You are on page 1of 5

ACTIVITY SHEET

Name of Learner/Pangalan:
Grade Level/Lebel:
Section/Seksiyon:
Date/Petsa:

ARALING PANLIPUNAN 7
Heograpiya ng Asya

Aralin 1: Ang Katangiang Pisikal ng Asya

Panimula (Susing Konsepto)

Isinasagawa ang gawaing pagkatuto na ito upang makatutulong sa iyo bilang isang mag-
aaral na handang maipagmamalaki at maitataguyod ang pagiging Asyano. Sa pag-aaral
ng Araling Asyano, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng heograpiya sa
kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano (Asya noon, ngayon at sa
hinaharap).

Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,
TimogAsya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia1.1)

Panuto:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa gawaing pagkatuto.
2.. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sapag-
wawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang pagawaing pagkatuto na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na geo daigdig at


graphein magsulat. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa
at ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran. (Project EASE)
Sa Asyanong pananaw, tatalakayin natin ang lokasyon, hangganan at pagkahati-
hati ng mga rehiyon sa Asya.
Ito ang araling inihanda para sa inyo.

Aralin 1 – Ang Katangiang Pisikal ng Asya


Pagkatapos mong pag-aralan ang gawaing pagkatuto na ito ay inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Timog- Kanlurang Asya at
Hilagang Asya;
2. Natutukoy sa mapa ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
3. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
4. Nakakagawa ng isang tula na magpapahayag ng kagandahan ng katangiang
pisikal ng Asya.

Katangiang Pisikal ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Tinatawag na


kontinente ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo. Iba’t ibang kaanyuang pisikal ang matatagpuan sa
Asya kagaya ng kinaroroonan, sukat at hugis, mga anyong lupa at anyong tubig.
GAWAIN 1: PAGSUSURI SA MAPA
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mapa ng daigdig at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang Kontinente?


2. Anu-ano ang mga kontinente sa mundo?
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
4. Saang kontinente nabibilang ang mga Asyano?

GAWAIN 2: KONSEPTONG NAIS KO, HULAAN MO, GAME KA NA BA?


Panuto: Tukuyin ang konspetong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng kahon.

GAWAIN 3: MAGBASA PARA MATUTO


Panuto: Tunghayan ang isang teksto tungkol sa kinaroroonan, sukat at hugis, mga anyong lupa at anyong tubig ng
Asya.
Kinaroroonan
Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Kabundukang Ural hanggang sa baybayin ng
Karagatang Arctic at tuloy-tuloy sa kipot Bering. Sa Silingan, ang hangganan ay mula Kipot Bering patungong
karagatang Pasipiko, kasama ang Hapon at Taiwan. Sa Timog, nakapaligid ang Dagat Timor hanggang
karagatang Indian at Dagat Arabia. Sa kanluran naman ang mga hangganan ay ang Dagat Arabia papuntang Dagat
Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus, Black Sea at Bundok Caucasus
hanggang Kabundukang Ural.
Mapapansin dingnapalilibutan ng mga anyong-tubig ang kontinente ng Asya. Sa Hiliga matatagpuan ang karagatang
Arktiko, sa Silangan ay ang karagatang Pasipiko, sa Timog ay ang karagatang Indian at sa kanluran ay ang Red Sea,
Mediterranean Sea, Black Sea, Caspian Sea at Kabundukan ng Ural. (Project Ease) Sukat at Hugis
Ang sukat ng Asya ay umaabot sa 44,339, 000 kilometrong kwadrado, kasama ang mga pulo nito. Sumasakop ito ng
ikatlong bahagi ng kapuluan ng daigdig. Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, katumbas ng Asya ang
pinagsamang sukat ng hilaga at timog Amerika, kasama ang Australia, at mahigit pa sa apat na beses na laki ng
Europa. (Project EASE)
Mga Anyong Lupa

Mga anyong lupa sa kontinente ng Asya tulad ng mga bundok, bulkan, talampas, kapatagan, lambak, disyerto,
kapuluan at tangway.
Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay ng kabundukan ng Himalaya. Ang
Mount Fuji ang pinakatanyag na bundok sa Japan. Sa Pilipinas naman, ipinagmamalaki ang Mayon at ang Taal ang
pinakamaliit na bulkan sa daigdig. Sa Indonesia naman ay ang bulkang Krakatoa. Ang Tibet ang pinakamalaking
talampas sa daigdig. Dito nagmumula ang malalaking ilog sa Silangang Asya. Nasa India naman ang malaking
talampas Deccan.
Matatagpuan ang malaking kapatagan ng Indus Ganges sa hilaga ng India. Ang lambak ng mga Ilog Huang Ho,
Yangtze at Amur sa Tsina ay may haba na 2,880 kilometro. Malawak din ang mga lambak ng mga Ilog Mekong sa
Indotsina, Ilog Chao Phraya sa Thailand, Ilog Irrawoaddy at Salween sa Myanmar. Sa Pilipinas naman, pinaka
malawak ang kapatagan ng Gitnang Luzon at Koronadal sa Mindanao.

Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ang mga disyerto. Nasa Tsina ang 1,440 kilometrong Takla Makam at ang
disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran, Iraq at India. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa
daigdig na binubuo ng 13,000 mga pulo. Ang hapon ay isa ring kapuluan. Ang tangway ay bahagi ng kapuluang
nakausli sa karagatan. Halimbawa nito ang mga tangway ng India, Indonesia, Saudi Arabia at Malaysia. Dahil sa
laki itinuturing ng ibang mamumulat na isang sub-kontinente ang India.

Mga Anyong Tubig


May mga anyong tubig din sa kontinente ng Asya tulad ng mga karagatan at dagat, ilog, lawa, golpo at look.
Maliban sa karagatang Atlantiko ang tatlong karagatan sa daigdig ay nakapalibot sa Asya. Ang mga ito ay ang mga
karagatang Pasipiko sa Silangang Asya, Karagatang Indian sa Timog, at ang Arktiko sa Hilaga.

Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang Timog Dagat Tsina, ang pinakamalaking dagat sa Asya ay
napapaligiran ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Ang Dagat Meditrranean, pangalawa sa pinakamalaking
dagat sa Asya, Aprika at Europa. Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika. Ang Dagat
Okhotsk ay nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Rusya. Ang Silangang dagat Tsina ay nasa silangan ng Tsina. Nasa
pagitan ng Turkey at Rusya ang Black Sea at nasa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Aprika ang Red Sea.
Nasa dulo ng Red Sea ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa Asya at mahabang ruta sa Asya sa halip
na umikot pa sa katimugang dulo ng Aprika. Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lema at Ob at nagsisimula sa
kabundukan, umaayos sa Rusya Dumadaloy sa India, Pakistan at Bangladesh ang mga Ilog Indus, Ganges at
Brahmaputra. Ang Huang Ho o Yellow River, Ilog Yantze at Ilog Amur ang malaking Ilog sa Tsina. Ang Ilog
Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590 kilometro.

Mula sa talampas Tibet, may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang Ilog Mekong na may habang 4,166
kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Indonesia hanggang Timog Tsina, ang ilog Chao Phraya sa Thailand, ang
mga ilog Irrawaddy at Salween sa Myanmar ang tumutuloy sa Dagat Andaman. Sa Pilipinas, ang Ilog
Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa Korea, pianamalaki naman ang Ilog Yalu. Ang mga ilog naman sa
Kanlurang Asya ay ang Tigris-Euphrates at Jordan. Sa lawa, pinakamalaki ang lawang Ural sa Hilagang Asya at
Rusya na may sukat na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ay ang
Balkash at Baikal. tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang pampang ng lawa ay pinagkukunan
ng asin sa Timog-Silangang Asya, ang lawa ng Laguna de Bay sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-tabang.
Isa sa mga mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na dinaraanan ng mga tanker ng langis. Malaki rin
ang Golpo ng Siam at Golpo ng Tankin, Golpo ngLingayen at Golpong Davao ang pinakamalaking golpo. Sa mga
look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang look ng Maynila sa Pilipinas ay isang likas na
daugan sa daig-dig ang North at South arbor. (Project EASE)
GAWAIN 4 : KAYA KO TO!
Kung ikaw ay isang turista na nais maglakbay at manirahan sa isang lugar/bansa sa Asya, ano ang iyong sariling
pananaw sa mga katanungan sa ibaba.
1. Anong lugar sa Asya ang pipiliin mo? Bakit?

_________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________
2. Anu-anong magagandang katangiang pisikal ng Asya ang sa palagay mo ay tanging sa ating bansa lamang
matatagpuan na maipagmamalaki mo sa buong mundo?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________
3. Masasabi mo bang mayaman ang Asya dahil sa taglay nitong katangiang pisikal? Bakit?

Tayahin

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya. Tinatawag
na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong
pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agricultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
4. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
5. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8

6. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural hanggang sa baybayin ng
karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko

7. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.


a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas

8. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa ____________.


a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
9. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong
lupa at anyong tubig/
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya
10. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6
11. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya maliban sa isa
a. Pilipinas c. Indonesi
b. Saudi Arabia d. Malaysia
12. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Karagatan d. Kontinent
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

13. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at interpresyon tungkol sa
kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganran ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
14. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang
taglamig at maigsi ang tag-init , ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyonay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tagulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng
isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng Kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas,
disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay
ng mga Asyano.

References for learners/Mga Sanggunian


\https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/https://conceptdraw.c
om/a1247c3/preview--Political%20map%20of%20Asia
https://www.conceptdraw.com/examples/southeast-asia-map
https://www.mapsofworld.com/world-map.pdf
https://www.atozmapsdata2.com/downloads/Lesson_Plans/R-ASIA-
geog2-LP.pdf
Books:
ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (ARALING PANLIPUNAN page11-35)

Answer Key/Susi sa Pagwawasto


Tayahin
1. A 2. A 3.D 4. A 5.C 6.A 7.C. 8.A 9.D 10.C 11.B 12.D
13.C. 14.A 15.D

Inihanda ni: ALJOFEBES C. OBEDENCIA

DON’T BE THE SAME


BE BETTER!
God Bless!

You might also like