You are on page 1of 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.

Piliin ang titik ng tamang


sagot at isulat sa patlang.
c 1. Ang lahat ng pahayag ay nagsasaad ng talumpati ni Dilma Rousseff maliban sa isa
a. sugpuin ang kahirapan c. sugpuin ang droga
b. labanan ng inflation    d. mapanatili ang kapayapaan
d 2. Ito ay isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan tungkol sa isang mahalaga at
napapanahong paksa sa paraang  pasalita sa harap ng mga tagapakinig.
a. mitolohiya b. nobela c. dagli d. talumpati
d 3. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
            a. Loki   b. Utgaro- Loki c. Logi d. Thor
b 4. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa walang
kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya. 
            a. Samson at Delilah b. Romeo at Juliet c. Florante at Laura d. Thor at Loki
d 5. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-Ibig?”
           a. Pag-ibig sa ama/ina      c. pag-ibig sa kaibigan     
b. pag-ibig sa kapatid        d. pag-ibig sa kasintahan/asawa
c 6. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?
a. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
b. upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
c. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng pamumuhay,paniniwala at
kultura ng sang bansa
d. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.
d 7. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng pandiwa ito ay nasa
pokus sa .
a. layon b.pinaglalaanan c. sanhi d. tagaganap
c 8. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
a. Pangngalan b. panghalip c. pandiwa d. pang-uri
c 9. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Juliet?
a. sinaksak siya ni Tybalt. c. sinaksak niya ang kanyang sarili
b. uminom siya ng lason d. nagkasakit dala ng matinding gutom
b 10. Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa dula?
a. Pagpapapatay sa minamahal ng anak.
b. Pagpili ng lalaking pakakasalan ni Juliet.
c. Pagbabawal kay Juliet na lumapit sa ibang lalaki.
d. Pagbabawal kay Juliet na makikipahalubilo sa ibang angkan.
a 11. Anong elemento ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan at
sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula?
a. Talinghaga b. Tono c. Sukat d. Tugma
a 12. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay ang ginamit
sa pangungusap?
a. Pagtatao b. Pagmamalabis c Pagwawangis d. Pagtutulad

c 13. Bakit itinuturing ng marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young?
a. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko
b. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.
c. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan
d. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan.
c 14. Ako ay may ibibigay na handog sa nanay ko. Ano ang ibig sabihin ng salitang handog sa
pangungusap?
a. pagdiriwang b. kasiyahan c. regalo d. surpresa
b 15. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela,
maikling kuwento, tula,sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.
a. Dagli b. Suring Basa c. Maikling kuwento d. Talumpati
a 16. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-ulit na ninanais
ni Santiago?
a. Sana siya ay bata pa.
b. Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
c. Sana ang lahat ng mangingisda na nag-aalipusta sa kanya ay naroon para maging saksi sa
kanyang tagumpay
d. Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.
c 17. Ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.
a. katawan b. panimula c. paksa d. wakas
c 18. Bahagi ng pananalita na nagbibigay –turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. pandiwa b. pangngalan c. pang-abay d. pang-uri
d 19. Nagkasakit ang kanyang anak dahil nabasa ng ulan. Anong kaganapan ang ginamit sa
sinalungguhitang salita?
a. direksyunal b. layon c. ganapan d. sanhi
a 20. Ano ang layunin ni Pangulong Rousseff sa paghahatid ng kanyang talumpati?
a. maiahon ang bansa sa kahirapan c. magkaroon ng maraming kakilala
b. makalikom ng maraming pondo para sa bayan d. maipakita na siya ay magaling
kaysa naunang Pangulo

You might also like