You are on page 1of 1

Karagdagang Gawain:

Ang mga Aeta ay mga katutubong mga


tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at
liblib na mga bahaging bulubundukin
ng Luzon sa Pilipinas. Itinuturing sila bilang
mga Negrito, na mayroong mga balat na
maiitim o madidilim ang pagkakayumanggi,
mayroong mga tampok na katangian ng
pagiging maliliit ang taas, maliliit ang
balangkas at buhok na kulot na katulad ng
sa mga maiitim na tao ng Africa. Mayroon
din silang maliliit na mga ilong at madidilim
na kayumangging mga mata. Iniisip na sila ang pinakamaagang pangkat ng mga
taong nanirahan sa Pilipinas, bago pa man naganap ang pandarayuhan o pagdating
ng mga taong Austronesyo. Ang kanilang tradisyon ay ang pangangaso at sa
paghahanap ng makakaing halaman sa kanilang kapaligiran. Bihasa din sila sa
pangingisda gamit ang sima, bitag, sibat at lambat. Masasabing ang mga katutubong
Aeta ay bihasa sa pamumuhay sa kabundukan at kagubatan. Sa kanilang kultura sa
pag-aasawa ay dapat iisa lamang ang kanilang asawa at pinagbabawalan na
makapag asawa sa malapit na kamag-anak.

You might also like