You are on page 1of 10

MORPEMA

Morpema- ito ay ang pinakamaliit na yunit ng


wika na may kahulugan.

• Malayang morpema- ito ang mga


salitang-ugat o tinatawag ding
payak ang anyo o kayarian dahil
may taglay itong tiyak na
kahulugan.
• Di-malayang morpema –
kinakailangan pa itong ilapi sa
ibang morpema upang maging
malinaw at tiyak ang kahulugan.
Mga Anyo ng Morfema:

► 1. Morpemang binubuo ng salitang-ugat –


ito ay mga salitang payak, walang
kasamang panlapi.
• Halimbawa: tanim, sulat, gawa, itlog, bahay atbp.
► 2. Morpemang binubuo ng panlapi – Kilala
rin ito bilang di- malayang morpema
sapagkat inilalapi sa ibang morpema.
• Hal: alamin, antukin, hikain atbp.
Mga Uri ng Morpema:

► 1. Morpemang Pangkayarian – Ito ay


nakapagpapalinaw ng kahulugan ng buong
pangungusap katulad ng: ang, si, ng, sa,
pero, ka, ang, ba atbp.
► 2. Morpemang Pangnilalaman – Ito ay mga
salitang may tiyak na kahulugan at
nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng
pangungusap. Hal: sipag, tiyaga, hirap atbp.
Mga Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko:

► 1. Asimilasyon– ito ay ang pagbabagong


karaniwang nangyari sa tunog na /ng/ sa mga
panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa
impluwensiya ng kasunod na tunog ( unang
tunog ng salitang nilalapian).
Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa
mang- + bola = mangbola = mambola
sing- + tamis = singtamis = sintamis
Dalawang uri ng asimilasyon:

► 1.1 Asimilasyong di-ganap – ito ang


pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng
isang morpema dahilan sa impluwensiya ng
kasunod na tunog.
Halimbawa:
(pang) + dakot = pangdakot = pandakot
(sing)- + puti = singputi = simputi
(sing)- + rupok = singrupok = sinrupok
► 1.2 Asimilasyong ganap – nawawala ang
unang tunog ng nilalapian.
Halimbawa:
pan- + talo = pantalo = panalo
mang- + kuha = mangkuha = manguha
(pang)- + sukat = pansukat =panukat
2. Pagkakaltas ng Ponema – nangyayari ang
pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag
nilalagyan ng hulapi.
► Halimbawa:
bili + han = bilihan = bilhan
bukas + an = bukasan = buksan
tira + -an = tirahan = tirhan
dakip + -in = dakipin = dakpin
kamit + -an = kamitan = kamtan
3. Pagpapalit/ Pagbabago ng Ponema-
may mga tunog na nababago sa pagbuo
ng mga salita.
► Halimbawa:
ma- + dami = madami = marami
ka- + dagat + -an = kadagatan = karagatan
ka- + palad + -an = kapaladan = kapalaran
4. Metatesis – ito ay ang pagpapalitan ng
posisyon ng mga tunog sa isang salitang
nilalapian.

► Halimbawa:
lipad + -in = linipad = nilipad
yaya + -in = yinaya = niyaya
-in- + regalo + han = rinegaluhan = niregaluhan

You might also like