You are on page 1of 2

“PANGAKO”

Ikaw lamang ang laman nitong puso ko,

yan ang palaging sinasabi mo.

Kay dami mong binitawang pangako,

at naniwala naman ako.

Akala ko magiging tayo hanggang dulo,

ngunit bigla ka nalang nag bago.

Hindi na tayo nagkakaintindihan.

Palagi nalang tayong nagsisisihan.

Puro nalang sigawan at alitan.

Pagod na pagod na akong masaktan.

Kaya naisipan ko nalang na tigilan

itong pag-ibig na mukhang wala namang patutunguhan.

Gusto ko pa sanang kumapit.

Ngunit sa bawat hawak ko nang mahigpit,

puso ko ay patuloy lamang na namimilipit.

Hindi ko na kaya pang tiisin ang sakit.

Kaya hindi ko na lamang pa ipinilit

at kumawala nalang kahit mapait.

Ngayon ako’y unti-unti nang natututo

mula sa iyong mga pangako na napako.

Hindi mo man natupad ang mga ito,

alam kong darating ang tamang tao

na pupunan ang mga pagkukulang mo.

Kaya pangako ko sa sarili ko, hinding hindi ako susuko.


Darating din ang lalaking tutuparin ang kanyang binitawang pangako.

You might also like