa sina Joice at Lexi sa paglabas niya. Shit lang. May mas nakakagulat pa ba sa narinig
niya?!

Sinubukan pa nga ng mga ito na pigilan siya, e. Pero may makakapigil ba sa kanya? Neknek lang.

Tuloy tuloy lang siya hanggang sa makarating siyang muli sa loob ng room nila kung saan
iniwanan niya saglit ang taong mahal niya.

Nandoon pa rin ito. Nakaupo. Galit.

Nakakatawa lang, e. Nakakatawa.... HAHAHA! P*TANGINA, BAKIT SIYA MAGAGALIT? E, AKO PALA DAPAT
'TONG MAGALIT!

Nakakagago lang kasi... Bigla na lang nagbalikan ang mga alaala sa kanya.
'Yung lahat ng drama ni TJ noong inakala nito na si Kristoffer ang pinili niya? Ano 'yon???
Wala raw gaguhan sabi ng gago pero siya pala 'tong umpisa palang ginagago na??!!!

Jusko..... Patawarin n'yo po ako sa mga mura ko, Lord. Pero ang sakit po kasi... Sobrang sakit.
Ang sakit sakit....

At pagkakita niya pa lang kay TJ, gusto nang mag-unahan ng mga luha niya.

Oo. Hindi niya nga napigilang mangilid ang mga luha niya. Pero hindi niya hahayaang pumatak ang
mga ito sa harapan ng mga kaibigan at inakala niyang kaibigan niya. Minsan na siyang umiyak sa
mga ito. At mukha lang pala siyang tanga.

Agad siyang lumapit kay TJ.

Marahil ay nagulat ito sa galit sa mga mata niya kaya napatayo ito. Pero pagtayong pagtayo
nito.....

*SLAAAP!*

Sinampal niya si TJ.

Sana pala sinampal na lang siya ni TJ noon. Kasi mas masakit 'yung ngayon, e. Tagos sa puso.

Nagtatanong ang mga tinging ibinigay ni TJ sa kanya. Wala na ang galit sa mukha nito. Napalitan
ng pag-aalala.

Bakit, Troy? Bakit??? Bakit katulad ngayon na pinapakita mo sa'king nag-aalala ka, bakit gusto
kong h'wag paniwalaan ang mga sinabi nila? Bakit kahit alam kong pinaglaruan mo lang ako at
nasasaktan ako.... bakit mahal na mahal pa rin kita at hindi 'yon nagbago?

"So, ito pala 'yon? HAH! Akala ko ba, walang gaguhan? E, umpisa pa lang pala, ginagago mo na
'ko! Punyeta ka, Troy! T*ngina ka!" Pinigilan niyang umalpas ang mga luha niya. Matapang siya.
Hindi siya iiyak. Hindi...

F*ck, tutulo na!!!

"A-ano? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" gulat na tanong ni TJ.

Napaismid siya. "Wow. Nagulat ka? Ako rin, nagulat. Gulat na gulat pa nga, e...! Hah. Parusa?
Ahh... 'Yung papaibigin mo ako.... Tapos, ano ulit 'yun, Lexi?" Nilingon niyang saglit ang
hindi makapagsalitang si Lexi. Pero agad niyang ibinalik sa gulat na gulat na si TJ ang tingin
niya. "Ahh... 'Yung ibe-break mo ako kapag naisipan mo... Ano? Gusto mo ngayon na? Sige,
sabihin mo lang! Nasa harapan pa nila tayo, o. Gusto mo ba 'yung may audience para mas
exciting? Ayan sila, o. Makipag-break ka na! Di ba, iyon naman ang utos nila sa'yo? Gawin mo!
Sa harap pa nila!"
Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang ilan sa barkada. Lahat naguguluhan, maliban
kina Joice at Lexi.... at Derick.

Ang sakit lang na hindi na niya maintindi ang kahihiyan niya.

Bumalik ang tingin niya kay TJ.

Hindi na ito gulat kagaya ng kanina. Bumuntong hininga ito. Kumalma ang mukha. Pero parang may
mali...

Tumawa si TJ.... Pero isang pilit na tawa. "Akala ko, malinaw na sa'tin ang lahat. Pero may
kulang pa pala. 'Yung tinatawag nilang.......... tiwala."

Hah. Nakuha pa talagang tumawa ng mapakla ng gago.

"'Yun nga, e. 'Yun nga 'yun, Troy! Sobrang tiwala ako sa'yo! Sobrang pinagkatiwalaan kita na
akala ko hindi mo ako magagawang paglaruan, pero umpisa pa lang pala-"

"Kung may tiwala ka, hindi mo dapat akong pinagdududahan ng ganyan!!!"

Napanganga siya sa biglaang pagsigaw ni TJ.

Galit ba 'to? Galit??? E, hindi ba dapat siya ang magalit?!

Tiwala? Pinagdududahan? HAH!

"Tanga ka ba?! Sino'ng gago ang hindi magdududa kapag nalaman niyang simula pa lang, e,
kalokohan na ang lahat?! Sabihin mo nga! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon, hindi ka ba
magdududa?!! Kasi, Troy, sa totoo lang, kahit ano'ng pilit ko sa sarili ko na hindi... hindi mo
magagawa sa'kin 'yon..." Bigla na lang tumulo ang mga traydor niyang luha. "Mahal mo nga kasi
ako, di ba? Mahal na mahal mo ako... Di ba? Sabi mo 'yun, e... Ramdam ko 'yun kasi pinaramdam
mo, e. Sabi mo mahal mo ako..." Tuloy tuloy ang agos ng mga luha niya.

Mahal niya ako... Sabi niya 'yun, e... Tama... Mahal niya ako.

Pero......

Tama na. Matapang siya. Hindi dapat siya umiiyak.

"Yanna-"

"Pero punyeta lang kasi, e. Niloko n'yo na nga ako, pati ba naman sarili ko, lolokohin ko??!!!"
Ganyan nga. Matapang ka, Yanna. Kayanin mo.

"I-I'm sorry, nasigawan pa kita. Pero, Yanna, makinig ka muna sa'kin... Please-"

Itinaas niya ang mga kamay niya. Senyales na ayaw niyang makinig sa anumang sasabihin nito.
Atleast, not now.

She let out a deep sigh. Trying to calm herself. Ayaw na niya. Baka mag-break down na siya
kapag hindi pa siya umalis sa harap ng mga ito. "Okay lang ako... Hangin. Kailangan ko ng
hangin. Ayoko dito. Ayaw ko kung nasa'n kayo... Feeling ko mamamatay ako." With that, tumakbo
siya paalis.

Hindi niya na kasi kaya. Sobrang sakit na kasi.

"Yanna!" Narinig niya pang tawag ni Joice sa kanya.

"Stop, Joice. Let her." Came Bea's voice.

She knew Bea would do that. Or Julia... Mas kilala kasi ng dalawa ang ugali niya kaysa sa
barkada. Kaya alam ng mga ito na kapag galit siya.... ayaw niya sa tao.

Umalis siya.

Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng campus gayong hindi pa pwedeng lumabas. Basta ang
alam niya, wala siyang planong lumabas, pero nang makita niyang wala ang guard sa guardhouse,
kumaripas na lang siyang bigla ng takbo.

Sa isang lugar siya nagtuloy.

Hindi sa bahay. Hindi sa infinitree. Hindi sa kung saan mahahanap siya ng barkada o ni TJ.

Nagtuloy siya sa plaza. Weird nga, dahil katapat lang ang plaza ng school nila. Pero hindi
naman siya makikitang tiyak ng mga ito dahil sa likod ng stage siya nagtatago. Kung saan walang
tao ang dumadaan. Minsan na siyang nagmukmok dito. Noong nag-away sila ng mommy niya.

At katulad noon... umiiyak na naman siya ngayon.

Ang sakit lang talaga.

Siguro, may paliwanag si TJ sa kanya.

Oo. Sigurado 'yon.


Kakausapin siya nito at sasabihin na hindi siya pinaglaruan. Na hindi lang dahil sa udyok nila
Derick kaya siya niligawan. Na totoo lahat ang pinakita nitong pagmamahal sa kanya. Na totoong
mahal siya nito at siya lang. Pero sana kapag sinabi nito ang mga 'yon, sana hindi siya
magising... Na panaginip lang pala ang lahat.

"SHIT!" Napamura na lang si TJ sa kagaguhang nagawa niya.

Nasigawan niya pa si Yanna! E, siya nga itong gagong naglihim dito!

Pero lahat naman ng pinakita niya rito, totoo, e. Bakit kasi nauso pa ang pagdududa?! Iyon pa
naman ang ayaw niya sa lahat! Pero tanga siya. Dahil hindi pwedeng hindi magduda.

"F*ckshit!" Sinipa niya ng malakas ang upuang nasa harapan niya.

"TJ-"

"K-kuya..."

"Tangna kasi, bakit nalaman niya pa 'yon?!! Pilit kong binabaon sa hukay ang lecheng sikretong
'yan, pero bakit ngayon, alam na niya??!!!" Hindi niya napigilang sigawan ang kapatid niyang si
Joice.

Mali siya. Maling mali. Ang akala niya kasi, hindi na 'to lilitaw, e.

Bakit ba hindi niya inamin kay Yanna noong umpisa pa lang? Pero oo nga pala... natakot siya.
Natakot siya na oras na malaman ni Yanna, bigla na lang ulit siyang iwan nito. Pero ano ngayon?
Sa iba pa nito nalaman ang lintik na sikreto niya.

"So... Joice and Lexi. May dapat ba kaming malaman?"

Napatingin siya kay Julia.

"A-ano..." Joice.

"Kasalanan ko." Biglang sumabat si Derick.

"No... It's really my fault." Lexi.

Gusto niyang matawa.


"Ako. Ako ang nag-utos kay TJ na paibigin si Yanna at saktan siya." Derick.

"No... It was me who told you to-"

"Kingina! Kasalanan ko! Okay?! P*tangina, wala naman akong pakialam kahit inutusan n'yo ako!
Niligawan ko siya dahil gusto ko! Mahal ko! Kaya pwede??! Tigilan n'yo."

Muli niyang sinipa ang isang silyang malapit sa kanya at nagtuloy nang lumabas.

Kailangan niyang hanapin si Yanna. Kailangan niyang magpaliwanag.

Hindi sila pwedeng matapos ng ganito lang. Hindi pwede. Hindi siya papayag. Hindi siya papayag
na mawala si Yanna sa kanya.

Hinding hindi.....

*******************************************
[38] 35. The 'Oh my god'. [Part 2]
*******************************************

NAPAPIKIT si Yanna sa sarap ng hangin na yumayapos sa katawan at mukha niya. Nasa likod siya ng
stage at nakaupo sa damuhan habang nakasandal sa pader.

Tumigil na siya sa pag-iyak. Ayaw na niya. Sakit sa mata.

Kanina niya pa pinag-iisipan kung bibigyan niya pa ng second chance si TJ. Iniisip na nga niya
agad, e, manghihingi ba?

Haay.... Ayaw niya munang umasa, pero gusto niyang bigyan si TJ ng another chance, pero.......
nagugutom na siya.

Huhu. Gusto ko ng ice cream!

Kapag ganito kasing naghalo ang galit sa sakit, gusto niyang lumamon.
Kaya lang, nag-aalala siyang baka makita siya ng mga schoolmate niya. Malala; ng barkada, mas
malala; ni TJ.

Pero hindi pa naman nila labasan, e. Wala naman sigurong mag-aakala na nakalabas na siya ng
campus, di ba?

Meheheh~ Makabili nga muna.

Tumayo siya at nagpunta sa pinakamalapit na ice cream parlour. Bumili lang siya ng isang 800ml
tub of Chocolate Truffle. At dahil halos maglaway na siya hindi pa man, dalawang plastic spoon
na ang binili niya para dalawang pasakan. Haha.

Pabalik na sana siya sa pwesto niya nang biglang....

"AAAH!"

"What the-" Bigla na lang siyang gumewang nang isang bulto ng katawan ang bumangga sa kanya.

Na-out of balance siya pero agad siyang napakapit sa braso ng lalaking nakabungguan niya.

"NOOOO!"

Hindi niya naintindihan kung para saan ang sigaw na iyon ng lalaki.

Nang makuha niya ang balanse niya mula sa pagkaka-gewang niya, dumiretso na siya ng tayo at
inalis na niya ang pagkakakapit niya sa braso ng lalaki.

"Nooooo!" Nanlulumong ulit ng lalaki.

Kunot-noong napatingin siya rito. E, bakit parang maiiyak naman ata ito?

Nakatingin ito sa may paanan niya kaya naman sinundan niya ang tinitignan nito.

"O-oops...? He-he", alanganing napangiti siya at dali-daling inalis ang pagkakaapak ng paa niya
sa.... err-ice cream din.

Buti na lang naka-tub at nakasupot pa ang kanya.

"You killed it! You killed my popsicle! You popsy killer!" Parang batang maiiyak na sabi ng
lalaki sa kanya.

Wow.... Siya raw ay isang popsy killer. Kamusta naman 'yon?


Nang bigla na lang lumuhod sa may harap niya ang lalaki.

W-whow....

"Huu. Sorry, ice cream ko. Kung nakain lang sana kita, safe ka sana at kasama mo pa mga friends
mo. Sorryyyy...."

And she was like...... seriously?

Totoo ba ito? Lalaking halos mangawa nang dahil lang sa ice cream? Sayang, nanghinayang siya.
Ang macho pa naman...

Bigla na lang itong tumayo at humarap sa kanya.

"Ikaw!"

"Ako", agad na sagot niya.

"Ikaw nga dahil ikaw ang tinuro ko!"

Patawa ba 'to?

"Whoah! May ice cream kang dala!" Biglang turo nito sa bitbit niyang supot ng ice cream.

Uh-oh.

"Naku, hindi! Nagkakamali ka! Picture lang 'to! 3D!" Todo tanggi niya sa hawak niya.

Crap, nakikita niya sa mukha nito ang binabalak nito!

"Mwe-he-he! Akin na 'yang ice cream mo, popsy killer!"

'Yung totoo? Naka-shabu ba 'tong lalaking ito? Ang creepy ng boses. Iniba kasi. 'Yung parang
nasaniban? Baliw ata, e.

"Woops!" Itinago niyang bigla sa likod niya ang ice cream nang akmang hablutin nito iyon mula
sa kanya.

"Aaaah! Ibigay mooo! Gusto kooo!"


Parang nahiya naman daw siya sa haba ng nguso nito.

Haay... Parang bata.

Poke. Poke. Kinalabit niya ito.

Sniff. Sniff. Suminghot-singhot naman ito.

"Psst. Pwedeng share?"

"Nooo", wagas na umiling ito habang naka-pout pa.

"Aah... Okay, sige, uwi ka na. Bye!" Nakangiting patalikod na sana siya, e.

"Heeeps! Sharing is caring!.... Yey! Ice cream!" Tila batang bigla namang lumiwanag ang mukha
nito.

"Kaloka..." Iiling-iling na lang siya. Pero sa totoo lang.... ang cute nito. Hehe.

Bumalik siya sa kanina niyang pwesto sa likod ng stage. Mukha namang harmless ang lalaki kaya
hinayaan niya na lang nang sundan siya nito.

'Yung lagay na 'yun, mukha bang may babalaking masama? Daig pa'ng bata, e.

"Bakit tayo nandito?" tanong nito nang makaupo na sila sa damuhan.

"Wala kasi tayo do'n."

"Ahh....cheche?"

Iningusan niya na lang ito. Hindi niya na lang pinansin at sinimulan nang lantakan ang ice
cream.

Hindi niya naman kasi alam kung bakit napapayag siyang sumama ito sa kanya, e. Kung ibang tao
siguro, baka natarayan na niya. Kaso, ewan ba niya... Cute-este, may atraso pala siya.

"Ako nga pala si Kesley... Kesley Terrell (III) the third. Pero ang tawag nila sa'kin, e,
Third. You can also call me Third." Ngangata-ngata ito ng ice cream na nagsalita.
"Hulaan ko. Third palayaw mo kasi para kang three year old, 'no?"

Pareho silang ngumangata lang ng ice cream. Buti na lang talaga at dalawa ang binili niyang
plastic spoon. Kundi, siya pa ang nawalan.

"No. Kasi the third ako, kaya Third ang palayaw ko", kibit-balikat na sagot nito.

Hmm... May point naman ito. Bakit ba kasi nanghula pa siya?

"Ikaw. Ano'ng pangalan mo?"

"Yanna", maikling sagot niya.

"Oooh... Tawag ko sa'yo, Ann."

"Nge? Bakit Ann? Yanna ako, hindi Ann."

"Gusto ko, e. Bleeh!" Binelatan pa talaga siya.

"Tss... Keslo."

"Don't call me that! It's Kesley, not Keslow!" nakangiwing reklamo nito.

"Ayoko nga. I like Keslo. Sounds like conyow." Inartehan niya pa talaga ang 'ow' ng huli.

"Weirdo."

Aba, siya pa raw ang weirdo? Wow lang.

Hindi na lang ulit sila nagpansinan. Pa'no, nag-unahan na sila sa pag-ubos ng ice cream! Ang
sugapa lang, e. Ayaw magpatalo. Hindi gentleman!

Hanggang sa maubos nila ang ice cream at wala na silang magawa.

Siya, hindi pa siya umaalis dahil wala pa siyang balak. Ewan niya lang sa mokong na 'to at
nakikigaya sa kanya, ayaw pa ring umalis.

Inaantok na siya. Ang tagal niya ring tahimik-nila pala.

Bakit ba kasi hindi pa rin 'to umaalis? Tss... Hayaan na nga lang.
Maghihikab na sana siya nang bigla na lang itong nagsalita.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"H-huh?" Kunot-noong napabaling siya rito. "Nakalimutan mo na agad? Ulyanin ka ba?"

"Mm-mm... Medyo... So, since nakalimutan ko na ang pangalan mo, pwede bang tawagin na lang
kitang..... akin?" Kinindatan pa siya.

Nanulok agad ang itaas na labi niya. So, gano'n? "E, tae ka ba?"

"Woy, gusto ko 'yan! Alam ko 'yan, e! Bakit, bakit?" Na-excite pa ang loko.

"Kasi........ nakakawala ka ng gana."

Bigla na lang itong napanguso.

Duh? Ano ba'ng ine-expect nitong sasabihin niya? Na hindi niya 'to kayang paglaruan? Na banat
'yon katulad ng banat nito? Banatan niya pa 'tong tunay, e. Maka-pick-up! Akin, akin... E, may
nagmamay-ari na sa kanya. Kay TJ-Yeah.

"Hindi naman iyon 'yon, e! Tss! Duga! Bastos ka rin, 'no?!"

Huh? "Luuh, ano'ng ginawa ko?" Ano'ng bastos sa sinabi niya? Bastos na ba kapag nakakawala ng
gana?

"Pa'no, 'di ka man lang nagpapaalam... tuloy-tuloy ka sa puso ko!"

Automatic na naningkit ang mga mata niya. "Mangga ka ba?" sarkastikong tanong niya.

"Bakit?" ginaya nito ang tono niya.

"Sarap mong balibagin, e.Tss! Alis na nga ako! Baboo!"

Tumayo na nga siya at umalis. Lokong 'yon. Puro pick-up ang alam. Baka mapatulan niya, cute pa
naman. E, kaso, may TJ-Yeah, yeah...
HINANAP ni TJ si Yanna. Pero hindi niya talaga 'to makita sa campus.

Baka kaya umuwi na? O di kaya'y nagpunta sa infinitree nila? Pero hindi pa naman kasi sila
pwedeng makalabas dahil hindi pa labasan.

Tsk! Sa'n ba kasi nagsuot 'yung mahal niya na 'yun? 'Nak ng, 'pag iyon napahamak!

Nilabas niya ang cellphone niya. May nagtext. Si Joice, kapatid niya.

[Ching

Kuya, wala sa campus si Yanna. Nakita nila Kry na lumabas. Balak daw sana nilang sundan
kaso biglang dumating si manong guard.]

F*ck! napamura agad siya. Paano siya makakalabas, e, kung nandoon na ang guard??

Sinubukan niyang tawagan si Yanna pero out of coverage. Napamura na lang siya.

Ah! Alam ko na! bigla na lang may pumasok sa isip niya.

Tuloy-tuloy siyang nagtatakbo papunta sa Faculty Room at hinanap niya si Mrs. Sta. Ana-ang
adviser nila.

"Ma'am!" Humahangos na naabutan niya si Mrs. Sta. Ana nang papasok na dapat ito sa loob.

"O, TJ? Ano'ng kailangan?"

"Ma'am, pwede n'yo po ba akong ipagpaalam sa guard? M-may sakit po kasi..... s-si Mama.
Kailangan ko pong umuwi." Sana, kagatin nito ang palusot niya. Hindi pwedeng si Yanna ang
idahilan niya. Tiyak na makakagalitan pa ito.

"Ah, ganu'n ba? Naku, hindi na kailangan. Maaga ang labas n'yo ngayon, e." Saglit na tumingin
pa sa relo ang adviser niya. "O, malapit na pala. 3:26 na, 3:30 lang uwian 'yo na", nakangiting
pahayag nito.

'Yon! "Talaga po? Salamat, ma'am!"

Nagpaalam na siya sa guro pagkaraa'y kumaripas na ng takbo patungong main gate.

Leche lang 'yung nagka-countdown pa siya! Ang tagal lumipas ng natitirang dalawang minuto! 'Nak
ng....!
At sa wakas! Pagbukas na pagbukas ni manong guard ng gate, lumabas agad siya. Pero bago siya
makalayo....

"TJ!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Bea pala.

"H'wag mong puntahan si Yanna sa lugar na alam mong pupuntahan niya." Umiling pa si Bea. "Wala
kang makikita."

Ibig sabihin, hindi pupunta si Yanna sa lugar na madali niya makikita?

"Salamat!" sigaw niya kay Bea.

"Hahanapin din namin siya!" nakangiting balik nito.

Ngiti rin ang itinugon niya rito at nagtuloy na ulit siya para hanapin si Yanna.

Pero saan nga ba siya pupunta?

Aah! Sa lugar na tahimik! Tama!

Sa lugar na tahimik ang gusto nitong puntahan kapag gusto nitong mag-isa. Syempre, mag-isa nga,
e.

Una niyang pinuntahan ang memo, pero wala roon si Yanna.

Sa plaza kaya? Pwede...!

Kaya nagtungo siya sa plaza. At... hoo! Nakahinga rin siya ng maluwag.

Nandoon si Yanna. Nakaupo sa isang bench. Ang tulin nitong nakapagbihis. Ibig sabihin, nakauwi
na pala ito.

Parang ang lalim ng iniisip ni Yanna. Gusto niya tuloy itong lapitan. Gusto niyang sabihin
na..... 'Malungkot ka na naman. Nandito na 'ko, o. Ngingiti na 'yan' o kaya naman 'Namiss mo na
naman ako kaya ampangit mo!'

Kung pwede lang sana na gano'n, e. Kaso, hindi.

Galit si Yanna.... Ginalit niya.


"Yanna...!" Lakas-loob na nilapitan niya ito.

Tinry niyang h'wag maging intense ang paglapit niya pero napatayo pa rin ito.

"Sorry... Sorry sa nangyari. Bati na tayo, please? Ayokong mawala ka, baka iwan mo na naman
ulit ako. H'wag ka nang magalit. Ha? Wala na sa'kin 'yung nangyari. Magpapaliwanag din ako.
Bati na tayo. Please?" Tuloy tuloy na pakiusap niya kay Yanna.

Ayaw niya lang kasing mawala si Yanna sa kanya. Hindi siya papayag.

"T-TJ?" Tila nagulat naman ito. "A-anong ginagawa mo rito?"

Bakit parang hindi naman ito galit? Parang nagulat lang? Napatawad na bang agad siya ni Yanna?
Pero parang... may iba, e.

Ah, basta! Kailangan niyang amuhin si Yanna. Kailangan niyang mag-explain.

"H'wag ka nang magalit. Hindi na rin ako galit. Kalimutan na lang natin ang nangyari... Please?
Magpapaliwanag ako", pakiusap niyang muli.

Pero matagal na nangunot lang ang noo ni Yanna. Tsaka ito bumuntong hininga. At para siyang
literal na sinaksak sa sumunod na sinabi nito.

"Hindi naman ako galit, TJ... Ikaw nga ang may karapatang magalit sa pag-alis ko ng walang
paalam. 'Yung tungkol sa nakaraan natin.... I'm sorry. Hindi ko lang kasi talaga ma-feel na
mahal kita noong mga panahong 'yon. Matagal na panahon na 'yon, e. Pwede bang kalimutan na
lang natin? Kasi, TJ, ngayon..... may iba na 'kong mahal, e."

Parang dumagundong ang puso niya sa sinabi nito.

A-anong..... May ibang.... ibang mahal???

May naaalala na ba ito? Bakit bigla na lang nitong ipinasok ang nakaraan?

Pero hindi... Hindi pwede....

"H-hindi... Hindi totoo 'yan..." nanginginig ang boses niya. Ito na nga ba ang kinakatakutan
niya. Ang iwan na naman siya ni Yanna.

"I'm sorry, TJ. Pero-"

Hindi na niya hinayaang tapusin nito ang sasabihin. Niyakap niyang bigla si Yanna.
"No, Yanna. Hindi ako papayag. Hindi..." Mariin pero nanginginig ang boses na sabi niya.

Bakit? Ano'ng problema? Maaayos pa naman nila ang lahat, e. Pero, ano'ng may ibang mahal? May
iba ba ito habang sila? Wala naman, e! Siya lang!

Alam na niya. Sinasabi lang ito ni Yanna dahil gusto nitong parusahan siya. Dahil akala nito
pinaglaruan niya lang 'to.

Pero hindi... Hindi siya papayag....

"TJ... Please, bitawan-"

"No. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako."

"H-huh?"

"No. I'm sorry, but I won't. Never-"

"Kaya naman pala ang lakas ng loob mo na paglaruan ako. Kapal din ng mukha mo, TJ!"

Bigla na lang siyang napamulat nang marinig niya ang..... parehong boses.

Pero.... hindi boses ng kayakap niya. Boses ng.... nasa harapan niya?

What the f*ck?

Bigla niyang inilayo ang yakap niyang si Yanna at maang na napatingin sa isa pang.... Yanna???

Hindi makapaniwalang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa.

Whoah... Whoah...

Ano ba 'to? Mind f*ck???

Bakit dalawang Yanna ang nakikita niya???

Napasinghap ang Yanna na nasa harapan niya, gayundin ang nasa tabi niya.
"Oh. My. God." Mahinang usal ng nasa tabi niya.

"Eff." Sambit naman ng nasa harapan niya.

Sure na ata siya?

Oo. Doon siya nakasigurado. Sa pananalita pa lang... ang nasa harapan niya ang tunay na mahal
niya. Naka-uniform, e.

Pero anak ng.... Sino ang kaninang niyakap niya?

Oh my god daw? Bakit alam nito ang nakaraan nila-Doon na niya gustong mapamura nang malakas.
Sh-t. Oh, my god nga!

Ibig sabihin..... ang nang-iwan sa kanya at balak niyang gantihan noon, at ang mahal niya
ngayon.... e, magkaiba?!

Dalawang Yanna?!

F-ck.

***

*******************************************
[39] 36. A and B.
*******************************************

36. A AND B.

INIWANAN na ni Yanna si Kesley o Keslo doon sa likod ng stage.

Hamo siya ro'n. Ka-stress lalo. Puro pick-up ang alam.

Naglakad siya. Pero napahinto siya sa tumambad sa harap niya.

Si TJ.... B-bakit.... bakit may kayakap si TJ? Ano'ng ibig sabihin nito???
"No. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako."

Boom.

Parang halos sumabog ang puso niya sa narinig niya.

Ito ba 'yung taong gusto niyang bigyan ng isa pang chance? 'Yung taong..... mahal niya.....
pero may mahal na iba?

Ano 'to? May iba si TJ? Na habang sila ni TJ, ang mga ito rin?

Hah. Sobrang parusa naman ata sa kanya 'to?

"No. I'm sorry, but I won't. Never-"

"Kaya naman pala ang lakas ng loob mo na paglaruan ako. Kapal din ng mukha mo, TJ!" Hindi na
niya napigilang sumigaw.

Ang sakit lang pakinggan ng mga pinagsasabi ni TJ. Ang sakit sa puso.

Bakit ang sama ni TJ? Halatang nagulat pa nga ito nang pagdilat nito ay makita siya, e. Oo,
natural na magulat ito. Huling huli sa akto, e. Pero shit lang. May mas nakakagulat pa bas a
mga nalaman, narinig, at nakita-

She gasped when the girl TJ was hugging turned to face her.

What.

She gasped, again.... and so did the girl.

"Oh. My. God." "Eff." They both uttered at the same time.

Really..... what is going on?!

Ang babae sa harap niya... SIYA?

What in the world.... Kamukha niya. Siyang siya!

"Poser." Siya na ang unang nagsalita dahil tila gulat na gulat pa ang nasa harap niyang
kamukhang kamukha niya.

Kahit naman siya, gulat na gulat pa rin. Baka lang sila abutan ng pasko kapag wala pang
nagsalita.

"Oh, my god! Arianna??" Hindi makapaniwalang bulalas ng babae at nagulat na lang siya nang
lapitan siya nito at agad-agad na niyakap siya. "Arianna!"

Hindi siya makapag-react sa yakap nito.

Pero... kilala siya. Baka poser nga!

Fan niya ba ito? Nagparetoke? Whoah, kailan pa siya na-expose sa madla? At ang ganda ganda niya
naman para gayahin pati ang mukha niya.

Okay, she better stop her nonsense thoughts.

Pero, iba 'yung feeling ng yakap nito. Parang... ewan. Hindi niya ma-explain.

Nilingon niya si TJ. Nagtataka at nagtatanong ang mga mata nito.

Pero, oo nga pala... galit siya. Agad na nagbawi siya ng tingin. Inalis niya rin ang
pagkakayakap ng kamukha niya sa kanya.

"Who are you?" she asked, her eyes narrowed.

"Oh, hi!" Nakangiting tinignan siya nito. "I'm Maria Brianna Oliveros-Santana.... Your twin!"

Natigagal siya.

Twin???

The girl's name and hers. The girl's looks and hers.... 'Yung kakaibang naramdaman niya kanina.
Iyon ba 'yong tinatawag nilang.... lukso ng dugo?

Whoah.... Ano'ng meron sa araw na 'to at dinadagsa siya ng mga pasabog?

Paano'ng... paano'ng may kambal siya? Paano'ng-

"Ay! Baby, nagkita na kayo ng twin mo? Mas maganda pa rin ang mommy!"
Bigla siyang napalingon sa mga bagong dating. Ang mommy niya, kasama ang barkada niya. Nakuha
pa talagang tumawa ng mommy niya? Syempre nga naman. May kaiyak-iyak ba?

"Oh, my gosh! Kamukha talaga, Tita Gels! Aaack! Triplets na tayo, bakla!" Ej.

"Bading. H'wag ka ngang maingay muna. Kita mong ang intense ng atmosphere, e", saway ni Yen kay
Ej.

She glared at Ej, and then at her mom. Now's not the time for some jokes.

"'My, ano'ng ibig sabihin nito?" seryosong tanong niya sa mommy niya.

Sumeryoso rin ang mommy niya. Pero nagulat siya nang may lalaking sumulpot mula sa likuran
nito.

"Dad!" Tinawag ng kamukha niya ang lalaki.

Napanganga siya. Parang nanghihina ang mga tuhod niya.

Ang lalaki... Ang lalaking 'yon ang nakikita niya sa mga pictures sa albums ng mommy niya sa
kwarto.

She looked at the man. And then he smiled at her.

God. Mababaliw na ata siya.

"So, you and TJ....?"

Napalingon siya sa katabi niya.

Grabe, para lang siyang nagsasalamin.

T-teka.... Ibig sabihin....

"So, you and TJ." She repeated. Not a question nor a confirmation, but a statement-a sarcastic
one.

Ibig sabihin lang, ang babaeng ito ang nang-iwan kay TJ dati. Of course, dahil hindi naman siya
nagka-amnesia kaya alam niyang hindi niya pa nakilala noon si TJ at na iba nga ang tinutukoy ni
TJ at na-Good Lord... Now, everything's making sense.
Tinignan niya ng masama ang kamukha niya. Or should she say, kambal niya. Pero hindi man lang
ito natinag at nagkibit-balikat lang.

Hah. Kitang kita niya ang sarili niya rito.

"Anak-"

Matuling itinaas niya ang mga kamay niya para pigilan sa pagsasalita ang mommy niya.

"Later... I'm tired." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

Nag-umpisa na siyang maglakad palayo. Kilala siya ng mommy niya kaya hindi siya pinigilan nito.
Alam nitong kailangan niya ng time.

Time para maabsorb ng utak niya ang mga nangyayari.

Hindi siya sumabay na umuwi sa mga ito. Nag-tricycle siya pauwi katulad ng araw-araw niyang
gawi.

Pag-uwi niya sa bahay, nagtuloy agad siya sa kwarto niya. Nahiga at itinakip ang unan sa mukha
niya.

So much for this day....

UMUWI si TJ na magulo pa rin ang isipan. Parang ayaw niyang maniwala sa mga nangyari
kanina.

'Yung babaeng sumampal sa kanya kanina at ang babaeng niyakap niya kanina... 'Yung babaeng
mahal niya ngayon at ang babaeng nang-iwan sa kanya noon.... Nakakagago.

Maria Brianna?

F-ck.

Pa'no niya malalaman na bukod sa kambal, e, magkapalayaw din ang mga ito? Kung ang pakilala
lang sa kanya noon ni Ya-Brianna, e, Yanna Santana. Hindi naman kasi nito sinabi sa kanya dati
na hindi lang pala iyon ang whole name nito. Magkaibang school sila ng pinapasukan ni Brianna
noong nasa Cebu pa lang sila. And this is making him crazy. Paano'ng nagkagirlfriend siya na
hindi niya man lang alam ang buong pangalan? To think na first love niya 'yon at... F-cksht. At
akala niya obsessed boyfriend siya dahil nagago siya no'ng iwan siya ni Brianna? He didn't even
know the girl's full name, damn it.
Syempre, aakalain niya na si Yanna ay si Arianna. Ano'ng malay niya? Nila? Kung mismong si
Arianna, hindi alam na may kambal pala 'to.

Kaya pala unang kita niya pa lang kay Arianna, alam niyang may iba. Pero hindi niya alam na
lahat pala, e, iba! Imba! Asar na napahilamos siya sa mukha niya.

Ano 'yung naaksidente si Arianna? Ano 'yung nagka-amnesiang sinabi ni Joice sa kanya?

T-ngina... Kailangan niya na talagang makausap si Arianna, e.

Pero, hindi pa ngayon.

HINDI alam ni Yanna kung ilang oras na siyang tulala at nakahiga. Napabuntong-hininga
na lang siya nang may kumatok sa pinto niya at bumukas 'yon.

"'Nak..." Narinig niya ang boses ng mommy niya.

Umayos siya at naupo pero hindi niya magawang tignan ang mommy niya. At least, she's willing to
talk. To get an explanation. Walang mangyayari kung magkukulong lang siya sa kwarto. Kailangan
niyang malaman ang lahat.

"Anak, gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong magpaliwanag." Naupo ang mommy niya sa tabi
niya.

Hindi siya kumibo. Parang pagod na pagod talaga siya na ni buka ng bibig hindi niya pa magawa.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo ang lahat. Ang daddy mo... Hindi totoo ang nagkalat na
balita noon na iniwan niya tayo dahil sa nanlalalaki ako. Lahat 'yon, pakana lang ng papa
niya."

Napatingin siya sa mommy niya. Nagulat talaga siya. Bakit hindi man lang nito sinabi sa kanya?
Kahit ba alam niyang hindi naman totoo na nanlalaki ang mommy niya, iba pa rin 'yung sinabi
mismo nito sa kanya. Kasi sa totoo lang, may doubt noon.

Ibig sabihin, pakana ng.... ng lolo niya... na mismong papa ng daddy niya... ang lahat?

Pero, bakit?

"Mahirap lang kami noon. Nag-iisang anak ako ng tatay at nanay. Matagal nang wala ang nanay at
ang tatay na lang ang mag-isang nagtaguyod sa'kin. Hanggang sa makilala ko ang daddy mo. Si
Ariel... Mahal namin ang isa't isa. Pero tutol ang papa niya sa relasyon namin. Galit kasi ang
papa niya sa tatay dahil..... dahil kay nanay."

Halos mapanganga siya sa sinabi ng mommy niya.

"Oo. Umibig ang papa niya sa nanay noon. Pero mahal ng nanay si tatay kaya ang tatay ang pinili
niya... Masyado naming mahal ni Ariel ang isa't isa at ayaw naming magkahiwalay. Hanggang sa...
nabuntis ako. Sa inyo. Nang malaman ng papa niya 'yon, halos itakwil nito ang daddy mo. Pero
hindi takot ang daddy mo na itakwil siya ng papa niya.

"Pero dahil nag-iisang anak lang ang daddy mo, hindi rin siya kayang itakwil ng papa niya. Kaya
ang ginawa ng papa niya, pinagbantaan ang daddy mo na gagawin nito ang lahat para bumagsak ang
kabuhayan namin ng tatay. Hindi man malaki ang kompanya ng papa niya, sapat 'yon para
patumbahin ang bubuwit na kabuhayan namin. At iyon ang hindi kaya ng daddy mo. Ang makitang
gumagapang kami sa kahirapan ng tatay.

"Nanganak ako... Labag man sa loob ko na magkahiwalay tayong apat, hinayaan kong kunin ng daddy
mo ang kambal mo. Si Brianna. Kayo man lang ang magsilbing alaala ng pagmamahalan namin. Oo,
aaminin ko, parang ang drama masyado. Pero ganu'n talaga, e. Parang 'yun na 'yung huling beses
na magkakasama kasi. Pero alam namin... Hindi kami nawalan ng pag-asa na baling araw, mabubuo
rin tayo. At dumating na nga ang araw na 'to. 'Nak... buo na tayo."

Nginitian siya ng mommy niya kahit may luha na ang namumuo sa mga mata nito. Pero hindi niya
'to magawang ngitian. Kasi sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.

Masaya siya... Oo. Siguro.... Kasi may tatay pa pala siya. At may kapatid pa. Pero bakit kasi
ngayon niya lang nalaman ang lahat?

"I know, anak. I know... Maski ako, hindi ko akalaing magkikita pa kami ng daddy mo. Kasi, di
ba? Wala namang katiyakan ang lahat. Hindi ko sinabi sa'yo ang lahat dahil walang kasiguraduhan
kung magkikita pa tayong apat. Ayaw ko lang na umasa ka sa walang kasiguraduhan. Matagal na
panahon, e... Mula nang maghiwalay kami, nawalan na kami ng koneksyon at komunikasyon. Umalis
ako ng Palawan at nagbakasakali dito sa Maynila nang mamatay ang tatay. Nitong nakaraang buwan
lang din kami nagkausap ng daddy mo dahil nito lang niya tayo natagpuan."

Pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi ng mommy niya.

"Naiintindihan ko na, mommy. Naiintindihan ko na..." She then hugged her mom.

"Pasensya na kung may nanay kang nanlalalaki sa mata ng iba, 'nak, ha? Kaya kalat pa rin
hanggang dito na marami akong lalaki, dahil sa isang kakilala ko na hindi nagtagal,e, lumipat
din dito at nagkataon pa na kabaranggay natin. Si Thelma. Ewan ko lang kung naaalala mo pa siya
dahil bata ka pa noon. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang siya kung kamuhian ako. Hindi
naman ako nagmana sa katapangan mo kaya hindi ko malabanan."

"Mommy, I don't care." Lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa mommy niya.

Hindi naman siya makitid para hindi intindihin ang pag-iintinding ginawa sa kanya ng mommy
niya.
Now, everything's clear. At least, about their family. But not with her and her twin's love
story.

LUMABAS na sila ng mommy niya sa kwarto at bumaba. Nandoon ang daddy niya at ang
kambal niya, naghihintay sa kanila. She smiled. Buo na ang pamilya niya.

Pagkakita pa lang sa kanila ng daddy niya, napatayo agad ito. Bakas ang pag-aalala sa mukha.
Ganu'n din si Brianna. Nakangiting lumapit siya sa mga ito.

"Daddy..." Once the word slipped her mouth, there were like fireworks in her chest.

At reaksyon ng daddy niya? Priceless. Niyakap agad siya ng daddy niya kaya yumakap din siya
rito.

Mariing napapikit siya. Ganito pala ang feeling ng may tatay. Na yakap ng tatay...

"Sorry, anak. Sorry, ngayon lang tayo nagkita. Maniwala ka... walang araw na hindi ko kayo
inisip ng mommy mo." Ramdam na ramdam niya ngayon ang pagmamahal ng isang ama na hindi niya
hindi niya akalaing mararamdaman niya kailanman.

"It's okay, dad. Hindi pa naman huli ang lahat." Hindi pa talaga huli ang lahat, dahil umpisa
pa lang.

"Ehem. Ano naman daw pala kami rito?"

Umalis na sila sa pagkakayakap ng daddy niya nang magsalita si Brianna. Hawak nito ang kamay ng
mommy niya. And again, she smiled.

"Tao?" biro niya.

"Mahal mo?" ganting biro ni Brianna na alam niyang may halong seryoso.

"Bingo." Ang lapad lang ng ngiti niya.

"Knew it. Kambal nga kita!" Natatawang lumapit na si Brianna at ang mommy niya sa kanya.

"So, Yanna... meet Yanna." Tatawa-tawa pa talaga ang mommy niya. Baliw lang.

"What's up with our names, mame? Grabe, parehong Yanna nickname namin." Nagbuhol tuloy buhay
pag-ibig namin.
"Arianna and Brianna. Cute na pangalan for twins, di ba? Well, your Helen comes from my
mother's name...." sabi ng mommy niya.

"...And Brianna's Maria comes from my mother's", pagtatapos ng daddy niya.

Napatango na lang siya. Yeah, yeah. She should've known that. Hindi niya naman kasi naabutan
ang ina-nanay ng mommy niya-kaya hindi rin tumatak sa isip niya ang pangalan nito. Basta ina
lang ang naaalala niya kaya iyon lang din ang tumatak sa isip niya.

"So....? Power hug??" Ngingiti-ngiting aya ni Brianna.

Natawa siya. Childish. "Power hug!"

"HEY, A... Story telling?" Tinabihan siya ni Brianna sa kama niya, na ngayon ay
magiging kama na nilang dalawa. Yes, sa kanila na titira ang daddy't kambal niya. Wala kasing
bahay ang mga ito dahil binenta bago umalis at sa states nga nanirahan. Dalawa lang ang kwarto
sa bahay nila. Isa sa mommy niya, isa sa kanya. Syempre, sino-sino pa ba magkakabukod, di ba?

And since Arianna and Brianna sila, they've decided to call each other by initials.

"Okay, bata. Ano'ng gusto mo? Rumpletiltskin? Rapunzel? Goldilocks and the-"

"Weh! Batang 'to!" awat agad ni Brianna sa kanya.

"Batang 'to? Hoy, mas matanda ako sa'yo ng tatlong minuto. Baka akala mo..." biro niya kay
Brianna. Totoo naman. Naikwento ng mommy nila sa kanila na mas matanda siya ng tatlong minuto.
Kaya nga siya ang Arianna, e.

"Oo na! Para tatlong minuto lang.... Inututan mo lang ako kaya ka nauna, e."

Iiling-iling na natawa na lang siya. Patawa rin pala 'tong kambal niya na 'to, e. Seryoso. Ang
gaan agad ng loob nila sa isa't isa.

"Uhh... How about this, A.... Tell me about you and TJ's story.... and I'll tell you ours."

Napalingon siyang bigla kay Brianna.

***
*******************************************
[40] 37. The victims.
*******************************************

37. THE VICTIMS.

KASAMA ni Yanna sa tamabayan sila Lexi, Joice, at Derick. Pinagpapaliwanag niya ang mga ito
kung ano talaga'ng nangyari na hindi niya alam.

"Umpisa pa lang may inggit na 'kong naramdaman kay TJ. Kasi pinansin siya ni Lexi samantalang
ako ang torpe ko kasi hindi ko masabi sa kanya na may gusto ako sa kanya. Pero si TJ pagdating
niya pa lang dito sa school, kinabukasan sila na kaagad ni Lexi. Nainis ako kay TJ kasi alam
kong isa lang si Lexi sa mga pinaglalaruan niya. Kaya hinamon ko siya ng dota. In a friendly
manner, of course. We made a bet na gagawin ng talunan ang lahat ng gustong ipagawa ng panalo.
Tapos ayun, natalo ko siya. E, wala. Magaling kasi ako."

Pinaningkitan niya ng mga mata si Derick. Nakuha pa'ng magyabang, e.

"Sorry naman pero magaling talaga 'ko. E, ang weak nu'ng syota mo. Nu'ng natalo siya ang gusto
ko sanang ipagawa sa kanya, e, i-break si Lexi. Pero break na pala sila nu'ng umaga na 'yon,
Tapos, ayun... Noon ding araw na 'yon, nakita ko si Lexi na pagabi na nasa school pa, nag-alala
ako kasi noon ko lang sya nakitang walang kasama ng gabi. Sinundan ko siya hanggang sa music
room. The rest alam mo na..."

Yeah right. 'Yung nakulong siya sa music room.

Yes, may hinala ang barkada na baka nga si Lexi 'yon. But then, hindi na napasok sa usapan
nilang magbabarkada 'yon nu'ng naging kaibigan na rin nila si Lexi. Guess ganu'n talaga siya
walang kapakialam sa mga bagay-bagay.

"Then, kinonfront ko siya kung bakit nya ginawa 'yun. Nagalit ako. Ganu'n na ba siya
kadesperada kay TJ? T-ngina, ganu'n ba kagwapo si TJ, e, hindi naman kami nagkakalayo? Na pati
ikaw nagawang ikulong ni Lexi sa room na 'yun dahil lang nagselos siya sa inyo ni TJ?"

"Correction, hon. Jealous and hurt, plus, felt used", sabat ni Lexi.

"Plus, immature." Nanlaki bigla ang mga mata ni Lexi. Halatang medyo naasar sa sinabi ni
Derick. "Love you", dagdag agad ni Derick.

Si Lexi naman, halatang nainis. Iningusan na nga, inirapan pa si Derick.

"Haha. Inis pa." Niyakap ni Derick si Lexi-sideways-sabay gulo sa buhok nito. "Hon, I still
love you with all your insecurities."
Looking at Derick and Lexi, she can't help but smile. Now, she's jealous. She misses TJ. So
much.

Nagpatuloy si Derick. "Ayun nga. Kinulong ka ni Lexi. Sa music room. When we all knew that you
fear ghosts. Nagalit talaga 'ko. Hindi para sa'yo pero para kay Lexi. Sorry, Yanna. Pero noong
time na 'yon, napagdesisyunan ko na sundin ang gusto ni Lexi..."

"Teka. Ano'ng gusto ni Lexi? 'Yun ba'ng saktan ako ni TJ?" awat niya kay Derick.

"Oo..." Si Lexi ang sumagot. "As far as I can remember, I yelled at Dee... crying. Natatandaan
ko lang na sinabi ko sa kanya na gusto kong masaktan ka. Na gusto kong maramdaman mo kung ano
ang feeling ng masaktan ng taong mahal mo... Noong marinig ko kasi na kayo na ni TJ noon, hindi
ko matanggap. Tinanong ko si TJ kung totoo 'yun at kaya ba siya nakipagbreak, e, dahil sayo,
pero ang sabi nya hindi. Pero hindi ako nakuntento. Iba ang pakikitungo sa'yo ni TJ... At oo,
nagselos ako. Umaarte siya na wala siyang pakialam sa'yo pero ang totoo, he cared for you.
Tinulungan ka pa niya kila Drea."

"I know that story. Gotta side with Dee. That was immature, my friend", komento ni Joice.

"What-"

"May pila ba? Next ako sa'yo, Joice", sabi niya agad bago pa makakontra si Lexi kay Joice.

"Fine!" Nakabusangot na yumuko si Lexi. "Sabi ko nga immature, e."

Malalim na napabuntong-hininga siya. Ngayon, unti-unti nang lumiliwanag ang lahat.

"Pero totoong mahal ka ni TJ, Yanna. Totoo 'yun." Derick.

"True. Mahal ka niya." Lexi.

"Believe me. Hindi magtatagal si kuya sa parusa niya kung hindi ka niya mahal." Joice.

Naguguluhan siya.

"Pa'no n'yo nasabi? Kung parusa lang pala ang lahat?"

Sa totoo lang? Hindi niya alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ni TJ. Pero umaasa pa rin
siya. Sa mga pangako nito. Na maniwala lang ako at magtiwala na ako lang ang mahal niya.

"Yanna, ni hindi nabanggit sa'kin ni TJ ang parusa na 'yan bago pa man umalis si Kris. Kita ko
sa mga mata at kilos niya na nagseselos siya everytime na magkasama kayo ng bestfriend mo. At
kapag binabanggit ko sa kanya na baka nagkakalimutan na kami kasi mukhang nahuhulog na talaga
sya sa'yo, nagagalit lang siya. Tsaka no'ng pinili mo si Kris? Halos magmukha na kaya siyang
zombie sa pagka-depress noon. Alam ko, kasi lalaki ako. Alam kong mahal ka na niya nu'n. At
hindi ko na 'yon tinutulan kasi kami na naman ni Lexi at magkakaibigan na rin tayo", paliwanag
ulit ni Derick.

"Tama. Maski ako, Yanna. Maski ako hindi ko na kayo tinutulan. Wala na akong pakialam kasi
natutunan ko nang mahalin si Derick noon... hanggang ngayon", sabi ni Lexi. Tumingin 'to kay
Derick at nagkangitian, tsaka nag-holding hands.

Kung ang tingin ay nakakamatay... "Seriously?"

Biglang nagbitiw sina Derick at Lexi nang marinig siya't makita ang nakakamatay na tingin niya.

Good.

"Basta, Yanna. Maniwala ka. Ako rin naman, e. Di ba, noong una ayaw ko sa'yo? Kasi akala ko,
ikaw 'yung kambal mo", sabi ni Joice which is, obviously. "Pero nu'ng malaman ko na parusa lang
ang lahat, pumayag na 'ko. Kasi naisip ko, for kuya's peace of mind, baka gustong gusto niya
talagang gantihan ka. Na masaktan ka. Bad, I know."

"Immature, too", Lexi cut in.

"Not as immature as you and hey, who's the master mind again?" Joice retorted.

Si Lexi naman nag-nyenye na lang.

"Anyways, 'yun nga. Alam kong hindi magandang ideya na... na gumanti si kuya dahil lang sa
nasaktan siya. Pero kung nakita mo lang siya no'ng iwan siya niyang kambal mo... I'm so sorry
pero wala na 'kong pakialam kahit mali.

"Then, naging okay na tayo. Naging magkaibigan. Naging close... Ewan, pero kahit na medyo bully
ka, kahit na minsan bad ka... Ewan, pero parang may kung anong kakaiba sa'yo na nakuha mo na
lang bigla ang loob ko. Kaya hindi na rin ako tumutol sa inyo ni kuya".

So... ano 'yung kakaiba sa'kin?

"Yes. Para kang may super power na kayang pabaguhin ang tingin namin sa'yo. Kasi, sa totoo
lang, 'yung paglapit ko sa'yo, that was all an act. Pero biglang isang araw, love na kita."
Nahihiyang ngumiti pa si Lexi.

"So tomboy ka na?"

"Gaga. I mean, love as friend! Chusera." Lexi.

"Gee, thanks." Napabuntong-hininga na lang ulit siya. Alam niyang may karapatan siyang magalit.
Pero kaibigan niya, e. Hindi niya magawang magalit matapos magpaliwanag ng mga 'to. Na positive
naman pala ang side ng mga 'to. Na mahal din naman pala siya ng mga kaibigan niya bilang
kaibigan. Bakit pa siya magkukunwaring galit kung hindi naman talaga, di ba?

"My brother does love you, Arianna. Believe me." Joyce patted my back.

I sighed. "I don't know. Ako ba talaga ang mahal nya? Ako ba... o ang akala niya na ako?" Si
Brianna na akala niya ay ako...

Now, everything's clear.

Everything... started with a bet....................

"IT all started with a bet..." said Brianna after along pause.

What the, what? Bet?

Hindi siya nagsalita. Hindi naman sobrang nagulat pero nagulat pa rin siya sa pag-amin ng
kambal niya.

Nagtatanong na tinignan niya si Brianna.

"See? Sabi ko sa'yo ikaw na'ng mauna, e. Ikaw na kasi!" pilit nito sa kanya.

Gusto kasi nito na siya ang maunang magkwento pero pinauna niya si Brianna.

She paused for a moment then sighed. "No, B. Ituloy mo lang. I want to hear and know
everything."

Of course. Paano niya maiku-kwento sa kambal niya ang sa kanila ni TJ kung hindi niya pa naman
talaga alam ang side ni TJ? So as Joice, Lexi, and Derick's.

Wala pa siyang karapatang magkwento ng kahit anong hindi pa sigurado. First, she needs to know
everything from them. Maybe tomorrow.

"Okay." Brianna agreed.

"Ganto 'yon... Me and my ex-I mean, my boyfriend at that time-nagkakalabuan kami noon.
Actually, nakipagbreak na ako noon sa kanya. Syempre naman, makikita kong may iba na siyang
kasama habang kami pa, alangang martyr lang ang peg ko, di ba? Hambalusin ko sila, e. But
anyways, lukaret ang mga kabarkada ko noon...

"We made a bet. Kung totoo raw na hindi ako affected sa pagsama ng ex ko sa kung sino-sino,
dapat daw mag-boyfriend na rin agad ako. Kapag daw hindi ko nagawa, ako ang wallet nila sa
buong school year. E, syempre naman, makakapag-relax ba 'ko nung lagay na 'yun? Apat silang
kaibigan ko na maluho, para namang iniiri ko lang ang pera, di ba? Awa ko naman kay daddy.

"So, ayun... Nakatambay kami sa isang park noon. Kung sino raw ang unang lalaki na
maghe-'hello' sa harap namin, 'yun daw ang kailangan kong maging boyfriend... Ang tagal naming
naghintay sa pwesto namin. May mga nagdadaan pero panay ngiti at pa-cute lang. Thankful nga ako
noon kasi kapag may nadaang panget panay 'Hi, miss' ang line, e.

"Then there was TJ, with his friends actually, who suddenly passed by-"

"Wait. Don't tell me, nag-hello siya?" agad niyang naitanong bago pa matapos ni Brianna ang
sasabihin.

"Mm-mm", tumango si Brianna.

Wow, what. Attracted talaga si TJ sa kambal niya? Lokong 'yun! Chickboy talaga. Papansin sa
girls.

"Gaga! Hindi siya nagpapansin sa'kin or sa'min!"


"H-huh? Naririnig mo ang naiisip ko?" Whoah. Ganito ba talaga kapag kambal?

"Gaga talaga. Hindi. Nabasa ko ho sa mukha mo."

"Weh." Adik pala 'to, e. "Sige nga. Ano'ng nakasulat?"

"Gusto mo ng sapak? Itutuloy ko o matutulog na tayo?"

"Ikaw naman... Continue, please?" uto niya sa kambal niya with matching pa-sweet smile pa.

Nagtuloy naman si Brianna sa pagkukwento. "Ano... Ano kasi 'yon, e... Kasama niya ang barkada
n'ya nu'ng dumaan siya sa harapan namin. E, saktong may tumawag sa kanya sa phone. So, ayun...
nag-'hello' sya."

Halos malaglag ang panga niya sa sahig. Hindi niya alam kung ano'ng irereact.

"So technically, he said hello but not to me. Which, by the way, counted, because he said the
word 'hello'."

"Wow", was all she can utter.

"Yes, wow." Brianna giggled. Seriously? "Sorry", bawi agad nito nang makita ang reaksyon niya.

"So, ibig sabihin, accidental victim si TJ ng kalokahan n'yo ng mga kaibigan mo?"

"Oo. Kasi naman, mag-he-hello na lang ba naman saktong nadaan pa sa harap namin. So, ayun. May
barkada si TJ na kilala ng barkada ko. Sinabi nila na paglapitin kami. Pero hindi naman no'ng
mismong time na 'yon. I think, sa text. And then-"

"Did you love him?" Ito 'yung tanong na kanina pa niya atat na atat na tanungin.

"No." Straight to the point. Grabe, hindi man lang nag-isip.

Ewan... pero feeling niya, may tinik na nabunot sa puso niya.

And that was the moment she knew. She wants Troy's love all for herself. And that she can be
very selfish because she loves him.

"But yes, as a friend", Brianna continued.

Napatango siya... At least, hindi na 'to magiging karibal ngayon, di ba?

"TJ was so kind. Kaya nga noong mga panahong kasama ko siya... Hindi ako 'yung totoong ako. May
mga lies na sinasabi ako sa kanya may masabi lang. Mahinhin ako sa harap niya. Parang Maria
Clara ang peg. Minsan, gusto ko siyang deretsuhin na hindi ko talaga siya mahal. Kasi naaawa
rin ako sa kanya. He does love me then. Ako ata ang first girlfriend niya kaya sobrang
nakakakonsensya, kasi I didn't feel the same way." Brianna let go a deep sigh.

"Si TJ ang tipo ng lalaking papangarapin ng mga babae. Siya 'yung laging nandyan. One-woman
man, sabi nga nila. Maraming may gusto sa kanya sa school namin and I believe sa school din
nila."

"Wait. You mean, hindi kayo schoolmates? Tsaka, hindi niya ba alam ang whole name mo?"

Naguguluhan kasi siya. Kung napagkamalan siya ni TJ na si Brianna, ibig sabihin hindi alam ni
TJ na Brianna ang Yanna ni Brianna?Okay that was confusing.Pero... di ba?

"No for both", Brianna said.

What the heck?

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang buong pangalan mo? Hindi mo ba alam na napagkamalan niya
akong ikaw?" God, she's furious. How can a boyfriend not know her girlfriend's full name?

"Relax, A. Ano'ng malay ko? I didn't know back then that I have a twin, that I have you. Didn't
I tell you earlier that it's been just days that I got to know your existence? Geez, don't
freak out."

Oo nga pala. Nasabi nito sa kanya na pagdating nito at ng daddy nila sa Canada, hindi pa rin
nito alam ang tungkol sa kanila ng mommy niya. Noong inatake lang daw sa puso ang lolo Javier-
her dad's father-at nang mahanap na sila ng daddy niya, tsaka lang daw ipinaalam ng daddy niya
sa kambal niya na eto nga... sila.

"And hindi ko naisip na importante pa na malaman ni TJ ang whole name ko. Hello, takot ko lang
na ipakulam ni TJ kapag nalaman niyang bet lang 'yun."
She glared at her twin. Ano pala si TJ? Medyo OA?

"De, joke lang. He he. Hindi naman kasi ako seryoso so why the need, di ba? Basta ayun. 'Yun na
'yun!" kibit-balikat nitong sabi.

'Yun na 'yun? "Bwiset ka! Hindi pa iyon! Pa'no ka nakipagbreak?"

"Aaah! Haha! Actually, hindi pa kami break."

"What?!"

Hindi pa break? Ano 'yun?? Iniwan nya lang basta si TJ? Fly agad sa Canada?!

Grabe... Ang sama ng kambal ko. Kawawa naman 'yung mahal ko.

"I mean... in words, hindi pa kami nakapag-break. Girl, understood na 'yun na pag-alis ko, wala
na kami. Ang totoo niyan, nag-iwan ako ng sulat sa kaibigan ko. A sorry letter. Sabi ko iabot
kay TJ. E, ang haliparot, naiwala ang sulat! Ayun. Wala naman siyang Facebook or any accounts
sa internet kaya wala ring way para ma-contact ko siya. Taong-bundok 'yun dati, e. Walang hilig
sa gano'n. Ewan ko lang ngayon."

"Hanggang ngayon", sabi niya. Wala talagang hilig si TJ sa social networking sites. Pinadelete
nga rin nito sa kanya lahat ng accounts niya, e. Para iwas lalaki raw. Sunod naman siya. Batas,
e.

Pero kung iisipin, loyal si TJ. Simula nu'ng naging sila, hindi pumapansin ng ibang babae. Siya
lang.

Yes. Loyal si TJ, except.... a liar.

"See? Tsaka, naisip ko, hindi naman na siguro kami magkikita. And if ever na magkita pa kami,
I'm sure nakamove-on na sya, di ba? Pinasabi ko sa friends ko roon na sabihing sorry, pero I
don't know kung nasabi ba talaga nila. Mga luka kasi 'yung mga 'yun, e", patuloy ni Brianna sa
pagkwento.

So, there.

Kaya naman pala ganun na lang ang galit ni TJ sa kanya noong mga unang araw na nagkita sila.
Kasi pala akala nito, siya si B.

Ngayon parang hindi niya na masisi si TJ na pinaglaruan siya-kung pinaglaruan nga ba talaga
siya ni TJ.

Pero kung oo, ayos na para sa kanya na siya ang pinaglaruan ni TJ, h'wag lang si B. Pero kung
hindi naman talaga siya pinaglaruan... much better.

I'll still take him back. That is if he really loved and love me. Not me... that he thought was
B.

MAG-ISANG naglalakad-lakad lang siya sa campus. Humiwalay na siya sa barkada dahil


gusto niyang mapag-isa.

Open na rin ang gate at patungo na nga siya ro'n dahil gusto niya na ring umuwi.

Bakit kasi hindi pumasok si TJ? Bakit hindi man lang siya tine-text o kaya tinatawagan? Wala ba
'tong balak magpaliwanag sa kanya? Wala ba 'tong balak na linawin sa kanya ang lahat?

Ayaw niyang pinagtatagal ang lahat, e. Bakit hindi man lang nito i-try na magpakita sa kanya?
Gusto niya nang makausap si TJ. Kaya nilabas niya ang cellphone niya at tinext si TJ.
[Usap tayo. Later.]

Sent.

"ANN!"

Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Pero nagpatuoy lang siya sa paglalakad.

Wala. Guni guni niya lang 'yun. Hindi boses nu'ng isip batang weirdo kahapon ang narinig niya.

Imposible naman kasi. Nasa loob pa siya ng campus. Hindi naman dito nag-aaral ang lalaking
'yon. Kaya imposible.

"ANN!!!"

She rolled her eyes then turned around. Parang gusto niya tuloy mapanganga.

Seryoso? Ano'ng ginagawa ng weirdong 'to rito?

Patakbong lumapit sa kanya si Third na Keslo kung tawagin niya.

"Hoo! Kanina pa kita tinatawag! Grabe, ang bingi mo!" humahangos na sabi nito.

"Bingi agad? Di ba pwedeng wala lang akong paki sa'yo?"

"Kalokohan 'yung huli kaya oo, bingi ka. Paka-bingi mo!!"

Aba't... Talagang isinigaw pa sa mismong tenga niya? Batukan niya kaya 'to? Malay niya ba
kasing ito nga ang tumatawag?

"Ano ba kasi'ng ginagawa mo rito? Bawal kaya outsider dito."

"Alam ko. Pero dito na kaya ako mag-aaral."

Joke ba 'to? Ilang months na lang matatapos na ang school year pero lumipat pa?

"Haha. Tsura mo! Nanay ko bagong lipat na teacher dito kaya pati ako lilipat. Inayos lang namin
papel namin ngayon. H'wag ka ngang ano. Akala mo naman lumipat ako rito kasi na-inlove ako
sa'yo kaya hinanap ko pa school mo?"Tapos tumawa na ang loko.
Sa pagkakaalam niya, si Ma'am Ruby na Physics teacher nila ang aalis na teacher dahil
mangingibang bansa. Nanay nito ang papalit?

"Physics teacher nanay mo?"

"Yup!"

"Section mo?" tanong niya.

"Trust!"

What the... "Tss. Classmate. Kamalas-malasan nga naman, oo", bulong ko.

"Ano 'yung sabi mo?" Narinig naman ata nagtatanong pa.

"Wala! Sabi ko classmate mo 'ko, swerte mo, malas ko!" sabi niya tapos nagtuloy na ulit siyang
maglakad. Sinundan naman siya ng loko.

"Aaah! Ann!" Napahinto siya nang biglang sumigaw si Third. Nahulog ba sa kumunoy o ano? Teka,
sa'n may kumunoy?

Nilingon niya si Thirds at ang bata, naka-pout pa!

"Bakit?"

"Nasira yata cellphone ko!" Ang haba naman ng 'ko' nito, kasing haba ng nguso. Adik ata, e.
Parang bata, seryoso.

Tinaasan niya lang ng kilay. Meaning; Anong paki niya? Duh.

"Uhh... Wala kasi dito 'yung number mo." Tapos parang tuta na iniwan ng amo, dahan-dahang
yumuko.

Ayon. 'Yun pala 'yon.

"Tapon mo. Sira na pala, e", sabi niya rito sabay talikod at naglakad ulit.

Bumabanat na naman kasi, e. Ang lakas ng toyo.

"Ann! Ito naman! Ikaw nga lang kakilala ko rito, e. Henge na 'kong number mo!" Hinabol siya
nito.
"Mawawalan ako pag binigay ko sa'yo", walang pakialam naman na sagot niya.

"Weh, patawa pa! Gara naman nito! Hindi kita tatantanan, sige ka!"

Parang mas lalo nga kapag binigay niya number niya, e. "Bahala ka dyan."

"Para ka namang kulangot! Paka-hard to get!"

Napatigil siya. Ayan na naman sa banat, jusko po!

Ang gusto niya, mapag-isa para makapag-isip, pero anak ng tokwa. Sumulpot na naman si isip
bata!

"Hoy, ikaw. 'Yung totoo. Pader ka ba?" Pinaningkitan niya pa ng mga mata.

At Panginoon, naexcite na naman ang bata. Basta banatan talaga.

"He he. Bakit?" ngiting-ngiting tanong nito.

"Wow... Nagsasalitang pader." Walang kaemo-emosyong sabi niya tsaka siya naglakad paalis.

Tipaklong. Ang kulit ng lahi ng isang 'to.

"Alam mo, ang cute mo, Ann. Ang cute, cute mo! Hahaha!"

Ay, grabe. Hanggang sa paradahan ng tricycle, nakasunod pa rin. Tatag. Hindi niya na lang
pinansin.

"Ann, san ka nakatira?" tanong nito.

"Bahay."

"Wow. Ako rin!"

Nyenye. Buset! "Kuya, sa Bakewell po", sabi niya sa tricycle driver.

Sumakay na siya, pero anak ng magaling... sumakay din ang bata!


"Ang galing, Ann! Doon din kami nakatira!"

Nalaglag na ata ang panga niya, pupulutin niya ba?

Oh, my God. Suko na po ako. Hindi na talaga matatahimik ang buhay ko.

NAGLALAKAD na siya papasok sa village nila.

Sinabayan siya ng bata. Binigay niya na nga rin dito ang number niya kasi kawawa naman, baka
maglupa.

"Ann, sana right hand mo na lang ako." Heto na naman.

"Bakit na naman?" tanong niya kahit alam niya na 'yung banat na 'yon. Actually, sobrang dami na
nitong nasabing banat sa kanya. Siguro nagresearch muna 'to sa internet bago pinanganak. 'Di
maubusan, e.

Pero nakakatuwa, kasi kahit pinapakita niyang naiinis siya, ayaw pa ring patinag. Makulit, not
in a creepy way but in a cute. Masayahin lang talaga.

"Para kapag national anthem, ako lagi ang nasa puso mo", banat nito.

"E, sorry. Late ako lagi, hindi ako umaabot sa lupang hinirang. Nge! Haha!" asar niya. Alam
niya naman talaga 'yung banat na 'yun, e. Ginantihan niya lang ulit.

"Ehe! Gara naman, e! Lagi na lang may pangsupalpal! Epal!!"

"Wow, ha? Ako pa epal ngayon? Hiyang hiya naman ako sa'yo, iho. Haha. Wag ka na kasing
bumanat!" Tatawa-tawa pa siya.

Pero, oo nga. Bakit ba kapag bumabanat 'to, lagi na lang siyang may pangsupalpal? Kawawang bata
tuloy.

Huminto na siya nu'ng nasa tapat na sila ng bahay niya.

"Oy, dito lang bahay ko. Uwi ka na sa inyo", taboy niya na rito.

"Bili mo 'kong ice cream bukas, ha?"


"Aba, kuya, may patago kang pera?" Adik ata, e. Mukhang ice crem.

"Dali na! Pretty please?" At nag-puppy eyes pa!

"Iyak ka muna!" pigil ang ngiting biro niya.

Hilig kasing magpout at magkunwaring umiiyak, hindi naman naluluha kahit isang patak.

"Ang gara naman!"

Binelatan niya nga. Nakakatuwa 'tong lalaking 'to. 'Yung tipong gusto mong maging younger
brother kahit na mukhang mas matanda sa kanya.

Ang cute lang. Ang cute magbata-bataan. Kabwiset minsan, pero cute talaga.

"ARIANNA!"

Nagulat siya sa biglang sumigaw mula sa kung saan.

Paglingon niya sa pinanggalingan ng boses... Sh-t.

TJ.

Nasa sariling veranda ng kwarto nito si TJ. Ang sama ng tingin nito. Hindi sa kanya... pero kay
Third.

Nawala bigla ang ngiti niya.

"Mag-usap na tayo." Malamig pa sa yelong sabi ni TJ, pagkaraa'y lumipat na sa veranda ng kwarto
niya. Tumalikod si TJ mula sa kanila at nag-antay lang doon.

Sh-t. Kinabahan siyang bigla.

"Ann, boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni Third.

"H-huh? Ah. Oo. Sige, uwi ka na. Bye!" Tuloy-tuloy siyang pumasok sa gate nila.

Hindi niya na naintindi si Third. Nagmamadali niyang pinasok ang bahay nila. Basta ang alam
niya, kinakabahan siya. Pero kahit kinakabahan siya... naeexcite pa rin siya.
Miss niya na talaga si TJ.

***

*******************************************
[41] 38. Time out muna.
*******************************************

38. TIME OUT MUNA.

NAGTULOY siya sa itaas at nagmamadaling pinasok ang kwarto niya.

Alam niyang wala ngayon ang mommy't daddy niya kasama si Brianna. May family outing kasi sila
bukas kaya namili ang mga ito ng mga gamit.

Nagmamadaling hinubad niyaang body bag niya at basta na lang binagsak iyon sa kama.

Pagbukas niya ng pinto sa veranda, nakita niya si TJ.

Nakaharap ito sa kanya habang nakasandal sa railings, pero sa sahig nakatingin.

Napalunok siya. Sobrang namiss niya si TJ kahit isang araw pa lang silang walang kibuan. Parang
ang tagal na agad para sa kanya.

"Troy..." Dahan-dahan siyang lumapit.

Huminto siya sa harap nito. Pero hindi pa rin siya tinignan ni TJ.

Nakakainis. Bakit ba ang cold ng pagtrato ni TJ ngayon sa kanya? Bakit ayaw man lang nitong
tumingin sa kanya? Di ba, dapat siya nga 'tong cold ang pagtrato kay TJ? Di ba, siya nga 'tong
mas nasasaktan sa mga nangyayari?

"Sino 'yung lalaki na 'yon?" ang unang tanong nito sa kanya.

Sa totoo lang, natuwa siya. Kasi alam niyang nagselos kahit papa'no si TJ.

"Bagong classmate natin. Dito rin nakatira sa village."


"Ahh." Iyon lang tapos tumahimik na naman.

Ang awkward. Bakit ganito?

"May gusto ka bang itanong?" tanong ni TJ pagkaraan ng ilang minuto.

Huminga siya nang malalim.

'Yung tanong na gusto niyang marinig ang kasagutan... Isa lang 'yun, e. At sa isang 'yon...
hindi niya alam kung mababago ba no'n ang lahat.

Napalunok siya. Kaya niya ba'ng marinig ang sagot ni TJ sa gusto niyang itanong? Paano kung...
She sighed. She has to face the reality. Kaya niya 'to. Kaya niya 'to.

"TJ... Mahal mo ba 'ko?"

Biglang umangat ang ulo ni TJ at tumingin sa kanya. Na para bang hindi nito inaasahan ang
tanong niya. Ilang segundong nakatitig lang si TJ sa kanya na para bang hinihintay nitong
bawiin niya ang tanong niya.

He suddenly looked so annoyed. Panay ang pagbuntong hininga nito na may halong sarkasmo.

"Sigurado kang iyan ang gusto mong itanong?" TJ asked through gritted teeth, but he was smiling
bitterly.

Tumango siya. Iyon naman talaga ang gusto niyang malaman, e.

Hindi niya alam pero parang maiiyak siya sa trato ni TJ sa kanya ngayon.

"Sigurado ka?" ulit nito.

'Yung itsura ni TJ... Galit. At alam niya... nagpipigil na lang si TJ.

Pero tumango ulit siya. 'Yun ang gusto niyang malaman. Kung mahal ba talaga siya ni TJ. Oo lang
'yan o hindi, e.

"F-ck." Iritang hinilamos ni TJ ang mga kamay sa mukha. "Hindi 'yan", iiling-iling na sabi
nito. "Hindi 'yan, e. Iba. Iba na lang ang itanong mo."Halatang nagtitimpi na lang ito.

Bakit? E, ito ang gusto niyang malaman.Bakit hindi nito masagot?


Kinabahan siyang lalo. Baka kaya hindi talaga siya mahal ni TJ? Kaya ba hindi nito masagot ang
tanong na 'yon? Hindi. Kailangan niyang marinig mula mismo kay TJ.

"Please, f-ck. Ibahin mo", ulit ni TJ.

"No. Mahal mo ba talaga 'ko-"

"Napakawalang kwentang tanong, Arianna!" bigla na lang sigaw ni TJ.

Nagulat siya. Parang kinilabutan pa.

Ngayon niya lang nakitang ganito si TJ.

Bigla na lang 'tong sumigaw? Bakit?Ano ba'ng walang kwenta sa tanong na 'yon? Naguguluhan siya.

"T-TJ... Ano ba'ng-"

"Utang na loob, Arianna. Ibahin mo 'yang p-tanginang tanong mo."

Kahit hindi sumigaw si TJ, ramdam niya ang galit nito sa mga salita nito. Lalo na sa intense ng
pagmumura nito.

"Bakit hindi mo na lang kasi sagutin? Mahal mo ba talaga 'ko, TJ? O si Brianna na akala mo ay
ako?"

Sa tanong niyang 'yon, hindi niya na alam kung paano ide-describe ang naging reaksyon ni TJ.

Galit si TJ, oo. Pero kasabay noon, gulat... at disappointmet.

Bigla na lang tumawa si TJ. Pero ang tawa nito? Sarkastiko.

"Hindi, e." Patuloy pa rin ito sa sarkastikong pagtawa kasabay ng pagyuko ng ulo. "Please na,
o... T-ngina, parang awa mo naman, Arianna. Ibahin mo 'yung tanong mo."

Bakit hindi magawang sagutin ni TJ ang tanong niya? Gano'n ba kahirap sagutin 'yon?

Gusto niyang mainis. Gusto niyang magalit. Pero pagtingin niya sa mga mata ni TJ.... luha. May
mga luha ang nag-aambang umalpas mula sa mga mata nito.

That exact moment when she saw tears in his eyes... bigla na lang siyang naiyak.
Umiiyak si Troy at nakikiusap na ibahin niya ang tanong niya. Bakit? Bakit hindi na lang nito
sagutin? Kung mahal siya ni TJ, bakit hindi na lang nito sabihin? At kung hindi.... Kung hindi,
bakit hindi na lang nito aminin?

"Troy, bakit ba hindi mo masagot ang tanong ko?"

"Please? Higit sa lahat.... hindi 'yan, e. Hindi 'yan ang inaasahan ko. Hindi 'yan ang gusto
kong marinig sa'yo. Sige na, o. Parang awa mo na. Ibahin mo."

"Sagutin mo na lang kasi 'yung tanong ko!" Hindi na niya napigilan ang mapasigaw.

Natulala si TJ sa kanya. And with one last disappointed look, he looked away from her.

"No."

No, w-what?

Wow...

Wow.

She sniffed as tears flowed down her face, her lips trembling. "So, no, huh? You don't-"

"No, I won't answer that stupid question because WE both know!"

They both know? No. "I don't know."

Natulala na naman si TJ sa kanya. Na para bang suko na 'to sa lahat ng pinagsasabi niya.

Pumikit si TJ nang mariin. At pagdilat nito, galit na lang ang makikita sa mga mata nito.

Kinuyom ni TJ ang mga kamao, at kahit na alam niyang hindi siya kayang saktan ni TJ ng pisikal,
natakot pa rin siya.

"We both know, Arianna. Damn it, we both know 'cause everyone f-cking knows."

"Just answer me."

"Are you dumb?!"


"I don't get you!" Ginantihan niya ng sigaw ang sigaw ni TJ. "Hindi na nga multiple choice, TJ,
e. Mahal mo ba 'ko? Yes or No lang, TJ. Sobrang hirap ba? Bakit hindi mo-"

"BECAUSE WE BOTH KNOW THE ANSWER! Damn it, Arianna! Hindi ko kailangan 'yang pambabara mo
ngayon! Ang tanga mo, e! Ang tanga tanga mo! Ilang beses ko bang sinabi at pinaramdam sa'yo na
mahal kita? Hindi pa ba sapat 'yon?! Lahat ba 'yon, pinagdudahan mo?! Trust! Bakit ko
ipagkakamali ang nararamdaman ko sa'yo kay Brianna? Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na wala
nang kwenta ang nakaraan sa'kin? Arianna, nakaraan na si Brianna! Kahit ngayong alam ko na na
siya ay siya at ikaw ay ikaw, tingin mo ba kaya kong ilipat kay Brianna ang nararamdaman ko
para sa'yo? T-ngina, dukutin mo na lang 'tong puso ko tsaka mo ibigay kay Brianna! Baka kasi
'yon pwede pa! Pero, fck...!

"Arianna, all those times, ikaw ang kasama ko, hindi si Brianna. Bakit ang tanga mo? Ilang
beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko?
Ilang beses ko bang ipapaintindi sa'yo na ikaw lang at ikaw lang!...." Mula sa pagsigaw ni TJ,
bigla na lang bumaba ang boses nito. Humina. Nanlumo. "....At ilang beses mo pa ba 'kong hindi
paniniwalaan?"

And that did it. Tumulo na nang tuluyan ang mga luha mula sa mga mata ni Troy.

Napatakip siya ng bibig. God... Mahal siya ni Troy. Mahal siya ni Troy. Mahal siya ni Troy pero
pinagdudahan niya 'yon.

Si Troy... Umiiyak si Troy.

Tanga. Napakatanga ko.

Bakit ba kailangan niya pa'ng magduda? Sabi niya sa sarili niya, may tiwala at naniniwala siya
sa mga sinabi ni Troy. Pero bakit ngayong kaharap niya na si Troy, lahat pinagdudahan niya?At
bakit kailangan niya pang saktan si Troy sa walang kwenta niyang pagdududa?

Gusto niyang ipahid ang mga luha sa mukha ni Troy. Gusto niyang lumapit. Gusto niyang yakapin
si Troy pero hindi niya magawa. Napakalaki niyang tanga.

"T-troy...."

"Alam mo... Alam mo ba kung ano'ng unang pumasok sa isip ko no'ng tanungin mo kung mahal ba
kita? Naitanong ko rin sa sarili ko 'Bakit mahal na mahal ko 'to, e, ang tanga?'" Tsaka tumawa
ng sarkastiko si Troy habang patuloy naman sa pag-agos ang mga luha.

"I'm sorry...." Nanginginig at umiiyak na lumapit siya kay Troy. Pero hahawakan niya pa lang si
Troy, lumayo na agad 'to sa kanya.

"Kailangan mo ba kasi talagang itanong 'yan? Kasi akala ko malinaw na 'yan, e."

I know. I know. I'm so sorry....


"Sige! Sasagutin ko na. Ang tanong mo 'mahal ba kita?' Ang sagot ko 'oo, p-tangina'.

Tuloy tuloy sa pag-agos ang mga luhang napapikit siya. Hindi siya makapagsalita. Hiyang hiya
siya. Hiyang hiya sa sariling katangahan at pagdududa niya.

"Mahal kita, Arianna.Habang lahat sila alam 'yon, ikaw pala pinagdudahan 'yon."

Mariing napailing siya. Sobrang tanga niya.

"Mahal kita. Sobra, na sa tingin ko kailangan kong magpahinga."

Horror filled her as she opened her eyes.

"I need space, Arianna. We need space."

What? No. No. This is not happening.

Troy looked up at her and he smiled a sad one. Please, no.

"This is not a break up. Even if you want this to be, I can't let that happen. I love you so
much to just let you go. Pero sa lahat ng mga nangyari?" He paused for a moment. "....Time out
muna."

Napapikit siya. But then, she found herself nodding. Kahit ayaw niya, baka kailangan nga nila.

Space. Time out. But not a break up. Yes, not.

She tried so hard to stop herself from crying.

Pagdilat niya, wala na si TJ sa kaninang pwesto nito. Ni hindi niya namalayan, nakalipat na 'to
sa sariling veranda nito.

TJ smiled. And it was a smile of assurance. "Chill ka lang, ha? Mahal pa rin kita."

***

*******************************************
[42] 39. What about the twin?
*******************************************
39. WHAT ABOUT THE TWIN?

"SWIMMING! Swimming! Swimming! Wohoo!"

Nagtakip ng tenga si Yanna. Napakaingay ng bakla niyang kaibigan, grabe. Kanina pa kumakantang
pasigaw.

Nasa isang beach resort sa Pangasinan sila ngayon. Akala niya talaga family outing ito. Heto
pala't kasama pati barkada niya. Buti na lang intrams nila. At least, wala silang mami-miss na
klase. Nasa labas sila ng bungalow na pag-i-stay-an nila for two days. Kanya-kanyang pwesto.
Siya, nakaupo lang sa wooden bench. May pond na nakapalibot sa bungalow nila. Ang ganda ng
view. Kaso, hindi niya maappreciate.

Sakto, sa Sunday ang balik nila, sa Sunday din kasi ang battle of the bands na kasali ang boy
friends nila-at boyfriend niya. Ang lalim lang ng buntong-hininga niya.

"Wohoo! Bonfire, bonfire! Fafas, fafas! Hihi!"

Napailing na lang siya. Ej talaga.

"Guys, ayos na!" Napatingin silang lahat sa lumapit.

Si Tita Mina.

Medyo napangiti siya. Kasi nga family outing, di ba? Kaya pati future 'in-laws' niya kasama.
Echos ko. Haha. Shet. Nababaliw na naman siya. Kasi naman. Hindi na sila nagpapansinan ni TJ
dahil nga sa naging usapan nila kahapon.

Napatingin siya sa direksyon ni TJ na nakaupo 'di kalayuan sa kanila. Nagulat siya nang magtama
ang tingin nila kaya bigla siyang napayuko.

Kainis. Space, space! Gusto niya raw ng space! Kung 'di ko lang sya mahal binalibag ko na siya
sa outer space! Hmp!

TJ's being unreasonable. Oo, pumayag siya sa space na gusto nito. Alangan namang tumutol siya,
ano na lang ang labas niya no'n? Pero dapat kasi, ayusin na nila 'to. Pareho naman silang may
dahilan at kasalanan. Kung bakit nagtatagal pa ng ganito.

Matagal na ba? Aba, matagal na kaya 'yung dalawang araw! Dalawang araw na silang hindi sweet.
Nakakamiss, bwiset. Nakakainis!
"Bakla, sino'ng nakakainis?" siko sa kanya ni Bea.

"H-huh? Ano'ng nakakainis?" nagulat na tanong niya.

"Sabi mo kaya nakakainis."

Ay, tanga. Naisatinig niya pala. "Ahh... He he. Wala." Nginitian niya na lang si Bea.

"Girls, pasok na kayo sa loob. Ayusin n'yo na mga gamit n'yo", aya sa kanila ng mommy niya.

"Kayo naman boys, samahan ko kayo sa bungalow n'yo", aya naman ni Tita Mina sa boys.

"Yehez, Tita!" Bigla na lang tumayo si Ej na nakataas pa ang isang kamay sabay wagayway. "Ih,
ang dami kong boylets ngayon! Okay lang mga fafas! Halayin n'yo aketch!"

Ay, jusko. Tumitirik pa mga mata! Kutusan niya kaya?

Natawa na lang silang lahat. Humiwalay na ang boys sa kanila. Samantalang ang mommy't daddy
niya, sa isang suite. Ganu'n din sina Tita Mina't Tito Ren. Daya. Sila bungalow lang, e.

"Hey, twin. Let's go?"

Nginitian niya lang si Brianna. Kumapit 'to sa braso niya at sabay silang naglakad papasok sa
room nila.

Maya-maya lang, nag-aya na ang barkada na mamasyal daw muna pero nagpaiwan siya. Nagdahilan
siya na inaantok siya. Medyo hindi na kailangan kasi alam naman ng mga kaibigan niya na medyo
saksak puso pa siya. Reasons.

Hindi talaga maalis sa isip niya ang nangyari kahapon. Space. Time out. Definitely NOT a break
up.

Naalala niya na naman ang huling sinabi ni TJ sa kanya kahapon. 'Chill ka lang, ha? Mahal pa
rin kita.'

Pumikit siya kasabay ng pagbuntong hininga. Yes, boss. Itutulog ko lang 'to.

KASAMA ni Troy ang barkadang naglalakad.


Edi, ang mga ito na ang masaya. Kanta rito, kanta ro'n. Tawa rito, tawa ro'n. Sila na!

Nakakabadtrip. Wala kasi si Yanna. Nagpaiwan daw. Nyeta. Ano kaya 'yun? Hindi na nga sila
nagpapansinan pati ba naman hindi magkikita? 'Ba namang buhay 'to. Hoo!

Panay tingin na nga lang siya kay Yanna, e. Kahit mahuli pa siya nitong nakatitig, wala siyang
pake. Basta gustong niyang titigan.

Bigla na lang siyang nanlata nang maalala niya ang nangyari kahapon. Hindi niya inasahan 'yung
pakshet na tanong na 'yun, e. Mahal niya raw ba? Araw-araw, walang palya niyang sinasabi kay
Yanna na mahal niya 'to. Tapos nagkapeste-peste lang, nagkadoubt agad? Luwag na ata turnilyo ng
babae na 'yun, e.

Pero, sabagay. Hindi niya masisisi si Yanna. Siya. Siya naman talaga ang may kasalanan ng
lahat.

Mula sa parusa ni Derick sa kanya, hanggang sa makalimutan niya 'yon at naging seryoso siya
pero sinikreto niya pa, hanggang sa malaman na ni Yanna, hanggang sa may kambal pala si Yanna
at 'yon... nagkapeste-peste na. Pati utak niya, napeste na rin.

Pa'no ba naman? Oo, naging chickboy siya. Girlfriend dito, girlfriend do'n. Pero nu'ng naging
sila ni Yanna... pumansin pa ba siya ng iba? Hindi na, di ba? Pinangangalandakan niya pa nga sa
buong school nila na sila. Na girlfriend niya si Yanna at na boyfriend siya ni Yanna. Ginawa
niya ba 'yon kay Lexi at sa ibang naging girlfriend niya na panandalian lang? T-ngna, 'yun pa.
Obvious naman na hindi siya magtatagal kay Yanna kung hindi niya mahal at napilitan lang dahil
sa parusa.

'Yun na. Sa puntong kinailangan niya-nila-ng space. Space, hindi hiwalay. Ano, tanga lang,
gano'n? Makikipaghiwalay kung pwede namang pahinga lang ta's ayos na ulit, masaya na ulit?
Space lang, hihinga lang naman. Space para kay Yanna, para sa relasyon nila, lalo na para sa
kanya. T-ngina kasi, hindi niya alam kung deserve niya pa si Yanna. Nanghingi siya ng space
para ayusin ang sarili niya. Para patawin ang sarili niya sa mga nagawa niya kay Yanna. Kasi
nga, di ba? Kasalanan niya ang lahat. Sige na, kasalanan niya na ring may kambal si Yanna!

Ah, basta. May plano siya pero sikreto muna. Sige lang. Chill lang muna si Yanna.

Biglang nagtakbuhan ang barkada sa volleyball beach court.

Wala. Lata. Walang magandang view. Tulog 'daw' kasi.

E, kung puntahan niya kaya? E, kung sinasapak niya kaya sarili niya? Space pala, ha. Tiis-tiis
ka ngayon, gago. Ginusto mo 'yan, e.

Naupo siya sa buhanginan. Pinanuod niya lang maglaro ang barkada niya.

Ang weird lang. Mukhang kumpleto ang barkada dahil parang si Brianna si Arianna. Pero kamukha
lang. Ngayon kasi hindi niya na maipagkakamali ang dalawa sa isa't isa. Ewan niya ba. Kahit
pagtabihin pa 'yung dalawa, kahit parehas pa ang mga suot nila, sigurado na siya kung sino ang
sino, at kung sino ang mahal niya.
Nangunot ang noo niya nang makita niyang papalapit si Brianna sa kanya.

Nakakatuwa. Dati-rati, kapag sinusundo niya si Brianna sa school nito, ang bilis ng tibok ng
puso niya. Kapag ngumingiti 'to, mas bumibilis pa. Pero ngayon... lumalapit na at nakangiti pa,
parang wala lang.

"Hey", she said, smiling, before she sat down next to him.

"Yo." He smiled back.

Para niya na ring nakita si Arianna. Medyo delusional nga lang.

"Anyare?" tanong ni Brianna sa kanya.

Hindi sila nakatingin sa isa't isa. Pareho silang nakatanaw sa barkada.

Medyo awkward. Umiba siya ng pwesto. Pinatong niya ang mga braso niya sa magkabilang tuhod niya
habang magkahawak ang mga kamay niya.

"Just need some time and space", he shrugged. Alam niya kung ano'ng tinutukoy ni Brianna sa
tanong nito.

"Time and space. Hmm... For what?"

"For everything."

Medyo matagal din silang natahimik. Hanggang si Brianna na ulit ang unang nagsalita.

"D'you love my twin?"

Seryoso, gusto niyang gumulong. 'Ba namang tanong. Kambal nga.

Nu'ng hindi siya sumagot, tinignan siya ni Brianna. Halatang naghihintay ng sagot.

So he looked at her. Eye to eye. "More than anything."

"Ouch." Nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Brianna was looking at him, a sad smile painted
on her lips. "Then, what about me?"
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. What about her?

"TJ... may pag-asa ba'ng maging tayo ulit?"

HINDI makatulog si Yanna kaya lumabas na lang siya. Hahanapin niya na ang barkada.
Baka miss na siya, e.

Nakita niya ang barkada na naglalaro ng volleyball. Nainggit siya bigla. Gusto niya rin.

Pero, teka... bakit wala si TJ do'n? Tsaka, wala siyang kamukha ro'n, ah? Nasa'n ang kambal
niya. Luminga agad siya sa paligid at hinanap ang dalawa.

Tapos... ayun. Para siyang tatangayin ng hangin sa sobrang panlalata sa nakita niya.

Si Brianna... kasama si TJ. Nagkukwentuhan at nagtatawanan.

She mentally shook her head. No. Okay lang 'yun. Past is past nga sabi ni TJ.

Past is past. Wala nang kwenta 'yun. Ano'ng masama sa kwentuhan at tawanan? Wala.

Hindi dapat siya magselos. Hindi. Pero... Sh-t. Hindi niya mapigilan. May past si TJ at ang
kambal niya. Hindi niya maiiwasan ang hindi magselos. Lalo na't.... masaya 'yung dalawa.

*Sexy! Tumatawag ang gwapo. Sagutin mo. Sexypatootie. Naghihintay ang mahal mo. Tagaaaaal. Inip
na 'ko. 'Di ka na sexy. Yatot! Hoy! Tagal, putek! Bakit mo pinaghihintay ang gwapo? Ha? Sino ka
para paghintayin ako? Ah, ikaw kasi mahal ko? E, ano? Sabi ko nga, e. I love you.*

Sadyang tinapos niya ang ringtone ng phone niya. Kahit hindi si TJ ang tumatawag, gustong gusto
niya na boses ni TJ ang maririnig niya kaya sinet niya sa lahat ang record na 'yon. Ang sweet
ni TJ kahit mayabang. Nakakamiss na talaga 'yung loko na 'yun.

Tinitigan niya ang phone niya na huminto na sa pagtunog pero nagriring pa rin.

Unknown number? Sino naman kaya 'to?

"Hello?"

"Waa!!!! Bakit hindi kita makita? Bakit wala ka? Nasaan ka? Nasa puso niya? Halika, itatakas
kita!"
Okay. Kailangan niya pa bang hulaan kung sino 'to? Kung tao ba 'to, o kung babanatan niya 'to?

"Keslo. Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" tanong niya. Para kasing batang ngumangawa na ewan. Lagi
naman.

"Kasi hindi kita makita! Pinagtatanong kita rito, ang sabi nila nasa puso ka raw ni TJ! Sino ba
'yun? Tara itatakas kita!"

Ahh. Kaya naman pala. Bet pakana ni TJ 'yun. Mula no'ng naging sila, kada may maghanap sa kanya
ganu'n ang laging sagot. Sa puso ni TJ.

Bakit naman siya tatakas? "No thanks."

"A-ayaw mo? Hindi ka ba nahihirapan sa kanya?"Biglang parang may concern sa tono ni Third.

Nahihirapan? Kapag masyadong seloso si TJ na kahit sa barkada nagseselos? No, hindi pa rin
problema para sa kanya 'yon.

"Hindi ka ba nasasaktan?"

Napatingin siya sa direksyon ni TJ at ng kambal niya.

F-ck. "Nasasaktan."

Ang sakit nga, e. 'Yung parang bumibigat ang dibdib niya? Sh-t.

"Nakakahinga ka pa ba?"

'Yung totoo? "Medyo hindi na."

"Kita mo! Sabi na nga ba, e! Ano ba kasi'ng height mo? Pa'no ka nagkasya sa puso niya?!"

Tukneneng. Okay na, e. Eemote na siya, o.

"Ako ba'y niloloko mo?"

"Ahm... Oo. He he."

Niloloko ata talaga siya ng isip bata na 'to, e. "Pakyu."


"Nays! Ang sweet sweet mo talaga, Ann! Kinikilig ako! Lamyu too!"

Hah. Suko na talaga siya. May mas kukulit pa ba sa isang 'to? Pektusan niya nga 'pag nakita
niya.

"Ang daya kasi! Bakit hindi ka pumasok? Wala akong kilala rito. Mag-isa lang ako. Huhu."

Ay, jusko po. May Huhu pa talaga, e.

"Sa bibo mong 'yan? Makipagkilala ka kaya sa kanila", sabi niya. Napakaingay at makulit. Bakit
ayaw nitong kulitin ang iba? Kailangan siya talaga?

"Ayoko sa kanila. Ikaw lang gusto ko." Seryoso, naimagine niya ang haba ng nguso nito sa haba
ng 'ko' nito sa dulo. And yes, natouch naman daw siya.

In fairness, kapag nawawala siya sa mood, umeeksena lagi 'tong Third na 'to. Nababago nga nito
mood niya, e. Napapangiti siya. Pero....

Napatingin ulit siya kung nasaan sina TJ at Brianna.

...mas mukhang masaya 'yung dalawa, at nagseselos siya.

***

*******************************************
[43] 40. Thank you for the broken heart.
*******************************************

40. THANK YOU FOR THE BROKEN HEART.

LAST night na nila sa Pangasinan.

Sa totoo lang, hindi niya naman na-enjoy.

Pa'no naman kaya siya mag-eenjoy kung makikita niya 'yung mahal niya na masaya sa ex nito... na
kambal niya pa.
"Oy, 'te! Let's join them na. Vamonos!" Niyaya na siya ni Ej sa bungalow ng boys. Sinundo siya,
actually. Siya na lang ata ang wala ro'n. Magku-kwentuhan lang naman daw, e.

"Ang dilim naman", reklamo niya habang naglalakad sila ni Ej.

Dalawang bungalow ang pagitan ng sa kanila kaya hindi masyadong malayo't tanaw niya agad. At
ang dilim sa pwesto ng bungalow ng boys.

"Oh? Alam mo na 'yan, te? Hindi na kita babarahin pa dahil ako lang din ang mababara, di ba?"
sabi ni Ej sa kanya.

"Haha. Bakla ka. Oo na, sabi ko nga hindi kasi maliwanag!" natatawang napailing na lang siya.
"Nasaan ba kasi sila?"

"Ayun sa gilid. Puro sila lovey-dovey. Kaming Charlie's Angels lang ang walang papabels. Medyo
sad pero keribels."

"Haha! E, kasi naman ayaw mo pa kay Kiray! Ikaw na nga sinusu...yo." Napahinto siya nang
biglang magclick sa utak niya ang sinabi ni Ej.

Lahat ng barkada niya magkakapartner pwera lang kila Ej, Kiray, at Joice?

Wow. Now, what? Si TJ at si Brianna? Aray ko po.

"Uy, bakla. Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ni Ej sa kanya.

"W-wala." Pilit na ngumiti siya. "Tara na."

Naabutan nila ang barkad na mga nagkukwentuhan. Totoo nga ang sinabi ni Ej. Lovey-dovey nga ang
mga couple. Magkakatabi silang nakaupo sa isang papag doon. Si Yen at Neil, Bea at Jake, Julia
at Diego, Derick at Lexi na nakikipagkwentuhan kila Kiray at Joice. At sina TJ... at Brianna,
magkatabi. Nagkukwentuhan at nagngingitian.

Aray na naman po.

Nakapaikot ang mga kaibigan niya sa ikot ng mga kandila na may mga sindi. Iyon ang nagsisilbing
ilaw ng mga ito.

"At last! Dumating din! Upo na here, beh. Dali!" Tumayo si Bea at inakay siya papunta kay...
TJ.

Napatingin siya kay TJ. Kanina, nakangiti si TJ kay Brianna. Bakit sa kanya hindi? Pero iba
'yung tingin ni TJ, e. 'Yung parang namimiss.... Stop. Ayaw niyang mag-assume.
Naupo na siya sa tabi ni TJ. Hindi na siya nagreklamo nang pilitin siya ni Bea. Actually, hindi
nga matatawag na pilit 'yung nagkusa rin siya, di ba?

Bale ang pwesto nila; nasa right niya si Bea, si TJ nasa puso-este sa left side niya. Si
Brianna naman, sa right side ni TJ.

"Twin, miss ka na raw ni TJ." Nagbend forward pa si Brianna at humarap sa kanya para lang
sabihin 'yon.

Tinignan niya si TJ. Wala namang reaksyon.

Para namang hindi. Nandyan ka kasi. Gusto niya sanang sabihin 'yon pero syempre, hindi niya
kaya. Kapatid niya 'yun, e.

Binigyan niya na lang ng tipid na ngiti si Brianna.

Nagkwentuhan lang ang mga kaibigan niya ng kung anu-ano. Kinikilala rin si Brianna at... kung
anu-ano. Ito lang ba ang gagawin nila? E, sila lang ata ni TJ ang hindi nagsasalita. Define
awkward.

Niyakap niya na lang ang mga tuhod niya. Maginaw kasi. Malakas ang hangin lalo pa't gabi na.

Nagulat na lang siya nang maramdaman niyang may naglalagay ng kung anong bagay sa balikat niya.
Pagtingin niya, si TJ pala. Binabalabal sa kanya ang jacket na kaninang suot nito.

Nagkatinginan sila pero this time, si TJ ang nagbawi agad ng tingin.

Malungkot na napangiti siya. Kapag ganitong giniginaw siya, yakap ang binibigay ni TJ sa kanya.
Ngayon, jacket na lang.

Grabe. Hindi siya sanay. Bakit ganito?

"Ehem! Wala bang damoves dyan, TJ? Nauubusan na kami ng kwento rito, pare, wala pa ring
nangyayari sa inyo", biglang sabi ni Neil.

Ano raw 'yun?

"O, p're." Inabutan ni Derick ng gitara si TJ. "Kumanta ka na lang, guminhawa man lang ang
buhay."

Ano raw ulit?

"Gago", birong balik naman ni TJ kay Derick.


Oh. Okay. Edi, sila na nginingitian ni TJ. Tapos sa kanya? Wow, ha. Fine.

Nagsimulang mag-strum si TJ.

"E, teka lang naman. Idedicate mo muna, p're", singit ni Diego."

Nag-tss lang si TJ na para bang sinasabi na ang baduy ni Diego.

"Weh, kj mo! Dali na, para alam namin kung para kanino 'yan", sabi ni Jake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kaya ba silang lahat nandito? May hinanda ba si TJ para
sa kanya? Okay. H'wag masyadong assuming, baka mapraning. Pero seryoso, kinakabahan talaga
siya.

"Oo na, mairi ka pa." Napilitang sabi na lang ni TJ. Pa'no, lahat sinundan 'yung sinabi ni
Diego't Jake. Idedicate nga raw.

Siya naman, kabang kaba. Lalo na nang tignan siya ni TJ. Pero saglit lang, tapos yumuko't
nagfocus sa gitara.

"Para 'to sa'yo... Brianna."

W-what... Wow... Ouch.

Napayuko siya. Hiyang hiya. Nagdadasal na sana hindi lang kay TJ tumalab ang pagiging invisible
niya, sana pati sa barkada kasi f-ck... nakakahiya.

Everything I know about love, I learned from you

And everything I know about pain, I learned from you

You were my only, you were my first

Blurred. Wala. Sobrang labo na ng paningin niya. Sa harap niya pa dapat?

Nu'ng binanggit pa nga lang ni TJ ang pangalan ni Brianna, ang sakit na. Tapos narinig niya pa
'yung lyrics? Sh-t na.

Sobrang nakakahiya. Sa harap ng barkada niya, mukha siyang tanga, mukhang mahina.
Ayaw niya ng ganito. Sa mga narinig niya pa lang, ang sakit na. Tama na. Kaya kahit mas
magmumukha siyang nakakaawa, tumayo siya't bumaba mula sa papag. Patakbo niyang tinungo ang
bungalow nila. Wala na siyang ibang narinig bukod sa sarili niyang hikbi.

Bakit ang sakit?

"KESLOOO..."

"Yo, Ann ko!"

Kung ano 'yung kinalungkot ng boses niya, siya namang kinasigla ng kay Third.

She sniffed.

"Uy. Bakit? Uy, Ann? Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong agad ni Third.

Hindi niya mapigilan ang mapaiyak na naman. "Ang sakit kasi. Bwiset, ang sakit sakit."
Suminghot-singhot na naman siya. Yuck. Gross.

Tinawagan niya si Third. Nagbabakasakali na baka... baka si Third ang makapagpabago ng mood
niya.

"Bakit? Huy, Ann, bakit?" Seryoso ang boses ni Third at halata ang pag-aalala.

Bakit din, Keslo? Bakit nag-aalala ka sa'kin, e, ang harsh ko sa'yo? "Wala. Ano lang...
masakit. Magjoke ka naman, o", sabi niya. Alam niyang pilit na pilit ang pagpapasaya niya sa
boses niya. Kaya nga alam niya rin na... fail.

Narinig niyang nagbuntong-hininga si Third sa kabilang linya. "Nasa'n ka?"

"Pangasinan."

"Puntahan kita. Sa'n mismo? Hintayin-"

"Seryoso?" putol niya agad sa sinasabi ni Third. "Malayo ho nang sobra, tsaka gabi na. Adik
lang? Okay lang ako, 'no. Medyo nag-emote lang. Sorry, oy. Naistorbo pa kita."

Ngayon niya lang narinig na seryoso si Third. Na parang tototohanin talaga nito ang pagpunta sa
kanya kung sinabi niya ang eksaktong lugar kung nasaan sila.
"Pero, umiiyak ka! Bakit? Sh-t, sino ba'ng kasama mo dyan? Tsaka, bakit ka umiiyak? F-ck, Ann,
ano ba kasi'ng nangyari??"

"Uhm.... hm...hmm.. Hahaha!" Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Kahit rude, natawa na
talaga siya.

"What the? Ann? Nice. Trip mo na naman ako, 'no? Bad mo!"

"Hahaha!" Wala siyang ibang masagot kundi tawa. Alam niyang ang sama niya kasi concern lang
naman sa kanya 'yung tao, pero kasi, hindi bagay kay Third ang seryoso. "H'wag ka na kasing
magmura, sira-ulong 'to! 'Di bagay, e. Laughtrip lang." Natawa na naman siya.

Siguro sa kanya lang nakakatawa 'yon. Kahit na parang ang babaw, nakakatawa talaga para sa
kanya, e. Unang kita pa lang kasi nila ni Third, isip bata na agad ang bumungad sa kanya. Bawat
pagkikita nila, isip bata ang bumubulaga sa kanya. Parang nasanay na siya. Ni hindi niya
naimagine na magseseryoso 'to. Tapos ngayon... lalo pa kaya kung magkaharap sila, 'no? Baka
naglupasay na siya sa tawa.

Hindi na nga tears of pain ang mga luha niya, e. Tears of joy na. At dahil na naman kay Keslo
niya.

"'Hmp! Di na kita bati!"

"Don't care. Haha. H'wag na magmumura, ha? Bukod sa bad, hindi talaga bagay. Haha."

"Tss. Nagmura lang, natawa na? Ehhh, p-tanginang pakyu siya kung sino mang ulol nagpaiyak
sa'yo."

"Weh. Medyo OA!" Hindi na siya tumatawa, nagpipigil na.

"I know." Narinig niya pa ang mahinang tawa ni Third mula sa kabilang linya. "At least, kahit
papa'no, napasaya kita."

Mula sa pag-iyak niya, gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi lang kahit papa'no. Napasaya mo talaga 'ko. "Keslo... Thank you."

ENGOT. Ang engot engot. Napakaengot.

'Yun ang kanina pang paulit-ulit sa isip ni TJ.


Ang engot ni Yanna. Umiyak pa, engot talaga.

Alam niyang hindi alam ni Yanna ang kanta na 'yon. Kung alam nito, imbis na umiyak at umalis,
baka umiyak at yumakap sa kanya 'yon. E, hindi naman nito alam ang kanta, bakit hindi muna
pinakinggan ang lahat? Umalis kaagad, wala pa man sa chorus. Engot, e. Sobrang engot.

Kahit gusto niya nang ibalibag ang gitara, pinagpatuloy niya pa rin ang kanta. Kahit wala na si
Yanna, at least, marinig man lang ng mga kaibigan nila ang gusto niya talagang iparating.

You were my only, but not my last

You showed me lonely, and you made me put you in the past

But the most important thing you ever gave me was the one that hurt the most...

Simula nang dumating si Arianna sa buhay niya, nagbago ang lahat. Tumino ulit siya. Nagpahalaga
ulit. Nagmahal ulit.

No'ng malaman niya na magkaiba ang taong nang-iwan at nanakit sa kanya noon. Na si Brianna
'yon.... nagpapasalamat siya na sinaktan siya nito. Na iniwan siya. Dahil kung hindi? Baka
hindi sila ni Arianna ngayon. Nagpapasalamat siya na kahit iniwan siya ni Brianna, dumating
naman si Arianna sa buhay niya. Dahil ngayon, natuto ulit siyang magmahal.... at higit pa sa
pagmamahal niya kay Brianna noon.

So, thank you for the broken heart

And thank you for the permanent scar

'Cause if it wasn't for you, I wouldn't be here

With the love of my life, all my pain disappeared

I've come so far...

So, thank you for the broken heart

Sana narinig ni Arianna ang mga linyang 'yon. Sana nanatili muna 'to bago umiyak para lang sa
wala. Sana... sana ayos na sila ngayon.

Nilingon niya si Brianna. Nakangiti 'to sa kanya. At bilang pasasalamat sa pagsasama nila noon,
ginantihan niya rin ito ng ngiti. For breaking my heart, thank you, Brianna.

I'll never have a broken heart.

***

*******************************************
[44] 41. Ikaw lang.
*******************************************

41. IKAW LANG.

LINGGO na, wala pa ring kibuan sina Arianna't TJ.

Mamayang gabi ang battle of the bands. Susuportahan niya pa rin sila TJ. Di ba? Girlfriend, e.
Kahit pa... Hay...

Napabuntong-hininga na lang ulit siya. Naalala niya na naman 'yung kahapon.

"You should've stayed, stupid", said Brianna, again.

"Shut up, B", she told her for the nth time. For crying out loud, the girl was like torturing
her! She keeps on telling her that she should've stayed and listened to the whole song.

Well, guess what? She should've. Her fault!

Nakakainis lang kasi. Kaninang umaga, pagkauwing-pagkauwi nila, sinearch niya agad ang kantang
dinedicate ni TJ kay Brianna kagabi. Hindi sa dahil gusto niyang torture-in ang sarili niya,
pero dahil pinilit siya ni Brianna.

At oo. Nagulat siya nang mapakinggan niya ang buong kanta.

Oo na. Naiyak din.

Medyo tanga kasi. Kung pinakinggan niya lang sana ang kanta, okay na sana. Kaso, ano'ng
magagawa niya, e, naunahan na siya ng selos? O, sige na, selosa na siya. Pero, nakakaselos
naman kasi talaga. Tsaka, malay niya ba!

Ah, basta. Nakapagdecide na siya. Siya na mismo ang magso-sorry kay TJ pagkatapos ng battle
mamaya. Sana magkaayos na sila.

"Mom!" sigaw ni Brianna nang makita nitong pababa ang mommy nila. Nasa living room kasi sila't
nanunuod ng hindi niya naman maintindihang palabas sa TV. Wala rin ang daddy nila. Inaayos ang
ilan sa mga papeles nila.

"Yes, baby?" tanong ng mommy niya sa kambal niya.


"Wait. Dito tayo, mom, dali!" Hinila agad ni Brianna ang mommy nila papunta sa kitchen.

Daya. Halatang ayaw siyang isali. Kung nasa mood lang siya, eepal siya't makikiusisa sa mga
'yon. Kaso, wala, e. Hinayaan niya na lang. Mga ilang minuto rin bago bumalik sa sala ang
mommy't kambal niya.

"Hanggang ano'ng oras kayo mamaya?" tanong ng mommy niya pagkaupo sa tabi niya. Si Brianna pa
rin ang kausap.

"Mga 11 PM siguro, 'me", sagot ni Brianna.

"Hmm... Okay. Seryosong usapan", sabi ng mommy niya tsaka sila parehong inakbayan ni Brianna.

Nagtaka siya. Para sa'n at kailangang maging seryoso?

"Strikto ba 'ko?" tanong ng mommy niya.

"Hindi", sagot niya. Samantalang mahabang "No" naman ang sagot ni Brianna.

"'To naman, maka-no! Pakiss nga!" Natatawang kiniss pa ng mommy niya ang kambal niya.

Natawa na lang din siya. Maka-no nga naman kasi si Brianna, akala mo'ng ang tagal na nitong
nakasama ang mommy niya.

"Pero, again, serious talk, I'm not strict, right? Unlike other parents, unlike your dad..."

Sunod-sunod na tumango agad si Brianna. Natawa na lang ulit siya. Medyo strict nga ang daddy
nila.

"I don't care about the po and opo. Sus! Okay na okay ako dyan dahil mukha lang naman tayong
magkaka-age."

"Weh!" chorus nila ni Brianna.

"H'wag na kayong ano", pilit sa kanila ng mommy niya kaya natawa na lang sila. Cool naman kasi
talaga ang mommy niya sa ganyan. "Okay lang din sa'kin kahit gumagamit kayo ng bad words. Alam
ko namang in sa kabataan ngayon 'yan. As long as biruan lang naman at... oh, whatever, as long
as mga kaibigan at kamurahan n'yo lang ang minumura n'yo. Not me. Not your dad. Never to anyone
older than you. Respect sa elders, right?"

Nakakaintinding tumango sila pareho ni Brianna. "Yes po."


That's their mom. Cool, di ba?

"Pero sa kabila no'n. Kahit sa mata ng iba, e, walang kwenta ang pangangaral ko sa inyo dahil
sino ba naman ngang magulang ang papayuhan ang anak na go lang sa pagmumura, di ba? Pero, wala
akong paki sa sasabihin o iisipin ng iba. As long as okay tayo, edi, okay. Tayo tayo lang din
naman sa huli, e."

Super cool mom.

Again, napatangu-tango na lang ulit siya. Sa'n ba pupunta 'tong usapan na 'to? Ba't parang
lumalalim ata?

"So, ang point ko... despite being a cool and gorgeous mother to my beautiful daughters, malaki
ang tiwala ko sa inyo. Baby girls, h'wag n'yong iwawala 'yon, okay?" makahulugang sabi ng mommy
niya sa kanila.

"Mame, bakit... para sa'n ba 'tong seryosong usapan na 'to?" tanong niya. Nawi-weirdohan lang
kasi siya.

"H'wag ka raw munang magpabuntis, A!"

What?! Nanlaki bigla ang mga mata niya sa sinabi ni Brianna.

Oh. Okay. Sa mga sinabi nga ng mommy niya, parang sinabi na rin nito na bata pa sila para mag-
asawa. Ito namang kambal niya, direct to the point talaga, buntis agad dinala.

"Ako lang? Ikaw din, hoy. Pero, 'me, bakit ba kasi biglang nasabi mo 'yun?"

Pero imbis na mommy niya, si Brianna na naman ang sumagot. At! Makahulugan 'yung hagikgik, ha.
"Hihi. Wala lang!" Sabay kindat pa sa mommy niya.

O, sige. Ang mga ito na ang nagkaintindihan.

NAG-AAYOS na siya para sa pagpunta sa school kung saan gaganapin ang battle of the
bands. Malapit na kasing mag-umpisa ang battle.

Napatingin siya sa phone niya nang magvibrate 'yon. Medyo nataranta pa siya sa pagkuha kasi
baka si Troy pero medyo asa pa siya-si Third lang pala.

[Annambong my <3 ! Punta ka sa school? Nuod tayo botb! Bili kitang bumbong :)]
Annambong. Ugh. Napailing na lang siya. Simula kasi nu'ng kantahan niya 'to kagabi, hindi na
nakaget-over ang bata sa bumbong na 'yan. 'Yung sa Pugad Baboy? Dating dati niya pa 'yon nabasa
at iyon lang ang natandaan niya. 'Yung may lyrics na; 'Ice ice buko. Bumbong, bumbong,
putobumbong' to the tune of Ice Ice Baby.

Ang tagal kasi nilang nagkulitan kagabi. Naglihi rin ata siya, sabi niya kay Third ibili siya
ng ice buko tsaka puto bumbong at idaan sa kanila ngayon. May mga tinda na kasing ganu'n since
'ber' month na.

Ayun. Kakapilit niya na ibili siya, hindi niya na pinagsalita si Third at kumanta lang siya
nang kumanta. 'Yung isip bata naman, natuwa. Kaloka.

Nagreply siya, pero tipid lang.

[Kembong]

Bahala nga 'yon. Ayaw niya. Alam niya namang nagseselos si TJ do'n nu'ng una pa lang na nakita
sila sa harap ng gate nila, e. Makikipagbati siya, baka maunsyame pa, mahirap na.

[ANNAMBONG :)]

O, di ba, tibay, nagreply pa rin si kuya.

Magrereply na ulit sana siya nang biglang may nagmessage ulit.

[From: Cutiepatootie

Pupunta ka, di ba? Let's talk. Please.]

"Ohhhhhh, my God." Wait. Kalma. "Oh, my God. Oh, my God. Oh, my God."

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. 'Yung kanina niya pa hinihintay! Sh-t, may please pa! E,
kahit walang please 'yan, oo agad, e. Grabe. Maiiyak ata siya sa saya. Nagreply agad siya.

[Sige.]

Aba'y syempre! Wala nang patumpik-tumpik pa.

Dali dali siyang nag-ayos ng sarili niya. Si Brianna din kasi kanina pa siya pinagmamadali.
Hinihintay na siya nito kasama si Joice sa baba.

Pero bago niya makalimutan, syempre, tinext niya muna si Third.

[Koyang bata! Next time na lang ha? Makikipagbati ako kay TJ baka magselos pag nakitang kasama
kita. Libre kitang ice cream pag ayos na kame. Okay? Lamyu Kembong!]

Good mood, kaya ayan, ang saya niya. Nakibaby talk din tuloy. Grabe. Nafi-feel niya na na
magkakaayos na sila ni Troy.

[Mocha choco cookie mango almond fudge! Yey! Goodluck Annambong! Nyabnyu!] reply ni Third.

Wow, ha. Abusado si kuya. Medyo medyo marami 'yun.

Pero okay lang. Good mood, e. As if namang bilin niya nga lahat 'yun. Kahawa sa hyper 'yung si
Third, seryoso.

Hindi maalis ang ngiting bumaba na siya.

KINAKALABIT na naman siya ni Julia.

"Heka naman, Julia! 'Di ko pa makita si TJ!" pasigaw na saway niya kay Julia. Kanina pa kasi
kalabit nang kalabit sa bewang niya, e, tingkayad na tingkayad na nga siya sa kakahanap niya
kay TJ pero hindi niya pa rin makita.

Open kasi sa lahat ang school nila ngayon kaya ang daming tao. Ay, grabe. Ang dami, ang sikip
sikip, puno ang hall. May nagpe-perform na rin sa stage kaya ang ingay din. Syempre, banda.

Kinilabit na naman siya ni Julia. This time, nilingon niya na.

"Anak ka ng ano naman, Jul.......ya."

Medyo umurong ang dila. Medyo pahiya. Medyo nakakahiya.

Sh-t. Walang Julia. Walang barkada. Nasaan? Bakit wala ang barkada niya na kanina lang, e,
kasama niya?

"T-troy...." Sh-t, puso ko!

Bakit si Troy? Bakit.... Kanina pa ba 'to rito?

"Hindi mo naman ako kailangang hanapin, kusa akong darating." Sabay ngiti ng nakakatunaw na
ngiti?

Naman, o. Iyak na siya.


Kasi, e. Narinig niya pa rin kaya 'yon kahit ang lakas ng tugtog. Grabe. Miss na miss niya na
talaga 'tong lalaking 'to.

Hindi siya makapagsalita. Naiiyak siya. Naiiyak sa tuwa.

"Pumayat ka lalo", sabi ni TJ sa kanya sabay sundot ulit sa bewang niya.

"Taba mo, e", ganti niya.

Mas lalo naman kasi 'to. Pumayat lalo si TJ. Bakit nagpayatan sila? Ilang araw lang 'yun, ha.

Hay, love. 'Pag depress ka nga naman.

Narinig niyang mahinang tumawa si TJ. Oo, narinig niya. Ang lapit kasi nila sa isa't isa.
Masikip kasi, tsaka para magkarinigan sila.

Namiss niya 'yung tawa ni TJ. Grabe. Lahat lahat sa lalaking 'to, namiss niya. Lahat.

"Excuse me, padaan!"

Ow, sh. Na-out of balance siya nang may biglang dumaan sa likod ni TJ at natulak si TJ papunta
sa kanya. Buti na lang nasalo siya ni TJ.

Ang kaso... yakap na siya ni TJ ngayon. Okay, wala palang kaso 'yon.

Damn, her heartbeat, please.

Tumawa na naman si TJ. 'Yung tawa talaga nito, nakakaadik.

Dumiretso na sila ng tayo.

"Arianna, we need space."

What?

"Mainit! Masikip! 'To naman!" dagdag agad ni TJ nang makita siguro ang gulat na reaksyon niya.

"Ah..." Nahihiyang napangiti na lang siya. Medyo praning kasi.


Hinawakan ni TJ ang kamay niya at hinila na siya paalis sa pwesto nila.

Kalma lang siya. Kalma lang. Kahit sa loob niya, may party party na.

"Hoy, mga bakla! Pa'no kayo napunta dyan? Ba't n'yo 'ko iniwan?" sigaw niya agad sa barkada
niya nang makarating sila ni TJ sa pwesto ng mga ito. Nasa gawing harap sila at malapit nang
sobra sa stage. Required ang sumigaw.

"Naglakad, 'te!" sigaw ni Kiray.

"Korak! Eng-eng lang kasi? Kanina pa natin kasama ro'n dyowa mo, hindi mo pa napansin!" dagdag
ni Ej.

What? Kanina pa nila kasama si TJ do'n?

Tinignan niya si TJ at sinenyasan lang siya nito na tama ang sinabi ni Ej.

Great. Para lang pala siyang tanga kanina.

Nagulat na lang siya nang biglang bumitiw si TJ sa kanya. Gusto niyang itanong kung bakit pero
nginitian siya ni TJ at tinitigan ng makahulugan. Tsaka 'to naglakad paalis.

"Oh, my God! Next na sila!" sigaw ni Joice. At mahabang sigawan na nga ang sumunod.

Kaya naman pala umalis na si TJ.

Tinignan niya'ng isa-isang umakyat. Si Derick, Neil, Diego, Jake at TJ.

Their friends. Up there? They were like meant for that stage.

"Woo! Go fafas!" sigaw nila Ej at Kiray.

"Babe! Go, Jake!" Bea.

"Je! Goodluck!" Julia.

"Honeydee!" Lexi.

Kanya-kanyang cheer sa mga dyowa ang mga kaibigan niya. Kanya-kanyang endearment, e. Patalbugan
lang?
Si Yen at Brianna naman, nakiki-'woo' lang. Mahiyain kasi si Yen, wala namang partner si
Brianna.

Siya, hindi mapakali. Parang kinakabahan siya na na-e-excite na ewan.

Pinakilala na ang grupo nila TJ. Grabe, ang daming fans. Palibhasa, grupo talaga nito ang isa
sa inaabangan ng mga kababaihan sa school nila. Nakaka-proud.

Nag-umpisa na'ng tumugtog ang mga kaibigan nila.

Teka. Alam niya 'yung intro. Saan niya ba narinig 'yon?

"Ehem", nagsalita si Neil sa mic. "Ang awiting ito ay inihahandog namin para sa iniirog ng
aming kaibigang TJ ang pangalan."

Sigawan agad ang lahat.

Siya naman, ramdam niyang pulang pula na siya. Siya ba 'yon?

"Korni man sa inyong pandinig, wapakels daw, pogi pa rin", patuloy ni Neil sabay turo kay TJ.
"Naks, o! Puge!"

Nagtawanan lahat. Walang'ya. Haha. Loko kasi, 'yung tono Neil nakakatawa.

Kahit pasimple, alam niyang maraming nakakita nang bigyan ni TJ ng middle finger si Neil. Haha.
Sira-ulo kasi talaga si Neil.

Tapos sumeryoso na si Neil at TJ.

"Para 'to sa'yo, Arianna."

Halos hindi na niya narinig ang huling sinabi ni TJ dahil sa hindi pa nakaka-recover ang mga
fan girls sa pagtili kay Neil nang magsalita naman si TJ na nakatanggap ng mas malakas na
sigawan. Pero alam niyang pangalan niya 'yon at sigurado siya ro'n dahil sa buka ng bibig ni TJ
at bukod do'n, sa kanya nakatingin si TJ.

Ewan niya lang, ha. Senti 'yung kanta, pero ang lakas pa rin ng sigawan.

Pero, 'yung kanta... Alam niya 'yung kanta. Iyon 'yung nasa iPod ni TJ. 'Yung isa sa mga kanta
ng paborito nitong banda dito sa Pilipinas.
Nagkatitigan sila ni TJ. And that moment, she knew TJ meant every word of the song, only for
her.

14 by Silent Sanctuary.

***

*******************************************
[45] 42. Replay.
*******************************************

42. REPLAY.

"MAME, punta na 'ko kila Joice, ha?"

Napahinto sa pagkuha ng tubig mula sa ref si Arianna nang marinig ang sinabing 'yon ng kambal
niya. Lumapit siya sa rito at sa mommy niya na kasalukuyang nasa sala.

Kanina pa sila nakauwi mula sa panonood ng battle of the bands. Ready na nga silang matulog, e.
Ewan niya lang sa kambal niyang 'to, pupunta pa kila Joice?

"Okay, baby", sagot naman ng mommy niya at naggood night kiss pa.

What? "Hoy, twin! Ano'ng gagawin mo kila Joice? Sama 'ko!" sabi niya na ngumuso pa.

Syempre. Bati na sila ni TJ, e. Naayos na nila ang lahat kanina. Nakapag-usap na sila nang
maayos. Nakapagsorry at napatawad na ang isa't isa. And... sweet na ulit sila. Yes. Sweet.
Grabe lang, namiss niya kalandian ng boyfriend niya.

"Tse! Bawal panget!" Binelatan pa siya ni Brianna.

Sinamaan niya nga ng tingin. "Wow. Makalait ka naman sa sarili mo, 'te."

"Ay? Haha. I forgot. Ah, basta", sabay talikod nito sa kanya

"Gara naman, e. Ano ba'ng gagawin nyo?" kulit niya.


"Movie marathon."

"Tamo! Sama kasi ako!" Daya, ayaw siyang isama! Wala namang pasok bukas, bakit ayaw siyang
pasamahin?

"Hooror movie marathon, ineng."

Bigla siyang natameme. "A-ahh... He he."

"Ano? Sama ka? Tara, karga pa kita", halatang pambubuska ni Brianna sa kanya. Alam na rin kasi
nitong matatakutin nga siya.

Sarkastikong nginitian niya nga. Bwiset din, e.

"Naku, itong magkamukhang 'to!" natatawang sabi ng mommy niya. "O, hala. Gora na, Brianna. At
ikaw naman, ateng", tinuro pa talaga siya, "Hala. Tulog!"

Cute talaga ng mommy niya. Manang mana sila. Haha.

"BEKS!" salubong agad ni Joice kay Brianna nang puntahan na siya nito sa kanila.

"Uy, beks! Lusot ako! Well. Haha", may pagmamayabang na bungad ni Brianna sa kanya. Lusot saan?
"Kuya mo, nasaan?"

Kuya niya? "Sa kwarto niya. Ba't mo hinahanap-"

"Lika, puntahan natin!" Halatang excited na hinila na siya ni Brianna. 'Di man lang siya
pinatapos?

Ano namang gagawin nila sa kwarto ng kuya niya? Akala niya ba, magmomovie marathon sila? Kasama
ba ang kuya niya? Hala...

Kinatok ni Brianna ang pinto ng kuya niya nang makarating sila sa tapat ng kwarto nito. Lagi
naman kasing naglalock ng kwarto ang kuya niya.

Pagbukas ng pinto, isang masaya't halatang excited din na mukha ng kuya niya ang bumungad sa
kanila. "Brianna!"

Oh-kay? Kamusta naman daw 'yung para na-OP siya? Excited lang pareho?
Itong dalawang 'to... Parang may something, e. Teka. Hindi kaya....

"Hoy, kayong dalawa!" sita niya sa kuya niya't kay Brianna kaya napatingin ang mga 'to sa
kanya. "H'wag n'yong sabihin sa'kin na pinagtataksilan n'yo si Arianna? Hoy, ha! Nagkabalikan
na ba kayo??" Maski siya nagulat sa biglang nasabi niya. Oh, no. Don't tell me... "Mga taksil!
Pinagtataksilan n'yo si A! Oh, my God, you two-"

Pok!

"Aww!! Kuya??!" Pukpukin ba naman siya ng iPod sa ulo?

"Baliw ka talaga. Kakabati lang namin ni Arianna, umi-issue ka na naman. Tapon kita dyan,
makita mo", pabirong inakmaan pa siya ng kuya niya. Nagtago tuloy siya sa likod ni Brianna.

"Haha! Taray ng imagination, 'te! Lika na nga, manuod na tayo", natatawang hinila na siya ni
Brianna papunta sa kwarto niya.

E, kasi naman. Ano'ng malay niya ba.

"Bri! Salamat ulit!" pahabol pa ng kuya niya kay Brianna. Bilang tugon, nginitian naman ni
Brianna ang kuya niya.

"Ano ba kasi 'yon? Weird n'yo kaya", tanong niya nang nasa kwarto niya na sila. "Para kayong
may binabalak na ewan.

"Meron nga." Nakakalokong ngumiti si Brianna. "Gan'to kasi. Pinagpaalam ko na si TJ kay mame
kanina. At pumayag si mommy!" makilig-kilig na sabi nito sa kanya.

"Pumayag saan?"

"Matulog si TJ kasama si A."

"WHAT?" Napatayo pa siya sa gulat.

"Bading naman! Maka-react? Kaya nga ako nandito't magmomovie marathon kasama ka, di ba? Planado
na namin ng utol mo 'to."

Okay. Oo nga. Pero, kahit ba.... "P-pa'no kung... Kung may mangyari...."

"Nakakaloka, 'te, ha. Imagination, medyo malikot", natatawang inilingan siya ni Brianna. E,
pa'no naman kasi.... "Edi, nirambo namin ni mame 'yang kapatid mo 'pag ginalaw niya si A. At
h'wag kang mag-alala, gigilitan naman namin si A 'pag sinuko niya ang Bataan. Kaloka. Wala ka
bang tiwala sa kuya mo? 'Di no'n sisirain tiwala namin ni mommy sa kanya, 'no. Kaya relax.
Chill, will ya?"
Sabagay. May point si Brianna. Hindi nga naman basta basta sisirain ng kuya niya ang tiwala ni
Tita Geli rito. Hindi naman siguro magagawa nu'ng dalawa 'yung.... alam mo na.

MEDYO parang gustong magsayaw ni TJ sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa
excitement na nararamdaman niya. Parang tanga lang, hindi niya mapigilan ang ngiti niya. Shet.

Astig talaga ni Brianna. Tinulungan pa siyang magpaalam kanina kay Tita Geli. Lalo namang mas
astig si Tita Geli. Pinayagan siya, kinausap at pinayuhan pa. Cool talaga.

Kumatok siya sa pinto ni Arianna pero walang sumagot. Gabing gabi na kasi. Past 1 o'clock.
Syempre, naglock na 'yun. 'Di na no'n inaasahan na mambubulabog pa siya.

Mga nakalimang katok pa siguro siya.

Tagal. Kiss niya kaya pagbukas? Iinip na siya, e. Malamok kaya.

Dalawang katok pa... Open sesame! "TJ? Bakit...?"

Oha. 'Di lang talaga gwapo, may kapangyarihan din siya. "Patulog."

"A-ano??"

Hindi niya pinansin si Arianna. Nagpipigil ng ngiting nagtuloy-tuloy lang siya sa loob ng
kwarto nito't nahiga sa kama.

"H-hoy! Ano ba'ng.... Hoy, umuwi ka nga sa inyo!" mahina pero parang pasigaw na sabi ni Arianna
sa kanya. Nagmamadali nitong nilock ang pinto ng kwarto-hindi 'yung sa veranda.

Hindi na niya pinigilan ang ngiti niya. "Ayoko nga. Belat", pang-iinis niya pa. Cute talaga ng
girlfriend niya. Kagigil, e.

"Hoy naman kasi!" Nilapitan siya nito tsaka siya pilit na tinatayo mula sa kama. "Tumayo ka
nga! Dali, uwi na! Baka maabutan ka ni B, baliw ka ba? Kokonyatan kita dyan, e!" Pero parang
wala lang siyang naririnig, tatawa-tawa pa siya. "TJ?! Adik ka talaga! Tumayo na kasi! Tayo!
Tayo na sinabi-"

Niyakap niya nga. Ingay, e. "Tayo naman talaga, ha? May iba ka ba? Sapak kita."

Medyo natameme. Namula bigla ang bata. Nahiya. Tsk. Gwapo niya talaga.
"Sira-ulo ka talaga", mahinang hinampas siya ni Arianna sa dibdib.

"E, ba't kinikilig ka?"

"Kapal ng mukha!" Pero bigla namang nag-iwas ng tingin tsaka tinry na makawala sa kanya.
Papayag ba siya?

"Ayun, ayun. Kaila pa, e, pulang pula na?"

"Bwiset ka!" Lalo tuloy nahiya.

"Haha. Sorry na", natatawang hinigpitan niya ang yakap kay Arianna. Magkatagilid silang
nakaharap sa isa't isa. Niyakap niya lang nang mahigpit hanggang sa tumigil 'to sa
pagpupumiglas.

Bango ng buhok. "Tulog na tayo", mahinang sabi niya.

"Sira-ulo ka ba talaga? 'Pag tayo naabutan ni Brianna o kaya nila mame", hindi naman mapakaling
sabi nito.

"Kalma... Planado po ito. May abiso, may permiso, h'wag ka ngang ano."

"Permiso? Ano'ng permiso? Kanino? Kay mame?" hindi makapaniwalang tanong ni Arianna na parang
nagets na kung ano ang nangyayari.

"Oho. Lakas ko na 'yun kay tita." Wala atang bilib sa kanya, e.

"Seryoso? Adik talaga ng nanay ko", iiling-iling na sabi nito. "Pero kahit ba! Si B, mamaya
lang uuwi-Nice. Kasabwat mo rin si B." Hindi na tanong, nahulaan na, e.

"Bingo", natatawang sabi niya. Sa wakas, nakuha na rin.

"Bakit ang babaliw nila. Pinayagan ka, hindi ba nila alam na delikado ka?"

"Aba? Hindi krimen ang pagiging gwapo."

"Hindi nga. E, bukod naman sa pinasok mo na nga ang buhay ko, ninakaw mo pa ang puso ko."

Siya naman ngayon ang medyo natameme. Talaga bang pumick-up line si Arianna sa kanya? Takte,
pigil na pigil siya sa tawa!
Halatang naamaze sa naging reaksyon niya, tinaasan pa siya ng kilay ni Arianna. "O, ano? Sa
prisinto ka magpaliwanag, boy."

Sa sobrang pagpipigil na matawa't baka mapilas pa ang mga pisngi niya, pinanggigilan niya na
lang sa yakap ang girlfriend niya. "T-ngina, ta's magtataka sila kung ba't mahal na mahal
kita?"

"Haha! Masikip!" natatawang reklamo nito sa kanya.

Niluwagan niya ang pagkakayakap pero hindi pa rin pinakawalan si Arianna. Matagal na nanatili
lang sila sa gano'ng pwesto.

"Patoots... aalis nga pala kami."

What the, what?

"Sa'n punta?" Tinago niya ang biglang pagkairita't gulat niya.

"Canada."

"Kailan? Matagal? Bakit?" F-ck. Alam niyang doon galing sila Brianna, e. H'wag nitong sabihing
maninirahan na ang pamilya nito ro'n? Sh-t, 'di pwede 'yon, baka magkaiyakan sila ng mama't
papa niya masundan niya lang si Arianna.

"Chill, babe. One month lang naman kami ro'n. Gusto raw akong makita ng lolo."

'Yun naman pala. Hoo. Kahinga rin nang maluwag.

"Medyo matagal pa naman 'yun. Kaso... hindi kami rito magpapasko tsaka New Year", halatang
halata naman sa tono ni Arianna na nalungkot din 'to sa sariling binalita. Lalo naman siya.
Tsk. First Christmas and New Year sana nila 'yon na magkasama.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Ayos lang 'yon, babe. Marami pa tayong paskong icecelebrate
at bagong taong sasalubungin", sabi niya na lang. Pampalubag loob man lang ba sa kanilang
dalawa.

"Hay... Kung bakit naman kasi ang gulo ng pamilya namin."

Medyo napangiwi siya sa sinabi nito. "Arianna, may mas magulo pang pamilya kaysa sa inyo."

"H-huh?" saglit na nagulat si Arianna sa sinabi niya. "Oo nga. Tama ka."
Tipid na ngumiti na lang siya. Kung alam mo lang....

"Hoy, lalake", kinalabit siya nitong bigla sa baba kaya yumuko siya't tinitigan 'to. "Nagselos
nga pala 'ko sa inyo ng kambal ko nu'ng nag-outing tayo. Habang nagvovolleyball sila, kayo
naman... Tss. Saya n'yo lang no'n. Enjoy much?" Inirapan pa siya sabay haba ng nguso.

"Ito naman, napakaselosa", mahinang kinurot niya nga sa ilong. "Hirap 'pag pogi talaga."

"Tse!"

Adik talaga nito. "'Yun lang, e. Alam mo bang kaya kami nagkakatuwaan no'n, e, dahil sa ginoyo
ako ng kambal mong magaling? Buti na lang talaga mahal na mahal kita, e."

Halata namang nacurious si Arianna. "Bakit? Ano ba 'yon?'

"Mana kaya sa'yo kambal mo. 'Pakagaling palang mambuska no'n, samantalang dati....." Naalala
niya tuloy kung ga'no kahinhin si Brianna noon.

"Nagrereminisce." Hindi nakalusot sa kanya nang malungkot na ngumiti si Arianna.

Ito talagang babaeng 'to...

Hinalikan niya sa noo si Arianna. "H'wag na h'wag mo na ulit pagseselosan 'yung kambal mo.
Pwede ba 'yon? Kasi siya, minahal ko lang, pero ikaw, mahal kita."

Kahit paulit-ulit niyang sabihhin 'yon, hindi siya magsasawa.

Arianna closed her eyes. "Will try."

"Try lang?"

"Fine, hindi na po." Nagkandahaba na naman ang nguso nito.

"Seryoso, walang kwenta kung magseselos ka sa'ming dalawa."

"Oo na nga po. Ano na, kwento mo na kasi 'yung ginawa ni B."

Natatawang napailing na lang siya. Pustahan, naiinip na 'to. Mainipin din talaga, e. Meant to
be talaga sila. "Gan'to kasi 'yon................"
--

"TJ... may pag-asa bang maging tayo ulit?"

Gusto niyang mapa-what nang malakas. Seryoso ba 'tong si Brianna? Seryoso ang mukha, e.

Pero kinonsider niya ang tanong nito. Kung wala siyang mahal ngayon, baka mabigyan niya pa ng
chance ang relasyon nila. 'Yun, e... kung wala. Ang lagay, e, meron. Mahal na mahal pa.

"Sorry, Brianna. Mahal ko talaga si Arianna, e. Higit kahit kanino." Halos sa sarili niya lang
sinabi ang huling mga katagang binitawan niya.

Hindi nagsalita si Brianna. Ilang segundong natahimik lang sila.

"HAHAHAHA!" Bigla siyang napatingin kay Brianna nang bigla rin 'tong tumawa nang malakas. "Ikaw
na! The best ka, e! Haha. Pasado ka sa aking pagsusulit, ginoo." Ano raw? "Kaya na nga ba hindi
ako nafall sa'yo noon hanggang ngayon, e. Keso mo, dude, pamisa tayo! Kinikilabutan ako, e.
Hahaha!"

E, 'yung feeling na seryoso ka ta's tatawanan ka lang niya? Pektusan niya kaya 'to?

"He he. Kakatawa, 'no? Ikaw lang natawa, e", sarkastikong sabi niya.

"Haha! I know, right."

--

"'Yun. Medyo baliw lang. Ta's naalala ko nga, nu'ng unang kita ulit namin na inakala kong ikaw
siya, ang sabi niya no'n may iba siyang mahal. Tanga ng bobo, 'di agad naalala, kumeso tuloy",
natatawang sabi niya na lang matapos niyang ikwento ang ginawa ni Brianna sa kanya. "Pero di
rin naman pala talaga totoo 'yung may iba siyang mahal. Sinabi niya lang daw 'yon kasi akala
niya ipagpipilitan ko pa rin sarili ko sa kanya. Chix ata, e."

Ito namang babaeng yakap niya, tawa pa nang tawa. "Nagoyo ka ro'n, Jepengson! Hahaha! Mana
talaga sa pinagmanahan si B."

"Epal mo. At least, pinaglaban kong mahal kita."

Medyo umurong ata ang dila ng bata. Natahimik, e.

Napangiti na lang siya nang yakapin siya nito sa bewang. "Thank you, babe. Mahal na mahal din
kita, kung alam mo lang."

Kahit nga hindi siya mahal nito, e. Basta mahal niya si Arianna, si Arianna lang. Kahit
ipagtabuyan pa siya nito, hindi magbabago ang katotohanang mahal niya 'to. Pero siya na yata
ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo. Kasi 'yung mahal niya, mahal din siya.

MATAGAL na yakap yakap lang ni TJ si Arianna. Inaantok na nga siya, e.

"Baby ko", tawag ni TJ sa kanya.


"Hmm?"

"Selos din ako."

Napakunot-noo siya. "Kanino?"

"Du'n sa ngiting aso na kausap mo kanina."

Ngiting aso? Si Third? Ngiting aso raw, e. Si Third nga siguro. Wala rin naman siyang ibang
kinausap na lalaki kanina maliban sa barkada at kay Third.

Oo nga pala. Pagdating kasi nila ni Brianna't Joice sa school, sinalubong agad siya ni Third.
Hala. Nakita ni TJ 'yon?

"N-nakita mo 'ko?" alanganing tanong niya.

"Hindi. Kinain kita."

Ay, bwiset. Kasi nga, di ba? Bati na sila kaya ayan na naman si Ka Bara.

"'De, loko lang. Ngiting aso naman kasi, ikaw naman kuntodo ngiti. 'Di naman pogi katulad ko."
Kahit nagbibiro, alam niyang may halong selos 'yon. Kung selosa siya, ano pa 'tong dyowa niya?
Saksakan naman kaya.

Pero... si Third? "Ano ka ba, parang batang kapatid ko lang 'yun, e. Kahit mas matanda kasi,
ang isip bata kaya no'n. Nakakatawa pa. Tsaka, ano ka ba. Mas pogi ka nga. Sa lahat pa nga, e.
Di ba? Ikaw ang pinakagwapo sa mga mata ko at MO. Haha. Pogi mo kase."

"'Lam ko 'yan", ubod ng yabang na sagot naman ng loko. 'Yung pang-iinis niya, nababalewala lang
sa kayabangan nito, e.

"So kung alam mo naman pala, h'wag ka nang magselos, pwede rin ba 'yon?"

"Yes, sir."

Napangiti na lang siya. At ayun. Natahimik na naman sila.

"I love you", bulong bigla ni TJ sa tenga niya.

Shet. Pakilig. Bwiset 'to, walang warning.


She smiled. "I love you more, babe."

"I love you", ulit ni TJ.

"Love you rin nga, e."

"I love you."

"I love youuuuuuu." Ang kulit. Pauli-ulit?

"I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love
you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love
you. I love you. I love you. I love you....."

"O, ano? Napagod ka, 'no?" asar niya

"Ano kamo? Nagpahinga lang. Tapos I love you ulit. I love you. I love you. I love you. I love
you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you-"

"I love you more nga!"

"...I love you. You, and you, and you, just you. I love you!" Halos kapusin na ng hiningang
natawa si TJ sa tenga niya.

Grabe. Ano ba'ng nakain nito at inlove na inlove sa kanya? 'Yung totoo? Ginayuma niya ba 'to?
Ewan, ha. Pero, ang sigurado, mahal niya 'tong lalaking 'to. Sobra.

Nakasandal siya sa braso ni TJ at pareho silang nakayakap sa isa't isa. Hindi kaya nangangawit
si TJ? Hindi kasi umaangal, e. I love you pa rin ng I love you kahit boses inaantok na.

Inaantok na rin nga siya sa kaka-I love you nito, e. Ang sarap pakinggan. Kung kanta lang ang
mga I love you ni TJ? That will best song ever, she'll rape the replay button forever.

Papikit-pikit na siya nang maramdaman niyang may nilalagay na kung ano si TJ sa tenga niya.

Earphone.

And the next thing she knew, sinasabayan na ni TJ ang kanta.

Guess what? Alam niya ang kanta. Kaya naman napangiti siya.
When we turn out the lights, the two of us alone together

Something's just not right

But girl, you know that I would never

Ever let another's touch come between the two of us

'Cause no one else will ever take your place

No one else comes close to you

No one makes me feel the way you do

You're so special girl to me

And you'll always be eternally

Every time I hold you near

You always say the words I love to hear

Girl with just a touch, you can do so much

No one else comes close

Pampatulog? Nah. Pampakilig bago matulog.

Lord, ang saya saya ko, maraming salamat po.

Feeling niya tulog na siya, pero gising pa rin ang diwa niya.

Gutong gusto niyang pinapakinggang ang pagkanta ni Troy. Lahat ng kantang kinakanta nito sa
kanya, lahat may laman. Lahat nagpapahiwatig ng nararamdaman nito para sa kanya.

Oh, girl you know I'll always treasure every kiss, every day

I love you, girl, in every way

And I always will 'cause in my eyes

Mas lalo siyang inantok sa paghaplos na ginagawa ni TJ sa buhok niya. Lalo pa nang halikan nito
ang noo niya. Alam na alam talaga nito kung pa'no siya mapapasaya.

Dati, ni hindi niya pinangarap na magkaboyfriend. Pero simula nang dumating si Troy? Kahit si
Troy na lang.... No. Si Troy lang. Si Troy lang, sapat na.

Naramdaman niya na mas humigpit ang yakap ni Troy sa kanya. Kahit parang panaginip lang ang
lahat, hindi niya mapigilan ang matuwa at kiligin.
Much more when he gently kissed her on the cheek, and whispered the last words of the song to
her ear.

"Damn, I love you."

***

*******************************************
[46] 43. Long-distance celebrations.
*******************************************

43. LONG-DISTANCE CELEBRATIONS.

"GIRLS! Puntahan natin ang lolo n'yo?" aya ng mommy niya sa kanilang dalawa ng kambal niya
pagpasok nito sa kwarto.

"Okay, 'me. Wala naman kaming ginagawa, e", sagot niya. Nanunuod lang naman kasi sila ng kung
ano'ng palabas sa TV. Gossip Girl ata ang title. Si Brianna, tutok na tutok. Siya, wala lang.
'Di niya naman kasi nasusubaybayan 'yon.

Buti na lang nagkaayos na ang mommy at lolo niya. Syempre, labas na sila sa usapan ng
matatanda, pero alam nilang nagkaayos na nga ang mga ito.

She pictured her grandfather as somewhat strict and scary old man. Na doble o triple ng daddy
niya. Buti na lang, mali siya. Lolo Javier was a strict and controlling father according to her
father, but now? Simpleng dumalaw lang sila rito, abot tenga agad ang ngiti nito. And he's
really fond of her, Brianna wants to throw her away sometimes. Sobrang saya niya kasi kumpleto
na talaga ang pamilya niya. Grabe. Sobra.

Pero ang gara lang. Kung kailan pa nagkasakit ang lolo niya't nasa ospital, tsaka lang sila
nagkita-kita. Kung sana mas maaga, nakakasama pa nila sa bawat outing ang lolo niya. Kaso,
hindi. Sa ospital lang nila 'to nakakasama dahil bawal lumabas nang matagal.

Mag-iisang buwan na sila sa Canada. Kaya nga miss na miss niya na si Troy, e. Dito silang
pamilya nagcelebrate ng Christmas. At maya-maya lang, New Year na sa Pinas.

Hay. Hindi sila magkasama ni Troy. Ang nakakainis pa, ibang babae ang kasama nito.
'Pakababaero. 'Kakatampo.

"O, sige. Mag-ayos na", sabi ng mommy niya. Lalabas na sana 'to ng kwarto nila nang biglang
pumasok naman ang daddy niya.
"A, nakalimutan ko nang ipakita sa'yo 'to." Umupo ang daddy niya sa gilid ng kama sa tabi niya
at may inilapag na album sa kama. "Here..."

"E, ang panget kaya nila dyan. Ew, h'wag mo nang tignan, A! Haha" buska ni Brianna sa mommy't
daddy nila kahit tutok na tutok pa rin sa pinapanuod.

"Batang 'to", pabirong akmang ipupukpok ng daddy niya kay Brianna ang album.

Bigla namang tumayo ang kambal niya't nagtago sa mommy niya. "Mommy, o!"

"Daddy! Inaaway mo baby ko", saway naman ng mommy niya sa daddy niya.

Natawa siya. Grabe, ang arte po ng kambal niya. Pababy masyado.

Ngingiti-ngiting tinaas na lang ng daddy niya ang dalawang palad. Sign na 'di na 'to papalag sa
mommy niya. Ang sweet kaya ng mga magulang niya, minsan nga nakakasuya na pero tiis pa. Haha.
Ang saya pala talaga na bukod sa kumpleto ang pamilya, medyo maloko pa.

Inumpisahan niya nang huklatin ang album. Ilang beses niya na kasing nasabi sa daddy niya na
gusto niya pang makakita ng pictures bukod sa albums ng mommy niya.

"Puro kami lang ng mommy mo 'yan kasama ang mga kaibigan namin noong girlfriend ko pa lang
siya", paliwanag ng daddy niya habang pinakakatitigan niya naman ang mga kuha.

Naupo na rin ang mommy niya't si Brianna sa kama at nakitingin na rin.

May kalumaan na ang mga pictures. Laging magkatabi ang mommy't daddy niya sa mga 'yon.
Nagkakahiyaan o 'di kaya naman, nagtutunawan ng titig.

Pero iba ang nakaagaw sa atensyon niya.

Isang lalaking kasama rin sa halos lahat ng pictures. At, eto pa... kapag hindi magkakatabi ang
mommy't daddy niya at ang lalaking 'yon, may mga kuha ang mga ito na 'yung lalaki, nakatingin
sa mommy niya. Parang nakaw-tingin ba. Stolen shots ata.

Pero parang ang weird kasi. Nagkagusto kaya ang lalaking 'yon sa mommy niya?

"Dad, sino siya?" tanong niya sa daddy niya't tinuro ang lalaking nakaagaw ng atensyon niya.
Pati ang mommy niya't si Brianna, tinignan din ang tinuro niya.

"Ang weird, 'no, A? Bestfriend daw. One-sided ata kay mommy. Haba ng hair, mana sa'tin!" agaw
eksena na naman ni Brianna. Medyo epal. Haha.

Pero nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ni Brianna. Hindi sa nagulat siya na alam nito.
Malamang, naikwento na ng daddy niya rito 'yon. Hindi rin siya nagulat na may one-sided love
nga ang lalaki sa mommy niya kung totoo man 'yon. Pero kasi.... parang nakita niya na ang
lalaking 'yon.

Nakita? Hindi ata. Pero parang namumukhaan niya, e. Teka, ewan niya. Nakita niya na nga kaya
ang lalaking 'yon?

"Muntik na 'kong magpakasal sa kanya", bigla na lang saad ng mommy niya.

What?! Muntik?

"Ba't 'di ko alam 'yan!" Halatang nagulat din ang kambal niya.

"Pa'no mo malalamn, e, kailan ko lang din naman", sagot dito ng daddy niya. "Remember, wala na
kaming koneksyon ng mommy n'yo sa isa't isa simula no'ng magkahiwalay kami."

"Ay. Oo nga pala." Napatango na lang si Brianna.

Pero, iba talaga. Parang biglang gusto niyang malaman ang lahat.

"Mame, kwento ka. Pa'no'ng muntik na kayong magpakasal? Bestfriend? Rebound? Ano 'yan, mame,
kwento na, dali", halatang atat na tanong niya.

"Hinga, anak, hinga. Kalma... Excited much? Curious to the highest level, 'te?"

She just rolled her eyes in a playful way. Okay, kalma. Pero may something talaga sa lalaki sa
larawan na 'yon. Parang nakita niya na talaga na hindi niya lang matandaan kung nakita niya nga
ba talaga.

"Sige na, Angelica. Ikwento mo na sa kanila", nangingiting sabi ng daddy niya sa mommy niya.

"Narinig mo 'yun, Gelay?" pabirong tinaasan niya pa ng kilay ang mommy niya.

Mommy niya naman, nag-nyenye na lang sa kanya. Haha. Loko talaga.

"Eto na nga po, di ba. Ano kasi 'yon... Kaming tatlo ng daddy n'yo at ni Gabriello-or Gab, kung
tawagin namin-bestfriends kaming tatlo. Actually, hindi ko pa kilala ang daddy n'yo pero
matagal na kaming matalik na magkaibigan ni Gab. Siya ang nagpakilala sa'min ni Ariel sa isa't
isa."

"Magkababata kasi kami ni Gabriello. Lumipat lang sila sa Cebu. Kaya noong lumipat din kami sa
Cebu, nagkakilala na kami ng mommy n'yo sa pamamagitan niya", dagdag pa ng daddy niya.

Biglang gusto niya tuloy pumunta ng Cebu. Ewan, pero parang... ewan.
"Ano'ng buong pangalan niya, dad?"

"Gabriello Fontillejo. Bakit mo naitanong, anak?"

Gabriello Fontillejo.... Doesn't ring a bell. Siguro may kamukha lang.

"Wala po. Nacurious lang." Kibit-balikat na ngumiti na lang siya.

"Noong umalis ang papa n'yo sa Cebu, sobrang nagalit ang Tito Gab n'yo. Nagalit siya dahil
hindi raw ako kayang panindigan ni Ariel. Nagalit siya dahil kung siya raw ang pinili ko, hindi
raw ako masasaktan at maiiwanan nang ganoon", patuloy ng mommy niya. "Alam kong may pagtingin
si Gab sa'kin noon pa man, pero simula pa lang, kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
Hindi naman siya tumutol noong nagkaroon kami ng relasyon ng daddy n'yo, siguro dahil masaya
rin siya para sa'kin... sa'min. I think, yes, natanggap niya na si Ariel ang pinili ko. He was
really a great friend." Malungkot na napangiti ang mommy niya. Ganu'n din ang daddy niya na
yumuko pa.

She could tell, they missed the man.

"Pero noong umalis ang daddy n'yo tapos namatay din ang tatay, and then, namatay naman ang
tatay niya... Galit sa daddy n'yo, awa para sa'kin at alam kong nasasaktan din siya habang
nasasaktan ako, pagkaulila sa tatay niya... gulong-gulo si Gab no'n kaya siguro niya 'ko
pinilit na magpakasal sa kanya.

"Mayaman sila Gab. Higit na mayaman sa daddy n'yo. Ang pamilya nila ang isa sa pinakamayaman sa
Cebu. At nang mamatay ang tatay niya, alam niyang kaya niya tayong panindigan, Arianna. Handa
siyang akuin ka bilang anak niya. Handa siyang akuin ang obligasyon na tinalikuran ng daddy
n'yo. Na tayo na lang daw. Pwede naman daw na tayo na lang."

"Gano'n niya kamahal ang mommy n'yo." Napatingin siya sa daddy niya. Kitang kita niya, may
panliliit sa sariling naramdaman ang daddy niya. Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi
nito.

Sa totoo lang, bukod sa gulat sa magulong naging buhay ng mga magulang niya, awa pero sa kabila
no'n ay paghanga sa lalaking minahal nang sobra ang mommy niya, 'yon ang naramdaman niya sa mga
oras na 'yon.

Kung siya ang tatanungin, mas gwapo ang lalaki sa larawan na 'yon na si Tito Gabriello nga raw,
kumapara sa daddy niya. Tiyak nga siya na maraming babae ang nagkagusto rito, e. Pero sa dami
ng babae, ang mommy niya pa na may anak na? Ayos lang dito kahit na may anak ang mommy niya,
handa pa rin nitong pakasalan? Kahit na ang ama ng batang aakuin nito, e, ang parehong taong
mahal pa rin ng mommy niya?

Wow.

Really, wow. May mga tao palang martir talaga. Grabe ang nagagawa ng pag-ibig.
Mariing umiling ang mommy niya. "Pero ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ko siya mahal. Ayokong
masaktan ko siya. Na sa araw araw na ginawa ng D'yos, magkasama nga kami pero hindi ko naman
siya mahal."

"Kaya umalis ka nang hindi niya alam?" Hindi niya alam kung ba't biglang sumingit siya. Hula
niya lang 'yon.

"Oo", sagot ng mommy niya.

Grabe. "Galit kay dad, pain at awa para sa'yo, pagkaulila sa tatay niya.... Mommy, ang bigat
no'n. Kung mahal na mahal ka niya... ga'no pa kabigat 'yung ikaw na nga lang ang natira sa
kanya, ikaw pa ang sumunod na nang-iwan sa kanya?"

Natulala ang mommy niya, daddy niya at kambal niya sa sinabi niya. Maski siya. Talaga bang
nasabi niya 'yon? Sobrang nadala ata siya.

"Arianna, it was for the better", her mom said.

"No, it was not", she frowned. "Hindi sa ayoko sa kinalabasan. Of course, I'm happy, we're a
happy family now." She's more than happy. "For you, for us, yes, it was for the better. But for
him? I can only picture hell." Maybe hell was even better.

Natahimik silang apat.

Kanina lang ang light ng mood nila, ngayon, iba na. Obviously, inumpisahan niya.

"Anak, mahal ko siya. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko siya. Kaya nga hindi ako nagdalawang-
isip na lisanin ang Cebu, e. Hindi rin ako nagpaalam sa kanya kasi baka mahirapan lang kami
pareho. Sapat na na nasa tabi ko siya parati noong iwan tayo ni Ariel at nang mamatay ang
tatay. Ayokong masira ang buhay niya sa pag-intindi sa'kin. Kasi gusto 'kong mahanap niya rin
ang babaeng para sa kanya talaga."

Pa'no masisira ang buhay niya sa pag-intindi sa'yo kung buong buhay niya, ang alagaan ka ang
gusto niya't makakapagpasaya sa kanya?

She wanted to tell that to her mom, pero kinimkim niya lang 'yon. Napatango na lang siya.
'Cause on the other side, oo nga naman. Tama ang mommy niya. The man deserved to be with
someone who loves him back.

Again, natahimik na naman sila.

Maski si Brianna na madaldal, hindi pumoporma.

Nagulat pa nga siya, pero at the same time, napangiti nang magsalitang muli ang mommy niya.
"Hinding hindi ko ite-taken for granted si Gab. Ayokong maging makasarili."
"I'm glad you didn't, Angel", sabi ng daddy niya sa mommy niya. Then, tinignan naman siya at si
Brianna. "You know what? I went back to Cebu. Two years or so, after I left."

"Yes, dad, hello, du'n ako lumaki, obviously bumalik tayo. Pero hindi mo siya napakilala
sa'kin. Why?" Hindi na ata nakatagal manahimik kaya nagtanong na si Brianna.

"What why? The man almost bedriddened me."

"He did what?!" gulat na bulalas ni Brianna.

Pero siya? She stayed calm. "His point of view, you deserved that, dad."

Salubong ang mga kilay na binalingan siya ni Brianna habang ang mommy niya naman, natulala ulit
sa kanya.

"Mine, too, Arianna." Tipid na nginitian siya ng daddy niya. "Yes, I deserved that."

Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Du'n lang parang nagclick sa utak niya na...
"Whoa, did I sound like I was defending him or something?"

Du'n na siya tinawanan ni Brianna. "Oo, 'te, kanina pa. Haha."

Natawa rin tuloy ang mommy't daddy niya.

Pero hindi naman kaya.

"Hindi. She was just telling from Gab's point of view." Inunahan na siya ng daddy niya.

"Right. So dad, you mean, dahil lang... binugbog ka niya...?" parang hindi sure si Brianna kung
binugbog nga ang daddy nila, e, halos maospital na nga raw. "....kaya, hindi na kayo nagkita
ulit? Nilayuan mo siya?"

Umiling ang daddy niya. "No. Nagsisi kasi siya."

Nagsisi?

"Hindi niya akalain na magagawa niya sa'kin 'yon. We were like brothers. Isang beses na dinalaw
niya 'ko habang nagapapagaling? Ni hindi niya 'ko matignan. Kitang kita ko sa mukha niya ang
pagsisisi. Umalis siya ng Cebu na wala man lang pasabi at iyon na ang huling pagkikita namin.
Ni wala na 'kong balitang narinig mula sa kanya."

"Syempre, dad. Wala na siyang mukhang maiharap sa'yo", nakikisimpatyang sabi ni Brianna.
"I know. Kaya nga hindi lang kayo A ng mommy mo ang hinintay kong magbalik sa Cebu. Pati ang
Tito Gabriello n'yo", said her dad.

Si Tito Gab pa talaga ang lumayo. Wow, pero... nakakaawa talaga 'to.

"Gusto ko tuloy siyang makita", mahinang sabi niya.

Napatingin na naman ang mang-mommy niya sa kanya.

"I mean, matagal na 'yon. Lipas na ng panahon. Bakit.... bakit hindi natin siya puntahan?"
suhestyon niya.

"A, okay ka lang? Umalis nga ng Cebu, di ba?" sabi sa kanya ng mommy niya. "Aaminin ko, natakot
akong bumalik doon dahil alam kong talagang magagalit si Gab sa ginawa kong pag-alis. Pero,
kahit bumalik ako, wal rin naman palang kwenta dahil siya naman ang umalis. Wala rin."

Napangiwi siya. "Sayang... May asawa na kaya siya? May anak? Pa'no kung may anak pala siya na
halos kasing tanda lang namin?"

"I would love to meet them", parang nagliwanag bigla ang mukha ni Brianna.

Napangiti siya. Hindi lang pala siya. Kasi, feeling niya, magkakasundo sila ni Tito Gab.
Honestly? She salutes the man.

"Grabe talaga ang pinagdaanan n'yo, mom and dad. Parang ang hirap pero nakaya n'yo. And see?
Finally, you two are together, with us."

Oo. Sang-ayon siya sa sinabi ni Brianna.

"Wala pa nga 'yung sa'min", sabi ng daddy niya. "May ibang mas ang mga pinagdaanan o
pinagdaraanan kaysa sa naranasan namin. May iba ngang handang pumatay basta para sa mahal
nila."

"You're one of them, dad?" asked Brianna.

Her dad smiled. "I wish times like that won't come." Right, sino naman nga ba'ng may gusto?
"But even if I don't want to, doesn't mean I won't."

She smiled. They all did.

Lahat naman ata, gagawin ang lahat maprotektahan lang ang mahal sa buhay. Kahit ang maging
makasarili.
Just like Tito Gab. For a while, naging selfish si Tito Gab. Though, not really selfish, kasi
mommy niya at siya ang iniintindi nito. Naging selfish lang dahil sa sariling kagustuhan, which
is her mom. Tapos 'yung sinabi nga ng daddy niya na may mga taong kaya at handang pumatay para
lang sa mahal nila? Even her dad. Even her....

"Well, then, I guess love can be really selfish", she said.

Napangiti ang daddy niya sa kanya. "Hindi, anak. Love is never selfish. It's the obsession of
the person in love that is."

*TROY Calling*

Lundag agad siya sa kama para sagutin ang tawag ni Troy.

"I miss you na, Tiiiiijaaaay!"

"Tsk. Gwapo ko talaga", ang unang linya nito sabay himas pa sa baba.

"Yabang talaga." Inirapan niya nga.

Naka-Skype kasi sila ngayon. At h'wag ka, si Troy lang ang friend niya sa app na 'yon.
Kadamutan talaga umiiral pagdating sa kanya. Maski barkada ayaw nitong ipa-add sa kanya. Lalo
na raw si Third. Masyado talagang seloso.

Pero ano nga naman ang silbi ni Brianna, di ba? Lahat ng barkada naka-add dito kaya ayun,
nagkakausap-usap pa rin silang lahat.

"Hindi naman kayabangan iyon, mahal. Pawang katotohanan lamang."

Kainis. Bakit ba kasi pinanganak na gwapo 'tong lalaking 'to? Hindi naman sa nagrereklamo siya,
pero ang yabang ng loko, e.

"Nyenye. Gwapo ka nga pero tumatae ka na naman. Ew", pang-aasar niya.

Nakita niya na naman ang background nito kaya natawa siya. Nasa loob lagi ng banyo si Troy
kapag magkausap sila.

"TJ!" isang boses ng babae ang tumawag kay TJ. Pero sigurado siyang hindi kay Tita Mina 'yon.
"Babe, dalian mo dyan, malapit nang magcountdown! Hurry, hun!" sigaw ng babae.
"Epal niyan. Babe na nga, hun pa? HUNbalusin ko 'yan, e." Ayan. Medyo nabadtrip na naman siya.

Sino bang babae ang hindi magseselos kapag ang boyfriend mo na malayo sa'yo, e, may kasamang
ibang babae? Tatamaan talaga sa kanya 'tong gwapong 'to kapag pinagpalit siya.

"Selos ka na niyan? Haha. Baby ko talaga." Halata namang natutuwa 'tong lalaking 'to sa
pagseselos niya. Ano, daanin na Lang sa endearment, gano'n?

"Nyenye mo", nagkandahaba na naman ang nguso niya.

Oo. Ang dahilan din kung bakit laging nasa banyo si TJ kapag magkausap sila ay dahil laging may
epal na nilalang.

Si Margarette.

That bitch. Haha, loko lang.

Inaanak daw ni Tito Ren. Two weeks daw na makikitira sa bahay nila TJ dahil may inaasikasong
importante ang mga magulang. SI TJ naman, walang magawa kundi ang maging mabait. Pa'non'ng
hindi? E, magkababata pala ang dalawang 'yon. Kaya pa'no'ng hindi siya magseselos, e, close
'yung dalawa?

Lalo noong unang dating nito sa bahay nila TJ. One week palang ata sila rito sa Canada. Nag-
uusap sila ni TJ, bigla ba namang umepal sabay end ng tawag? Bitch.

"Labasin mo na nga 'yang kabit mo. Countdown na raw", asar na sabi niya.

"Taray! Haha." E, sige, pagtawanan pa siya.

"Lul." Inis na talaga siya. Hindi lang si TJ ang pwedeng magselos, 'no. Ayaw nitong pakausap si
Kembong my labs niya pero ito nga ang may kabit. Define unfair.

"Hoy, hoy, hoy. Nagmumura ka na naman. H'wag ka na ngang magselos dyan. Ikaw lang naman my one
and only kong mahal, di ba. Kiligin ka na."

Hah. "Aba, dapat lang." Balatan niya si TJ ng buhay 'pag may iba pa. Kiligin daw. Nako!

Ngingiti-ngiti na lang si TJ. "Ikaw nga lang talaga."

"10! 9! 8! 7!...."

Kahit nasa loob ng banyo si TJ, dinig na dinig niya ang countdown ng mga tao sa labas. Masaya
kaya ang bagong taon sa village nila. Sama-sama sa labas. Maingay.
Si TJ, hindi pa rin lumalabas ng banyo.

Syempre, sila dapat ang magkasama, 'no.

Nakisabay silang dalawa sa countdown kahit na ang weird kasi nasa kwarto siya at nasa loob
naman ng banyo si TJ. But that doesn't matter. Kahit ang korni, sabay silang nagbilang habang
nakatingin sa mukha ng bawat isa sa screen.

"3. 2. 1...."

"Happy New Year, baby! I love you!" "Happy birthday, babe! I love you!"

Halatang nagulat, natameme si TJ sa kanya.

She smiled widely, na para bang proud siya sa sinabi niya. Dahil proud talaga siya. She knew,
and TJ didn't know that she knows.

It's TJ's birthday.

Nagkangitian sila. Adik kasi ni TJ, e. Ni minsan hindi binabanggit kung kailang ang birthday
nito. Kapag may nagtatanong, random dates lang ang sinasabi.

Alam niya namang hindi kasi mahilig sa celebration si TJ. Sa kanya at sa relasyon nga lang nila
matyagang mag-effort ang boyfriend niya, e. Sobrang proud siya.

Kaya ngayon? Nakakalungkot kasi hindi sila magkasama. Ito lang muna. Babawi talaga siya pag-
uwi niya.

"Ikaw na mayabang. Ikaw na seloso. Ikaw na masungit. Ikaw na unpredictable. Ikaw na minsan
nakakainis. Ikaw na gwapo. Ikaw na mahal ako, at ikaw na mahal ko....." She heard him chuckle
and she can't stop herself from smiling. Wala nang hiya hiya 'to. "Sobrang thankful ako at
ipinanganak ang isang gwapong katulad mo para mahalin ako. Babe, sa'yo lang ako. Kasi nga, di
ba? I am Helen, and Helen is Troy's... Sorry kung wala ako sa tabi mo ngayong birthday mo, ha?
Promise, babawi ako pag-uwi ko. Happy birthday, cutiepatootie. I love you."

Hindi niya mapigilang mapangiti pagkatapos niyang sabihin 'yun. Nakakahiya pero keri lang. Si
TJ 'yan, e.

Pero nakakahiya talaga kaya para hindi siya inisin ni TJ dahil alam niyang iinisin na siya nito
dahil sa kakesohan ng mga lines niya, inunahan niya na 'to ng pang-inis. "Babe, h'wag kang
umiyak."

E, kaso ang loko, sinakyan ang pang-asar niya. Nagkunwari pang nagpupunas ng luha. Medyo adik
talaga. Pero bigla namang huminto sa pag-arte, sumeryoso, tsaka siya siningkitan ng mga mata.
Nalito pa nga siya saglit, e. Pero nang magsalita si TJ....

"Humanda ka sa'kin pag-uwi mo... Epal mo, torture kaya 'to!"

Ang loko, nagbanta pa! Haha. Pero seryoso, ngayon mismo gusto niya nang umuwi. Miss na miss
niya na talaga si TJ.

Magkahalong tuwa at pananabik, 'yan 'tuloy, siya pa ang medyo nateary-eyed.

"O, ba't ka umiiyak? Birthday mo?"natatawang asar ni TJ sa kanya.

"Tse. Pa'no gwapo mo", sarkastikong sabi niya habang nagpipigil ng ngiti.

"Well..." Ayan na naman po si Yabang.

Grabe. Hindi na talaga siya makapaghintay na bumalik ng Pilipinas.

Nakakabaliw pala talaga ang pag-ibig, 'no?

***

*******************************************
[47] 44. Kembong to the rescue.
*******************************************

44. KEMBONG TO THE RESCUE.

"PAPA Reeeen!!!"

Sumalampak na lang bigla si Arianna sa couch sa tapat nila Papa Ren at Mama Mina. Nagulat pa
nga ata ang mga ito sa pagsigaw niya.

E, kasi naman! Hu hu!

"O, anak? Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong sa kanya ni Papa Ren.

Ahem. Level up na sila, di ba? Well... Level up na kasi sila ni TJ. Hindi na Tito at Tita ang
tawag nila sa mga magulang nila. Papa at Mama na ang tawag niya sa parents ni TJ, Dad at Mom or
Mame naman ang tawag nito sa parents niya. Kilig, seryoso. Kahit ba nag-alangan pa si TJ nu'ng
una, napraktis naman na nito. Uupakan niya kung hindi, e. Haha.

Pero hindi iyon ang issue ngayon.

"Pa, kelan ba uuwi sa pinanggalingan niya 'yung inaanak n'yo? Akala ko ba two weeks lang siya
rito? Iyak na 'ko. Huuu..." Paawa.com, please. Sobrang nagkandahaba na nguso niya.

"Ahh... 'Yun pala pinagmamaktol mo", ngingiti-ngiting napakamot sa ulo si Papa Ren.

Hello? E, ano pa ba? Nakakainis kaya. Hindi sila makapag-date ni TJ. Lagi na lang si Margarette
ang kasama nito. Katulad ngayon! Kainis. Pupunta sana sila ni TJ sa amusement park pero hinila
nu'ng Margarette na 'yun sa mall! Kainis 'yang Margarette na 'yan, ha. Medyo malandi. Si TJ
naman nag-'sorry' look lang! Hinayaan niya nga. Epal 'yung dalawa na 'yun, edi magsama sila!

Pero pak naman.... Ngayon pinagsisisihan niya nang 'di niya inawat 'yung dalawa. Nakakaselos
kaya po.

"Aww, iniwan ka na naman nila, 'nak?" Tinabihan siya ni Mama Mina at inalo, kahit hindi naman
siya totoong umiiyak. "Hmp. Hindi natin sila bati!" sabay pout pa ni Mama.

Lalo tuloy siyang nag-iyak-iyakan. Pa'no matawa-tawa na siya. Ang cute cute kasi ni Mama Mina.
Parang bata rin na sinasakyan ang kalokohan niya.

Pero kasi... "Naman, e... Pauwiin n'yo na siya, Papa. Pleaaaase?" pagmamakaawa niya.

Akala niya kasi pag-uwi niya rito sa Pilipinas, hindi na niya madadatnan 'yung Margarette na
'yun. 'Yun pala, na-extend pa pagtira rito? Banas na siya.

"Anak, wala kasing ibang matutuluyan si Margarette. Busy lang ngayon ang mga magulang niya kaya
nandito pa siya. By next week siguro, susunduin na siya rito ng papa niya", parang batang
pinagpaliwanagan siya ni Papa Ren.

Grabe kasi, bakit hindi na lang paalagaan 'yung Margarette na 'yun sa yaya? Laki na no'n pwede
naman na yaya na lang ang kasama!

"May yaya siya pero mabobored lang siya kung mag-isa siya. You know? Brat", dagdag pa ni Papa.

H-huh? Pa'no nalaman ni Papa Ren ang naiisip niya?

"Bugak. Rinig na rinig namin ang sinabi mo po", humagikgik pang sabi ni Mama Mina nung nagtaka
ang expression niya.

Humaba na lang ulit ang nguso niya. Sa sobrang asar, hindi niya namamalayang nasasabi niya na
pala ang dapat naiisip niya lang. Naman kasi, o!
Nagpaalam na lang siya kina Mama Mina't Papa Ren at bumalik na siya sa bahay nila.

Kainis. Kabagot. Walang makakulitan. Wala si Brianna, kasama si Joice, nagpuntang salon. Ano'ng
gagawin niya? Siguradong may mga date ang girl barkada kasi Sunday ngayon. Malapit na rin
kasing matapos ang school year kaya sinusulit ang paged-date. As if namang hindi magsisipag-
date ang mga 'yon sa bakasyon. Mas dadalas pa nga 'yon, e.

Aha! Light bulb!

Hah. May ibang ka-date 'yang TJ na 'yan, ha? Pwes, siya rin.

"Kembong, Kembong!"

"Yo, Annambong ng buhay ko! Hulaan ko, aayain mo 'ko ng date, ano? Ayiiie! Haha."

What? "Pa'no mo nalaman?" gulat na tanong niya. H'wag nitong sabihing narinig din nito ang
naisip niya, e, kakatawag niya pa lang dito?

"Pogi 'ko, e. Haha!"

Tss. Medyo makapal din. "E, wala ka kay TJ, gwapo. Tse! Pa'no nga?"

"Aruy, bias sa boypren. Haha. E, kasi po nakasalubong ko siyang palabas kanina kasama kabit
niya. A ha ha, kawawa! Sabi sa'yo akin ka na lang, e!"

Oo nga naman, magka-village nga kasi sila kaya hindi imposibleng makasalubong nito.

"I hate you." Kainis. Ininis pa siya, e, comfort ang kailangan niya.

"I laaabs you! Haha! Labas ka na! Sinusundo na kita."

Napatayo agad siya sa sinabi ni Third. Nasa labas agad?

Dali-dali siyang lumabas ng bahay at binuksan ang maliit na gate.

Nandito na nga si Third!

"Kembong!!!" Nagtatalon pa siya sa tuwa nang makita si Third.

Aba naman. Kakaibang saya talaga naidudulot ng isip batang 'to sa kanya, ha? Kanina lang down
na down pa siya, e.

"Tsk tsk. Sama sama naman niyang Jepengson na 'yan... Game!"

Nameywang ang kanang braso nito. Gesture na inaalok sa kanyang humayo na sila't maghasik ng
lagim. Kapit naman agad siya at parang mga batang nagmartsa silang pareho palabas ng village
nila.

Huh! Akala niyang Jepengson na 'yan, ha. Makikita niya.

"SSHHH! Baka makita nila tayo!" pabulong na saway niya kay Third habang nakamasid
sila kina TJ at Margarette.

Spy lang ang peg nila. Wala lang costume, e. Sayang.

Teka. Costume? Ano siya, Grade 2? Ano ba 'yan, nagiging isip bata na rin siya nasama lang siya
kay Third, ha. Impluwensya masyado.

Palipat-lipat sila ng pwesto. Basta sinusundan lang nila 'yung dalawa. Si TJ, halata namang
hindi nag-e-enjoy sa company ni Maragrette pero hindi niya maintindihan kung bakit lagi naman
nitong sinasamahan. O baka naman hindi lang talaga nag-e-enjoy si TJ sa pagsama sa
pagshoshopping ni Margarette dahil never naman 'tong nag-enjoy sa gano'n. Hello, isang dahilan
nga ata kung bakit mahal na mahal siya ni TJ, e, dahil hindi siya mahilig magshopping.

"Ann, yuko!!!" Bigla na lang siyang hinila ni Third paupo't pinayuko.

Humihingal si Third nang lingunin niya. Bakit humihingal ang isang 'to?

"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Tinamaan ako.... ng bala ng kalaban."

What the...

E, 'yung nag-e-enjoy? Si Third 'yun, e. Feel na feel naman ni kuya!

"Hoy, tantanan mo nga! Panggago lang", saway niya. Ang hyper talaga nito.

"He he he. Galing 'ko, 'no? Akala mo si Brad Pitt, pero mali ka ro'n! Keslo mo ata 'to." At
umismid pa.
Sus ginoo. Nagkamali yata siya ng sinama.

Sinundan lang nila sina TJ at Margarette hanggang sa makarating ang mga ito sa Mang Inasal.

At... napagdesisyunan na nila ni Third na magpakita na kila TJ.

Pagseselosin din nila ang loko. Hah. Gantihan lang.

"Libre mo, Annambong, ha? Sweldo ko. Unli rice! Yey!" Nagpatiuna nang pumasok si Third.
Napailing na sumunod na lang siya.

Pero bago sila makalapit sa table nila TJ, may binulong muna siya kay Third.

"Hoy, Keslo. Magkunwari kang walang nakikita, okay? Kuha mo?"

"Aye, aye, captain!"

Kinakabahang nagbuga na lang siya ng hangin.

"Oh! Arianna, you're here", masayang bati ni Margarette pagkakita sa kanya.

Ay hinde, larawang may paa lang lang ako 'te. Tinidurin niya kaya 'to? Aba, kapag kaharap si
TJ, akala mo kung sinong friendly. Friendly, my ass.

But on the other hand, hindi pa naman siya tinarayan nito kapag silang dalawa lang. Para nga
silang isip batang mag-iripan at mag-ingusan ni Margarette kapag silang dalawa lang, e.

Ah, basta. Bwiset 'yang Margarette na 'yan.

Bigla na lang siyang natingin kay TJ.

Seryoso... pinagsisisihan niyang nagpakita pa sila.

Ngingiti-ngiting tinaasan siya ng kilay ni TJ.

Shet.

'Yung mga ganyang tinginan ni TJ? Alam nitong planado nila ni Third 'to.
"Sino siya?" pukaw ni Margarette sa atensyon nila ni TJ. Si Third ang tinutukoy nito.

"Ah. Si Kes-I mean, Third. Call him Third." Siya nga lang pala ang may Keslo my labs at Kembong
kay Third. "Third, this is Margarette", walang ganang pakilala niya sa dalawa.

"Third. Hmm... Hi, Third!" nakangiting bati ni Margarette kay Third.

"Pasensya na. h'wag mo 'kong kausapin. Bulag ako. Wala akong nakikita."

What the... what??

Nu'ng tignan niya si Third, diretso lang ang tingin nito.

"Duh? Ano'ng sinasabi mo?" taas-kilay na tanong ni Margarette.

Right. Ano'ng pinagsasabi ng lalaking 'to?!

"Bulag ako. Wala akong nakikita. H'wag mo 'kong kausapin. Duh? Paulit-ulit?" Third.

Naku po inang....! Naloko na!

"At kailan ka pa nabulag?" singit ni TJ.

Oh, God. Oh, God. Ngingiti-ngiting hinihimas ni TJ ang sariling baba. Amusement all over his
face. No, sh-t.

"Kanina lang", Third.

"At paano?" Sobrang lapad na ng ngiti ni TJ.

'Yung totoo? Naiihi na siya.

"Inutusan ako ni Annambong ko."

Ah, shet! "Kembong, order tayo!" Hinila niya agad sa counter bago pa man makapagsalita ang
kahit sino sa mga ito.

Per nakita niya 'yon. Bago sila makatalikod, nakita niya pa ang nakakalokong ngiti ni TJ.

Jusko, nakakahiya! Ayoko naaa!


"Ano ka ba?! Ano'ng bulag? Bulag tapos hindi pwedeng kausapin? Namo, Kembong! Hindi part ng
pagiging bulag ang pagiging pipi!" Sabay pinaghahampas niya si Third.

Sobrang kahihiyan 'to, jusko. Si TJ 'yun! Si TJ. Hari ng pang-asar sa kanya. Jusme, talon
building na kaya siya?

"Ow! Aray! Hahaha! Bakit ba? Gusto kong umarte, e! Ano? Pwede na ba? Mala Richard Gutierrez na
ba? Talo na ba si Daniel Padilla? Hahaha!"

"Aargh! Nakakainis ka, pinapahiya mo 'ko!" Pinaghahahampas niya pa rin 'to habang tawa naman ng
tawa ang mokong.

Bwiset! Pa'no kaya nila mapapagselos si TJ kung ganitong ang baliw ni Third? Wala. Suko na.

Nakapag-order na sila ni Third at pabalik na sila sa table na katabi ng kila TJ nang makita
nilang may ibang tao nang nakaupo ro'n.

Ehe? Sa'n na sila uupo? Pa'no nila mapapagsel-

Nagulat na lang siya nang bigla siyang akbayan ni Third. Nanng tingalain niya 'to, isang
mapaglarong ngiti ang sumalubong sa kanya.

"It's time, Ann. Makikita mo na ang pang-FAMAS kong talento. Let's get it on, beybeh."

***

*******************************************
[48] 45. Boom!
*******************************************

45. BOOM!

SINUNDAN niya lang si Third.

Ano naman kayang binabalak ng mokong na 'to? Pang-FAMAS pa, ha? Hmm....

Huminto sila sa table nila TJ.


Wait... Don't tell her-Bigla na lang siyang pinaupo ni Third-as in pinaupo sa silyang katabi ng
kay Margarette. Ni hindi na siya nakaprotesta. Tsaka 'to naghila ng isang upuan at tumabi sa
kanya. Ang pwesto ngayon; si Margarette, siya at si Third, kaharapan si TJ.

"What the hell are you doing?" salubong ang mga kilay na tinignan siya ni Margarette.

What, hindi ba nito nakitang nabigla rin siya? Tinaasan niya nga ng kilay. Sasagot na sana
siya, kaso naunahan na siya ni Third.

"Hello din, Margarette!" nakangiting sabi ni Third.

Sira-ulo 'tong si Third. Kanina, nu'ng nag-hello si Margarette, hindi pinansin. Tapos ngayon
lang nag-hello, pang-asar pa. Haha. Loko.

"Akala ko ba bulag ka?" pagtataray ni Margarette.

"Akala ko rin, e. Joke lang pala. Akalain mo 'yun?"

Alam niya, 'pag ganyang nagbibiro si Third, may kasamang tawang malakas 'yan, e. Pero bakit
ngayon, wala? Instead, he was smiling knowingly. Hmm... Mukhang pang-FAMAS nga ata 'tong lokong
'to, ha?

"Duh." Inirapan na lang ni Margarette si Third tsaka 'to humarap kay TJ.

"Duh." Ito namang si Third, gaya gaya kay Margarette. Haha. Loko talaga.

Pero buti na lang tumigil na 'yung dalawa. Akala niya magre-referee na siya kanina, e.
Napapagitnaan kaya siya, hello?

Pinaglaruan niya na lang ang number stand nila habang pinipigilan niya ang tawa sa mga
kinikilos ni Third. Si TJ naman, medyo gaya gaya, number stand nito ang hawak.

"Oy, Jepengson", biglang tawag ni Third kay TJ.

Lokong 'to talaga. Makikipagbarahan na naman ba 'to kay TJ?

Si Third kaya ang nagpalayaw kay TJ ng Jepengson. Pang-inis nito kay TJ, 'di nga lang mainis si
TJ.

"O, Keslo?" tinatamad na tumingin si TJ kay Third.

"Third sabi. Si Ann ko lang pwedeng tumawag sa'kin n'yan."


"Edi, Kembong."

"Tawagan namin 'yan!"

"E, bakit Tres?"

Bigla na lang napanguso si Third. "Sige na nga, Keslo na lang."

TJ smirked.

Boom.

Taob ka, Kembong! Haha!

Ayaw na ayaw kaya ni Third sa Tres. Si TJ daw kasi nagsimula tsaka mabahong pakinggan. 'Di
naman, cute nga, e.

Papatol pa kasi kay TJ sa barahan, e, sa kanya lang natuto si Third. Talo siya ni TJ palagi, so
sino'ng mananalo sa mga 'to? Obvious naman na. Puro pick-up lines lang naman 'tong si Third.

"Margarette, may boyfriend ka ba?" biglang baling naman ni Third kay Margarette.

Adik na 'to. Si Margarette naman ang puntirya? Pero seryoso, na-e-entertain siya.

Ngingiti-ngiting nakinig na lang siya. Let's see...

"Yup! Si TJ. Why?"

ABA!.... Ginoong Maria napupuno ka ng grasya....

Relax, Arianna. Relax. Relax lang.

Napatingin siya kay TJ. Aba naman talaga ang loko, ngingiti-ngiti pa sa naging reaksyon niya!

RELAX.

"'Di ba, may girlfriend na iba 'yan?" tukoy ni Third kay TJ.
"I don't care."

What the f-ck, relax!

"E, mahal ka ba niya?" Third.

"E, mahal ko rin ba siya?" Margarette.

"E, bakit hinahabol mo siya?"

"Tumatakbo ba siya?"

"Hindi. Hinigop ka niya."

"Boom! Haha!" biglang sabat niya. Nag-apir pa sila ni Third at sabay nagtawanan.

Hahaha. Estudyante niya kaya si Third. May natutunan naman pala ang loko. Well... Kahit ba
halos kay TJ niya naman talaga nakukuha mga pambara niya. Who cares. Haha.

"Ang weird n'yo alam n'yo 'yun?" Nakatingin sa kanila si Margarette na para bang may sayad
silang dalawa ni Third.

"Okay lang 'yan. Alam mo, naiintindihan naman kita. Pareho lang naman tayo, e." Inakbayan siya
ni Third.

Napatingin siya bigla kay TJ. Uh oh. Wrong move, Third.

Pero, ano raw 'yung sabi ni Third?

"Kagaya mo, okay lang din sa'kin na may ibang boyfriend 'tong si Ann... Mahal ko, e", proud na
sabi ni Third.

In fairness, ang layo. At in fairness ulit, convincing ang pagkakasabi ni Third do'n.

Tumingin siya kay Third. He smiled knowingly at her. And with that, naintindihan na niya.

Nginitian niya rin 'to tsaka niya binalik kila Margarette at TJ ang pansin niya.

Si Margarette, taas-kilay pa rin habang si TJ naman... tiim-bagang na, pamatay titig pa.
Hah! That's right, baby. You should be threatened, Troy Jefferson Salamat. You should be.

Nabitin sa ere ang intense atmosphere nang dumating ang order nila TJ. 'Yung waiter na may dala
ng order. Walang paa 'yung order, pwede?

Pag-alis nu'ng waiter, hindi pa rin nagsimulang kumain sila TJ at Margarette.

"Hey, you can both start eating. Don't be bothered by us", nakangiting sabi ni Third sa mga
'to.

"We-for your widest information-were already bothered. Stupid?" Margarette.

"Uhh... Sadness. Bakit hindi mo 'yan idulog kay Ate Charo?" pang-aasar na naman ni Third. Sira-
ulo, nambabara na talaga, natuto lang. Haha.

"Tulog si Ate Charo", biglang sabat ni TJ.

Aba, aba? Pinagtatanggol?!

"Edi, gisingin", Third.

"Mahimbing", TJ.

"E, muning", Third.

"Baka kambing", TJ.

"Ikaw bading", Third.

"BOOM!" biglang sabat niya na naman tsaka sila nagtawanan ulit ni Third. "Bading ka pala, e!
Hahaha!" Nakakalokong tinuro-turo pa nilang dalawa ni Third si TJ maasar lang.

Hahaha! Alam niyang may pang-counter si TJ du'n, e. Sigurado 'yun. Pero dahil kampi siya kay
Third ngayon, pinigilan niya na bago pa man. Baka abutin ng madaling araw sa pag-i-ing-ingan
ang dalawang 'yon, e. Haha.

Ang sama lang ng tingin ni TJ sa kanya, lalo na kay Third. Pero keri lang. Akala niyang TJ na
'yan, ha.

Sa kasagsagan ng pagkulo ng tyan ni Third... este, niya pala-nagugutom na kasi siya,


nakakatakam kaya 'yung chicken-may binulong si Third sa kanya.
"Annambong, ang sama nila. 'Pag hindi talaga 'ko nakapagpigil, uupakan ko.... ang pagkain
nila.... Huhu."

Seryoso, natawa talaga siyang mag-isa sa harap ng mga 'to. May 'Huhu' kasi talaga, e. At h'wag
ka, ang haba pa. Pantanga. Haha. 'Yung nagsasalita kasi na mangiyak-ngiyak ang boses pero dahil
nominado sa Best Actor Award, e, nakangiti habang sinasabi 'yun? Grabe, tawa niya lang! Haha-

Boog!

Halos mapatalon siya sa gulat.

Akala niya may pusang nasagi sa paanan niya, pero saan nga naman manggagaling ang pusa sa mall?

Pagtingin niya sa harap niya... ang sama ng tingin ng boyfriend niya.

Patay na naman. Pang-ilang strike na 'to?

E, pero tse lang. Buti nga sa TJ na 'yan. Magselos lang 'to hangga't gusto nito. Akala nito,
ha?

Tinaasan niya lang ng kilay si TJ kahit ba ang sama pa rin ng tingin nito sa kanya.

Dumating na rin ang order nila ni Third. Kumain na silang apat. Kanya-kanyang kulitan. Sila ni
Third, si TJ at Margarette.

Kung nakakamatay lang ang tingin? Baka nasa langit na si Third sabay tinulak ni TJ sa impyerno.
Ang samang makatitig ng dalawang 'yon sa isa't isa.

Pero parang sila naman ni Margarette, hindi ganu'n.

Kung nakakamatay lang talaga ang tingin? Naitulak niya na si Margarette sa impyerno sabay baon
dito sa hell. Kung magkaiba man 'yon.

Babaeng 'to. Bitch na bitch kung makatingin sa kanya. Sabagay, malapit na nga naman ang summer.
Beach.

Tumigil si Third sa pagkain. Nilabas nito ang phone at sinagot 'yon. Baka naka-vibrate lang
kasi hindi naman nila narinig na may tumawag.

"Hello, Pa?.... Ah, kasama koko po girlfriend ko." Nailayo ni Third ang phone sa tenga nito.
Sinigawan ata 'to ng papa nito. Medyo narinig niya rin, e.

Teka, wait. Acting girlfriend na talaga siya ngayon? Naku po...


"Ngayon na? Pa, may date kami, e. 'Di ba pwedeng sa ibang araw na lang?" Nag-aalalang
napatingin si Third sa kanya.

Ano kayang pinag-uusapan nito at ng papa nito?

"Sige po..." Natapos nang kausapin ni Third ang papa nito.

"Bakit daw?" tanong niya.

"Kailangan ko na raw umuwi", disappointed na sagot nito.

"Ano ka ba? Okay lang, 'no." Siya na nga ang umabala kay Third, e.

"Pero kasama ka."

Wait, what??

Nagsalubong ang mga kilay niya. Pero ngumiti lang si Third sa kanya.

Ah, okay. Syempre nga naman, sabay na sila't ihahatid siya nito dahil sila ang magkasama at
isang village lang sila. Alangan namang iwan siya nito ritong kasama ang dalawang 'to. Edi,
tinadyakan niya si Third.

"Nagagalit kasi si Papa", kakamot-kamot pa sa ulong patuloy ni Third tsaka siya nginitian.
"Bakit daw hindi pa kita pinapakilala. Pinapauwi ako. Ipakilala na raw kita."

WHAT?!

Okay, this is getting crazy. Walang maniniwala sa pagpapanggap nila ni Third na sila. In fact,
hindi naman talaga sila nagpapanggap na sila, di ba? Pinagseselos lang nila si TJ.

What the hell? Umaarte lang sila pero... tinotoo na ni Third?

Ipakilala?

***

*******************************************
[49] 46. Last day.
*******************************************
46. LAST DAY.

SIGURO kung may laser ang mga mata ni TJ, baka butas na likod ni Third. Sinundan niya lang ng
tingin si Arianna't Third hanggang sa makalayo ang mga 'to.

"Sundan mo na", bigla na lang sabi ni Margarette.

"Pa'no ka?"

"Duh? Edi, isasama mo. Tara, sundan na natin!"

Natawa na lang siya. May pagkakahawig talaga 'tong si Margarette at si Arianna, e. Parehong mga
baliw.

Siguro halata na nitong medyo badtrip na siya. Kahit naman ata sino'ng tumingin sa kanya,
mapapansin 'yon.

Si Arianna at 'yung Third na 'yun kasi. T-ngna. Ipapakilala sa papa ni Third? Banatan niya
kaya? Gago ata, e.

"H'wag na, Meg. Tiwala naman ako sa girlfriend ko", sabi niya.

Kay Third siya walang tiwala. Kay Arianna, malaki.

"Syempre naman, loyal kaya ako sa'yo! Haha", natatawang hinila-hila na siya nito patayo. Adik
talaga.

Nangingiting napailing na lang siya.

Si Margarette, na mas minahal niya bilang si Meg, mabait naman talaga 'yan. Kababata niya 'yan,
e. Kaya alam niya. Parang kapatid na rin ang turing niya rito. Minsan lang kasi sila magkasama
noon ni Joice kaya kay Margarette natuon ang atensyon niya. Itinuring niya 'tong kapatid at
minahal niya bilang kapatid. Pero hanggang du'n na lang 'yon. Kahit ba pinangarap nilang ikasal
balang araw... Syempre, pangarap ng mga bata 'yon. Nakilala niya na si Arianna, kaya wala na
'yon.

Nagkataon lang na kailangan ng kasama ni Margarette ngayong wala ang mga magulang nito-well,
lagi naman-kaya hindi niya 'to maiwan-iwan. Alam niya namang maiintindihan siya ni Arianna.
Gusto niya rin naman talagang sabihin kay Arianna na wala itong dapat ipag-alala pero kagaya
nito, ayaw din ni Margarette ng kinakaawaan.

Margarette's a brat. Kung titignan mo lang, ito 'yung tipong matapang na parang walang
inuurungan. Pero kapag nag-iisa na lang, makikita mo na lang na umiiyak na pala sa isang sulok.
She's tough but is very fragile inside.

Parang si Arianna. Mga tipong lahat parang kayang-kaya. Kinikimkim lahat ng sakit. Pero kapag
mag-isa na lang ang mga ito, tahimik na sumasabog.

"Tara na, TJ! Mamaya niyan, agawan ka pa nu'ng Third na 'yun. Bahala ka, aagawin talaga kita
kay Arianna", banta ni Margarette nang hindi pa rin siya tumayo.

"Asa ka pa",confident at pabiroong sagot niya pero sumunod na siyang tumayo.

Asa lang talaga. Hindi siya magpapaagaw kahit kanino at hindi maaagaw ng kahit sino si Arianna
sa kanya, 'no. Kahit si Superman pa 'yan, hahambalusin n'ya. Gwapo niyang 'yan?

"TJ... mamimiss kita..." mahinang sambit ni Margarette habang naglalakad sila.

"Dapat na ba tayong mag-iyakan?" biro niya.

"Bwiset naman nito! Napaka mo!" At hinampas pa siya. Dumadamoves lang 'tong makulit na 'to, e.
Haha.

Hindi sila nagmadaling sundan sina Arianna't Third. Nakakapit sa braso niya si Margarette at
mabagal lang silang maglakad. Sinusulit niya na. Sinusulit na nila.

"Kita mo? Ayun pa lang sila, o. Takbo na tayo?" tanong nito nang matanaw nila sina Arianna't
Third na naglalakad habang naghaharutan.

Sino ba'ng may sabi na threat si Margarette sa kanila ni Arianna? She's very not. Natutuwa lang
si Margarette na nakikitang nagseselos si Arianna. Ewan niya ba sa makulit na 'to. Nakikita raw
kasi nito ang sarili kay Arianna. See? In fact, Margarette likes Arianna for him. A lot. Ayaw
lang nitong sabihin dahil obvious naman na nagka-clash ang mga 'to 'pag nagsama sa iisang
lugar.

Kahit malayo, tanaw na tanaw niya ang kaartehan ni Third. Bading ata, e.

"Tara na! H'wag nang malantod, pwede?" Pinandilatan pa siya ni Margarette sabay hila sa kanya
patakbo kila Arianna. Napailing na lang siya.

Nu'ng malapit na nilang maabutan sila Arianna, huminto na silang tumakbo at naglakad na lang.
Pagtapat nila sa dalawa, hinawakan niya agad ang kamay ni Arianna.

Halatang nagulat, nanlaki pa ang mga mata nito. "Ginagawa mo rito?"


Sungit. Meron ba 'to?

"Obvious ba? Baka kaya naglalakad?"

Pinaningkitan tuloy siya ng mga mata sa sinagot niya.

"Naglalakad? E, bakit kailangang may hawak kamay pa?"

"Ah, ito?" Tinaas niya ang magkahawak nilang kamay. "E, bakit? Tinatanggal mo ba? Hindi naman,
di ba? E, ba't ang sungit?"

Namula naman ang bata sa sinabi niya tsaka pilit na inaalis ang hawak niya rito.

"Wohoo. Huli na. Kinilig ka na nga, e", natatawang tukso niya rito sabay kurot sa pisngi.

Mas lalo tuloy namula. Haha.

"Ann!!! Inaaway ako, o!" Narinig nilang sumigaw si Third mula sa likuran nila.

Ayun. Hawak ni Margarette sa tenga. Haha. Napingot na!

Limang dipa ata ang layo nila sa mga 'to, e. Si Margarette kasi, pagkalapit niya kay Arianna,
hinatak na agad nito si Third paatras habang sila ni Arianna patuloy na lumakad. Kaya ayun, ang
layo na nila sa mga 'to ngayon. Ayos talaga 'yung si Margarette.

"Hoy! H'wag mo ngang-"

"Ohoy. Baka naman magselos na 'ko niyan?" awat niya kay Arianna bago pa nito matapos ang
sasabihin.

Nakahinto na sila. Balak pa ata nitong kunin si Third mula sa pangmamaltrato ni Margarette.
Alalang alala naman.

"Huh. Ikaw magseselos pa lang? E, ako, selos na selos na. Ewan ko sa'yo!" Iningusan na nga
siya, inirapan pa siya. Kiss niya pa 'to, makita nito.

"Hoy, mahal. Parang tanga 'to. Mukha bang hindi ako nagseselos sa inyo kanina? Wala lang akong
laser eyes kaya buo pa mukha no'ng Keslo mo."

Kahit ba alam niyang sadyang pinagselos lang siya ng mga 'to kanina, 'di niya na lang
sasabihing alam niya. Baka 'pag ininis niya pa kay Arianna 'yun, bambuhin na siya, e. Kanya na
lang.
Pumihit ulit si Arianna paharap sa kanya. This time, kalmado na.

"Seryoso?"

Sus. "Ako pa ba? T-ngina, seloso kong 'to?"

Ayun, ayun. Nangiti na ulit. Adik talaga nitong girlfriend niya.

"Alam mo namang hindi mawawala ang pagseselos sa taong nagmamahal, di ba? Pero alam mo ba kung
bakit hindi ako nangangamba na kahit minsa may kasama kang iba?"

"Kasi hindi mo 'ko ganoon kamahal?" mataray na balik nito sa kanya.

"Engot." Upakan niya pa 'to, e. Hindi ganoon kamahal? Natawa na lang tuloy siya.

Hinila niya na lang 'to at naglakad na ulit sila. Si Margarette na ang bahala du'n kay Third.

"E, bakit pala kung gano'n? 'Di ka man lang ba natatakot na baka mafall ako kay Keslo? Na baka
mafall ako sa iba?"

"Hindi", simpleng sagot niya.

"E, bakit nga?!"

"Kasi nga hindi."

"Bakit nga kasi hindi?!"

Kupo, kulit. Nakukulili na siya, ha.

Huminto siya bigla at humarap kay Arianna.

"Hindi, ibig sabihin hindi. Kasi kahit mahulog ka pa sa kanya, hinding hindi ko hahayaang sa
kanya pa rin ang bagsak mo. Sasaluhin kita, maniwala ka."

T-ngina, 'pag kay Arianna talaga, kumokorni siya. Keso, putek!

"Nahulog na nga sa iba, pa'no mo pa sasaluhin?" hamon nito sa kanya.


"Dali lang. Nakalimutan mo na ba? Akin ka. At kapag nahulog ka sa iba, edi, sapakin ang
pangahas para bitawan ka't ibalik sa'kin. Ang kulit mo, sinabi nang akin ka. Ang akin ay akin."

NAPAYUKO na lang si Arianna sa mga pinagsasabi ni TJ. Napayuko siya sa hiya at kilig.

Talagang inaangkin na siya nito. Bakit nakakakilig 'yon?

"Kamatis ka na naman!" tukso pa nito sa kanya sabay kurot sa pisngi niya.

Edi, ito na magaling magpakilig!

"Kala mo! 'Pag ako talaga na-inlove kay Keslo", kunwaring naiinis na sabi niya. Naglakad na
ulit sila.

"O, e, ano? Tiwala naman ako sa gwapong mukha ko. Maiinlove at maiinlove ka ulit sa mukhang
'to, kala mo?"

Grabe, ang yabang talaga.

"Ilang patong ng kagwapuhan ba 'yang mukha mo't sobrang kapal naman? Kapal talaga, e."

"Sikreto 'yon, baka gayahin mo, pareho na tayong gwapo."

"Haha. Sira-ulo ka talaga!" Hinampas niya pa sa braso pero tawa lang nang tawa ang loko.
Sasapakin niya na 'to, e. Ang adik, grabe.

"Ipapakilala ka pa ni Keslo mo sa tatay niya, ha? Samahan kita?" May himig ng panunukso sa
boses ni TJ, pero mas nangingibabaw ang himig ng pagseselos dito.

"FYI, kita mo naman, gabi na po. Malayo, tsaka, takot ko lang." Medyo matawa-tawa pa siya.
Naalala niya na naman ang kabaliwan ni Third.

"Malayo? E, isang village lang ho kaya tayo?" nagtatakang tanong ni TJ.

Natawa na naman siya. "Ginoyo lang tayo ni Keslo. Nasa Bulacan pa ang papa niya kaya malayo.
Tsaka, gabi na... Takot ko lang sa sementeryo."

Napahinto si TJ sa sinabi niya. "Weh?"


"Oo. Luko-luko lang talaga si Keslo." Natatawang nailing na lang siya.

"Pambihira. Nagselos pa naman ako, nasayang lang."

"Sira ka talaga!"

Nilingon nila sina Third at Margarette. At nakakaloka. Kailan pa naging close ang dalawang
'yon? Die, loko Lang. Daig pa aso't pusa. Ang brutal!

Si Margarette, hamapas dito, hampas do'n. SI Third naman, akama rito, akma ro'n. Hanggang akma
lang ang bata. Kawawa. Haha.

"Close na sila, 'no? FC pareho", natatawang komento ni TJ.

"Cute", nangingiting sabi niya tsaka sila lumabas na ng mall.

Hinintay nila 'yung dalawang makalapit sa kanila habang panay bangayan pa rin ng mga 'to. Ang
cute ng mga 'to, sa totoo lang. Bagay, e.

"Aaaann!!!!" Patakbong lumapit si Third sa kanya na nakabuka pa ang mga braso at akmang yayakap
sa kanya nang biglang hinatak siya ni TJ paatras at iniharang ang sarili sa kanya.

Si TJ tuloy ang nayakap ni Third.

"Hule! Sabi na nga ba type mo 'ko, e", iiling-iling na sabi ni TJ.

Hahaha! Pakshet talaga si TJ.

"Hoy!!!" Mabilis na lumayo si Third kay TJ. "Annambong, o!" hinging tulong ni Third sa kanya.

"Ano? Laki-laki mo na", pang-aasar niya rin dito. Pagtulungan daw ba.

"Aha. Ganyanan pala? Matapos kitang tulungang pagselo-phhp!"

Matuling tinakpan niya ang napakadaldal na bibig ni Third.

"Alam mo bang nakakatuwa ka, Kembong? 'Yung tipong ang sarap mong pisilin hanggang sa madurog
ka?" Binigyan niya pa 'to ng nakakamatay na tingin na kung pwede lang, e, tigok na 'to. Napaka!

"Ehem. Boyfriend here", nagkunawaring umubo si TJ na nakapagpalayo sa kanya kay Third.


When she looked at him, he was also looking at her but with a certain 'enjoy-much?' look.

Cute ni TJ 'pag gano'n. Haha! Bubuskahin niya pa lang sana 'to kaso bigla na siyang hinila sa
tabi nito. Okay, hindi na nga niya iinisin. Kinikilig talaga siya sa pagseselos nito, e.

"So, okay? Where should we go next? Third's? Ipapakilala mo pa si Arianna sa papa mo, right?"
sabat bigla ni Margarette.

"Ano'ng 'we' ka dyan? Bakit? Nasaan ang invitation card? Nabigyan ba kita? Matapos mo 'kong
kurut-kurutin at hampas-hampasin? Assumera!" Parang bading na iningusan pa ni Third si
Margarette.

"Pakyu ka", inis na sabi ni Margarette. Hala. Nainis ata sa pag-irap ni Third.

"Parkyu ka rin!"

What. The. Hell?

Si Third? Nagmura? Sa babae?

Whoah....

"You bastard!" Margarette held her hand as if about to hit Third.

"Hoy, b-bakit! S-sabi ko, parkyu! Park... Yu... Chun... Park Yu Chun! Idol ko si Park Yu Chun!
Kilala mo ba 'yon? Hah. Koreano 'yon! Akala mo minura kita, 'no? Mali ka ro'n, tsong! Ha ha..."

Naku poooo. Palusot.com.

"Magpapalusot ka pang stupid ka!" Margarette.

"E, stupid ka rin!" Third.

"I hate you!" Margarette.

"I hate you, too!" Third.

"Argh! Get lost!" Margarette.

"Hello? Kabisado ko na kaya 'tong lugar na 'to. Pa'no 'yon? Tanga-tangahan lang, gano'n? Ikaw
na lang, dadamay mo pa 'ko!" Parang batang makaasar lang 'tong si Third kay Margarette. May
sariling dance step pa.

"Parang tanga lang, e", bulong sa kanya ni TJ habang patuloy pa rin 'yung dalawa sa
pagbabangayan.

Natawa siya. "Bagay sila, 'no?"

"NO!!!" "ASA!!!" Sabay na sigaw nina Margarette at Third sa kanya.

"Kausap ko ba kayo?" Tinarayan niya nga. Aba, dinadamay pa siya?

"Argh! No wonder, magkasundo kayo nitong panget na 'to! Tara na nga, TJ! Aalis na lang ba
naman, ganito pa!" Nagpatiuna na si Margarette at pumara ng taxi.

Okay. Mukhang nabadtrip talaga ata.

"A-aalis? Aalis si Marge, TJ?" Biglang tonong nag-aalala at nagulat si Third.

Whoa there.... Marge?

At isa pa... aalis? Ano'ng ibig sabihin nitong aalis? Pero ang sabi ni Papa Ren sa kanya....

Nagtatakang tinignan niya si TJ.

Malungkot ang ngiting binigay nito sa kanya na para bang nabasa nito ang tanong sa isip niya.

"She'll be leaving tonight. New York."

***

*******************************************
[50] 47. Anniversary surprise.
*******************************************

47. ANNIVERSARY SURPRISE.

SEVEN months later......


Bye, high school life.

Yes. Graduate na sila ng high school.

Masasabi ni Arianna na napakagandang experience ng high school life sa kanya. Nakatagpo siya ng
barkadang laging nand'yan kapag kailangan. Madalas nga kahit hindi kailangan nand'yan pa rin,
e. Nambu-bwiset.

Sad lang, kasi si Joice, umalis na. Sa Cali na 'to nag-aaral. Kulang na sila ng isa.

Relationship status?

Categories: Going strong

It's complicated

In an open relationship

Single

Hmm... Nasaan sila ni Troy dyan?

Umpisahan natin kina Julia at Diego. Guess what? They're going strong.

Lexi and Derick? Well... Going strong din. Head over heels ang Lolo Derick kay Lexi.

Sina Jake at Bea naman, maski sa facebook ng mga 'to, nakapost na they are in an open
relationship. Ewan niya ro'n sa dalawang 'yun. They are playing games. Pwedeng mag-boyfriend
and girlfriend kahit ilan pa ang gusto, pero 'pag magkasama, mag-on ang mga 'to. Todo pa rin sa
bangayan at kiligan. Nakakalito tuloy.

Well, sina Ej at Kiray naman, ang mga ito ang may status na 'It's complicated'. Si Kiray, as
usual si Ej pa rin ang apple of the eye. Si Ej naman, minsan bumibigay na. Bakit
komplikado?..... Kapag nakakita si Ej ng gwapo.

At syempre, sa category na 'Single'.... May mga relasyon kasi na hindi naman talaga
pangmatagalan.

Akala mo sila na pero puppy love lang pala.

And yeah, she and TJ.... broke up.


Kidding!

Si Yen at si Neil ang break na. Hindi sila ni TJ, 'no. Business partners na nga ang mga parents
nila, e. Paghahanda raw sa future nila. Joke, siya lang may sabi no'n. Haha.

Si Yen at Neil kasi, ewan niya rin ba sa mga 'yun, lagi pa rin namang magkasama. Parang wala
ngang nabago sa relasyon ng mga 'yon, e. Pero Ex ang tawagan. Basta, siguro naisip ng mga 'to
na hindi sila para sa isa't isa. Single pareho pero madalas makita na may kanya kanyang ka-
date.

Pero ang maganda sa kanila, they are still in the same pack of friends.

Nagkasundo kasi silang lahat na sa sister school ng old school academy nila mag-college. Kaya
magkakasama pa rin sila kahit iba-iba ng course. Si TJ lang ang gaya-gaya. Fine Arts din ang
kinuha kagaya niya. Blockmates sila. Bantay sarado tuloy siya. 'Di man lang makalandi. Haha.

"Tae mo!" Boses ni Margarette ang narinig niya.

"Mabango pa sa'yo!" sabi naman ni Third na obviously, kausap ni Margarette.

"Tse! Paka mo!" Margarette.

"Haha. Tampo pa. Sampooo!" natatawa pero makahulugang sabi ni Third.

"Hmp. Bwiset. Ten, too..." Naiba bigla ang tono ng boses ni Margarette na para bang nahiya sa
huling sinabi.

Nagkatinginan sila ng barkada sa narinig nilang usapan ng dalawa. Naka-Skype kasi ang mga 'to.

Nandito sila sa bahay nila. Tamang renta sa wifi ang loko. Ice cream ang bayad. Akala mong
galante, 'no? Ito rin naman ang lumalamon ng mga bayad nito. Sugapa sa ice cream.

"Oyoyoyoy! Ano 'yan, Tres? Ano 'yang sign sign na 'yan, ha? 10??" Na-excite biglang lumapit si
Neil kay Third na may hawak na phone dahil kausap nga si Margarette.

Lahat ng boys pwera kay Ej na katabi ni Kiray, at TJ na katabi niya, naglapitan ang lahat kay
Third at nang-asar.

"Friendsary! Haha. Tamang hinala kayo, mga gago!" Pabirong pinagtutulak ni Third ang mga boys
palayo.

"Bading 'yan, e!" Narinig nilang sigaw ni Margarette.

"Hahaha! Bading ka pala, Kembong, e!" natatawang sigaw niya kay Third.
Iningusan siya ni Third tsaka binalik kay Margarette ang tingin. "Bading? Kiss kita dyan,
makita mo", naghahamong sabi nito kay Margarette.

"Layo ko na 'to? Sige nga?" hamon din ni Margarette.

"Ayun... Gusto pala! Hahaha!" Lokong Third 'yon. Trip na naman si Margarette.

So, saang category ba nababagay ang dalawang 'yon?

Well, wala man sa listahan sa itaas, pero totoo... the two are in a 'Long-distance
Relationship."

'Yun lang ang sabi sa kanya ni Third. Open 'yung bugok na 'yun sa kanya, e. Nasabi rin nito sa
kanya na nu'ng nandito pa sa Pilipinas si Margarette at hindi pa sila nakakauwi mula Canada,
kabangayan na nito si Margarette noon pa lang. Kaya pala 'yung 'Marge' thingy.

"Hayguuuu!"

Napalingon silang lahat sa pumasok na si Brianna. Tuloy-tuloy lang 'to sa sala kung nasaan sila
at bigla na lang naupo sa couch katabi niya.

"Kapagod! Tokwa kayo ni TJ.Galante ng sponsors! Kala mo silver anniv na, one year pa lang
naman. Gulay. Hassle, ah", reklamo nito sabay kagat sa chicken lollipop na hawak.

Yuh huh. Anniversary na nila TJ. Insert happy, party party dance! Haha. Kaya nga good mood
siya, e.

"Pa'no ka naman napagod, aber? Tumutulong ka bas a pagluluto kila mame? 'Di naman, uy." Inagaw
niya kay Brianna ang chicken lollipop at siya ang kumain nito.

"E, pa'no, patikim sila nang patikim. Syempre ako naman, punta rito, punta ro'n. Nakakapagod
din kaya 'yon!" Iningusan pa siya. Nag-nyenye na lang siya.

Brianna's status? 'Single and everyday ready to mingle.' Malantod 'yang kambal niya na 'yan, e.
Iba-ibang lalaki ang kasama araw-araw. Pero, h'wag madumi ang utak. Safe pa rin ang V-card ni
Brianna, sinigurado nito sa kanya 'yon. Kaya lang ito araw-araw na may iba-ibang ka-date, para
iba-iba raw ang pineperahan. Baliw din si Brianna, e. Ayaw kasing magkaboyfriend na
pangmatagalan. Sawa na raw.

"Katakawan", sabi ni TJ na nasa tabi niya. He he. Kanina pa kasi siya kain nang kain.

Binelatan niya na lang kasi sexy naman siya sa paningin nito. Haha. Hoy, sexy naman talaga
siya, 'no. Wala na kaya siyang bilbil. Lagi kasing sinusundot ni TJ noon. Naconscious siya,
kaya ayun, medyo nag-diet. Kaso, bumabalik na naman. Haha.
"Alis na tayo", sabi ni TJ sa kanya sabay tayo nito at hinila siya.

"Ay, bastusan. T-teka naman!" E, wala. Hinila na lang siyang bigla, e. Nataranta niyang nilapag
sa plato sa center table ang kinakain at matuling kumuha ng tissue tsaka siya nagpahila na kay
TJ.

"Hoy, baho! Tanan na?" tawag ni Derick kay TJ.

Huminto naman si TJ.

"Gago. Tanan sa harap n'yo? Uso?"

"Malay mo."

"E, ambot."

Natawa na naman siya. Muntik niya pang mabuga nginunguya niya. Hindi kasi talaga bagay kay TJ
'yung mga gano'ng salita, e. Ambot? Haha.

"Hoy, B1!"

Napalingon siya kay Bea nang tawagin siya nito. B1 at B2 kasi minsan ang tawag ng barkada sa
kanila ni Brianna.

"Aalis kayo? Iiwan n'yo kami sa bahay n'yo? Baka naman kaya nakakahiya, hano? Tapos lilipat pa
kami sa bahay nila TJ para makikain?"

"Oo nga! Nakakahiya naman sa mga parents n'yo kung wala kayo pareho rito", dagdag ni Julia na
tinanguan naman ng lahat.

"Uhh... Hello, guys? Brianna here", sabat ni Brianna na nanlalata pang nagtaas ng kamay para
lang mapansin 'to, tapos umirap din pagkaraan.

"Oo nga naman! Andito kaya si B. Di ba, 'no, applepie?" sabi ni Neil na lumapit kay Brianna at
umakbay dito.

"Keso! Ew, chocopie. Eww", sabi naman ni Brianna na nagroll eyes ulit.

What the heck with the endearments. Haha. Ang lalandi ng dalawang 'yon. Landian lang nang
landian 'pag magkasama, e. Parehong flirt.

"Kaya n'yo na 'yan! Hiya hiya. Wala naman kayo nu'n! Alis na kami. Baboo!" sigaw niya sa mga
'to at nagtuloy na sila ni TJ sa labas.

"Annambong! Uwian mo 'kong choco fudge ice cream, ha!" narinig niya pang pahabol ni Third.

Sarap lang tuktukan ng isip batang 'yon. Panay ice cream ata laman ng bibig, e.

"Oy, panget." Mahinang tinapik niya sa tyan si TJ. Nakaakbay kasi sa kanya 'to habang
naglalakad na sila palabas ng village. "Saan tayo tutungo?"

"Sa dako paroon."

"Tss!" Tinulak niya nga tsaka siya lumayo. Walang kwentang kausap.

NAKARATING sila sa infinitree nila.

Matagal silang nanatili sa ilalim ng punong inukitan nila ng pangalan nila at saksi sa
pagmamahalan nila. Nakasandal lang siya kay TJ na nakayakap naman sa kanya at nakasandal sa
puno.

Truthfully, she can stay like this with him forever. It feels safe and serene... and special.

"Baby, one year na tayong naglolokohan, ah?" sabi ni TJ.

Iningusan niya nga. "Gago mo."

Oops-Huli na para bawiin niya ang sinabi niya. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong
hinalikan sa mga labi.

"Namiss mo na naman kiss ko."

She pursed her lips. "Sorry."

E, kasi naman. Bawal na nga siyang magmura. Promise niya 'yun kay TJ, e. Kaso hindi niya pa rin
mapigilan minsan. Kaya ang parusa, kiss. Sus. Parusa raw. Parusa ba 'yon? Minsan nga sinasadya
niyang magmura, e. Haha.

She heard him chuckle. Suddenly, his hug became tighter. One of her favorite romantic sides of
TJ. Just hugging her tight right there, under their special tree, with the wind blowing gently
through them.
"Babe, picture tayo", suggest niya kay TJ.

"Game. Phone ko na lang?"

Tumango siya. 'Di niya rin naman kasi dala phone niya.

"Teka, set ko. Gusto ko kita 'yung puno."

Napangiti siya sa sinabi ni TJ. Just like what she has in mind.

Pumunta si TJ sa malaking bato 'di kalayuan sa pwesto nila tsaka inayos-ayos ang anggulo.

"Babe, ang tagal!" kunwaring reklamo niya.

"Heka naman, ikaw kaya rito!"

Haha. Ang sunget!

Nu'ng 'di pa nakuntento, naghanap pa ng batong malaki si TJ at akmang bubuhatin at ipapatong


sana du'n sa malaking bato. Kaso... hindi mabuhat.

"Kung tinutulungan mo 'ko, magpapahalik ako sa'yo!"

Wow, ha. "Utang na loob ko pa sa'yong mahalikan mo, gano'n?"

"Syempre, gwapo ko na 'to! Tulungan mo 'ko, ako na lang kikiss sa'yo para 'di ka mahiya. Dali!
Uy, tutulong na 'yan!" Tinaas-taasan pa siya nito ng mga kilay tsaka ngumuso-nguso na para bang
temptation para sa kanya ang pagnguso nito.

Haha. Kapal talaga ng mukha. Kahit ba totoong gusto niya... Napakayabang lang talaga, e.

"Kaya mo 'yan! 'Kala ko ba macho ka. You can do it! Go beybeh! Go beybeh!" Nang-aasar na
chineer niya pa.

Pilit na pilit na binuhat ni TJ ang may kalakihan at obvious namang may kabigatang bato at
ipinatong sa malaking bato. Ang itsura lang nito. Benta!

"T-ngina, bigat mo naman, 'tol. Mag-diet ka nga!" At talagang kinausap ni TJ ang bato, ha.
Haha. Adik talaga.

Nang makuha na nito ang gustong anggulo, nag-ready na 'tong bumalik sa pwesto nila.
"10 seconds! Bilang ka, babe!"

"Okay!"

"Waaa!" Malokong nagtatakbo na si TJ pabalik sa pwesto nila na ngiting ngiti. Ang boyish ng
ngiti nito. Ang sarap titigan.

Pumwesto ulit 'to sa likod niya at niyakap siya mula ro'n.

Nilakasan niya ang bilang niya na kanina sa isip niya lang.

"6." TJ surprised her with a kiss on the cheek.

Whoa.

"5." He kissed her again.

Natawa siya. What the...

"4." And he kissed her again. They were both chuckling.

"3." Another kiss.

"2." This time, the kiss last a little bit longer than the first ones.

"1."

He didn't kiss her at one. Instead, they posed for the perfect picture.

When they knew the shot was done, TJ suddenly grabbed her face and kissed her softly on the
lips. Followed by God knows how many little kisses he did, she actually wished he didn't stop.

"Happy anniversary, babe. Hindi man ako sikat katulad ni Brad Pitt, gwapo naman ako."

Napablink-blink naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "So?"

"Wala. FYI lang."


"Kayabangan! Haha. Oo na nga! Puge!"

Natawa silang pareho.

"Pero seryoso. Happy anniv, babe. Tagal na natin. Walang sawaan, ha? I love you."

Sabay kinilig naman daw siya.

"Walang sawaan", she promised. "Happy anniversary din, babe. I love you."

Siguro nga, walang binatbat ang isang taon nilang pinagsamahan sa ilang taong pinagsamahan ng
iba. But who cares, anyway? They'll prove their love to everyone.

May kinuha siya mula sa likod ng bulsa niya.

"Here", inabot niya 'yon kay TJ.

"Ano 'to?"

"Sorry na." Inunahan niya na 'to ng sorry.

Siningkitan siya ng mga mata ni TJ. Means, alam na nito. "Di ba usapan walang regalo?"

"H'wag ka nang magalit, please?" Medyo kinakabahang sabi niya.

Usapan kasi talaga nila ang walang regaluhan ngayon. Kaso, 'di niya mapigilan ang sarili niya,
e.

Napangiting umiling na lang si TJ. Kinuha nito sa kanya ang regalo niya at tinignan kung ano
'yon.

"What the!"

His expression... God, if she could only stop the time and paint him.

"Sh-t. Silent Sanctuary ticket??" Magkahalong gulat at tuwa, iyon ang nakita niya sa mukha ni
TJ. Nakakaproud, grabe.

Iyon ang paboritong banda ni TJ. Kaya nga nang malaman niyang may concert ang bandang 'yon, at
saktong anniv pa nila, hindi na siya nagdalawang isip pang bumili.
"Alam mo bang kahit gustong gusto ko, hindi ako bumili kasi nga anniv natin, gusto ko makasama
ka lang? Ipagpapalit ko sila para sa'yo. T-ngina, kahit sino o ano para sa'yo. Tapos, ito?....
F-ck, I love you!" Bigla na lang siyang niyakap nito nang sobrang higpit. "Thank you, babe.
Thank you. Daya mo, pero thank you talaga."

Grabe. Heaven 'yung feeling. Sobrang nakakaproud. Nakakaproud kasi ang liit liit na bagay lang
no'n kumpara sa pinaparamdam ni TJ sa kanya.

Nilabas niya pa ang isang ticket mula sa bulsa niya. "Don't worry, kasama 'ko."

"Ah, sh-t, kaya na nga ba mahal na mahal kita."

Proud na ngiting ngiti siya. "Well...."

Kung ano-ano lang ang ginawa nila pagkaraan. Picture picture. Kiss nang kiss naman 'yung isa.
Syempre, gumaganti siya. Haha.

"Okay. Babe... Ilang araw kong pinaghandaan 'to", sabi ni TJ na ikinakunot ng noo niya. "May
isang bagay pa 'kong hindi sinasabi sa'yo."

"Hmm? Another secret?"

"H'wag kang magagalit, ha? Pero mahirap kasi talaga para sa'king sabihin 'to kahit kanino."

Oh. Now, that's really intriguing.

"Ayaw ko talagang ipagsabi 'to kahit kanino kasi... f-ck, nakakahiya 'to. Or more on, nakakaawa
ang p-ta. Parehong ayaw nating kinakaawaan, alam mo 'yan. Di ba? Kaya ayaw kong kaawaan mo 'ko
sa sasabihin ko."

Nagsalubong ang mga kilay na tumangu-tango na lang siya. Nalilito siya. Ano ba'ng sasabihin ni
TJ sa kanya?

"Sasabihin ko sa'yo 'to kasi... ewan ko, iba ka, e. Ikaw 'yan, e. Sigurado na 'ko sa'yo."

His last line made her feel... beyond great. Pero medyo hindi niya talaga mahulaan kung ano ang
gustong sabihin ni TJ.

"Babe, ano ba 'yon?"

Saglit na tinitigan lang siya ni TJ tsaka ito nagsalita.

"Bukod sa hindi si mama ang tunay kong nanay...."


Yes, of course. Si Tita Alessandra ang tunay na nanay ni Tj at Joice. Napakilala na nga siya ni
TJ dito, e. Sa video call nga lang.

Wait... bukod?

"....hindi rin ako isang Salamat."

Oh, my God.

"A-ano?"

"Isa akong... Fontillejo."

NAGLALAKAD na sila ni TJ pauwi. Doon kasi sila magdidinner sa bahay nila TJ kasama ang
barkada. 'Yun ang pinakacelebration nila. Treat sa kanila ng parents nila. Supportive parents.

Manonood pa nga pala sila ng concert ng Silent Sanctuary mamayang 8:00 PM.

Inakbayan siya ni TJ habang naglalakad sila.

"Bata. Sobra ka naman ata? Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa rin ako? Aba. Abusadong tunay",
iiling-iling na sabi nito sa kanya.

"Yabang!" Natawa na lang siya.

Ang totoo kasi, iniisip niya pa rin ang lahat ng sinabi nito sa kanya kanina. Hindi talaga siya
makapaniwala. 'Yung akala niyang magulong pamilya nila, mas magulo pa pala ang kay TJ. Kagaya
ng sinabi nito sa kanya noon na hindi naman talaga niya pinagbigyang pansin dahil hindi niya
naman akalaing sariling pamilya pala nito ang tinutukoy nito.

Pumasok sila sa bahay nila TJ at naabutan nila ang seryosong mga mukha ng barkada. Sabay-sabay
pa ngang naglingunan pagpasok nila, e.

Nakakapagtaka naman. Ano'ng drama ng mga 'to? Bakit ang seseryoso naman ata?

"A..." tawag sa kanya ni Brianna na tumayo mula sa kinauupuan.

"Whoa... 'di kayo nasarapan sa handa?" biro niya.


Pero parang hindi narinig ng mga 'to ang sinabi niya. Seryoso pa rin ang mga mukhang nag-iwas
ng tingin sa kanila ni Tj ang mga 'to.

"Hinihintay kayo ro'n nila Tita." Si Yen ang nagsalita.

Parang scripted, sabay-sabay na nagtinginan ang mga 'to sa veranda nila TJ.

Nagkatinginan sila ni TJ at parehong nagsalubong ang mga kilay.

"Siguro may confetti na naman tapos biglang sisigaw ulit ng surprise. Kilala mo naman si
author", biro ni TJ.

Natawa siya. Oo nga naman. Si author talaga.

Inakbayan siya ni TJ. "Oy, Derick. Bumanat ka nga ng joke dyan. Papangit ng tsura n'yo, gago",
natatawang sabi ni TJ kay Derick.

At bago 'yon, ha. Hindi pinatulan ni Derick ang sinabi ni TJ? Strange.

Nagpunta na lang sila sa veranda. Pagdating nila ro'n, nakita nila ang anim na taong nakaupo
at nakabilog sa table. Seryoso rin ang mga mukha.

Apat doon ay ang mga magulang nila. Ang isa...

"Mommy!" Napalingon siya bigla kay TJ.

Biglang nagliwanag ang mukha nito nang tawagin ang... mommy nito.

Nawala ang braso ni TJ sa mga balikat niya at niyakap ang mommy nitong matuling lumapit dito.

"God. I missed you so much, Troy!"

"I missed you, too, Mom!" sabik ding sagot ni TJ.

Isang tikhim ang nakapagpahiwalay sa mga 'to. Tikhim na nagmula sa isa pang lalaki.

Lalaking kanina niya pa pinakakatitigan.

Bakit gano'n? Bakit parang nagslow-mo ang lahat? Bakit parang... kinabahan siyang bigla?
Parang nagclick na lang bigla sa utak niya na... parang imposible, pero posible.

Hindi naman maliit ang mundo, e. Mapaglaro lang siguro talaga ang tadhana.

Ang lalaking iyon.......

Ang lalaki sa larawan.

***

*******************************************
[51] Bad Meets Evil (48)
*******************************************

48. HIS PROMISE.

*Flashback:

"Isa akong Fontillejo."

"A-anong?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

Hindi sya isang Salamat kundi isang Fontillejo?

Wait. F-fon... Fontillejo? Parang narinig ko na 'yun?

"Iku-kwento ko sa'yo kaya makinig ka po, ha?" Nakangiting sabi nya pagkaraa'y pinisil ang
tungki ng ilong ko. Wala sa sariling napatango na lang ako.

"My true father, hindi ko alam kung alam nya o hindi that I exist. Si mommy at sya, madalas
silang magkita sa isang club noon. Then one day, they were both drunk... My mom said that they
were both broken inside. Naikwento pa nga sa akin ni mommy na kaya raw naglasing ang tunay kong
ama was because the girl he wanted was already with someone, and that someone was his
bestfriend."

Napakurap-kurap ako sa mga narinig ko. May bagay na pilit nagsusumiksik sa isip ko. P-
parang....
"And my mom's reason? Well, vice versa." He chuckled at the thought. "Ayun na. Nalasing na
pareho, and when they woke up... you know what happened. Pero matigas si mommy, hindi nya
pinaalam sa tunay kong ama na dinadala nya na ako. She left..." He shrugged his shoulders.

"And?" Tanong ko na naghihintay pa ng kasunod.

"And what?" Nangingiting tanong nya.

"What? I mean, why are you with Papa Ren? I-I thought he is your father?" Naguguluhang tanong
ko sa kanya. Kung hindi pala sya anak ni Papa Ren, bakit wala sya sa poder ng mommy nya? Nila
ni Joyce? Ni Tita Alessandra?

"Bestfriends sila mommy at papa. Si papa ang palaging kasama ni mommy noong ipinagbubuntis nya
ako hanggang sa mailabas ako. Kaya ang lagay, tunay na anak na ang turing sa akin ni papa.
Noong makilala ni mommy ang daddy ni Ching, hindi nito alam na may anak na si mommy. Noong
magpakasal sila, saka lang sinabi ni mommy ang tungkol sa akin na ikinagalit naman ng daddy ni
Ching. Kaya ang resulta, inako ako ni papa. Ayaw mang pumayag ni mommy, buntis na rin sya kay
Ching noon kaya pumayag na sya na alagaan ako ni papa. You see? Open sa akin si mommy kaya alam
ko ang istorya ng buhay ko. Medyo mabait naman kasi ang daddy ni Ching at pinayagan nitong
magkita kami ni mommy. Nadagdagan pa nga ng bait nang pati si Ching pinapasama na rin eh." He
chuckled again.

Titig na titig lang ako sa kanya.

"Alam mo ba kung ano ang pangarap ko noong bata ako?" Nakangiting tanong nya sa akin. Hindi ako
sumagot, sa halip, hinitay ko lang na magsalita sya.

"Ang makita sya..." He smiled then nodded.

"Hindi ba dapat, ang makasama sya?" Tanong ko sa kanya.

Iniangat nya ang paningin nya at tinitigan ako, habang ako naman, titig na titig pa rin sa
kanya.

And then it struck me.

Oh my god.

Parang may luhang gustong bumagsak mula sa mga mata ko.

"Kuntento na ako kina mommy, papa at mama, at kay Joyce. Malay ko kung may ibang pamilya na
sya, di ba? Hindi ko na hinihiling na makasama sya, ni picture kasi wala eh. Kaya kahit ayawan
nya pa 'ko, makita ko lang sya, sapat na."

"No. You want to be with him. I can see it in your eyes, gusto mo syang makasama..." Iiling-
iling na sabi ko sa kanya.
It's very obvious! Sabik sya sa tunay nyang ama.

Parang nagulat pa sya sa sinabi ko.

"The point is, does he want me?" Once again, he smiled.

"Oh my god." Hindi ko napigilang maiusal.

He really look like him. That man I was so curious to meet. My parents' other bestfriend. The
man who wanted to have both me and my mother. The man who I thought I saw somewhere. This man
infront of me and that man....

"Gabriello Fontillejo...."

Gulat at pagtataka, pero ang pinaka nangibabaw... nagliwanag ang expression ng mukha ni TJ nang
marinig ang sinabi ko.

"Kilala mo ang tunay kong ama?"

*End of Flashback*

"Dad?" Pukaw ko sa atensyon ni daddy. Kanina pa sya tahimik, katulad ni mommy at ni B.

Nasa bahay na namin kami ngayon. Nakiusap kasi si Tita Alessandra, ang tunay na mommy ni TJ, na
kailangan daw muna nilang magkausap na pamilya, kaya iniwanan na muna namin sila. Ang barkada
nakaalis na pero parang worried din sila. And I'm dying to know why!

"H-huh?" Tila wala sa sariling tanong ni daddy.

I heaved a sigh and then forced a smile.

"Dad, what's going on? Mom? B?" Isa isang pine-pursuade ko sila. "Bakit ganyan ang mga itsura
nyo? Nag-away ba kayo ni mommy tapos nakisali si B kaya away-away na 'to? O baka naman nanalo
tayo sa lotto pero napanggatong ni yaya ang ticket? Pero oo nga pala bakasyon din si yaya tsaka
may kalan at gas naman tayo..." Hindi ko na alam kung anu-ano ang sinasabi ko. Basta tuloy-
tuloy lang ako sa pagsasalita. Basta ang kutob ko, may mali eh. "Don't tell me ampon ang isa
sa'min ni B? That's funny! C'mon! Bakit parang nalugi kayo? Galit pa rin ba ang daddy ni Troy
sa inyo? O baka naman may aalis...."

Unti-unting nawala ang pilit na ngiti sa mga labi ko.


Si mommy at si B, nakamasid lang habang tinitigan ako ni daddy na para bang, he is sorry for
something... Something that suddenly struck me.

Bigla na lang akong tumakbo palabas ng bahay namin at nagtuloy sa bahay nila TJ. They tried to
stop me but I didn't. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang pagkumpirma sa mga nangyayari.

Aalis?! NO!

"TROY!" Tawag ko sa kanya nang maabutan ko sya at makita syang paakyat na ng hagdan nila.

Napahinto sya pagkarinig sa boses ko but he didn't turn to look at me. His back facing me.

Sila Papa Ren, Mama Min, Tita Alessandra at ang tunay na ama ni TJ--si Tito Gab ay nasa sala na
malamang pinanggalingan ni Troy.

"You don't need to think about it, son. You must--"

Hindi na natapos ang sasabihin ni tito Gab nang magsalitang bigla si Troy.

"I'm sorry, hindi muna kita mai-de-date ngayon... Still, happy one year anniversary, Helen."
And then he left.

Kasama namin ang barkada rito ngayon sa labas ng bahay nila TJ. Wala, nagkayayaan lang.

Si TJ kasi, two days na syang hindi lumalabas ng bahay. Kaya ngayon, inaya ko ang barkada para
naman lumabas sya kahit papa'no. And I'm glad he did. Katabi ko sya ngayon, tahimik lang kami
habang hawak nya ang kamay ko. Hindi rin kami nakikisali sa usapan ng barkada. Alam kong
hinahayaan lang nila kami na makapag-usap.

Pero nauubusan na ata ng kwento ang barkada, wala pa ring balak magsalita si TJ. He just kept
staring and playing with my hand like what he always do.

Naalala ko na namang bigla noong gabing una silang nagkita ng tunay nyang ama, ni Tito Gab.

He called me Helen. He only does that when he is being so over protective of me. I wonder
why...
"Troy, I can listen." Mahinang sabi ko sa kanya.

Matagal bago sya sumagot.

"Kailangan ako ng tatay ko."

Okay? Pwedeng 'wag masyadong manggulat? Nagugulantang naman ako masyado.

"Syempre naman. Anak ka nya eh. Di ba, gusto mo rin syang makasama?" Hindi ko ata naitago ang
paglungkot sa boses ko.

"Ang sabi ko, 'kailangan' ako ng tatay ko. Hindi gusto akong makasama ng tatay ko."
Pagliliwanag nya.

"What do you mean?" Kasi medyo magulo sa'kin 'yun. Kailangan at hindi gusto?

"Wala." He sighed.

Mahabang katahimikan na naman ang nangibabaw sa amin. At syempre, wala sya sa mood na
magsalita. Sapat na sa kanya na kasama nya ako, at ganoon din naman ako. Pero hindi pwedeng
ganito lang.

"Troy, bata pa naman tayo. Pwede pa tayong maghiwalay and when we meet again, we can work
things out. Kaya kung gusto mong sumama sa daddy mo, okay la---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Bakit ba gusto mong sumama ako sa kanya? Gusto mo bang maghiwalay tayo? Sawa ka na ba sa'kin?
Gusto mo ba ng experience sa ibang lalaki? Kating kati ka na ba na maghiwalay tayo?" Hindi nya
naiwasang bahagyang magtaas ang boses nya na ikinatahimik ng barkada.

Maski ako natahimik. He is mad. No. He is angry.

Pero hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.

Bigla nya na lang binitawan ang kamay ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila.
Sinundan ko sya pero ayaw nya akong lingunin hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.
Mapapagsaraduhan na nya sana ako kung hindi ko lang naiharang ang braso ko. Hinayaan nya na
lang akong makapasok.

Naupo sya sa gilid ng kama nya na galit pa rin ang itsura. Nilapitan ko sya at tinabihan.

"Troy... h-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Iniisip ko lang na baka gusto mong makasama
sya. Mahal na mahal kita at bakit ko gugustuhing maghanap ng iba? Listen, Troy. Alam ko ang
nararamdaman mo, nakakarelate ako. Hindi ko rin kilala ang ama ko dati but when I saw him, I
wanted to be with him. Kaya nga iniisip ko lang na---"

"I-I know, I know... I'm sorry... Nagiging sensitive na ata ako these last few days. I'm
sorry..." Yumuko sya.

"Yeah, masungit ka nga lalo nitong mga nakaraang araw. Siguro meron ka."

Napangiti sya sa sinabi ko at hinawakan na naman ang kamay ko. Iniangat nya ang ulo nya at
tinitigan ako.

"Alam mo naman di ba 'yung kasabihan na 'age doesn't matter'?" Tanong nya.

Napakunot ang noo ko. Age doesn't matter? Eh, ano naman? Hindi naman magkalayo ang edad namin,
ah?

"Hindi lang 'yun para sa mga may May-December love affair. It can also apply to us. Kahit bata
pa tayo, hindi ibig sabihin na hindi totoo ang nararamdaman natin. Bakit ipagpapabukas ko pa na
mahalin ka, kung noon pa man mahal na kita? Wala tayong kasiguraduhan sa mga mangyayari sa
atin. Kaya dapat sinusulit ang bawat araw na dumarating. Katulad sa'yo. Ayaw kong maghiwalay
tayo. Naiintindihan mo ba ako? Pasensya na... Sobrang mahal lang talaga kita kaya ayokong
iwanan ka."

Hindi ko napigilang ngumiti.

How can he just love me and only me? Sobrang swerte ko.

Tinanguan ko sya. "Paano ang daddy mo?"

"Hamo sya. Malaki na sya." Nangingiting sagot nya na tinawanan ko naman. Napaka-unpredictable
ng mood nya kahit kailan.

"Sakaling pilitin ka nya, sasama ka ba?" Tanong ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanya.

"Maiiwanan kita."

"So, iiwan mo rin pala 'ko, gano'n?"

"Na para bang kakayanin ko."

"Then don't."

"I won't.... I promise."


***

*******************************************
[52] Bad Meets Evil (49)
*******************************************

49. LEAVE IT TO B.

Narrator:

Pauwi na si Brianna. Tapos na rin kasi ang klase niya at wala siya sa mood makipag-kulitan sa
mga suitors niya kaya tinaboy niya na ang mga ito. Wala rin siyang kasabay since may klase pa
ang kambal niyang si Arianna, may kanya kanyang ring dates ang barkada niya at ayaw niya namang
makisawsaw pa.

Nakalabas na siya ng university, naglalakad na siya papunta sa sakayan ng jeep nang mapansin
niya ang isang puting sasakyan na nakasunod sa kanya. Hindi naman sa assuming siya, pero sa
laki ng daan, bakit ito magbabagal sa pagtakbo? Pero hindi siya kinakabahan. Sa pagkakaalam
niya, wala naman siyang mortal na kaaway. Hindi kaya, may nai-date siyang baliw? At nang
makipag-break siya ay hindi kinaya ng powers nito at mas lalong nabaliw kaya ipapa-kidnap siya?

OH-EM! Sigaw ng isip niya.

*Peep-peep!*

Nagitla siya sa biglang pagbusina ng sasakyang nakasunod sa kanya, nasa gilid na niya ito.
Tinted ang sasakyan kaya hindi pa rin niya makita kung sino ang sakay nito. Unti-unting bumaba
ang bintana sa passenger seat.

"Let's have a talk", ani ng nasa loob ng sasakyan. Ang totoong ama ni TJ.

Pero kahit kilala niya ito. Hindi pa rin siya tuminag. Naiinis siya sa lalaki, pilit nitong
inilalayo si TJ sa pamilya nila. Nahihirapan na nga si TJ pero hindi pa rin nito pinapakita
iyon sa kambal niya.

Akala mo teenager! Bitter! Hmp! Inis na naisip niya.

Naisip niya kasing apektado pa rin ito sa nakaraan nito at ng kanyang mga magulang kaya ganoon
na lang ang pilit na mailayo si TJ sa pamilya nila. Paano niya nalaman? Well, let's just say,
malakas siyang makiramdam. Kaya kinukulit niya lagi si TJ para lang mapaamin ito. Wala na ring
nagawa si TJ kundi ang mag-open up sa kanya.
"I won't hurt you, young lady", dagdag pa nito.

Nagdadalawang-isip pa rin siya. Ano naman kaya ang kailangan sa kanya ng ama ni TJ?

"It's about you and my son."

Doon siya tila natauhan. Inakala nitong siya si Arianna?

Hah. How stupid.

Sa yaman nito, bakit hindi nito nagawang ipa-imbestiga muna silang dalawa ni Arianna bago ito
gumawa ng hakbang? Hindi ba nito alam na hindi hinahayaan ni TJ na umalis ng mag-isa ang kambal
niya? How pathetic.

"Kay." Sarkastikong nginitian niya ang lalaki pagkaraa'y pinagbukas siya nito ng pinto ng
sasakyan.

Sa loob ng sasakyan, wala pa rin silang imikan ng lalaking katabi niya. Hanggang sa huminto
sila sa isang mamahaling restaurant.

Tss. Mag-uusap lang, kailangan dito pa.

Pumasok sila sa loob at nagtuloy sila sa isang kwarto kung saan ang ipina-reserve nito. Lalo
siyang nainis.

Tahimik na nakaupo lang siya. Naghihintay siya sa sasabihin ng nasa tapat niya.

May lumapit na waiter sa kanila at nag-abot ng menu. Hindi niya kinuha ang iniabot na menu sa
halip ay walang emosyon na tinignan ang lalaking nasa katapat niya.

"If you don't mind, let's proceed to the talk." Sabi niya rito. Ayaw niya ng magtagal pa na
kasama ang lalaking ito. Mas lalo lang umiinit ang ulo niya.

Tumikhim ito at ibinaba na lang ang menu sa table. Sinenyasan nito ang waiter na iwan muna
sila.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko." May awtoridad sa tono nito pero
hindi siya magpapatinag.

"Ayoko." Seryoso pero nakangiting sagot niya rito.

Gusto niyang matawa. Gusto niyang mainis ito. At mukhang nakukuha naman niya ang gusto niya.
The man is starting to get irritated.
"You must." He stressed out the last word.

"Try me", she challenged.

"I've already started, young lady. By every means, ilalayo ko sa'yo ang anak ko", mariing sabi
nito.

"I know. Kaya nga inumpisahan mo na sa kompanya ng mga magulang namin, di ba? Sa kompanyang
kahati ang mga tumayong magulang ng anak niyo?" She sarcastically laughed while she stressed
every word she said. "Hindi na ba kayo nahiya? Ni katiting na hiya ba, wala kayo? Ang nagpalaki
at nag-alaga ng buong puso sa anak niyo, pinapasakitan niyo ngayon? Dahil lang sa bitter kayo
sa nangyari sa inyo ng mga magulang ko? Well, tell you what. You're so pathetic, Mr.
Fontillejo." Tiim bagang na sabi niya rito.

Bakit kailangan niyang galangin ang taong dahilan ng unti-unting pagbagsak ng hindi naman
kalakihang kompanya ng mga magulang nila? To think na wala naman talagang kasalanan ang mga
magulang niya sa kamartiran nito? At na ngayon ay nadadamay pati ang mga walang kinalamang
tumayong magulang ni TJ? Para lang mailayo ang wala namang kasalanang kapatid niya at si TJ?
Bakit kailangang pahirapan nito ang mga walang kinalaman sa sariling problema nito? She would
never respect this man!

"I don't care a bit about anything you've said and would say... End everything with my son."
There goes the authority in his voice again.

"Must I repeat myself? I. WON'T." Walang sabi-sabing tumayo siya at naglakad papunta sa pinto
nang marinig niyang muling nagsalita ito.

"Ipapakasal ko ang anak ko sa isang mayaman at edukadang babae. Mas karapat-dapat kaysa sa
isang walang pinag-aralan at bastos...!" Malakas at pinagdiinan nito ang huling salita. "...na
kagaya mo!"

Kaunti na lang at baka mapatulan na niya ang matandang hukluban na iyon. Kung si Arianna ang
nakausap nito ay malamang na ganito rin humantong ang pag-uusap ng mga ito, knowing how rude
her sister can get.

"You will end your relationship with my son and you can't do anything about that. I'm leaving
you no choice."

She smirked. Isang huling sulyap ang ibinigay niya rito.

"Neknek mo. Goodluck na lang sa'yo." She added the flip-hair effect to strengthen her act
before she finally left the place.

She tried to keep her cool but she failed.


Paglabas na paglabas niya sa restaurant ay inis na nagpapadyak siya. "To hell with that man!
Curse him! Squeeze him! Strangle him! Kill---"

"Kawawa naman 'yung hangin. Hindi na nakahinga."

Napatingin siya sa biglang nagsalita. Nakatingin ito sa kamay niyang akala mo may hawak at
pinipilipit na kung ano pero wala naman talaga siyang hawak.

"Gusto mong ikaw na lang kawawain ko?" Pagtataray niya rito.

"Hahaha! Peace tayo bergi-bergi Bri!" Ginaya pa nito ang bergi bergi dance na pinauso ni Luis
Manzano.

Bergi ang tawag nito sa kanya. Kung bakit? Aba, ano'ng malay niya sa may topak na malibog na
isip batang 'to? Nagsimula ata iyon sa isang burger. Kumakain sila nang biglang isalpak nito sa
bibig niya ang malaking burger saka ito sumayaw ng bergi-bergi ni Luis. Kaya ayun.
Napakawalang-katututrang dahilan.

"Peace-in mo mukha mo! Tapyasin ko 'yang baba mo, eh!"

"Ooooy, nagtataray! Hahaha. Sino ba'ng hinayupak ang nagsabi sa'yong mas maganda ka kapag
nagtataray ka? Aba'y maling mali sya eh. Hahaha."

"Tangna mo, Keslibog! Lubayan mo 'ko!" Naglakad na siya paalis. Pero sinundan pa rin siya ni
Kesley o Keslibog kung tawagin niya.

Bakit Keslibog? Kasi, brutal siyang makipagtalo kay Kesley noon. Laging hinahampas, kurot,
sipa, tadyak o kung anu-ano pa. Puro sangga naman ang ginagawa nito, mahihina at pabirong
hampas at kurot lang hanggang sa mahawakan siya nito sa... boobs niya. Kaya ngayon ayaw niya ng
dumidikit dito. Baka kung ano pang mahawakan nito.

At ngayon, siya na naman ata ang target nitong asarin. Palibhasa nasa malayo ang syota kaya
puro landi ang alam!

"Himala! Binasted ka ng lalaking ka-date mo ngayon, 'no? Aww. Sadness..." Pang-aasar nito sa
kanya.

"Dream on, Keslibog. Dream on." Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Tsk. Sabi ko naman sa'yo... Hangga't nandito ako sa mundo. Wag mong isiping THE BEST na ang
syota mo. Hahaha!"

Huminto na siya at hinarap si Kesley. Hindi na ba natigil ang pagsesearch nito ng mga banat?
"Isa pa, tatadyakan na kita!"
"Uyy... Sige nga?" Tukso nito sa kanya.

Doon siya hindi naka-imik. Of course, alam nitong umiiwas siyang madikit dito!

"Super steady ka naman dyan... Galawin kaya kita?"

What the fck... "LIBOG! Aaaaaah! Ang libog libog mo! Napaka-libog mo kahit kelan ka malibog
kang libog ka!" Pinaghahampas niya na ito sa braso.

"Ow! Hahaha! Kitams? Edi nadikit ka na sa'kin. Hahaha!"

Tumigil siya sa paghampas. Argh! Nakakainis talaga 'tong Keslibog na 'to!

"Pero seryoso na muna Bergi..." Nawala ang ngiting sabi sa kanya nito. "Nakita ko kayo ng
totoong ama ni TJ kaya sinundan ko kayo. May pag-asa pa bang........ maagaw ko si Annambong ko
kay Jepengson?"

Pinandilatan niya ng mga mata si Kesley. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya
nito.

"Kidding! Hahaha. Selos ka na naman!"

Bwiset na 'to. "Asa."

"Pero seryoso. Bakit ka sinundo ng tatay ni TJ?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Tss. Makinig ka, kokonyatan na kitang libog ka!"

Sunod sunod na tango naman ang isinagot nito sa kanya habang nakangiti.

"Okay. Ganito... Ang akala niya, ako si A. So... blah blah..."

Kinwento niya ang nangyari kani-kanina lang, kay Kesley.

"Paktay! Ano na'ng mangyayari sa magsyotang 'yon?" Tanong nito sa kanya pagkatapos niyang
maikwento ang lahat. Sina Arianna at Troy ang tinutukoy nito.

"I have a plan."

"Leche flan? Uy, gusto ko 'yan! Asan?"


*Pok!*

Binatukan niya nga.

"Pwede bang seryoso muna? Gusto mong ulanin na naman kita ng mura? Bwiset ka."

Hinimas-himas nito ang likod ng ulo na sinapul niya ng kamay niya. "Tss. Kailan mo kaya ako
uulanin ng pagmamahal, eh 'no?" Bulong ni Kesley na masyadong mahina kaya hindi niya
naintindihan.

"Ano'ng sabi mo?!" Asik niya rito sa pag-aakalang may masamang sinabi ito sa kanya.

"Wala! Sabi ko ampogi ko! Ano ba'ng plano mo?" Sigaw nito sa kanya.

"Eh, ang papangitin ka!" Ganting sigaw niya rito.

"Huh! Wala ka ng pag-asa!"

"Kasi pangit ka na!"

"Kaya pala na-inlove ka!"

"EXCUSE ME?!"

"Sa laki ng daan na 'yan nag-eexcuse ka pa?!"

"Namo! Wag mo na nga akong kausaping sira-ulo ka! Get lost!" Sigaw niya rito.

Lagi na lang silang nauuwi sa away ni Kesley. Ano pa ba'ng bago?

"Saan naman ako pupunta, aber?" Tanong nito sa kanya.

"Sa impyerno! Gusto mo ng mapa?"

"Hindi na. Samahan mo na lang ako. Di ba galing ka do'n? Hahahaha!"

"Arrrrgh! Bwiset!" Nakakainis! Bakit ba hindi ako nagpaturo kay Arianna ng mga pang-counter
bara? Mas naturuan pa ang Keslibog na 'to! Argh! Maktol ng isip niya.
Naglakad na lang siya palayo rito. Sinusundan pa rin siya nito pero nagtakip na lang siya ng
tenga at hindi na lang ito pinansin. Sa laki ng problemang ibinigay sa kanya ng tatay ni TJ,
wala ng panahon siyang dapat aksayahin. Ipapakasal nito si TJ sa iba!

Dahil lang anak ni daddy at mommy si A, kaya hindi na pwedeng maging sila? No way! I mean, yes
way! They can be together! Determinadong naisip niya.

We'll make it happen.

***

*******************************************
[53] Bad Meets Evil (50)
*******************************************

50. BEST DAY EVER.

YANNA:

Kinakabahan ako. Fck. Ganito ba talaga feeling ng debutante? Si B kaya kinakabahan din?

Hoo! Hingang malalim, Arianna! Kaya mo 'yan! Hoo!

Sht, naiihi ata ako!

Okay. Relax. Inhale. Exhale. Hoo.

Humarap ako sa malaking salamin.

"Amuchu muchu. Ganda ganda mo naman Arianna. Sexy sexy. Mmhihihi. Mukha ka nang tanga.
Hihihihi." Pilit na pilit na ngiting kausap ko sa sarili ko.

Maiihi na ata talaga 'ko eh. Ano ba 'to. Huhu

*Tok-tok.*

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. Bumukas iyon at pumasok si B. May pakatok-katok pang
nalalaman?
"B naman! Saan ka ba nanggaling?" Tanong ko agad sa kanya. Todo ngiting pumasok siya sa loob.
At dahil kambal kami, kambal din ang mga damit namin.

I am wearing a baby blue dress while B wears a baby pink one. Pati ayos ng buhok namin,
magkamukha, magkaibang sides nga lang.

"Bawal umihi, 'te?" Tatawa-tawang sagot niya. Naupo siya sa kama namin tapos sinway-sway niya
ang mga paa niya.

"B, bakit ang relax mo? Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko sa kanya. Ako lang kasi ang hindi
mapakali, eh. Habang siya parelax-relax lang.

"Hindi naman ako bibitayin, A. Bakit ba ang praning mo? Party lang 'to. Our party. Ano'ng
nakakakaba do'n?"

Hindi ako nakasagot. Oo nga naman kasi, party namin 'to. Bakit parang kabadong kabado ako? Baka
himatayin pa 'ko nito, ah?

"Halika nga rito, twin. Sit here." Aya sa'kin ni B na maupo sa tabi niya. Ako naman, sumunod na
lang.

Nagtitigan muna kami. Ang weird ni B, sa totoo lang. Parang ang saya saya niya na ang lungkot
din niya. Parang may alam siyang mangyayaring maganda at may alam din siyang mangyayaring
masama. Hindi kaya.....

"B.... natatae ka ba?"

"Ano?! Hahaha! Ang gaga nito! Kagagaling ko lang ng cr kaya malamang na tumae na 'ko kung
natatae man ako. Ang eng-eng mo, A! Katol pa! Hahaha!"

"Malay ko naman kung tibi pala 'yang tae mo..." Bubulong-bulong na sagot ko na lang.

Eh, kasi ang gulo ng expression ng mukha niya eh. Di ko talaga maintindihan.

"Silipin mo pa. Ang kulit! Haha!" Natatawang sabi niya sa'kin.

May kinuha siya mula sa drawer na malapit sa kanya. Isang maliit na box.

"Here."

"B! Di ba napagkasunduan na nating wala tayong birthday gift sa isa't isa? Eh, bakit----"

"Hindi naman 'to birthday gift ineng." Putol niya sa pagsasalita ko.
"Hindi birthday gift? Eh, ano pala?"

"Kahon."

"B!" Pektusan ko 'tong kapatid ko, eh. Pilosopohin daw ba 'ko sa oras na kabado ako.

"Kahon nga! Mukha bang mamon?"

Natututo na 'tong batang 'to, ha?

"Aanhin ko naman 'yan?"

"Pahigop ka."

"Biiiiiiiiiiiiii."

"Kiiiiit? Bikit? Bikit ki bi imiiyik dyin? Ikiw bi'y nititii?"

"Hay nako, Brianna! Pag gantong kinakabahan ako naba-blangko ang isip pambara ko! Inaabuso mo!"

"Hahahaha! Sabi na nga ba't tama ang pag-e-enroll ko sa Troy Academy eh. Hahaha!" Tapos tumawa
lang siya ng tumawa dun.

Anak ng kambing talaga, oo. Totoo. Nagpapaturo siya kay TJ ng mga pang-counter. Dapat kasi
sa'kin. Eh kaso mas magaling daw si TJ, ayun. Taksil na kapatid.

Kinuha ko sa kanya ang kahon tapos nung buksan ko, wala ngang laman.

"Sabi sa'yo kahon 'yan eh! Hahaha!" Tatawa-tawang sabi niya pa sa'kin.

Tinapang kapatid 'to? Ano namang gagawin ko sa kahon?

Try ko nga kayang pahigop?

Bumukas ulit ang pinto ng kwarto namin at pumasok naman si mommy.

"My babies! Wow... Ang gaganda naman. Pa-hug nga sa mga dalaginding ko?" Mommy opened her arms
as B and I reached to hug her.

"Hmmm! Dalaga na talaga kayo. Paalala lang mga anak, ha? Enjoyin muna ang pagkadalaga. Minsan
lang sa buhay 'yan. Wala munang babies. Okay?" Paalala sa'min ni mommy habang yakap-yakap pa
rin namin ang isa't isa.

"You heard mommy, A? Wala raw munang babies!"

"Ikaw nga dyan! Dami mong boys kaya!"

Tapos nag-belatan pa kami.

"Ops. Tama na 'yan. Tara na't bumaba na tayo. Nasa baba na ang daddy niyo", awat sa'min ni
mommy. Sumunod naman kami ni B.

Dito sa Function Hall sa loob ng village namin ang venue ng party namin ni B.

Blue and pink balloons were everywhere. May mga bubbles and smokes din sa iba't ibang part ng
hall.

The party started. Ipinakilala na kami ni B. Ang kasunod, The Grand Cotillion Dance. Pero
mukhang may problema....

Ang partner ko, hindi ko pa nakikita!

Nagsimula ng magsipuntahan sa harap ang mga kasali sa sayawan. Pero ako, hinahagilap ko pa rin
si TJ.

"Uy, B. Nasaan si TJ? Wala akong partner!" Pabulong na tanong ko kay B.

Hala, in-indian na ba 'ko ni TJ?

"Huh? Oo nga 'no. Di ko pa rin nakikita. Hindi ba nag-text sa'yo?" Nag-aalala na ring tanong
niya.

"No." Iiling-iling na sagot ko.

Bakit wala pa si TJ? Kinakabahan na ako.

Pasimula na ang tugtog at nang makita kong wala pa ring TJ na dumating, nilapitan ko na ang
host at binulong dito na hindi ako makakasayaw dahil wala akong partner. Pinaupo na lang niya
ako sa isang upuan sa may gilid habang nagsimula na ang cotillion dance.
Palinga-linga lang ako habang nakaupo. Hindi ko na napanuod ang pagsasayaw.

Wala si TJ! Nasaan siya??

Hanggang sa mag-umpisa na ang 18 Candles Presentation at sa matapos ito, eh wala pa ring TJ na


dumarating. Mag-uumpisa na rin ang 18 Roses Dance.

Hindi na talaga 'ko mapakali. Sana dumating si TJ, siya ang last dance ko. Sana makahabol pa
siya. Ano na ba kasing nangyari sa kanya?!

"Relax, anak..." Sabi sa'kin ni daddy na ngayon ay kasayaw ko na.

Si daddy ang first dance ko, last dance naman siya ni B. Si Neil ang first dance ni B, Keslo
comes before daddy. Wala lang, agawan kasi 'yung dalawa kay B, eh. Pero mas type ata ni B si
Keslo, kahit kunwari hindi. Kaya si Keslo ang second to the last. Kasi raw, 'boyfriend comes
before the father'. Hindi pa naman sila mag-syota may nalalaman ng paganun-ganun.

Tapos ako naman, 'the last dance is for the boyfriend' ang drama. Ang problema nga lang talaga,
nasaan nga ang boyfriend ko???

Ilang beses ng nabago ang mga kanta at ang mga lalaking nakakasayaw ko, pero wala pa rin si TJ.

Kinakabahan na talaga ako. May masama bang nangyari sa kanya? Bakit ni hindi man lang siya
nagpapakita?

Paglapit na paglapit sa akin ni Papa Ren --- siya kasi muna bago si TJ ang sayaw ko, second to
the last --- agad ko siyang tinanong.

"Papa, nasaan po si TJ?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Pero imbis na sagutin niya ako, yumuko lang siya at tahimik na isinayaw ako.

What the hell..... Iniwasan ni Papa ang tingin ko!

Oh my god. Ano ba'ng nangyayari???

"Papa. Magsalita ka naman. Nasaan po si TJ?"

But then again, hindi ako sinagot ni Papa Ren.


Promise, natatakot na ako.

May nangyari ba at bigla na lang siyang sumama sa totoong daddy niya? Kay Tito Gab? Madalas na
kasing magpabalik-balik si Tito Gab kila TJ para pasamahin sa kanya. Hindi kaya sumama na sya?
Pero sabi niya hinding hindi niya ako iiwan! O baka naman kaya.... pinilit siya nito?

No fcking way! Hindi pwede!

Pumainlalang na naman ang panibagong tugtog.

Turn na ni TJ, pero wala pa rin siya. Fck, naiiyak na 'ko.

Nakatayo lang ako sa gitna at naghihintay sa wala. Lahat sila nagbubulungan na.

Si B, nilapitan na ni daddy para isayaw siya. Samantalang ako, wala pa rin si TJ para isayaw
ako.

Sht. Naiiyak na talaga ako pero hangga't kaya ko, pinipigil ko ang mga luha ko. Hindi ko alam
kung ano na ang nangyari kay TJ.

Lahat sila nakatingin at pinagbubulungan na ako. Pero walang nag-abalang ialis ako sa gitna.
Para akong kawawang nakatayo lang sa harap nilang lahat. Gusto ko mang umalis. Pero parang
tinulos ako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa.....

"Sir, I'm a bit nervous about being here today..."

Parang may bumundol sa puso ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Napalingon ako pati na rin ang lahat sa pinanggalingan ng boses na nagmula sa likuran ng lahat.

Ang lalaking umagaw sa atensyon ng lahat. Wearing his three piece black tuxedo...

"Troy..."

Gusto ko ng maiyak sa tuwa nang makita ko siya.

Akala ko umalis na sya! Akala ko iniwan niya na 'ko! Pero heto siya! Shit, kinabahan ako dun!

Pero nagtaka ako nang biglang... lumiko siya. Papunta sa kinaroroonan ni daddy at B.
"Still not real sure what I'm going to say. So bare with me please if I take up too much of
your time."

Hindi na niya sinabayan ang kanta. Ibinaba niya ang mic at kinausap lang si daddy. Sapat para
sila lang ang magkarinigan.

See in this box is a ring for your oldest.


She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Cause very soon I'm hoping that I...

Habang nag-uusap ng masinsinan sina daddy at Troy sa harap ng lahat -- na actually, si Troy
lang ang nakikita kong nagsasalita at nakikinig lang si daddy.

Ngayon ko lang lubusang napagtuunan ang kanta.

Can marry your daughter


And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter

This time, hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko.

Habang patuloy ang kanta, patuloy rin sa pag-uusap sina daddy at Troy, habang ako, patuloy sa
tahimik na pag-iyak.

He's asking for my father's blessing!

Naramdaman ko na lang na may nag-abot sa akin ng mic mula sa likuran ko.

Si B! Ngingiti-ngiting inabot niya sa akin ang mic. Planado nila ang lahat!

Bumaling si TJ kung nasaan ako. Mas lalo akong naiyak.

Bakit ang gwapo niya? Not his normal hairstyle na nakataas parati ang buhok. Bagsak iyon at
lalong nagpagwapo sa kanya. Parang naging maamo ang mukha niya.

Napalingon ako sa katabi niyang si daddy. Isang tango ang binigay sa'kin ni dad. Alam ko na
kung para saan iyon.

Nginitian ako ni Troy. At feeling ko, nagslow-motion ang lahat.

Feeling ko, kami lang ni TJ ang nasa loob ng fucntion hall na ito.

Hanggang sa sinabayan niya ulit ang kanta at naglakad palapit sa akin.

"The first time I saw her, I swear I knew that I'd say I do...."

Hindi ko ulit napigilang maluha sa message ng kanta, lalo pa nang si TJ ang kumanta.

"I'm gonna marry your daughter


And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that I die
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
As she walks down the aisle
On the arm of her father

On the day that I marry your daughter..."

Paglapit niya sa'kin, pinunasan niya agad ang mga luha ko pero habang kumakanta pa rin.

Hanggang sa matapos ang kanta.

Mahinang hinampas-hampas ko sa kanya ang hawak kong mic.

"Kainis! Hindi mo ba alam na nag-alala ko? Akala ko umalis ka na! Akala ko sumama ka na sa
daddy mo! Akala ko---"

"Hush, baby. Di ba, sabi ko sa'yo, I won't leave you? Wag ka ngang umiyak. Baka maiingit sila
sa ginagawa ko sa'yo, ma-pressure pa mga boyfriend nila", natatawang biro niya sa'kin.

Kahit kailan talaga napakayabang niya! Pero dahil do'n, mas minahal ko pa siya.
Alam kong pinapanood kami ng lahat. Kahit ba hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin ni TJ
dahil sa mahina lang naman tapos natatabunan pa ng mellow song. Syempre, may mga kinikilig, may
mga humahanga.

"Edi mainggit sila! Kainis ka! Sobra mo akong pinag-alala! May pakanta-kanta ka pa dyang
nalalaman. Gumagawa ka pa ng eksena. Ang papansin mo!"

Biglang nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ko. Hindi ko namalayang napalakas na pala ang
boses ko. Siya kasi eh.

"Syempre, gwapo eh. Try mong maging gwapo minsan, nakaka-stress din kaya, akala mo."

"Sang-ayon ako sa'yo Jep-jep!" Napalingon kami sa sumigaw na si Keslo.

Ano ba 'yan! Hanggang sa moment ba naman namin na 'to, nakikisingit pa sya? Sobrang exposure
ang bata!

"Ah.... Jep-jep? May pupuntahan pa ata kayo? Baka mawalang-galang na sa inyo itutuloy na ni
Bergi ang party niya, eh magsilayas na kayong dalawa dyan?" Dagdag pa ni Keslo. Hinampas lang
siya ng katabi niya na si B.

"Teka lang naman. Eto, atat! Akala mo madali 'tong ginagawa ko? Ikaw kaya sa pwesto k---de wag,
joke lang pala. Sisiw, dude!"

"Ehhhhhh.... Ginusto mo 'yan eh! Haha! Dalian na lang, oh."

"Namo. Wag mo kasi akong kausapin. Kita mo madadali talaga 'tong itlog ka."

"Haha. Dalian na!"

Napailing na lang ako. Kung sila na lang kayang dalawa ang mag-moment dito? Ang kukulit eh!
Hahah----

Bigla na lang lumuhod si TJ sa harap ko.

'Y-yung... 'yung luhod ng nagpo-propose?

Narinig ko pa ang pag 'ooh' at 'aah' ng mga audience.

Kanina ko pa nahulaan kung ano ang gagawin niya. Pero nagulat pa rin ako. Fck. Para akong
sasabog.
Tinapat na ni TJ sa bibig niya ang mic na hawak niya.

"Ano ka ba? Tumayo ka nga dyan!" Mahinang sabi ko sa kanya. Pero hindi siya tumayo.

Ano ba 'to! Nakakahiya!

"Alam kong bata pa tayo. Hindi naman kita minamadali, pero para lang makasigurado ako..."
Payuko-yuko pa sya kasi nahihiya rin siya sa ginagawa niya.

Eh, sino ba naman kasi'ng hindi?

"Alam mo bang mula nang makilala kita, naging happy na ako? Kasi, kahit na ang sexypatootie mo,
ikaw pa rin ang baby ko."

Nahihiyang yumuko na naman siya. Habang ang mga audience hindi magkamayaw ang sigawan.

Jusko lalo naman ako sa loob-loob ko. Naman, e. Naiiyak ako.

Happy, sexypatootie, and baby. Iyan lang naman ang mga endearments niya sa'kin.

Naiiyak na talaga ako. Bakit siya ganito? Sobrang nao-overwhelm ako.

Tapos biglang sumeryoso ang tingin niya sa'kin. Pinakatitigan niya ako, tapos.....

"Helen..... will you marry me?"

Natawa ako. Will I marry him? Who wouldn't want to?

Sa nanlalabong mga mata ko dahil sa namumuong mga luha, pinakatitigan ko rin siya at saka ako
ngumiti sa kanya.

"Yes! Of course, Troy. I will."

Halos mapatalon---scratch that. Tumalon talaga siya sa tuwa nang marinig ang sagot ko.

"You heard that, people? She will!!!"

Parang sira-ulong sabi niya sa lahat, sinagot naman siya ng mga tao kaya lang hindi
maintindihan sa dami ng sumagot.

May gwapo namang sira-ulo eh. Troy po ang pangalan.

Ang saya. Sobrang saya ng araw na 'to.

It's not just my birthday, Tj just proposed to me! What more can I ask for?

"Tara na!" Bulong sa akin ni TJ saka niya ako hinila paalis.

Hindi na ako naka-imik pa dahil na rin sa hindi niya maririnig. Ang lakas ng hiyawan ng lahat.
Akala mong kumandidato si TJ at nanalong kapitan eh.

Pumasok kami sa kotse nila at inutusan niya na ang driver nila na paandarin iyon.

"Sosolohin mo na naman ako?" Natatawang tanong ko sa kanya. Hindi pa nga tapos ang party, gusto
niya na kaagad akong masolo? Kinikilig tuloy ako.

Ganyan siya lagi eh. Kapag may special occasions kami, dapat lagi ring may time na solo niya
ako. Ang sweet lang, di ba? Kaya hindi ko ipagpapalit 'to.

Nginitian niya lang ako tapos tahimik na siya habang hawak ang kamay ko. Masaya siya... pero
bakit parang... kinakabahan siya?

Hanggang sa makarating na kami sa lugar. Bumaba kami pareho at nang lumapit siya sa'kin,
napahawak ako sa kamay niya.

Takot ako sa dilim, alam na ng lahat iyon. Kaya naman mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko.

Iniwan na namin ang driver nila at naglakad na kami papunta kung saan mismo ako talaga dadalhin
ni Troy.

I know the place, it's the place where our infinitree is. Pero kahit na, madilim pa rin. Ngayon
lang kami nagpunta ng gabi rito. Wala man lang kailaw-ilaw. Nagmatigas ako nang hilahin niya
ako palakad.

"Troy, madilim. Balik na lang tayo bukas."

Pero imbis na sagutin niya ako, narinig ko lang na mahina siyang tumawa. Hindi ko kasi siya
maaninag pero narinig ko pa rin ang mahinang tawa niya. Inakay niya ako. Nagmatigas pa rin ako
sa una pero malaunan napasama niya na ako dahil sa sinabi niyang, "I'm here".

Sa simpleng salitang 'yon, napapayag niya ako. Kasi may tiwala ako sa kanya.
Hanggang sa huminto kami. Wala talaga akong makita bukod sa ilaw sa malalayong lugar, hindi ko
rin siya makita pero alam kong nasa tabi ko siya.

Hanggang sa......

Nagliwanag ang malaking puno.

Our infinitree.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

Puno ng parang christmas lights ang puno. May mga nakasabit ding pictures namin sa mga sanga.
Maraming pictures. Para akong nasa isang movie.

Totoo ba ang lahat ng ito? He prepared all of these? Para lang sa birthday ko?

"T-troy..." I trailed off.

Halos hindi ko malaman ang sasabihin ko. Tinitigan ko lang siya. Nag-uumapaw ang loob ko sa
tuwa. Sobrang tuwa!

"You're right. Sosolohin ulit kita. But this time... I'll make it a lifetime."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. A-anong-----

Hindi ko pa man natatapos ang tanong ko sa sarili ko, biglang may naglitawan ng mga tao mula sa
pinanggalingan din namin ni TJ.

"Bea, Julia, Lexi, Dee!" Isa-isang tawag ko sa kanila nang makita ko sila. Akmang lalapitan ko
sila nang mapahinto ako sa sumunod na mga nagsulputan.

"T-teka... A....a-ano 'to???" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila lalo na kay TJ.

Isang pari at dalawang sakristan!

'I'll make it a lifetime'.

OH MY GOD....

Para akong itinulos na kandila sa kinatatayuan ko. Hindi lang 'to birthday ko, hindi lang
nagpropose siya..... pakakasal na rin kami!

Pwede ba 'to?

Ikakasal kami sa ilalim ng punong saksi sa pagmamahalan namin? Oh my god, naiiyak na naman ako.

Namalayan ko na lang na hinila na ako ni TJ paharap sa pari at sa dalawang kasama nito.

The next thing I knew.... I'm saying "I do".

And then the next.... "I, Helen, take you Troy, to be my wedded husband, to have and to hold
from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health,
to love and to cherish, 'til death do us part: according to God's holy ordinance, and thereto I
pledge you my love and faithfulness. "

Tears flew as I was saying my vows. But of course, tears of joy.

"May I have the rings?" Tanong ng pari.

Lumingon ako kay TJ pero lumingon naman siya sa apat na barkadang nasa likuran namin.

"Nasaan?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

Pero inulit niya lang din ang tanong ko kila Bea.

Naloko na. Wala kaming singsing?

"Hoo... Hoo... Hoo!"

Napalingon kami sa bagong dating na humahangos pa.

"Dahil sa ka-dramahan niyo kanina na pang-telenovela, nakalimutan ko tuloy na iabot ang


singsing sa inyo! Tipaklong! Oh, ayan!" Sabay binigay niya kay TJ ang kahon... na kamukha ng
inabot sa'kin ni B kanina!

"Congrats, Annambong at Jepengson! Ayiiiie! Iiyak na 'yan! Hahaha! Hoo! Dyan na kayo! Andaming
umaaligid sa Bergi ko kaya ako'y lilipad na! Babooo!"

At nawala na nga siya.

"Kolokoy talaga 'yung Keslong 'yun." Natatawang sabi ni TJ.


"Third", pagtatama ko sa kanya.

"Edi Tres. Tss."

E, ba't ang cute? Seselos na naman siya?

Humarap ulit kami sa pari. Tapos may sinabi ulit ang pari hanggang sa turn na ulit namin...

"Helen/Troy, I give you this ring as a symbol of our love, and with all that I am, and all that
I have, I honor you. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. With
this ring, I wed you."

I blushed as he slid the ring to my finger. Hindi ako makapaniwalang kinakasal na talaga kami.

Best day of my life... ever!

"You may now kiss the bride!" Anunsyo ng pari.

Humarap kami ni TJ sa isa't isa. We stared at each other. I waited as he leaned down to give me
our first kiss as a married couple.

Our first kiss as husband and wife. A special, extraordinary moment. A moment I would like to
pause, savour, and remember forever.

Mali ba itong ginagawa namin? Masyado pa ba kaming bata? Padalos-dalos na nga ba ang desisyon
naming ito? Pero gaya nga ng sinabi sa'kin ni TJ, hindi namin alam kung ano ang mangyayari
pagdating ng bukas. Paano kung sapilitan kaming paghiwalayin ng totoong ama niya? Kung mali man
ito, wala akong balak na itama pa. Hinding hindi ko pagsisisihan ang desisyong ito.

Nagpalakpakan sila hanggang matapos na ang halik. Pero hindi pa rin binitawan ni TJ ang mukha
ko.

I closed my eyes as he gave me another kiss.

"You are mine now. I love you, my Helen... till eternity."

"Ladies and gentlemen, I present you Mr. and Mrs. Troy and Helen Salamat!"

***
*******************************************
[54] Bad Meets Evil (51)
*******************************************

51. HELL TO THE OH, FATHER-IN-LAW.

Tatlong araw makalipas ang debut at kasal ko... Kinikilig pa rin ako! Haha.

Palabas na ako ng school. Hindi ko kasama si TJ kasi napapayag ko siyang mauna na ako. May
natitira pa kasi syang dalawang klase, samantalang ako tapos na. Nagpumilit pa nga syang isabay
ko si Yen at Kiray pag-uwi dahil kaming tatlo pa lang ang tapos na ang klase, eh ang kaso,
hindi naman kami same way. Alangang ihatid pa nila ako, hiya naman daw ako. Si B naman, absent
kasi tinatamad. Wala rin naman daw siyang gagawin kaya umabsent na lang siya.

Tsaka kailangan pa rin nilang maghanda. Mamaya kasi, around 3:00PM, aalis kami ng barkada. Wala
kasing pasok bukas. Sunday to Tuesday, wala kaming pasok kaya ang saya! Magbabakasyon kami ng
barkada sa private resort nila Derick sa Bulacan. Two days and two nights. Gift daw nila
sa'ming bagong kasal. Sosyal!

Bukod kila Bea, Julia, Lexi and Dee, alam na rin ng barkada na kasal na kami ni TJ. Nagulat pa
nga sila nung pinaalam namin eh. Nagtampo pero naalo rin naman. Hehe.

Nagtaka nga rin ako kung bakit 'yung apat lang tsaka si Keslo ang sumaksi sa kasal namin.
Syempre, given na na wala ang kambal kong si B kasi ano nga namang sasabihin ng mga bisita
namin kung ni isa sa'min eh hindi makikita sa party? So nagpaubaya na si B na hindi makadalo.

Pero si Brianna talaga ang pasimuno ng lahat. Syempre, go agad si Keslo basta ba sinabi ni B.
Tapos kinuntsaba nila si Bea at Julia na pinakabestfriends ko sa lahat ng barkada. Si Dee
naman, ninong niya kasi ang paring nagkasal sa'min, syempre pinaplano pa lang, wala siyang
lusot mag-sikreto kay Lexi. Kaya silang lima ang witness namin. :)

And about sa papers kung sino ang nag-ayos? Nakakagulat man pero sina Mommy at Mama Min ang
nag-ayos ng lahat. Galing, seryoso.

Ngayon alam na rin nila daddy at Papa Ren. Si Papa Ren nagulat at natuwa, pero si daddy, parang
napilitan lang.

Pa'no ba naman daw, pagka-eighteen na pagka-eighteen ko, kinasal na agad? Atat lang daw ba, e.
Pero ano pa nga bang magagawa niya? Eh, kinasal na kami. Nangako naman si TJ na pakakasalan
niya ulit ako sa mismong simbahan na kung saan maraming makakasaksi. Pero sa ngayon, sikreto
raw muna sa hindi ko malamang dahilan. Ang sabi lang sa'kin ni TJ, gusto niya na raw kasing
official na sa kanya na ako. Na asawa niya na ako.

Sa iba, pagkatuntong ng eighteen, du'n pa lang liligawan. Sa'kin kasal agad? Wow lang, e. Ang
landi nga namang tignan kaya pumayag na rin akong sikreto muna.

Paglabas ko ng school, hindi pa man ako nakakalayo sa main gate, may humarang na kaagad sa'kin
na isang lalaking naka-uniporme pa.

Butler.

"Miss, gusto ulit kayong makausap ng Don", sabi niya sa'kin.

Kumunot bigla ang noo ko.

T-teka... Siya 'yung... driver ni Tito Gab! Siya 'yung madalas kong makitang kasama ni Tito Gab
kapag pumupunta ito sa bahay nila TJ para pasamahin sa kanya.

Pero hindi iyon ang nakapagpabahala sa akin. Kundi ang sinabi niya.

"Ulit?" Nalilitong tanong ko. Hindi ko pa nakakausap kahit isang beses man lang si Tito Gab.
Ano'ng ulit?

Pero hindi niya na ako sinagot, itinuro niya lang sa akin kung nasaan ang isang puting kotse na
nakaparada hindi kalayuan sa amin.

Kinakabahang sumunod ako sa lalaki papunta sa sasakyan. Pagpasok ko, wala naman doon si Tito
Gab. Nakahinga pa ako ng maluwag. Habang nasa sasakyan, nahulaan ko na kung ano'ng ibig sabihin
ng driver sa sinabi niyang ulit. May iba pa bang eksplanasyon doon? Wala na, bukod kay Brianna.

Lihim na nakikipag-usap ang kambal ko kay Tito Gab! And Tito Gab thought it was me!

Kinakabahan ako. Sari-saring isipin ang nabubuo sa isip ko.

Pasikretong pag-uusap ni B at ni Tito Gab. Ang biglaang kasal namin ni TJ. Hindi ko alam
pero... ang sama ng kutob ko.

Hanggang sa makarating kami sa isang park. Itinuro sa akin ng driver kung nasaan si Tito Gab.
Nakaupo ito sa isang bench. Wala ring gaanong tao roon.

Habang palapit ako sa kanya, mula sa malayo, nakikita ko ang pagkakahawig nila ni TJ, ang shape
ng mukha nila, ilong, pati na ang mata. Ang gwapo. Para ko na ring nakita kung ano ang itsura
ni TJ pagtanda niya.

"Sit." He said without looking at me. And so I did.


Paano ba ako dapat mag-react? Shy type? Tough?

Sht naman kasi si B! Bakit siya nakikipag-usap bilang ako?!

"Friday."

Nilingon ko siya. Ano'ng meron sa friday?

"Whether my son like it or not, I will bring him with me."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell? Isasama?

"A-ano ho? T-tito Gab, bakit..."

"Honorifics? That's new." He sarcastically cut me. "I suppose it was your sister then." Mabilis
na naintindihan niya ang sitwasyon. He said it as if he didn't care. As if it wasn't a big deal
that it was B he talked to and not me!

"Now that you knew it wasn't me, care to tell me the real score?" Hangga't maaari ay
pinipigilan kong maging mataray sa harap niya. He is still Troy's father after all.

"Simple lang. Kukunin ko ang anak ko, ilalayo mula sa inyo, ipakakasal sa babaeng karapat-dapat
at---"

"Ipakakasal?!" Nagpinting ang tenga ko sa sinabi niya. Kasal kami ni Troy.

"Yes. He will whether he like it---"

"Don't you think you're being unfair? Malaki na si TJ! He has every rights to decide for his
own!" Though kasal na nga kami ni TJ ---- Wait. Kaya ba biglaan ang kasal namin ni TJ?!

"What I think is that you have no difference to your sister... Same rude."

Pero hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon. Ang kasal namin ni TJ ang naiisip ko. Kaya ba
sikreto? Dahil magagalit ang ama niya sa pagpapakasal sa akin at sapilitan siyang ilalayo? Ano
ba'ng mga dapat ko pang malaman?

"Anyway, pinapunta lang kita rito para sabihin sa'yo iyon. At para rin ipaalam na dahil sa
pagmamatigas mo, o ng kapatid mo para sa'yo, hindi ko na isasalba ang kompanya nyo."

Napamaang ako sa sinabi niya. "I-isasalba? A-anong...?"


"Hindi mo rin alam?" Sarkastikong tinawanan niya ako. "Well, I guess you knew nothing."

"Ano ba'ng pinagsasabi niyo? A-anong isasalba? Walang problema ang kompanya namin!"

"Sino'ng may sabi? O baka naman.... walang nagsasabi?"

Naikuyom ko ang mga palad ko. Gusto ko na siyang sagut-sagutin pero nagpipigil lang ako. I was
being nice and... Ganito pala ang feeling ng sinasagad.

"Tell me everyhting." I said to him.

"I'm busy. Ask your parents." May pinalidad sa tono nito, pagkaraa'y tumayo at bago
makadalawang hakbang ay nilingon ulit niya ako. "I'll give you a choice, it's either itataboy
mo ang anak ko para sumama sa akin, o sapilitan ko siyang ilalayo sa'yo. It's as simple as
giving up your company, or keeping it safe. You see? I'm not that bad. Bibigyan pa kita ng
pagkakataon. I need my son before Friday comes. Your choice... Ang tuluyang pagbagsak ng
kompanya niyo, o ang pagsalba rito. I'll leave it all to you."

Walang sabi-sabing umalis ito.

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. What he said left me trembling in shock and anger.

Binibigyan niya raw ako ng choice? Well, damn him. He left me no choice! It's either our
parents or TJ! And I can't. Oh, my God...

Itinago sa akin ni Brianna ang lahat ng 'to? Hindi lang si Brianna, pati sina mommy at daddy
alam din 'to!

At si TJ? Alam din ba ni TJ ang lahat ng ito? Alam ba nilang lahat habang wala akong kaalam-
alam sa nangyayari?

This shouldn't be happening!

Pagpasok ko sa bahay, nagulat pa ako ng madatnan ko sa living room sila mommy at B kasama si
daddy. Hindi ba't dapat ay nasa opisina ngayon si daddy? And what's with their serious faces?

Sapu-sapo ni daddy ng dalawang kamay niya ang mukha niya habang hinihimas-himas naman ni mommy
ang likod ni daddy. Si B naman malalim ang iniisip at nakakunot lang ang noong nakatingin sa
ibaba.
Sa itsura nila, kinutuban na ako ng masama. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Galit sa
pagtatago nila sa akin ng lahat, pag-aalala sa kompanya, at hirap... hirap sa kung ano ba'ng
dapat kong piliin.

"Dad..." Tawag ko kay daddy na agad namang nag-angat ng paningin.

"Arianna..." Mahinang usal ni daddy.

"Bakit ganyan ang mga mukha nyo? Ano'ng nagyari? Bagsak na ba ang kompanya?" Hindi ko napigilan
ang pagsarkastiko ng tono ko.

"A!" "Arianna!" Sabay na sigaw nina B at mommy.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Alam kong hindi dapat ako maging ganito. They did everything
for me. They kept it a secret for me not to worry. Pero ano ngayon?

Jusko, parang mababaliw na ako sa pag-isip sa tamang gawin.

Lumapit sa akin si daddy. Nagulat na lang ako nang pagtapat niya sa akin, bigla na lang siyang
lumuhod.

"Daddy!" Napasinghap kaming tatlo sa ginawa ni daddy. "Daddy! Ano bang ginagawa nyo? Tumayo
kayo!" Pilit kong tinatayo si daddy. Nangingilid na ang mga luha ko. Bakit ganito si daddy?

Hindi siya nagpatinag. Nakayuko lang siya habang hawak ang mga kamay ko.

"Anak, just this one... Kasal na kayo ni TJ. Kahit na lumayo pa siya, kasal pa rin kayo. Ito
lang, anak. Alam kong napakawalang kwentang ama ko para hindi man lang kayo maprotektahan. Pero
anak, hindi ko kayo kayang buhayin kung wala ang kompanya natin, natin ng papa Ren mo. Hindi
lang tayo ang mawawalan, pati sila. Hayaan mo na si Troy sa totoong ama niya. Please lang,
anak. Alam kong mahirap para sa'yo. Pero anak------"

Hindi ko na pinatapos si daddy. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

Bakit nagkakaganito ang lahat? Akala ko ba masaya na? Akala ko isang maliit na problema lang
ang daddy ni Troy? Pero bakit bigla na lang sumasabog ng ganito?

Lahat apektado! Si daddy, umiiyak siya. Si mommy, umiiyak din. Si B, kahit ganyan 'yang kapatid
ko na 'yan, may puso pa rin iyan. Sanay umiyak kahit pinipigilan. Umiiyak kaming lahat!

Ayaw nila akong masaktan kaya hindi nila ipinaalam sa akin ang lahat. Nagplano si B dahil alam
niya na ang mangyayari, nakisama si mommy sa plano dahil alam niya rin. Ilayo man si TJ sa
akin, may panghahawakan pa rin kami sa isa't isa. Si daddy, patuloy lang sa pagsalba sa
kompanya kahit na wala naman talaga siyang magagawa. Pero ako? Ano'ng silbi ko sa pamilyang
'to? Sarili ko lang ba ang iintindihin ko?
Paano naman sila?

Ngayon, kailangan ko na talagang mamili.

Sila... o si Troy.

"Ha!" Pinahid ko ang mga luha ko at umalis mula sa pagkakayakap ko kay daddy. Nagpilit ako ng
pekeng tawa. "B! May outing pa tayo mamaya. Magre-ready na 'ko. Ikaw ba ready na? Oh sige,
mamimili lang ako ng gamit ko." Tuloy-tuloy na sabi ko at walang paalam na naglakad palabas ng
bahay.

Halos sumabog ako paglabas ko. Ganito ba talaga? Kapag masaya na, matinding pahirap naman ang
kapalit?

Sino ba ang dapat kong piliin? O may dapat ba akong piliin? Hindi ba't kahit ano'ng desisyon
ang gawin ko, ilalayo at ilalayo pa rin niya sa akin si Troy?

Ngayon.... may choice pa ba ako?

"Ay, bakla! Ang lakeeeeeee!"

"Ang ganda naman dito, Dee!"

"Tengeneng yaman nyo pareng Derick, ha? Pa-nomo ka naman dyan!" Neil.

"Nomo! Nomo! Nomo!"

"Hooo...! Si Nestea boy, nomo daw? Titirahin mo lang nestea eh! Sugapa sa chaser! Hahaha!"
Keslo.

"Refreshing eh, bakit ba?" Neil.

Napailing na lang ako sa kantyawan nila. Resort 'to, akala ba nila'y bar?

"Huy. Tamlay mo? Akala mo naiwan ako 'no?" Biro sa'kin ni TJ. Ayan na naman siya sa kakornihan
niyang masaya lang ako kapag nasa tabi ko siya. Kahit na, totoo naman.
"Naiwan? Naiwan mo mukha mo! Mula pag-alis mukha mo nakatambad sa'kin hanggang ngayon. Naiwan
ka dyan. Tss." Iningusan ko pa siya.

Kaso tinawanan niya lang ako.

"Naglilihi ka na ba, baby ko?"

What the fck.

"Alululuh! Ano'ng ibig sabihin niyan, ha!" Sabat bigla ni Bea.

"Jep-Jep! Binuntis mo si Annambong?! Hala! I-shotgun wedding mo na, Bergi!" Keslo.

Binatukan siya ni B. "Shotgun wedding, eh kasal na? Ano'ng masamang mabuntis sa taong kasal,
aber?"

Aah! Ano ba namang pinagsasabi nila!

"Haha! Joke lang mga baho. Baka lang kako naglilihi na ang misis ko, 'di pa man... alam nyo na.
Baka nanlalaki na, eh mabigti...."

Pinandilatan ko si TJ.

"...'yung lalaki! Eto naman masyadong nerbyosa! Bantay sarado kita 24/7 parang 7eleven walang
kwenta ang lock. Misis talaga." Sabay kinurot niya pa 'ko sa pisngi ko.

Sabunutan ko 'tong mister ko eh. Misis daw.

"Seven rooms lang ang hotel namin. Sakto for couples. Tara na?" Aya sa'min ni Dee.

Fourteen kasi kami lahat. So sakto nga sa couples.

"Orayt! Share tayo, Bri?" Maluwag ang ngiting tanong ni Neil kay B.

"Lelang mo! Kayo? Kayo? Kami, uy!" Singit ni Keslo.

"Utut mo! Hanggang pangarap ka na lang, dude! Ano B, tara na?" Ngingiti-ngiting baling ulit ni
Neil kay B.

"Anak ng magulang! Kami nga eh! Pag sinabi kong kami, kami! Syota ko tapos itatabi mo? Bangasan
na lang oh?" Keslo.

Pumopoy lang nagka-fighting spirit na. Keslo talaga!

"Oh, tara! Bakit? Malakas ka na ba, ha Pangatlo? Lalaban ka na?" Neil.

Ipinilig-pilig ni Keslo ang ulo niya. "Tangna nag-planax yata ako!Tara oh!"

"Ano sa tingin mo, Yen? Mag-movie marathon kaya tayo mamaya? 'Yung action, mas maganda 'yun
'no? Tara!" Inakbayan ni B si Yen tapos natatawang naglakad sila papasok ng hotel.

"B-bergii.... P-pa'no na 'koooo?" Nakabusangot na reklamo ni Keslo. Pero nakuha na nila B ang
isang susi mula kay Dee at nagtuloy nang pumasok sa loob.

"Namo ka! Tamo, kung hinayaan mo na lang kami! Naku kang Tres ka! Gawin kitang siyam eh!" Neil.

"Eh, p-ta! Neil, bingi lang? Luwag turnilyo? Kami na nga di ba?" Keslo.

"Wehhhh... Kayo? Edi kami na rin! Ikaw pala eh! Haha!" Neil.

Bigla namang parang naasar na talaga si Keslo.

"Ako'y nabubugnot na sa'yong Nestea boy ka ha. Gusto mo bang makatikim ng.........."

Huminto si Keslo at natuon ang tingin sa pusang tahimik na dumadaan sa gilid ng mga halaman.
Bigla na lang lumapit doon si Keslo at walang sabi-sabing binuhat ang pusa at iniharap kay Neil
sabay sabing...

"....Pikachu! THUNDERBOLT ATTACK!"

What the hell!

"HAHAHAHA!" Wagas na nagtawanan ang barkada sa ginawa ni Keslo.

Saktong sakto naman ang pusa sa kalokohan niya 'no? Hahaha. Tadhana nga naman eh. Sira-ulo
talaga.

Binitawan niya agad 'yung pusa nung magwala. Adik e.

"Pusanginang 'yan! Kalokohan mo, Pangatlo! Haha." Natatawang sabi ni Dee sa nagpapagpag ng
kamay na si Keslo.
Matripan talaga ang pangalan ni Keslo eh. Pag hindi Tres, Pangatlo. Parang ako lang kay TJ e,
pag seryoso Troy, pag ewan-ewan lang TJ.

"Tekla kasi 'tong Nestea boy na 'to eh! Sinagot na 'ko ng Bergi ko! Akala mo joke, pero coke
ang isasalpak ko sa bibig mong di na nagsawa sa nestea!" Inis na pumasok na rin siya sa loob ng
hotel. "Huhuhu! Bergi bergi have mercy on your baby. Huhu." Kausap niya sa wala habang papasok
sa hotel. May huhu talaga e. Naka-shabu ata! Haha.

Natawa na lang kami ng barkada sa kabaliwan niya. Lagi naman kasi niyang sinasabi na sila na ni
B. Sila na nga kaya?

"Inggit naman ako kay ati! Sana mahaba rin ang hair ku!" Ej.

"Baklang bakla ka pa rin! Tara sa kwarto't gagawin kitang lalaki!" Kiray. Hinila niya papasok
ng hotel si Ej.

"Ehem, ehem. Kami'y hahayo na't kayo'y magparami. Alam mo 'yan, TJ. Haha!" Natatawang sabi ni
Jake kay TJ.

Pwede ba? Hihiya na 'ko, e.

"Go TJ! Kaya mo 'yan!" Julia.

"Goodluck, pre!" Diego.

"Ninang ako, ha?" Lexi.

"Me too! Go TJ! Go for the gold! I mean, for the pearl! Hahaha! Aja!" Sabay umaja-aja pa si
Bea.

Si TJ naman proud na tinapik ang sariling dibdib. "Leave it to me, beybeh!" Sabay tumawa ng
nakakaloko.

"Tiiiijaaaaaaay!" JUSKO PO.

"Hahaha! Joke lang naman, baby ko. Tara na nga gawa na tayong baby."

What the hell! "Mr. Salamat!"

"Present! Hahaha! Grabe ka namang mamula baka mahiya ang mansanas sa'yo niyan. Tara na, tara
na. Di naman mabiro."
Ano ba naman kasing biro 'yun?! Jusko, ang inet!

"Nasaan sila?" Tanong ko kay TJ nang makalabas kami ng hotel. Naayos na kasi namin ang gamit
namin sa kwarto. Balak ng barkada na magswimming ngayong gabi.

Pero inakay muna ako ni TJ at namasyal muna kami sa sakop ng resort nila Dee.

Ang ganda ng view, lalo't madilim nang bahagya at ilaw ng mga poste lang ang nagsisilbing
liwanag sa resort.

Napadpad kami sa Greenland. May mga statue ng mga couples na magkaholding-hands, magka-akbay,
parang nagtatawanan, magkaharap at kung ano-ano pa. Nahiya naman daw sila, buti naman at
walang---

"Gusto mong i-level-up mga pose nila? Sample kaya?" Nanunuksong tinaas-taas pa ni TJ ang mga
kilay niya habang maluwag ang pagkakangiti pagkaraa'y ngumuso pa.

"Kanina mo pa 'ko trip, ha? Sapak?" Banta ko sa kanya. Grabe ang hyper niya ngayon.

Natatawang inakbayan niya ako. "Joke lang naman lahat ng 'yun. Alam mo namang pinapahalagahan
kita higit kanino man. Biro biro lang 'yung kanina. Ikaw talaga."

"Alam ko naman 'yun eh. Pero syempre nakakahiya pa rin kaya."

"O, nagso-sorry na ang gwapo, patawarin mo na 'ko."

Yabang talaga. Napanguso't napailing na lang ako. Lagi na lang sorry.

Naupo lang kami sa isang tabi nang biglang bumuhos ang ulan. Natatarantang tumayo ako.

"TJ! Tara na!"

Pero nagulat na lang ako nang biglang yakapin niya ako mula sa likuran. "Troy!"

Ano ba'ng ginagawa ng lalaking 'to? Umuulan kaya!

"Pag tumakbo tayo, mababasa pa rin tayo. Kaya enjoy-in na lang natin!" Masayang sumigaw sigaw
pa siya sa lamig ng tubig-ulan na bumubuhos sa'min.
Napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng yakap ka ng taong mahal mo habang bumubuhos ang
malakas na ulan.

Hindi ba't pangarap 'to ng maraming babae?

"I love you!" Sigaw niya.

Nakipaglakasan siya sa lakas ng ulan.

Natatawang humarap ako sa kanya.

"I love you too!" Ginaya ko siya at nakipaglakasan din sa lakas ng buhos ng ulan.

"Can I kiss you?!" he shouted.

Nagulat at natameme ako saglit, sa totoo lang. Tinitigan ko siya. He was really serious despite
his big smile.

Kailangan pa ba niyang magpaalam? E, nasa kanya na nga ang lahat ng karapatan.

I've decided. I'll be carefree for this night. Kalilimutan ko muna ang lahat ng problema ko sa
buhay ngayon. Susulitin ko ang gabing 'to.

I smiled in response. We are a couple, right? A married one.

He grabbed me on both cheek and the he kissed me softly. Enough to make my knees melt.

Another girl's dream?

To be kissed by her man in the rain.

***

*******************************************
[55] Bad Meets Evil (52)
*******************************************
52. THE ONLY CHOICE, IS 'NO CHOICE'.

Pumasok kami sa room namin ni TJ.

Basang basa kami! Kasi nga nagpaulan.

Hindi na rin natuloy magswimming ang barkada, nagkanya-kanya na lang silang trip. Kaya bumalik
na rin kami rito.

"O... Bakit may ganito?" Nagtatakang tanong ni TJ, hindi ko alam kung sa akin o sa sarili niya.
Basta naupo na lang siya sa couch tapos kinuha ang isang wine na katabi ng dalawang wine glass
na nakalagay sa table.

Wine?

"Bakit nga may ganyan?" Nagtataka ring lumapit ako sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Tumikhim lang siya tapos biglang inilapag pabalik sa table ang wine.

"M-mag... magsho-shower lang ako. Baka sipunin ako, gwapo pa naman ako..." Mautal-utal na sabi
niya tsaka siya dali-daling pumasok sa loob ng banyo.

Huh? Ano'ng nangyari dun?

Ako naman ang naupo sa couch at kinuha ang wine. May nakadikit na sticky note dito na may
nakasulat na.....

Hahahahahahaha! Ang babaliw talaga ng mga 'yun! Hahahahahahahahahaha!

Ba naman ang nakasulat eh 'Enjoy your honeymoon! Excited na ang mga ninongs at ninangs! Hihi.'

HAHAHAHAHAHA! Sht.

At may PS pa!

'PS: Wag masyadong magpuyat, ha? ;)'


What the... Ayoko na!!! Kokonyatan ko silang lahat eh!

Sulat kamay ni Bea ang una at sulat naman ni B ang PS. Napakagaling talagang magplano ng
kambal ko na 'yun.

Makalipas ang ilang minuto pa, lumabas na rin si TJ na... nakatapis lang ng tuwalya sa ibaba!

Omg! Ang virgin eyes ko!!!

"Nakalimutan ko kasi 'yung pampalit ko. Mangha ka sa six-pack ko 'no?" Nang-aasar na sabi niya
sa'kin.

Bakit meron siya nun? Ngayon ko lang nakita 'yun ah! Ayoko na!!! Inlove ako lalo! Haha.

"K-kapal mo! D-dyan ka na nga! Ako naman maliligo!" Hinawi ko siya tapos nagtuloy ako sa loob
ng banyo. Dala ko na rin ang pampalit na damit na hinanda ko.

Sht! Nakakahiya! Sakit sa bangs ng mga kaibigan ko!

Nagpakalunod ako sa shower. Ano na'ng mangyayari paglabas ko?

B-baka... baka... gawin.......

E-eh ano! Kasal naman na kami, d-di ba? T-tsaka.... b-babae ako at.... at lalaki siya! N-
natural lang n-na... n-na......

Ayoko na! Kung ano-ano'ng naiisip koooo!

Paglabas ko ng banyo...

"Tagal mo, traffic ba sa loob?"


"H-huh?"

"Kako nauuhaw ako!" Pagkasabi niya no'n, binuksan niya ang wine at nagsalin sa isang baso tsaka
inisang lagok iyon.

Traffic? May sasakyan sa banyo? Uhaw? D-di ba, mas nakakauhaw ang wine?

Fine! Oo na, gets ko talaga! Kunwari lang hindi. Jusko, puso ko tatalon na ata e.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Boses ko 'yung ringtone! Hihi.

Pero pagkakita niya sa screen, ini-end niya lang ang tawag.

"Sino 'yun?" Tanong ko sa kanya. Naupo ako sa kama habang siya nasa couch. Pinapahid ko rin ng
tuwalya an buhok ko.

"Siya." Tipid na sagot niya. At naintindihan ko naman kung sino 'yung 'sya' na tinutukoy
niya... Ang totoong ama niya.

Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ni Tito Gab kanina. Hindi ko man palayuin sa'kin si
TJ, Ipipilit niya pa rin ang gusto niya. Our parent's company... Hindi ko kayang isaalang-alang
ang ibang tao para lang sa sarili ko.

I've decided.

Bukas... Kailangan ko na siyang layuan simula bukas.

Fck, naiisip ko pa lang, nahihirapan na ako.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Nagsalin ako ng wine sa baso at inisang lagok din
'yon. When I looked at him again, he was giving me a confuse look. Then he glared at me. Ayaw
niya talaga na umiinom ako kahit wine lang.

"N-na...nauhaw din ako eh! H-he he." Nag-iwas ako ng tingin.

Malulusaw ata ako sa tingin niya. Nagsalin na lang ulit ako ng wine sa baso. Inisang lagok
ulit. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Namumula ako, alam ko.

Naramdaman ko na dumapo ang kamay ni TJ sa pisngi ko.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.


Matagal na ganoon lang kami. Hawak niya ang pisngi ko, hanggang sa....

"Aaaah!!!!" Napasigaw ako sa kirot. Kinurot niya ng mariin ang pisngi ko! "Aw! TJ!!"

"Di ba sabi ko sa'yo bawal ka nang uminom ng alak? Ano 'yan, ha? Ano'ng ibig sabihin niyan?"
Lalo niya pang diniin ang kurot sa pisngi ko.

"Aray!!" Pinalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Kainis 'to! Wine lang naman 'yan, eh!" Tsaka
ko siya himapas sa braso. Hinimas-himas ko ang pisngi ko. Ang sakit kaya.

"Alak pa rin. Tss." Iiling-iling na sabi niya.

Asar na tinitigan ko lang siya.

'Yung ngiti niya. Pagkatapos ng gabing 'to, kailan ko kaya ulit makikita ang ngiti niya? Paano
kung sa sapilitang paglayo niya sa'kin, mawalan na rin kami ng komunikasyon? Paano kung sa
titirhan niya, makakilala siya ng babaeng mas maganda at mas higit na kahit ano sa akin? Paano
kung magmahal siya ng iba sa panahong wala ako? Kapag may ipagmamalaki na ba ako sa ama niya at
mababawi ko na siya, maaalala niya pa kaya ako? Babalikan niya pa kaya ako? May silbi pa ba ang
kasal namin kung sa isang simpleng papel lang ang panghahawakan ko?

"Huy. May problema ba?" Hindi ko namamalayang seryoso na pala akong nakatingin sa kanya.

Ang boses niya, ke masaya, nang-iinis, makulit, malungkot, galit, seryoso, nagseselos o nag-
aalala. Pagkatapos ng gabing 'to, matagal ba akong maghihintay para lang marinig ulit ang boses
niya?

Kakayanin ko bang lumayo siya? Kasi ngayon, iniisip ko pa lang, ang sakit na eh.

Paano pa bukas? Paano pa sa susunod?

Kaya ngayon, bago kami matagal na magkakalayo. Masama bang sulitin ang huling gabing kasama ko
siya? Ang huling gabing makakasama ko ang mahal ko?

Ang huling gabing... makakasama ko si Troy?

[NP: We'll Be A Dream by We the Kings ft. Demi Lovato]

Walang sabi-sabing hinalikan ko siya. Iniyakap ko ang parehas kong braso sa batok niya. I just
threw myself to him.
Nagulat siya sa ginawa ko, maski ako nagulat rin sa biglaang ginawa ko.

For a matter of seconds, magkalapat lang ang mga labi namin sa isa't isa.

Kaya ko bang gawin 'to?

Suddenly, he began kissing me, and when he did that, I started giving back.

It was such a sweet and pure kiss.

I heard him moan. He hugged me on my waist as a support and our kiss deepened. I felt so
different when his arms wrapped around me. I felt safe. Like nothing in this world could ever
hurt me.

Nagulat pa ako ng iginiya niya ako pasandal sa couch.

Then, he licked the bottom of my lip, asking for entrance as our kiss deepened once more. It
was the most amazing kiss we've shared.

Seryoso, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. Pero nawala lahat 'yon dahil
hindi ako tinanggihan ni TJ.

Soon enough, I let my tongue slightly enter him and search for more, only adding fire on our
rage as our moans increased with each deepened kiss.

"We better stop this, Arianna..." He said in between our kisses.

Alam ko, he didn't want us to do it, not yet, though I can feel he liked it. He repects me so
much.

"No." I protested as I continued kissing him. Ganito ba talaga ang epekto ng alak sa ganitong
sitwasyon? Nag-uumapaw na fighting spirit?

Inilayo niya ang mukha niya mula sa akin at pinakatitigan ako. My eyes narrowed. Kahit
nahihirapan na siya. Pilit niyang nilalabanan ang apoy na nabubuo sa pagitan naming dalawa.

"This is so wrong." Hirap na sabi niya.

I shook my head in protest. It's better now than never. Wala akong choice. Kukunin at kukunin
siya sa'kin.

"I don't care. I don't even know what's right."


What is right? Damn... Tama ba kung ipaglalaban kita? Tama bang isakripisyo ko ang iba para
lang manatiling akin ka? O mali. Mali ba kung lalayo ako sa'yo? Mali ba kung itataboy kita
habang pinipilit mong ipaglaban kung ano'ng meron tayo?

I wanted to hell him everything. Pero hindi ko kaya.

I reached for him and kissed him as I prompted him to continue kissing me again, and he did. He
kissed me hungrily like he had never had food before. We kissed as we moaned to each other. Our
tongues battled each other in sync. And I know, he surrendered.

Naramdaman ko na lang na wala na ang katawan ko sa couch. He was carrying me as he walked, and
soon he laid me on the bed without breaking our kiss.

"I love you so much... you know that, right?" His eyes filled with hunger.

Tinanguan ko siya. Mahal na mahal niya ako, at alam ko iyon.

"I love you too. And I trust you..."

He growled and his eyes darkened as he bent down to kiss me again. Now possessive. I kissed him
back. I almost gasped aloud when his kisses went down to my neck trailing wet kisses before he
went up to claim my full lips again.

We explored each other. I held on him tightly, screamed our both names as we shared our both
climax.

We did it.

He kissed me again as we whispered at each other's ears the three words we always share.

"I love you."

The most amazing and unforgettable night of my life.

The night, when I made myself... forever his.

***

*******************************************
[56] Bad Meets Evil (53)
*******************************************
53. FOR HIM IS HER. FOR HER IS THEM.

Paggising ko kinaumagahan, wala na si Troy sa tabi ko.

Nahigit ko ang hawak sa kumot na bumabalot sa katawan ko. That lower part of my body still
hurts. Pero napangiti pa rin ako dahil sa ala-ala ng nagdaang gabi.

I reached for my clothes he obviously collected and placed at the corner of the bed. May
bouquet din ng flowers doon. And there's also a letter there from obviously, Troy.

'For the love of my life who made me the most happiest man on earth. Goodmorning, sexy.

Nasa baba lang sila. Headache for an excuse? ;)

See you later.

I love
you.'

Hindi ko namamalyang namumula na naman ako. Just the thought of last night made me so damn
happy.

But then.... hanggang doon na lang iyon.

Kumuha ako ng panibagong damit mula sa bag ko at nagbihis na ako. Bumaba ako sa may pool side
at nakita ko roon ang girl barkada with Ej on the side.

Lumapit ako sa kanila.

"Oyy... Blooming ka 'te!" Ej.

"Kayo na! Kayo na talaga!" Kiray.

"Kilig ako! haha. Ano'ng feeling?" Bea.

"Oo nga! Kwento ka naman, be! Oops. Di ka na pala namin baby, kasi ikaw na ang magkaka-baby.
Hihi!" Julia.
Ano ba naman 'yang pinagsasabi nila!

"Ano ba, magtigil nga kayo!" Nahihiyang naupo ako sa tabi ni Bea.

"Grabe 'yan, ha! Wala akong masabi sa first love!" Lexi.

"At congratulations, A. Na-break mo ang record mo ng paggising. 2:00 in the afternoon? Waw." B.
Pumalakpak pa siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Two na ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Not really. 2:27 to be exact." Sagot naman ni Yen.

At lagpas pa pala!

Napayuko ako sa hiya. Akala ko umaga pa! Goodmorning kasi nakasulat sa letter ni TJ!

"Nasaan nga pala ang boys?" Tangkang pag-iiba ko sa usapan.

"Uuuyy.. Namiss agad ang asawa! Yiiiee!" Kiray.

At syempre, balik na naman sa tuksuhan. Akala ko lusot na eh.

Lubog na ang araw pero hindi pa rin kami nagkikita ni TJ. Hindi rin ako mapakali.

Mamaya kasi... sasaktan ko na siya.

Sht. Ngayon pa lang, nahihirapan na 'ko.

Nakatanggap ako ng text mula kay TJ, pumasok daw ako sa room namin. Kanina ni hindi man lang
ako makalapit sa pinto ng kwarto namin, pero ngayon pinapapunta niya na ako.

Ano na naman kaya ang pakulo niya?

Dahan-dahang binuksan ko ang pinto. Medyo madilim sa loob dahil patay ang ilaw.
Nakakapagtaka naman, pinapunta ako pero wala naman ata siya rito?

Pumasok ako sa loob. Pagliko ko, napatda ang tingin ko sa isang fashion mannequin na may suot
na dress. May ilaw na nakatutok sa bagay na iyon.

T-teka....

Lumapit ako para pagmasdan ng mabuti ang damit.

I gasped. Natutop ko ang bibig ko. Maluluha na naman ata ako.

Th-this dress... Ito ang isa sa mga drawings ko!

Nasabi ko na ba? Mahilig akong magdesign at magdrawing sa papel, tissue at sa kung saan pang
pwedeng pag-drawing-an kapag wala akong magawa at nasa mood ako. Pero hanggang doon lang iyon,
wala kasi akong alam sa pananahi. Hindi ko rin naman talaga gustong maging designer, ginagawa
ko lang libangan ang pagguhit. Pero heto... ang isa sa mga gawa ko.....

Sarkastikong napangiti ako nang may pumatak na luha sa pisngi ko.

Pinapaiyak ako ni TJ sa tuwa. Pero ako.....

Shit.

Kinuha ko ang isang papel na nakasuksok sa lace ribbon sa waist area ng damit at binasa iyon.

'Wear this. Meet me at the gazebo.

I love you.'

Napaluha ako.

Lagi na lang. Lagi na lang siya ang may sorpresa para pasayahin ako. Ano'ng klaseng girlfriend
ba ako? Anong klaseng asawa? Bakit parang feeling ko, napakawalang kwenta ko?

Bago ko isuot ang damit na dinisenyo ko, inayos ko muna ang lahat ng gamit ko.

I'm sorry, Troy.


*

Papunta ako sa gazebo. Madilim pa rin, halatang may inihanda siyang sorpresa para sa akin.

May tigi-tigisang nakasinding kandila sa tatlong baitang na hagdan sa gazebo. Umakyat ako roon.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang isang napakalaking hugis pusong gawa sa pinagdugtong-dugtong
na may sinding kandila.

Naiiyak na naman ako.

Hindi siya gan'to dati. Ayaw niya ng surprises. Pero ngayon... Sobrang mag-effort si TJ...
Sobra.

Biglang bumukas ang ilaw sa itaas. Noon ko lang nakita ang table na nasa loob ng malaking hugis
puso. At nakita ko rin si TJ.

Katapat ko, sa kabilang entrance ng gazebo. Nakatayo siya, ang dalawang kamay ay may hawak na
pumpon ng bulaklak habang nakangiti at nakatitig lang sa akin.

Ang ngiti niya.....

"Hi, misis. Pa-kiss?" Sabay ngumuso pa siya tapos nahihiyang nayuko at natawa rin sa kalokohan
niya.

Hindi ko mapigilang mangiti. Sa ganito ba namang lagay biglang gumaganun siya? Sira ulo talaga.

Naglakad siya patungo sa akin.

"Para sa'yo..." Iniabot niya sa akin ang bulaklak. Akmang aabutin ko na mula sa kanya iyon nang
biglang ilayo niya ito at siya naman ang mas lumapit sa akin."....lang ako."

I rolled my eyes, fighting the urge to hug him tight.

Para sa akin nga lang siya, pero ni hindi pwedeng makasama ko siya? Fck.

"Sunget. Meron ka? Di ba tayo nakabuo? Anak ng....."

Bigla akong namula.


"Hehe. Biro lang. 'To naman." Sabay pinisil niya ang ilong ko. Napayuko ako kasabay ng
pamumula.

Sana nga nakabuo kami, 'no? Para may panghahawakan ako sa kanya kapag lumayo na siya. Baka
sakaling matanggap na rin ako ng ama niya.

"Here. For the love of my life..." Iniabot niya sa akin ang bulaklak at hinalikan ako sa mga
labi.

Last kiss?

Aray.

Inakay niya ako patungo sa table. Ipinaghila niya rin ako ng upuan at saka pinaupo. Nagpapaka-
gentleman ang dating walang modo kung makipagtalo sa akin.

Kainis! Maiiyak na naman ako. Bakit kailangang maging ganito?

Tinitigan ko lang ang mukha niya. Tinatandaan ang lahat lahat ng siya. Ang gwapong mukha niya,
kahit hindi siya ang pinaka-gwapo sa lahat, siya pa rin ang nag-iisa sa puso ko.

"Titig mo? Ngayon mo lang na-realize na sobrang gwapo ko?" Biro niya pero hindi ko tinawanan
ang biro niyang iyon.

Paano ko magagawang tumawa? Kung bilang na ang mga sandaling magkasama kami? Kapag pinagtagal
ko pa 'to, mas lalo lang kaming masasaktan....

NP: Don't Want An Ending by Sam Tsui

Pinakatitigan ko siya. Nagtataka man, ganun din ang ginawa niya.

Tinapangan ko ang sarili ko.

"Troy.... sumama ka na sa daddy mo."

Parang na-istatwa siya sa sinabi ko.


Halatang nagulat siya. Nawalan ng reaksyon ang mukha niya. Pero hindi nagtagal ay ngumiti siya.

"Alam mo namang mahal kita, di ba baby ko? Pero minsan talaga ang corny ng joke mo. Ha ha."
Pilit ang tawang ibinigay niya.

Ngayon pa lang hindi ko na kaya. Masasaktan ko siya. Fck.

Pero kailangan kong gawin ito.

"Seryoso ako. Sumama ka na sa kanya."

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako ng matagal.

Matagal na matagal.

Pagkaraa'y kinuha niya ang mga kubyertos sa harap niya at nag-umpisang kumain.

"Gutom lang 'yan. Kain na tayo." Sumubo na siya ng pagkain.

Ayoko na. Nasasaktan na siya. Alam ko. Nagpipigil lang siya ng luha niya.

Ayoko na. Hindi ko na kayang makita pang umiyak siya.

Tumayo ako at tumalikod.

Akmang hahakbang na ako nang biglang kumalabog ang mesa.

"Tangna naman e! Akala mo ba nakakatawa pa 'yang biro mo?! Tigilan mo nga! Nagpapatawa ka pa!"
Naramdaman ko na lang na iginiya niya ulit ako paupo sa upuan ko. Nakalapit na pala siya.
"Tara, kumain na tayo."

Napapikit ako. Gusto ko nang umalis. Ayoko na talagang makitang nagkakaganito siya.

"Troy..."

"Kakain tayo." Mariing putol niya sa anumang sasabihin ko. Bumalik siya sa upuan niya at
nagpatuloy sa pagkain.

Tinitigan ko lang siya.


"Kumain ka. Ang sarap, oh. Pinaghirapan namin ng boys 'to. Napaso pa nga si Keslo mo kasi ang
engot tinry kung mainit daw ba 'yung kawali eh nakasalang. Engot, di ba? Pero nagtulong-tulong
kami dyan. Tikman mo, hindi naman nakakamatay eh."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ang tulin ng pagkain niya.

May tumulong luha sa mata niya.

Umiiyak na siya.

Shit.

Napakagat ako sa labi ko, nagpipigil sa iyak na gustong kumawala sa akin.

Nag-angat siya ng paningin pero hindi siya tumingin sa akin.

"'Yang damit, nagustuhan mo ba? Sorry ha, dapat talaga regalo ko 'yan noong debut mo. Pero kasi
kahapon lang natapos no'ng pinagpagawaan ko. Maganda, di ba? Syempre kasi design mo 'yan.
Nagustuhan mo ba? Kasya ba sayo? Hindi naman ba masikip? Oo nga pala, sexy ka. 'Yung kulay?
Sumakto ba sa gust---"

"Troy...."

"Tangna! Hindi mo ba ititigil 'yan? Ano ba'ng kalokohan 'yang pinagsasabi mo?!"

May pumatak na luha mula sa mga mata ko. Hindi niya ako matignan ng diretso.

"Troy... makinig ka. Sumama ka na sa daddy mo. Di ba, dati mo pa pangarap na makasama ang
totoong daddy mo? Ito na ang pagkakataon----"

"Punyetang pangarap 'yan! Sa tingin mo ba sasaya ako kapag sumama ako sa kanya? Gagamitin niya
lang ako! Naiintindihan mo ba 'yon? Tangina kasi, tigilan mo na 'yan!"

Napapikit ako sa intensidad ng sigaw niya. Galit na siya, pero nasasaktan din siya.

"Troy...."

"Ano 'yung kagabi? Ibinigay mo ang sarili mo sa akin! May nangyari na sa'tin! Pa'no kung
mabuntis ka? Responsibilidad kita, Arianna! Bakit ngayon pinapala-----"

"Hindi ako buntis, Troy."


"Hindi ka sigurado!" Sigaw niya.

"Hindi ka rin sigurado."

Natahimik siya sa sinabi ko. Pati ako.

Ang sama sama ko. Ang sama sama ko. Fck, ang sama sama ko.

Nakatitig na lang kaming pareho sa isa't sa.

Tumayo ako. Ayoko na. Aalis na ako. Wag na sana niya akong pigilin.

"Helen..."

Shit!

Napahinto ako kasabay ng pagpikit.

Ang pagtawag niya sa akin sa pangalang 'yon.

Helen of Troy...

"Please? Don't leave me, please?"

Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

Nakikiusap na siya na wag ko siyang iwan.

Troy, kung pwede lang. Hinding hindi kita iiwan kung pwede lang. Kasi hindi ko rin kakayanin.

Pero kasi, kailangan...

Humakbang ako. Isa. Dalawa... hanggang sa naramdaman ko na naman ang kamay niya sa braso ko at
iniharap niya ako sa kanya.

"Please? Wag... Parang awa mo na. Hindi ko kakayanin."

Napatingala ako. Umiiyak kami pareho.


"Troy..."

Bago ko pa madagdagan ang sasabihin ko, biglang..... lumuhod na siya sa harapan ko.

"Wag. Parang awa mo na. Wag mo 'kong iwan. Hindi ko kaya. Baka mabaliw ako. Please? Wag mo
'kong iwan. Mahal na mahal kita."

Hawak hawak ang dalawang kamay ko. Humihikbi na siya habang nakayuko. Nakikiusap na wag ko
siyang iwan.

Ang sakit.

"Troy, hindi na tayo pwede. Madaming madadamay. Sila Papa Ren at Mama Mina. Troy, mawawala ang
kompanya sa kanila kapag pinilit pa nating magsama. Naiintindihan mo ba ako? Gagawin lahat ng
daddy mo para lang makuha ka niya." Umiiyak na paliwanag ko sa kanya.

"'Yun lang ba ang inaalala mo? Ang kompanya? Kunin niya! Kunin niya ang kompanya! Magta-trabaho
ako! Ako na lang ang bubuhay sa mga pamilya natin! Titigil ako ng pag-aaral! Lahat ng trabaho
papasukin ko! Waiter, construction worker, driver o kung gusto mo takatak-boy pa! Wag mo lang
akong iwan naman! Hindi ko kasi kaya... Hindi."

Napapikit ako. Ang sakit. Ang sakit sakit.

'Yung nakikita ko siyang umiiiyak at nagmamakaawa sa harap ko? Nagmamakaawang wag ko siyang
iwan.

Noong una, si daddy ang lumuhod, ngayon naman, siya. Ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa
buhay ko. Sino ang pipiliin ko?

"Troy, kukunin at kukunin ka niya. Gagawin lang nating komplikado ang lahat."

"Hindi! Hindi niya ako makukuha hangga't hindi ako sasama! Magtatago ako! Pagtataguan ko siya!"

Ang higpit. Ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko. Ayaw niya akong pakawalan.

Troy... wag kang umiyak. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Kailangan ko na'tong tapusin,
kasi kung hindi, baka hindi na kita paalisin.

"Troy... Itigil na natin 'to."

"Hindi!" Mariing umiling siya. Biglang naging mahinahon ang boses niya. "Sawa ka na ba?
Nagsasawa ka na ba dahil ako lang ang laging kasama mo? Nasasakal na ba kita? Kasi ako ang
unang naging boyfriend mo at ako pa ang pinakasalan mo?"
Sunod-sunod ang iling ko. "Hindo, Troy... Hindi."

"Kung gusto mo, makipag-date ka sa iba! Hindi ako magagalit. Kahit nagseselos ako hindi ko
sasabihin sa'yo. Ano pa? N-nagsasawa ka na ba sa kayabangan ko? Sa kasasabi ko na gwapo ako?
Wala naman akong magagawa kung totoo iyon, eh." Natawa pa siya pero halatang peke. "Pero para
sa'yo titigilan ko na 'yun! Ano pa ba? Gusto mo ba ng mas maraming time sa barkada? Sawang sawa
ka na ba na ako lang ang lagi mong kasama? First boyfriend na nga, asawa pa. Boring ba? Sige
madalas na kitang hahayaan sa kanila. Basta lang wag mo 'kong itaboy, Arianna. Hindi ko kaya.
Hindi ko kaya. Parang awa mo na."

Iyak siya ng iyak. Parang winawarak ang puso ko sa nakikita ko.

Ang sama sama ko. Matapos ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Ito pa ang ipapalit ko?

"Tama na... Tama na..." Hindi ko na kaya.

"Putangina naman, eh! Hindi mo na ba 'ko mahal, ha? Hindi mo na ba 'ko mahal?----"

"MAHAL!" Sigaw ko. "Mahal na mahal kita, Troy! Mahal na mahal kita! Pero ito lang ang alam kong
tamang gawin."

Nag-iiyakan kami. Hindi ito ang gusto ko. Ayoko nito. Napakasama ko.

"Siguro kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sa'tin. Habang magkalayo tayo, pwede kang
mag-girlfriend. Kasal na naman tayo, di ba?" Iyak na ako ng iyak. Pinipilit ko lang na pagaanin
ng konti ang sitwasyon kahit na wala naman talagang tulong.

Mahal ko si Troy. Mahal na mahal.

"'Yan! 'yan na naman sa hindi pa tamang panahon na 'yan! Kailan ba magiging tama? Kapag nagka-
girlfriend ako tapos hindi na 'ko makabalik sa'yo? Kapag matanda na tayo pareho at may iba ng
pamilya? Iyon ba ang tama? Kapag sumama ako sa daddy ko, mawawalan na ng kwenta ang kasal
natin! Tangina naman Arianna eh! Kung mahal mo 'ko, ipaglaban mo 'ko!" Sa pagkakataong iyon.
Pinunasan niya na ang luha sa mga mukha niya.

Gusto kong ako ang magpunas sa mga luha niya. Gusto kong halikan ang bawat patak ng luhang
tumulo mula sa mga mata niya, pero hindi ko magawa!

Tiningala niya ako.

"Ipaglaban mo naman ako, oh. Ipaglaban mo ako..." Iyak siya ng iyak. "Kasi pinaglalaban ko kung
ano'ng meron tayo. Hangga't kaya ko lumalaban ako. Para sa'yo, para sa'tin... Kaya ipaglaban mo
naman ako, oh. Kasi hindi natin kakayanin 'to kung ako lang mag-isa ang lalaban."

Humahagulgol na siya.
Hindi ko na kaya. Ang sakit makitang umiiyak siya. Napakawalang kwenta ko!

"H-hindi ko na kaya." Mahinang usal ko.

Napamaang siya sa sinabi ko. Gulat na gulat na tinitigan niya ako. Nag-iwas ako ng tingin.

Kailangan kong magsinungaling para lang maitaboy siya.

Gusto ko ng saktan ang sarili ko. Sabunutan at sampalin ang sarili ko. Ano ba'ng ginagawa ko?
Bakit lagi ko na lang siyang sinasaktan?

"H-hindi mo na.... kaya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "A-akala ko ba mahal mo ako?
Nararamdaman ko 'yun eh. Sa'kin mo binigay ang sarili mo. Mahal mo ako. Mahal mo ako! Sabi mo
mahal mo ako! Mahal mo ako, Arianna! Mahal mo ako!" Sumisigaw na siya.

"Mahal kita Troy! Mahal na maha---"

"Mahal mo nga ako. Pero hindi sapat para ipaglaban mo ako!"

"Mahal na mahal kita! Sapat para pakawalan kita!"

Ang sakit.

Again, silence....

Nakayuko lang siya habang nakatitig ako sa kanya. 'Yung mga luha ko, tuloy tuloy na.

Suminghot singhot siya. Pinunasan ang mga luhang nagkalat na sa mukha niya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan?" Malumanay na tanong niya.

Bakit ganun? Bakit ang sakit? Kanina pinagtatabuyan ko na siya pero bakit gusto kong bawiin
iyon?

"Oo." Mahinang sagot ko.

Bago ko pa siya pigilan, kailangan ko ng tatagan ang sarili ko at ipagtabuyan siya.

Yumugyog ang mga balikat niya. Naririnig ko na lang na mahinang tumatawa siya.
"Ginusto mo, susundin ko." Pagkaraa'y tumayo siya pero hindi pa rin siya tumitingin sa
akin."Sige. Mas mahalaga naman sa'kin ang kaligayahan mo. Kaya sige, kung 'yan ang gusto mo."

Ang sakit. Sobrang sakit. Ito na ba ang katapusan para sa'min?

Naglakad siya medyo palayo sa'kin. Sa isang palakpak niya... biglang nagliwanag.

Hindi ko mapigilang hindi mapasinghap.

Umikot ang paningin ko sa paligid ng gazebo. May nakapalibot na fountain fireworks sa labas.

Namataan ko pang nagtakbuhan ang lahat ng nagsindi ng fireworks. Ang barkada. May mga hawak
silang BBQ lighters at nagtakbuhan din pagkasindi ng lahat. Fck. Narinig nilang lahat ang pag-
uusap namin...

Pero hindi na iyon ang mahalaga.

Pinaghandaan niya na naman ang gabing 'to. Sinorpresa niya na naman ako.

Pero sa kabila ng lahat.... sinaktan ko pa rin siya.

"Nagustuhan mo ba? Medyo fail, di ba? Wala kasi akong makitang automatic na fireworks eh. Kaya
kinailangan ko silang lahat. Maganda naman, di ba? Ang plano ko talaga, halikan ka habang
nakasindi ang lahat ng 'yan. Romantic siguro nun, 'no? Ha ha! Nasasanay na nga ata akong maging
romantic para sa'yo eh. Ha ha ha." Tawa siya ng tawa pero halatang pilit naman. "Nagustuhan mo
ba? Sana nagustuhan mo kasi nangutang pa nga ako sa barkada dahil kulang ang pera ko. Maganda
naman, di ba? Pero mas maganda 'yan kung magkayakap tayo habang napapalibutan ng mga 'yan."
Sarkastikong tumawa na naman siya.

Iyak na ako ng iyak na naman.

Na-imagine ko ang sinabi niya. Ang sarap nga siguro ng feeling kung ganoon ang nangyari.

Pero imbes.... ito na.

Sobrang sakit. Lahat handa niyang gawin para sa'kin.

Pero ano ba ang kayang kong gawin para sa kanya? Ang pakawalan siya? Bullshit.

Nawalan na ng sindi ang mga fireworks.


Bumalot ang mahabang katahimikan sa amin. Wala akong marinig kundi ang sarili kong hikbi.

Lumakad siya papunta sa'kin, pero...... nilagpasan niya lang ako.

Tangina, ang sakit!

Aalis na siya. Lalayo na siya.

Ang sakit...

Halos manlambot ang mga tuhod ko. Wala na, hanggang dito na lang kami.

Sana..... kayanin ko.

Iyak na lang ako ng iyak. Mahal na mahal ko siya pero hindi pwedeng makasama ko siya. Ang
sakit. Bakit ganito? Bakit kailangang mangyari sa'min 'to?

Hindi ko namamalayang huminto pala siya sa paglalakad.

"Susundin kita. Gusto mong magka-girlfriend ako? Sige, magmamahal ako ng iba. Pero tandaan
mo.... ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito."

And wth that... umalis na siya.

Palayo sa akin.... dahil pinalayo ko siya.

Napaupo ako. Iyak ng iyak. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

"Ang sabi ko, pwede kang magka-girlfriend na iba. Pero hindi ko sinabing magmahal ka ng
iba...." Patuloy ako sa pag-iyak. Wala na si Troy. Napakasakit. Parang dinudurog ang puso ko sa
sakit na nararamdaman ko. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.

"HAAA!!!!! Putangina!!!" Narinig ko pa ang malayo pero malakas na pagsigaw niya.

Humagulgol na ako.

Sobrang sakit. Pero wala itong nararamdaman ko sa sakit na dinulot ko sa kanya.

Tama ba ang ginawa ko? Ang saktan kami pareho?


Tama naman, di ba?

O hindi......

Ang gabing akala niya magiging masaya kami... ang gabi palang magkakalayo kami.

Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang yakapin at sabihing binabawi ko na ang lahat. Pero
wala na 'kong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.

"Sorry, Troy. I'm sorry..."

***

*******************************************
[57] Bad Meets Evil (54.1)
*******************************************

54. NEVER LET GO.

"Alam mo bang namimiss na kita? 'Yung ngiti mong nakaka-inlove. 'Yung kindat mong nakakakilig.
'Yung kayabangan mong sagad sagaran. Pati na rin 'yung kasungitan mong nakakasakal pero
nakakakilig naman. Alam mo ba 'yon?"

I sighed.

"Alam mo bang para akong tanga kagabi na naghihintay sa pagkatok mo sa kwarto ko? Hindi nga ako
nakatulog kaka-antay eh. Halos batukan na 'ko ni B sa kagagahan ko."

Suminghot ako.

"Pero buti na lang hindi ka kumatok. Kasi kung ginawa mo, baka biglang nabuksan ko 'yon.
Biglang yakapin na lang kita sabay bawi sa mga masasakit na sinabi ko kagabi. Na biglang
makalimutan kong ang pamilya natin ang masasaktan ko kapag pinili kita.

"Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita, miss na miss na agad kita. Bakit mo kasi ako
ginayuma? Parang ang layo ng mga bahay natin 'no? Pader lang ang pagitan pero ni buhok mo hindi
ko pa masilayan. Ha ha. Ang pathetic ko, di ba?"

Natatawa ako sa sarili kong kagagahan. "Ehhh... ginusto ko 'to eh. Pinalayo kita. Ngayong
lumayo ka, nag-iinarte ako. Tanga lang, di ba?" Sarkastikong tumawa ako.
Pero... ang sakit.

Hiaplos-haplos ko ang pangalan ni Troy sa infinitree namin.

Mula paggising ko, dito na agad ako nagpunta. Actually, wala nga ata akong tulog.

Nakasandal lang ang noo ko sa puno habang hinahaplos ang pangalan ni Troy na nakaukit doon.

Umiiyak ako.

Bakit?

Kasi ang sakit.

Naalala ko 'yung mukha ni TJ noong isang gabi.

Sobra. Sobrang nakakadurog ng puso.

Kaya ang pangalan niya sa puno ang kinakausap ko. Kinakausap na para bang sasagutin ako.

Hah. Pathethic.

Nagkukulong lang kasi siya sa kwarto niya. Nag-aalala na nga sila Papa Ren at Mama Mina eh.
Sila mommy, daddy , at B naman, sa akin nag-aalala. Wala rin kasi akong ganang kumain.
Napakatahimik ko lang.

Ang totoo niyan, gusto kong puntahan si Troy sa kwarto niya pero hindi ko kaya. Kasi wala akong
lakas ng loob na makita siya. Masasaktan lang ako. Lalo na siya.

"Balita ko lasing ka raw kagabi, ha? Sinumbong ka sa'kin ni Mama Mina. Pero alam mo kung ano'ng
sinagot ko?.... 'Ahh'. HA HA! Haba 'no? Pero sa loob loob ko sobrang nag-aalala na ako." Tumulo
na naman ang mga luha ko. "Sabi mo bawal akong uminom, pero bakit ikaw, pwedeng pwede? Di ba,
bawal na sa'tin pareho 'yan? Pero bakit uminom ka? Daya."

Singhot ako ng singhot.

Grabe, ang sakit.

Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa lumabo ng lumabo ang paningin ko....
*

*Baby baby baby koooooo. Ang sexy sexy sexy moooooo.*

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko na nakapatong sa lap ko.

Ang dilim ng paligid.

Inabot na pala ako ng gabi rito. Pero bakit ganun? Hindi man lang ata ako natatakot?

*Na-ii-nip inip na 'koooooo. Sagutin mo na ang tawag ko. Lol.*

Ang boses ni TJ....

Napangiti ako. To the tune of JB's Baby ang kinanta niya samantalang hate na hate niya si
Bieber. Pero dahil pinilit ko siya, gumawa na lang siya ng sariling version. At hindi pa rin
ako maka-get-over sa 'lol' part.

Naalala ko na naman ang mukha niya noong nirecord niya 'yon.

Fck naman, e. Napasinghot ako.

*Kapoot. Kumanta na nga di pa rin nasagot. Busy? Sige ipagpalit mo ako. Ganyanan? Tss. Sige!
Ipagpal---*

Sinagot ko na ang tawag.

Ang sakit.

Joke niya lang 'yan dati pero ngayon totoo na.

Tangna. Sakit!
"......." In-answer ko na pero hindi ako nagsalita.

"Yanna! I mean... A!"

Napakunot ang noo ko. Boses ni Joyce 'to, ha?

Tinignan ko ang screen. Pang-US ang number. Si Joyce nga!

"Joyce."

Wala pa rin akong ganang makipag-usap kahit miss na miss ko na si Joyce.

"A! Nasaan ka?! Napigilan mo ba si kuya?!" Nagpa-panic na tanong niya.

"Pigilan saan?"

"Jusko naman, Arianna! Ngayon na ang flight ni kuya! Ano ka ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko.

FLIGHT?!

"A-anong.... f-flight?"

"Flight! Lutang eroplano! Lipat ibang bansa! Jusmiyo, marimar! Move your ass, Arianna! Stop my
brother!"

Hindi ako makapag-salita.


Hindi ba dapat, sa Friday pa ang alis niya?

But then... ano pa nga ba'ng magagawa ko?

"Mas naaga ata, ah? Tsaka... bakit ko pipigilan? Eh, tinaboy ko na nga. Pinapatawa mo ba 'ko?"
Sarkastikong napatawa ako.

"Alam ko na 'yan! Naikwento na sa'kin ni B lahat 'yan! Sht naman, Arianna! Aalis na si kuya!"

"Naririnig kita. Hindi mo kailangang sumigaw. Narinig kong aalis na siya...." Napabuntong
hininga ako. "...papuntang Palawan." Matamlay na dugtong ko.

"What?! Anong Palawan?! Palawan my ass! Arianna, hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?
Ibang bansa! I-BANG BAN-SA! Sa hindi ko malaman kung saang bansa! Maski sa akin sinisikreto
nila mommy 'yun!"

Natigilan ako bigla.

"I-ibang bansa?"

Flight... sa ibang bansa? Ang sabi sa akin ni Tito Gab, sa Palawan nya lang dadalhin si TJ! Ano
'to? Niloloko lang ako ni Tito Gab?

Hindi ako makapagsalita. Para akong tinulos na kandila sa narinig ko. Talagang ilalayo niya nga
sa akin si TJ? Sabi niya, Friday pa. Sabi niya, Palawan lang. Pero ano 'to?! Sinikreto niya
lahat!

Nanginginig ako sa inis.

"Tangna ka, A! Hindi kita mapapatawad kapag nakaalis si kuya!"

Pinagbabaan na ako ni Joyce.

Hindi ako makapaniwala. Ni hindi ko pa siya nakikita, aalis na agad siya?


Napapikit ako.

Hanggang dito na lang ba talaga kami?

Ang sakit...

Naiiyak na naman ako. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang pigilan. Pero gustuhin ko
man-----

"Kung mahal mo talaga, panatilihin mong iyo. 'Wag mong isakripisyo sa kahit na ano o kahit na
kanino. Tandaan mo... nag-iisa lang 'yang mahal mo."

*******************************************
[58] Bad Meets Evil (54.2)
*******************************************

Nagulat ako sa lalaking biglang nagsalita. Nasa likod ng punong nasa harap ko ang
pinanggalingan ng boses.

"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko.

Sobrang dilim. Nagsisimula na akong matakot.

Hanggang sa....

"Bulaga."

What the fck!

Nanlaki ang mata ko pati nabuka ang bibig sa gulat.

Bigla na lang may sumulpot na mukha mula sa likod ng puno na ang tanging ilaw ay nanggagaling
mula sa cellphone na tinapat nito sa mismong mukha niya. Sinamahan pa ng effect ng boses na
sadyang nilaliman at nilakihan niya.

"Tangna mo. Akala mo nasa mood ako?" Asar na sabi ko sa kanya.


Leche. Akala ko aatakihin na 'ko eh.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman kasi siya mukhang masamang tao o kung ano pa man. In
fact... pogi nga e.

Mahinang natawa lang siya na lalong kinakunot ng noo ko.

"Akala mo namang ikaw lang ang nagulat. Mas mukha ka kayang multo sa itsura mo."

Inginuso niya ang cellphone ko na nakatapat din pala sa mukha ko.

"Magang maga mga mata mo." Komento niya.

Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipag-usap.

Aalis na si TJ. Pipigilan ko ba sya?

"Hindi man lang ba sumakit ang puwitan mo? O kaya ang likod mo, o ang noo mo?"

"Ano bang paki mo?" Asar na nilingon ko siya.

Naiinis na 'ko. Ang pakialamero naman kasi.

"Wala naman. Para sabihin ko lang kasi sa'yo, lagpas tatlo't kalahating oras na hindi ka
nagbago ng pwesto mo habang natutulog."

Napamaang ako. Ganoon ba 'ko katagal na tulog?

At ngayong narinig ko ang sinabi niya. Nakaramdam na ako ng sakit sa likod at sa puwitan. Hindi
naman masyadong masakit ang noo ko pero ngawit na ang batok ko.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi ko naman kasi siya kilala.

Nag-stretch ako ng katawan at tumayo.

Hanggang sa mag-click sa utak ko ang mga sinabi niya...

"Teka nga... Stalker ka ba? Bakit alam mong tatlong oras mahigit akong tulog?" Kunot noong
baling ko sa kanya at itinapat ko sa kanya ang ilaw ng cellphone ko.
"Stalker? More of an angel." Nangingiting sabi niya.

Nag-roll eyes lang ako at nakita niya 'yun dahil sa akin naman nakatapat ang ilaw ng cellphone
niya.

"Binantayan kita." Pagbibigay alam niya.

Pero wala ako sa mood magpasalamat.

"Binantayan kita kasi ramdam kong nasasaktan ka."

Sa sinabi niyang iyon, biglang nag-baling ako ng tingin sa kabilang side.

Pati ba naman hindi ko kakilala alam na nasasaktan ako?

"Narinig ko rin ang mga sinabi mo sa kausap mo sa phone."

Naningkit na ang mga mata ko. "Well, thank you for eavesdropping." I sarcastically said.

"It's not as if I can't hear you even if I covered my ears."

Napabuntong-hininga ako.

Oo na. Tama na siya.

"Sundan mo na siya."

Napalingon ulit ako sa kanya. Sabay napayuko ulit.

"Tinaboy ko siya." Matamlay na sabi ko.

"Pero hindi pa huli ang lahat."

Nagkatitigan kami. At napayuko na naman ako.

"Hindi na kami pwede. Marami ang madadamay."

Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko ang lahat ng 'to sa kanya samantalang hindi ko naman siya
kilala.
"Alam mo minsan? Kailangan natin sa buhay ang magpaka-selfish. Wag mong hayaang mawala siya
sa'yo."

Magpaka-selfish?

"Paano? Pamilya ko ang sasaktan ko. Mawawala ang kompan----"

Sarkastikong tumawa muna siya. "Gaya ng sinabi ko kanina. 'Wag mong isakripisyo ang mahal mo sa
kahit na ano o kahit na sino. Kompanya? Materyal na bagay lang 'yan! Napapalitan... Pamilya?
Kung mahal ka nila, iintindihin ka nila...."

Napaisip ako sa sinabi niya.

Tama siya. Materyal na bagay lang ang kompanya. Napapalitan. Ang pamilya....

Si daddy, lumuhod pa siya sa harap ko.

Posible kayang maintindihan niya ako?

"People change, people leave. Pero ang pamilya? They will stay, because of love."

Ang mga salita niya.... Bakit hindi ko naisip 'yon?

Mahal ako ni daddy. Maiintindihan niya ako, di ba?

Di ba?

"May mga tao talagang tutol sa halos perpekto nang relasyon. Know what? They are called trials.
Let them try you both. Then show them how you win. In the end? Tries and fails, combined....
They tried to break you both, but failed to do so."

Unti-unting bumilis ang tikbok ng puso ko.

Papatunayan namin sa lahat na kami talaga? Na kahit anong pagsubok ang dumaan, kakayanin namin?

Marami namang paraan, di ba?

Magtatago kami! Kung kinakailangan naming magtanan, gagawin namin! Puputulin ang lahat ng
koneksyon sa bawat kakilala? Hindi kami lalabas ng bahay? O kung lumabas man, nakatakip ang mga
mukha namin! Mapapagod din naman siguro ang tatay ni Troy sa paghanap sa'min, di ba? Maiisip
naman siguro niya na mahal talaga namin ang isa't isa... Di ba?

Tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.

Kaya namin.

Kakayanin namin ni Troy!

Pupuntahan ko siya. Pipigilan ko ang pag-alis niya!

Inangat ko ang cellphone ko at nanginginig na dinial ang number ni Troy.

Naiiyak ako habang ipinwesto ko sa tenga ko ang cellphone ko.

Tama. Kakayanin namin ang lahat basta ba magkasama kami. Papatunayan namin sa lahat 'yon!

Wag ka munang umalis, Troy. Hintayin mo muna ako.

Isang ring pa lang pero nasagot na agad niya na parang hinhintay niya talaga ang pagtawag ko!

Thank God! Hindi pa siya nakakaalis!

"TROY!" Nagpa-panic ang boses ko.

"Arianna!"

Tuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko.

Isang araw ko lang hindi narinig ang boses niya pero parang isang taon na!

Pagsubok lang ang daddy ni Troy. Malalagpasan namin ang lahat basta ba lalaban kami. Kakayanin
namin ang lahat.
"Troy....... wag kang umalis."

Iyak ako ng iyak habang sinabi 'yun.

Pero... hindi siya sumagot.

Wag, Troy... Please? Huli na ba ako? Wag ka ng umalis! Hindi ko kaya. Please!

Iyak na ako ng iyak.

Ang haba na ng katahimikan. Huli na ba ako para pigilan siya? Nakapag-desisyon na ba siya?

Please. Wag mo 'kong iwan, Troy.....

"Stop the car." Narinig kong sabi niya pero hindi sa akin.

Nasa kotse palang siya! Wala pa sila sa airport!

Biglang nabuhayan ako ng loob. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"I said stop the fcking car!" Sumigaw na siya.

"Troy...."

Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi ni Tito Gab na gagawin niya ang lahat makuha lang si TJ?

No... Please, no. Let him go, Tito Gab. Please...

"Ah, shit! Tanggalin nyo ang lock!" Narinig ko ang pagkalampag niya sa kotse.
Kinakabahang humihikbi ako.

Ayaw talaga siyang palabasin ni Tito Gab?! Damn, Tito Gab! Let him go!

"Shit! Putangna, palabasin niyo 'ko rito!!!"

"STOP THE F*CKING CAR! DAMN IT!"

"PALABASIN NIYO 'KO KUNG AYAW NYONG MAGKALETSE-LETSE TAYO!!!!"

Oh no.....

"Calm down, TJ!" Sigaw ko pero I doubt kung narinig niya.

Nagiging wild na siya. At nagiging wild lang siya pag sobrang galit na siya!

Hindi matigil ang pag-iyak ko.

Ang sama ni Tito Gab! Bakit hindi niya na lang kami hayaang sumaya?!

Hanggang sa marinig ko na lang na maingay na sa line ni TJ.

Nakalabas na siya ng kotse!

"HELLO? ARIANNA?! ARIANNA!!"

"TROY!"
"God! Your voice.... I missed you so much!"

Lalo na naman akong naiyak.

Me too. I missed you too, Troy. Kahit isang araw pa lang. Kaya hindi ko kakayanin kung matagal
tayong magkakahiwalay.

Natatarantang naglakad ako kahit hindi ko makita ang daan sa sobrang dilim. Ilang beses na rin
akong natapilok.

"Troy... Wag mo akong iwan. Please?" Umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Napahinto ako sa paglalakad nang hindi siya sumagot.

Hanggang sa... narinig ko ang pagsinghot niya.

Umiiyak na rin siya!

"I won't."

Mas lalo pa akong naiyak. Humagulgol na ako.

Mahal na mahal niya talaga ako. Bakit sinaktan ko pa siya?

Sa isang salita ko lang... He would never want to leave me. Not ever.

Simula ngayon... gagawin ko ang lahat wag lang siyang masaktan.

Hinding hindi ko na siya pakakawalan.

I promise.
"Nasaan ka?! Pupuntahan kita!" Sigaw niya. Masyadong maingay sa linya niya kaya sumisigaw siya.

"Infinitree." Humihikbing sagot ko.

"Don't move. Wait for me. I'll be there."

Sobra na akong umiiyak.

"I will. Come back, fast. Please?"

Pero hindi siya sumagot.

Narinig ko nalang na humihingal na siya.

"TJ! Okay ka lang ba?!"

"TJ!"

Then I heard him chuckle. "Parating na."

Nakahinga ako ng maluwag. I know, nagmamadali na siyang mapuntahan ako.

"Alam mo bang ang saya ko? Akala ko hindi mo na talaga ako pipigilan! Akala ko matitiis mo
ako!"

Akala ko rin, Troy. Pero hindi pala. Hinding hindi.

"I'm sorry, Troy. I'm sorry for that night. But please.... come back to me. Please?"
Nag-iiyakan na kami pareho. Siya hinihingal, habang ako iyak pa rin ng iyak. Sa tuwa. Dahil
magkakasama na ulit kami.

Wala akong makita bukod sa malalayong ilaw. Malabo na rin ang paningin ko dala ng tuloy-tuloy
na pagluha ko.

"Hintayin mo ako dyan. Don't cry, please? I don't want you to cry. Stop crying."

Ayan na naman siya. Ako na naman ang inaalala niya. Pinapatahan niya ako pero pati nga siya
iyak din ng iyak.

"Wag mo na 'kong intindihin! Umiiyak ka rin, stupid!"

Natawa ako at ganun din siya.

"Ikaw kasi eh. Alam ko namang namiss mo lang ang gwapo kong mukha."

Ayan na naman siya sa kayabangan niyang sumusulpot na lang bigla!

"Oo na! Miss na miss na kita! Nakakainis ka! Sobrang miss na kita kaya dalian mo na lang dyan!"
Iyak tawa kong sabi sa kanya.

He chuckled again and then sniffed.

"Almost there."

Napangiti ako.

Hindi na. Hinding hindi ko na siya papakawalan pa.

"HELEN!"
"Huh?" Nagtatakang tanong ko kasi biglang nasigaw na lang siya. Nagpa-panic ang boses niya.

"Akala ko nawala ka na sa linya!"

Kinabahan naman ako dun. Akala ko kung ano na.

"No! Andito lang ako. Just take your time, okay?"

"Wait for me."

"I will."

Nakahinga na ako ng maluwag. Ang saya ko. Sa kanya lang talaga ako sasaya.

Magkakasama na ulit kami.

Magiging maayos na ang lahat.

"HELEN!" Sigaw na naman niya.

"TROY!"

"Mahal na mahal kita!"

Hingal na hingal na sigaw niya.

Natawa ako. Iyak tawa kami pareho. Ang baliw. Hahaha.

Tsaka..... obvious naman na mahal nya ako eh.


"Mahal na mahal din kita!"

Hindi na ako makapaghintay na mayakap ulit siya.

Na mahalikan ulit siya.

Na maging akin ulit siya.

"I love you so much, my He--"

............

Parang may bumundol sa puso ko kasabay ng pagyanig ng buong pagkatao ko.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Sumikip bigla ang dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Bigla na lang tumahimik.

"Miss, okay ka lang?"

No.... nanaginip lang ako, di ba? Please, tell me I'm just dreaming.
Pero bumalot lang ang isang napakahabang katahimikan.

Walang ibang pumapasok sa isip ko. Tuloy-tuloy lang ang agos ng mga luha ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang natulala lang ako.

Tulalang tulala habang ragasa ang pag-agos ng mga luha ko.

Naputol na ang kabilang linya. Naputol ang anumang sasabihin ni Troy.

Hindi ko na marinig ang boses niya pagkatapos kong marinig ang.... malakas na tunog na iyon.

I can't.... breathe.

Nag-echo sa isip ko ang tunog na iyon.

Isang napakalakas na tunog.... na makakapgpabago ng lahat.

BLAG!!!

Please, no.

"Troy......"

***

*******************************************
[59] Bad Meets Evil (Epilogue)
*******************************************
EPILOGUE: FOREVER, TILL ETERNITY.

High school life.

Sabi nila, the best daw ang experience sa highschool.

At tama nga sila.

Dyan ako natuto ng maraming bagay.

Kasama na doon ang ma-inlove at ang masaktan.

Ilang beses ko ng tinanong sa sarili ko kung talaga bang tunay na ang pagmamahal na
nararamdaman ko, pero alam mo kung ano ang laging sagot ng puso ko?

'OO. SIYA NA.'

And yes. We were a match made from heaven, and so everyone thought.

Lahat daw ng pagmamahal, sinusubok ng pagkakataon.

Katulad ng pagmamahalan namin, maraming beses kaming sinubok pero hindi kami sumuko.

Pero minsan talaga, magigising ka na lang isang araw na kailangan mo nang mamili kung ano ang
akala mong tama.

Katulad ko. Isang araw, nagdesisyon ako...

Dahil ang akala ko, maayos ang lahat sa desisyong ginawa ko...

Yakap ang puting teddy bear na may yakap na puso, huminto ako sa..... puntod niya.
Kusang umagos ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko kaya. I'm beginning to breakdown.

Parang dinudurog ang puso ko sa sakit. Sobrang sakit. Gusto ko ng mamatay sa sakit.

Naupo ako sa tapat ng puntod niya at isa-isang tinanggal ang mga tuyong dahong nakapatong dito.

"Ano ka ba? Akala ko ba dapat laging pogi ka? Eh, bakit hinahayaan mong pangit ka ngayon?
Tignan mo nga ang dami mong dahon. Pasaway ka talaga." I laughed sarcastically while crazily
talking to his............... grave.

Akala ko paglipas ng panahon magkasama naming aalalahanin ang highschool life namin. Akala ko
maiku-kwento pa namin sa mga anak at magiging apo namin ang istorya namin. Akala ko sabay
kaming hahawak ng tungkod at magkakaputing buhok.

At oo... akala ko lang pala.

Yes, we shared the same sad and happy memories. But what now? Ako na lang mag-isa ang aalala
sa mga 'yon?

Ang hirap tanggapin na mag-isa ko na lang aalalahanin ang mga memories na magkasama naming
binuo.

Ang hirap. Ang sakit. Ang sakit sakit...

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Pinahid ang mga luhang bumabasa sa mukha ko.

Nang tumigil na ako sa pag-iyak, kinuha ko ang mp3 at ang isang sulat galing sa bulsa ko.

Ang mga ito at ang teddybear kasama ang isang sulat ay iniwan nya sa kwarto ko bago ang gabi ng
dapat ay pag-alis nya papuntang ibang bansa.

Ang gabing akala ko magkakasama na ulit kami, ay ang gabi palang magtatapos ng lahat.

Sinimulan kong ikabit sa magkabila kong tenga ang headset ng mp3 player at pinindot ang play
button.

Ngayon lang ako naglakas ng loob na huklatin ang mga iniwan niya. Ngayon lang din kasi ako
nagkalakas ng loob na dalawin ang puntod niya.

Sa una wala akong naririnig.. pero hindi nagtagal, narinig ko rin ang boses nya.... na
nagsimulang kumanta.....

I may burn out like a candle and I may pass away

I may fall just like a shooting star


My heart will stay...

Agad agad na nag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan.

Umiiyak siya habang kumakanta.

Napahagulgol ako.

Ang sakit. Parang dinudurog ng milyong beses ang puso ko sa sakit.

I'll be yours until forever,


Forever I'll be true to the promise
I have made from the day that
I found you
Forever you're in my heart
Even if we're apart

Ang boses nya. Miss na miss ko na ang boses nya.

I say, forever I'll be yours


Forever I love you
I say, forever I'll be yours
Forever I'll be true
My love will never fade away
Even if I'll die and
I will love you until the end of time
Even without your smile

Ang tanga tanga ko.

Siguro kung hinayaan na lang kitang umalis, edi sana andito ka pa.

Sana hinayaan na lang pala kita, 'no? Sa liit ng mundo, magkikita at magkikita pa rin siguro
tayo kahit na ilayo ka pa ng daddy mo sa'kin, di ba?
Pero ang laki kong tanga!

"Kung hinayaan na lang sana kita, edi sana mababawi pa kita sa daddy mo. Pero.... Bakit sa nasa
itaas ka sumama? Sa tingin mo ba mababawi pa kita sa kanya? Troy naman eh! Bakit kailangang
iwan mo ako? Bakit? Troy... bakit?"

So hear me please I beg you


Don't walk away I need you
Just stay with me and be by my side
Take my hand and we'll work it out

Humigpit ang yakap ko sa teddy bear na iniwan nya.

Ang sakit sakit.

Naalala ko na naman ang mukha niya noong gabing itinaboy ko siya.

Habang kinakanta niya ito....

So hear me please
I beg you
To stay...

Umiiyak siya.

Nagmamakaawa.

Nagmamakaawang maayos pa ang lahat. Nagmamakaawang 'wag ko siyang iwan.

Di ba pinili na nga kita sa huli? Kasi hindi ko kayang iwan ka. Pero bakit..... ikaw ang nang-
iwan?

Ang sakit tanggapin ang katotohanan na wala ka na. Na iniwan mo na akong mag-isa. Na hindi ka
na babalik pa. Na kahit hindi maglaho ang pagmamahal natin, ang forever natin... dito na
natatapos.
Inalis ko sa pagkakatupi ang sulat na iniwan nya at sinimulan iyong basahin.....

'Aalis lang ako, pero iiwan ko sa'yo ang puso ko. 'Wag mo 'kong pagpapalit, ha? Mahal na mahal
kita. Always remember that, Helen. I love you...

Till
eternity.'

Lalong humigpit ang yakap ko sa teddy bear.

Tuloy tuloy ang agos ng mga luha sa mga pisngi ko hanggang sa pumatak iyon sa papel na hawak
ko.

"Aalis ka lang? Akala ko ba aalis ka lang? Eh, bakit hindi ka na babalik? Bakit ka ganyan Troy?
Sabi mo mahal mo ako, di ba? Sabi mo pa nga walang hanggan eh. Pero bakit mo ako iniwan? Bakit
ka ganyan? Binawi na nga kita sa daddy mo eh. Pero bakit pati ang daddy mo iniwan mo? Bakit
kaming lahat iniwan mo? Bakit iniwan mo ako?! Bakit, Troy?! Bakit?! Bakit?!!!" Napasigaw na ako
sa sakit na bumabalot sa loob ko.

"Iniwan mo nga ang puso mo pero ano'ng silbi nito kung noong iniwan mo ako... tinangay mo pati
ang puso ko? Sabihin mo nga, Troy? Anong silbi ng puso mo kung ikaw mismo wala sa tabi ko?"

Ang sakit kasi. Ang sakit sakit.

May Diyos ba talaga? Would you blame me if I will hate Him? Well, then blame me! 'Cause I hate
Him already! I hate Him for taking you and leaving me! I hate Him!

Masama ba ako? Bakit ganito? Bakit sa dinami-raming tao sa mundo, bakit siya pa ang kinuha?
Bakit sa libu-libong masasamang tao sa mundo, bakit 'yung madalas pang masaktan ang kinuha?
Sobrang unfair!

Para saan pa ang buhay ko kung wala na akong dahilan para mabuhay?

Tangna, ang sakit!


As I'm about to fold the paper back, another line at the bottom of the paper caught my
attention....

'Babalik ako. Pangako.'

Halos mapunit ang papel sa higpit ng pagkakayakap ko.

Sobrang lakas ng hagulgol ko.

Isama mo na lang ako, Troy! Isama mo na lang ako! Dahil kahit anong gawin ko, kahit ilang balde
man ng luha ang iiyak ko...... hindi ka na babalik.

I'd rather be with you in heaven than continue living here without meaning.

Wala na kasing kwenta. Simula nang kunin ka NIYA. Nawalan na nang silbi ang buhay ko.

Ni hindi ko na hinahangad pang sumaya. Ang gusto ko lang makasama ka.

I love you, Troy.... so much. I'm yours and will forever be yours. I love you... Forever...
till eternity.

-------------------------------------------------------
END--------------------------------------------------------------

*******************************************
[60] A Must Read Author's Note
*******************************************

THANK YOU TO ALL FANS, READERS, VOTERS and COMMENTERS OF THIS STORY.

THANK YOU SA WALANG SAWANG PAGSUPORTA KAHIT NA MINSAN ANG LAME NG UPDATE AT MEDYO CORNY NA.
HAHA. I LOVE YOU ALL!
BAD MEETS EVIL

------BOOK 2------

[Click the external link]

DAGDAG IMPORMASYON:

Bago mo i-compare ang story ko sa iba at sabihing nanggaya ako, siguraduhin mong inintindi mo
muna ang binasa mo.

Basahin mo ng buo ang aking libro mula dito hanggang sa sunod na libro at kakainin mo ang
sinabi mo. Ngayon, kung sasabihin mong ayaw mong pag-aksayahan ng oras ang istorya ko, mawalang
galang na, wala akong pakialam sa'yo.

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like