You are on page 1of 11

Morpema- ito ay ang pinakamaliit na yunit

ng wika na may kahulugan.

Malayang morpema- ito ang mga


salitang-ugat o tinatawag ding
payak ang anyo o kayarian dahil
may taglay itong tiyak na
kahulugan.
Di-malayang morpema –
kinakailangan pa itong ilapi sa
ibang morpema upang maging
malinaw at tiyak ang kahulugan.
Mga Anyo ng Morfema :
► 1. Morpemang binubuo ng salitang-ugat –
ito ay mga salitang payak, walang
kasamang panlapi. Halimbawa: tanim, sulat,
gawa, itlog, bahay atbp.
► 2. Morpemang binubuo ng panlapi – Kilala
rin ito bilang di- malayang morpema
sapagkat inilalapi sa ibang morpema. Hal:
alamin, antukin, hikain atbp.
► 3. Morpemang binubuo ng isang ponema –
Ito ay nangangahulugang kasariang
pambabae na isinasaad ng salitang-ugat.
Hal: duktor-duktora
Mga Uri ng Morpema:
► 1. Morpemang Pangkayarian – Ito ay
nakapagpapalinaw ng kahulugan ng buong
pangungusap katulad ng: ang, si, ng, sa,
pero, ka, ang, ba atbp.
► 2. Morpemang Pangnilalaman – Ito ay mga
salitang may tiyak na kahulugan at
nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng
pangungusap. Hal: sipag, tiyaga, hirap atbp.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko:
► 1. Asimilasyon – ito ay ang pagbabagong
karaniwang nangyari sa tunog na /ng/ sa
mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing-
dahilan sa impluwensiya ng kasunod na
tunog ( unang tunog ng salitang nilalapian).
Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa
mang- + bola = mangbola = mambola
sing- + tamis = singtamis = sintamis
Dalawang uri ng asimilasyon:
► 1.1 Asimilasyong di-ganap – ito ang
pagbabagong nagaganap sa pusisyong
pinal ng isang morpema dahilan sa
impluwensiya ng kasunod na tunog.
Halimbawa:
pang- + dakot = pangdakot = pandakot
sing- + puti = singputi = simputi
sing- + rupok = singrupok = sinrupok
► 1.2 Asimilasyong di-ganap – nawawala ang
unang tunog ng nilalapian.
Halimbawa:
pan- + talo = pantalo = panalo
mang- + kuha = mangkuha = manguha
Pagkawala ng Ponema – sa uring ito,
nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat
kapag nilagyan ito ng hulapi
► Halimbawa:
 tira + -an = tirahan = tirhan
 dakip + -in = dakipin = dakpin
 kamit + -an = kamitan = kamtan
3. Paglilipat-diin – ito ay nagaganap kapag
ang salitang-ugat ay hinuhulapian .
► Halimbawa:
 sira:in hawa:kan putu:lin
4. Pagbabago ng Ponema- may mga tunog
na nababago sa pagbuo ng mga salita .
► Halimbawa:
 ma- + dami = madami = marami
 ka- + dagat + -an = kadagatan = karagatan
 ka- + palad + -an = kapaladan = kapalaran
5. Pagkakaltas ng Ponema – nangyayari ang
pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig
ng salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng
hulapi.

► Halimbawa:
 bili + han = bilihan = bilhan
 bukas + an = bukasan = buksan
6. Metatesis – ito ay ang pagpapalitan ng posisyon
ng mga tunog sa isang salitang nilalapian.

► Halimbawa:
 lipad + -in = linipad = nilipad
 yaya + -in = yinaya = niyaya
 -in- + regalo + han = rinegaluhan = niregaluhan

You might also like