You are on page 1of 17

AETA M

a
k
u
l
a
y
n
a
m
u
n
d
o
n
g
m
g
a
a
e
t
a
1
Ang mga Aeta, Ayta, Agta, o Ati , ay mga katutubong mga tao o pangkat-
etniko na nakatira sa kalat at liblib na mga bahaging bulubundukin
ng Luzon, Pilipinas. Itinuturing sila bilang mga Negrito, na mayroong mga balat
na maiitim o madidilim ang pagkakayumanggi at mayroong mga tampok na ka-
tangian ng pagiging maliliit ang taas, maliliit ang balangkas, mayroong mga
buhok na kulot na katulad ng sa mga maiitim na tao ng Aprika na mayroong ma-
pusyaw na kulay na buhok na kung tawagin ay blondismo. Mayroon din silang
maliliit na mga ilong, at madidilim na kayumangging mga mata. Iniisip na sila ang
pinakamaagang pangkat ng mga taong nanirahan sa Pilipinas, bago pa man naga-
nap ang pandarayuhan o pagdating ng mga taong Austronesyo.

KULOT

KAYUMANGGING
MATA

MALIIT NA
ILONG

MAITIM NA
BALAT
1
M atatagpuan ang pangkat ng mga Aeta
sa halos lahat ng dako ng kapuluan.May iba’t
Pulut-pukyutan ang espesyal na
pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at
iba silang pangalan sa iba’t ibang lugar. Higit Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga
silang marami sa Luzon. Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na-
pukyutan at ng latak na nakukuha sa
Ang mga Ita sa iba’t-ibang parte ng bahay ng pukyutan. Bawal sa kanilaang
Luzon ay ginagamit ang wikang Ayta. pag-aasawa sa malapit na kamag-anak.
Subalit nagkaroon ito ng mga diyalekto, Ngunit pinapayagan ang ilan na
halimbawa na lamang ay ang Ayta Abellen magpakasal sa pinsang buo matapos ga-
na ginagamit ng mga Ita sa probinsya ng napin ang ritwal na paghihiwalay ng
Tarlac; Ambala Ayta na siya namang gi- dugo. Isa sa kanilang kilalang tradisyon
nagamit ng mga Ita sa Subic; Bataan Ayta at ay ang pagsusugat ng katawan. Ito ay
Magbukan Ayta, na ginagamit ng mga Ita sa sadyang pagsusugat sa kanilang ka-
Mariveles; at ang pang lima ay Mag-antsi na tawan at pagsusunog upang makabuo
gamit ng mga Ita sa Zambales. Nawawala na ng peklat. Ang mga Aeta ay may mga
rin ang orihinal na wika ng mga Ita dahil palamuti rin at isa sa kanilang palamuti
inangkin na nila ang wika ng mga taga- sa katawan ay ang pagpipingas ng ngi-
kapatagan na kanilang nakakasalamuha, ga- pin. Ang kanilang paggamot naman ay
ya na lamang ng Tagalog at Tag-lish. galing sa mga herbal na kaalaman.

2
MOTHER
OF
FESTIVALS
Ang Pistang Ati-Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan
ng Santo Niño sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay.
Ang katagang Ati-Atihan ay nangangahulugang “tularan ang Ati”,
ang katutubong pangalan para sa mga Aeta, ang mga unang
nakipamayan sa Panay at mga iba pang bahagi ng kapuluan.
Noong una, ang pista ay isang paganong pagdiriwang upang ala-
lahanin ang Palitan ng Panay, kung saan nagtanggap ang mga Aeta
ng mga regalo mula sa mga Borneanong Datu, na tumakas kasama
ng kani-kanilang mga pamilya mula sa isang malupit na pinuno,
kapalit ng pahintulot na makatira sa mga lupain ng mga Aeta.
Nagdiwang sila sa pamamagitan ng sayaw at musika, at pinintu-
rahan ng mga Borneo ang kani-kanilang katawan gamit ang uling
upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pakikipagkaibigan sa
mga Aeta na may maiitim na balat. Nang maglaon, binigyan ang
pista ng ibang kahulugan ng simbahan—ang pagdiwang ng pag-
tanggap ng Kristiyanismo, na isinasagisag ng pagkarga ng imahe
ng Santo Niño sa panahon ng prusisyon.

3
IKATLONG LINGGO NG ENERO

4
Maitim.
Pandak.
Pango.
Kulot and buhok.
Mga nagtataasang bundok, ingay ng mga asong
tumatahol, hangin na sumisibol, at dapog na nag-
iilawan sa mga kubo. Gamit ang pana at matutulis na
palaso, tuwing sisikat ang araw, ang mga aeta ay handa
ng mangaso sa kagubatan. Sila rin ay nangingisda sa
ilog at nagsasaka. Sila ay matatagpuan sa mga ma-
bubundok na bahagi ng Luzon, Pilipinas.
Hindi madali ang buhay ng mga aeta, sapagkat
malimit ang kanilang pamumuhay. Dahil sila ay nakati-
ra sa mga bundok at malayo sa siyudad, wa rin silang
Isang Posibleng kuryente, gumagamit lamang sila ng lampara upang
mailawan ang madilim na gabi. Ngunit di ito naging
Imposibleng hadlang kay Norman King upang makamit ang kani-
yang pangarap. Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa UP -
Pangarap Manila sa kursong BA BEHAVIORAL SCIENCE. Nasa
kultura ng mga Aeta ang mag asawa ng maaga, ngunit
naging inspirasyon si Norman na mahalaga ang pag-
aaral upang makamit ang mga ninanais sa buhay at
upang makasabay rin ang mga aeta sa mga pagbaba-
gong mangyayari sa hinaharap.
Maitim.
Pandak.
Pango.
Kulot and buhok.
Ganito man sila ilarawan, patuloy paring lalaban,
makamit lang ang kanilang inaasam-asam na kaginha-
waan. Si Norman King ang isa sa mga patunay na wa-
lang imposible sa mga bagay na gusto mong makamit,
kahit naiiba ang iyong kulay at pananamit. Pag ika’y
magsumikap siguradong maabot mo ang iyong mga
pangarap.

5
KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN

Karamihan sa mga Ita ay lumisan sa bundok


at manirahan sa lungsod. Dahil sa pagkasira ng ka-
nilang mga tirahan sa bundok dulot ng ilegal na
pagpuputol ng mga puno, pagkakaingin at pag-
mimina.

6
Norman King :
Paghahangad sa Pagbabago

loob ng dalawa at kalahating taon. Sinabi rin niyang


nagtrabaho siya bilang isang call center agent ngunit
may mas malaking pangarap pa siyag nais maabot. “’I
wanted to get promoted, yung routine ng trabaho ko
ay paulit- ulit ,” dagdag pa niya . “Subalit hindi siya
ganon kadali. Kailangan degree holder ka, so wala pa
ako nun dati. Kaya nagdasal ako na sana makapag-
aral ako sa kolehiyo"

Noong nagkaroon ng pagkakataong makapag


-aral ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Be-
havioral Sciences si Norman sa UP. Kinuha niya ang
kursong ito sapagkat mas gusto pa niyang maintindi-
han ang kanilang tribo at matulungan ang mga ito.
Marami raw ang mga interesado sa kanilang tribo,
marami ang pumupunta sa bundok para pag-aralan
sila subalit sa kabila ng lahat ay walang pagbabagong
naganap sa kanilang pamayanan. Nang dumating
siya sa Manila ay maraming naging interesadong

S ino nga ba ang hindi nakakakilala sa sa kau-


kausapin siya nang sinabi niyang siya ay isang katu-
tubo. "Mas interesado silang malaman kung taga-
na- unahang katutubong aeta na nagtapos ng kole-
saan ako, kung ano salita namin. ’Yung gusto talaga
hiyo sa UP? Talaga namang walang katulad ang
nila malaman kung ano pa ako,” sabi niya.
kuwento ng kanyang buhay. Isang indibidwal na
nagpatunay na walang anumang balakid ang maka-
kapigil sa isang taong may pangarap.Isang aeta na
naghahangad ng pagbabago hindi lamang para sa
kanya ngunit pati na rin sa kanyang tribo.

Isinasalaysay niya ang kuwento ng kanyang


pakikipag sapalaran sa isang programa sa telebisyon.
Pinagsabay niya ang pag- aaral at pagtatrabaho sa

7
“Sa amin ang tingin sa amin lesser of an individual. Dito
mas na-appreciate pa ako.” Sinabi pa niyang hindi niya kailangang
mag- adjust sa buhay sa UP at hindi niya naramdaman na iba siya
sa spagkat tinanggap siya ng buo at naging mabait sa kanya ang
lahat. Hinangad niyang makapagtapos at mabago ang kalagayan
ng kanilang tribo. Sa pamamagitan ng kanyang pakikipagsapalar-
an ay nagbunga ang lahat ng ito. Kinilala siya bilang kauna- una-
hang katutubong aeta na nagtapos ng kolehiyo at mas maraming
nagbukas ng kanilang pinto para sa kanya. Nawa'y maging inspira-
syon sa lahat ng kabataan ang kanyang kuwento.
8
ALAM MO BA?

Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa


hilagang Luzon.Ibuked naman
ang tawag sa mga Aetang nakatira
nang malayo sa mga kapatagan.
Sa Kofun, Diango, Palanan at As-
sao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang
tawag sa kanila. Sa Palawan, Ba-
tak ang tawag sa kanila. Sa Si-
langang Quezon, Rizal at Bulac-
an, Dumagat ang tawag sa mga

Hindi pa rin naalis sa kanila ang


kultura ng pangangaso at pa-
ghahanap ng mga pagkain mula
sa mga halaman sa kapaligiran.

Naniniwala ang mga Aeta na


may mga ispiritu ang lahat ng
mga nasa kapaligiran tulad ng
ilog,dagat,bundok at iba pa.

/Ayta/
Gumgamit sila ng dahon ng halaman upang
ipang takip sa kanilang ulo na nagsisilbing
proteksyon sa init o sikat ng araw at maging sa
ulan.
/Ayta/
/Ayta/

9
“ Ang Ita ay sinasabing naiiba sa lahat
Dahil ito sa kulay ng kanilang balat
At sa buhok nilang hindi unat.
At sa kadahilanang sila'y naiiba sa madla

May iba na ikinahihiyang sila ay isang Ita

Ngunit kung kasaysayan ang magiging basehan


Pagiging Ita ay nararapat ipagmalaki
Sapagkat ang mga taong ito ay ang unang nanirahan
Sa bansang bansag ay Perlas ng Silanganan

At kung ang impormasyon na ito ay hindi parin sapat


Para isantabi ang hiya at ipagmalaki ang kinabilangang pangkat
Siguro ay nararapat na hanapin ang pagkakatulad
Sa mga tribong naninirahan sa bansang pinalad.

Sa tangkad, klase ng ilong, at ang kulay ng mata ay makikita


Pagkakapareho ng Ita sa ibang grupo sa bansa
At kung sa paniniwala naman ang pag-uusapan
Ang mga Ita ay hindi nalalayo sa iba sapagkat isang Diyos lamang ang kanilang sinabamba-
han.

Kahit ang pagkakatulad na nabanggit ay malimit lang

Nawa'y ang mensahe na nais ihatid ay na intindihan


Nang sa gayon ay kahit ano mang makitang kapintasan

10
Kamusta, ang ngalan ko ay Ingga. isa akong Aeta na naninira-
han at nag aaral dito sa Zambales.
Ayri emen kawna, hay ngalan ko ay Ingga. Hiko ay mihay aeta
ya nakapaire boy ampag aral bayre ha Zambales.

Maraming mga bata dito, merong mga katulad ko


pero mas marami ang hindi.

Malake ya aw anak bayre, maen kapareho ko, pero


mas malakê ya alwa.

Pero alam kung minsan ay nararamdaman ko na


naiiba ako sa kanila, sa itsura, at sa pinanggalin-
gan at minsan sa pinaniniwalaan.

Pero nu minghan, angkatanam ko ya kanayon hako


kunla, ha itsura ko, ha ibatan ko boy nu minghan
ha pamimintuo ko.

Tuwing nararamdaman ko ito, umakyat ako sa aming lugar


para makipag kita kay Tay Panyong.

Nu angkaihipan ko bayto, ampurong hako ha baryo nawên


embes makipapano kay tatang Panyong.

At kinikwento nya ulit sa akin ang kwento kung


paano nagkakilala ang mga magulang ko.

An-uman human na kungko nin ikwento nu pangno


napibalay ya maw matountawo ko.

Sabi niya ang mga Aeta daw ay mula kay Apo


na Malyare (manlilikha). Sya ang gumagabay
daw sa amin.

Wana kungko hay aw Aeta kano ay naibat koy


Apo na Malyare (namamalsa). Hiya kanu ya
permi nin mangiatap kunnawên.

Ginawa daw niya kami ng maitim, kulot, maliit at masaya.

Ginawa na Kay kanu nin mangitit, kêlêt, mayamo boy ma-


ligya.

11
Minsan nakikita rin kaming mga Bahileng at mga lalaki naman naka-Lubay, sinusuot daw ito kapag sinasayaw
ang mga katutubong sayaw tulad ng Talipe. Sa Talipe sumasayaw ang buong bayan, ginagaya ang mga ibon,
unggoy, minsan nga pati langaw.

Minghan angkahêlek lakay ya nakabahêlêng boy hay law lalaki itaman ay nakalubay, an ihulot kanu bayte nu am-
pagbayle ya aw-Aeta nin bilang ha talipe. Isa sa mga sayaw ng mga Aeta ay lang talipe at maraming may alam sa
sayaw na ito sa kaugalian ng mga Aeta madami sa kanila na marunong gumaya sa mga hayop, halimbawa
unggoy, langaw, pugo,ibon at iba pa.

Pero isang araw, may sayaw para sa mga nagliligawan at doon nakilala ng aking ama ang aking ina.

Mihay allo maen ampagbayle nin maramag, kaya bayro nabalayan nin tatang ko ya nanang ko.

Sa una, sinusubukan ng aking ama, kasama ng kanyang mga kaibigan, na kantahan ang aking ina gamit ang mga
gitara at tansi.

Ha una, hinubok nin tatay ko lamoy kalalamwan na nin makon magharana ko ni nanang ko ya gamit ya gitara'y
mimihay kwerdas.

Pero noong nag laro siya ng basket at bola kasama ang mga kaibigan niya, doon na tuloyang nahulog ang loob
nang aking ina hindi lang dahil sa kanyang galing ngunit sa kakayahan nyang makisama sa iba.

Pero him nagdagaw hilan basketball nin aw ayta ay baryo narabo ya kanakêman ni nanang ko kuni tatang ko. Al-
wan bana ta magaling ya nu alwan magaling ya et makilamo.

Dahil doon nagkaroon ng isang Pahungaw sa pagitan ng pamilya ng aking ama at ina. Ang dami daw pagkain
doon!

Kaya bana bayro ta napisundo hilay na, ay nagkamaen hana nin pahungaw ha pihaêtan nin pawpartes la.

Pero syempre inabot ng aking ama ang Butno at pinag-usapan din kung ano ang magiging bandi ang aking ina.

Maya boy nagkamaen hilan pamisara ya butno boy pinielguhan hana sempre ya hatoy bandi ni tatang ko koy
nanang ko.

Ang pahungaw ng aking ama ay ang pag akyat nila nang isang sakong bigas at isang buo ng baboy sa bundok pa-
ra magsama ang dalawang pamilya.

Hay empahungawni tatang ko ay mihay sakon buya boy mihay buo ya baboy ya inlakat ha bakel nu ayre ya ampa
eryan nin nanang ko.

12
Pagkatapos ng lahat ng iyon, tuluyan ng nagsama ang aking mga magulang, ang sabi ni Tay Panyong.

Ayon ha kwento ni tatang panyong ay bayro'y na nilamo ya mawmatuontawo ko.

Ngunit ang laging bilin ni Tay Panyong sa akin ay hindi nagyari iyon kung hindi nagtulungan ang pamilya para
matuloy ang kasal.

Pero hay pirmin bibilin kungko ni tatang panyong ay ahê daye mangyare bayto nu alwa ha pangapitatambay nin
pawpamelya embes matuloy ya kahalan.

Sabi din niya sa akin, na minsan talaga may pagkakaiba ang mga taong nakakasalamuha natin sa buhay lalo na
sa pilipinas.

Halita na et kungko, ay maen talagang kaibahan ya tawtawo lalo hana di ha pilipinas.

Ang tatandaan ko lang naman ay hindi ako nag iisa sa aking pagiging Aeta.

Basta hay tanda ko ha sarili ko ay agko ampagmimiha.

13
SA MATA NG
ISANG AETA

14
KATUTUBONG AETA:
ISABAY SA MOD-
ERNISASYON
Hindi natin maipagkakaila na ang mga sinaunang
katutubo at etniko ang mga unang taong nanirahan
sa ating bansa at siyang humubog sa ating pagka-
kakilanlan bilang isang Pilipino. Nagpapatunay
na riyan ang ilang libong tanda na mga kultura na
kanilang pinapahalagahan hanggang sa ngayon.
Mula sa mga sinaunang kagamitan, katutubong
sayaw, orihinal na lengwahe, natural na pamumu-
hay at natatanging pisikal na katangian ay madali
nating nakikila ang mga katutubong ito. Isa sa
mga katutubong matagal na naninirahan sa mga
kabukiran ng Luzon ay ang mga Katutubong Ae-
ta.
Kilala ang Katutubong Aeta sa kanilang pa-
mumuhay na pangangaso at pagsasaka sa mga
kagubatan at lupain ng kanilang mga ninuno
tinatawag na ancestral Domain. Tahimik silang namumuhay sa mga kabundukan at umaayon sa pa-
mumuhay ng kalikasan ngunit sa pamamagitan ng patuloy na pagpasok ng mga populasyon na hindi ka-
tutubo ay naapektuhan ang kanilang pamumuhay. Maraming lupain ng mga katutubo ang pinapakiala-
man ng mga negosyante upang tayuang ng mga gusali o gawing minahan na kung saan naaapektuhan na
rin ang kanilang pangunahing pamumuhay na pangangaso at pagsasaka. Ang magiging pinakaepekto ng
pagkawala ng kanilang kabuhayan ay mawawalan na sila mapagkukunan ng pagkain na siyang dahilan ng
pagbaba o pagluwas nila sa mga syudad mula sa mga kabukiran. Mahihrapan na rin silang pangalagaan
ang kanilang kultura at maari itong mawala kasabay ng mabilis na pagunlad ng modernisasyon.
Isa sa mga suliranin ng mga Aeta ay ang pagpapalawak ng mga negosyo at kumpanya ng mga nego-
syante na pumapabor sa mga nagmamay-ari ng mas maraming lupa. Halimbawa na dito ang umuunlad
na lungsod ng Clark na siyang nakakaranas ng paglago ng mabilis na ekonomiya. Ang mga pag-aari ng
mga lupain ay binibili para sa pagtatayo ng mga imprastraktura tulad ng mga gusali. Ang mga pag-aaring
ito ay kinabibilangan ng mga lupain ng ninuno ng mga Aetas. Ang pamumuhay ng mga Aeta ay unti-
unting nagbabago at apektado ng iba't ibang impluwensya sa labas ng kanilang sariling pamayanan. Ayon
sa isang dokumentaryo na nagpapakita ng pananaw ng mga Aetas, ipinapakita rito kung magkano ang
kinukuha sa kanila at kung paano ang kanilang pinagkukunan ng pamumuhay ay hindi patas na gi-
nagamit at kung paano rin sila isahan ng mga taong umaapi sa katutubong pangkat.
Sa kabilang banda, ang mga tao ay masyadong nakikibahagi sa pamumuhay sa pagsulong ng
teknolohiya. Ang iba't ibang mga uri ng makabagong makinarya na ginagawang mas mahusay at mas
pinadali ang buhay ng mga tao ay lumilikha rin ng mga problema na hindi kailanman umiral bago ang
modernong mundo. Ang mga katutubong Aeta ay isa sa mga nahihirapan kung paano maihahambing sa

15
IKATLONG PANGKAT:
Editor: Klarenz B. Donguines
Members:
CAYUNDA, CORDANO, COSAL,
DABLE, DELA ROSA,
DINGCONG, ESCUADRA, FELIPE

IPAPASA KAY:
Bb. Edna Alon

FIL101A - 1K
S.Y. 2020 –2021

modernong pamantayan ng pamumuhay ngayon


ang kanilang nakasanayang pamumuhay. Madaling
bigyan ng makabagong mga teknolohiya ang mga ka-
tutubong ito kung mabibigyan lamang sila ng sapat
na kaalaman at pasilidad upang makipagsabayan sa
pagunlad ng mga makabagong kagamitan. Maaring
mag-iba ang kanilang pamumuhay kung sasamahan
ito ng mga mabibilis na mga makinarya ngunit kung
meron silang alam sa labas ng mundong kanilang gi-
nagalawan ay madali nilang malalaman kung saan sila
lulugar sa paraan na naaayon sa kanilang pamumu-
hay.

Bilang isang mamamayan kailangan natin kilala-


nin ang mga iba’t ibang uri ng tao na namumuhay
kasama natin. Maaaring naaiba ang kanilang pa-
mumuhay sa atin ngunit kailangan natin intindihin
ang kanilang sitwaston at kung sila ay nahuhuli man
sa pagusbong ng modernisasyon ay kailangan natin
silang tulungan makipagsabayan na hindi nawawala
ang kulturang kanilang kinagisnan.

16

You might also like