You are on page 1of 1

CORE SCIENCE ACADEMY, INC.

NUTRIWIKA 2020 - 2021


E-LAHAD
(Paggawa ng Sanaysay)

Panuntunan:

1. Ang mga kalahok sa E-Lahad ay mga mag-aaral ng Core Science Academy sa alinmang antas.

2. Ang panuntunan, pamantayan sa pagmamarka at ang tema ay nakalahad sa schoology bago simulan
ang patimpalak.

3. Ang sanaysay na ito ay dapat umiikot sa tema na ibibigay ng inyong guro sa Filipino sa oras ng
patimpalak.

4. Lahat ng sanaysay ay isinulat sa Filipino. Ang bilang ng mga salita ay hindi dapat bababa ng tatlong
daan (300) at hindi lalagpas sa anim na daan (600).

5. Ang lahat ng mga sanaysay ay dapat orihinal at hindi pa nailathala.

6. Ang lahat ng mga nakatala ay dapat nakasunod sa mga espesipikasyon:

 Digitalized (.doc format)


 Filename: SN_FN (DelaCruz_Juan)
 Font: Times New Roman, Size: 12, Justify
 Margin: 1 (Left), 0.5 (Right), 1.5 line and 2 paragraph spacing

7. Isa’t kalahating oras lamang ang ibibigay sa paggawa ng sanaysay. Ang lahat ng lalagpas sa sinabing
oras ay hindi na maaaring magpasa.

8. Anumang sanaysay na ipinasa na ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin.

9. Ang lupon ng mga hurado ay binubuo ng mga indibidwal na may likas na kakayahan sa larangan ng
panitikan at pagsulat ng sanaysay. Ang desisyon ng mga hurado ay hindi maaaring palitan.

10. Ang mga kalahok ay huhusgahan base sa ibinigay na pamantayan. Tatlong sanaysay ang magwawagi
sa kada baitang para sa patimpalak na ito.

Pamantayan ng Pagmamarka:

Nilalaman 45%

Kaugnayan sa Tema 30%

Paggamit ng Salita 25%

Kabuuan 100%

You might also like